#FanGirl
Walang kinalaman ang tadhana kung bakit nagkrus ang landas naming dalawa. Kahit kailan hindi ako naniwala sa destiny. Sarili ko lang ang inasahan ko.
Ako, lagi lang sumusunod. Humahabol. Nag-aabang kung saan at kailan 'siya' darating. Inaalam ko ang mga schedules niya. At kinakarir ko ang pagpunta sa kung saan mang lupalop 'siya' pupunta.
Teka. Bago ka mag-assume, hindi ako stalker. Fan ako. Super-fan na ako ng Boys XD since the dawn of their existence. Yes, 'yong boy band nga. Hindi ka nagkakamali.
Karamihan ng mga classmates ko baliw sa Kpop. Ako, addict sa Boys XD. Kaya andito nga ako, nakikipagsiksikan sa dami ng mga fans.
"Tabi, tabi!" sigaw ng best friend kong si Toni habang nakikipagbalyahan para makapunta kami malapit sa stage. "Bestie! Halika dito dali!"
Hinila niya ako papunta sa harap.
"Aray!" Siniko ko siya. "Bakla naman, mabali-bali ang balikat ko ah. Nananakit?"
Umarko ang kilay niya. "OMG! Reklamo much? Para sa'n pa na may physical ability ako ng mean kung 'di ko naman iyu-utilize?" Naningkit ang mga mata niya habang hine-head to toe ako. "Hagardo Verzosa ang peg mo bestie? Pa'no 'pag tuluyan na kayong nagkadaupang-palad ni Fafa Elrik maylabs niyan? Ka-turn off ka ha."
Inirapan ko siya. "Grabe ka sa'kin, bes. Ba't nalimutan kong chaka 'ko? Kailangan talagang ipaalala? Para namang may mai-improve pa 'to?" Tinuro ko ang mukha ko. "'Pag friend na natin si Vicky Belo t'saka ka na mag-demand ng kagandahan galing sa'kin."
"Sabagay. Tapos magiging trulaling mujer na ang lola mo," sagot niyang tumatalon-talon pa sa excitement. "Apir!"
"And tonight's special guests," simula ng announcer. "To perform their latest single, Nasa'n Ka Na?, para busugin ang inyong mga mata, inyong mga tenga at inyong mga puso-extra dreamy, extra delightful, extra delicious-BOYS... XD!!!"
Ilang segundo pa at napuno na ang buong mall ng tilian. Lumabas na ang apat na miyembro ng Boys XD. Siyempre nakitili rin kami.
Unang umakyat sa stage si Jaden. Pinakagwapo. Boy next door material. Tisoy kasi. Sumunod si Elrik. Siya naman ang pinakamagaling sumayaw sa kanila. May bad boy reputation. Rumored na maloko sa babae. Lalong lumakas ang tilian nang nasa stage na si Gabriel-leader ng grupo, sabi nila pinakamagaling daw kumanta sa apat kaya pinaka-popular. Kasunod niya ang kuya niyang si Andrei. Si Andrei...
Sa totoo lang, hindi siya gaanong stand out sa apat na members. Gwapo naman. Lahat naman sila eh. Sumasayaw. Kumakanta. Bukod sa sinasabi nilang mabait-boring-wala namang special sa kaniya. At least, iyon ang akala ko noon.
"Elrik! Elrik!" Puro 'yon ang sinisigaw ko mula simula hanggang huli. Siya kasi ang pinapantasya namin ni Toni.
Parang ilang segundo lang ang isang oras. Walang dull moment. Tuwing nakikita ko si Elrik, pakiramdam ko tumatalon ang puso ko. Siguro, talagang may "something" lang ako sa mga bad boy. Lalo na sa guy na magaling sumayaw.
Nang papatapos na 'yong show, hinablot ni Toni ang kamay ko at hinila ako paalis ng audience area.
"Bes! Teka! Sa'n tayo pupunta? Hindi pa tapos 'yong-"
"Gusto mo bang makita nang malapitan si Fafa Elrik o hindi?"
Tingin pa lang, alam ko nang may binabalak siyang kaeklatan. Pero mas nanaig pa rin ang pagka-fan girl ko. "Gusto."
Ngumisi si Toni. "Tara."
Gumapang kami sa ilalim ng barricades at naghintay ng tiyempo. Nasalisihan namin ang mga guwardiya habang busy sila. Halos magwala na kasi ang mga fans habang pababa na ng stage ang Boys XD.
"Ihanda mo 'yung phone mo," sabi ni Toni. "Ready... sugod!"
Feeling ko para akong nagta-track and field kahit lampa ako. Parang kaya kong gawin kahit ano para lang kay Elrik. May mga bodyguards na humarang sa akin. Nakipagharang-taga ako sa isa at yumuko para malampasan ang isa pa.
Parang slo-mo. Eto na talaga. This is it, sabi ko sa sarili ko. Dalawang hakbang na lang. Maabot ko na siya.
"Elrik!"
Bago ko pa man siya lundagin, may guard na humarang sa'kin. Para akong bumangga sa pader. Sumuray-suray paatras. Sinapo ang ulo. Pilit na ipinipilig ang ulo dahil umiikot ang paningin ko.
"E-elrik!" paos kong tawag. "Elrik! Pa-picture! Please Elrik! ELRIK!!!"
Lumingon siya para ibaling ang tingin niya sa'kin. Tapos ngumiti siya. Isang segundong huminto ang mundo ko. Tapos, tapos... umalis na siya.
Gano'n lang, wala na sila. Imposible silang maabot na para bang mga kakaibang nilalalng na nanggaling sa ibang mundo. Si Andrei na lang ang naiwan, pinipilit na bigyan ng autograph lahat ng mga nakapaligid sa kaniya.
"Pa-picture..." sambit kong nakatanaw kung saan nag-disappear ang tatlong kasama ni Andrei. Pakiramdam ko guguho na ang mundo. May patakbo-takbo pa'ko, pahiya rin pala 'ko.
Nang tawagin ng bodyguard niya si Andrei, tumingin siya sa direksyon ko.
"Sandali, may magpapa-picture daw," sagot niyang nakangiti.
Mga three seconds akong nakatulala habang kinukuha niya ang cellphone sa kamay ko at saka iyon itinutok sa aming dalawa. Bahagya siyang yumuko para makita siya sa screen. Matangkad kasi siya.
"Sa uulitin, 'wag buwis-buhay ha?" sabi niya. "May susunod pa naman. Hindi naman kami mawawala."
Para 'kong timang na tumango sa nerbyos ko. "T-thank you ha. Basta ngumiti ka na lang na parang hindi chakabells ang kasama mo sa picture."
Iniabot niya sa akin ang smart phone ko habang tinitingnan ang picture namin. "Hindi naman ah? Maganda kaya. Lalo na 'pag naka-smile."
Wala akong ibang maisip noon kung hindi, Ang bait. And hindi boring tulad ng inaasahan ko. Parang sasabog ang dibdib ko. Biglang na-conscious ako sa itsura ko. Ang hirap kasing paniwalaan ng sinabi niya.
As if nabasa niya ang iniisip ko, sinabi niyang "You're more than you think. Huwag mong hahayaang sabihin ng iba na mali ako, okay?"
Again, tango lang ang naisagot ko. Hindi ko alam kung pa'no, pero kasabay ng pag-alis niya, alam kong may nagbago sa akin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ayun. Magkita pa kaya si Jelaine at Andrei? Eeksena pa kaya si Elrik? Sino ang gaganap sa mga tauhan dito? Ba't wala akong trailer? At bakit petiks ang bookcover neto? Ang pinakamahalaga sa lahat, ba't andami kong tanong?
Sundan ang susunod na kabanata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top