17

Jun. 2, 2018

Hello Diary,

I'm back!!! Ang saya pala sa feeling kausap ang crush. Grabe ang saya talaga. Kuya Kodly is my crush na talaga super! Top 1 na top 1! And my other crush? Pabawas na nasa list ko. Kachat ko ulit siya ngayon, kinukumusta niya ako. Yehey!

Birthday pala ng papa niya daw ngayon. June din ang papa ko. Pero sa 22 pa siya. If yung papa niya 40 years old na. Papa ko naman ay 60 years old na. Same sila actually ni mama, same year sila pinanganak. Next month ang birthday ni mama July 1 hehe. Ano kaya pwede kong gift sa kanila? Tanda na nila noh. Ang tanda na nila pero nagtatrabaho pa sila sa hardin. Ang sipag nila. Kaya kailangang masipag din ako sa pag-aaral pero grabe, pagod na ako.

Alam ko na gagawin mo!

Ano?

Sulatan mo ng letter!

Luh. Babasahin ba nila?

Oo yan!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top