Chapter 19
Chapter 19 | Fear
"Naks, blooming," halakhak ni Kurt nang nakita niya akong bumaba mula sa ikalawang palapag ng kanilang upahan.
Pinilit kong magseryoso ngunit nakatakas pa rin ang aking ngiti.
Tulad ng mga nagdaang araw ay sabay kami ni Kurt pumunta sa karinderya. Maliwanag na ang langit hudyat ng panibagong araw. Hindi ko nga lang mawari kung bakit tila ba mas magaan na ang aking loob kaninang paggising na kahit pa siguro tuksuhin ako ni Kurt buong magdamag ay hindi ako maiinis.
"We?" tukso pa niya at siniko ang kaliwa kong braso, "hindi ka pa nagkukwento sa 'kin tungkol sa nangyari kahapon."
"Tulad ng sinabi mo, mag-usap kami, kaya nag-usap kami."
"Sus, Ian! Sa tagal kitang kaibigan, kilalang kilala na kita. Ano ngang nangyari? Ang tagal niyo sa loob ng sasakyan, ha?" pang-uusisa pa niya habang na sa daan kami palabas ng kanilang bahay.
"Malamang, usap nga, e," natatawa kong sabi.
Ipit siyang tumili. "Napansin ko kaya noong lumabas kayo namumula ang mukha at labi mo! Share naman! Ang damot porke't may love life!"
"Gago," tawa ko at bahagya siyang tinulak palayo sa akin, "imagination mo lang 'yan."
Inignora niya lamang ang aking sinabi dahil para sa kanya ay hindi iyon totoo. "Ang blooming mo pa ngayon. Anong secret, bitch? Nadiligan? Nanliligaw na ba?"
"Hindi, baliw!" mabilis ko siyang pinatigil dahil baka may ibang makarinig, "wala namang nangyari. Nag-usap lang talaga kami. Ikaw, kung ano-ano iniisip mo. Kapag ikaw talaga nagka-love life, hindi rin kita tatantanan."
"Ah, so love life mo na nga si Marcus?" makahulugan niyang tanong, "sabi ko na nga ba't marupok kang gaga ka."
Napasampal na lamang ako sa noo dahil hindi naman gano'n ang ibig kong sabihin. Napakagaling talaga ni Kurt magdagdag ng meaning sa mga bagay-bagay.
"Tanga, hindi kasi, ah basta."
"Oh, oh! Hindi ka na makapagsalita ngayon, huli ka balbon," halakhak niya muli.
Para siyang batang binilhan ng laruan sa sobrang saya. Pasalamat siya at may kaibigan siyang tulad ko na pinagkukunan niya ng kaligayahan.
Noon pa man ay ganyan na ang ugali ni Kurt, noong una nga lang ay iritado ako dahil parang napaka-simple at babaw niya lang mag-isip. Noong nakilala ko na siya ay pakonti-konti ko ring naintindihan at nakasanayan.
Sa dami ng mga kaibigan namin noon ay sa kanya lang ako buong nagtiwala. Ewan, basta siya ang naging sandalan ko kahit pa hindi ko naman sinadyang maging siya. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya at siguradong gano'n din siya sa akin.
Hiniling ko talaga noon na sana ay may mas nakatatanda pa akong kapatid dahil mabigat ang responsibilidad na nakapatong sa akin. Hindi man mas matanda si Kurt sa akin, kasama ko naman siyang magdusa. Pwede na rin.
"Pero ito, seryoso, kung gusto mo si Marcus—"
"Gagawin ko ang tama para sa aming dalawa," bigla kong singit sa kanyang sinasabi.
Kurt slightly turned his head to glance at me. When he didn't comment anything, I continued, "He told me yesterday that we should practice communication so that we'd understand each other. I'm planning to say something to him... because I can now see where the both of us are heading to."
"You're right and I'm a liar if I say that I don't like him. He's admirable and has the good traits I like. It's hard to not like him. No matter how hard I pull myself back, I still risk taking a step forward to him."
"You're already foreseeing where you two are heading, huh?" I didn't bother to check Kurt's reaction. The seriousness in his voice was enough for me to visualize what he looked like.
I was honestly thinking about this last night, I didn't mean to stay up just to overthink though. He couldn't get out of my mind and I felt like I had to do something about it. I thought of numerous possibilities that I knew were kind of irrelevant.
"Huh, I feel like something's bothering you big time. Alam kong gusto mong i-prioritize ang sarili mo at ang pamilya mo kaya ayaw mo munang mag-jowa. Alam ko ring hindi ka muling handa dahil sa ex mong gago... pero parang may iba pang bumabagabag sa 'yo," Kurt trailed off, as if he was analyzing a mystery.
I was hesitant to admit to him the main reason why I couldn't fully like Marcus because I only planned to tell this to Marcus himself. I hadn't prepared any speech yet to say in front of him, but I was desperate to tell him this sooner.
Thank goodness a tricycle rider yelled at us to ask if we wanted a ride.
Kurt let me in first and he came in last. I remained silent simply because I didn't know what to say next, the only noise around us was the tricycle's engine. Kurt didn't say anything as well during the whole ride and my mind was blank as I stared outside.
I remembered yesterday, my father asked me about Marcus before he left.
I handed him the cold water he requested and I was about to ask about their plan on Christmas eve when he took my chance to ask, "Sino 'yong lalaking kasama ninyo ni Kurt?"
I calmly replied as he drank, "Si Marcus lang 'yon, pa. Isa siya sa mga researchers na nagtatrabaho sa karinderya. Tinawagan siya ni Kurt kanina, na hindi ko alam, para sunduin kami at ihatid dito."
My father nodded and wiped off the damp around his lips. "Kailan ba matatapos ang research nila?"
"Sa twenty-one na, pa."
"Tapos uuwi ka na sa twenty-two?" he clarified and closed the bottle.
"Oo... may plano na ba kayo sa Christmas eve?" pagbabago ko sa usapan.
"Hindi ko pa sigurado sa mama mo dahil sila ng tita mo ang magkausap. Parang may party yata silang gagawin para sa buong angkan ng mama mo, ewan," naguguluhang sagot ni papa, "hindi naman ako nangingialam sa mga ganyan."
Napangiti ako dahil pareho talaga kami ni papa na walang interes sa kanila. Kahit pa magpatayan silang lahat ay wala kaming pakialam ni papa, baka nga kumuha pa kami ng popcorn at sabay namin silang panoorin.
Bumalik ako sa reyalidad noong nagtanong si Kurt, "Naabutan ni tito si Marcus kahapon, 'di ba? May sinabi ba siya?"
Umayos ako sa pagka-upo. "Tinanong niya lang kung sino si Marcus. Ikaw kasi, pahamak ka," bintang ko.
"Huh? Hindi ka naman napahamak, ah? Makasisi 'to," he defended, "saka malay ko bang magtatagal kayo roon sa loob."
"Kurt," seryoso kong tawag sa kanyang pangalan, "naiintindihan ko kung bakit mo 'yon ginawa pero sa susunod hayaan mo na lang ako. Hihingi naman ako sa 'yo ng tulong kapag hindi ko kaya... kaya huwag mo 'akong pangunahan."
"Hm, sige," he quickly replied, "sorry din kung nabigla kita kahapon. Gusto ko lang talagang magkaayos kayo at inakala kong patatagalin mo pa kaya ako na ang nag-isip ng paraan."
I softly slapped his right arm to lighten the mood. "Oo nga, naiintindihan ko... basta next time kahit pa gustong gusto mo ng maki-epal, pigilan mo."
"Dapat ba akong kahaban diyan sa next time mo?" he nervously chuckled, "para kang may masamang binabalak."
Pinanlakihan ko siya ng mga mata at marahas na tinampal ang kanyang braso.
"Gaga, wala!"
"Para kasing sobrang worried mo!" dahilan niya habang dahan-dahang hinimas ang pinalo kong braso niya.
Nagpatuloy ang walang saysay na bangayan namin ni Kurt hanggang sa nakarating kami sa karinderya. Naabutan namin sina Jaren, Verge, Daniel at Cadne na nakatayo sa labas ng karinderyang sarado pa. Nakatutuwa lang dahil sa walang araw silang late o 'di kaya'y lumisan nang walang paalam. Lagi silang on time dumating at may mga kusa, na sa katunayan ay hindi ko inaasahan noon. Hindi ko pa lubusang alam ang background ng mga pamilya nila ngunit base sa kung paano sila magsalita at manamit, makikita naman agad ng kahit na sinong mayaman sila.
Agad silang napatingin sa aming gawi nang bumaba kami ni Kurt mula sa tricycle. Rinig kong binati ni Kurt ang lahat habang hinihintay ko ang sukli mula sa driver.
"Good morning, Ian," bati ni Jaren sa akin nang nakalapit na ako.
Nasanay na rin silang tawagin ako gamit ang aking nickname na Ian. Noong una ay tinanong pa nila ako kung okay lang bang gamitin din nila iyon. Hindi naman big deal sa akin dahil iyon na talaga ang naging tawag sa akin mula noon.
"Morning," masigla ko ring bati, "kanina pa kayo?"
"We just arrived as well," si Daniel ang sumagot.
Sina Kurt at Verge ang nagbukas ng karinderya at isa-isa na kaming pumasok nang tuluyang nabuksan na ito. Bago pa man ako makapasok sa maliit na silid ay tinawag ako ni Cadne.
"Hm? Bakit?" I looked back and asked him.
"Si Lucre pala, baka raw mamayang tanghali na siya makapasok," Cadne hesitantly informed me.
"Okay lang, kung hindi niya kaya pwede ring hindi muna siya pumasok," marahan kong sagot kahit pa medyo nabigla.
Nginitian lamang ako ni Cadne at nagpaalam agad. Kakaiba ang pagkilos niya ngunit napagpasyahan kong balewalain ito, baka hindi lang kumpleto ang tulog ng isang 'yon. Napatingin tuloy ako sa tatlo, mukhang okay naman sila at si Cadne lang ang weird ngayong umaga.
"Magandang umaga," Nay Feran's cheerful voice echoed that made us smile.
Pagkatapos kong ilapag ang aking gamit sa loob ay dumiretso na ako sa kusina upang tanungin si Nay Feran kung anong pwede kong matulong.
Simula noong nakasama namin ang research boys sa karinderya, inaamin kong mas naging madali ang trabaho dahil maraming tauhan. Mas may oras na akong magpahinga dahil madalas ay may naaabutan na akong gumagawa ng dapat ay sa akin.
Inutusan niya lamang akong tulungan si Kurt sa paggawa ng barbeque kaya muli akong lumabas. Naabutan kong nagwawalis pa si Kurt habang inaayos naman ng research boys ang mga upuan at lamesa.
Natanaw kong na sa ibabaw na ng isang pabilog na lamesa ang barbeque na gagawin namin ni Kurt kaya kumuha ako ng dalawang upuan para sa amin. Nandito na rin ang mga kagamitang kailangan tulad ng stick at plastic hand gloves.
Tahimik akong nagsimula sa gawain at hindi nagtagal ay umupo na rin si Kurt sa aking tabi upang tumulong. Dahil sa katahimikan naming dalawa, rinig na rinig ko ang sagutan nina Daniel at Jaren. Hindi naman seryoso ang pinagtalunan nila kaya bahagya akong natawa. Madalas silang magtalo pero hindi naman humahantong sa puntong seryoso kaya nasanay na lang kami.
"Himala, wala pa si Marcus?" gulat na reaksyon ni Kurt na parang ngayon niya lang napansing wala nga si Marcus sa paligid.
Nagkibit-balikat ako. "Mamaya pa raw siya papasok, sabi ni Cadne."
Nanliit ang mga mata ni Kurt sa kanyang agarang pagtanong, "Bakit daw?"
Nanatili ang aking atensyon sa ginagawa. "Ewan, hindi ko na tinanong."
Hindi naman ako sobrang kuryoso sa anomang rason ni Marcus kanina noong sinabi sa akin 'to ni Cadne pero dahil sa tanong ni Kurt ay hindi ko na naiwasang mag-isip ng mga posibleng dahilan.
Baka may importanteng lakad? Kasama ang pamilya? Nagkasakit? Hindi nagising ng maaga?
"Cadne!" Halos mapatalon ako sa sigaw ni Kurt.
"Yes, why?" Cadne shouted back while he was arranging the remaining chairs.
I already had a hunch of what he was about to do so I tried to stop him. "Hoy, gaga!" I whispered but it was too late.
"Bakit wala pa si Marcus? Anong nangyari do'n?" Kurt demandingly asked.
Hindi ko na sinubukan pang tingnan ang reaksyon ni Cadne dahil ako ang nahiya sa pagtatanong ni Kurt. Kuryoso rin naman ako pero hindi ko kayang tanungin si Cadne ng gano'n. Iba talaga ang kapal ng mukhang mayroon si Kurt, hindi nagigiba!
"Ah, masakit lang daw ang ulo niya—"
"Anong ulo ba?"
My right palm automatically slapped Kurt's left cheek. He glanced at me, bewildered, while he held his reddened face. The slap wasn't that aggressive but he exaggerated it!
"Gagang 'to, bigla-biglang nananampal!"
"Mga tanungan mo kasi!"
"E sa may dalawa naman talaga siyang ulo! Malay ba natin kung alin do'n!" pinaglaban pa niya.
Pinigilan ko ang sariling tusukin siya gamit ang hawak kong stick ng barbeque. Hindi talaga mapirmi bunganga nito, e. I heard them laugh at us, which made me blush a little. I could never keep up with Kurt and his humor.
"The upper one, Kurt. I don't know how he ended up like that. He didn't tell me what happened," pakikisabay ni Cadne.
"Sus, 'di nga? Kaibigan kayo no'n tapos 'di ninyo alam anong nangyari? Kung si Mercian mapapaniwala ninyo, ako hindi," Kurt suspected.
"Ay wow? What's that supposed to mean ba? Na madali akong maloko, gano'n?" my tone slightly went higher due to what Kurt just said.
"Oo, ano pa ba?" matapobre niyang sagot, "natiis mo ngang magpaloko sa ex mo-"
"Walang ungkatan ng nakaraan, mali 'yon!" pagputol ko sa nais niyang sabihin, "nagbago na ako, okay?"
"Sus, baka mas magkatotoo pang mabuntis ako kaysa sa pagbabago mo," biro pa niya muli.
Lalaban pa sana ako kaso napansin kong tinatawanan pala nila kami, bigla tuloy akong nahiya dahil hindi naman ako madalas magsalita ng ganito. Kapag komportable lamang ako sa tao nagpapakasarili dahil alam kong hindi nila ako huhusgahan kahit ano pang salita ang lumabas sa aking bibig.
Marahil ay takot nga akong mahusgahan at maakusahan ng mali kaya palagi akong tahimik at tila laging may mga matataas na pader sa aking paligid. Kapag naranasan mo nang maloko at paulit-ulit na masaktan, hindi mo na lang mamamalayang kusa na palang naging malayo ang mo loob kahit sa iba... na para bang ayaw mo na muling bumuo ng kahit anong relasyon dahil sa takot na baka maranasan mo ulit ang mga bagay na iyong kinatatakutan.
"Ano 'yon? Sarado pa kami, mamaya pa magbubukas," I heard Verge talking to someone in front of the store.
I was busy arranging the barbecues we made when I quickly glanced at them.
I was left speechless.
"Tangina, anong ginagawa ng gagong 'yan dito?" Kurt got alerted and stood in front of me to probably protect me from the person outside.
"Hindi ako pumunta para bumili. Gusto kong kausapin si Ian kaya pwedeng pakitawag siya?" I overheard Arist's terrifying voice.
"What's your business with Mercian? You don't look like someone with good intentions," Daniel asked with authority.
He probably pissed Arist off, which caused him to react violently, "Teka nga, sino ba kayo? Kayo ba 'yong usapin na rich kids na rito raw nag-conduct ng research? Hindi naman kayo kasali sa problema namin ni Mercian kaya-"
"Nandito kami kaya obligasyon na rin naming protektahan si Ian lalo na sa katulad mo-"
Hindi ko na nasabayan ang sinasabi ni Daniel dahil mabilis akong hinila ni Kurt patungo sa maliit na kwarto upang itago siguro ako mula kay Arist. Hindi ako makakilos ng mabuti dulot ng panlalamig ng aking sistema at pagkagulat. Bakit bigla siyang nagpakita rito at sa ganitong oras pa? Umagang umaga at may balak siyang gumawa ng iskandalo.
"Ian!" Tuluyan akong nanginig noong narinig ko ang kanyang pagtawag sa akin.
"Layuan mo na nga si Mercian, tangina nito ang kulit, ha?" Kurt hissed. He pulled my wrist and put me behind his back again.
"Hindi ka pa rin maka-get over? Tapos na kayo ni Ian, matagal na! Saksak mo 'yan sa kokote mong walang laman!" dagdag pa ni Kurt.
"Alam kong wala na kami pero nitong nakaraan sinabi niyang may bago na raw siya," Arist continued, "Lucre Zorron pala ang pangalan no'n at nagkataong kilala siya ng tropa ko-"
"Oh, ano naman kung bago nga siya ni Ian? Bago man o hindi, wala ka ng pakialam do'n! Huwag ka ng makisawsaw-"
"Ikaw ang huwag makisawsaw! Hahayaan ko naman na sana si Ian kung hindi ko lang nalaman kagabi na may girlfriend na pala 'yong Marcus! Ano, Ian? Gano'n naman pala talaga ang tipo mo, e 'di sana sa akin ka na lang nagpaloko-"
"Tangina nito!" Kurt yelled that made me tremble, "umalis ka na ngang gago ka!"
Arist chuckled sarcastically, "Oh, bakit? Hindi ninyo alam-"
"Bro, kami ang kaibigan ni Lucre dito kaya mas may alam kami kaysa sa 'yo. Umalis ka na lang kasi tulad ng sinabi ni Kurt, 'di ka na kasali rito. Mercian and Lucre will deal with themselves, and you'll stay out of it," seryosong sabi ni Daniel.
Tila ba walang narinig si Arist at muling nagsalita, "Alam mo ba Ian kung bakit wala siya ngayon dito? Inuwi niya kagabi si Janella galing sa party. Who knows? Baka-"
"God, just be gone already!" Cadne reached his limit.
I didn't fully see what Cadne did, but the chaos that happened was enough for me to understand. I heard Daniel and Jaren tried to knock some senses out of Arist and Cadne, who were fist fighting fiercely against each other. Kurt was yelling something but all of their voices suddenly became inaudible for me.
My surroundings became distorted and I couldn't feel my body anymore. My senses were completely gone. My breathing accelerated, I felt like I was out of air. Ah, this again. I'd been awfully familiar with this feeling. This feeling that I couldn't get rid of... fear.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top