Chapter 16

Chapter 16 | Consider

"Anong gagawin ko ngayon, Kurt?"

"Malay ko sa 'yo!"

"Putangina, seryoso kasi!"

"Ako ba ang nagpabuhat at na-picture-an? Hindi naman?"

I frustratingly groaned that my throat almost got scratched. Sumakto pang kumirot muli ang isang parte ng aking ulo dulot ng hangover kaya pabagsak akong umupo sa gilid ng kama.

Kanina pa ako gising, nakapag-almusal at nakaligo na rin nang nalaman ko mula kay Kurt na ako na ang usapan sa unibersidad.

Maraming friends si Kurt sa Facebook na batch mate namin kaya kahit sobrang layo ng post ay napadpad sa news feed niya. Hiniling ko na sana magbukas na lang ang sahig at higupin ako para makawala sa kahihiyang ito.

"Teka nga, paano ba kasi kami nakunan?" naguguluhan kong tanong dahil hindi ko sigurado kung naipaliwanag na ba sa akin ni Kurt kanina.

"Saka ano ba? Bakit ako nagpabuhat? Putangina, ang hirap malasing, wala akong matandaan!"

I crumpled a part of my hair and irritatingly pulled it. I couldn't explain my emotions, all I was sure of was that I messed up last night.

"Saglit lang! Hinahanap ko ulit 'yong Instagram post ni Danica," sigaw pabalik ni Kurt.

"Anong post?"

Na sa screen ng phone pa rin nakatutok ang kanyang mga mata nang sumagot, "Nag-picture taking tayo noong na sa VIP room na. May group photos tayo na pinost ni Danica sa Instagram niya. Private naman ang account niya kaya ewan ko kung paano nakita 'yon ng ibang mga 'di naman naka-follow sa kanya."

Tamad kong binagsak ang aking ulo at wala sa sariling niyakap ang katabing hagdan ng double deck bed. Hinayaan ko na lang si Kurt na hanapin iyong picture habang tahimik kong pilit na inalala ang mga nangyari kagabi.

"Ito!"

My eyes lazily glared at his phone. He showed me a photo of us all and in that photo, I was beside Marcus. We weren't totally close to each other, there was an even inches gap, kaya anong ini-issue nila ngayon diyan?

"Okay, what's so intriguing with that photo?" I hissed.

Kurt was about to answer my stupid question when Danica's incoming call popped up. I didn't hesitate to answer it because I was eager to find answers.

"Danica!" I called her from the other line.

Kurt was shocked for a couple of seconds, he didn't know I answered the call, but went back to his normal state when he realized.

"Ate Ian! Are you okay na ba?" she sounded concerned.

"Hindi!" I honestly replied, "ano 'tong nabalitaan kong ako ang usapan ng university? Did I do something humiliating last night? Was I too drunk to the point I also got myself jailed? What?"

God, I badly needed answers! I couldn't believe that somehow I was capable of doing such shame.

"What? No! Well, I just heard this from Janella. She literally went early in the morning to my condo just to fucking wake me up and ask such petty questions!" she ranted.

"Ano raw 'yon?" Kurt inquired.

We heard Danica sighed before she responded, "She was at the same club last night but I didn't notice her there since the place was crowded. She was with her friends on the dance floor when she told me that she saw kuya Marcus standing in the middle. She went near him to confirm if siya nga!"

"Okay? Bakit ako nasali?" halos magmakaawa na akong sabihin na niya lang ng isang diretsuhan.

"I'm not sure... but Janella asked me about the girl Marcus was with on the dance floor. Hindi raw sila sumasayaw noon at mukhang may ibang lalaking kausap daw si kuya Marcus habang 'yong babae ay na sa pagitan nila?"

Oh, shit?

"Ako ba 'yong babaeng... na sa gitna nila?"

"Gaga, sino pa ba?" singit ni Kurt, "nakunan ka nga ng picture na buhat ni Marcus pabalik sa table natin kaya malamang, ikaw! Bobo lang, 'te? Painosente?"

"Malay ko ba, lasing ako!"

"Lasing ka lang, hindi ka dense sa ganitong bagay! Minsan nakakairita talaga 'yang pagiging slow mo. Ako ngang nakikichismis lang, nakuha na agad ang kwento!" Kurt attacked me.

My eyes were wide opened as we stared at each other for a couple of seconds, para kasing nanghahamon ang mga mata niya ngunit wala naman akong marebat dahil parang totoo nga ang sinabi niya!

"True! I was drunk last night, too, but when Janella confronted me about the girl Kuya Marcus was with... I immediately thought of you, ate," Danica stated.

"Bakit ako?" naiiyak kong tanong.

"Sino ba si Janella?" Kurt asked out of nowhere.

Danica irritatingly replied, "An annoying flea."

Napapikit na lamang ako ng muling bumalik sa akin ang unang beses naming pagkikita. For sure, Janella had a lot of connections to freaking solve this mystery in one go.

Hindi naman ako takot sa kanya pero paano kung sa sobrang sama niya ay pati ako... alipustahin?

Putangina, ano ba 'tong mga iniisip ko? Kailan pa naging teleserye ang buhay ko? O baka epekto pa rin 'to ng alak?

"She's my cousin and I hate her to the core. She's a freak and obsessed with kuya Marcus. Hobby niyang i-imagine na siya ang future wife ni Marcus. Her mother keeps on negotiating with tita Olivia, Marcus' mother, so that they will end up together... but from what I know, tita Olivia doesn't give a flying fuck."

"Oh? So si Janella ang villain sa love story nina Mercian at Marcus, gano'n?" natatawang tanong ni Kurt, "putangina, ano ba 'tong gulong pinasok mo?"

"Malay ko?" I hissed.

"Just... don't mind Janella. She's just one of those girls who dream to have kuya Marcus," Danica convinced us.

"Pero ayon nga... so pinag-uusapan nila ako, kami, dahil lang nakita nila akong buhat ni Marcus pabalik sa table natin?" I clarified.

"Technically, yes... but Janella kept on insisting on something..." Danica trailed off.

"Ano naman?" walang gana kong tanong.

"Ganito kasi, Ian, kaya ka talaga pinag-uusapan ngayon dahil imagine: isang mayaman at sikat na lalaki ang kinarga ka pabalik sa table. Malamang maraming naiinggit at naiintriga! May photos pa tayong pruweba na magkakasama nga kagabi—"

"About the photos that I posted, I had no idea how those went out of my account. Siguro isa sa mga fake friends ko ang nagpakalat kaya nalaman din ng iba. I'm trying to find out who—"

"Oh, 'di ba? For sure ngayon iniisip nila na baka jowa ka ni Marcus o hindi kaya, anong relasyon mo sa kanya—"

"Kalokohan," I chuckled, out of energy.

"Ayon nga! Speaking of jowa! God, we keep on switching topics," Danica snapped out, "Janella kept on asking me if totoo bang boyfriend mo na si kuya Marcus."

"Huh?" sabay naming react ni Kurt.

"Saan naman niya napulot 'yan?" iritado kong tanong.

"I don't know? I'm not sure... but she told me that the girl he was with loudly stated it last night—"

"Bakit ko naman sasabihin 'yon!" Muntik pa akong mauntog dahil sa pagkakabigla.

"Ay Diyos ko po!" Kurt exaggerated, "ano bang kagagahang ginawa mo kagabi, Ian?"

"I know, right? I feel like Janella's just being her freaky self again!" Danica ranted once again.

"Alam kaya 'to ng ibang mga students?" may gana pa si Kurt na itanong 'to.

"Janella said that most of them were confused if Marcus already had a girlfriend. Of course, they want to be updated with his life kahit na wala naman silang lugar doon," Danica shared.

"Tingin ko ang tanging makasasagot lang talaga nito ay walang iba kung hindi si Marcus," Kurt exclaimed.

"Well, of course. Nakausap niyo na ba siya?" Danica asked, curious.

"Hindi pa at huwag muna," ako na ang sumagot.

"Why?"

"Oo nga, why? Akala ko ba gusto mong malaman?" Kurt mocked.

Umirap ako. "Hindi ko alam kung anong sasabihin ko."

"Tatanungin mo lang naman!" Kurt bossed.

"Alam ko pero paano nga? Like hello, jowa na ba kita? Gano'n?" I argued.

Halos umabot ng isang oras ang aming pagtatalo. Pinilit nila akong tanungin na si Marcus ngayon para agad matapos 'tong gulo. Ayaw ko naman dahil una, wala pa ako sa katinuan. Pakiramdam ko ay mabibiyak na ang ulo ko sa dalawa. Pangalawa, hindi pa ako handang marinig ang katotohanan.

Paano kung sinabi ko nga talaga iyon? Bakit ko naman ipagsisigawang boyfriend ko siya kung hindi naman totoo?

Kung hindi pa ako umarteng masakit ang katawan ay baka hanggang gabi ay nagtatalo pa rin kami. Lunes pa naman bukas at siguradong magkikita kami ni Marcus sa karinderya.

Ginamit ko na lang ang buong Linggo sa pagpapahinga dahil kailangan ko talaga ng buong lakas ng loob bukas sa pagtanong sa kanya.

Nakakahiya ka, Mercian Ara Bueno.

Pagdating namin ni Kurt ay hindi pa sila kompleto. Tanging sina Cadne at Marcus pa lamang ang nakatayo sa gilid ng karinderya dahil sila ang mga naunang nakarating.

Pilit na pilit akong huwag sumulyap kay Marcus dahil ewan, ang awkward?

Childish mang pakinggan pero kahapon ay naghintay din ako ng mensahe galing sa kanya.

Inisip ko na baka may gusto siyang sabihin kaya hindi muna ako nagtanong. Ngayon ko lang din napagtanto na... paano nga naman siya magsasabi kung hindi ako magtatanong?

Ewan!

Putangina talaga ng ex ko, sa dami ng pwede niyang iwan sa akin 'yong toxic mindset pa.

Tahimik kaming apat hanggang sa pagpasok sa loob. Parang may anghel na dumaan at 'di kami makabasag pinggan. Tanging mga tunog mula sa aming mga sapatos lamang ang ingay sa umaga at syempre ang mga dumadaang sasakyan.

Nakayuko akong naglakad papasok sa kusina nang humarang si Kurt sa aking daan.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Parang alam ko na ang gagawin ng mokong na 'to.

"Kausapin mo na!" bulong niya sa akin.

Mabilis akong umiling. "Mamaya na—"

"Ako na rito, kausapin mo na muna habang wala pang ginagawa," pangungumbinsi pa niya.

Sinubukan kong makatawid ngunit malakas ang loko kaya wala akong ibang choice kung hindi kausapin na nga si BJ.

Bahala na si Batman.

"Marcus," tawag ko sa kanya.

Agad niya akong nilingon at tumigil siya sa ginagawa nang napansing seryoso ako.

"Usap tayo saglit," parang timang kong sabi at naunang pumasok sa kwarto.

Hindi ko nakita kung sumunod ba siya ngunit nang lumingon ako ay pareho na kaming na sa loob.

The door wasn't totally closed. We stared at each other like idiots trying to read fucking codes.

Ngayon ko lamang din nabigyan ng pansin ang kanyang dating. Nakaputing t-shirt lamang siya at black knee shorts na madalas niyang suot tuwing na sa karinderya. Mukhang bagong ligo pa dahil may parte sa kanyang buhok na medyo basa pa.

"Uh, may itatanong lang ako," I hesitatingly started.

"Shoot."

"Noong Sabado, sa club..." Huminto ako saglit at baka may gusto siyang sabihin.

Tinaasan niya lamang ako ng kilay at tamad na pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib.

Nagpatuloy ako, "Nalasing ako, 'di ba?"

"Yes," he simply replied.

"Hinanap mo ba ako?"

"Yes."

"Saan mo ako... natagpuan?" I trailed off.

"So you basically want to know everything that happened that night," he indicated, "is that it?"

Nag-iwas ako ng tingin at saka tumango.

"I found you walking out of the dance floor. There was... a guy behind you and he tried to convince you to come with him," he explained.

"A-Anong histura ng lalaki?"

His expression remained the same as he described, "Tall, curly hair, a bit slim—"

"Ah, shit... baka ex ko 'yon," bulong ko.

"Maybe, you said a lot of things to him, maybe due to hatred or because of the alcohol," he told me.

Ayaw ko na sanang itanong dahil nagmumukha na akong tanga rito ngunit kanino ko pa ba maririnig ang mga ito kung hindi sa kanya?

"Ano namang... mga sinabi ko?"

He shrugged. "You told him to fuck off because... you said you already replaced him..."

"Na may boyfriend na ako?" nilinaw ko pa.

"Yes..."

"At sino naman ang sinabi ko?" kabado kong tanong kahit na alam ko naman na ngayong kausap ko siya.

Hindi agad nakasagot si Marcus, mukhang pati siya ay ayaw niyang balikan ang gabing iyon. Hindi ko naman siya mabasa dahil walang ibang expression sa kanyang mga mata. Para bang robot ang kausap ko at tanging ang mga dapat niya lang sabihin ay iyon ang sasabihin.

"P-Pasensya ka na," hingi ko agad ng paumanhin, "nadamay pa kita. Nalaman ko mula kay Danica na pinag-uusapan tayo mula pa kahapon dahil sa ginawa ko—"

"You were drunk," he tried to reason, "and your ex was forcing you to come with him. I understand."

Napasampal ako sa sariling noo. "Oo nga pero parang ang lame ng excuse. Sorry talaga, ha?"

Imbis na dugtungan ang aking sorry ay nagtanong siya, "So what are we going to do now?"

Huh?

"What should I do?" he asked again.

Gulong gulo pa rin ako sa kanyang tanong. Anong gagawin namin ngayong... iniisip ng iba na kami na nga?

"I-Ikaw ba, anong tingin mo?" walang kwenta kong tanong.

"I asked you first."

Napakagat ako sa aking ibabang labi at sinubukang mag-isip ng may sense namang sagot.

Sa totoo lang ay hindi ko na inisip pa ang maaari naming susunod na gagawin. Ang orihinal kong plano ay kausapin siya upang malaman ko ang mga nangyari at kalimutan na lamang ang gabing iyon. Wala na akong susunod pang agenda dahil hindi naman totoong kami nga.

"Huwag na lang nating pansinin ang mga tao—"

"I don't really care about others. What I am concerned about is your next step after this. Should I act as your boyfriend? Should we not act as a couple? I need a direct answer, Ian," he sounded impatient.

"Hindi... hindi mo kailangang maging boyfriend ko," iyon ang una kong sinabi, "huwag na lang tayong magsalita tungkol sa chismis at siguro... mas mabuti rin kung medyo lalayo tayo sa isa't isa?"

"Bakit naman?" para siyang na-offend sa aking sinabi.

I quickly defended, "Kasi baka mas lalo silang mag-assume na may something in between us if makita nilang magkasama tayo?"

He didn't speak so I continued, "Hindi ko talaga sinasadyang gamitin ka para lang layuan ako ng ex ko. Baka mas lumaki lang ito kung dadami pa ang interactions nating dalawa."

"So you're suggesting me to back off as well?" natatawa niyang tanong, "gaano ba kalayo ang gusto mo, Mercian?"

Napakurap-kurap ako sa kanyang sinabi. Para bang hindi siya makapaniwalang ito ang idea ko upang tumigil na ang chismis sa aming dalawa.

"People are curious about your life and this girlfriend issue really intrigues them. I don't want to get involved—"

"But you jumped into this problem," he cut me off, "and now you're directly commanding me to forget about it and distance myself from you so that they won't think of it anymore."

"Oh, sige," palaban kong utas, "may iba ka bang maayos na suggestion? Kung mayroon, share mo naman."

Hindi siya makapaniwala sa aking inasta.

"Ayaw ko lang talagang pinag-uusapan ako ng mga tao kaya pasensya na kung ganito nga ang gusto ko. Hindi ko sinasadyang ipagsigawang boyfriend kita. Ayaw ko na lang ding makaabot pa 'to sa mga magulang ko—"

"Wow," he chuckled sarcastically.

"I'm sorry," was all I could say.

He averted his gaze and let his hands grip the both sides of his waist. He slightly turned around, his head was a bit uplifted as if he was restraining himself to say something.

"Okay, fine," he faced me again when he spoke, "let's do whatever you want."

"May iba ka bang suggestion bago tayo magpasya—"

"None, but I expected more than this from you," walang preno niyang utas, "don't worry, I'll try my best not to come near you."

Parang ang sakit naman ng pagkasasabi niya no'n. Hindi naman kami totally close noon at nagkausap lang noong sinamahan niya akong tingnan ang bahay. Disappointed ba siya dahil akala niya'y magtutuloy-tuloy na ang gano'ng turingan namin?

"Bakit parang ayaw mo..." sinubukan ko siya muling tanungin.

"Ayaw ko talaga," he chuckled once more, "but whatever you want, we'll go for it."

"Ano ba kasing gusto mo?"

"Doesn't matter, yours sounds way better." Hindi ko alam kung may halo bang sarcasm iyon.

"Ano nga? Para lang alam ko—"

"I expected you to clarify it to them, alright? Kung ako kasi ang tatanggi, baka magalit sila sa 'yo dahil nagpakalat ka ng maling balita. At least if the story comes from you, they cannot do anything but to accept and move on. You seem so affected of the people's judgement and that you sometimes base your decisions on where you can get yourself out of the problem alone. I get it."

"Marcus—"

"Don't worry, I'm good at ignoring people," he assured me.

"Sorry... pwede rin naman 'yang iniisip mo kaso bakit pa kasi nila kailangang malaman 'to? Labas naman sila at ang tanging concern lang nila ay ang buhay mong nadungisan ko. Baka mahalungkat pa nila ang dating relasyon ko sa ex ko at may maungkat—"

"I get it, Mercian," he impatiently hissed, "let's just settle to your idea. In that way, your ex cannot disturb you anymore knowing you already introduced me to him as your boyfriend."

"I'm sorry... parang gumulo dahil sa akin." Sabay tingin ko sa lapag dahil sa kahihiyan.

I heard him sigh and took steps toward me. I remained standing in my place, I didn't know what to do anyway.

"Wanna know why I like you?" he interrogated out of the blue.

I slowly lifted my head just enough to face him in front of me. He wasn't that close but it was enough to make me feel intimidated.

"You reminded me of the first woman I ever admired," he confessed, "my mother."

He took another step forward.

"And now I can clearly see the resemblance... from the way you decide and see life."

Should that mean good or what?

"It was her idea to keep me, her firstborn, as a secret so that my father's family wouldn't know about us. She strictly ordered me not to tell anyone who my father was. We distanced ourselves from my father because it was the bestest decision they had," Marcus chuckled with no humor.

My lips parted.

"I was kept for years... and your suggestion to distance myself from you has no difference from that memory."

Para akong sinaksak sa puso sa narinig. Kaya pala gano'n na lamang siyang maka-react kanina nang narinig ang aking solusyon. Ngayon lang ako sinaniban ng guilt dahil... para bang sobra ko siyang nasaktan.

"You don't have to pity me. I just think you better know this so that the next time you decide, you can consider," he said before he finally created bigger steps away from me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top