Chapter 15

Chapter 15 | Boyfriend

Tulad lamang ng nakaraang araw ang kaganapan ngayong Sabado. Sinimulan namin ang araw sa pagbubukas ng karinderya at pag-aayos ng mga lamesa.

Bumalik na sa trabaho si Nay Feran kaya siya ang nagluto ng mga paninda habang kami naman ni Kurt ang naghanda ng mga plato.

Pansin ko nga sa research boys ay para bang nasanay na sila rito sa amin. Hindi ko na kailangan pang sabihan sila oras-oras sa mga dapat gawin, mabilis silang natuto at naka-adapt sa sistema namin kaya naman ay walang hirap din sila sa kanilang ginagawa.

Masaya rin silang kasama lalo na tuwing break time at kumakain kaming lahat ng sabay. Marami kaming nakuhang impormasyon tungkol sa kanilang kurso at mga kwentong umiikot sa kanilang buhay kaya naman ay parang mga kaibigan na rin ang turing namin sa kanila.

"Mercian!"

Tahimik akong nagbibilang sa counter ng mga panukli nang narinig ko ang tawag ni Jaren sa akin. Hindi ako agad nag-angat ng tingin dahil baka makalimutan ko ang binibilang.

"Ay, busy!" sabi naman ni Daniel.

Napuno ng halakhak ang kanilang banda na nagpakunot ng aking noo. Problema ng mga 'yon? Ang aga-aga, ang sisigla. Parang tinurukan sila ng sandamakmak na Tikitiki noong bata sa sobrang saya.

"Ang ingay niyo," sita ni Marcus.

Nalunod ang kanyang boses ng kanilang hiyawan. Tinutukso yata nila si BJ sa kung anong bagay kaya ganyan.

Hindi naman na iyon bago sa akin at hindi na rin naman kami mga bata para magmaang-maangan pa sa mga ganitong bagay.

"Ikaw na kasi unang lumapit," pabulong ngunit rinig na rinig kong payo ni Cadne.

"Oo nga, tulungan mong magbilang, gano'n!" pangungumbinsi pa ni Daniel.

Tawa lang ni Verge ang narinig ko habang lahat sila ay pilit na tinutukso si Marcus.

"Mercian, need help?"

Hindi na ako nagulat nang tuluyang lumapit sa akin sina Daniel at Cadne.

I faced them and I saw from afar how Verge was pulling Marcus so hard to get to me.

I swayed my head as I chuckled.

"Tulungan ka raw ni Lucre magbilang," makahulugang sabi ni Daniel.

"Pwede ba?" pahabol ni Cadne, "kanina pa masama ang timpla, e, pati kami nadamay. Nagtatampo yata dahil 'di mo raw pinansin kanina."

Nakangiti na pala ako na parang tanga habang pinapakinggan si Cadne. Ano ba 'yan? Ang bilis mawala ng focus ko.

"Bahala nga kayo," sabi ko na lang para matigil na sila.

Ilang sandali pa ay na sa tabi ko na si Marcus na masama ang tingin sa mga nag-uunahang lumayo na mga kaibigan. Hindi ko na napigilang tumawa nang nabangga pa si Jaren sa isang lamesa.

"I'm sorry, they just love annoying me."

"Okay lang," nakangiti kong sagot, "bakit ka kasi nagtatampo riyan?"

"I'm not," angal niya na parang bata, "they are overreacting."

"Bakit? Ano ba kasi iyon?"

"It's no big deal, really. I just waved at you earlier and you ignored me," he answered, "then they started to annoy me because of it."

"Hindi kita napansing kumaway kanina, sorry," may pag-aalala sa aking tono.

"It's okay. Hindi naman ako gano'n kababaw. Sila lang talaga ang nagpapalaki nito."

Kumuha siya ng parte niya at nagsimulang magbilang sa tabi ko. Masyado kaming binalot ng katahimikan kaya naman ay nagsalita ako muli.

"Kumusta pala 'yong party kagabi?"

"Boring... but I was able to escape after the speeches. I went straight home," he casually answered.

"Ah..."

Napakawalang kwenta ko talagang conversationalist!

"How was your sleep?"

"A-Ayos lang din..."

Ano ba 'tong usapan namin, ang awkward? Ramdam ko pa ang mga titig ng mga kaibigan niya sa amin.

Nahuli ko pang nanunukso ang mga titig ni Kurt sa akin nang napadaan siya sa aming banda.

"They're shameless," bulong sa akin ni Marcus.

"Oo nga, e. Mag-away kaya tayo, anong gagawin nila?" bulong ko pabalik.

"You want us to fight? Really? That's your biggest idea?" natatawa niyang tanong.

"Ayaw magsitigil, e."

"I'll talk to them later," he told me.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano namang sasabihin mo?"

Ngumisi ang loko at hindi agad nakasagot. I grabbed his right shoulder and jokingly shook it to make him answer.

"Ano nga?" tumaas na ang tono ko dahil ayaw niya pa ring sumagot, nakangiti lang at mukhang masayang naasar ako.

"I'll just tell them to leave us alone because you're shy around them—"

"Wow, ha?"

"Oh, why? What do you want me to say, then?" hamon niya, "you can't just stop them from teasing us, especially now that they notice we're getting close to each other."

"Wala ba silang ibang pinagkakaabalahan sa buhay at parang tayo lagi ang target?" natatawa kong tanong.

Marcus shrugged and replied, "They say they ship us together, that's why they are working hard to make us work. I don't know, they're a bunch of weirdos."

"Wow? Ano 'to, tayo na ba susunod sa KathNiel?"

"Gusto mo ba?" he asked, his lips curved with a wide smile.

Napailing na lang ako dahil parang wala na itong pag-asa. Mabilis kong tinapos ang pagbibilang at gano'n din ang ginawa niya. Paminsan-minsan ay nakakarinig kami ng "yiieee" at "sana all" nila ngunit hindi ko na lang pinansin.

Muli akong na-assign sa cashier ngayong araw dahil ayaw pa rin ni Kurt kaya naman halos buong araw kong kasama ang research boys sa labas.

"Oh, bakit ka nandito?" tanong ko nang lumabas si Kurt at nakangising tumabi sa akin.

Hapon na nang lumabas siya muli at wala na masyadong customer dahil Sabado. Kaninang umaga at tanghali lang puno dahil sa mga drivers at students na may pasok ng Sabado. Bukod pa roon ay hindi gaanong marami ang mga dumayo kumpara noong mga nakaraang araw.

"Wala pa namang hugasan, e," pagrarason niya.

His eyes were glaring at me as if I was keeping a top secret from him.

"Hindi na ako magugulat, Ian, kung next week may jowa ka na naman," parinig niya.

"Hindi ka talaga magugulat dahil wala naman," depensa ko agad.

Alam ko namang nang-aasar lang ang isang 'to at ako na naman ang target kaya hindi ko na sineryoso... kaso 'yong pagmumukha pa lang niya, nakakapikon na.

"Sus! Balita ko kay Cadne textmate na kayo," pang-uusisa niya pa.

Grabe, Cadne? Impostor! Paano niya naman nalaman? Sinabi ni Marcus o talagang magaling siyang makasagap ng chismis?

"So? Ano naman? Inggit ka? Wala kang ka-textmate?"

"Ang rupok, grabe!" tawa ni Kurt, muntik pa siyang mauntog sa glass container.

"There's nothing going on, okay?" I tried to suppress my smile for him not to assume anything else, "saka we talked about this last night. I'm going to focus on myself first."

Umirap ang gaga at muling nagsalita, "Okay, fine. Nag-english na, serious 'yan?"

"Ate Mercian!"

Pareho kaming nagulat ni Kurt sa narinig. Sabay naming nilingon si Danica na papalapit na sa aming gawi.

Nakasuot siya ng white sleeveless v-neck crop top at ripped maong pants. Simple lang ang ayos ng buhok at may konting make up sa mukha. Nakangiti siyang lumapit sa amin at naamoy ko agad ang mamahalin niyang perfume.

"Oh, napadalaw ka ulit!" bati ko.

"Yup, I decided to eat dinner here. Oh, by the way, before I order!" she excitedly squeaked, "I also want to invite you guys to come with me later. It's a party at a club ng friend ko. Tonight is the first opening. Sounds fun?"

My smile slowly faded but I was trying so hard not to react immediately because she sounded expectant. I wanted to decline her invitation because simply I didn't want to come, but her cheerful face was making me guilty.

"Saan ba 'yan?" kaswal na tanong ni Kurt.

"Diyan lang sa Makati, it's near my condo," sagot agad ni Danica.

"Oh? You two are good now?" hindi ko napigilang magtanong.

Tumango si Kurt at sinabing, "She messaged me yesterday sa Facebook. Okay na kami, Ian."

"Ikaw naman kasi, you could've said it immediately. Hindi naman ako masasaktan," Danica chuckled, "so ano? G?"

Nagkatinginan kami ni Kurt. Sana hindi siya pumayag para may kakampi ako... but on the other hand, a part of me wanted to come.

I hadn't been to a club before and even during my first years in college. I was so busy working and studying that these kinds of things never crossed my mind. No one had also invited me before.

"Sige ba..." Kurt drawled.

Gusto ko siyang sabunutan ngunit namayani ang masayang tili ni Danica sa lugar.

"Okay, buti naman! I don't want to hang out with my friends because they are all backstabbing me," Danica sarcastically stated.

"Wait lang, wala akong damit," I chuckled, "puro casual clothes lang ang dala ko rito. Baka magmukha akong hypebeast do'n."

"No worries, ate Ian, I'm going to change rin before going to the club. You can borrow my clothes. I have new arrivals, you may pick whatever you like," she assured me.

"Paano ka?" I asked Kurt.

"May damit ako sa amin, pwedeng ibaba niyo na lang muna ako mamaya para kumuha ng damit bago tayo pumunta sa condo ni Danica?" Kurt suggested.

"Nice," Danica commented, "thank you for coming with me."

"Tutal wala naman kaming trabaho bukas saka shuta sis, puro stress na lang ang bumubuhay sa akin. Need ko ngayong mag-relax!" malanding utas ni Kurt.

"What's up?" biglang sulpot ni Daniel sa aming banda.

"Nothing, we're going later sa club opening ni Kyle," sagot ni Danica.

"Oh? Sa Makati?" Daniel interrogated.

"Yup, hindi ba kayo pupunta?"

Daniel sounded hesitant, "Oh, well... we were thinking about it earlier. Lucre!"

Mariin akong napapikit nang tawagin niya si Marcus. Agad naman siyang lumakad patungo sa amin. Jaren, Cadne and Verge got curious too kaya ang ending para kaming may emergency meeting dito sa counter.

"Tuloy ba tayo sa club ni Kyle mamaya?" Daniel asked them.

"Why? You going?" sa akin ang tingin ni Marcus kaya naman inisip ko na ako ang tinanong niya.

Simpleng tango lamang ang aking sagot.

"I invited them, kuya," Danica added.

"We'll come, too," sabi ni Marcus matapos tumango.

Sabay-sabay na kumunot ang noo ng mga kaibigan niya na para bang hindi sila makapaniwala sa sinabi ni Marcus.

"Akala ko ba—"

"Change of plans," halakhak ni Jaren kaya hindi namin narinig ang buong sinabi ni Verge.

Nagkatitigan kami ni Marcus habang nag-uusap silang lahat tungkol sa party mamaya. Ako na ang naunang umiwas ng tingin dahil baka mapansin pa kami ng mga 'to at matukso na naman.

Nagsara kami ng alas otso at agad nagkanya-kanyang landas paglabas. Nauna kaming dumaan kina Kurt at hinintay siyang bumalik dala ang mga gamit niya.

"Paano pala si Nemo?" tanong ko sa kanyang pagpasok muli sa sasakyan ni Danica.

"Who's Nemo? The fish?" naguguluhang tanong ni Danica na naka-upo sa front seat.

May sarili siyang driver kaya naman ay kampante siyang dumaldal sa loob ng sasakyan.

"Anak ng kapatid ni Kurt."

"Oh!" she exclaimed.

"Nandiyan si mama, hindi siya pumasok ngayon," sagot sa akin ni Kurt, "for once, ayaw ko munang mag-isip."

"Same," bulong ko pabalik.

"Mabuti na rin palang inimbita ko kayo," Danica laughed, "there are a lot of parties hosted by our schoolmates. Bakit hindi pa kayo nakakadalo ever?"

I shrugged and replied, "No time for such things."

"Really?" Danica sounded concerned, "how about noong high school kayo?"

"Nakadalo na ako sa mga inuman with friends noon, but I didn't enjoy even once," halakhak ko nang may naalala na naman.

"And lagi ko siyang pinaalalahanang mag-ingat dahil kapag may alak—"

"May balak!" sinabayan ko si Kurt sa huling dalawang salita niyang sinabi.

"Right, ate Ian's beautiful pa naman," sang-ayon ni Danica, "I've been partying since high school, e. My parents aren't that uptight and I'm also open to these kind of things."

Tumango-tango ako at hinayaang magkwento pa si Danica sa mga club experiences niya noon.

Totoo ngang marami siyang bagong dating na mga damit, akala ko nga ay na sa SM na ako sa pagpasok sa walk in closet niya. Parang kalahati ng condo ay para sa closet niya.

Pareho kaming mahilig sa make up at pageant enthusiast din si Danica tulad ni Kurt kaya naman napatagal ang aming preparation sa kanyang condo sa dami ng napag-usapan.

"Pak! Bongga!" rinig kong tili ni Kurt mula sa labas.

Mukhang tapos ng magbihis si Danica kaya maraming papuring sinabi si Kurt sa kanya. Kanina pa ako tapos ngunit hindi ako mapalagay.

Confident naman ako sa katawan ko at komportable ako sa suot pero ewan... parang may parte sa aking natatakot lumabas at magpakita.

"Ian! Ano na, girl?" sigaw ni Kurt, "baka pumasok ka na sa salamin diyan!"

"Ito na! Tapos na nga!"

Bahala na nga!

Pareho silang napanganga nang napalingon sa aking gawi.

I picked this sparkling spaghetti strap silver sequin irregular backless deep v-neck dress that Danica had. It looked simple yet elegant, definitely my style. I planned to just wear silver high heels as well later to complete the look.

My dark brown hair was down and a bit curled because it was tied in a bun the whole day.

"Wala, tapos na! Uwian na!" halakhak ni Kurt, "grabe naman, Ian!"

"It looks perfect on you, ate Ian!" Danica cried, "I can't, I suddenly questioned my sexuality."

"Gaga!" tawa ko.

Inikutan ako ni Kurt at pabiro pang kinurot 'yong bakat na balat ko sa likod dulot ng tangled straps. Sobrang fitted kasi ng dress kaya naman kitang kita ang shape ng aking katawan.

"Sana all may boobs," parinig pa ni Kurt, "kapag ako talaga yumaman, una kong ipapagawa ang boobs ko. Sisiguraduhin kong mas malaki ang akin kaysa sa 'yo."

"Gandang ganda ka naman sa akin. Kalma, ako lang 'to!"

"Looking forward na akong makitang naglalaway si Marcus sa 'yo—"

Agad ko siyang sinita ngunit natatawa pa rin, "Ano ba 'yan, Kurt?"

"For sure hindi 'yon makakatulog ng mahimbing mamaya—"

"Tumigil ka na nga!"

Nag-picture taking muna kami sa condo ni Danica at hindi ko na gamay ang oras dahil sa sobrang tuwa.

"Ang unfair, ang tatangkad ninyo," she pouted.

Na sa gitna namin siya ni Kurt nang bumaba na kami mula sa kanyang sasakyan. Ngayon ay na sa harap na kami ng nasabing club at iyon agad ang una niyang napansin.

"Dapat kasi natulog ka ng tanghali noong bata ka pa!" sermon ni Kurt.

Nagtatalo pa sila habang naglalakad na kami palapit sa entrance. Mahaba ang pila at muntik pang pumila sa likod si Kurt nang hatakin siya ni Danica na sumunod na lang sa kanya. May VIP reservation daw si Danica kaya agad kaming pinapasok.

If the club from outside was huge, the inside was way wider. Kahit na maraming tao sa loob ay hindi pa rin siksikan. Different party lights blinded my sight as we tried to get across numerous people.

Hindi ko na nasundan pa ang aming dinaanan basta ay umakyat kami sa ikalawang palapag at pumasok sa isang glass room.

The noise from the dance floor got a bit lower when we entered the room. Kita pa rin naman ang labas ngunit mas payapa at malamig na rito sa loob. The room was filled with hot pink neon lights. The color eventually changed in pattern.

"There they are!" Danica pointed at the far left side of the room.

Kinabahan ako, hindi ko sigurado kung bakit. Parang timang pa dahil nag-replay sa utak ko ang mga pinagsasabing biro ni Kurt kanina.

Tumayo silang lima nang tuluyan kaming nakalapit. Lahat sila ay iba-iba ang style ngayong gabi at amoy na amoy ko ang mga pabango nila nang lumapit ako upang batiin sila.

Marcus was wearing that sinful rusty orange silk fabric printed shirt. The first three buttons were open, exposing his chest. He also had a loose silver necklace that completed his aura.

Agad akong umiwas ng tingin. For sure the room temperature was low, but a foreign heat consumed my body. Baka ano pa ang magawa ko kung patuloy ko siyang tititigan.

Grabe, ang wild? Kasalanan talaga 'to ni Kurt!

Sinadya pa nilang kaming dalawa ang magkatabi sa pahabang couch! Grabe! Ang lakas ng teamwork ng mga 'to!

"So we'll start easy or hard?" nakangiting tanong sa amin ni Danica.

"Hard na agad! Wala ng practice-practice pa! Lahat naman yata tayo rito naka-inom na noon," halakhak ni Kurt.

"Is it okay with you, ate Ian?"

Jaren looked at me. "Oh? You haven't tried drinking yet?"

"Naka-inom na ako noon kaya medyo gamay ko na ang lasa ng alak," I responded, "kayong bahala. I think my alcohol tolerance is kind of high. Mauuna pa yatang mag-strip si Kurt bago ako malasing."

"Yabang! Kapag ikaw ang naunang nalasing dito, may punishment," panghahamon ni Kurt.

Tumawa na lamang ako at hinayaan silang tuksuhin ako na baka ako pa ang maunang malasing sa aming lahat. Ang chill lang nilang kasama kaya naging masaya ang mga naunang oras. Kahit si Marcus na katabi ko ay maraming kalokohang kwento kaya hindi naging boring ang lamesa namin.

Ito pang sina Kurt at Danica, nag-ala Tiktoker sa gilid nang pinatugtog ang WAP. Ako naman 'tong supportive friend na taga-video nila. Rinig na rinig ang cheer ng research boys at sa bandang huli ay nag-twerk pa si Daniel sa gitna ng dalawa.

It was probably the alcohol that made us a bit bolder than usual. I was back to my seat and the men were laughing at Verge's joke that I didn't get.

Dahil siguro sa sobrang saya ay nawala sa control ang katabi ni Marcus na si Jaren at napalakas ang tulak sa kanya. Bumagsak ang upper body ni Marcus sa aking hita na aking kinagulat.

"Oh! Okay ka lang?" I asked Marcus who was still in daze.

Hindi siya sumagot ngunit agad na tinayo ang sarili upang makalayo sa akin. Iyon nga lang, hindi niya sinasadyang hawakan ang kaliwang tuhod ko bilang pangsuporta. Hindi ko na inisip iyon dahil mukhang nabigla rin siya sa labas ng tulak ni Jaren.

"Sorry, bud!" natatawang sabi ni Jaren.

"Gago, ang lakas no'n!"

Nakita kong tumakbo papalayo si Jaren, akala ko pa nga ay hahabulin pa siya ni Marcus. Natigilan ako nang muli akong lingunin ni Marcus.

"Sorry, I didn't mean to touch you—"

"It's okay," I immediately told him.

Putangina, kahit buong gabi mo pa ako hawakan, okay lang!

"Ang lakas ng pagkakatulak sa 'yo kaya naintindihan ko," I added.

"Still... sorry," sabi niya na lang at umiwas ng tingin.

I grabbed my shot glass and drank the remaining alcohol before I poured another.

Iyon nga lang ay hindi ko na muling nainom iyon dahil hinatak ako nina Danica at Kurt na lumabas sa VIP room upang sumayaw sa dance floor. May dala silang bote ng kung anong mamahaling alak sa aming pagbaba.

Wala na kami sa katinuan nang sumabay sa tugtog ng DJ at nagkanya-kanyang pakitang gilas sa pagsasayaw. Tuwing nauuhaw ay nakiki-inom lang ako roon sa dala ni Danica na bote at muling tumuloy sa pagsayaw.

I never felt this liberated and free in my entire life. I was able to party and enjoy the night like a normal adult without thinking about my responsibilities. The worries that consumed me before seemed to disappear as I confidently blended with different people.

I was head banging to a bop song when I accidentally bumped into some guy. I thought he wouldn't notice because of the huge crowd but he suddenly talked to me.

"Mercian?"

I got alerted, his voice was so fucking familiar. The lights were playing around so I couldn't properly see his face but I knew I shouldn't converse with him.

Lumingon ako sa aking likuran upang hanapin sana sina Danica at Kurt. Mukhang napalayo ako sa kanila dahil hindi ko na kilala ang mga taong na sa aking paligid.

"Mercian, ikaw nga!"

I chose not to acknowledge his presence. I tried to get out of the dance floor but it was so complicated.

I felt his hand against my arm which I immediately tried to remove. I fired him my deadliest stare as I looked back at him.

Kahit lasing ako ay ayaw ko sa kanya.

"Ikaw lang ba? Sinong mga kasama mo? Sumama ka muna sa 'kin!"

"Tangina mo, gago, kahit lasing ako ayaw kitang makasama!" sigaw ko pabalik.

"E saan ka pupunta? Hindi ko alam na pumupunta ka na pala sa mga ganito tapos parang tangang sumasayaw mag-isa—"

"Ano bang pakialam mo? The last time I checked, wala na tayo. Hindi ko kailangan ng sermon mo. Lumayo-layo ka sa akin at baka masapak kita rito!"

Naubos na ang pasensya ko sa kanya na kahit pa mahirap makawala sa dance floor ay pinilit ko para lang hindi na siya makausap.

Panira ng gabi ang puta. Sa dami ng clubs dito sa Maynila, bakit dito pa kami muling nagkita? Parang tanga.

Sigaw pa siya nang sigaw sa aking likuran at may narinig pa akong mula sa kanya na nagbago na raw ako. Hindi raw ako ganito noon.

Tawang tawa ako habang pilit na minumulat ang mga mata. Patuloy pa rin ako sa paglakad nang may pamilyar na amoy akong nakalap.

"Mercian," alog sa akin ni Marcus nang nagkasalubong kami, "are you drunk?"

"Siguro," ngiti ko sa kanya.

"Danica and Kurt are upstairs na, let's get you back—"

"Ian, ano ba!"

Napairap ako nang narinig muli si Arist galing sa aking likuran. Hindi siya pinansin ni Marcus dahil na sa akin ang kanyang buong atensyon.

"Tara nga rito!" Sinubukan muli ni Arist hablutin ang braso kong namumula na ngunit nakita kong mabilis na pinalo palayo ni Marcus ang kanyang kamay.

"Gago 'to, ha. Sino ka ba?" nanghahamong tanong ni Arist.

Natawa na naman ako. Makahamon 'to akala mo may ibubuga.

Hindi sumagot si Marcus ngunit muli akong binulungan, "Let's go."

Naramdaman ko ang kanyang kaliwang kamay na nakabalot sa aking baywang na mukhang pangsuporta.

"Saan mo dadalhin girlfriend ko?"

Ang kapal!

"Tangina mo, gago, tapos na tayo!" natatawa kong sigaw kay Arist at tinuro si Marcus, "ito ang pinalit ko sa 'yo kaya huwag kang feeling entitled!"

"Ano?" Arist confusingly asked.

"Siya!" tinuro ko muli si Marcus, "siya na ang boyfriend ko kaya tigilan mo na ako!"

"Ano? Paano—"

I smirked, I was already out of my senses when I yelled, "Oh bakit? Hindi ka ba makapaniwalang nakabingwit pa ako ng mas gwapo at mas maayos na lalaki kaysa sa 'yo?"

"Is that Lucre?"

"I think? She's with a girl?"

"Mas masaya na ako ngayon sa boyfriend ko dahil hindi tulad mo! Hindi niya ako pinagbabawalang uminom o magsuot ng mga ganitong damit! Hindi rin siya hadlang sa mga pangarap ko. Higit sa lahat, hindi niya ako kinukulong para sa kanyang sarili. Sana huling beses na natin 'tong pagkikita dahil baka hindi ko matansya, masapak na kita!"

Hindi ko na nakita pa ang reaction ni Arist o napansin ang mga boses na kanina kong narinig sa paligid dahil tuluyan na akong nilayo ni Marcus doon.

Saka ko lang naramdaman ang sakit ng aking katawan at para pang nanghina. Hindi na ako nakasabay sa oras at hindi ko na rin kaya pang mag-isip ng maayos.

"One step at a time," bulong sa akin ni Marcus nang napansing hirap na hirap akong umakyat.

"Ang sakit na ng mga paa ko," I whined.

"Malapit na tayo."

"Masakit na talaga."

"You want me to carry you?"

Ano ba? Ewan ko? Basta masakit na ang mga paa ko at parang hindi ko na kaya pang mag-one step at a time.

"I need an answer, Mercian," he told me.

"Oo na, sige na," I drunkenly answered.

My sight started to blur and my eyes felt heavy so I unconsciously let them close on their own.

"Here I thought your tolerance was high," he whispered before I felt myself getting lifted.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top