Chapter 14

Chapter 14 | Difficult

"Para namang hindi mo ako kaibigan, Ian!"

Kung may option lang talaga akong hindi makinig kay Kurt ay matagal ko na iyong ni-activate.

Kahapon pa niya ako kinukulit na magkwento tungkol sa "bonding" daw namin ni Marcus dahil parang bigla kaming naging close pagdating sa karinderya.

Sinabi ko naman sa kanyang tiningnan lang namin 'yong bahay at kumain kami sabay ng breakfast pero hindi ko na ibinahagi pa ang parteng niyakap ko siya. Hindi naman lahat ng bagay ay kailangan kong sabihin kay Kurt pero napaka-persistent niya lang talaga as a chismosa.

"Nakwento ko na sa 'yo, ha? Iyon lang naman ang nangyari," iritado kong sabi.

Inirapan lang ako ni bakla. "Hindi convincing, feeling ko talaga may iba pang naganap. Bigla ka ba namang bumait sa kanya? Ano 'yon, imagination ko lang?"

Tinawanan ko na lang siya at pinasa ang hawak na tray. Hindi ako titigilan nito kapag kinuwento ko pa 'yong inutusan ako ni Marcus na subuan siya no'ng Jolly Hotdog niya dahil nagda-drive raw siya.

Ang lakas talagang mang-asar ng lalaking iyon, mabuti na lang at hindi niya ako ginaganon tuwing kasama namin ang mga kaibigan namin... kaso nga lang parang 'di rin effective 'yong pagiging distant ko sa kanya tuwing magkakasama kaming lahat. Sobrang obvious niya nga kasing gusto niya ako kaya gano'n na rin ang iniisip nilang lahat.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman kahit pa alam kong may gusto siya sa akin. Parang hindi naman kasi kapani-paniwala.

Hindi ko siya lubusang kilala ngunit base sa sinabi sa akin ni Danica noon, alam kong hindi ko na kailangang i-stalk pa ang accounts niya o magtanong kung gaano siya ka-big time.

Maybe a part of me really didn't want to know about his luxurious life because I only wanted to remember him as the man who was working in our store for their group research.

Siguro nga ay takot akong kilalanin siya dahil alam ko na kung gaano kalaki ang agwat naming dalawa.

Ang hirap paniwalaang gusto niya ako dahil paniguradong may mga "mas" na siyang kilala kaysa sa akin. Mas maganda, mas matalino, mas angat sa buhay... at mas bagay sa kanya.

Gusto ko bang malaman kung bakit niya nasabing gusto niya ako? Oo at hindi. Oo para maliwanagan ako at hindi dahil baka sa sobrang ganda ng sagot niya ay manghinayang ako.

"Ian!" tawag sa akin ni Kurt mula sa labas.

Mabilis kong hinubad ang hand gloves at lumabas mula sa kusina upang puntahan siya.

Naabutan ko siyang inaayos ang mga ulam na nakalagay sa loob ng kaldero.

"Iabot mo nga kina Marcus 'yong iihawin na barbeque, na sa labas na sila," utos niya sa akin.

Apparently, no one was available but me to hand the barbeques to them. Verge was cleaning the tables, Jaren and Daniel went outside to buy something. Nay Feran didn't work today because she wasn't feeling well.

Wala namang issue kung ako pero bahagya akong kinabahan sa sinabi ni Kurt.

"Sila ang magg-grill nito? Marunong ba 'yong mga 'yon? Sinong kasama ni Marcus?" nagtataka kong tanong.

Kurt assured me, "Huwag kang mag-alala, tinuruan ko si Cadne kahapon kung paano mag-ihaw. Siya ang nagpresinta ngayong mag-ihaw kaya hinayaan ko, masarap naman ang nagawa niya kahapon."

"Siguraduhin mo lang!"

"Oo nga!" sigaw niya pabalik, "okay na rin 'yon para naman maiba ang nakikita ng customers natin. Mas dadami ang kakain sa atin 'pag nakita nilang mga pogi ang nagluluto ng kakainin nila!"

Umirap na lamang ako at padabog na kinuha ang tray ng barbeque. Grabe rin utak ni Kurt palibhasa ay gawain!

Marami na nga kaming naging customer mula noong nagsimulang nagtrabaho rito ang research boys at tunay ngang madalas ay puro babae.

Kinailangan pa nilang paki-usapan ang iba na umalis na right after eating dahil may susunod pang kakain. Sobrang fascinated siguro talaga nila dahil puro "pogi" ang trabahador namin.

Sa harap ng karinderya ko naabutan ang dalawang busy'ng busy sa iniihaw. Mukhang last batch na itong dala ko at nakalimutan lang nilang kunin dahil sa ginagawa.

I was standing behind them and they probably didn't feel my presence. I was about to speak to get their attention when Cadne asked Marcus.

"But you really like her, right?"

"Yeah, I'm sure," sagot naman ni Marcus habang iniikot-ikot 'yong barbeque.

Ako ba ang pinag-uusapan nila?

I wanted to step back so that I wouldn't hear the next of it.

"So why not make a move?" Cadne genuinely asked, as if confronting a friend's problem.

I saw Marcus shrugged. "I don't think it's right to make a move yet."

"Why?"

God, their topic was making me uncomfortable. They were unconsciously talking about me while I stood behind them as if I intended to gossip!

"I unintentionally heard her talk about her ex... remember when Daniel asked me to deliver the plates to the kitchen? I overheard her story about how her ex mistreated her. I got furious because she had to go through that."

That caught me off guard... so he listened before he gave us the plates.

"Oh... I see..."

"I don't want to rush her for the sake of my feelings," Marcus told Cadne, "I think she has developed fears because of her ex. I don't want to trigger anything and as much as I want to help her... I think she just won't let me."

Hindi ko alam kung bakit biglang may namuong luha sa gilid ng aking mga mata at tila ba may umagos na mainit na tubig sa aking dibdib. Ang sarap sa pakiramdam marinig mula sa kanya na... naiintindihan niya ako. Partida, wala pa akong sinasabi.

He just overheard the story and immediately considered me.

"You're really thinking about this, huh?" Cadne tried to lighten up the mood, but my tears were already down to my cheeks.

"Yup, I only heard one story, I don't know how many are left. I don't want to invade her life just like that even if I'm sincerely concerned. So the best way to do for now is to back off. Although sometimes... I cannot help but to tease her. Do you see how she smiles?" Marcus asked enthusiastically.

Wala sa sarili akong napangiti kahit pa tuloy-tuloy ang agos ng mga luha.

Arist never appreciated my smile... and even smallest details I did for him.

"God, that smile of hers..." he laughed, "she looks bossy when serious, but adorable when she smiles."

"I never thought you'd be this whipped over someone," pakikisabay ni Cadne, "here I thought you'd be in love with those office papers forever."

"Those papers are my enemies."

Gusto kong matawa dahil ang chill lang nilang mag-usap without knowing na umiiyak na ako dahil sobrang na-touch sa narinig.

Dati, narinig ko rin si Arist kasama ang mga kaibigan niyang pinag-uusapan ako. Siguro nga bata pa ako noon kaya akala ko, okay lang na sa gano'ng paraan nila ako pag-usapan.

Saka ko lang naramdaman na ang pangit pala, na parang binastos pala ako ni Arist... dahil iyong mga inakala kong compliments... nakakabastos pala.

Cadne chuckled, "So you're going to wait for her?"

"Exactly my plan. We're still young and I bet she has no plans to be in a relationship yet."

"How do you say so?"

"She has goals, Cadne. She isn't just working and studying because she has to, she's doing these to achieve her goals in life. Even if she don't tell me, I feel it. The way she talks about her family... she's so sincere," Marcus answered without any hesitation.

Kaya pala tahimik lang siyang nakatingin at nakatitig sa akin kahapon. He really paid attention to my random stories about my family.

"Yeah, I can see that, too... not just her but also Kurt."

"I know, right?"

"They will surely achieve the things they want."

"I'm rooting for that, too," Marcus stated, "I'll accept whatever she can afford to give me or even if there's none, it's okay. I'm not her responsibility. She didn't ask me to like her."

Mas bumilis pa ang pagkawala ng aking mga luha. Pigil na pigil akong humikbi dahil gusto ko pang marinig kung ano ba ang iniisip ni Marcus tungkol sa akin. Hindi ko inakalang ganito pala kaganda... ganito pala ako kaganda sa mga mata niya.

Ang sarap marinig na hindi niya ako pipilitin... na may choice ako at kasama roon ang humindi... na ayaw niyang ma-pressure ako at magpadalos-dalos. Noon... parang lahat kasi ay kailangan kong gawin kahit ayaw ko.

"Right, I'm glad you've thought of that."

"Duh," maarteng sabi ni Marcus, "I am prone to making mistakes but I'm not an asshole like her ex."

"Mas lamang ka ba?" natatawang tanong ni Cadne.

"Wala pa 'yon sa talampakan ko."

The audacity... pero totoo naman.

Muntik ko ng mabitawan ang hawak nang napalingon si Marcus dahil sa kanilang pagtawa.

His expression immediately changed, especially when he noticed me crying.

Walang sabi kong binigay kay Cadne 'yong tray at mabilis na naglakad palayo sa kanila.

I was wiping off the traces of my tears when I heard Kurt calling me. I didn't respond to him and instead, I went inside the room. When I was about to close it, someone from outside tried to push it.

Wala na akong lakas para pa ipagtabuyan siya. Tumalikod na lamang ako at sinubukang patahanin ang sarili.

Nakakahiya at naabutan pa niya akong umiiyak!

"Mercian..." mahinhing tawag sa akin ni Marcus.

"Wala lang 'to."

"You heard us?"

Imbis na sumagot ay lumakas ang aking mga hikbi.

"Why are you crying? Did I offend you? Did I... say something wrong? I'm sorry."

"Hindi... wala... wala kang maling ginawa o sinabi."

"Then why are you crying?" he gently asked me again.

"Wala."

"Come on..."

"Wala nga, okay lang ako."

Natahimik siya at inakala kong lalabas na. Dahan-dahan kong naramdaman ang pagkyakap niya sa akin galing sa aking likuran. Nanatili akong nakatayo at hinayaan lang siyang ikulong ako sa kanyang mga bisig.

Hindi ko naman intensyong umiyak at noong una pa ay ayaw ko rin sanang pakinggan... pero sapat na ang mga sinabi ni Marcus para baguhin ang mga iyon.

Gusto ko rin ba siya?

Hindi ko alam. Hindi pa ako sigurado... pero gusto ko ang mga sinabi niya. Para bang finally kahit pala sa pananaw ng ibang tao ay hindi ako ang may mali.

"I don't know what's going inside your mind, but I hope you're not hurting."

"Hindi."

"Good."

"I'm sorry we talked about you—"

"Ayos lang..."

"Still... maybe you felt uncomfortable?" pabulong niyang tanong sa akin.

"Noong una pero kalaunan... okay naman."

"I'm sorry you first heard about my feelings in that way."

Bakit ba siya nags-sorry? Naiintindihan ko naman kung bakit para sa kanya ay hindi madaling sabihin iyon sa akin.

"Ayos lang talaga, Marcus. Huwag ka ng mag-sorry, wala ka namang ginawang mali."

"Okay, then. Stop crying na rin if you're not upset about it," he said back.

Bahagya akong natawa. Naabutan ko siyang nakatitig muli sa akin. Magkalapit lamang ang aming mga mukha dahil nga nakayakap siya sa akin.

"Smile when you're happy, Ian."

"Siguro nga mapapadalas na ang pagngiti ko," sabi ko, "gustong gusto mo 'tong ngiti ko, 'di ba?"

It was then his smirk appeared, "Yes, please smile often."

Tuluyan na akong natawa. He didn't even deny. Kumawala na ako sa kanyang yakap at nagpaalam na pupunta muna ako sa banyo. Siya naman ay lumabas na ng nakumbinsi kong okay na ako.

Medyo natagalan ako sa pag-aayos sa sarili dahil ayaw kong makita pa ng iba na umiyak ako. Sa aking paglabas, may iilan ng umo-order. Umaga pa kaya 'yong mga suking drivers muna ang laman ng karinderya.

Sa isang banda, nahagilap ko si Danica na tila ba may hinahanap din. Tingnan mo 'tong batang 'to, ngayon lang bumisita!

"Danica?" tawag ko sa kanya.

Para siyang nabuhayan ng loob nang narinig ako. Mabilis siyang tumayo at nakangiting tinakbo ang distansya naming dalawa.

"Ate Mercian! Kanina pa kita hinahanap, sabi ni kuya Marcus may ginagawa ka lang daw," salubong niya.

"Oo, na sa loob ako kanina. Ngayon ka lang napadaan, ha?" masigla kong puna, "sabi mo noong first day ka nila pupunta. Hinintay kita no'n!"

She pouted cutely and responded, "Really? Sorry, ate, something came up that day and I didn't have any spare time to visit, but here I am now!"

I chuckled and gracefully pointed at the counter, "Have you ordered yet? Anong gusto mo?"

"I haven't yet because I was searching for you. I'll order mine na lang muna, ate."

"Sure!"

Maglalakad na sana siya patungo sa counter nang biglang huminto at bumalik sa aking tabi.

"Bakit?" I curiously asked.

"May gwapo kasi, ate Mercian," bulong niya sa akin.

Lahat naman talaga sila gwapo?

"Si Verge ba?"

"Huh? No!" she exclaimed out of nowhere.

Nang napansin niyang napalakas siya ng tugon ay bahagyang tumalikod, mukhang nahiya.

"Sino ba?" natatawa kong tanong.

"Yong na sa cashier."

Kilala ko naman na kung sino ang tanging lalaking na sa cashier pero kinailangan ko lang talagang i-check ulit kung sino ang pinagnanasaan ng babaeng 'to!

Hindi ko na napigilang humalakhak.

Tangina.

"Why are you laughing?" iritadong bulong ni Danica sa akin.

Batang 'to talaga!

"Hayaan mo 'yon, hindi kayo talo," I answered in between my laugh.

"Bakit naman? Humahadlang ka agad, ate! Anong pangalan niya?"

Diyos ko!

Ano kayang magiging reaction ni Kurt kapag narinig niya 'to? Gusto ko sana siyang pag-trip-an kaso kawawa naman si Danica kung madadamay pa.

"He's so attractive, ate. His tanned skin looked so fine and—"

"Danica, gutom lang 'yan."

"What's his name first, ate, please?"

"Akala ko ba si Verge?"

"The more the merrier," rason niya.

Umirap ako at walang gana siyang sinagot, "Si Kurt 'yon."

"Kurt?"

"Oo, Kurt. Sige na, landiin mo na. Single 'yan."

Tuluyan siyang ngumiti, "Thank you for giving me your permission, ate! Babawi ako sa 'yo!"

Napailing na lang ako at nagtungo na lang sa kusina. Hindi ko nabilang kung ilang minuto ang lumipas nang biglang pumasok si Kurt at mukhang sinalo niya lahat ng kamalasan sa mundo.

"Problema mo?" tanong ko.

Halos magsalubong na ang makakapal niyang kilay nang tumugon, "Ikaw nga muna sa counter ngayon."

Pigil na pigil akong tumawa ngunit patuloy na umaangat ang magkabilang dulo ng aking labi.

"Bakit naman?"

"Ako na muna rito sa kusina."

"Bakit nga?" pangungulit ko.

"May creepy na babaeng customer na inaano ako," hindi niya alam kung paano sasabihin.

"Inaano ka?" tukso ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Kurt. "Ikaw! Kakilala mo 'yon, e! Nakita ko kayong magka-usap."

"Ah, si Danica ba?" pagmamaang-maangan ko pa.

Halos hindi na bumalik ang mga mata niya dahil sa iritadong pag-irap.

"Hindi ko alam kung anong sinabi mo sa kanya pero ang creepy niya. Ikaw nga muna roon at baka may babae akong ma-attitude-an ngayon!"

I left the kitchen with a wide grin on my face. Pakiramdam ko nakabawi na ako kay Kurt ngayon sa lahat ng mga panunukso niya sa akin noon. Kung alam ko lang na si Danica pala ang katapan nito, sana pala araw-araw kong kinulit ang babaeng 'yon na pumunta.

"Oh, ate Mercian... na saan si Kurt?" sulpot ni Danica sa aking harapan ilang sandali nang napadpad ako rito.

"Sa kusina, bakit?"

Danica looked worried as she asked, "Did I do something wrong?"

"Hindi lang 'yon sanay na may pumuporma sa kanyang babae," I told her.

Her eyes looked down. "Gano'n ba? I just asked about the food and his name."

Grabe naman pala, Kurt! Porma na agad ang tingin niya sa gano'n? Hindi man lang casual or friendly interaction? Sobrang sensitive ba talaga no'n sa babae?

"Maybe he thought you were flirting," I guessed.

"Well, I was... a little. Ano bang tipo ni Kurt?"

"Huh?"

Bakit napunta rito ang usapan?

"Para lang alam ko ang mga dapat at hindi dapat kong gawin whenever he's around," she reasoned.

Imbis na matawa ay napakunot ako.

"Don't adjust yourself to be likeable to others," wala sa sarili kong sabi, "trust me, Kurt has been my friend since high school. And as for his type, may abs ka ba?"

"Huh?" siya naman ngayon ang naguluhan.

"May tite ka ba?" walang preno kong tanong na mukhang narinig pa ni Daniel, "kung wala, 'di ka niya type."

It took her a while to realize what I meant.

"Oh! So... he's gay? Like as in legit?" Danica asked, bewildered, "how wasn't I able to notice that?"

"Suyuin mo na lang 'yong first crush mo, Danica," pang-aasar ni Daniel at tinuro ang banda ni Verge gamit ang kanyang nguso.

"Ew, no. I'm looking for new crushes nga, 'di ba, to not bother him anymore? Ito naman ang gusto niya kaya huwag niya akong artehan."

Humalakhak na lamang si Daniel at muling umalis upang iabot ang hinihingi ng customer.

"Ate Mercian, I want to apologize to your friend," sabi ni Danica nang nawala na si Daniel.

"Do you want me to pull him out?"

"Yes, please. I just want to sincerely apologize."

Sinubukan ko talagang paki-usapan si Kurt na lumabas para makapag-sorry si Danica sa kanya pero ayaw talaga ni bakla. Mukhang may toyo, grabe, ang hirap suyuin!

Natapos na lang ang araw nang tuluyan siyang lumabas. Wala na si Danica dahil may lakad pa raw siya kanina. Tahimik pa rin si Kurt ngunit hindi ko na lang pinansin.

"Need a ride home?" tanong sa amin ni Marcus nang tuluyan na naming nasara ang karinderya.

Wala na 'yong iba at tanging sila na lang ni Cadne ang natira kasama kami.

"Hindi na, maaga pa naman kaya may tricycle pang dadaan dito," I politely declined.

He nodded timidly and didn't force it anymore. Akala ko tuloy ay aalis na rin siya matapos magpaalam ni Cadne.

"Hintayin ko lang kayong makasakay bago ako umalis," he informed me when he noticed me staring.

"Ah, okay." Umiwas na ako ng tingin.

"So you know Danica?" he tried to converse.

"Yup... kakakilala ko lang sa kanya noong nakaraan."

"Oh, I see."

Tangina, hindi ko alam kung anong sasabihin kong kasunod. Bakit kung kailan kailangan ko si Kurt ay saka siya hindi umiimik?

"Saan ka after rito? Uuwi ka na rin?" wala sa sarili kong tanong.

He looked startled but eventually replied, "I have to attend a business party with my parents."

"Oh? Baka kailangan mo ng umalis..."

"Hindi pa. I don't want to be there early anyway."

"Baka pagalitan ka?"

He smirked, "Hindi 'yan."

Naks, bad boy.

"Then after ng party, uuwi ka na?"

He raised his brows and mocked me, "Curious now, aren't we?"

I snorted, "Huwag masyadong assuming. Tinatanong ko lang dahil wala akong masabi... saka buong araw kayong nagtrabaho, baka pagod ka na."

"Concerned?"

Inirapan ko nga.

Humalakhak naman siya riyan sa gilid.

Parang tanga.

"Didn't know you care about me," panunukso pa niya, "should I give you my number for you to ask easier?"

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Wow? Ang kapal?"

"I'm willing to give it to you anyway," bawi niya.

"Hindi ko hinihingi!"

"Fine. I volunteer to give it to you, then?"

"Huwag na, aanhin ko naman? Kung may itatanong ako, kay Kurt ko na lang ipapatanong," pagtanggi ko.

"That number is for work purposes only. Itong ibibigay ko is 'yong personal number ko. I can quickly reply to you—"

"Ayaw ko nga, ang kapal talaga!" natatawa kong sabi.

"Sure?"

"Last call," sabi niya nang 'di ako umimik.

Hindi ko alam kung bakit pa niya dinikta 'yong digits at ako naman 'tong pilit na kinakabisado sa utak. Pinamukha ko lang sa kanyang hindi ako nakikinig dahil paniguradong nang-aasar lang naman siya.

Mabuti na lang at may tricycle ng dumaan at nakaalis na rin kami kalaunan.

"Hoy, galit ka pa rin?" suyo ko kay Kurt habang magkatabi kami sa loob.

"Hindi," tipid niyang sagot.

"Mags-sorry naman talaga si Danica—"

"Oo na basta huwag mo na lang ako ulit ireto sa mga babae."

"Hindi kita nireto!" I exclaimed to prove a point, "she was already attracted to you when she approached me."

Hindi muling kumibo si Kurt. Tahimik na rin ako nang ako naman ang tinanong niya.

"E kayo ni Marcus? Sinungaling ka rin na walang nangyari. Ano 'yong pag-iyak at habol niya sa 'yo kanina, aber? Para akong nanood ng taping ng isang drama."

Binalita ko na sa kanya 'yong narinig kong usapan nina Cadne at Marcus kanina at baka buong linggo pa 'tong magtampo sa akin. Tama nga ako at hindi na niya ako tinigilang asarin hanggang sa aming pagbaba.

Laking pasasalamat ko at kay Nemo na siya naging busy sa aming pag-uwi. Wala pa ang mga magulang niya kaya malaya siyang nakakagalaw sa kanila. Ako naman ay inabala ko ang sarili sa aking silid.

Handa na ako sa pagtulog at nagpapaantok na lamang nang sinubukan kong i-type ang number ni Marcus sa aking contacts at ni-save iyon. Hindi ako hundred percent sure kung tama ba kaya naman sinubukan kong i-text para lang malaman kung mali ako ng pagkabisa o hindi.

u at the party na?

I didn't expect anything because I wasn't even sure if I had the right number. I was about to place my phone beside me when a text notification popped up on screen.

Gago, tumama!

Hindi na ako napakali. Hindi ko pa nga nababasa 'yong reply niya ay kinakabahan na ako.

BJ:
So you memorized my number ;)

Yeah, I'm here already

Sinubukan ko lang

Enjoy ka na diyan

Grabe rin 'tong lalaking 'to. Ang bilis ngang sumagot na akala mo hindi siya busy do'n!

BJ:
Well, I replied.

What do you wanna know?

Wala gagi sinubukan ko lang talaga kung sa 'yo nga ba

Stop texting me na enjoy mo na lang diyan

BJ:
Nah, party's not that interesting. I'm just being forced to meet other business men and their daughters from different countries.

Naks world wide pretty boy

BJ:
Not interested on that title

Bakit ba ang bilis mong sumagot di ka yata nakikinig diyan, e.

How about you? Why are you still up?

Nagpapaantok lang po

Then let's continue texting until you fall asleep

Gago naman, ano, high school lang? Pero ako rin 'tong hindi na napigilang sumagot. Diyos ko, Mercian!

Noong na-realize ko na napapatagal na ang usapan namin ay nagkunwari akong inaantok na.

Ewan.

Bigla akong sinampal ng reyalidad habang ine-explain niya sa akin kung anong purpose ng dinaluhan nilang party. Akala ko pa naman 'yong party lang casual and informal.

BJ:
Okay, good night, Ian.

Napabuntong hininga na lang ako at tumayo. Napagpasyahan kong bumaba muna upang makausap si Kurt. Magaling manampal ng reyalidad 'yong isang 'yon at ngayon ay kailangan ko ng matinding sampal.

"Oh? Gising ka pa?" gulat niyang puna.

"Hindi ako makatulog, wala pa sila?"

"Wala pa," sagot niya habang pinapadede sa bote si Nemo, "let me guess, you're thinking of him?"

Umirap ako at walang ganang umupo sa kanyang tabi.

"Naguguluhan ako, Kurt, kahit na hindi niya naman ginagawang komplikado ang lahat."

"Bakit? Gusto mo na ba siya?" he asked me.

My sight remained far as I replied, "Hindi pa naman, hindi ko siya lubusang kilala."

"Hindi ka naman niya minamadali."

"Oo nga..."

"Oh, anong dinadrama mo ngayon?" naiinip niyang tanong.

I bit my lower lip and didn't answer.

"Baka naman you're just overwhelmed because someone finally treats you better... o baka naman pini-pressure mo ang sarili mo na gustuhin na rin siya pabalik dahil baka makawala pa sa 'yo?"

"I'm not selfish."

"But he's the ideal type, imposibleng kahit kakarampot na pagnanasa ay wala ka. He's good to you and he makes you feel things, but control yourself, Ian. Hindi naman 'yan mawawala kung kayo talaga. Mawala man, babalik din 'yan kung siya talaga ang para sa 'yo. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo pero sana ay pag-isipan mo 'to ng mabuti."

"Iniisip ko na makapagtapos muna at maging flight attendant nga," I told him.

"Oh, e 'di ayan muna ang isipin mo. You're overthinking again. Hindi nakakatalino 'yan, Ian."

Right... maybe I was just overwhelmed earlier.

"Pero kung ikaw ba ako, jojowain mo na ba agad si Marcus?" I asked him.

Agad siyang umiling na aking kinagulat. "Hindi dahil alam ko sa sarili kong hindi pa ako muling handa."

Tumango na lamang ako.

True enough, I still had a lot of pending shits to improve and fix on myself. I finally met someone who put me first instead of his personal desires, I should make use of this in a good way. I finally had someone who was supportive and patient... this shouldn't be as difficult as before.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top