Chapter 45: Friendly Match?

Luke Andrei's POV

Kabilis ng araw, isang buwan ng nakakalipas since umuwi ng Pinas si Kuya Adrian, maganda naman ang mood ni Sab this past month dahil lagi namin dinadala sa mga parks para malibang, so far so good naman and LDR mode nila Kuya at Sab, kami ni Cai, okay din naman, medyo asar lang sya sa bago nilang Manager, kahit ako naiinis don, pero as long na alam kong safe si Cai, wala akong problema, wag lang talaga nyang gagalawin ang girlfriend ko..

"Andrei, alam mo na ba ang balita?" sambit sa akin ng isang co-worker ko, pinoy rin sya kaya nagkakaintindihan kami

"Ang alin?" tanong ko

"May Friendly Basketball match this coming friday versus the Gabriel Promotional Company, sasali kami ikaw ba? Balita ko magaling ka sa Basketball?" say nya sa akin

"Matagal na yun sinasabi mo, pero since its a friendly match, sige I'm in!!" sambit ko sa kanya

"Nice, practice tayo later gymnasium later since dito sa atin gaganapin yun dahil tayo lang ang merong basketball gym, so see you later MVP!" he said

"MVP ka dyan? Oo na kita na lang tayo sa practice later!" say ko at nagpatuloy na ako sa ginagawa kong trabaho

Fastforward...

Practice....

"You are really good on shooting Andrei! You will be the Shooting guard of the team okay?" sambit ng coach namin

"Thanks coach!" I said to him

Nagpatuloy ang practice namin hanggang 5pm...

"Andrei, bukas ulit ah!" sambit ni Kyle, siya yung sinasabi kong co-worker ko kanina

"Sige tol, una na ako sunduin ko pa si Cai!" say ko sa kanya

At the lobby of Gabriel Promotional Company...

While waiting for Cai to come down, an unwanted person appear again...

"Waiting for Ms. Rodriguez?" si Lance San Miguel

"Ano na naman ang kailangan mo San Miguel?" tanong ko sa kanya

"Wala lang naman, narinig mo na ba ang friendly match between the Engineers and the Promotional Company?" he said

"Eh ano naman sa iyo!?" sarcastic kong sagot

"I heard that you will be playing for the Engineers am I right?" he asked me

"Pake mo ba San Miguel, at alam ko rin na maglalaro ka for this company di ba?" I asked him

"For your information Baldomero, this team of mine is where your sweet girlfriend belong!" sambit nya sa akin

"You know it is just a friendly match San Miguel, this is not a competition and beside this company and the engineers are sister company!" I said to him

"But when it comes to playing a game there must be a winner and that what we called competition, so in this game, Ms. Rodriguez as well as Ms. Gabriel belongs to my team!! Kaya, they have no choice but to support the team they belong to!! Kaya wag ka ng umasa na kakampi sayo ang girlfriend mo sa friday dahil its not a friendly game anymore its a competition on who will rise as victorious towards the end!!" nang iinis na sambit ni Lance sa akin, gusto ko ng manuntok ng mokong eh ng --

"Hoy San Miguel!! Tigilan mo na si Andrei pwede!?" narinig kong sabi ni Sab kasama si Cai

"Oh hi girls! I'm just taking my time talking with Engr. Baldomero!" nag iba ang ihip ng hangin ng lalaking to

"Talking ka dyan!? Ugali mo ah!!" say pa ni Sab

"Alam mo Lance, di purkit General Manager ka ng company ito, may K ka nang mang inis o mang alaska ng ibang tao dito, kaya pwede ba!? Tigilan mo na si Luke!!?" nagsalita na finally ang prinsesa ko

"Cailly, remember what I want I will do what I want!" say nya kay Cai

"Mukha mo!? Tabi nga dyan! Tara na nga!!" sabay hila ni Cai kay Sab at sa akin palabas ng lobby

On the way to Cai's Unit...

Nahatid na namin si Sab sa kanila ngayon naman si Cai ang ihahatid ko sa unit nya..

"Bakit ka na naman kinausap ng mokong na yun?" tanong bigla sa akin ni Cai

"Alam mo na naman di ba ang magaganap na friendly basketball match between the Engineers and the Promotional Company" sambit ko kay Cai

"Oo alam ko na ang tungkol doon at sa kasamaang palad si Lance ang napiling team captain ni Tito sa team namin, kaasar!? Eh ikaw kasali ka ba sa team nyo sa Engineers?" tanong ni Cai sa akin

"Yup! That's why Lance gave me a nonesense talk earlier about that Friendly match.." I said to her

"Ano naman ang binida ng mokong na yun sayo?" Cai asked me

"He said that you and Sab belongs to his team and you have no choice but to support the team you belong to! It is not a friendly game anymore it is a competation on who will rise victorious towards the end!" kwento ko kay Cai, kita kong nag iba ang expression ni Cai

"Kapal talaga ng mukha ng San Miguel na yan? Di purkit team captain sya ng team namin, aasta na syang hari, na syang magaling na dapat ang suporta ng buong company nasa kanila lang haler!? Asa sya!" comment ni Cai

"Easy ka lang Mahal, ang puso! Nakakastress yan!" say ko sa kanya

"Paano ako eeasy dyan sa masamang hangin na yan, simula nung dumating yan dito, di na gumanda awra ko sa office paano? laging napunta don, wala naman ginagawa, nagpapacute lang don sa mga co-workers namin ni Sab, kunwari nag oobserve pero san ka napunta lang don para makipagchismisan sa girls and eto naman mga kasamahan namin sa office, kilig kilig.." sambit ni Cai na mukhang highblood kay Lance

"Eh ikaw? di ka ba na cucutan sa asta ng mokong na yun?" say ko sa kanya

"Naku hindi noh! Masaya na ako sa buhay ko, wala na akong pake sa kanya, masyado nga lang panira ng araw.." sabay crossarm ni Cai

"So it means na susuportahan mo ako sa game namin sa Friday kahit na sa team ka ni mokong kasama?" tanong ko sa kanya

"Pag iisipan ko?" say nya

"Ay!!!" angal ko

"Joke lang! eto naman, matampuhin, kahit na sabihin pa ng mokong na yun na property kami ng team, wala syang pake kung sino ang susuportahan namin, kaya chill ka lang dyan, you have my full support okay!?" she assured me and I smiled at her

"Alam mo naman na ikaw lang ang lucky charm ko eh!" sabay hawak ko sa kamay nya

"Bolero!!" sabay kurot sa ilong ko

"Aray!!" inda ko

"Yan ang wag na wag kong maririnig sayo sa Friday ah!? Alam mo na naman na may pagkamagulang maglaro si San Miguel, okay lang sakin na naglalaro ka ng maayos at patas kaysa makita kitang ginugulangan at bumabagsak sa sahig, naku Luke ah!! Ingatan ang sarili!!" paalala sa akin ni Cai

"Don't worry Mahal, tatandaan ko ang bilin ng aking prinsesa!!" I said to her

Fastforward....

Game Day...

Bago mag start ang introduction ng team, nandito ako nakatambay sa may labas ng gym ng company namin when I saw Cai and Sab approaching me..

"Hi Drei!!" bati sa akin ni Sab

"Hi!!" I said back

"Hi MVP.." Cai happily greeted me

"Hi Cheerleader!" biro kong sabi sa kanya

"Ready ka na for this game?" tanong sa akin ni Cai

"Yup, kahit medyo kabado dahil first time ulit after so many years na natigil.." sambit ko sa kanila

"Kaya mo yan Drei! Balita ko puspusan ang practice nyo, kaya kahit team namin ang kalaban nyo, you have our support okay?" si Sab

"Thanks Sab!" I said

"Oh eto, suotin mo tong bowler sa wrist mo as my goodluck sa game mo!" sambit ni Cai sabay suot sa left wrist ko ng bowler na bigay nya

"Thank you Mahal, don't worry I will play my very best!" I said to her

"Play your very best and be careful okay?" she reminded me about what she said last time

"Okay, I kept that in mind!" I said as I hold her hand when --

"How sweet?" Lance San Miguel

"Andyan na naman ang panira ng araw?" rinig kong bulong ni Sab

"So girls, are you ready to see how the real game will start?" ngising sabi ni Lance kila Cai

"Ayaw kong masira tong araw kong to kaya Goodluck later ah, Sab lets go inside?" sambit ni Cai sabay kiss sa cheeks ko then pumasok na sila ni Sab sa loob ng gym..

"You know what Andrei, mukhang lalong naging sweet yang si Cai sayo ah, naalala ko tuloy yung kami pa, she used to said goodluck to me back then.." halatang nang aasar tong Lance, pero bilang magalang at kalmateng player papalipasin ko na lang to

"Mabuti pumasok na tayo sa loob at mag uumpisa na!" nauna na akong pumasok sa kanya at may sinabi sya

"Baldomero, she is on my team!! Remember that!" huling sabi ni Lance

Nag umpisa na officially ang match...

Unang tip, sa amin agad, dinala ko ang bola sa front court namin and ang kaharap kong dumepensa sa akin si San Miguel wearing jersey number 13 and Im wearing jersey number 14..

"Give your best shot!" ngisi ni Lance sa akin, tinirahan ko nga ng three point shot..

"3 points from jersey number 14 Luke Baldomero!! Way to start this ball game!" sigaw ng announcer, rinig ko ang sigaw nila Sab at Cai from the audience and I give her a thumbs up, umirit naman ang mga katabi nilang girls

Si Lance na ngayon ang may dala ng bola at binabantayan ko ngayon..

"Don't underestimate me Baldomero! Mas magaling na ako sayo!!" sambit nya sabay tinirahan ako mula sa perimeter

Naging dikdikan ang laban dikitan ang score and the last two minutes na ang game, lamang ng dalawa sila Lance, kinakabahan na ang lahat...

Hirap kami ngayon makakita ng clear shot dahil sa depensa nila Lance hanggang sa dumating ang 10 second mark ng end game and still two point lead, nasa akin bola nasa may three point area ako and I look at the clock this is now or never I pull up for the final shot sinabayan ako ni Lance sa ere and I finally throw the ball before he could afford to block it, it went in!! We won!! I'm about to land on the floor when --

*Blags*

"Luke!!!!!" I heard Cai scream and I close my eyes...

________________________________________

What happened?

We will see on the next chapter

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top