Chapter 43: First Encounter with the Ex

Luke Andrei's POV

So eto na nga kami ni Cai papasok na ng office ng Dad ni Sab, buti na lang at pinayagan ako sa office na pumunta dito dahil sa text ni Sab tungkol sa nangyari, masyadong misterosyo ang kinaiisan nitong si Cai eh, I will finally know once we enter this door..

"Luke.." she called me

"Oh?" say ko, kita kong kinakabahan sya

"Tara na.." yaya nya sa akin papasok ng office

Pagpasok namin ng office, nanlaki ang mata ko kung sino yung tinutukoy ni Cai na bagong general manager nila, napatayo rin si...

"Good to see na nandito ka na Cailly, Oh Andrei you are here too, good to see both of you here in my office have a sit?" sambit sa amin ni tito at umupo na kami sa tabi ni Sab kaharap si..

"Sir bakit nyo pala ako pinatawag po?" magalang na tanong ni Cai kay Tito

"We are both here to discuss the scene earlier.." bungad ni Tito sa amin

"Long time no see my great enemy!" rinig kong sabi ni San Miguel, kilala ko sya mortal na kaaway ko ang ungas na to, high school pa lang

"Ano naman kayang masamang hangin at napadpad ka sa Amerika San Miguel!?" inis kong sabi, hinawakan ni Cai ang braso ko dahil nanggigigil na ako kay San Miguel

"Oh boys, don't make a scene here.." bilin sa amin ni Tito

"So you mean tito, sya ang bagong general manager nyo?" sabay turo ko kay San Miguel na may halong inis

"Yes Andrei, is there any problem?" tanong sa akin ni Tito

"Di ba po sa isang company bago ka i-hire in any position, kailangan may background check muna about that certain applicant am I right, kaya pinagtataka ko lang po na bakit na hire ang isang former high school gangster leader!?" pagpaparinig ko kay San Miguel, isang gangster leader yan si San Miguel, lahat ng high school girls noon takot dyan dahil pinapaikot nya, gagawin nyang karelasyon tapos pag nagsawa na, iiwan na lang sa ere na parang walang nangyari

"Nagpaparinig ka ba Baldomero!?" amba sa akin ni Lance San Miguel

"Bakit!? Tinamaan ka!?" sagot ko sa kanya, hinawakan na ako sa braso ni Cailly dahil nag iinit na talaga ako sa ungas na to

"Wow, tama ba ang nakikita ko Baldomero!? Kayo na ulit ni Cailly!?" nang iinis na tanong ni Lance

"Wag mong idamay si Cailly dito San Miguel!?" banta ko sa kanya

"Boys!! Stop making a scene here!?" sambit sa amin ni Tito

"Drei, kalma ka lang, masyadong maangas tong isang to eh!" say ni Sab sa akin sabay nanlilisik ang tingin kay Lance

"I'm sorry for the inconvenient confrontation Mr. Gabriel, this will not happen again.." aba biglang bumait agad

"I hoping for that to happen Mr. San Miguel, and for you Sabina and Cailly, I hope that scene earlier will not happen again, learn to give respect to your new general manager, you may now live and go back to your workplace.." say ni Tito at nagsilabas na kami ng office ni Tito, pagkalabas namin

"Ang galing rin mong magpanggap San Miguel, tapatin mo nga ako, ano ang tunay na pakay mo at napadpad ka dito sa kumpanyang ito hah?" tanong ko sa kanya ng makalabas na kami sa office ni tito

"You know what I'm capable of doing, remember since high school, What I want back, I'll definitely get it back!" nakakalokong sagot ni Lance

"Anong ibig sabihin mo Lance?"  say ni Sab, instead na magsalita tumingin lang sya Cai ng kakaiba, naramdaman kong hinawakan ni Cai ang kamay ko ng mahigpit

"Kung anong binabalak mo San Miguel, kung ano man yan, mabuti pang itigil mo na dahil, oras na may ginawa kang katarantaduhan kay Sab, lalong lalo na kay Cai, di kita uurungan!" banta ko kay Lance and he just smirk

"Hay! Baldomero, hanggang ngayon, maangas ka pa rin, baka gusto mo na naman maranasan ang nangyari sayo noon, remember?" Lance said, tumingin sa akin si Cai

"Luke, anong nangyari noon?" tanong sa akin ni Cai, di alam ni Cai ang nangyaring pambubugbog sa akin nila Lance nung high school kasama ng gang nya

"Mamaya, sasabihin ko sayo.." say ko kay Cai

"Cai, always remember, what I want, I will get it!" huling sabi ni Lance at nauna na itong umalis

"Cai, anong pinagsasabi ng lalaking yun sayo, kanina pa ako nagtitimpi sa lalaking yan.." say ko sa kanya

"Naku Drei, kung alam mo lang ang buong istorya--" napatigil si Sab dahil tinakpan bigla ni Cai ang bibig nya, ano kaya tinatago sa akin ni Cai?

"Mabuti pa Mahal, maglunch na tayo tutal Lunch Break na rin naman.." change topic ni Cai

"Mauna na kayo, dadaanan ako ni Adrian eh, sabay kami maglunch, bye!" sabay alis ni Sab at naiwan kami ni Cai

"Cai?" tawag ko sa kanya

"Dun na lang sa lunch date natin pag-usapan okay?" sambit sa akin ni Cai

"Okay.." tanging sambit ko sa kanya

Fastforward

Lunch Date..

"So, ano ang kwento?" tanong ko kay Cai habang busy syang kumain

"Ikaw muna.." say nya sa akin

"Well, Lance San Miguel the former leader of a gangster back in High School, nung sumali sya sa varsity ng school which I'm the team captain, one day after practice that time in high school, nahuli ko ang gang ni Lance na nagbabandalized ng school walls, isa na sya don, sinubukan kong sawayin sila sa ginagawa nila sa walls ng school but it didn't work, sakto dumating ang guard and sinumbong ko sila nahuli sila ng guard, then Lance gave me a dagger look, after how many days, actually tayo na noon --" pinutol nya yung sasabihin ko

"Teka yung ba yung na-ospital ka ng Isang Linggo!?" tanong nya sa akin

"Actually yes, yun nga yun, di lang yan ang natamo ko sa gang ni Lance, simula pa kasi ng school year, mainit na talaga ang dugo nyan sa akin dahil ako lagi ang nananalong MVP sa Intern games natin non.." I said to her, nakita kong gulat na gulat sya

"Bakit di mo man lang sinabi sa akin noon na ganoon kalala na natatamo mong hirap sa ungas na yun!?" sermon sa akin ni Cai

"Kaya ko pa naman eh, kaya lang mas lumala nga lang nung na-ospital ako dahil sa bali ko sa kamay dahil pinagtulungan ako ng gang nila noon.." kwento ko sa kanya

"Ano sasabihin mo lang sa akin kung kailan mas lalong malala na ang tinamo mo!?" sermon ulit sa akin ni Cai

"Alam mo Mahal, ang mahalaga ay okay ako ngayon, okay!? Kaya wag ka ng maparanoid dyan dahil alam kong may tinatago ka sa akin na malakas ang kutob ko ay tungkol to kay Lance San Miguel!" sambit ko sa kanya at bigla na lang syang natahimik bigla

"Ano kasi.." di na natapos ni Cai ang sasabihin ng may --

"Well well well! What a coincidence, dito pa pala kayo naglalunch date ah!?" sabay akbay kay Cai na ikinapundi ko, pero hinawi rin ito ni Cai

"Anong ginagawa mo dito San Miguel!?" dagger looks ko sa kanya

"Alam mo naman di ako sanay kumain sa cafeteria ng office so naghanap ako ng perfect place para kumain.." mayabang nya sabi

"Luke, mabuti pa umalis na tayo dito, sumama lalo ang hangin eh!" sabay tayo ni Cai sa kinauupuan nya, tumayo na rin ako

"Living so soon lovebirds? Bakit ayaw nyo ba akong makasabay kumain, you know what Cai, why don't we hang out some times, you know, if you don't mind Luke Andrei Baldomero, pwede naman siguro hiramin ang girlfriend mo?" tanong sa akin ni Lance na lalong ikinainis ko

"In your dreams San Miguel, ano ako sira para hayaan sumama sayo ang girlfriend ko, oo noon di ko nagawang ipaglaban ang relationship namin, pero ngayon, I swear, I will never let your fingers on her, naiintindihan mo ba!?" banta ko sa kanya

"You had your words Baldomero, lets see hanggang saan ang tapang tapangan mo.." sambit sa akin ni Lance

"Luke, lets go!" sabay hila sa akin ni Cai palabas ng restaurant

"Cai, ngayon natin makikita kung hanggang saan ka poprotektahan ng tapang tapangan mong boyfriend!?" yan ang huling narinig ko kay Lance at tuluyan na kaming nakalabas ng restaurant

On the way back to the Office..

"Ano ba talagang problema ng  San Miguel na yun ah at ikaw na lang ang lagi pinagdidiskitahan ah!?" say ko kay Cai

"Naalala mo yung past boyfriend ko!?" sambit nya sa akin at biglang napatigil ako sa may side

"Wag mong sabihin.." di ko na naituloy dahil

"Tama ka, si Lance San Miguel, my boyfriend for 4 years but he cheated  on me, 1 year ago before I decided to flew here in LA!" pag-amin sa akin ni Cai, parang lalo akong nainis sa narinig ko

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko sa kanya

"Natatakot ako, natatakot akong sabihin sayo kasi, pag nalaman mo--" napatigil sya

"Ano!?" sambit ko sa kanya

"Pag nalaman mo na naging kami ni Lance, magbago ang lahat sa atin, ikaw, magbago ang pagtingin mo sa akin, kaya natakot akong sabihin sayo!" paliwanag nya sa akin, imbis na magalit ako, inintindi ko na lang sya, ganun siguro pag mahal mo talaga sya, hinawakan ko ang kamay nya

"Di ako galit Cai, nagulat lang talaga ako sa mga nalaman ko about sa inyo ni Lance, I never thought na tatagal ang relasyon nyong yun, but knowing Lance, madali talaga syang magsawa kahit na gaano katagal na kayo, but don't worry, we both can overcome this, okay? Basta lagi mong tatandaan mahal na mahal kita!" I assured her

"Thank you for understanding Luke, I love you too!" she smiled at me and I will do my best to protect her from Lance San Miguel

_____________________________________________________________________________

End of the Chapter...

See you on the next Chapter....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top