Chapter 34: Happy For You
Cailly's POV
Its been two straight months nung nag start si Luke sa kanya Baduy ways, happy naman ako sa progress namin ni Luke but may konting period tong bestfriend ko bakit kaya?
"Best? Period days?" tanong ko kay Sab na isang bakol ang mukha at laging nakahawak sa phone nya
"Best naman, si Adrian kasi di pa sya nagtetext simula kahapon eh!!" nagmamaktol nyang sabi
"Baka naman kasi busy sa recording niya eto naman!" sabi ko
"Eh, it is so not him, lagi naman syang nagtetext o natawag sa akin kapag nasa recording na sya eh!!" reklamo nya
"Best kung magmaktol ka dyan, kayo na ba?" tanong ko sa kanya
"Di pa, pero best kasi ihh!! wala syang paramdam since yesterday!!" maktol nyang sabi
"Tanong ko lang best ah! Mahal mo na ba si Kuya Adrian?" tanong ko sa kanya
"Di pa ba obvious kaya nagmamaktol ako ng ganto, mas sanay kasi ako na kinakantahan nya ako sa phone bago ako matulog ganun!" say nya
"Lakas ng tama mo kay Kuya Adrian, pero infairness baduy rin!" say ko kay Sab
"Hoy!! Ibahin mo si Adrian sa Andrei mo ah!!" depensa nya, napatawa ako sa reaksyon ni Sab
"Oh bakit? Ibang kabaduyan naman ang ginagawa ni Luke ah, don't compare best!!" depensa ko naman, eh yun ang totoo eh
"Sus!! Ikaw kasi pakipot pa, inlababo rin naman kay Drei, naghihintay pa ng right time, eh sasagutin rin naman!" tukso ni Sab sa akin
"Hoy best, iba ang deskarte ko sa deskarte mo noh! Tsaka handa naman maghintay si Luke eh, oh ikaw? Manliligaw pa lang sayo iritable ka na kapag di ka lang natext ng isang araw!" tukso ko pabalik sa kanya
"Ganun talaga best, eh sa matagal ko ng crush yan si Adrian eh!!" say nya, halatang inlove kay Kuya Adrian
"Oo na, ikaw ng open sa feelings mo!" sambit ko
"Hard to get ka kasi best, dun rin naman punta non!" say nya sa akin
"Ewan sa sayo best --" di ko na natapos ang sasabihin ko ng magring ang phone ko
"Ayan natawag na si Loveteam mo, sagutin mo, nag iinarte ka pa dyan!" si Sab talaga di papatalo sa asaran, lumayo muna ako saglit sa desk ko para di marinig ni Sab
Phone convo
"Oh Luke napatawag ka?" tanong ko
"Nandyan ba si Sab? Kasama mo?" tanong sa akin ni Luke
"Oo eh!! Mukhang may period, di kasi nagtetext o tumawag si Kuya Adrian, kaya nagtatantrums kanina, bakit?" say ko kay Luke sa kabilang linya
"Tulungan mo ako mamaya mahatid natin si Sab sa may recording, medyo malapit lang yun sa office nyo pero need i-drive.." say ni Luke
"Ano bang meron dun sa recording studio?" tanong ko
"Basta, may surprise daw si Kuya, di ko rin alam eh basta gumawa daw tayo ng paraan para madala natin si Sab dun ng di nya alam!" paliwanag ni Luke
"Oh sige, bahala na mamaya kung anong plano okay?" sabi ko
"Sige, mamaya daw after work sabi ni Kuya, sunduin ko kayo dyan ah?" say ni Luke
"Oo sige!! Babye na nakakahalata na si Sab eh!" sabay off ng call
End Convo
"Anong chinika nyoni Engineer?" tanong ni Sab sa akin
"Wala, sabi nya sunduin nya ako sa Lunch mamaya yun!" pagsisinungaling ko
"Okay.." buti safe ang excuse ko
FASTFORWARD...
AFTER WORKING HOURS...
Paalis na si Sab ng--
"Best alis ka na agad?" tanong ko sa kanya habang nag-aayos ako gamit ko ng may nagtext --
Text Message From Loveteam: "Cai nasa may lobby na ako, wait ko kayo dito!"
"Uuwi na ko best, wala akong gana ngayon, di pa rin talaga nagtetext si Adrian eh!" akmang palabas na ng office si Sab
"Best wait!" sabay habol ko kay Sab
"Bakit?" say nya
"Sabay na tayo, di ba wala kang sundo ngayon, alalahanin si Kuya Adrian lang naghahatid sundo sayo simula nung nanligaw sya sayo, sabay ka na sa amin ni Luke.." sambit ko sa kanya
"Ano ako third wheel nyo, baka may lakad pa kayong dalawa eh, kayo na lang!" pagtanggi ni Sab
"Dali na Best, sabay ka na sa amin, wala naman kaming lakad ni Luke eh, promise!!" say ko sa kanya sabay taas ng kanang kamay
"May magagawa pa ba ako eh nakakapit ka na sa akin parang linta? ganyan ka ba kay Luke?" tanong sa akin ni Sab
"Grabe ka naman sa akin, di naman ako ganon, tsaka sya naman nag-ooffer na humawak ako sa braso nya noh!" say ko kay Sab
"Ganda mo girl! Talaga head over heels sayo si Engr. Baldomero.." tukso na naman ni Sab sa akin
"Di naman masyado, slight lang!!" at tinawanan lang ako ni Sab
At the Lobby..
"Tagal nyo naman, uugatan na ako sa kakahintay dito eh!" reklamo ni Baldomero
"Wag kang magreklamo dyan Baldomero, eh sa nagkakatuwaan kami ni Best eh, kaysa naman kanina parang binagsakan ng langit ang mukha.." sermon ko kay Luke
"Kaysa magsuntukan pa kayong dalawa dyan ng manliligaw mo, tara na umuwi ng makatulog ng maaga" say ni Sab
"Shall we girls?" say ni Luke at pumunta na kami sa labas kung saan nakapark ang kotse ni Luke
On our way to the Recording Studio...
"Malapit na ba tayo Luke?" sambit ko kay Luke, katabi ko kasi sya, natural nasa passenger sit ako, si Sab eto nasa likod, nakamukmok parang walang naririnig sa mga pinag-uusapan namin
"Malapit na, chill ka lang!" bulong sa akin ni Luke
After 5 minutes drive...
Recording Studio..
"Ang laki naman ng Recording Studio na to?" say ko sabay tingala hanggang taas
"Anong ginagawa natin dito aber?" reklamo ni Sab sabay baba ng sasakyan, ng biglang lagyan ng piring ni Luke si Sab
"Hoy Baldomero, anong pakulo naman to ah?" reklamo ni Sab
"Kaysa magreklamo ka dyan, sumunod ka na lang.." say ni Luke at nilalayan namin si Sab papasok ng Studio na may piring, sa 7th floor pa ang recording studio kung saan nagrerecord si Kuya Adrian
7th Floor..
"Hoy! kayong dalawa kapag di nyo tinanggal tong piring na to!? Lagot kayo sa akin!!" naku highblood na si Sab, nakita namin na sumensyas na si Kuya Adrian na may dalang boquet of Flowers, ihh mukhang something cheezy ang magaganap, tinanggal na ni Luke ang piring
Napa *nganga* si Sab sa nakikita nya..
"Adrian? Anong ibig sabihin nito?" tanong ni Sab
"Surprise!" sabay lapit ni Kuya Adrian kay Sab at syang atras namin dalawa ni Luke to give them privacy
"Anong meron? Bakit di ka nagtetext o tumawag sa akin ah!" sabay hampas ni Sab sa balikat ni Kuya Adrian
"Eto kaya di ako nagtetext at natawag sayo because of this, for you!" ngiting sambit ni Kuya Adrian kay Sab
"May pa-boquet ka pa.." say ni Sab sabay abot ni Kuya Adrian ng boquet of flowers kay Sab
"Uhm..Sab, may sasabihin sana ako sayo eh?" nahihiyang sambit ni Kuya Adrian sabay kamot ng ulo nya
"Ano yun?" nahahalata kong kinakabahan na si Sab sa mga kakaganapan pero ako nakakaamoy na ng official ehem..
"You know Sab, back in High School, I have a secret crush on you, nahihiya lang akong sabihin sayo noon kasi natatakot ako baka ma-reject mo ako, but it is different now, when I finally met you again, lumakas na ang loob ko na sabihin sayo gusto gusto kita ay hindi pala mahal na kita Sabina Gabriel, kaya --" paputol na sambit ni Kuya Adrian
"Before you ask me that Adrian, I must admit that I as well have a secret crush on you back in High School , and I must admit that as the years past, I beginning to like even we also haven't met again for years and now I have all the courage to tell my long time crush that I do really love him too!" Sab sweetly said this cheesy words to Kuya Adrian and I'm so kilig
"So, Ms. Sabina Gabriel, my long time secret crush, can you be my girl?" sabay labas ng kwintas si Kuya Adrian para kay Sab
"I love you kaya yes! I'm glad to be your girl!! My Mr. Musician!!!" she said, and Kuya Adrian put the necklace around Sab's neck
"Thank you! I love you Crush!" say ni Kuya Adrian and he hug Sab and Sab hugs back
"Wow!! Edi kayo na!!" kantsaw ni Luke, siniko ko nga
"Inggit ka lang bro! Pasagutin mo na kasi yang nasa tabi mo, para di kana loner!!" asar ni Kuya Adrian kay Luke
"Maghintay muna sya noh!!" say ko
"Ayan tuloy, maghintay ka na lang bro!" si Kuya Adrian kay Luke
"Malapit lapit na rin sa akin rin tong babaeng to!" sabay akbay sa akin Luke
"Asahan ko yan bro ah!!" si Kuya Adrian
"Congrats nga pala bro and Sab!! Ayus!! Celebration na this!!" say ni Luke, still nakaakbay parin sa akin
"Happy for you best!! You deserve it!!" say ko kay Sab, di ko mayakap si Sab, dahil parang magnet ang kamay ni Luke sa balikat ko
It went well for both Kuya Adrian and Sab, just in two months of courting finally they are official, ako? maghintay muna si Luke Andrei Baldomero, taken na ang isang Baldomero, at nag-aabang pa rin sa kasagutan ko si Engr. Baldomero..
________________________________________________________________________________
End of Chapter.................
See you on the next Chapter.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top