Chapter 28: Walang Pansinan?
Cailly's POV
Nasa 1 week team building ang buong company, ibig sabihin 1 week na rin kami di nag uusap ni Luke, dahil wala nga akong ganang sumama sa mga events ngayon, buti na lang pinayagan ako ng daddy ni Sab na mag stay at home na lang, hanggang ngayon paulit ulit na nagrerewined sa isip ko ang mga sinabi ni Luke last Sunday, para tuloy akong sirang plaka walang ginawa kung di umiyak ng umiyak gabi gabi,
"Cai!! Mahal Kita!!! Hindi bilang kaibigan lang!! I Love you!!"
Bakit ba lagi ko na lang naririnig ang mga words na yan!!!? Mahal pa rin nya ako!
*DoorBell Ringing*
"Sino yan?" tanong ko
"Best si Sab to!" anong ginagawa ni Sab dito?
"Pasok!" pumasok na si Sab, nakita nya akong mukhang pinasabog ng bomba ang mukha
"Best? Anong kaartehan na naman dumapo sayo?" sabay lapit sa akin ni Sab sa may kama ko
"Wala to best!" sabay punas ng natitirang stain ng luha sa pisngi ko
"Anong wala ka dyan? Ngayon lang kita ulit nakitang nagdrama na bongga! Bakit ba? Tsaka bakit di ka sumama sa team building?" tanong sa akin ni Sab
"Wala nga sabi best, tsaka wala lang talaga akong ganang sumama ngayon sa mga events.." say ko
"Not so you best! Tsaka pansin ko lang, bakit parang wala ka atang gwardya sibil na umaaligid sayo dito?" takang tanong ni Sab
"Yun na nga best ang dahilan kaya wala akong gana ngayon eh dahil sa kanya!" say ko ng deretso kay Sab
"Bakit naman? Ano bang ginawa sayo ni Engr. at parang sya ang dahilan ng pagmumukmok mo?" si Sab
"Best, lahat ng sinabi mo about him ay totoo!! Lahat ng hinala mo sa kilos nya ay totoo lahat yun!" sinabi ko na kay Sab
"Oh my -- G!! Don't tell na tama ako na inlababo pa rin sayo si Engr. Baldomero!??" excited na tanong ni Sab at tumango na lang ako
"Kyaaaaah!!! Kailan nya sinabi?" excited talaga sya samantala ako eto napapakadakilang ermitanya
"Last Sunday, sa park di ko alam kung anong pumasok sa isip ng lalaking yun at bigla biglaan na lang nag confess out of no where.." kwento ko
"Cai!! Its a sign na kailangan mo na ng lovelife ulit!!" tsk sari sari na tong si Sab
"Hay!! Best, sana nga lang panaginip lang ang lahat ng nangyari, mas okay pa kung panaginip lahat ng nangyari nung Sunday!" sambit ko sabay hawak sa ulo ko
"Loka!! Panaginip ka dyan, you will never turn back what has happen.." sabay batok sa akin ni Sab
"Alam ko naman yun Best, di ko na alam anong gagawin ko after nun!?" litong lito na talaga ako promise
"Ang tanong Best, do you felt the same towards him?" eto na naman po tayo sa tanungang ganyan
"Yan na nga ang tanong nya sa akin eh nung Sunday eh!?" sambit ko
"Oh anong sagot mo?" tanong nya
"Sabi ko di pa ako ready pumasok ulit sa isang relasyon, masyado pang masakit yung mga nagdaan past relationship, sorry!" sambit ko, napa facepalm na lang si Sab
"Ay sira!! Best naman, kung mahirap mag confess ang babae sa mahal nila, mas mahirap sa part ng lalaki ang mag confess lalo na it takes courage to confess the true feelings towards the person he truly love!" ang expert sa lovelife nitong si Sab
"Eh ikaw? Anong status mo hah?" change topic ko
"Well, getting there.." kinikilig nyang sabi
"Bakit?" tanong ko
"Nagkita na kami ni Adrian yiiieh!!!" kilig nyang sabi
"Saan?" tanong ko
"Sa recording studio malapit sa office natin, friend ko kasi yung may ari nun, dun pala nakacontract si Adrian and he is working on a music video here for 4 months!" masayang sabi ni Sab, buti pa sya
"Buti nagkita na ulit kayo ni Kuya Adrian, ang plano kasi ay dapat i susurprise ka namin with him, kaso ayan nga nangyari ang di inaasahan!" say ko
"Oh kaya pala nung last Friday ay umalis kayo ni Andrei ng solo akala ko pa naman may date kayo yun pala sinundo nyo si Adrian sa Airport!" si Sab
"Malay ko rin ba na yun ang gagawin namin that time!" say ko
"Eh paano yan best? LQ kayo ni Andrei? Balak pa sana namin ni Adrian mag out of LA, double date sana? At balita ko ililibre daw ni Engr..?" si Sabina
"LQ agad!? Kami ba!? Di ba di naman! Kaya best wag mong masabing LQ dahil hindi naman kami okay!" defensive kong sagot
"Chill best easy ka lang, eh anong tawag don FQ?" say ni Sab
"Anong FQ?" tanong ko sa kanya
"Edi Friendship Quarrel!!!" say ni Sab
"Lahat na lang na maisip mo Best, wala nga akong ganang pag usapan ang nangyari eh!" say ko
"Sus Cailly Amber Rodriguez!! Denial Queen as ever ang peg mo!! Kahit super sweet nyo sa latest vlog mo, daig nyo pang mag-asawa kung umasta!!" sabay tingin ni Sab sa taas
"Hoy!! Anong sweet ka dyan nalalaman hah!? Di noh!!? Asa ka pa!!?" overacting kong sambit
"Best, pinanuod mo ba yung latest vlog mo?" tanong sa akin ni Sab
"Hindi, si Luke kasi nag edit nun eh, nagpatulong ako sa kanya then dahil sa tagal nyang mag edit nakatulog ako sa tabi nya dyan sa sofa habang busy sya sa pag eedit, then after nyang ma upload sa Channel ko ay nakatulog rin sya, ayun nung magising sya ay may 10k views na kabigla at di ko nya pinanuod at binasa ko na agad ang mga comments kaya ayun, nag yaya pa nga syang gumawa kami ulit ng bagong vlog, kaso eto nangyari!" kibit balikat kong sabi kay Sab
"Shaka Cailly Amber Rodriguez ka! Ang daming positive comments sa channel about sa inyong dalawa ni Andrei, tapos ngayon wala na dahil lang ba nag confess sayo yung tao, igigive up mo na lang kahit friendship ganon?" tanong sa akin ni Sab
"Ewan ko ba Best, ang hirap, di ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko towards him!?" sambit ko
"Jusko Best!! Hindi pa ba kita sa way na kinikilos nyong dalawa, bay best, sobrang dalang ang isang babae at isang lalaki ay naglalunch every work lunch break!! Pera na lang kung bakla yung lalaki?" say ni Sab
"Hindi bakla si Luke ah!!" depensa ko
"Ayan, as you said hindi bakla si Engr, tsaka paano naman magiging bakla yun ay inlababo nga sayo, kahit nung high school pa ay patay na patay na yun sayo, biruin mo nga dating pasaway na jock si Andrei napatino ng nag iisang Cailly Amber, oh di ba!? Kaya Best, think about it! Ano ba talaga? Ang tanong lang naman dyan eh mahal mo pa rin ba si Andrei?" anong isasagot ko, ang hirap naman nito!!!?
________________________________________
End of Chapter....
See you on the next chapter....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top