Chapter 26: Laundry Day + Surprise Visit

Luke Andrei's POV

Saturday Morning at 10am

Saturday again, change routine naman tayo today, imbis na bukas ko pa dadalhin yun Laundry ko sa Laundry shop, napilitan tuloy ako magdala today dahil busy daw sa reports si Cai kaya bawal maistorbo baka mabeast mode ang ate nyo, after kong i-surrender lahat ng laundry sa laundry shop, dumeretsong uwi na ako dahil nakakabored mag unwined kapag di kasama si Cai, so I decided to go.home straight..

"Hay! Ka boring naman ang saturday ko!" sabay higa sa kama ko, di ko namalayan nakatulog na naman pala ako

*In his dream*

Flashback...

Ordinary Saturday (High School Days)

Ang sarap talagang humilata kapag sabado, pwedeng pwede kang matulog na kahit anong oras na gusto mo ng --

"Luke Andrei!!! Bumangon ka na nga dyan may bisita ka!!" sigaw ni mama sa baba, since tinatamad akong bumangon ay hinayaan ko na lang yung kung sino mang bisita yun dumating

5 minutes later....

"Hoy! Baldomero bumangon ka dyan!! Di ba may lakad tayo ngayon?" binuksan ko ng unti unti ang mga mata ko upang masilayan ang isang magandang anghel, ngitian ko lang sya ng --

*toink*

"Aray naman Cai!!!" sakit ng batok na yun ni  Cailly

"Napakatamad mo talagang gumising ng maaga kaya ka sinasabihan ng mommy mo na batugan!" kay aga agang sermon ang inabot ko sa bumangerang kong girlfriend

"Eto na po, babangon na po!!" sabi ko sabay upo sa kama ko

"Alam mo ba kung anong araw ngayon?" inisip ko kung anong araw ngayon

"Ay!! Oo nga pala may gala pala tayo ng barkada, si Kuya?" tanong ko

"Abay nasa baba kasama si Sab, ikaw na lang ang hinihintay, kahit kailan ka talaga!" naku nayayamot na si Loveteam ko, masuyo nga

"Uy Love, sorry na!" back hug ko sa kanya na medyo yamot na sa akin

"Kita mong pupunta tayong Tagaytay ngayon tapos ikaw eto nagpapasarap matulog!" sermon pa more si GF

"Sorry na please!!" patuloy pa rin ang pag-sosorry ko, lambing lang katapat nito eh

"Para mawala ang init ng ulo ko, maligo ka na! Amoy bagong gising ka eh!" demand nya

"Grabe naman sa bagong gising, sige na nga!" syempre bago ko sya pakawalan sa backhug ko, well, kiniss ko muna sya sa cheeks

"Baldomero!!!" naku ayan na beastmode na, kumaripas na ako ng takbo papasok ng banyo

End of Flashback...

*toktok*

"Bro!" deadma lang ako sa nakatok sa pinto ng unit ko

5 minutes...

*Toink*

"Aray naman, Cai naman eh!!!" sambit ko, nakapikit pa rin ako

"Bro!!! Ulaga ka ba? Mukha ba akong si Cai!" minulat ko mga mata ko *eyes wide*

"Bro!!!!?? Ikaw pala yan? Paano ka nakapasok?" tanong ko sa kanya sabay tayo mula sa pagkakahiga

"May amnesia ka ba bro? Di ba binigay mo sa akin ang pascode ng doorlock ng unit mo!" sambit ni Kuya Adrian

"Sorry Kuya, nakatulog kasi ako, tapos napanaginipan ko pa yung binatukan ako ni Cai dahil late akong nagising, gala natin sa Tagaytay yun nung High School tayo" kwento ko kay Kuya

"Hanggang panaginip pala si Cai pa rin nasa utak mo bro! Napakaloyal talaga ng puso't isip mo kay Cai, wala ibang papalit!" natatawang sambit ni Kuya

"Nasanay lang talaga ako bro na may gala kami ni Cai tuwing Sabado eh!" sambit ko

"So you mean bro tuwing Saturday may date kayo?" tanong ni Kuya

"Hindi yun date bro!" denay ko

"Palusot ka pa bro!" si Kuya talaga Oo, isa pa to eh

"Change topic nga bro, napadalaw ka, di ka ba na jetlag kakarating mo lang dito ah?" tanong ko kay Kuya

"Syempre bro, para makita ko naman itsura ng tinutuluyan mo dito" say ni Kuya sabay lapag ng dalawang plastic sa mesa

"Ano yan kuya?" tanong habang inaayos yung kama ko

"Lunch bro, alam ko naman, very mild lang alam lutuin kaya umorder na ako sa fastfood ng pang lunch natin alam kong di ka pa naglalunch!" say ni Kuya sabay kuha ng plato sa mini kitchen ko

"Sakto talaga bro ang dating mo, gutom na nga ako!" say ko sabay upo sa mini dining area

"Saan ka ba galing kanina bukod sa pamamantasya mo kay Cai?" asar ni Kuya

"Nagdala kasi ako ng Laundry ko sa Laundry Shop eh medyo malayo yun!" reklamo ko

"Yun lang bro ginawa mo napagod ka na?" si Kuya naman talaga

"Late na kasi ako natulog kagabi eh kaya ayun late ko nadala sa laundry shop!" explained ko

"Let me guess, si Cai na naman ang dahilan kung bakit ka napuyat?" si Kuya

"Slight, pero not mostly about her, madami rin kasi akong hinabol na reports kaya puyat puyat!" say ko habang nakain

"Ikaw ba yan bro!? Parang di ikaw very work oriented ka ngayon ah? plus inspired pa!" say ni Kuya

"Sira ka talaga bro! Kita mong nagpapabait na ako simula nung dumating ako dito noh!" depensa ko

"Oo na bro naniniwala na ako sayo, so punta muna tayo sa serious part!" say ni Kuya, ano naman kaya?

"Anong serious part naman yan?" nakakatunog na ako dito ah

"Syempre bro, how's the unexpected reunion with your long time love na si Ms. Cailly Amber Rodriguez?" sabi na nga ba dito tayo mapapapadpad

"Natural, nakakabigla ang unang pagkikita dahil hindi ko expect na makikita ko sya dito kung kailan pa naman ay set my mind to forget all the feelings for her but --" napahinto ako

"When you met her again, the feelings arised again and you keep on thinking about all the memories with her and now you keep on being beside her even though she only treat you as her friend?" tuloy na sabi sa akin ni Kuya

"Minsan nga iniisip ko kung ano ba talaga ang plano ng tadhana para sa akin as well kay Cai, and to be honestly speaking nafifeel ko na she still have the feelings that we share when we were just in high school back then!" I said

"If thats so, anong plano mo bro?" tanong sa akin ni Kuya

"Di ko alam bro, parang may halong kaba at excitement ang ibalik muli ang dati sa amin, yung noon, di ko alam kung kaya ko pa ibalik ang dati sa amin!" paliwanag ko

"Bakit naman bro? Ayaw mo ba syang i-pursue ulit? Ang tanong tunay na ba talagang sya ang mahal mo or it is just a mere puppy love?" tanong ni kuya sa akin

"When the destiny gave me the chance to reconcile with her and being with her for the past months, I'm really sure that this feelings never change for her!" I confess my true feelings sa kuya ko, di ko pa magawa sa harap ng taong gusto kong i confess nito

"Ang tanong, does she felt the same until now?" tanong pa ni kuya

"She said, she had been to two previous relationship but it didn't end well and she said that our relationship ended differently among all her past relationship!" I said

"Yun naman pala bro, kung talagang sigurado ka na dyan sa feelings mo for her at handa kang kaharapin ang lahat ng challenge once you pursue her for the second time, edi gawin mo ang talagang gusto ng puso at isip mo, Go and pursue her before its too late, sige ka ikaw rin baka maunahan ka pa ng iba!" si kuya talaga at mom ay botong boto talaga kay Cai, di ko talaga alam kung kailan ang right time

"Pag-iisipan ko bro!" talagang binigyan ako ng matinding task ni Kuya, kaya ko na ba ulit syang i-pursue for the second time?

_________________________________________

End of the Chapter...

See you on the next chapter..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top