Chapter 25: Welcome to US Bro!

3 Months After....

Cailly's POV

Kumusta naman ang friendship namin ni Luke, eto naglevel up na ng very light ma coconsidered ko na rin syang bestfriend, dahil jusko! araw araw baga naman sinusundo ako kapag lunch, pasalamat na lang di kami nachichismis dahil di naman naakyat sa office si Luke kaya safe pa as of now

Friday ngayon katatapos lang namin mag lunch ni Luke, ibinaba na nya ako sa tapat ng building ng office ko..

"Cai, sunduin kita mamaya okay, may importante tayong pupuntahan"  say ni Luke, ano kaya meron mamaya?

"Saan naman? At mukhang importante yan?" tanong ko

"Basta, samahan mo na lang ako mamaya okay?" say ni Luke

"Oo na sige na, ingat ka pabalik sa work mo, wag pairalin ang init ng bungo hah!?" bilin ko sa kanya

"Thanks Cai, the best ka talaga! See you later!" at himarurot ng paalis ang mokong

At the Office...

"Hi best, musta ang lunch date with your Romeo?" ano na naman ang nakain ni Sabina

"Romeo ka dyan!?" protesta ko

"Sus best naman, 5 months na kayong pa lunch date lunch date ni Andrei, wala pa ring level up ganun?" comment ni Sab

"Meron naman, very light lang naman, mga ka-level mo na best, ganun!" say ko kay Sab

"Ganun!? Di pa ba tataas sa bestfriend?" protesta ni Sab

"Di ko pa alam kung tataas sa level na yun, di ko pa kasi alam kung ready na ako sa ganun ulit eh!" say ko kay Sab

"Baka di ka pa rin nakakapag move on kay Lance kaya takot ka pa rin lumevel up, lalo pa at si Andrei naman talaga ang first love mo, sadyang madrama lang ang mga nangyari 9 years ago!" si Sabina madaming alam

"Loka! Nakamove on na ako sa manlolokong yun noh, sinayang nya ang 4 years na yun na naging kami.." confident kong sambit

"Cai, question lang hah!? What if muling magbalik ang mga naging jowa mo, alam mo na si Lance and Renz, ngayon kasama pa si Andrei, anong gagawin mo?" biglang tanong ni Sab

"Jusko, Best anong klaseng tanong na naman yan, eh for sure may iba na naman yung mga yun eh, bukod kay Luke hah, torpe yun eh hanggang ngayon wala pa rin girlfriend.." kwento ko

"Kasi nahihiya lang si Andrei manligaw sa babaeng gusto nya, kasi alam nyang may nakaraan pa sila na kailangan maghilom ganon!" say ni Sab

"Ako ba pinariringgan mo best?" tanong ko

"Nasa iyo na yun best kung tinatamaan ka, basta ang alam ko, loyal pa rin sayo si Engr. Luke Andrei Baldomero/Former Loveteam!" nanukso pa talaga tong babaeng to

"Ewan sayo best, dami mong alam ikaw na si kupido.." surrender ko kay Sab, daming alam eh maraming bala

"Best natanong ko na sayo yan 3 months ago, deadma ka lang, hintayin na lang natin na tamaan ulit ni kupido ang pusong bato kung hindi ma realize mo na still first love never dies!" dami talagang alam Sabina

"Bahala na si tadhana, pero as of now focus muna sa career! Magtrabaho na nga tayo, tama na yan pagiging Ms. Kupido mo, daming alam eh!" say ko at nagstart na kami mag resume ng work

After Working hours...

Nakapag-out na ako at kasalukayan nag-aayos ng gamit ko ng may call..

Phone Convo..

"Hello?" sagot ko sa tawag

"Cai, nandito na ako sa may labas, remember may lakad tayo ngayon importante!" si Luke

"Oo alam ko, nag-aayos na nga ako ng gamit ko pababa na rin ako, wait mo na lang ako dyan okay? Bye!" ngiti kong sabi, sabay off the phone

End Convo

"Well, Best bilisan na nandyan na  si Romeo sa baba, hinihintay na lang ang kanyang Juliet!" si Sab talaga nakatira pa rin hanggang ngayon

"Best, dyan ka na nga, wag mong kalimutan uminom ng gamot mo hah? Nakahigh ka na kasi eh! Bye!" sabay labas ko ng office

At the Entrance Building...

"Sorry, matagal ba ako?" sambit ko kay Luke na nag-aabang na sa labas

"Okay lang sakto lang naman, tara sakay ka na!" at sumakay na ako sa passenger sit, sumakay na rin sya sa drivers sit

On the road...

"Saan ba talaga tayo pupunta hah?" tanong ko sa kanya habang nagmamaneho sya

"Importante lakad to, kaya sinama kita, pupunta tayong Airport!" sambit ni Luke

"Airport? bakit anong gagawin natin don, sinong dadating?" sunod sunod kong tanong

"Chill ka lang Cai, darating si Kuya Adrian kaya pupunta tayong Airport, may recording kasi sya dito sa LA!" sambit ni Luke, ah si Kuya Adrian pala akala ko pa naman kung sino eh

"Kumusta na nga pala kuya mo? Di ka man lang nagkukwento!" tanong ko sa kanya

"Okay naman sya, tsaka ibang level si Kuya international na ang recording nya! Kaya madalang kami mag skype this past months, so ayun!" say ni Luke

"Ah kaya pala! Edi sana sinama na rin natin si Sab para alam mo na! Reconcile baga!" ngiti kong sabi

"Saka na natin pagplanuhan ang meet up nila baka magkaiyakan pa sa airport nyan eh, alam mo naman kahit di niligawan ni kuya si Sab, kita naman na type ni Kuya Adrian ang bestfriend mo, nung nag EK pa lang tayo non eh tanda mo!" kwento ni Luke

"Sabagay! Alam mo rin naman si Sab kahit saksakan ang loud ng babaeng yun at saksakan ng tahimik ng kuya mo, bagay talaga sila eh, opposite attract kung baga!" say ko kay Luke

"Parang tayo nung high school, cute na nerd ka noon, ako naman mayabang na jock kaya opposite rin!" segway ni Luke

"Maisingit mo rin eh!" basag trip kong sabi

"Abay totoo naman di ba? Noon nga lang!" kamot ulo nyang sabi

"Dissappointed ka noh!? Aminin!" tukso ko kay Luke

"Slight!" ngisi nyang sabi

"Okay!! Ano plano after sunduin si Kuya Adrian?" tanong ko sa kanya

"Dinner after, then hatid natin si Kuya sa tutuluyan nyang hotel, then hatid na kita!" si Luke

"Okay, sabi mo eh, eh pano yan? Dinner date, lugi si Kuya Adrian nyan wala si Sab?" question ko kay Luke

"Ah, inaalala mong baka maging third wheel si Kuya, don't worrtly Cai, Bestfriend dinner date lang naman eh with bro, kaya don't you worry!" inumpisahan na naman nyang mang asar

"Asa ka naman Baldomero, feeling mo!" depensa ko

"Sus! Pakipot ka pa Ms. Rodriguez, pero sige na titigil na ako mang asar!" say nya, sya rin tumigil sa pang-aasar

Fastforward...

Los Angeles International Airport (LAX)

Arrival Area...

"Bro!!" ayun na pala si Kuya Adrian

"Bro!! Musta?" nag peacebomb ang magkapatid

"Eto, medyo jetlag sa biyahe first time sa States eh!" rinig kong sabi ni Kuya Adrian, nang mapansin nya ako

"Oh? Cailly ikaw na ba yan?" say pa ni Kuya Adrian

"Hindi, anino lang ako, wala ako dito, ayan ka na naman Kuya ah, mang-aasar ka na naman!" say ko kay Kuya Adrian

"Eto naman di mabiro, kumusta na?" tanong ni Kuya Adrian

"Eto, okay naman, inaasar pa rin ni Luke alaskador! Walang bago!" simpleng sabi ko

"Wait? Luke ang tawag mo kay Andrei ngayon ah! That's new Cai, anong ibig sabihin nyan?" taas kila pang sabi ni Kuya Adrian

"Wala kuya, friends lang kami nyan ni Cai!" sumabat na si Luke sa usapan

"Para ka talagang si Sab, chismoso!" say ko

"Kumusta na nga pala si Sab?" tanong ni Kuya Adrian bigla

"Ayun, chismosa at loud pa rin, miss mo na noh!?" tukso ko kay Kuya Adrian

"Nice kuya miss na ang kanyang long time crush! Ayiieh!!" sumama na rin si Luke sa pang aasar

"Kaya nga, miss na nya si Sabina Gabriel ni Torpedong si Adrian Luis Baldomero!!" patuloy ang pang aasar namin kay Kuya Adrian

"Ayus na! nagsanib pwersa na sa pang aasar, ang mabuti tara na! Oh Drei, mga maleta ko!" sabay bigay ni Kuya Adrian kay Luke ng push cart na punong puno ng maleta

"Ayus din eh, tagatulak ka pala ng push cart Luke, ka pogi pogi ng kotse mo tagatulak ka lang pala!" natatawa kong asar this time kay Luke naman

"Bro, grabeng mang alaska ngayon tong si Cai, anong pinakain mo dito?" rinig kong sabi ni Kuya Adrian habang tinutulak palabas ng airport ni Luke ang push cart

"Ba malay ko dyan, ang lakas ng tama, nahawa na ata sa crush mo!" si Luke

"Grabe bro, loud man yun pero may pagkapinis rin minsan!" talagang dumating na ang hero ni Sab

"Eh yan naman si Cai, kahit ganyan yan, sanay na ako dyan, pero madalas emotera.." bulong bulong ka pa dyan Luke ah

"Hoy Baldomero!" sabay harap ko sa kanilang dalawa

"Sino?" sabay nilang tanong

"Si Baldomero ubod ng yabang sa katawan!" sabi ko

"Ay bro ikaw yun, mayabang eh! Ikaw na yun!" sagot agad si Kuya Adrian, alam nya hindi sya yun

"Bakit na naman?" sagot naman ni Luke

"Kahit bumulong ka pa ng bumulong Luke Andrei, maririnig ko pa rin yan, kaya sinong emotera?" tanong ko sa kanya

"Ikaw, wala naman iba di ba, kung si Sab ay loud ikaw ay emotera!" say ni Luke

"Kayong dalawa tama ng aso't pusa tara na kasi, madilim na oh nagsusungaan pa kayo dyan!" at ayun na nga inilagay na namin sa sasakyan ang mga maleta ni Kuya Adrian 3 maleta lang naman at sumakay na kami sa sasakyan ni mokong at since wala ng masyadong open na resto, nag drive thru na lang kami sa In and Out Burger..

On the way to Kuya Adrian's check in Hotel...

"Sayang di tayo nakapagdinner!" say ni Kuya Adrian habang nakain ng burger, sa likuran sya nakaupo, maarte kase tong driver, gusto ako katabi

"Don't worry Bro, may next time pa naman, tsaka hanggang kailan ka dito sa LA?" tanong ni Luke

"4 months bro! mahaba haba ang recording eh! tsaka bayad naman tong recording plus trip ko ng management" sambit ni Kuya Adrian

"Its mean dito ka mag Christmas?" tanong ko

"Yup! Tsaka nandun pala bro si mommy kila Tita sa Laguna kaya wag kang mag-alala sa kanya!" say ni Kuya Adrian kay Luke

"Ayos pala kuya eh, edi kapag mabilis natapos recording mo bakasyon tayo! deal?" si Luke puro bakasyon iniisip

"Deal bro! basta ba at libre mo bilang yayamanin ka na, sa kotse palang eh!" si Kuya Adrian

"Ayun naman pala, libre mo pala, iba na talagang galante!" nang aasar na naman si ako

"Huy Cai, anong libre ka dyan!? Asa ka pa! May pera yan si Kuya, maniwala ka dyan!" si Luke

"Naku Cai, bolahin mo nga para ilibre tayo sa bakasyon, dali! sayo lang yan uurong!" bulong sa akin ni Kuya Adrian

"Engr. Luke Andrei Baldomero, bilang isa namang rookie awardee at Best promotional Awardee, bay manlibre ka naman ng bakasyon pagtapos ng recording ni Kuya Adrian, bilang ikaw naman ang nakakaangat dito sa amin, dali na please! Tsaka, apat lang naman tayo, Ikaw, Ako, si Kuya Adrian at si Sab, jusko day sa laki ng sinusweldo mo Engr. dali na papayag na yan please?" ayun nagpababy face na naman ako sa kanya, hay ang tagal kong di ginagawa to ah, alang alang lang sa mapilit ko tong isang to

"Oo na!! Kayo ng panalo, malayo layo pa naman, makakaipon pa pang bakasyon!" biglang ngiti ng nakakaloko si Luke may binabalak na naman siguro ito?

"Yun sabi ko na ba bibigay ka rin, pagpapcute ko lang pala solusyon eh!" kamot ulo si Luke eh at nagsitawanan na lang kami ni Kuya Adrian sa itsura ni Luke, napasubo eh!

Naging masaya ang buong biyahe hanggang sa maihatid namin si kuya Adrian sa Hotel after nun ay ako naman hinatid ni Mokong!

At My Place...

"Oh paano kitakits sa Monday!" say ko sa kanya

"Ay! wala ka bang plano bukas? Saturday naman eh!" tanong nya sa akin

"Luke wala ka bang ibang plano pag weekend at lagi na lang ako tinatanong mo?" tanong ko sa kanya

"Wala eh, alam mo naman ako, ermitanyo walang ganang sumama sa mga gala ng iba kapag di ko close!" sabi pa nya

"So, hihilata ka lang sa apartment mo kapag sinabi kong wala rin akong plano bukas dahil tatapusin ko pa ang mga reports ko bukas para sa Sunday free ang sched ko!" say ko sa kanya

"Edi tatambay na lang ako sa inyo pwede?" tanong nya

"Di pwede! tuwing sabado ka lang nandito, mag change sched ka naman minsan, gaya ng linisin mo rin minsan ang apartment mo kahit di pa ako nakakapunta dyan sa place mo, alam ko nang parang giniba sa kalat yun for sure!" sabi ko sa kanya, kamot batok sya eh

"Grabe ka naman, di na naman masyado, very light na nga lang eh, tsaka kahit di ako marunong maglaba, magpapalaundry na lang ako, bukas nga pala sched ng pa laundry ko, tamang tama, tapusin mo lang lahat ng reports mo bukas, ako pupunta bukas ng laundry shop para mag palaundry ng damit then sa Sunday kung free ka samahan mo akong kunin yung pinalaundry then tambay tayo sa park ano deal?" si Luke Andrei talaga!??

"Para-paraan ka talaga eh noh!" crossarms kong sabi

"Dali na Cai, oh pumayag akong ilibre kayo nila Kuya ng bakasyon pag maluwag sya, pagbigyan mo naman ako, tsaka libre ka naman sa pamasahe, di ka mag cocommute noh!" ayan dinaan ako sa pagpayag nya kanina manglibre, kaysa naman tanggihan ko baka di pa ako ilibre nito ng bakasyon sayang rin yun, mahal pa man din ang bakasyon dito sa States

"Sige, takot ko lang na di mo ako ilibre ng bakasyon!" say ko at ngumiti ulit ng nakakaloko si Luke, pasaway talaga! laging may nilulutong pakulo, bahala na nga

"Thanks Cai! See you on Sunday! I'll pick you up at 3 in the afternoon!! Goodnight!! Sweetdreams!!" sambit ni Luke sabay maneho ng kotse nya pauwi sa kanila

Lalaking yun talaga!! Alaman ng may mga niluluto na naman yun sa utak nya hay!! makapasok na nga at makapag beauty rest dahil maramin akong report na gagawin...

_________________________________________

End of the Chapter....

See you on the next one....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top