Chapter 24: Vlog Partners Uploaded

Fastforward...

Saturday Morning...

Luke Andrei's POV

Saturday again, it means, Day off ko!! Hay Salamat, natambakan ba naman ng trabaho pagbalik palang nung Tuesday at least I manage and now my well deserve off is here, Hay ano kaya magawa ngayon, ayaw ko naman maghapon tumunganga dito ng may biglang nagtext--

Message From Cailly: Tulungan mo nga ako mag upload nung vlog ko nung nag tour tayo, di ba ikaw yung nag ayos ng presentation natin, sige na! Please!

Ang ganda naman ng umaga ko dahil sa nagtext..

Message Back ko: Sige, saan mo gusto ayusin yang mga videos mo?

Message From Cailly: Pumunta ka na lang dito, alangan ako pa pumunta dyan, ano ka? sinuwerte!

Message Back ko: Oo na po, mag-aayos na ako wait mo na lang ako dyan, tsaka mag ready ka na rin ng breakfast di pa kasi ako nakain eh ;)

Meesage from Cailly: Talaga naman, basta pagkain eh, oo sige na! Bilisan mo na po!

Message Back ko: Yes commander!! ;-)

Okay!! Ganda ng Sabado ko, better be ready baka mag-init ang bumbunan ni Cai, lagot ako dun

Fastforward...

At Cailly's Place..

*Dingdong*

"Sandali!" si Cai sabay bukas ng pinto

"Morning!" ngiti kong bati

"Morning sir Luke, pasok ka!" say ni Cai, pumasok na ako sa unit nya

"Ano bang gusto mong gawin sa vlog mo? 3 part ba o isang buo na sa isang video?" tanong ko sa kanya

"Ikaw na bahala dun, kaya nga tinext kita na tulungan ako dyan dahil di ako makapagdecide sa mga bagay na ganyan, di naman kasi ako sanay mag shoot ng vlog ko ng sunod sunod na araw eh kaya ikaw na bahala dyan kung paano ang diskarte mo, tsaka kumain ka muna di ba sabi mo di ka pa nag breakfast ayan oh sabayan mo na ako di pa rin ako nakain ng agahan eh!" yaya nya sa akin, well gutom ako kaya kakain muna ako bago umpisahan ang assignment ko

"Nice!! Sarap ng breakfast ah! Fried Rice with Spam and Egg!" nagningning ang mga mata ko sa nakahanda breakfast

"Nahiya naman kasi ako sayo, alam ko naman maarte ka rin pagdating sa pagkain eh!" say ni Cai sabay upo sa harap ko

"Pinaghandaan mo talaga ako noh? Di ko naman expect na gantong kasarap ang prepared foods mo! Sabi ko na bang special ako eh!" puri ko sa kanya

"Kapal mo Baldomero, Special child pwede pa, sinabi mong gutom ka eh kaya ayan kumain na nga tayo!" mainit ang bumbunan ni Ate girl nyo, makakain na nga

"Ito naman di mabiro, kakain na po!" surrender ko

After 15 minutes...

"Maliligo muna ako ah! Umpisahan mo na yang ayusin!" mando ni Cai, mandona talaga tsk! Kung di lang kita close eh naku!

"Opo! start na po ako!" at pumasok na si Cai sa Bathroom nya

Eto na ako at binuksan ang laptop nya at may password, hay babaeng to talaga, magpapatulong may password ang laptop kadamutan..

"Cai, may password laptop mo? Ano bang password?" sigaw ko sa kanya

"Alam mo na yan, di ba magaling ka sa ganyan, manghula?" sigaw nya pabalik, badtrip naman, teka saglit nga..

Inisip kong mabuti ang password, nang may nakita akong wordings sa gilid ng laptop nya baligtad ang wordings nakalagay M-A-E-T-E-V-O-L, wait di kaya ito ang password, pag binaligtad mo!

"Loveteam?" sambit ko, teka, matesting nga, inenter ko ang words

*Password correct, Welcome!*

Success! Pasok, bakit yun ang password nya? Di kaya? Hindi mali ang iniisip Luke Andrei, imposible! Hay!! makapagstart na nga!

Inumpisahan ko ng i-transfer lahat ng video galing sa video-cam recorder nya..

After 30 minutes...

"So, nahulaan mo yung password?" si Cai tapos na syang magbihis at magsuklay, busy pa rin ako sa pag eedit ng mga videos

"Yes, Loveteam!" wait anong sabi ko? napatingin ako kay Cai, nagulat rin sya

"Anong--sabi mo?" nauutal nyang sabi

"Ah-- I mean yes, loveteam yung password yun!" depensa ko, nabigla ako dun ah huh! *punas pawis sa noo*

"Ah okay, kumusta naman ang progress ng editing mo?" tanong nya habang may ginagawa dun sa mini ktichen nya

"Na transfer ko na lahat ng videos sa laptop mo, nag start na akong ma edit ng mga magagandang kuha then after transition naman!" say ko sa kanya

"Siguraduhin mo maganda ang kinalabasan nya Luke hah!" say nya

"Syempre naman, sayang naman pinag-aralan ko kung di ko to papagandahin di ba?" sambit ko sa kanya habang inaayos na ang pagkasunod sunod

"Oh Kape ka muna oh?" sabay abot nya sa akin ng coffee

"Salamat!" sabay upo nya sa tabi ko, sa sofa kasi ako nakaupo habang ginagawa yung editation vlog nya

"Saan banda ka na ba?" silip nya sa ginagawa ko

"Day 2 na po, isang video na lang yan para di matagalan sa uploading sa channel mo!" sabi ko habang busy mag-edit

"Dyan ka muna hah, isasampay ko lang yung mga nilabhan ko kanina eh!" say ni Cai sabay alis pumunta muna dun sa mini terrace ng unit nya para magsampay

Ayos tong mga video na to sa UCLA ah ang ganda, mailagay nga to hihihi...siguradong hindi lang adventure ang makikita ng followers nya pati ang kilig side hihihi...

"Di pa rin ba tapos yan?" bumalik si Cai after 30 minutes na pagsasampay, tumabi ulit sa akin

"Konti pa Cai, wag kang atat dyan okay? inaayos ko pa ang transitiom eh!" say ko sa kanya

"Tagal naman nyan?" sabay patong ng mukha nya sa kamay nya

After 1 and a half hour of finishing plus uploading sa Channel nya...

"Cai, tapos na uploading na rin sa Channel mo, hintayin na lang natin matapos!" lumingon ako sa tabi ko, aba mahimbing na natutulog si Cai, tulugin talaga tong isang to kahit nakapantong lang ang mukha nya sa kamay nya

"Tinulugan mo na naman ako, tsk!" ngiti kong sabi habang tinitignan ang napakahimbing nyang mukha na natutulog, inayos ko ang pwesto nya at dahan dahan kong ipinatong sa balikat ko ang ulo nya sumandal muna ako sa sofa para comfortable sya habang nakahiga sa balikat ko, uploading na lang naman ang vlog nya sa channel nya, medyo matagal nga lang ng konti dahil almost 30 minutes ang running time, habang hinihintay kong matapos ang uploading, di ko namalayan na nakatulog na rin ako...

After 30 minutes...

Naalingpungatan ako, tinignan ko yung laptop ni Cai, uploaded na pero tong may-ari mahimbing pa rin natutulog sa balikat ko nakangiti pa, magising na nga, mag lulunch na rin naman

"Cai?" mahina kong sambit sa kanya

"Bakit ba Luke?" say nya pero parang tulog pa rin

"Gising na uy.." sabi ko sa kanya

"Natutulog kasi ako eh mamaya na.." ungol nyang sabi, mabiro nga ng isa to

"Sige ka pag di ka gumising dyan, nanakawan kita ng kiss gusto mo ba yun?" tumalab kaya?

After ilang second unti unti na syang dumilat...

"Loko ka talaga! anong nanakawan ng kiss ka dyan!? In your dreams!" sabay hampas sa balikat ko

"Sakit naman non, matapos mong tulugan yan ng 1 hour, hahampasin mo lang!" reklamo ko habang hinihimas ang balikat kong hinampas nitong babaeng to nasa tabi ko napakabiyolente

"Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising!" say nya sa akin

"Ayan na ang vlog mo tapos na po!" say ko sa kanya

"Talaga patingin!!" sabay kuha ng laptop nya sa harap ko

"Kanina pa yan tapos eh, mga 30 minutes ago! Nakatulog kasi ako eh" paliwanag ko

"Tignan natin ang views?" tinignan nya ang views *eyes wide*

"Bakit? Ilan na ba?" tanong ko sa kanya

"Nasa--10k views na agad!! Kyaaaah!!" aray sakit sa tenga ng irit ni Cai

"10k na agad? ang bilis naman, patingin!!" sumilip na din ako, Oo nga noh 10k na kabigla

"Ang daming positive comments, ang ganda daw ng LA Tour natin!!" excited nya binabasa ang comments

"Teka? may mga comments na 'wow naman bagay kayong maging vlog partner lakas ng chemistry nyo;-)' " binasa ni Cai yung comment sa vlog nya

"Ano sa tingin mo Cai?" tanong ko bigla sa kanya

"Ang alin?" say nya

"Vlog Partners? Kita naman sa comments eh" kamot ulo kong sabi

"Alam mo Luke, pag-iisipan ko pa eh, kaya wag muna umasa okay?" naman tong babaeng to di ma please

"Cai, mamaya mo na nga basahin ang mga comments na yan, mag lunch na kaya tayo anong oras na oh!" reklamo ko

"Tsk..Lagi na lang may dragon yang tyan mong yan kainis!" biglang tumingin si Cai sa mini kitchen nya

"Hayst!! nakalimutan kong magprepare ng lunch, ano ba yan!" napaface palm na lang sya

"Alam mo kaysa mag mukmok ka dyan dahil di ka nakapag prepare ng lunch, umorder na lang tayo online then pa deliver na lang dito kaysa naman lumabas pa tayo, di ba ayaw mong ma-chismis di ba?" pang-aasar ko sa kanya

"Oo na, bahala ka nang umorder!" sabay punta dun sa kama nya, problema nun?

After 15 minutes...

Nareceive ko na ang order naming foods...

Nilapag ko na ito sa mesa, tumingin ako kung anong ginagawa ni Cai, hmmm, ano kayang binabrowse ng babaeng to masilip nga..

Lumapit ako ng kaunti nakita kong mga pictures namin nung tour namin, maagaw nga! *gotcha*

"Luke! ano ba? Akin yan?" sabi nya ng mahinahon

"Madami ka palang pictures natin hah nung tour ikaw hah?" panunukso ko sa kanya

"Sabing akin na eh!! Luke naman!!" pilit nyang inaabot yung phone nya sa akin, well itinaas ko medyo matangkad ako sa kanya

"Paano kung ayaw ko?" itinaas ko pa lalo yung kamay ko, pilit nyang inaabot yung phone nya hanggang sa --

*Off balance*

Well, that teasing didn't end right because we ended up falling on her bed in an awkward position, she fell on top of me... *awkward*

Natahimik kami pareho, ang awkward naman nito oh! nakatulala lang kami sa isa't isa until...

"Tara na ngang kumain!!" biglang tayo ni Cai na mukhang na embarrased sa position na yun, kahit ako rin naman nagulat rin

Nabalot ng katahimikan ang buong lunch namin dalawa dahil sa nangyari..

"Sorry.." binasag ko na ang nakakabingin katahimikan

"Kalokohan mo kasi eh.." sambit nya

"Kasalanan ko kaya sorry di ko naman sadya eh, natuwa lang ako sa mga pictures natin nung tour kaya nagawa ko yun sorry.." mega apology ako, kasalanan ko eh

"Sorry din..." apology nya bakit kaya?

"Para saan naman?" tanong ko

"Gusto mo di ba gumawa tayo ng vlog together, payag na ako!" tama ba ang naririnig ko pumapayag na sya

"Talaga!? Yes, thank you!" sabay hawak sa kamay nya, ay! na carried away, bumitaw agad ako

"Okay lang, so kailan mo gusto i-shoot yung vlog?" tanong nya

"Kapag di na tayo masyadong busy, tsaka maghahanap muna ako ng place na magandang i-vlog, okay lang ba?" suggest ko

"Sige ikaw bahala!" say nya

"Mabuti pa tapusin na natin kumain!" say ko

"Mabuti pa nga!" ngiti nyang sabi

The whole day had been okay despite the awkward moment that happen, but still it still rings in my head as I head back home with a smile on my face, I'm glad that I get spend my day off with her even in a simple way...

_______________________________________

End of chapter....

More to come ahead....

See you guys.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top