Chapter 23: Just an Ordinary Day
Tuesday
Cailly's POV
Okay its back to reality na naman ulit, masusundo kaya ako ni Sab?
*Phone message*
From: Sabina
Best, morning I have to go early sa office so I can't fetch you dyan sa unit mo sorry best!
So, its a commute day for me to go to work, ni lock ko na pinto ng unit ko at bumaba na ako, nang nasa may labasan na ako ng apartment
*Beep beep*
Teka? si Luke ba yun? Bumaba sya sa sasakyan, sya nga! anong ginagawa ng lalaking to dito wala ba tong trabaho..
"Hi Cai! Morning!" sambit nya ng makalapit sa akin
"Ano ginagawa mo dito? Ang pagkakatanda ko ay lunch pa tayo magkikita? wala ka bang work hah?" sunod sunod kong tanong sa kanya
"Susunduin ka, nagtext kasi Sab na di ka daw nya masusundo kaya here I'am hahatid muna kita sa office mo then punta na ako sa work ko, tsaka di naman kalayuan ang office ko sa office nyo eh!" kwento nya
"Isang tanong Luke, sadya ba yun ginawa ni Sab para masundo mo ako? magkasabwat na naman kayo ni Sab noh?" seryosong tanong ko sa kanya
"Hindi noh, promise!" nagtaas pa sya ng kamay
"Talaga?" tanong ko pa rin
"Alam mo mabuti pa, halika na baka ma-late ka pa nyan eh!" at hinila na naman nya ako pasakay ng kotse
On the way to workplace...
"Buti naman at di ka na nagtanong kung plano ba to.." rinig kong sabi ni Luke
"May magagawa pa ba ako? Nakasakay na ako sa kotse mo, kaya go na lang!" say nya
"Pwede naman lagi na lang kitang sunduin kung okay lang naman sayo, kasi alam mo naman si Sab minsan busy, mahirap rin sa part nya maging anak ng may-ari ng promotional Company, laging busy, wala naman problema sa akin ihatid sundo kita di ba?" aba nagrequest pang maging official tagahatid sundo ko
"Wow Luke hah? Baka ma chismis na naman tayo sa office na mag jowa tayo ah kahit hindi naman, naku tigilan mo na yan, ayokong machismis, kita mo naman nangyari sa amin ni Sam, halos patayin ako sa sabunot ng babaeng dahil sa mantinding pagkacrush sayo, naku Luke, tama ng Lunch na lang tayo magkita" mahabang litanya ko
"Cai, ang dami mong sinabi, kaysa naman mag commute ka pa kapag di available si Sab, nag ooffer lang nama ako sayo, dali na, sayang naman binabayad mo sa pagcocommute, imbis na ipon mo na yun, dali na, sakin libre na, dali na please! Promise, i-dadrop lang kita sa entrance then alis na ako promise, tapos pagsundo naman, text mo na lang ako pag palabas na kayo, dali na Cai?" heto na naman po sya namimilit na naman
"Luke naman eh..." nagdadalawang isip kong sabi
"Please na Cai, dali na, promise di tayo machichismis as long na di nila ako makikita na hinahatid at sinusundo ka, kung gusto rin pag lunch text na lang kita kapag nasa may labasan na ako, ano deal?" talaga naman ang lalaking to Oo! napakakulit
"Siguraduhin mong di tayo machichismis nyan!?" paniniguro ko
"Promise! Mabangga man tong Avalon ko!" sira ulo talaga to pati sasakyan dinamay pa
"Oo na sige na! wag ka lang mabangga pati tong sasakyan na to, kabago bago eh! kasalanan ko pang di ako pumayag sa gusto mo, konsensya ko pa!" surrender ko, kainis naman eh, bat di ko matanggihan talaga tong isang to!? Hayst!!
"Yes naman!!" masaya pa nyang sabi
After 15 minutes drive...
Gabriel Promotional Company
"So, dito na ako, ingat ka sa biyahe papunta sa work mo ah!" bilin ko kay Luke
"Sure thing Cai, ikaw rin, work hard okay pero bawal ma stress nakakapangit yun" ngiti nyang sabi sa akin
"Sira ka talaga kahit kailan, Oo na, ikaw rin wag pairalin ang init ng bungo sa trabaho!" semon ko sa kanya
"Yes mam! Sabi mo eh! Sige na pasok ka na baka may makakita pa eh, text na lang kita mamaya kapag nandito na ako for lunch okay?" sambit nya
"Okay po sir! Sige na alis na! Ingat!" at ayun umalis na nga ang makulit na lalaking yun, kahit kailan talaga
Pumasok na ako sa loob, nang makarating ako sa office namin
"Best!!!" sigaw ni Sab sa akin, babae naman to parang nakawala sa kural
"Ano meron?" sambit ko sabay lapit sa kanya, nilapag ko muna ang bag sa station ko
"Ikaw hah!? Ano ng status? Anong nangyari sa 3 days LA tour nyong dalawa? Yiiieh!! Dali na kwento mo na maaga pa naman para mag work eh, tsaka habang wala pa yung mga chismosa nating ka-officemate, G! kwento na!" sinasabi ko na nga ba na eto ang pakay ng loudspeaker nitong bibig eh
"Status ka dyan, Friends lang naman kami nun ah, tsaka okay naman ang tour namin, masaya, tsaka nag vlog rin kami about sa trip na yun! Upload ko na lang sa weekend, yun all in all okay naman, Ang dami namin na discover about LA!" kwento ko pero parang dismayado si Sab sa kwento ko
"Yun lang!? Best naman akala ko pa naman yun na ang time na magkwentuhan kayo ng serious matter, corny naman.." reklamo ni Sab
"Nakapag usap naman kami ng seryoso eh, kahapon nung nasa Griffith Observatory kami, hinintay na kasi namin mag sunset don para makita ang view ng LA at night, yun ang time na nakapagkwentuhan kami ng medyo emo ganun.." dugtong ko pa
"Best, wala bang spark na naganap? yung parang nagtama ang mga mata nyo, na parang kayo lang ang tao doon, wala bang ganung effect sa trip nyo?" talaga naman tong Sabina, napakama intriga
"Okay fine, meron konting nangyari --" pabitin kong sabi
"Talaga!!? Kailan?" aba nagbago ang ihip ng hangin ah, kinilig agad?
"Ang pagkakatanda ko ay yung isa ay sa Hollywood then Second day sa Staples at LACM, Kahapon sa UCLA at sa Observatory, yung sa Hollywood eh saglit lang naman nagka eye contact, then yung sa Staples, napagkamalan pa kami magsyota nung isang player ng Lakers yun, tapos dun sa LACMA naman, abay may nag offer sa amin na picturan daw kami ng magkasama kasi bagay daw kami magkasama sa picture then kahapon, sa UCLA ayun ang mga istudyanteng babae doon ay kilig na kilig dahil nakita kaming magkahawak lang ng kamay at nagkatitigan then sa Griffith naman, ayun umakbay naman si mokong, kaasar nga then after non tumambay kami sa may side don to watch the sunset and see the beauty of LA at night, ayun nagkwentuhan at nagpakaemo ng konti, then may part don na nagtama ulit ang mga mata namin at si di ko maipaliwanag na dahilan, di ko magawang i-avoid ang gaze nya, parang nag lock ba, and there is something na parang tinutulak kami pareho na naglalapit na ang mga mukha namin and then -- " pasuspense ko
"And then? Dali na!" naiihi na ata sa kilig tong si Sab
"Malapit na nga as in malapit na malapit na ang mga face namin sa isa't isa then Fireworks display, ayun nagkagulatan kami dahil sa frieworks, avoid gaze!" say ko
"Ay!!! Sayang panira ng First kiss ang Paputok!!" nanghinayang pa sya nun hah?
"First Kiss talaga? Dami mong alam best!!" say ko sa kanya
"Naku saan pa pupunta ang ganung eksena kung di sa tsup rin noh!! Denial ka pa aber!!" say ni Sab
"Mukha ngang nanghinayang si Luke eh" say ko
"Wait a minute kapeng mainit! Tama ba naririnig ko Luke na ang tawag mo kay Andrei, hindi na LA?" bigla nyang tanong sa akin
"Bakit? Anong masama kung tawagin ko sya sa First name nya?" tanong ko kay Sab
"So that means na naglevel up na ang friendship nyo, do you consider na ba si Andrei na bestfriend mo?" tanong nya sa akin
"Pwede rin naman, i consider ko rin yun!" say ko
"Sabi na nga ba!! So anong nangyari nung makauwi kayo, di ba hinatid ka nya sa inyo?" tanong na naman ni Sab
"Nakatulog kasi ako the rest of the way eh, tsaka parang may naulinigan ako may sinabi sya na namiss na nya yung mga times na ginagawa ko syang punching bag kapag nag aasaran kami, tapos kapag may nagpapaiyak sa akin, nandun sya para protektahan ako at i-offer ang shoulder nya to cry on, miss na miss na nya daw ang mga moments na yun gaya ng pagkamiss nya sa akinng sobra!" yung ang pagkakarinig ko pero nakapikit ako nun para di nya halata na naririnig ko
"Best!!! Isa lang ibig sabihin nyan!!! Inlababo pa rin sayo si Luke Andrei Baldomero!!! Ako'y kinikilig!!! Yiieeh!!" ang hyper ni Sabina, pero totoo ba ang lahat ng yun na sinabi ni Luke?
"Paano mo naman nasabi yun best? Jusko katagal tagal na nung 9 years noh!" denial queen pa rin ako
"Echosera ka best!! Alam kong kinilig ka rin sa mga sinabi ni Andrei, aminin mo na uy!!" si Sabina talaga oo
"Best naman, slight lang naman, eh best naman eh paano mo naman masasabi na mahal ulit ako ni Luke?" tanong ko kay Sab
"Best, action speak louder from words best, pinagsabay pa action and words pa, yung gesture nya sayo, yung sinabi nya sayo last night, di pa ba sapat na evidence na his in to you again!" paliwanag ni Sab
"Di ba pwede bumabawi yung tao for the lost time ganun?" say ko
"Bumabawi ka dyan? bumabawi sayo dahil until now he still loves you ano ba best? kung ikaw nagawa mong humanap ng iba para makalimutan sya, I think nasabi nya sayo na hindi sya nagkaroon ng iba after that break up with you, may narinig ka bang iba sa kanya? Di ba wala?" say ni Sab, hay ano ba to!? ano ba destiny?
"Ang alam ko, naging busy daw sya nung college, na wala daw syang time na mag hanap ng girlfriend nung mga time na yun!" say ko
"Yan na bang sinasabi ko hello girl, earth to Cailly! Maniwala ka sa akin best, Inlababo pa rin sayo si Engr. Baldomero!" say ni Sab
"Hay naku tama na nga yang chika, magtrabaho na tayo!" say ko
Tumahimik na rin si Sab at nagstart na kaming mag work...
12:00 PM Lunch time...
Lunch time na at may nag text, kukunin ko ang phone ng biglang agawin ni Sab
"May nagtext, from Luke 'Dito na ako sa labasan, tara lunch na tayo! Wait kita dito!" at binasa talaga ang mesaage ng may message
"Akin na nga yan?" sabay kuha ko ng phone ko
"Wieehhh!! Ibang level na this, sige na punta na lunch time na naman eh enjoy!!" nag babye pa si Sab, may sapak din tong isang to
"Tse!!!" sabi ko sabay kuha ng bag ko at baba sa ground floor
At tama nga nandun na sya sa labasan, pero hindi sya nalabas ng sasakyan bakit kaya? kinatok ko ang salamin ng kotse nya
"Ay Cai nandyan ka na pala! nakaidlip kasi ako" sabay bukas ni Luke ng bintana nya
"Puyat ka na naman noh!" sabi ko sa kanya at sumakay na ako sa passenger sit
"Hindi, nakaidlip lang tara na, time is gold!" say ni Luke sabay paandar ng sasakyan
"Sabi mo eh!! Go!!" ngit kong sabi sa kanya
Naging normal lang naman ang lunch namin Luke, as usual sa mga mamahaling restaurant na naman nya ako dinala, daming anda eh pagbigyan na...
_________________________________________
End of chapter....
See you on the next chapter....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top