Chapter 22: UCLA to The Griffith Observatory

Luke Andrei's POV

Okay its our last day tour around LA, so I'm on my way to pick up Cai..

After 20 minutes drive...

"Finally!! Dumating rin sa wakas!" reklamo ni Cai, sabay sakay sa kotse

"Aga mo today ah, alam mo na ba kung saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kanya habang nagdadrive na ako

"Syempre naman, ang isang sa pinakasikat na University dito sa LA, UCLA!!" excited siya

"Campus Tour at its finest talaga!!" sambit ko

"Yan ang pangarap kong school nung nag-aaral pa lang ako, my gosh finally makakatapak na ako sa Dream Campus ko nung high school!" still her dream school eversince then

"Di mo pa rin talaga nakakalimutan ang dream school mo, tagal na nun ah, eh tsaka tapos ka na naman sa college!" say ko sa kanya

"Ganun talaga! Kapag dream mo talaga mapuntahan o mapasukan never mong makakalimutan yun!" say nya

"So, kaya pala hindi mo rin ako nakalimutan up until now, kahit sobrang tagal na nun!" say ko sa kanya

"Kapal mo naman uy! ni hindi nga kita naalala nung mga panahong busy rin ako sa college!" denial pa

"Asus! Bakit parang nakukwento sa akin ni Sab na kahit may boyfriend ka nung mga panahon yun eh iba ang nasa isip mo?" talagang asaran moment muna

"Weh, di ah! asa ka naman na ikaw iniisip ko noh, In your Dreams Baldomero!" sabay isnob nya, ang arte mo talaga babaeng ka

"Sige na nga, di na kita pipilitin, pero isang tanong lang Cai, may times ba na hindi mo talaga ako naisip nung panahon dumaan ka sa dalawa pa ulit relasyon?" tanong ko sa kanya

"Okay fine, para tumigil ka na sa pangungulit, minsan, naiisip ko yung mga memories natin nung tayo pa, ibang iba kasi sya sa mga naging karelasyon ko eh, iba rin yung paraan kung paano tayo nagkahiwalay noon, kasi yung dalawang naging karelasyon ko nung nagkahiwalay tayo, niloko lang ako.." bigla syang naging seryoso sa usapan

"Teka sino ba yung dalawang yun?" tanong ko sa kanya

"Tsimoso ka talaga eh noh!" naku nag iba naman ang ihip ng hangin

"Sige na, tatahimik na, napaka moody mo talaga babae ka!" tumahimik na ako hanggang sa nakarating kami sa UCLA main entrance

UCLA Campus.....

"Finally!!! Nakatapak na rin ako sa Dream School ko!!" excited ngayon si Cai, kanina napakaseryoso, moody talaga tsk!

"Excited much! Tara na mag tour, ilabas mo na ang pang vlog mo, once in a lifetime lang to noh!" sabay hila ko sa kanya papasok ng Campus

"Makahila baga LA, wagas! dahan dahan naman baka matalisod naman ako eh!" reklamo nya habang nilalabas ang videocam nya

"Matalisod ka man! Di ko na kasalanan yun!" mabiro nga ng konti

"Ah Ganon!?" ayan na si Cai, mood swing na naman

"Joke lang eto naman! syempre pagnatalisod ka edi sasaluhin kita!" say ko sa kanya

"Hay naku! Dinadaan na naman ako sa pick up lines nya!" say ni Cai --

"Look girls! Those two are sweet together holding hands inside the campus!" rinig namin sambit nung isang istudyante dito sa Campus kasama mga kaklase nila

"Mabuti pa Cai, tara na dun, nachichismis na tayo dito eh!" sabay madalian kong hinila si Cai, may mga chismosa rin pala dito sa LA

"Ikaw naman kasi eh! May pahawak hawak ka pa kasi ng kamay eh!" heto na naman si Cai, reklamo all the way na naman habang naggagala gala na kami inside the campus

"Cai, naka on ang video mo, gusto mo bang makita ng mga tagasunod mo sa Youtube yan, ayusin mo naman!" say ko sa kanya

"Ay Oo nga pala! Sorry guys, makulit kasi tong kasama ko eh kaya kami na tsitsimis  kami dito, so nandito na nga tayo sa UCLA Campus, kami na ang bahala sa inyong i-tour kayo sa mahahalagang places dito sa Campus so tara!" dapat talaga artista kinuha nitong si Cai, magaling mag switch mood eh

Nagpatuloy ang pag ba vlog namin ni Cai sa loob ng Campus hanggang sa dumating na ang Lunch time, natapos na rin ang tour namin at nag decide na lang kami mag drive thru sa isang Fast food chain, para mabilis ang biyahe papuntang Griffith Observatory our final tour for this 3 day LA Tour..

On the Way to Griffith Observatory...

"Nakakamiss talaga ang mga pagkain sa fastfood!" say ni Cai sabay kagat sa chicken with rice meal nya

"Masarap talaga ang mga pagkain sa fastfood lalo na at biyaheng ganto!" say ko habang focus sa pagdadrive

"Kumain ka kaya muna! Kanina ka pa nag dadrive eh!" concern nyang sabi

"Mamaya na lang!" say ko

"Hay naku!! Luke Andrei, oh kain!" si Cai sabay subo sa akin ng rice with chicken syempre yung parte ko yun, sweet naman!

"Ayos ah! sarap pala ng may daga subo!" say ko

"Oh eto drinks, humigop ka naman!" say nya sabay abot sa akin ng drinks

"Thanks Cai!" say ko

"Wala yun, oh eto pa oh kain na!" sinubuan ako ng sinubuan ni Cai hanggang sa maubos na yung meal ko sabay higop ko na rin ang drinks ko

"Solve!!!" sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko busolve sa pagmamahal este sa pag-alaga ni Cai sa gutom nyang kaibigan

"Buti naman at busog ka na, ako naman ang kakain, di ko naubos yung akin, inuna na muna kita, baka tumunog ang dragon dyan!" say nya natawa na lang ako

"Alam na alam mo talaga ang ugali ko Cai!" say ko sa kanya, medyo malapit na kami sa destination namin

"Sus! Ugali mo talaga yan, kapag gutom na gutom ka ayan natunog na ang alaga mo dyan.." say nya

"Talagang di mo talaga nakakalimutan ang mga ugali ko eh!" say ko

"Kapal mo talaga eh, ayan na tayo oh sa entrance dun ka na tumingin wag sakin!" bara nya sa akin

"Yes mam!!" ngiti kong sabi

Griffith Observatory....

Wow, ang ganda dito ah...

"Tulaley ka dyan sir?" sabay gulat sa akin ni Cai

"Ay palakang maganda!" gulat kong sabi

"Kaganda ganda ko namang palaka, pero sige na abswelto ka na, may dinugtong kang maganda eh, tara na sa loob at simulan na natin mag vlog shall we sir Baldomero?" ngiti nya sabi sa akin

"We shall!" sabay akbay ko sa kanya

"Hep! bat may pag-akbay? anong ibig sabihin nyan?" protesta nya sa gesture ko

"Sus Cailly! Pakipot ka pa gusto mo rin naman, tsaka wala naman malisya yan, friendly akbay lang!" depensa ko

"Friendly akbay lang ah, tsaka may time limit!" say nya sa akin

"Time limit ka pa, tara mag vlog!" say ko sa kanya habang papasok na kami sa Observatory

"Excited ka te!" say nya

"Anong te ka dyan? Lalaki ako noh hindi babae!" say ko at tinawanan lang nya ako

"Hahaahhaa ang cute mo talagang mainis, lumiliit lalo ang mata mo!" tuwang tuwa sa itsura ko ang babaeng to, namiss ko to eh

"Singkit na nga ako eh, maliit talaga mata ko!" say ko sa kanya

"Tara na nga mag vlog kanina pa tayo nag aasaran dito eh!" sabi nya eh, well di na nya kinontra ang akbay ko sa kanya

At inumpisahan na namin ang tour sa Observatory, astig dito parang nasa isang science fair ka, pwede kang sumilip sa telescope na nandito, tsaka yung planetarium as in wow!

"Luke tara sama ka sa vlog ko dali!" tama ba naririnig ko tinawag nya ako sa first name, sya lang ang tumatawag sa akin nun eh

"Sige ba!" sunod naman ako, sumama na rin ako sa vlog nya

"Guys, as you can see kasama ko pa rin si Luke Andrei sa aming final tour sa Griffith Observatory, nakikita nyo dito ang ganda ng view kitang kita mo ang Hollywood Sign oh, di ba Luke?" startruck pa rin ako dahil ngayon nya lang ulit ako tinawag sa first name ko

"Tama sya guys! as you can see naman from here there is the famous Hollywood sign and also dito sa other side the view of Los Angeles!" tour ko sa mga followers ni Cai

Nagpatuloy kami sa pag ba vlog until...

"So guys! See you sa next vlog ko, this is Cailly Amber and this is Luke Andrei!! Bye!!" in off na ni Cai ang video

"Kailan mo naman i-upload yang mga vlogs mo?" ask ko sa kanya habang nakatambay kami sa may side kung saan ma view ang  ganda ng LA kapag palubog na ang araw

"Baka sa weekends na lang, di ba may pasok na tayo bukas, balik na naman tayo sa dati, sarap palang mag bakasyon ulit na wala kang iniisip na trabaho, just the sched kung saan ka pupunta ganon!" kwento nya

"Ilang months palang tayo nag wowork di ba?" tanong ko sa kanya

"Kaya nga, nakakamiss lang talagang gawin yung ginagawa mo nung nasa Pinas ka pa!" si Cai nagsimula ng mag emo

"Sabagay! Its been 5 months mahigit na rin since we left the Philippines, kakamiss rin naman na yun, tanghali kang gumising, makikipag laro ka sa kapatid mo ng basketball na kahit anong oras kayo matapos oks lang! Dito talaga major adjustment ka talaga sa environment dito, tsaka talagang ubos oras rin ang work dito pero iba pa rin ang nakasanayan mo eh!" napasama na tuloy ako sa pagka emo ni Cai

"Homesick is real talaga kakamiss rin si mommy, kumusta na kaya sya?" say ni Cai, mukhang nag start ng mamugto ang mga mata nito

"Bakit di mo ba nakakausap mommy mo?" tanong ko sa kanya

"Nakakausap naman, pero iba pa rin kasi yung nakakasama mo sya, hirap pala lumaki kang dependent sa nanay mo, the adjustment is the hardest thing to do kahit ilang months palang ako nandito, namimiss ko pa rin si mama!" ayan umiyak na sya

"Here oh.." bigay ko sa kanya ng panyo ko

"Salamat Luke ah! Hirap pala maging mama's girl!" sabi nya sabay punas ng luha nya

"Gets kita Cai, same situation rin naman tayo, miss ko na rin si mommy kahit papaano kahit lagi nya ako tinatawag na batugan!" kwento ko sa kanya at napangiti sya ng konti

"Ayan ngumiti ka na rin, di bagay sayong umiiyak para kang bata, uhh!! wawa naman!" in action ko pa yung sinabi, napatawa naman sya

"Alam mo ikaw! sira ka talaga, wala ka ng ginawa kung di mang-asar!" ngiti nyang sabi

"Ayaw mo yun, atleast tumatawa ka di ba, kaysa umiiyak, nakakapangit sa isang babae ang umiyak, pero honestly speaking kahit umiyak ka cute ka pa rin at maganda!" compliment ko sa kanya

"Bolero ka talaga! Kahit kailan.." say nya

"Cai tignan mo ang view ng LA oh ang ganda pag night" turo ko kay Cai

"Ang ganda nga!" masaya nyang sabi habang pinagmamasdan ang view ng LA at night

"Oo nga, kasing ganda ng view na nakikita ko!" hindi view ng LA ang pinagmamasdan ko kung di ang view sa tabi ko, bigla syang tumingin sa akin at nagtama na naman ang mga mata namin

"Luke..." mahina nyang sabi

"Cai..." sambit kong mahina, unti unti naglalapit ang mga mukha namin ng --

*Fireworks Display*

"Fireworks! Ang ganda!" sabay tingin ni Cai sa mga Fireworks in the Sky

"Ganda ng timing eh!" dissapointed pa ako nyan ah

"May sinasabi ka?" say ni Cai

"Wala, sabi ko ang ganda ng view ng fireworks display dito sa observatory, ganda!" nginitian ko na lang sya

Nang matapos ang Fireworks Display nagdecide na rin kaming umuwi ni Cai

On the way home...

On the road...

"The best tour ever!" say ni Cai

"Sulit ang takot mo sa rides sa Disneyland" sabi ko

"Pasalamat talaga na nanalo tayo kung di ay bugbog na naman sa stress sa work!" say nya

"You deserve to have this mini vacation tour eh!" say ko while driving

"Ikaw rin naman, bukod sa rookie award eto nanalo ka pa sa Field Day!" si Cai

"Iba talaga kapag komportable ka sa kasama mo!" say ko

"Bakit naman?" tanong ni Cai

"Kasi-- kilala na kita tsaka, special ang rookie award na yun, dahil dun ko hindi inaasahan na makikita kita ulit, such a small world talaga!" kwento ko

"Emo mo talaga! Kahit kailangan!" say nya

"Its destiny that moves na magkita ulit tayo Cai, it still cloud nine until now!" habang nasasalita ako ang kausap ko ay --

*ZzzzZzz*

Tulog na naman, tinulugan na naman ako, hay!

After almost 1 and a half hour...

Nandito na kami sa tapat ng apartment ni Cai, nagpark muna ako sa side

Inayos ko ang buhok nya kasi nakaharang sa mukha nya, tulog pa rin kasi..

"Alam mo Cai, I hope na di matapos ang tour kasi this tour gives me a chance na masundo kita at mahatid pauwi like 9 years ago, I miss those days Cai, being your punching bag whenever we teased each other, sabay mag lunch, when someone make you cry, I'm there to protect and give you my shoulder to cry on, I missed it so much Cai just like how I missed you dearly!" sambit ko ng mahina ng --

"Nakatulog pala ako, nandito na pala tayo sa unit ko, so paano? back to work na naman tayo bukas" say nya sabay labas sa kotse, lumabas rin ako

"Kaya nga eh, lunch na lang ulit tayo magkita bukas okay lang ba?" tanong ko sa kanya

"Oh sige, ikaw bahala, paano kita na lang tayo bukas lunch time! Goodnight, ingat ka sa biyahe!" tumalikod na sya at humakbang ng konti ng--

"May nakalimutan pala ako!" sabi nya sabay lapit sa akin

"Ano naman yun?" tanong ko, she didn't answer, hinalikan nya lang naman ako cheeks ko sabay takbo papasok sa apartment

"Night Luke!! See you tomorrow! Thanks for the 3 whole days tour nag enjoy ako!" kaway nya sa akin ng makaakyat na sya sa may unit nya

"Goodnight!! Same as me nag enjoy rin ako!!" I wave back after that she enter her unit at sumakay na rin ako sa sasakyan ko and drive home back to my apartment place with a big smile on my face, I will never forget this day especially her kiss, I missed it after almost a decade

_________________________________________

Yiiieh another chapter had end...

See you on more chapters ahead...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top