Chapter 21: D2 - Los Angeles County Museum of Art & Staples Center
Cailly's POV
Sunday Morning...
I just walk up and have a very Good sleep, teka? bakit nga pala ako nakauwi dito sa apartment ko ng --
*Phone Ringing*
"Morning Miss Ganda!!!" si Mokong pala
"Napatawag ka?" say ko sa kanya
"How's your sleep?" tanong nya, bakit kaya?
"Ok naman, nagtataka nga ako, yung huling naaalala ko ay nanunuod tayo sa Theatre then the rest, wala na, teka wag mong sabihin --" naputol ang sasabihin ko dahil sumingit na sya
"Yup! Nakatulog ka lang naman sa kalagitnaan ng palabas, natapos ang show, tulog ka pa rin kaya, binuhat kita papuntang sasakyan, sa buong biyahe tulog ka po hanggang sa dumating na tayo sa apartment mo, tulog ka pa rin, para ka talagang mantika kung matulog, walang pinaw eh, buti na lang nakita ko sa bag mo ang susi ng apartment unit mo.." kwento ni LA, kahaba naman ng tulog ko walang pakiramdam
"Sigurado kang inihiga mo lang ako sa kama ko?" naniniguro kong tanong
"Cai, umandar na naman ang imagination mo eh, after kitang ihiga dyan sa kama mo, umalis na rin ako.." depensa nya
"Sure ka?" ang kulit ko rin talaga
"Abay Oo naman! mukha ba akong sinungaling na tao?" sabi ni LA
"Hindi naman! Teka, nasaan ka na ba? di pa kasi ako nag-aayos eh kagigising ko lang" say ko sa kanya
"Buksan mo pinto mo.." say nya hah? binuksan ko nga pinto ng unit ko *eyes wide*
End Phone Convo..
"Hi Cai, ready ka na ba sa LACMA and Staples Center Tour natin?" taas kila pa tong si LA, napakaaga naman ng lalaking to!
"Napakaaga mo naman? Ni hindi pa nga ako nag-aayos oh.." sermon ko sa kanya
"Halata nga, yan pa rin suot mo mula kahapon!" medyo natatawa nyang sabi, loko to ah!
"Kasalanan ko bang napakasarap kong matulog.." say ko sa kanya
"Napakasarap nga, pati hilik ang sarap din!" ay pati yun narinig ng lokong to
"Naku Luke Andrei! Kaganda ganda ng gising ko, sisirain mo, panira ka talaga!" pagtataray ko
"Baka pwede naman, papasukin mo naman ako bilang kanina pa ako nakatayo dito!" aba talaga tong lalaking to
"Sige na pasok!!" pinapasok ko na tong isang to
"Hay Salamat pinapasok rin ako!" ngiti nya sabi sabay upo sa sofa
"So anong oras ang punta natin sa LACMA at Staples Center?" tanong ko sa kanya
"Mas mabuti unahin muna natin ang tour Staples sabay nuod na rin ng game then sakto pagabi, saka tayo pumunta sa LACMA, mas maganda kasi dun pag gabi eh!" suggestion ni LA
"Ikaw bahala, ikaw naman ang driver di ako, oh mag juice ka muna" sabay lapag ko ng isang basong juice sa mini table
"Kaya mabuti pa, mag-ayos ayos ka na uy! para makahabol tayo sa tour sabay nuod ng game!" mando nya
"Oo na! Dyan ka lang, ikaw hah! Stay put ka lang dyan!" say ko sa kanya
"Bilis na!" sambit pa nya at nag umpisa na akong maligo at mag-ayos
After 20 minutes...
"Ready na ako!" nang makalabas ako ng bathroom, dahil dun na rin ako nagbihis, aba! nakatulog ang mokong sa sofa, infairness ang cute nyang matulog ng marinig kong nag sleeptalk sya, lumapit ako para marinig ko kung anong kahibangan ang pinagsasabi ng lalaking to
"Okay na akong makita kang masaya Cai, kahit na ganto lang ang status natin okay lang, mahalaga nakikita kitang nakangiti, sapat na yun.." nagulat ang sa mga pinagsasabi ng mokong na to, may konting kirot at saya ng marinig ko yun sa kanya, di kaya di pa rin sya nakakamove on from that years, nakatingin lang ako sa kanya ng bigla nyang binuksan ang mga mata nya *eye contact for seconds*
Nagtagpo ang mga mata namin, di ko alam kung bakit pero parang iba eh, bakit ganto?
"Sorry Cai, nakatulog pala ako, so ano okay kana? Lets go!" sabay offer nya ng kamay nya, tinitigan ko ang kamay nya
"Dali na malinis yan nag alcohol naman ako eh, tara na!" well him insisting me is my weakness after all, hay! tinanggap ko ang offer nya at humawak sa kamay nya
"Eto na nga! Ikaw nga tong tutulog tulog eh!" sabi ko habang papalabas kami ng apartment
"Sensya na! nagbabawi lang!" sabi nya hanggang sa makarating kami kung saan nakapark ang sasakyan nya
"Sakay na po Miss Rodriguez!" say nya sabay bukas ng pinto ng kotse
"Well thank you na lang!" sabay sakay ko sa passenger sit
"Oh sitbelt mo, ako na ngang magkakabit!" sabay assist nya sa pagkabit sa sitbelt ko, again our eyes met once again
"LA-- okay na pwede ka nang sumakay sa drivers sit!" nauutal kong sabi, bakit nauutal na naman? Hayst!!!!
"Okay! On the way to Staples Center!!" sabay patakbo ng sasakyan
After a couple of minutes drive..
Day 2: Staples Center Tour
"So guys!! I'm back once again for part 2 of our 3 day tour here in Los Angeles California USA!!!Now we are here at the Famous Staples Center were can experience all the things about the history of this Arena and also para mapagbigyan ang hilig ng lalaking yun!" sabay turo ko kay LA na busy na naman magpicture ng kung ano ano, nang mapansin nyang nakatutok ang video cam ko sa kanya, aba lumapit pa at --
"Hi guys!! Luke Andrei at your service, as Cailly said we are here at the Staples Center for our tour and also to watch my favorite NBA team LA Lakers!" wow excited much si LA sa game
"Okay guys, Lets go!!" at inumpisahan na nga namin ang tour habang nagbavlog syempre hanggang sa..
Its Game time na....
"So guys we are here inside the basketball court of the Los Angeles Lakers, they call this their Home court, I know you are all excited for the game but hey, I'll shoot some of the highlights of the game okay?" I said and in-off ko na ang cam at ishushoot na lang ang important highlights dahil itong kasama ko ay nakapwesto na sa upuan, well since free tong tour at nuod ng game namin bench side lang naman ang pwesto namin which means malapit kami sa mga players kaya etong si LA --
"Can I take a picture with you?" ayun nakikipag selfie na sa mga players, makasingit nga minsan lang to noh!
"Hey, can I join the picture taking?" I asked
"Sure, you are a pretty girl, hey man is she your girlfriend?" gosh sa lahat na lang pwede tanungin nung isa sa player kay LA yun pa? ano kayang irarason nitong isang to!
"We are just friend you know!" good answer
"You know man, you two look good together!" ay sya! ganun ba talaga kami kabagay?
"I appreciate your comment thanks!" at nagpasalamat pa ang mokong na abot abot ang ngiti
Naubos ang oras namin sa selfie ng mag start na ang game...
Sa kalagitnaan na nga game, dikit ang laban at sumisigaw na ang lahat ng --
"DEFENSE!!! DEFENSE!!"
Nakisali na rin tong si LA, fanboy eh, namiss siguro ang basketball nung high school..
Tumagal rin ang game ng halos mag 3 hours...
"Sa wakas natapos rin at nanalo!!" sabay pasimpleng akbay sa akin habang papalabas kami ng arena
"Ehem!! nasaan na ang kamay?" ayun nakaramdam at bumitaw din
"Grabe naman to, wala naman akong germs eh!" sabay tingin sa mga kamay nya, napatawa na lang ako sa pagtitig nya sa mga kamay nya
"Para ka kamong sira nakatitig sa kamay mo!" ngiti kong sabi sa kanya
"Uy!! ngumiti na ulit siya!! uy!!!" nanukso na po ulit sya
"Hoy!! hindi ah!! tara na nga magdidilim na oh pumunta na tayo sa LACMA para masilayan na nating ang ganda non!" hinila ko na sya papuntang sasakyan
18 minutes Drive...
Night Time
Los Angeles County Museum of Art
Nagshoot ako ng konti sa LACMA after mag open ang mga lights ang ganda, after the vlog shoot..
"Cai, pose ka dun oh, picturan kita ganda kasi ng angle eh!" at ayun nagpicturan na nga kami ni LA ng individual ng --
"Hello there, would you mind if I take some pictures of you together, you two looks cute together!" isang kano ang nag offer na picturan kami ni LA ng magkasama, hay kesa mapahiya ang kano, pinagbigyan na lang namin ni LA
"Okay, on the count of one two three, smile!!" nakaakbay sa akin si LA habang pareho kaming awkward sa sitwasyon yun
Ngiting ngiti ang kano habang kinukuhanan kami ng picture sa may LACMA...
After the photoshoot...
"Hey, see the picture of you two, you look great together! are you a couple?" tanong nya biglang sagot namin ni LA na --
"No we're not!" duet pa
"Oh? but I can see on both your eyes that you have a future together!" he said to us, Im curious ano kaya pinagsasabi nitong si tatay kano
"Are you positive about that sir?" LA asked
"The way I can see you two together are quite been to all challenge in the past years but I know even the days ahead would face a much harder challenge, I can see you both can go through it together.." kwento ng kano, natahimik kami pareho ni LA
"Thanks for the nice picture sir but we have to go home now its getting late.." I said
"We will be going sir, thanks for the pictures and for the advice!" LA said and we when straight to his car and he drove off
Napuno ng katahimikan ang buong biyahe pauwi hanggang sa makarating na kami sa apartment unit ko..
"Kanina ka pa tahimik? may problema ba?" tanong ni LA
"Wala, nagulat lang ako sa sinabi ng kano, para syang manghuhula eh!" sabi ko
"Naniniwala ka ba?" tanong sa akin ni LA
"Hindi ko alam eh, eh ikaw?" tanong ko pabalik sa kanya
"Well ang masasabi ko lang, si destiny na ang bahala, so paano bye na! Mas malayo ang biyahe natin bukas for the final tour, pasok ka na!" change topic ni LA
"Salamat sa paghatid sundo LA hah! Thank you talaga!" tanging sambit ko
"No problem Cai, so see you tomorrow, tulog na maaga, 6 am in the morning tomorrow okay?" he said
"Noted Mr. Baldomero, mag aalarm na ako ng maaga.." sambit ko
"So, Good night Cai, see you tomorrow!" at nakaalis na nga si LA
Naging maayos ang Day 2 Tour namin, at kahit na maraming weird na nangyari well still manage to surpassed it, what a day! Makatulog na nga para sa last day of our LA Tour...
_______________________________________
End of Chapter....
See you on next Chapter...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top