Chapter 2: Bye For Now Philippines
Airport...
Luke Andrei's POV
After a month of completing all the requirments, all the visa and passport are all ready, this is it pancit! A new world, a new beginning for me to fulfill my dreams and for my family..
Before checking in...
"Paano ba yan bro! See you soon na lang, pag nakaluwag luwag ako sa sched ko, bisitahin kita don okay ba?" bro hug namin ni Kuya Adrian
"Okay lang bro, basta bantayan mong maige tong si mommy.." bilin ko kay Kuya Adrian
"Don't you worry bro, akong bahala kay mommy.." kindat ni Kuya sa akin
"Andrei iho, ingat ka doon, first time mo pa naman doon sa Amerika.." paalala ni mommy
"Mommy naman! sabi nyo nga 26 years old na ako, di na ako bata! Alam ko po yun, kayo ang mag-iingat dito.." say ko kay mommy
"Sayang nga lang at wala akong anak na babae, ikaw naman kasi bakit ba kayo nag break ni Cailly, edi sana may babae akong anak ngayon!" alam kong pabiro sambit ito ni mommy, dahil napalapit talaga ang loob nya kay Cailly kahit high school palang kami noon
"Mommy, matagal na po iyun, we have are own life now baka nga may boyfriend na yun ngayon eh!" ngiting sambit ko kay mommy
"Sira ulo ka kasi, pinakawalan mo pa kasi eh, naku Luke Andrei!! Pakatino tino na!!" sermon ni mommy sakin
"Naku mommy, hayaan nyo na yan si Andrei, malaki na yan, tama nyo ng i baby yan kaya nagiging batugan eh!" pang-asar ni Kuya Adrian
"Kaya nga mommy! Nakaraan na yun malay nyo naman may ma meet akong amerikana doon sa LA?" pabiro kong say kay mommy
"Naku!! Pasaway ka talagang bata ka!! O sige na pumasok ka na sa loob baka mahuli ka pa sa flight, Ingat ka anak hah!! Magdasal okay!!" sambit ni mommy and after that we parted ways
Here it comes, the new chapter of my life has start....
After about 1 day flight to LA..
Finally here, the Land of Opportunity Los Angeles California USA, since its my first time here, gladly nakapag rent ako ng apartment unit dito sa LA to start, because tomorrow kailangan ko ng mag report sa company na papasukan ko dito sa LA..
After almost 30 minute ride to my apartment unit, finally..
*put all his luggage down* Well, not bad for myself only, may single bed, computer setup and tables, may single closet, may couch and TV, mini kitchen with small table with two chairs
Okay unpacked my stuff, first luggage, syempre puro damit panlamig ito at iba pang suit ko at regular shirt and shorts, may winter kasi dito sa US unlike sa Philippines, okay after 10 minutes, ang bilis diba, next may second and final luggage, medyo mabigat, di na kasi ako nag pack nito kung di si mommy at kuya na eh, bakit kaya mabigat? *opens the luggage* *wide eyes* Bakit nandito to? *his guitar that Cailly gave him* may note..
Kuya Adrian,
Bro! peace tayo, alam kong medyo boring dyan kaya isiniksik ko ang gitara mo sa bagahe mo, alam ko naman kahit kinalimutan mo na ang taong nagbigay nya, well I know its precious to you kaya alam kong hahanap hanapin mo yang gitara mo, Goodluck sa job mo and stay safe and cool!!
Kuya Adrian talaga!!! *sabay kamot ng ulo*
Back to the Philippines..
Cailly's POV
Well, here I am nakatangla sa sealing ng kwarto ko, kahit papaano naman nakakahurt ang biglaang break up namin ni Lance, masakit!! *teary eye* Apat na taon, binasura lang nya lahat ng yun, ang kapal ng mukha nya talaga!! Bakit ba ang dali akong iwan ng mga taong mahalaga sa akin!? May mali ba sa akin!? Okay naman ako diba? Anong kulang sa akin?
"BAKIT!!!!?" sigaw ko ng biglang bumukas ang pinto
"Best anong nangyari? Halos mabasag ang eardrums ko sa sigaw mo eh!!" si Sab na loka na walang pasintabi sa pagpasok sa kwarto ko
"Best naman kasi, ano bang kulang sa akin!? may mali ba sa akin? Bakit madali nila akong iwan!!? Bakit!!!?" wala na naloka na ako habang naiyak at nagdadrama sa harap ni Sab ng --
*toink*
"Best!! di ka artista para magpaka drama queen dyan!" say ni Sab matapos akong batukan
"Aray naman best! sakit non ah? Sagutin mo na lang kasi ako best? Bakit madali nila akong iwan!? " tinitignan lang ako ni Sab habang nag momonologue at drama
"Best alam mo, mabuti pa sumama ka na lang sa aking mag stroll sa subdivision kaysa mag emoterang frog ka dyan dahil iniwan ka ni Lance, Hello girl!!! di sya kawalan noh!? kaya sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa aking mag stroll, wala na nagawa ang kadramahan ko at hinila na lang ako ni Sab palabas ng kwarto ko
While strolling around the subdivision eating ice cream..
Matapos namin mag ikot na nag decide kaming maupo muna sa may bench sa park ng subdivision..
"Feel better?" tanong sa akin ni Sab habang nakain ng ice cream
"Medyo.." simple kong sambit sa kanya
"Alam mo best, yang si Lance, kalimutan mo na yang lalaking yan di sya importante, sinayang nya lang ang mga taong pingsamahan nyo, kaya move on na dear!!" walang prenong salaysay ni Sab
"Akala mong napaka expert mo best sa ganyan ah, alam mo madaling sabihin mahirap gawin.." bwelta ko
"Best, ganyang ganyan ang mga nababasa ko sa mga eBook noh na magtatagal kayo ng jowa then after non iiwan ka rin, sus! story made it true to life sometimes" paliwanag ni Sab
"Ang alim! may hugot ka best?" ngiti kong sambit kay Sab
"Bilang bestfriend mo, sasagutin ko ang tanong mo na kung bakit madali kang iwan ng mga taong mahal mo.." ngisi ni Sab, ay may iba tong ngiti ng babaeng to
"Bakit?" sabay tingin ko kay Sab
"Kasi, hindi sila ang para sayo talaga, ganun! kaya madali ka nilang iwan sa ere.." say ni Sab
"Wow, ganda naman ng explanation mo best, napapanahon!?" pang asar ko kay Sab
"Oh ano okay ka na?" ask ni Sab at tumango na lang ako
"Very Good Girl!! So ano uwi na kita?" yaya ni Sab at sabay na kaming nagsilakad na kami pabalik sa bahay namin
While walking back home...
"Alam mo best, babalik na ako sa LA sa susunod na buwan, maikling kasi binigay na bakasyon sa akin ni daddy eh.." say ni Sab
"Ang bilis naman Best ng bakasyon mo, wala na bang allowance?" tanong ko sa kanya, pansin kong napaisip si Sab ng --
________________________________________
End of Chapter 2
Abangan ang naisip ni Sab sa susunod na chapter....
See you!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top