Chapter 18: Chikahan with the Bestie/Bro
Luke Andrei's POV
Sa wakas nakauwi na rin ako sa tinutuluyan kong apartment ng may nagtext..
Text message From Cai...
"Sana nakauwi ka na ng maayos! Wag mong kakalimutan dalhin bukas sa Grand park yung presentation natin! Yun lang.." - Cailly
Natural dadalhin ko yun noh! Babaeng to talaga, wala ba dyan I miss you, joke lang! Hihihihi
Skype ringing..
Bro Adrian is requesting for a video call...
"Hello bro! Musta ang pagbubuhay?" bungad sa akin ni Kuya
"Eto bro! Alive pa rin at going strong sa work!" ngiti kong sabi
"Aba bro, iba yang ngiti mo ah! may bagong chicks na ba?" biro sa akin ni Kuya
"Loko ka talaga Kuya! Wala noh!" sambit ko pero nangiti pa rin ako
"Eh bakit ang ngiti abot langit?" si Kuya talaga di ako nito tatantanan eh
"Sige na nga bro! Hulaan mo ah!" say ko kay Kuya
"Sige ba! Anong clue?" tanong ni Kuya
"Muling nagbabalik!" say ko, napaisip si kuya
"Aha!! Alam ko na, 🎶 Muling ibalik ang tamis ng Pag-ibig, sayang naman ang ating nakaraan 🎶 " kumanta pa tong si Kuya
"Kuya anong trip na naman yan! Alam mo na ba?" tanong ko ulit
"Walang iba ang iyong sinisinta, si Cailly Amber Rodriguez -Baldomero ayiieh!!" gumana na naman ang imagination ni Kuya
"Kuya kung makadugtong, eh hindi naman kami eh, mukhang malabo na yun, Cai had been to 3 heartbreaking break up and thats includes me!" depensa ko sa kanya
"Wow, so ibig sabihin naka tatlong relationship na si Cai, samantala ikaw bro sya at sya pa rin, bilib na ako sayo bro! consistent ka talaga kahit hindi na kayo!" sumaludo pa tong si kuya parang basag bagay nga sila ni Sab
"Hindi nga kami kaya malabo na yun, tsaka mukhang hanggang friends na lang ang turing nya sa akin, I become just a stranger to her that we meet and become friends.." salaysay ko
"Ikaw ng emo bro! Teka paano mo ba nakita ulit si Cai? At dyan pa sa LA hah!" si Kuya Adrian
"It just happen in a corporate event where I won my first ever award as a computer engineer, that night, everything came back with just a click of a cam!" I said
"Grabeh bro! naging baduy ka na naman dahil kay Cai!" si Kuya
"Buti nga pumayag syang maging friends kami despite the real reason 9 years ago why we parted ways!" malungkot kong sabi
"Bro, the situation is tight that time, wala kontra sa inyo noon, botong boto pa nga si Mommy kay Cai, tapos after graduation ng high school wala na agad kayo?" si Kuya na nakakaalam talaga sa nangyari kung bakit ganto ang situation namin ni Cai
"I will always respect her decision even now, but still hoping for one day she'll accept me again even if the unexpected challenge gets in our way again.." say ko kay kuya
"Alam mo bro, tigilan na natin tong drama mo, pati ako nadadamay sa pagkamakata mo eh!" si Kuya sabay punas ng luha
"Ikaw nag umpisa, tapos papatigilin mo ako! tsk!" sambit ko kay Kuya
"Eh ano anong lugar na ba ang napuntahan mo dyan bro aside from Santa Monica?" change topic ni Kuya
"Ayun nakapamasyal na rin ako sa Grand Park syempre dun ko ulit si Cai nakita, tinakbuhan pa ako, buti na lang athlete tayo kaya nasabayan ko sya sa running marathon nya, and recently yesterday we got a task from our company to promote a place, we choose Disneyland Park in Anaheim, so pumunta kami don, and as usual after we take pictures of the place for documentation we had a bet that up until now na takot pa rin sya sa extreme rides and Im right, hanggang ngayon, ako pa rin ang kinakapitan nya pag takot na takot sa rides and to end my story of our sudden reunion, I know you will laugh to it, nasiraan kami at nagpalipas kami ng gabi sa isang Inn at unluckily for her part, isang room nalang ang available kaya no choice kami to stay.." haba ng kwento ko at nakikita kong nagpipigil ng tawa si Kuya
"Let me guess bro, magkatabi kayong matulog noh?" si Kuya habang pigil na pigil tumawa
"No choice bro, naawa sa akin dahil sa sofa lang ako matutulog that time, in short kinonsensya ko.." sambit ko
"As if naman bro, tatanggihan ka non, sus di ka matitiis non bro! pa hard to get lang yan si Cai.." si Kuya habang tawa ng tawa di na napigilan
"Bro mabuti pa matulog ka na dyan, ako rin papahinga muna kararating ko lang kasi galing don eh.." say ko
"Sige na bro, ingat ka na lang dyan Goodluck kay Cai hah I'm rooting for you two for the second time!! Bye!!" sabay off the skype
End of Videocall
What a day once again! Makatulog na nga muna para marelax sa sobrang haba ng buong araw na ito
Meanwhile...
Cailly's POV
"Cailly Amber!!!" naku kung kailan ako matutulog saka naman bumulabog tong si Sabina
"Bakit ba best? antok na ako eh!" reklamo ko sabay talukbong ng kumot
"Hoy! Loka, promise mo sa akin na ichichika mo sa akin ang slite honeymoon nyo ng former jowa mo!" naku eto na naman po tayo
"Best naman, di nga kasi honeymoon yun! ang kulit mo rin noh!" say ko sabay upo sa kama ko
"Ichika na kasi, pakipot ka pa nagustuhan mo naman din eh!!" nasisiraan na naman sa kilig si Sabina
"Para tumigil na yang bibig mong walang preno sa chika, eto na, First natalo ako sa pustahan namin dahil ang fear of rides ko ay di nakisama at panay na naman ang kapit ko sa kanya at irit, ayun talo ako, tapos ayan si Minnie na bigay nya daw sa akin, di malaman kung anong nakain ng lalaking yun at binigyan ako ng stuff toys at tsaka nga pala ayun ang sayo bigay nya rin sayo panuhol daw dahil gabi na kasi kami doon eh and unexpected naman ang pagkasira ng sasakyan nya and the rest is history..at wag mo nang ipaulit sa akin dahil alam kong na ichismis na sayo ni LA, enough hanggang dun na lang kaya pwede best patulugin mo naman ako okay?" say ko sa kanya
"Naku best, aminin sa hindi namiss mong lumingkis kay LA, aminin!" si Sab talaga
"Best, alis na sabi I need to sleep di ako nakatulog ng maayos eh!" reklamo ko
"Di daw nakatulog eh parang mukhang napasarap ka nga ng tulog eh, at alam kong may ginawa kang alam kong hanggang ngayon iniisip mo pa rin, iniisip mo kung dala ba ito ng likot mong matulog o talagang hinahanap hanap ng sarili mo si LA even if the friends lang ang turing nyo sa isa't isa..Am I right beshie?" talaga naman Sabina, sabi ng magpatulog
"Oo na Best, happy I mean it, di ko alam kung sadyang malikot lang akong matulog o sadyang hinahanap hanap ko pa rin sya, oh happy ka na best kaya pwede I need to sleep?" wala na akong nagawa kung di ang sabihin sa kanya ang lahat
"Mission accomplished: Mapaamin si Cailly Amber Rodriguez sa tunay na nangyari kahapon! Bye! " sabay karipas ng takbo palabas si Sab, babaeng yun talaga napaka maintriga, makatulog na nga para ready na for tomorrow
_________________________________________
End of Chapter
See youe on the next Chapter
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top