Chapter 17: Unexpected Cuddle
Cailly's POV
In her Dream...
Flashback...
Annual Camping namin somewhere sa Tagaytay, syempre 3 days to, kaya mga kaklase ay todo baon ng mga outfit nila, kala mo naman mag babakasyon, at isa pa tong si Sab, dalawang maleta pa ang dala, daig pa ako..
"Best, ang onti naman yang dala mo isang maleta lang?" abay nagtaka pa ang loka
"Best, hindi naman fashion outfit ang dala ko yung mga simpleng damit lang na magagamit sa camp" sambit ko ng may biglang nagtakip ng mata ko
"Hulaan mo?" tanong sa akin nung nagtaklob ng mata ko
"Luke, alam kong ikaw yan isa!" at tinanggal nya na ang mga kamay nya sa mata ko
"Daya naman! nahulaan agad!" kamot ulo pa nyang sabi
"Luke Andrei, ilang taon na tayong magkasama?" tanong ko sa kanya
"2 years na.." sagot nya
"Oh, sa 2 years na yun di ko paba masasaulo yang kamay mo, eh lagi ko naman nahahawakan yan!" sambit ko sa kanya
"Yuhoohh!!! Nandito pa po ako, wag kayong magsolong dalawa dyan!" si Sab
"Oo nga pala, Hi Sab! Kumusta?" si LA
"Kumusta ka dyan? Parang kahapon lang di nagkita ah!" banat ni Sab
"Sorry na, di mabiro.." si LA talaga
"Class up to your respective buss assign, we are leaving!" say nung teacher namin
"Bus number ano ka Cai?" tanong ni Sab
"1 ikaw?" tanong ko sa kanya
"Yeah, 1 rin ako! eh ikaw Mr. Baldomero?" sarcastic na tanong ni Sab kay LA
"2 sana pero nakipagpalitan ako sa kaklase ko ng number kaya kasama ko na ang love ko!" sabat akbay sa akin ng mokong
"Tara na nga!" sambit ko at nagsisakay na kami sa respective bus namin at on the way to Tagaytay
CAMPSITE...
"Okay Class, since hapon na tayo dumating, our activities will be tomorrow morning at 8 am, please do take your time and feel free to explore the Camp, but when the clock thicks at 7pm you all must be at the mesh hall for dinner its that clear!" sabi na teacher namin
"Yes Sir!!" say namin lahat
So kanya kanyang tambay muna ang iba kong classmate at yung iba naglibot libot muna, kasama ko ngayon ang buntot ko este ang very protective kong jowa kasama si Best
"Best tutunganga na lang ba tayo dito?" nababagot na tanong ni Sab habang nakatambay kami sa may Bench sa ilalim ng puno ng mangga
"Hindi, tatangla best!" pangbabara ko kay Sab
"Ikot ikot muna ako Best ah, dyan muna kayo see you later!" si Sab sabay alis naiwan kami ni LA
"Nice, masosolo na rin kita.." sabay pasimpleng akbay sa akin
"The moves eh hinintay lang umalis ang intrigaderang kaibigan natin eh no?" say ko sa kanya
"Ganun talaga! Kita mo naman ang daldal ng bestfriend mong yung, maintriga pa!" reklamo nya
"Masanay ka na dun, alam mo naman si Sab, daig pang showbiz kung mang interview.." sambit ko sa kanya
"Kaantok naman tumambay dito.." sabay hikab ni LA
"Oh umidlip ka muna, iidlip na rin ako, kakaantok nga tumambay, ang sarap pa ng simoy ng hangin dito" sabay patong ko ng ulo sa balikat nya at naramdaman ko rin ipinatong nya ang ulo nya sa ulo ko, sabay hilik! sabay kaming nakatulog sa ilalim ng puno ng mangga..
End Of Flashback...
Nagising ako sa dampi ng sikat ng araw, napasarap ata ang tulog ko, teka parang naiba ata pwesto ng minulat ko na mata ko, laking gulat ko.. *eyes wide* shemay! ang likot ko talagang matulog, well ang sarap lang naman ng yakap ko sa lalaking katabi ko at ganun rin ang mokong, pilit kong ninaalis ang kamay nya, pero ang higpit naman, well I have no choice but..
"Ehem!!! ehem!!!" minulat ni Luke Andrei ang mata nya, abay imbis na magulat ngumiti pa
"Morning!!" aba nag good morning pa, ibang klase rin tong lalaking to
"Hoy! Mr. Baldomero, anong ibig sabihin nito?" narealize nya ang nangyari at..
"Ay sorry!!" sabay bitaw ni LA sa akin
"Hay nako! eto na nga bang sinasabi ko?" nag cross arms ako
"Wag mo akong idamay sa pantasya mo Cai, ikaw kaya nauna umakap, nanaginip ka pa nga ata eh, pangit ngiti ka pa!" sambit ni LA
"Hay! makapag-ayos na nga ng makauwi na tayo!" sabay tayo ko sa kama deretsong CR
"Eh paano tong kama, iiwanan mo na lang ganto?" reklamo nya
"Ikaw ng mag-ayos!" sabi ko sabay sara ng pinto
"Fine!" rinig kong dabog nya
Fastforward...
Natapos na ako mag-ayos ng gamit ko si LA, ayun kausap ata ang may-ari nung nirentahan nyang sasakyan ng biglang--
*Phone Ringing*
"Hello?" sambit ko
"Morning Best, musta ang short honeymoon!!!" ano daw? honeymoon? nasisiraan na ng bait tong si Sab
"Anong honeymoon ka dyan!? Nasiraan lang kami kaya nagpalipas muna kami ng gabi sa Inn, honeymoon pinagsasabi mo dyan?" napakagreen talaga nitong babaeng to
"Alam ko na yan Best, sinabi na ni Andrei sa akin kagabi, tumatawag nga ako sayo kagabi kaso si Andrei ang nakasagot, para ka kasing mantika kung matulog di nararamdaman na nagbavibrate ang phone kaya si Andrei ang nagkwento sa akin.." sambit ni Sab
"Pakealamero talaga ang isang yun!" reklamo ko
"Bessy, wag ka nang highblood, feel ko naman napasarap ang tulog mo at napi feel kong may cute na nangyari!!" kinikilig pa tong isang to, lokaret talaga
"Loka!! Asa ka naman!!" sambit ko
"Sis, don't lie to me, hay!! sabi ko na nga ba ay bibigay ka rin sa ex jowa mo!" aba tong si Sab, nahihibang na ata tong babaeng to
"Alam mo best, pag-uwi ko na lang, kaaga-aga nang-aasar ka, sige na bye!!" at inoff ko na ang phone
End Convo..
"Si Sab ba yung tumawag?" tanong ni LA
"Walang iba, kaaga aga nang iintriga!" sambit ko
"Baka kinukumusta ka lang?" sambit nya
"Ano nga palang sabi nung may-ari?" change topic ko
"Humingi ng sorry sa akin dahil pagkakamali nya di nacheck ang maintenance check ng sasakyan, kaya papasunduin na lang tayo ng service dito and napagdesisyonan ko na rin na bumili na rin ng sarili kong sasakyan para may panggamit naman ako dito.." kwento ni LA
"Mabuti naman, kaysa naman mag rent ka pa, tapos sandali lang papalya na naman, mahirap ang mga ganun sasakyan dito sa Amerika!" sambit ko
"Thanks sa concern Cai ah!" aba at bakit kaya nagpapasalamat tong isang to
"Hep! may kasalanan ka pa sa akin!" tanong ko
"Ano naman ang atraso ko?" reklamo nya
"Yung kanina, aba aba!! wag mong sabihin kinalimutan mo na yun!!" sambit ko sa kanya na nakapameywang
"Hindi po madam, tandang tanda ko pa po, tsaka bakit magiging atraso yun eh, gusto mo rin naman at ikaw pa nga nauna, sinegundahan ko lang!" taas kilay pa nyang sabi
"Naku Luke Andrei!!! Mabuti pa bumaba na tayo at hintayin yung service, kakaloka talaga tong araw na to!!" sambit ko sabay bitbit ng bag ko at si Minnie palabas ng kwarto
"Kinilig ka naman!" bulong nyang sabi pero narinig ko yun
"Anong sabi mo!!?" lingon ko sa kanya
"Wala po! ang sabi ko ayan na po papunta na po!!" lier pa, anong kinilig! asa pa sya!!
___________________________________________________________________________
End of Chapter 17..
See you on the next chapter....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top