Chapter 16: Stuck for Tonight

Luke Andrei's POV

"Anong sabi mo? Nasiraan tayo?" tanong sa akin ni Cai

"Parang ganon nga! Ayaw umandar ng makina eh!" say ko sa kanya

"LA naman!! gawan mo ng paraan!! gabi na oh!!" reklamo sa akin ni Cai

"Oo na check ko muna yung langis nito!" lumabas muna ako para buksan yung harapan ng kotse, tinesting ko ang mga posible way na alam ko sa pag-aayos ng sasakyan

"Matagal pa ba yan?" reklamo na naman po sya

"Cai! try mong paandarin dali!" tinesting nga ni Cai pero..

"Ganun pa rin eh!!" sabi nya, tsk!

"Mukhang need ko nang tumawag ng mekaniko.." kamot ulo kong sabi

"So hindi mo magagawa?" tanong nya sa akin

"Cai, Computer Engineer po tinapos ko hindi Mechanical, tsaka mga minor damage ng sasakyan lang ang alam ko i check noh!" sambit ko sa kanya, isinara ko na ang harapan ng sasakyan at bumalik sa loob para kunin ang phone ko para tumawag ng mekaniko

"Kaikli ikli lang naman ng biniyahe natin bakit kaya sinumpong naman tong sasakyan mo?" say nya sa akin, alam kong irita na sya dahil mag 7:30 na ng gabi

"Ewan ko biglaan na lang eh, tsaka di na naman talaga akin to noh, nirentahan ko lang to para may magamit ako pang trabaho.." explain ko sa kanya

"Hay! kapag minamalas ka naman oo! nasiraan kung kailan gabi na!" wala ng ginawa kung di magreklamo ang babaeng to

"Alam mo Cai, kaysa magreklamo ka dyan magsearch ka na lang ng mga Inn na pwede natin matulugan ngayon gabi kaysa putak putak ka dyan ng putak.." banat kong sabi sa kanya

"Kailangan ko pa ba maghanap, eh ayan na sa harap natin yung sinasabi mong matutulugan natin for tonight.." tumingin ako sa harap, oo nga no! di ko napansin na isang Inn pala yung naparkingan namin

After a couple of minutes..

Dumating na rin ang tinawagan kong mekaniko, matapos nilang i check ang sasakyan..

"Sir, Im very sorry but we need to full out your car for further check up all the posible cause of an engine failure.." sambit ng mekaniko

"Ok Sir, I think the car didnt have the proper maintenance check thats why it fails this time" I said

"So sir, did you rent this car?" he asked

"Yup, I'll just contact the owner of the car  to head to your office to ask about the lack of maintenance of the car, it had been 2 months since I started using this car, please take care of this car sir.." I said to them

"Don't worry sir, we will do our best to check the car, so will go now sir, I think your friend is getting irritated, I'll contact you if the car is ready to go!" sambit sa akin ng mekaniko dahil napapansin nyang isang bakol na ang mukha eh

"Thank you very much sir! Have a safe ride!" sambit ko sa kanila at tuluyan na nilang dinala ang sasakyan napakinabangan ko for almost 2 months

"LA, tara na kaya pumunta doon sa loob, ang bigat bigat kaya nitong mga gamit at pasalubong mo!" reklamo na naman si Miss talakera

"Andyan na po! Akin na po yang gamit ko at pasalubong ko, bitbitin mo na yang si Minnie, bagay naman sayo yan eh!" say ko sa kanya para mabawasan naman ang init ng ulo

"Oo na!! Buti alam mo!" say nya sa akin

Dumeretso na kami sa Counter..

"Uhm..is there an available rooms for two?" I asked the attendant

" Uhm..sir, we are very sorry, we only have one available room for tonight because there is a lot of guest today!" sabi ng clerk, nilapitan ko muna tong isang kasama kong to

"Cai, isa na lang daw available na room, okay lang ba sayo?" tanong ko sa kanya

"May magagawa pa ba ako, tsaka gabi na kaya, at ito lang naman ang pinakamalapit na Inn dito noh, basta dun ako sa kama!" say nya

"Oo na ikaw ng sa kama dun na lang ako sa sofa.." sabi ko at kinuha na nga namin yung natitirang room

Room 1431

"Wow, infairness kahit maliit lang sya, maganda pa rin iba talaga ang mga Inn and hotels dito, high class!" say nya habang sinersurvay ang kwarto

"Medyo malaki naman pala ang kama eh, share na lang tayo, mahirap kaya matulog sa sofa!" suggest ko sa kanya, at biglang nanlisik ang mata ng babaitang to

"Hoy!! Anong share ka dyan!?" taray nito

"Ang taray mo naman, nag susuggest lang naman ako, tignan mo naman ang sofa, makakaikot ba ako dyan, dali na Cai, kung di ka comfortable na katabi ako, lagyan mo ng harang, ayan naman si Minnie at Mickey gawin mong harang, dali na!" hay nagmakaawa na naman ako sa babaeng to

"Pag iisipan ko! Mag shower muna ako! Buti nalang at may dala ako spare na damit.." say nya sabay deretso sa bathroom

Habang busy mag shower si Cai, minabuti ko nang i sort out ang mga nakuha namin pictures, dala ko ang laptop ko kaya nag start na akong mag edit ng slides, sya nang bahala sa description, baka magreklamo di sya pinatulong..

15 minutes later...

"I'm done! ikaw naman!" lumabas sya ng kwarto na nakapang minnie mouse na pajamang terno

"Saan mo naman nakuha yang damit na yan?" tanong ko sa kanya

"Nandun sa may closet malapit sa bathroom, meron nga isa doon eh para sayo ata, parang nanadya ang mga attendant dito eh!" banggit nya habang nagpapatuyo ng buhok

"Oh tapos na ang slides, ikaw na lang bahala gumawa ng description, baka sabihin mong wala kang participation!" sabi ko sabay tayo at deretso sa bathroom para magshower

"Buti naman at nagtira ka para sakin, salamat hah!" say nya pero mukha malamig na sya nakaligo na kanina kasi ang init ng ulo daig pang may dalaw

After 10 minutes..

"Talagang nanadya talaga ang mga attendant dito eh!" sambit ni Cai ng makita ang suot kong terno pajama ay Mickey Mouse naman

"Okay naman ang ternong t-shirt at pajama nila noh, presko sa katawan!" comment ko sa suot kong damit

"Whatever, by the way! okay na ang description na ilagay ko na rin sa slide at uploading na lang, ikaw na maghintay, inaantok na ako eh!" sabay tayo nya at punta sa kama at pumuwesto na sa dulo

"Uhm..Cai?" tanong ko sa kanya

"Oo na! dito ka na matulog, iharang mo na lang si Minnie at Mickey, kakahiya naman sayo bilang ang ganda ng ginawa mong slides, payag na akong mag share tayo sa kama!" sabi nya sabay talukbong ng kumot

"Salamat Cai ah!!" masayang sambit ko sa kanya

*snoring* "zzzZzzzzzz" ang bilis makatulog talaga ng babaeng to

Saktong natapos na ang uploading at sinave ko na sa Flashdrive ko at nilagay ko na sa bag ang laptop at flashdrive ko ng biglang tumunog ang phone ni Cai..

"Tulog mantika talaga to, di naririnig ang phon nya" pabulong kong sabi, kinuha ko sa nightstand ang phone nya

Caller ID: Sab

"Hello?" sagot ko sa tawag

"Hello, Andrei ikaw ba yan? Si Cai?" tanong ni Sab

"Oo si Drei to, si Cai tulog na, nag snore pa nga eh!" sambit ko na medyo natawa ako

"Hah? bakit nasaan ba kayo?" tanong nya

"Nasiraan kasi kami ng kotse eh kaya nag check in muna kami sa Inn dito malapit sa Disneyland.." sabi ko

"Let me guess, makasama kayo sa isang kwarto noh? buti napapayag mo ang babaitang yan!" tanon nya sa akin

"Isang room na lang ang available eh, gladly di nagreklamo tong bestfriend mong mood swing.." sabi ko

"So? ilan ang kama?" teka bat napunta sa kung ilan ang kama

"Isa..bakit naman napunta sa usapan kama?" inilayo ko na tenga ko sa phone dahil umirit ng pagkalakas lakas si Sab

"So, tabi kayo ni Cai?" tanong nya, tong bestfriend nyang to ang green ng isip

"Buti nga pumayag eh, pero may boundery, may harang..." say ko

"Naku Drei, baliwala yang harang yan sa likot matulog ni Cai, goodluck and ikaw na bahala dyan kay Cai, hay good old times nga naman! Bye! Enjoy the night!!" bigla na lang akong pinatayan ng phone

End Convo...

Hay! Sabina talaga! ang green ng isip! makatulog na nga at yung isa yun ay sobrang himbing ang tulog, humiga na ako sa tabi ni Minnie at Mickey dahil sila daw ang harang, hay what a day! At sinakop na ako ng tulog!!!

________________________________________

End of the Chapter....

See you on the next Chapter guys!!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top