Chapter 15: Went to Disneyland with Him

Cailly's POV

Sa wakas for almost 30 minutes of drive from LA to Anaheim, we are finally here at Disneyland Park, gladly I book a ticket online for the two of us while Mr. Baldomero is so busy sa pang-aasar sa akin.

Car Parked..

"Buti naman nakapagbook ka ng ticket sa ating dalawa.." sambit nya while we are walking on the way sa entrance ng park

"Kaysa makinig pa ako sa mga pang-aasar mo, minabuti ko na lang magbook ng ticket, atleast safe na pag pasok! Di ba?" say ko sa kanya

"Don't forget the Deal Ms. Rodriguez, after we take pictures of the place, its game time!" yabang talaga nitong lalaking to

"Wag kang mag-alala, sisiguraduhin ko, tatawanan lang kita mamaya at humanda ka sa consequenses mamaya!" ang yabang ko rin noh, goodluck sa akin makisama sana ang irit ko mamaya kung di lagot kang Cailly ka! *face palm*

"Bakit mo hinahampas ang mukha mo? kinakabahan ka na ba na baka umirit ka mamaya?" mind reader ba tong lalaking to

"Asa ka pa! Tignan lang natin mamaya! Yabang!" sambit ko sa kanya

"Umpisahan na natin mag picture para makapag enjoy na rin tayo on the same time!" at eto na nga nagstart mag picture picture ng mga magagandang scenery dito sa Disneyland

After an hour of taking photos...

"Hay Salamat natapos din tayo, sakto lunch na gutom na ako!" sambit ni LA habang hinhimas himas ang tiyan nya

"Mabuti pa nga, dahil mukhang gutom na gutom na ang mga alaga mo dyan sa tiyan!" say ko sa kanya at nagpunta kami sa may malapit na restaurant sa loob ng park

After a couple of minutes..

Nakalabas na kami ng restaurant, at talaga naman ngiting aso na naman tong si Baldomero..

"Anong ngini-ngiti mo dyan?" tanong ko sa kanya ng makalabas na kami ng resto

"Cai, its time to ride na! remember! sayang ticket na binili mo kung di ka sasakay?" kunwari natingin pa sya sa taas

"Oo na! Ganto na lang rock paper scissors tayo kung sino manalo syang mauunang mamili ng rides na sasakyan natin ano game?" confident kong sabi

"Baka mga pangbata naman yan piliin mo eh!" reklamo nya

"Hoy! anong akala mo sa akin grade school, game na dali!" talagang inumpisahan namin and the winner is...

"Okay fine ladies first!" talo sya eh, scissor sya and rock ako hahaha

"Dun tayo sa Incredicoaster! Ano game!?" hamon ko sa kanya

"Wow! may pinapatunayan ah!" say ni LA

"Talaga! papatunayan ko sayo na hindi na ako duwag sa ganyang rides!" sabay snub ko sa kanya

"Lets go!!" sabay hila sa akin papuntang Incredicoaster

After the ride...

"Okay! 1 point ka na, di ka umirit o kumapit sa akin, ako naman ang pipili, dun tayo sa bago sa Guardian of the Galaxy Mission: Breakout ride! Ano game ka na ba?" banat ni LA

Nang makarating na kami sa may rides na yun napa *gulp* ako sa taas badtrip naman makisama ka self sa pustahang to!

"Ready ka na?" tanong ulit ni LA

"Oo naman!" ang tapang ko, feeling ko talaga, sana makisama gaya ng sa unang sinakyan namin

At pumila na nga kami shemay ang haba ng queue susmiyo! well since pinanindigan ko etong kalokohan ko edi G!

"Tayo na Cai dali, dyan ka sa harap ko para pag upo natin tabi tayo!" masaya pa nyang sabi loko talaga tong lalaking to

At tama nga ng kalkulasyon si LA, tabi nga kami at ang matindi pa nyan sa harapan kami, anak ng tinola naman oh!

"Ayan start na!!" excited pa talaga sya ah

Ongoing na ang rides, unang floor medyo okay pa ako ng tumungtong na sa highest floor and then...

"Aaaaaahhhhhhh!!!!!" wala di ko na mapigilan imirit at sumigaw, wala na rin akong choice napakapit na ako sa kanya at saktong may nagflash, patay mukhang nakuhanan ang irit at kapit ko!

After the second rides...

"Ang sarap non ah!!" sambit ni LA habang nag stretch ng kamay nya

"Ang alin?" tanong ko sa kanya

"Both!! yung drop pati yung kapit mo, namiss ko!! hihihi!!" ngiting nakakaloko ginawad sa akin ni LA

"Kapal mo talaga eh!" sambit ko sa kanya

"okay tie na tayo! isang rides nalang at malalaman na natin kung sino ang magwawagi?" excited na ang mokong buysit kasi eh, okay lang rollercoaster wag lang ang drop ride duwag ako sa ganun eh

Fastforward....

After the last ride sa Grizzly River Run..

"So anong sinabi ko sayo Cai? panalo ako!" fine he wins, dahil ba naman sa takot kong mabasa ay napakapit na naman ako sa kanya pero di ako umirit hay, badtrip nanalo ang mokong kaya ngiting nakakasar na naman paglabas namin sa Grizzly River Run

"Edi ikaw ng panalo, anong consequense? para makauwi na tayo at masimulan na natin pagsunod sunurin ang nga nakapicturan natin, mag 6pm na na oh!" say ko

"Since nanalo ako sa pustahan natin at nag enjoy naman ako sa pagkapit mo sa akin, ililibre mo na lang ako ng dinner ano okay na ba yun?" tanong nya sa akin

"Sige, at ng makauwi na tayo nakakapagod rin kayang sumigaw buysit ka!" say ko sa kanya

"This way Miss Rodriguez!" aba ginawa pa akong prinsesa sabagay gusto ko ang ganyan

After the quick dinner, on the parking lot..

Nakalagay na lahat ng pinamili naming pasalubong kay Sab at mga stuff toys na napanalunan daw ni LA sa mga pa games dito ayun bali tatlong stuff toys ang nasa likod namin, si Mickey and Minnie Mouse and ang isa ay si Daisy Duck..

"Bakit tatlo yang stuff toys mo?" takang tanong ko sa kanya ng makasakay na kami sa sasakyan

"Yung isa dyan si Daisy Duck, para kay Sab yan, panuhol, dahil gabi na tayong makakauwi para di ako pagalitan!" explained nya habang nagsi seatbelt

"Eh si Mickey at Minie kanino?" tanong ko

"Syempre, sayo si Minnie at sa akin si Mickey!" say nya

"Ah! kaya pala ganda ng mood natin panuhol mo rin sa akin?" tanong ko sa kanya

"Di noh! para sayo talaga yan, Friendly gift baga! Arte nito!" nanahimik na ako dahil pinapaandar na nya ang sasakyan ng....

"Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya dahil kanina pa nya iniistart ang makina di naandar

"Uhm Cai, I think nasiraan tayo.." kamot ulo nyang sabi

"Ano!!!!?????"

________________________________________

End of Chapter 15....

Nasiraan sila?

Naku!! Ano kayang susunod na mangyayari?

See you guys on the next chapter.....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top