SPECIAL CHAPTER SNEAK PEEK

MAXWELL'S POV

"MAXWELL, SWEETHEART, please open the gate, anak. Nasa labas na siguro si Yaz." Iyon ang bungad ni mommy nang makababa ako, tutok sa binabasang diyaryo at humihigop sa coffee cup ang mga mata niya.

Lahat sila ay nasa mahabang dining table at nagbe-breakfast. Nangunot ang noo ko nang masulyapan sina daddy at Mokz na nakangisi na sa 'kin.

"Why?" tanong ko saka lumapit at humalik sa sentido ni mommy.

Nagkibit-balikat ang dalawang matanda ngunit nginisihan ang isa't na para bang hindi ko sila nakikita.

"Dad," tinapik ko si daddy sa likuran bilang pagbati saka ako tumango kay Mokz. Nilingon ko rin sina Maxpein, at Maxrill na sinusubuan ang alagang aso.

"Yaz is going to stay here for the meantime," noon lang sumagot si mommy, natigilan ako. "Tulungan mo siyang buhatin ang mga gamit niya. Thank you, maji."

"Why?" muling tugon ko.

"What do you mean why, Maxwell?" sagot ni mommy.

"Why is she going to stay here?"

"I asked her a favor, to stay here while we're away. Besides, our home is closer to her workplace."

"Why Yaz?" patuloy ko.

Dahilan para alisin ni mommy ang paningin sa binabasa at ilapag ang tasa ng kape upang tingnan ako. Napabuntong-hininga ako nang masalubong ang matalas na tingin niya. Ibig sabihin no'n, hindi na dapat ako magtanong at sa halip ay sumunod na lang. Tatawa-tawa sina daddy at Mokz nang masulyapan ko.

Magsasalita na sana ako nang tumayo si Maxrill. "Hyung just woke up, mom, maybe he's tired. I'll do it. I'll help her."

Humarang ako sa daraanan niya. "It's okay, I'll do it."

Nagkatitigan kami ni Maxrill saka siya natatawang bumalik sa silya. "Pretending to be nice because our parents are here, huh?"

"Just finish your breakfast, baby brother," ngiwi ko saka tinalikuran ang lahat para lumabas.

Sa patio pa lang, natanaw ko na si Yaz na hirap na hirap, bigat na bigat sa maletang binababa mula sa trunk ng vintage sedan niya. Napatitig ako sa mukha niya at napangiti. Parang walang nagbago pero lalo rin siyang gumanda sa paningin ko, ang weird. Her skin got a little lighter and her hair a little longer. She looks extra tall right now and a little skinnier. But one thing's for sure, she's still maingay. Pinakamagandang maingay na nakilala ko.

Napabuntong-hininga ako nang muling panoorin ang ginagawa niya. Lalo siyang nahihirapan dahil isang kamay lang ang gamit niya para magbuhat. Habang ang isa ay nakasuporta sa trunk lid.

Marahan akong naglakad at sa sobrang abala niya, hindi niya ako naramdamang lumabas sa gate. Umangat ang gilid ng labi ko nang pasadahan ng tingin ang kabuuan niya mula sa hapit at maiksing dress hanggang sa mataas na takong. Napapailing akong nag-iwas ng tingin.

Pabuntong-hininga akong pumuwesto sa likuran niya nang may dumaang sasakyan, na sinadyang bagalan nang matanaw siyang nakayuko sa trunk at kinukuha ang hindi mabilang niyang bags.

What? Inis kong tanong sa isip, habang nakatingin sa nagmamaneho ng dumaraang sasakyan matapos ako nitong tingnan. Pinaharurot nito palayo ang sasakyan.

"Let me help you, Yaz," sabi ko nang tuluyang makalapit.

Inangat ko nang todo ang trunk lid ng vintage car niya dahil sa tingin ko, hindi sapat ang pagkakabukas niyon sa laki ng boxes niya. Paano niyang napagkasya ang lahat ng 'yon sa compartment? I can't believe this girl.

Pero natigilan ako nang maramdaman ang titig niya at bahagya siyang nilingon. Nangunot ang noo ko sa lalim ng emosyong gumuhit sa mukha niya na para bang sampung taon kaming hindi nagkita.

"Maxwell!" hindi ko inaasahang yayakap siya sa 'kin. "Hi, baby!" Huli na para mapigilan ko siya dahil ang isang kamay ko ay nasa trunk lid habang ang isa pa ay nakahawak sa box. "Grabe, na-miss kita, Maxwell! Ilang taon kitang hindi nakita," maiyak-iyak niyang sabi, nangingilid talaga ang mga luha. "Ang bango-bango mo! Napakagwapo mo talaga, parang sa t'wing makikita kita, lalo kang gumuguwapo! So, tell me, are you happy to see me too?"

Napapikit ako sa higpit ng yakap niya at pabuntong-hiningang binitiwan ang trunk lid para sana alisin ang yakap niya. Ngunit pareho naming hindi inaasahang babagsak 'yon sa ulo ko.

"Ay, kigwa! Maxwell!" nag-aalalang sigaw niya. "Bakit mo binitiwan? Sira 'yan, kaya nga hawak ko!"napakaingay niya.

"Damn it!" asik ko sabay lingon sa trunk.

"Naku, baby, sorry!" nagpatangkad siya para hawakan ang parte ng ulo ko na tinamaan.

Iniiwas ko ang ulo ko at nasalubong ang tingin niya. "I'm fine."

"Ano'ng fine? Masakit kaya 'yon! Malakas 'yon, ah? Naku, baka bumukol..." maiiyak na namang sabi niya na para bang ramdam niya ang sakit. "Patingin!"

Hinawakan ko ang pulsuhan niya para pigilan siya sa gagawin. "I said, I'm fine."

Nagulat man, mabilis na rumehistro ang inis sa mukha niya. Ngumuso siya at ngumiwi. "Napakasungit mo sa 'kin, ngayon lang kaya uli tayo nagkita. I'm just going to check it."

"Pumasok ka na sa loob, mainit. Ako nang bahala sa mga gamit mo," tinalikuran ko siya at muling hinarap ang trunk. Nag-isip ako ng pwedeng isuporta sa lid para hindi na uli bumagsak. Mas madali kong maibababa ang mga gamit kapag parehong kamay ang ginamit ko.

"Tutulungan na kita, sira 'tong lid ko, mahihirapan ka."

"I said go inside, Yaz. I'll take care of everything."

Ngumuso siya. "Sabi ko nga," nakalabi niyang bulong, dinig pa rin dahil sa lakas ng boses niya. Nakanguso siyang tumalikod sa 'kin, ngunit panay ang sulyap bawat hakbang niya palayo. "Okay ka lang diyan, baby, ah?"

Baby...tsh.

"Just go inside," inis nang pakiusap ko dahilan para magmadali siya papasok. Hindi ko inalis ang paningin sa kaniya hangga't hindi siya nakakapasok. Palihim akong natawa nang mawala siya sa paningin ko.

Pabuntong-hininga kong tiningnan ang trunk, inangat ang lid niyon na muling bumagsak nang bitiwan ko. Eksaktong pumarada ang sasakyan ng kanang-kamay ni daddy, nagkasulyapan kami.

"Dirk."

"Maji."

"Lend me a hand, please," kakamot-kamot sa ulong sabi ko.

Mabilis na lumapit si Dirk para tulungan ako. Inangat ko ang trunk at inutusan siyang hawakan 'yon para sa 'kin.

"Is this Yaz's car?" aniyang sinilip ang luma nang sasakyan. Tumango ako. "Ako nang bahala rito, Maxwell,"giit pa niya.

"Ako na." Sa halip na pansinin siya ay isa-isa kong binaba ang mga gamit. Gano'n na lang kalalim ang buntong-hininga ko nang matapos at makita ang lahat ng bitbit niya."Is she planning to live here or what?" hindi ko sinasadyang lingunin si Dirk.

Na awtomatikong nagkibit-balikat. "Ayaw mo ba no'n? Magkakasama na kayo sa iisang bahay, sa wakas,"nakangisi niyang tugon.

"Dirk?" pinagkunutan ko siya ng noo.

"What?" mayabang niyang tugon, nang-aasar. Saka ako tinulungang ipasok sa loob ang lahat ng gamit ni Yaz. "Damn, are these clothes made of diamonds as big as a rock? Ang bigat." Umiiling kaming tumawa.

Gano'n na lang kasama ang mukha ko nang ipasok ang huling bag. Sinulyapan ko si Yaz at hindi inaasahang lalapit sa 'kin at pupunasan ang pawis ko gamit ang sarili niyang small towel.

"Sabi ko naman sa 'yo, tutulungan na kita," aniya pa. "Pinagpawisan ka tuloy."

Umatras ako para iwasan siya. Wala sa sarili siyang sumunod, kaya muli kong hinawakan ang pulsuhan niya para pigilan siya sa ginagawa. Magsasalita na sana ako nang masulyapan sina daddy at Mokz na may nakakalokong ngisi sa labi. Maging ang nang-aasar na titig ni Dirk, habang nakasandal sa pinto at kumakain ng saging ay hindi nakaligtas sa 'kin. Parati nila akong tinutukso kay Yaz at kahit simpleng tingin o panonood lang nila, napipikon ako.

Sa inis ay binitiwan ko si Yaz at nilampasan. Dumeretso ako sa kitchen para unimom ng tubig. Pero sumunod siya at mukhang likod ko naman ang pupunasan. Naiilang ako.

"Ya," mahinang sabi ko nang harapin siya.

Inosente siyang tumingin sa 'kin. Inagaw ko ang towel at pinunasan ang leeg ko. Itinuro niya ang parte na dapat kong punasan kaya muli akong umiwas.

"I can do it." Ayaw ko siyang pagalitan dahil nakatingin lahat sa 'min, lalo na si mommy. Ayokong isipin nila na tinatrato ko nang masama si Yaz.

"Psh, nahiya ka pa," hindi talaga siya marunong bumulong. "Hindi mo ba 'ko na-miss?"

"Hindi."

"Psh," sumimangot siya. "Kahit konti?" dagdag niya na sinilip ang mukha ko.

Inis ko siyang nilingon. "Hindi, kahit konti."

Sumimangot siya pero ang lungkot ay nababasa na sa kaniyang mga mata. "Ako, hindi mo ba 'ko tatanungin?"

Tumikhim ako saka palihim na sumulyap sa pamilya ko, nakatingin pa rin sila sa 'min. "Nasabi mo na kanina,"mahinang tugon ko.

"Na ano?" sumigla muli ang mukha niya.

Kunot-noo kong sinalubong ang tingin niya. "Maupo ka na nga?"

"Sabihin mo munang nami-miss mo 'ko?"

"Ayoko."

"So, na-miss mo 'ko, ayaw mo lang sabihin, gano'n ba?"

"I didn't say that."

"Unfair, na-miss kita, eh!"

"Ang ingay mo."

"Psh, 'sungit," dinig kong bulong niya. "Anyway, ano'ng gusto mong ulam later?"

Sa halip na pansinin siya, sinara ko ang ref at tinapon sa trashbin ang ubos nang bote ng tubig. Lumapit ako sa table, nagutom ako sa dami at bigat ng mga gamit niya. Hindi ko inaasahang hanggang do'n ay susunod na naman si Yaz. Wala siyang pakialam sa mga reaksyon ko, lalong wala siyang pakialam sa panonood ng pamilya ko.

"Nag-breakfast ka na?" tanong ko, inuunahan siya sa akma niyang pakikialam sa pagkain ko.

Nakangiti niyang hinila ang chair sa tabi ko at naupo. Saka siya bahagyang tumunghay at ngumiti sa 'kin. "Hindi pa, dumeretso agad ako dito kasi alam kong masasabayan kitang mag-breakfast."

Napamaang ako ngunit hindi nagpahalata. Pabuntong-hininga kong nilingon ang pamilya ko, pare-pareho pa rin silang nakatingin sa 'min. Ang dalawang kapatid ko ay nakangiwi, parang suyang-suya sa panonood. Si mommy ay nando'n ang natural nang mataray na itsura. Sina daddy, Mokz at Dirk naman ang tuwang-tuwa.

"Titingnan ko muna sina Deib at Spaun," paalam ni Maxpein at umakyat.

"Yaz, samahan mo si Maxwell mag-breakfast," nang-aasar na ani Mokz. "Lahat kami ay tapos na."

"Sure!" awtomatikong sagot ni Yaz, napabuntong-hininga ako para pigilang mainis. "Hinintay talaga siguro ako ng baby ko, 'no?"

"Siguro nga," tumatawang sabi ni Mokz, sumama ang mukha ko.

"Tamang-tama, baka-sakaling maparami ang kain ng anak ko," dagdag ni daddy.

"Ipapakain ko lahat sa kaniya, tito," sabi naman ni Yaz dahilan para sulyapan ko siya.

"Lahat?" kunot-noo kong tanong.

Ipinatong niya ang siko sa parte ko ng mesa at lalong tumunghay sa 'kin. "Lahat...lahat..." nakangiti, buong damdamin niyang sinabi.

Pabuntong-hininga akong nag-iwas ng tingin at nasulyapan na naman ang nakakalokong ngisi ng lolo ko. "What, Mokz?" tanong ko.

"Nothing," inosenteng sagot nila ni daddy saka sila sabay na kumaway at umalis.

"So," hindi nagtagal ang pananahimik ni Yaz. Nilingon ko siya. "How are you?"

"Why are you asking?"

Nalukot ang mukha niya at bahagyang lumayo. Sumandal siya sa silya at pinagkrus ang mga hita at braso. Inaasahan ko nang sasabihin niya na namang masungit ako. Kahit pa alam kong hindi naman totoo 'yon.

"Kagabi pa 'ko excited na pumunta dito," kwento niya. Hindi ako sumagot kaya nagpatuloy siya. "Kasi alam kong paggising ko sa umaga, makikita na kita, Maxwell."

"I'm fine, thanks," sagot ko.

Nilingon ko siya, nagliwanag ang mukha niya at lumamlam ang mga mata. Ang hirap paniwalaan na gano'n ang epekto ko sa kaniya, sa simpleng lingon lang. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin na ginagawa niya lang 'to para makita ang reaksyon ko. I think she's just tripping me.

"So, what do you want for lunch? Any requests? I'm going to cook for you," sabi niya na naman. "Namayat ka," malungkot niyang sinabi. "Hindi mo na kasi natitikman ang mga luto ko kaya bumabagsak ang timbang mo. Ano'ng gusto mong lutuin ko?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya nang tinanong 'yon. Sa t'wing pupunta siya rito, nagpepresinta siyang magluluto at ako ang parating dinadahilan. Aaminin kong wala akong hindi nagustuhan, ang totoo, dumodoble ang oras ng workout ko sa t'wing siya ang nagluluto.

"I don't know. I'm still busy digesting."

"How about sinigang?"

Napasinghap ako sa tanong niya at hindi nakasagot. Masarap talagang magluto si Yaz, wala akong natikman na luto niyang hindi pasado sa panlasa ko, kahit anong tanggi ko. Pero masasabi kong sinigang at adobo niya ang pinakamasarap na lutong natikman ko.

"Adobo?"

"Yes," awtomatikong naisagot ko.

Nabigla siya at saka natawa. "So, adobo?"

"Both."

"Sinigang at adobo?" hindi siya makapaniwala. "Parang hindi bagay." Tumawa siya, sandali akong napatitig bago itinuon ang paningin sa pagkain. "'Sabagay, pwedeng pork sinigang at chicken adobo, what do you think?"

Kumalam bigla ang tiyan ko sa isiping lulutuin niya 'yon mamaya, magkakasunod na tunog, napahiya ako. I may eat less than my siblings but I'm not usually like this. Weird.

Mukhang narinig ni Yaz 'yon kaya gano'n na lang ang tawa niya. "You're already eating, why is your stomach still growling?"

"It's borborygmi and it's normal, Yaz." Tumikhim ako matapos isagot 'yon. "I'm eating," isinenyas ko ang plate sa harap ko. "It only means that the food is on its way through the gastrointestinal tract. It can occur anytime, but it's usually most noticeable when we're hungry."

"Eat slowly, then. And eat more regularly,"nakangising sagot niya, mukhang hindi kumbinsido sa napakahabang paliwanag ko. "Tamang-tama, dahil nandito na 'ko, marami ka nang kakainin. I'll make sure you'll eat on time."

Pabuntong-hininga ko siyang tinitigan. "Seriously?"

"Seriously." Tumaas ang kilay niya. "Gigising ako nang maaga para ipagluto ka ng breakfast, gano'n din sa tanghali at dinner time."

"You're also working, Yaz. Papagurin mo lang ang sarili mo."

"I know," pinatong niya ang siko malapit sa 'kin at tumitig nang deretso. "Pero kapag mahal mo ang ginagawa mo, at para sa taong mahal mo, sulit lahat. 'Yon 'yong pagod na masarap at gugustuhin mong pagpaguran araw-araw."

Sa halip na pansinin siya ay nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawa ko naman siyang balewalain noon pero hindi ko siya matagalan ngayon. Siguro, dahil ilang taon ko rin siyang hindi nakita dahil nag-stay ako sa Amerika.

"What?" tanong ko nang mailang na sa maya't mayang pagtitig niya.

"What?" parang siya pa ang nagulat.

"You're staring at me."

"Kailan ba 'ko hindi tumitig sa 'yo, amaw?"

"What?"

"It's your fault, masyado kang gwapo."

Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung kailan ako masasanay kay Yaz. Hindi rin ako sigurado kung magagawa ko ba siyang paniwalaan. Siya lang 'yong kaya akong titigan nang harap-harapan, nang ako pa ang naiilang. Sobrang vocal niya rin sa feelings niya na kung interesado lang siguro ang mga kapitbahay, pati 'yon sinabihan niya na.

Hindi sa pagmamalaki pero hindi na siya ang unang babaeng nagka-crush sa 'kin. Ang totoo, marami na, mula pa nang bata ako, hanggang ngayon. Karamihan sa kanila, nahihiyang kausapin ako at natatakot na malaman ko ang feelings nila. They can't even talk or come near me. At alam ko kung anong pakiramdam no'n dahil nagkagusto na rin ako noon. It feels intimidating that no matter how much you want to interact with that person, you just can't. Because you're either a coward or you just don't know how to flirt. I think I'm both.

Si Yaz lang ang ganito. Siya lang 'yong kayang tumitig sa 'kin kahit halatang nahihiya. Siya lang 'yong nakakapag-express ng feelings, kahit pa sabihin niyang crush lang, nang gumagaralgal ang boses pero may lakas ng loob. Siya lang 'yong hindi napapagod sumunod sa 'kin. Siya lang 'yong hindi nagsasawang maglambing kahit minsan, napapahiya na siya dahil walang natatanggap na kahit ano mula sa 'kin. At higit sa lahat, siya lang 'yong ganito ka-consistent.

"May plans ka mamaya or you're just going to stay here?" tanong niya, pinanonood pa rin akong kumain.

"I'm planning to swim."

"Really? Anything in mind na gusto mong snacks while swimming? Drinks...or anything?"

"Aren't you tired?"

"No, mahaba at masarap ang tulog ko kagabi."

"I mean, aren't you tired of..." hindi ko agad nasundan ang sasabihin, napatitig nang matagal sa kaniya. "Of following me around?"

Umawang ang labi niya at sandaling nag-isip. "Maxwell, kahit sinong babae, hindi mapapagod sa 'yo. Lalo na ako."

"What do you mean, lalo na ikaw?" sumeryoso ako at ayaw kong ipahalata 'yon.

"I told you, I like you, Maxwell," nakangiti, emosyonal niyang sinabi, lalo akong napatitig. "And I'll do everything to make you happy."

"Why?"

"Anong why?" nagtaray agad siya. "Sinabi ko na nga, 'di ba? Because I like you, duh?" umirap siya at saka binalingan ang breakfast. "Wow, this looks delicious."

Tiningnan ko ang ham at bread na nilagay niya sa plate saka muling tumitig sa mukha niya. Napabuntong-hininga ako. Sa gano'ng sagot niya, sino sa tingin niya ang maniniwala sa mga sinasabi at pinakikita niya? Napailing na lang ako at nagtuloy sa pagkain.

Paulit-ulit niya 'kong tinanong ng kung ano-ano. Nagpakuwento siya at nagkuwento, sumagot at nakinig naman ako. 'Yon na ang pinakamahabang breakfast na nagawa ko. Hindi ako makapaniwalang hinayaang kong tumagal ako nang nakaupo lang doon at nakikipag-usap sa kaniya. Hindi siya nagreklamo, kahit gaano kaiksi at kapilosopo ang mga sagot ko. Sa halip, nakangiti pa siya habang pinakikinggan ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

Nagpresinta si Yaz na aayusin ang table at dishes. Nag-prepare naman ako ng tea at naupo sa coffee table sa harap lang din ng kitchen kung saan natatanaw ko pa rin siya. She's singing while washing the dishes. Dumampot ako ng magazine at nakangiting nagbasa para kung sakaling lumingon siya ay makikita niya akong abala.

"What are you still doing here? Didn't you say you're going to swim?" hindi ko inaasahang lalapit si Maxpein. "Napalitan na 'yong tubig sa pool."

Natuliro ako, hindi malaman kung alin ang unang ilalapag sa table, ang tea o magazine na parehong hawak ko.

"Yeah, I just ate," pagdadahilan ko.

Inosente siyang tumitig sa 'kin at sinulyapan si Yaz na naro'n pa rin sa sink. Kunot-noo akong nag-iwas ng tingin at uminom na lang ng tea.

"I like this tea," iniba ko ang usapan.

"Ilang taon mo nang iniinom 'yan, ngayon mo lang nagustuhan?"

Natigilan ako at nilingon siya. "Dati na ba 'to?"

"Tss." Inirapan niya 'ko at muling sinulyapan si Yaz."Binabantayan mo yata 'yang stalker mo, eh?" pang-aasar niya nang maupo.

"Seriously?"

"Nasanay ka na? O na-miss mo lang talaga?"

"Saan?"

"Sa pagiging vocal at showy niyang ultimate admirer mo? O baka naman...gusto mo rin?"

"Seriously?" napipikon na agad ako.

Tumawa siya saka ngumiwi. "Alam nating pareho na kapag wala ka sa trabaho, swimming ang inaatupag mo. Bakit biglang nagbago? Saka ano 'tong..." tinabig niya ang magazine. "Ano 'to? Kailan ka pa nagbasa ng ganiyan? Interesado ka na sa negosyo? Kay Maxrill ang mga 'to."

"Will you shut up? Busog ako."

"Kapag busog ka, naglalakad-lakad ka, hyung. Hindi ka nauupo habang umiinom ng tsaa at nagbabasa ng hindi naman interesanteng magazine para sa 'yo."

"'Wag ka ngang maingay?" Sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawa siya at muling sinulyapan si Yaz. Kabado akong bumuntong-hininga, sinulyapan din si Yaz na kumakanta pa rin.

Saka ako muling bumaling sa kapatid ko. "Do you..."nagkasunod-sunod ang paglunok ko, lalo na nang lingunin ako ni Pein. "Do you think she's serious?"

"Si Yaz?" sumeryoso na ang kapatid ko, isa sa mga nagustuhan ko sa kaniya. Mabilis mag-adjust. "About what?"

"About me," napatingin ako kay Yaz. "About everything she's doing to me," hindi ko namalayan ang sinasabi ko.

Nilingon ko si Pein nang matunog siyang ngumiti, napapahiya akong tumikhim. "What do you think?"

"I don't know, that's why I'm asking you."

Ngumiwi siya. "What made do you think she's not serious?"

I sighed. "Whenever I ask her, she's either laughing hard or intentionally teasing me. I just don't know how to believe everything. I mean, how can a lady..." kunot-noo kong sinulyapan si Yaz. "That beautiful..." mariin kong dagdag. "Express her emotions that easily? I am struggling to express my own, how can she do it effortlessly? I can't understand it. I can't help but wonder if she's just tripping me or..." hindi ako makapag-isip nang isusunod. "I don't know."

"What do you think of her?"

"What do you mean?"

"Ano ba si Yaz sa 'yo?"

Napatitig ako kay Pein at saka nilingon si Yaz. Matagal. Ngunit hindi ako nakapagsalita. Inis akong bumuntong-hininga at nag-iwas ng tingin...

Continue reading...sa book. <3

AUTHOR'S NOTE:

LOVE WITHOUT LIMITS Self-published pre-order period officially starts today. Just visit MAXINEJIJI Books on Facebook or click this link: https://www.facebook.com/maxinejijibooks

Or you may pre-order here: https://bit.ly/LWLBundle

You may also go to JOS Xpress, the official online shop made exclusively for JIJIES here: https://www.facebook.com/josxpress

They sell books with freebies, sign and dedication.



Thank you very much, JIJIES! Stay healthy and safe always! Will be back soon <3


Love lots,

maxinejiji 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji