EPILOGUE : LOVE WITHOUT LIMITS


EPILOGUE : LOVE WITHOUT LIMITS


EPILOGUE

NAGISING AKO sa lakas ng pag-iyak ng isa sa kambal. Nahihilo man sa antok dahil halos katutulog lang ay sinikap kong bumangon. Lumingon ako sa tabi ko at nakita ang natutulog pang asawa ko.

Kung regular na araw lang 'yon ay gigisingin ko siya. Pero halos kasabay ko lang siyang matulog kaninang alas tres nang madaling araw. Kagagaling niya lang din sa duty. Habang ako naman ay maya't mayang nagigising sa kambal.

Anim na buwang hindi pumasok sa trabaho si Maxwell. Sa unang linggo ng pagbalik niya ay magkakasunod na overtime na ang kaniyang ginawa. Hindi ko siya mapipigilan, alam ko kung gaano niya ka-miss ang pagtatrabaho. Bukod sa talagang kailangan siya sa ospital nang mga oras na 'yon.

Muling umatungal sa pag-iyak si Maximilienne, napakatining. Natawa ako nang makitang wala man lang nagbago sa pagtulog ni Maxwell. Natatandaan ko na noong mga unang buwan ay nauuna pa siyang magising sa 'kin. Araw-araw ko siyang pinasasalamatan dahil mas puyat siya. Nakakatawa na nagagawa kong magpadede nang tulog dahil sa kaniya. Siya ang naroon, hirap na hirap na binubuhat ang kambal para lang mapasuso. Samantalang ako na halos pag-aalaga lang naman sa kambal ang inaasikaso sa magdamag ay parang parati na lang inaantok. Hindi ako nagrereklamo, masaya ako na araw-araw kong nagagawa iyon.

Muli pang umatungal si Maximilienne. "Hey..."tuluyan na akong bumangon. "Sshh...your beautiful mommy's here, baby..." inaantok ko pang sinabi.

Hindi ko maisuot nang tama ang pink bedroom slippers ko sa sobrang antok. Basta ko na lang kinusot ang mga mata ko, umaasang magigising kahit papaano.

Nanlalata man ay nagmadali na akong naglakad papalapit sa crib. Dahil na rin sa takot na magising ni Maximilienne si Maximillian kung magpapatuloy pa ito sa pag-iyak.

"Sshh, baby...mommy's here..." malambing kong sinabi. "Are you hungry? Do you want to dede, baby? 'Oy...kaluoy...come here, baby..."

Maingat kong binuhat si Maximilienne. Sa sasandaling paghele ko sa kaniya ay dahan-dahan na siyang tumahan, hindi ako pinahirapan.

Doon ay nalingunan ko ang malaking bintanang nakabukas. Kunot-noo kong nilingon si Maxwell saka ako nag-angat ng tingin sa aircon, nakabukas iyon. Natitigilan kong nilingon ang bintana at kinilabutan sa nililipad na puting kurtina.

Kinikilabutan kong nilingon ang crib ni Maximillian at muling ipinagtaka na hindi ito nagising sa pag-iyak ng kakambal niya.

"Maxwell?" pagtawag ko, umaasang magigising ito. "Maxwell, wake up," hindi ko alam kung tama bang gumawa ako ng ingay sa oras na ito.

Pero gano'n na lang ang panlalamig ko sa kinatatayuan nang makitang wala si Maximillian sa kaniyang crib.

"Maximillian..." gano'n ako kabilis na pinangiliran ng luha. "Maximi..." natigilan ako nang mula sa madilim na bahagi ng aming kwarto ay may pares ng mga paang nakatalikod sa gawi ko.

Gano'n kabilis na gumapang ang kilabot sa buo kong katawan. Pinigilan ko ang aking mga luha. Lumulunok man ay tiim-bagang akong nag-angat ng tingin. Bagaman nang dahil sa dilim ay wala akong makita. Dahil bukod sa madidilaw na lampara na naroon malapit sa magkabilang kuna ng kambal ay wala nang pinagmumulan ng liwanag.

Muli pa akong napalunok nang makita ko ang pares ng paa na iyon na marahang humarap sa akin. Ginising no'n ang kaba ko ngunit hindi iyon dahilan para kalimutan ko ang anak ko.

"Maximillian?" pagtawag ko, umaasang aatungal ito ng iyak kapag narinig ang boses ko.

Pero gaya ng inaasahan ay wala akong natanggap na tugon. Sa halip ay napaatras ako nang humakbang papalapit ang pares ng mga paang iyon.

Hindi ka pwedeng umatras, Yaz... Iyon ang sinasabi ng isip ko. Pero ang kaba sa dibdib ko ay hinihiling na sana ay magising si Maxwell.

"Nasa'n ang anak ko?" gilalas ko dahilan para muling umiyak si Maximilienne.

Tuluyang lumabas sa dilim ang nagmamay-ari sa pares ng mga paa. Gano'n na lang ang pag-awang ng aking labi sa hindi ko makilalang matanda babae sa harap ko. Ang kaninang gumagapang na kilabot ay nanatili na sa katawan ko, paulit-ulit na pinatatayo ang lahat ng aking balahibo.

Gano'n na lang ang pangingilid ng mga luha ko nang makitang karga niya ang anak ko. Pero ang lahat ng takot at kaba ako ay nawala nang magtama ang aming mga mata.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tinitigan namin ang isa't isa, parehong nangingilala. Ngunit hindi ko matagalan ang titig niya. Meron doong dumiriin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Na kailangan kong mag-iwas sandali bago siya muling tingnan.

Hindi man naiiyak ay tuluyang tumulo ang mga luha ko nang maglakad ang matandang babaeng iyon papunta sa crib at muling inihiga si Maximillian. Sandali siyang tumitig sa anak ko saka muling humarap sa akin.

"Who are you?" tanong ko.

Mas pinakatitigan niya ako kasabay nang pagtaas ng kaniyang noo. Gano'n na lang ang kilabot ko nang bahagyang umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"Who are you?!" mas malakas nang tanong ko.

"You'll die if I tell you," mahina, nanghihina niya nang sagot.

Natigilan ako, maging ang pangingilid ng aking mga luha. "Sino...ka?" hindi makapaniwalang sambit ko.

"Yaz..." nagising si Maxwell.

"Maxwell..." awtomatiko kong nilingon ang aking asawa ngunit ibinalik din ang tingin sa matandang iyon sa harap ko.

Hindi niyon inalis ang tingin at matipid na ngiti sa akin. "Yaz Moon..." Muli pa akong kilabutan nang sabihin nito iyon!

Umawang ang labi ko at gusto muling tanungin ang pagkakakilanlan niya. Pero sapat na sagot na ang natanggap ko kanina para makilala kung sino siya.

Ang matandang iyon naman ang sumulyap sa asawa ko. Dahilan para mapanood ko nang mangilid ang luha sa mga mata nito. Luha na may hindi maipaliwanag na pananabik. Luha na hindi ko man matukoy ang dahilan, kusa akong nahahawa.

Umawang ang labi ko at nagugulat na nilingon si Maxwell. Gano'n na lang din ang gulat sa mga mata niya habang deretsong nakatingin sa matandang babae. Sa sandaling iyon...sa paraan nila ng pagtitig sa isa't isa, nasiguro ko na kung sino siya.

Gano'n na lang uli ang kilabot ko nang makita ang pangingilid ng mga luha ng asawa ko habang papalapit sa matanda. Luha na ilang saglit pa ay pinahikbi na nang tuluyan ang aking asawa.

"Maji..." anang matanda.

"Cheotjae..." matapos sambitin iyon ay umiiyak na napaluhod si Maxwell habang nakatungo.

Umiiyak kong pinanood ang sandaling iyon. Nahinto lang ang aking pagluha nang muling magtama ang paningin namin ng matanda. Hindi ko malaman ang sasabihin. Sa halip ay umiiyak akong tumango sa kaniya. Bagay na hanggang sa sandaling iyon ay hindi ko alam kung paano nilang nagagawa. Basta na lang naipararamdam ng kahit sinong Moon ang ganoong pakiramdam sa akin. Pakiramdam na hindi na bago pero parang bago nang bago pa rin.

The end. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji