CHAPTER TWO
GANO'N NA lang ang excitement kong pumasok kinabukasan. Kahapon pa lang ay nabanggit na sa amin ni Dra. Keziah na babalik si Maxwell doon para mag-perform ng surgery. Dati-rati ay halos isumpa ko ang paggising nang maaga. Bago kasi mag-alas sais ng umaga ay kailangang nasa ospital na para sa endorsements. Pero ngayon ay nauna pa akong magising sa alarm clock ko. 'Yong ngiti ko kagabi ay mas nadagdagan pa ngayon. Halos tumalon-talon ako sa paglalakad papunta sa dining area.
Nakakatuwa talaga ang pamilyang Moon. Saulo na nila ang oras ng trabaho ko. At kahit anong aga no'n ay bumabangon silang lahat para sabayan akong mag-breakfast.
"Good morning, you look happy," nakangiting bati ni Maze.
Humalakhak ako na para bang luka-luka. "Mahal na yata ako ng panganay ninyo, tita!" bulalas ko, nagtawanan ang mga Moon.
"Maigi kung gano'n," ani Mokz. "Magandang balita iyan."
"'Ku!" intrimitida talaga ang kapatid ko. Bagaman iyon pa lang ang sinasabi niya ay alam ko nang kokontra siya. "'Wag kayong naniniwala diyan kay ate, ipinanganak 'yang assuming."
Mataray akong namaywang. "Excuse me! May pagkakaintindihan kaming dalawa kahapon!" Niyakap at inihele ko ang sarili.
"Gano'n nga," nakangiwing ani Zarnaih. "May sinabi siya, nag-assume ka, gano'n 'yon, ate! 'Yong tipong 'yong topic ninyo ay iisa, pero 'yong intindi ninyo, magkaiba. Gano'n 'yon, maniwala ka."
Lumaylay ang mga balikat ko. "Ikaw, may anak ka na't lahat, hindi pa rin nagbabago 'yang ugali mo." Hindi ko makuhang magtaray, ayaw kong masira ang araw ko.
"They're on their way here," ani More, gwapong-gwapo sa suot na suit. Noon ko lang napansin kung gaano kapormal ang mga suot nila.
"My Maxwell?" nagugulat kong tanong.
Nakangiting tumango si More. "Eat your breakfast. Mabilis ang sasakyan ng isang 'yon."
Maarte akong naupo at mas maarte pang sumandok ng agahan. Keep breathing, then! Aye-aye, baby!
"Bilisan mo raw, at mabilis magmaneho si bayaw," asik ni Zarnaih. "Kapag dumating 'yon, gutom ang beauty mo."
Sinimangutan ko siya. "Ayaw ni Maxwell nang nalilipasan ako ng gutom. Ayaw rin niya nang minamadali ko ang pagkain." Natawa ako sa sariling gawa-gawa.
"Nakita mo na? Ganiyan ka mag-assume. Sa una, masaya, kasi ikaw pa lang ang may alam. Kapag nakarating na sa kaniya, do'n ka na masasaktan."
Sinamaan ko ng tingin si Zarnaih. "Ano ba?" mataray kong tugon. "Boto ka ba talaga sa 'min o ano?"
Humalakhak siya. "Ganiyan ka rin sa 'kin no'ng sabihin ko sa 'yo 'yong feelings ko kay Lee. Ipinaparamdam ko lang sa 'yo 'yong pinagdaanan ko diyan sa bibig mo, ate."
"Excuse me, suportado kita no'n, 'no!"
"O, sige na, kumain ka na. Ang pangit mo."
Panay lang ang pagtawa sa 'min ng mga Moon, lalo na si Mokz, syempre. Masarap lang sa pakiramdam na mas ayaw pa nila kaming paalisin sa mansyon kaysa sa sarili nilang mga anak. Halos pangunahan nila si Maxrill sa pagpapatayo ng sariling bahay. Kumuha pa ng sariling engineer si More para sa bunso. Sa huli ay iginiit ni Maxrill na si Deib Lohr ang gusto niyang humawak sa magiging bahay niya. Samantalang noong malaman nilang aalis na kami ni Zarnaih, mas emosyonal pa si Maze kaysa kay mommy.
Habang kumakain ay nagpaalam na si Zarnaih sa mga Moon. Bukas ng gabi kasi ay dederetso na kami pauwi sa bahay nila ni Lee matapos ang dinner party. Lalabas kami kasama ang pamilyang Moon, iyon na ang munting celebration nila sa pagbalik. Imbitado ang malalapit nilang kaibigan. Bukod naman sa nasa convocation si Lee for three days, pumayag itong manatili kami sa bahay ng mga Moon habang wala siya. Hahabol lang ito sa dinner party at isasabay na rin kami pauwi.
"Good morning, everyone."
Tikom ang bibig akong napapikit at nanggigil nang mangibabaw ang tinig ni Maxwell. Kagat ko ang labi nang magmulat, pilit iniipit ang kilig. Ang natatawang tingin nina Mokz, Maze at More ay nasa akin, saka sila iiling-iling na bumaling kay Maxwell.
"Hello, hijo," yumakap at humalik si Maze sa kaniya.
"Hey, mom." Iba talaga ang epekto sa 'kin ng boses niya. May kung anong kiliti talagang idinudulot 'yon sa 'kin. Malalim ang kaniyang boses, malaki at malakas ang dating. Gwapong-gwapo ako sa kaniya kahit hindi ko pa siya makita, dahil sa boses niya.
"Are you here for me?" nakangiti akong bumaling paharap kay Maxwell. Hindi man lang siya nag-abalang hubarin ang sunglasses. Bahagya siyang tumungo at sinilip ako nang nakasuot iyon. At gusto kong mainsulto sa malamya niyang pagkakatitig sa akin. "Good morning, baby!"
He removed his sunglasses and glared at me. His eyes have their own vocabulary. It's as if they were talking to me. His glare was so intense that I completely forgot we're not alone. He bit the inside of his cheek while still staring at me. And I find it freaking sexy.
"I missed you!" dagdag ko.
"Tsh," nakangising singhal niya sabay harap sa ama. "I came to drop this," pabato niyang inilapag sa sofa ang black Louis Vuitton duffle bag. "Dito ako matutulog mamaya."
"What, are you serious?" agad akong naghisterya. "Doon na ako sa bahay ni Zarnaih uuwi, eh!"
"Exactly," ngumisi siya saka sinuyod ng tingin ang kabuuan ko. "Papasok ka na?"
Napangiti ako. "Isasabay mo 'ko?"
"Sure," nakangisi niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko. "Let's go?"
Napapamaang akong kumaway sa mga naro'n saka sumunod kay Maxwell. Tatawa-tawa akong inilingan ni Zarnaih. Kagat ko ang labi habang nasa kaniyang likuran. Hindi ko pagsasawaang tingnan ang pantay at malapad niyang mga balikat. Lalong lumalakas ang dating niya dahil sa maganda niyang tindig.
"Good morning, Yaz." Gulat kong nalingunan si Maxrill.
At minsan pa akong nanibago sa kaniyang dating. Suot ang ronin red leather jacket, na may letrang "M" sa dibdib, at plain white shirt, halos hindi ko siya nakilala. Pakiramdam ko ay noon ko lang din siya nakitang naka-denim pants.
"Hi! Good morning!" nakangiti ko ring bati. "Ang gwapo natin, ah?"
'Ayun na naman ang bahagyang panliliit ng kaniyang mga mata. "Gwapo ka rin ba?"
Wow... Nakakabilib ang pantay nang pagta-Tagalog niya.
Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang pagsakay ni Maxwell. "Hey, wait for me!" kaway ko.
"Bilisan mo, male-late ako."
"Open the door!"
Kunot-noo akong nilingon nito. "Why?"
Ngumiwi ako. "Duh? Sabay tayo, remember?"
"Pero hindi ko sinabing isasakay kita sa kotse ko."
"What?"
"Tsh."
"Let him go, I'll drive you," nangibabaw ang tinig ni Maxrill.
"Hindi ba't may kotse ka?" tunghay ni Maxwell.
Ngumuso ako. "Oo nga, pero gusto kong sumabay sa 'yo."
Kunot-noo siyang umiling saka nag-iwas ng tingin. "Hindi tayo pwedeng pumasok nang sabay."
"Bakit naman hindi?"
"They might think we're something."
"You mean, like a couple?" nakangisi kong tanong.
"I'm leaving," inis niyang ginalaw ang kambyo.
Tumunghay ako at ipinasok ang mukha sa bintana niya. "Ano'ng problema, eh, doon din naman ang tuloy natin, hindi ba?"
Ang inaasahan ko ay mapapaiwas siya at sasamaan ako ng tingin, iyong tipikal na reaksyon ng isang Maxwell Laurent del Valle-Moon sa akin. Ngunit nagkamali ako. Dahil agad niyang nilabanan ang tingin ko. Hindi siya allergic sa akin sa sandaling iyon. Dahil kahit na iilang pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa ay nanlaban siya. Kahit pa ramdam na namin ang hininga ng isa't isa, hindi siya natinag.
Mula sa aking mga mata ay nagbaba siya ng tingin papunta sa aking mga labi. "In your wet dreams," pabulong ngunit mariing aniya!
In my...what?
Kokomprontahin ko pa sana siya ngunit lalo akong ginawang pipi nang nakakalokong ngisi niya. Napapahiya ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nararamdaman ko ang pag-iinit at pamumula ng aking mukha.
"Yaz, let's go!" anyaya ni Maxrill. Kinawayan ko siyang maghintay. "You're going to be late."
Nakita ko nang magtiim ang bagang ni Maxwell. "I'll go first." Awtomatiko akong napaiwas sa sasakyan niya nang bigla niyang paandarin iyon.
Sa halip na mainis ay napangisi ako. Seloso!
"Come on, Yaz!" dinig ko ang pagtawag ni Maxrill ngunit para akong estatwa na nakatanaw sa paglayo ni Maxwell. Nababaliw na yata ako. Iyong sportscar niya ang nakikita ko ngunit sinasabi ng isip kong siya ang gwapo. Nakakaloka.
"Okay, let's go!" nakangisi akong lumapit kay Maxrill, ang paningin ay nasa papalayong kotse pa rin ni Maxwell. Ngunit natigilan ako nang ang walang emosyong mukha ni Maxrill ang bumungad sa 'kin. "Let's go?"
"You're either with me or you're not, Yaz."
"Huh?"
"I can drive faster than him if you promise to keep your eyes on me."
"O...kay?" napapailing, nangangapa kong tugon. So you're trying to say is...?
Ngumisi siya at sumakay sa motor. "Do you think being invisible is cool?" tanong niya. Lalo pa akong nangapa, pakiramdam ko ay wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Ipinagkibit-balikat niya ang hindi ko pagsagot. "Whatever, I've always wanted a superpower anyway."
Natigilan lalo ako at naglikot ang mga mata sa kahahanap ng sagot sa mga sinasabi niya. Hindi ko siya ma-gets.
This is so not fetch...
Kinuha niya ang helmet at maingat na isinuot iyon sa 'kin. Gusto ko pang mailang nang nakangiti niya akong pagmasdan matapos gawin 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakikiramdam ako nang alalayan niya akong sumakay. At halos mapasigaw ako nang bigla ay paharurutin niya ang motor! Awtomatiko akong napayakap kay Maxrill.
Nakasasakay naman ako sa motor, hindi nga lang madalas. Hindi ko pa naranasang umangkas kay Maxpein. Pero humahanga ako sa paraan niya ng pagmamaneho ng motor. Dahil kahit pa anong bilis niya ay hindi siya nakapag-aalala. Para bang may sariling isip ang motor niya at siya lang ang sinusunod.
Si Maxrill ay animong hari ng kalsada, walang pakialam sa bilis at kung anong makasalubong niya. Nakakalito lang dahil kahit ganoon ay nararamdaman kong suwabe ang aming takbo.
"You can let go of me now, Yaz."
"Ha?" tuliro kong sagot. Noon ko lang napagtantong nasa ospital na kami. Naramdaman ko nang matawa siya kaya kumalas ako sa mahigpit kong pagkakayakap. "Thank you."
Inalalayan niya ako pababa. "Should I pick you up later?"
Tinapik ko ang balikat niya. "Naku, baka isabay ako ni Maxwell. Don't worry."
Tatawa-tawa siyang umismid. "You think he'll do that?"
"Why not?"
Humalakhak siya. "He genuinely doesn't give a shit."
Nanlaki ang mga mata ko. "About me?"
"About me," humalakhak siya. "Picking you up," kinindatan niya ako.
Bumuntong-hininga ako. "I'll call you na lang, salamat!"
Hindi na siya sumagot. 'Ayun na naman 'yong nanliliit niyang mga mata habang tinatanaw ako papalayo.
Keep breathing, then... Keep breathing, then... Keep loving me, then... Keep loving me, then... So-so fetch! "Good morning!" bati ko sa lahat. Nagugulat pa akong nalingunan ng ilang seniors ko.
"Ang sarap naman ng bungad mo. Nakakawala ng pagod," nakangiting ani Ansley, senior male nurse ko. "Isa ba ako sa nagpapaganda ng umaga mo, Yaz?"
"Of course, sir! Lahat kayo." Nakangiti kong itinuro ang iba pang seniors ko. "Kumusta ang night shift? Toxic ba?"
"Medyo," nakangiwing aniya. "Kayo ang mukhang toxic ngayon. Ang daming nakapila," inginuso niya ang ward.
Noon ay nginingiwian ko ang gano'ng balita. Pero ngayon, dahil alam kong posibleng si Maxwell ang isa sa hahawak sa mga iyon, ay natuwa ako. "Part of the job," tinapik ko pa ang braso niya. "I so love our job, you know? It is so fetch!"
Natawa nang may pagtataka ang mga seniors ko. "Mukhang maganda talaga ang gising mo, ah?"
"Naku, if I know, dahil lang 'yan doon sa visiting doctor," nanunuyang ani Mandy. Hindi ko tuloy naiwasang mapangiti. "Naku, sinasabi ko na nga ba!"
"Si Doc Maxwell ba 'yan?" usisa ni Ansley. Nakagat ko agad ang aking labi. "Best friend ni Doc Randall iyon, hindi ba?"
"Pinagtsitsismisan ninyo siya, ah!" nakangiwi kunyaring sita ko.
"Kilala 'yon dito." Batid kong wala ni isa sa mga naro'n ang umabot sa panahon ni Maxwell. Karamihan sa narito ngayon ay hindi tataas sa apat na taon ang pananatili sa ospital. "Sasabihan ko nga si Sir Tunisi na i-rotate na ulit. Para makasama na kita sa Emergency Room," biro ni Ansley, na tumanghod pa papalapit sa akin. "Mas nakapagtatrabaho yata ako nang ayos kapag nandiyan ka sa paningin ko, Yaz."
"Sira!" natatawa kong pinalo ang balikat niya.
"Is this how you discuss a change-of-shift report?" Hindi namin inaasahan nang mangibabaw ang tinig ni Maxwell mula sa aking likuran. Aligaga akong napabaling sa kaniya. At halos mapaatras ako nang makita kung gaano siya kalapit, at kung gaano kalalim ang pagkakatitig niya sa akin.
"Maxwell..." wala sa sariling pagtawag ko. Hindi na namin siya naabutan pa ni Maxrill kaya ang inaasahan ko ay nauna na siya rito.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "Ganiyan ba dapat ang tawag mo sa 'kin?" Kinilabutan ako sa sobrang hina ng boses niya!
"Ah..." kumibot-kibot ang mga labi ko sa napapahiyang ngiti. "Doc Maxwell...good morning!" Bigla akong umayos ng tayo.
"Saan ka naka-duty?"
"Sa operating room."
"Anong ginagawa mo dito?"
"May kinausap lang."
"Anong oras ang endorsements mo?"
Napamaang ako sabay bawi. "Papunta na nga," pabulong kong sabi, itinatago ang ngiti. Napakaseloso!
"Good morning, Doc Maxwell," bati ng lahat.
"Mm," tinapunan niya lang ng tingin ang mga lalaki saka nangunang maglakad sa akin.
"Napakasungit," bulong ko.
"'Uy, umakyat ka na, baka order-an ka ng incident report niyan," inginuso ni Mandy si Maxwell. Kinawayan ko na lang sila saka ako kagat-labing sumunod dito.
La la la la... Sa isip ay panay ang pagkanta ko. Gusto kong matawa dahil sa eksena. Iyong tawa na pahalakhak dahil kilig na kilig.
"Pst, sungit," habol ko kay Maxwell. Inaasahan ko nang hindi siya lilingon. Sumimangot ako. "Sabay lang pala tayong pumasok? 'Sabagay, ang bilis magmaneho ni Maxrill, eh."
Tumaas ang gilid ng labi niya saka nagbaba ng tingin sa akin. "You came first. Nakipagligawan ka nga agad." Pinindot niya ang elevator button.
Natameme ako. "Nakipagligawan?" Saka ako palihim na ngumisi. Dinunggol ko ang balikat niya gamit ang braso ko saka ako palihim na tumawa. "Hindi ko alam na seloso ka pala," biro ko.
Tumunog ang elevator at pumasok siya. Gusto kong ngumiwi nang hindi man lang niya ako paunahin. Pero ayaw kong isipin na ungentleman siya. Nagseselos lang talaga siya kaya gano'n.
"Do'n ka sa kabila," inginuso niya ang elevator sa likuran ko.
Nakanguso ko siyang pinandilatan. "Excuse me?"
Ngumisi siya. "This elevator was made for me to ride alone. Sorry." Pinindot niya ang buton nang nakatingin sa 'kin hanggang sa sumara iyon.
Ugh! Gusto kong manlumo sa pagkapahiya. Umasa akong makakasabay na siya sa elevator.
"'Aga mo yata ngayon?" nakangiting bungad sa akin ni Melanie. Nginitian ko naman siya. "Naunahan mo pa si Cyrene, ah?" tuloy niya.
Nagbihis na ako at matapos niyon ay dumeretso sa nurse's station para tingnan ang mga records. Gusto kong malaman kung ano-anong cases ang meron sa araw na iyon. Pakiramdam ko ay toxic nga ang araw na 'yon pero masyado akong inspired para alalahanin iyon.
Nang matapos ang endorsements ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga pasyente. Tuloy ay nawala sa isip ko si Maxwell. Iyon nga lang, ang epekto niya at ng kaniyang presensya ay nanatili sa akin. Kahit anong gawin ko ay hindi mawala ang ngiti ko.
Ngunit dumaan ang oras hanggang sa magtanghali, hindi ko pa nakikita si Maxwell. Ang akala ko ay pareho lang kaming nasa area pero nalibot ko na iyon nang hindi siya hinahanap pero hindi ko siya nakita. Nahihiya naman akong magtanong sa mga staff nurse, baka kasi iba ang isipin nila. Pakiramdam ko tuloy ay basta na lang bumagsak ang resistensya ko at hindi na ako kasing energetic tulad noong umaga.
"You must be very tired," sabi ni Doc Natasha, dahilan para magising bigla ang diwa ko. Ako ang scrub nurse at iyon ang ikatlong case namin ni Cyrene sa araw na iyon.
Nakangiti si doktora pero sa tono ng pananalita niya ay halatang nang-aasar siya. Paniguradong nababagalan siya sa amin kaya niya nasabi iyon. Isa ito sa mga doktor na ayaw ng mga staff. Parati kasi siyang may nasasabi at nasisita, ayaw niya sa mga tulad ko na magandang nurse.
"The operation will go on without you. Do you know that?" dagdag ng doktora dahilan para mamula kami sa pagkapahiya ako sa pagkapahiya. "But you need this job," doon lang siya sumeryoso. "Gumising ka, please. Hindi tayo naglalaro dito."
"Sorry, doc," mahinang sabi ko.
"Don't say sorry," angil niya saka ibinalik sa operasyon ang tingin.
Napabuntong-hininga ako at aksidenteng nahagip ng paningin ko ang amphitheater na noon ay nasa gawing itaas sa harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ro'n si Maxwell na nakaupo. Nakapandekwatrong pambabae at magkakrus ang mga braso. Deretso ang tingin niya sa operasyon, sa tiyan mismo ng pasyente. At hindi ko maiwasang pamulahan lalo dahil paniguradong narinig niya anuman ang pinag-uusapan namin doon sa loob dahil sa speaker.
Focus, Yaz. Focus! I did my best to ignore Maxwell's presence. I need to focus.
"Cyrene," dinig naming tawag ni Ma'am Minnie habang naghuhugas kami ng instruments. "Kayo ni Zaimin Yaz ang humawak doon sa appendectomy."
Nagkatinginan kami ni Cyrene saka sabay na napabuntong-hininga. Kailangan naming magmadali dahil paniguradong nakasalang na sa O.R. table ang pasyente.
"Yes, Ma'am Minnie," pagpayag ni Cyrene saka namin mabilis na tinapos ang ginagawa.
Palibhasa'y si Cyrene na ang nag-assist kanina. Ako naman ngayon. 'Yon ang maganda sa 'ming dalawa. Walang angalan, nagbibigayan.
Agad kaming naghugas ng kamay saka dumeretso sa operating room. At halos mapabalik ako papalabas nang makita ko si Maxwell na nakatayo sa loob! Napapanganga kong pinanood ang staff nurse na i-assist siya sa pagsusuot ng gown.
Oh, my god!
Bigla akong nanghina, nanginig agad ang mga kamay at maging ang tuhod ko. Sunod-sunod akong lumunok habang papalapit sa table kung saan nakapatong ang protective equipments.
Kanina ay panay ang hanap ko sa kaniya. Ngunit ngayong narito na siya ay ganito naman ang epekto niya sa 'kin.
Napapikit akong ngumiwi. This is going to be your first time to assist him, focus, Yaz!
Hindi pa ako sigurado kung si Maxwell nga ang hahawak sa kasong iyon. Pero iyong katotohanang nandoon siya bilang isa sa mga doktor ay hindi ko na dapat pang magtanong.
"Cyrene," bulong ko. "Ikaw na lang ang mag-scrub."
"Ha? Ayoko," magkahalo ang hiya at nerbyos sa pagtanggi niya. "Ako na kanina, eh, ikaw naman," nakalabing iling niya.
"Kinakabahan kasi ako. Sige na, please?" pakisuyo ko pa. Gusto ko siyang hilahin kaso ay nakaamba na sa akin ang gown. "Please?"
"Ikaw na, ano ka ba? You can do it," bulong niya. "Sorry, Yaz," aniya na kunyaring maiiyak pa.
Napalingon ako kay Maxwell na noon ay nagsusuot na ng gloves. At halos mapatalon ako nang tingnan niya ako, nang hindi iginagalaw ang kaniyang ulo at tanging mga mata lang. Iyong tingin niyang deretso, madilim at nanunuot hanggang kaluluwa. Tila tinatambol ang puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil noon ko lang naramdaman kay Maxwell iyon. Ni hindi ko matandaang kinailangan kong kapalan ang mukha ko para harapin siya, natural na kasi sa 'kin 'yon kaya hindi na kailangan ng extra effort. Madalas pa nga ay ako ang lumalapit at nangungulit sa kaniya. At buong puso kong ipinapakita, ipinaparamdam at hayagan kong sinasabi ang nararamdaman ko sa kaniya. Gano'n kanatural ang kapal ng mukha ko pagdating kay Maxwell. Kaya hindi ko maintindihan kung ano bigla ang nangyari. Pakiramdam ko ay ilang na ilang ako at sumosobra iyon kaysa normal na nararamdaman ng taong nagkakagusto.
"Hi, Yaz!" bati sa akin ng isa sa apat na male staff nurse. Sinenyasan agad sila ni Ma'am Minnie na umalis. "Galingan mo, ah? Manonood kami." Itinuro nito ang amphitheater, doon sila pupuwesto. Lahat sila ay kumaway sa akin bago umalis.
"Marami ka talagang fans dito," biro ni Ma'am Minnie. Tumingin siya sa akin saka bumaling sa doktor. "Napakarami nang gustong ma-rotate dito sa O.R. nang malamang dito ka naka-duty." Saka siya tumawa. "Kunsabagay, kung nasaan ka, doon madalas gustong magpa-assign ng mga male nurse natin. Iba ang karisma mo, Yaz."
"Maganda naman iyang si Marchessa, masunurin pa," ani Dr. Marwan. "Madalas nga lang ay nakaririndi ang ingay. Pero nakakatuwa sa t'wing kumakanta." Naggantihan kami ng ngiti.
Isa siya sa pinakaistriktong doktor sa buong ospital. Wala halos gustong pumasok, lalo na ang mag-hands on, sa t'wing siya ang surgeon. Kaya hindi maintindihan ng lahat kung bakit siya ang paborito ko. May sandali nang napahiya ako nang magalit siya pero madalas ay nag-a-adjust siya sa akin. Isa siya sa magagaling na doktor doon kaya walang dahilan para hindi siya hangaan. Nakakatuwa lang na sa dami ng nurse na nagdu-duty ro'n ay isa ako sa mga natandaan niya. Sa dami ng nurse ay wala pang lima ang natatandaan niya ang pangalan.
"Makakasama natin ngayon si Dr. Maxwell Laurent del Valle, siya ang assistant doctor ko," ani Doc Marwan matapos ipaliwanag ang operasyong mangyayari. "Oh, single 'yang si Maxwell kaya umayos kayo. Dinig ko'y mahilig iyan sa matalino," nakangiwing dagdag nito matapos sulyapan at ngisihan si Maxwell.
Hindi ko inaasahang magkukwento si Doc Marwan tungkol kay Maxwell. Alam ko na ang karamihan sa mga iyon pero ang interes ko ay hindi nagbabago. May kung anong kilig akong nararamdaman dahil sa iilang impormasyong bago sa pandinig ko. Nalaman ko na isa si Dr. Marwan sa maraming sumubok sa kakayahan ni Maxwell noong estudyante at intern ito. Bukod do'n ay napapangiti ako sa t'wing ngingiti si Maxwell sa pagtanggi. Panay kasi ang papuri ni Dr. Marwan. Iyong papuri na hindi inimbento lang. Mahihimigan sa kwento niya ang katotohanan ng mga iyon.
Grabe, he's so humble!
Totoong napaka-humble niya, gusto kong manibago. Ang pamilya kasi ni Maxwell iyong tipong lahat ng kayabangan ay mukhang biro kahit seryoso.
Hindi ko magawang makitawa o makingiti man lang sa lahat. Panay ang bungisngisan ng karamihan habang ako ay parang tuod na nagsisimula nang magyelo sa kinatatayuan. Nanlalamig ang buong katawan ko. Kaharap ko si Maxwell, hindi na iyon ang unang beses, kaya hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Matindi ang kaba ko at nanginginig ako hanggang sa sandaling iyon. Wala ako sa sarili at pakiramdam ko ay nakalutang lang ako sa kung saan. Naririnig ko ang lahat ng sinasabi ng mga nasa paligid ko pero parang wala akong maintindihan sa kanila. Dahil paulit-ulit sa isip kong nandoon si Maxwell sa harap ko at makikita niya anumang kilos ko.
"Alright, team, magsisimula na tayo," ani Dr. Marwan dahilan para bahagya akong magising.
Pinanood ko si Dr. Marwan na kapa-kapain ang parteng iyon ng katawan ng pasyente. "Knife," inilahad niya ang kamay sa akin, nang hindi inaalis sa katawan ng pasyente ang paningin. "Wipe," utos niyang muli, tumugon ako. "Thank you."
Sinikap kong maging tutok din doon. Nang mahiwa niya ang parteng iyon ng katawan ay agad ko namang pinunasan iyon ng sponge. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang gilid ng mga mata ko ay minamatyagan si Maxwell. Inaalam kung pinapanood ba nito ang kilos ko. At ang isip ko naman ay hinihiling na sana ay hindi.
"Wipe," ang pandinig at paningin ko ay hindi ko hinahayaang mahiwalay sa doktor. "Retract." Agad akong kumilos kagat ang labi. Habang ginagawa ko iyon ay nasisiguro kong nasa pagkilos ko ang atensyon ng lahat. "Adson's." Agad kong iniaabot ang instrumento. Gano'n ang gustong-gusto ni Dr. Marwan. At hinihiling kong magtuloy-tuloy 'yon.
Sisiw sa 'kin ang gano'ng minor case, lalo na at hindi naman nag-rupture vestigial organ. Pero nang dahil nga sa presensya ni Maxwell ay nagtila major-major case iyon. Iyon nga lang, hindi ang pasyente kundi ako ang nag-aagaw-buhay.
Pero nang mapanood ko si Maxwell ay para akong tinamaan ng kung anong mahika. Hindi ko malaman kung bakit may hipnotismo ang bawat pagkilos niya. Nandoon iyong pagiging pino niya. Ngunit ang dedikasyon ng bawat galaw niya sa kaniyang trabaho ay sadyang kakaiba. Para bang ang kaluluwa niya ay parating nadadamay sa bawat ginagawa. Napakaingat niya, tutok at puno ng pagmamahal. Kamangha-mangha.
Ang kaninang kaba ko ay unti-unting humupa at napalitan ng pagkaaliw. Totoong aliw na aliw ako sa katotohanang nasa iisang operating room kami ni Maxwell. Nasa iisang operating team kami at ginagawa ang isang operasyon. Napakasarap sa pakiramdam. Iyon ang unang beses, hindi ko inaasahan, at hindi ko makakalimutan.
"Do you like what you're doing?" tanong ni Maxwell na hindi inaasahan nang sino mang naroon, lalo na ako.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. At halos mabitawan ko ang hawak kong instrument matapos makitang nasa akin ang paningin niya.
"Please wipe, and retract. Retract pa," ani Dr. Marwan dahilan para mabaling sa operasyon ang paningin ko. "Relax, hija. Don't be harsh," aniya dahilan para matigilan ako at mag-angat ng tingin sa kaniya. "May mada-damage kang tissues kapag masyado mong idiniin ang instrument tip. Relax. This isn't your first time, Yaz. Relax."
"Yes, doc," iniwasan kong mautal. Itinuon ko nang todo ang paningin ko sa ginagawa. Hindi pa man ako nagkakamali ay parang gusto ko nang mapahiya.
"Oh, hindi mo sinagot ang tanong ni Dr. Maxwell," nakangiting ani Dr. Marwan, tutok ang mga mata sa ginagawa, dahilan para mapatingin ako kay Maxwell.
"Ha?" nautal ako saka ako umiling nang umiling. "Ah, yeah. Nag-e-enjoy ako, sobra."
"Mukha nga. Tumagal ka, eh." Sarkastiko si Maxwell kaya pinili kong manahimik na lang at 'wag nang sumagot.
Pero ang linya niyang iyon ay nagdulot nang matinding kaba sa 'kin. Gusto kong mainis pero lamang 'yong kaba ko. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit. Ang alam ko lang ay kinakabahan ako nang sobra.
"Mukhang magkakilala kayo, ah?" ani Dr. Marwan na sandali pa kaming sinulyapan pareho.
"His sister is my sister's best friend, doc," kalmadong tugon ko.
"They're not best friends," pagtaliwas ni Maxwell. "Well, that's according to my sister."
"You know how weird she is," nakangiwing sabi ko.
Natahimik ako nang huminto si Dr. Marwan sa ginagawa upang lingunin lamang kami. Hindi ko maintindihan kung bakit matapos niyon ay pasimple siyang tumawa at umiling.
"Hi, Yaz!" biglang may bumati sa mikropono. Wala sa sarili akong napatingala sa ampitheatre at agad na nagbaba ng tingin. Nasisiguro kong mga interns iyon, kararating lang marahil. Malakas ang loob nilang mag-ingay, palibhasa'y si Dr. Marwan ang senior at instructor nila.
"Metz," hindi ko narinig ang sinabi ni Dr. Marwan. "Metz!" mas malakas nang sabi niya habang nakalahad ang kamay. "Suction!"
Aligaga kong sinunod ang huli niyang iniutos. Kumabog sa kaba ang dibdib ko dahil nagtaas siya bigla ng boses. Halos magkandahulog-hulog ang gamit nang damputin ko, at ni hindi ako sigurado kung tama ba ang napupulot ko. Bigla ay natuliro ako.
"Focus, Yaz." Nakangising ani Maxwell habang nakatingin sa akin. Hindi ko na magawang tagalan ang tingnan siya. Akala ko ay magiging swabe na ang minor operation na 'yon. Nagkamali ako.
"Metz," inilahad muli ni Dr. Marwan ang kamay sa gawi ko. Kapag lumingon siya ay paniguradong masisigawan na ako. Ayaw niyang inaalis sa mismong area na inooperahan ang kaniyang paningin.
Inis akong bumaling kay Ma'am Minnie. "Wala na 'kamong Metz," anito wala pa man akong nasasabi.
"Wala na raw pong Metz," baling ko naman sa doktor.
"Hindi lang iisa ang Metz sa loob ng operating room, Yaz," ani Maxwell dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Seryoso siya masyado, nakatiim pa ang bagang at animong nag-iigting ang mga panga.
This is so not fetch. This is so not fetch, Yaz! Ugh!
"Hindi lang daw po iisa ang Metz sa O.R., Ma'am," nauutal na baling ko kay Ma'am Minnie. Gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan.
Bakit mo sinabi 'yon? Grr! Stupid!
Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko pa kay Ma'am Minnie iyong sinabi ni Maxwell. Hindi ko rin alam kung nang-aasar ba siya, masyado siyang seryoso para isipin iyon. At isa pa ay talaga namang hindi lang iisa ang instrument na iyon sa buong O.R.. Minsan nga ay hindi lang tatlo ang nakahandang Metz sa iisang operasyon.
Hindi ko rin maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay bahagya akong nainsulto sa sinabi ni Maxwell. Tuloy ay hindi ko na naisip ang ikinikilos ko dahil sa kahihiyan.
"Tatlong Metz na ang inilabas ko at nariyan nang lahat," pabulong na sabi ni Ma'am Minnie, ni hindi ko man lang maramdamang kinakabahan siyang gaya ko. Kalmado siya masyado na para bang hindi nagagalit ang doktor sa tabi ko.
"Nandiyan na raw po lahat ng Metz, tatlo na ang nailabas." Gusto ko na talagang maglaho sa sandaling iyon. Sa buntong-hininga pa lang ni Dr. Marwan ay parang gusto niya na akong sigawan hanggang sa tumalsik ako mula sa tabi niya.
"Hindi lang tatlo ang Metz sa loob ng operating room, Yaz," muling nagsalita si Maxwell. At hindi ko na napigilan ang sarili kong samaan siya ng tingin. "Keep that in mind."
Hindi ko siya nagawang tugunan. Napamaang ako sabay buntong-hininga. At hindi na inalis pa ang atensyon at paningin sa operasyon. Hindi ko alam kung ano ang eksena niya.
Kahit ganoon ay laking pasalamat ko nang magtagumpay kami sa operasyon. Nagreklamo si Dr. Marwan dahil sa kakulangan ng instruments pero sa huli ay siya rin ang gumawa ng paraan. Marami siyang nasabi, normal na 'yon sa kaniya. Kesyo iyon daw ang unang beses na nag-init ang ulo niya sa minor operation.
Hindi ko naman maiwasang mapahiya hanggang sa pagliligpit dahil pakiramdam ko ay ako ang sinisisi nila. Sandali lang ang operasyon na iyon pero pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamahabang operasyon na napasukan ko.
"What's your favorite area inside the hospital?"
Muntik ko nang mabitiwan ang instrumentong hinuhugasan ko nang mangibabaw ang tinig ni Maxwell sa likuran ko. Naibaba ko iyon saka ako napahawak sa sink. Sunod-sunod na buntong-hininga ang ginawa ko bago ako bumaling sa kaniya. Natigilan ako matapos makita kung gaano siya kaseryoso.
"What?" tanong niya.
"Why?"
"I'm interested. What's your favorite area?"
Naglapat ang mga labi ko, lumunok bago sumagot, "Operating room."
"Why?"
"Dahil ito ang gusto ko, iyong nag-a-assist ako sa doktor sa isang operasyon. Nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko dito. Ikalawa lang ang E.R. sa gusto kong area."
Ngumisi siya nang may pagmamalaki, pero hindi siya natatawa. Tila ba naiinis siya sa isinagot ko at hindi ko iyon maintindihan.
Nagulat na lang ako nang magbaba siya ng tingin, pinagpantay niya ang mga mukha namin. Napaatras ako at agad dumiin sa sink ang likuran ko. Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay niyang kumapit sa sink para makulong ako.
"I have to disappoint you. I don't think you can be a good O.R. nurse," mahinang aniya habang nakatingin sa mga mata ko. "Your hearing is impaired and you can't stay focused. Mahalaga ang mga iyon sa area na ito."
Nangunot ang noo ko. "Maxwell," hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Sa unang tanong pa lang niya ay batid ko nang kokomprontahin niya ako kaya hindi ko magawang kiligin. Sa halip nga ay kinabahan pa ako. Pero sa sinasabi niya ngayon ay naiinsulto at nasasaktan ako.
"Every operation is a potential fatality, Zaimin Yaz. Your constant attention is as important as a major operation."
"I know." Hindi ko maintindihan kung bakit pinangiliran ako ng luha. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. At sa pagkakakilala ko sa kaniya, hindi ko naisip na posible niyang sabihin sa akin ito.
"Hindi laro ang anumang operasyon, Zaimin Yaz. Hindi biro ang kursong tinapos mo." Seryosong-seryoso si Maxwell. At pakiramdam ko ay noon ko lang siya nakita at narinig nang ganoon kaseryoso. "Kung ginawa mo lang ito para sundan ako, tumigil ka na. Buhay ng tao ang hahawakan mo dito."
Nanlaki ang mga mata ko at lalong nangilid ang mga luha ko. Nagsimulang kumibot-kibot sa galit ang mga labi ko. Gusto ko siyang sampalin, pero hindi ko iyon ginawa at laking pasasalamat ko dahil nagawa kong pigilan ang aking sarili. Dahil para sa akin ay iyon ang pagiging nurse. Ang magpigil ng luha at huwag ipahalatang umiiyak ka rin.
"'Wag kang magsalita na para bang ipinanganak kang alam na ang lahat ng bagay. Dumaan ka rin dito. Pasensya na kung naging bastos ako, Dr. Maxwell," nakangiti kong sinabi. Sinadya kong diinan ang titulo at pangalan niya. Saka ko siya tinalikuran.
Hindi ko na kaya pang pigilan ang mga luha kong nagkukumawala sa mga mata ko. Nasaktan ako sa mga sinabi niya. Higit pa ang mga salitang iyon sa pagkapahiyang natanggap ko sa mga doktor na nagalit sa mga nakaraang pagkakamali ko.
Dahil ang mga salitang 'yon ay galing sa 'yo, Maxwell. Masakit dahil sa 'yo mismo nanggaling. At mas masakit dahil kahit pa hindi ko aminin, isa ka sa mga dahilan kung bakit minahal ko ang ginagawa ko ngayon. Isa kang malaking dahilan kung bakit nagpursigi ako kahit mahirap. Isa kang magandang dahilan para naghagilap ako ng kaalaman. Ikaw ang dahilan kung bakit ko pinasok ang mundong 'to at minahal ko rin 'to nang dahil sa 'yo. How can you say those things to me? How?
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top