CHAPTER THREE
"WHICH ONE is better, ate? Itong yellow or itong blue? Tsk, ito ang hirap kapag magaganda, habang namimili nang isusuot, lalong gumaganda."
Panay ang buntong-hininga ko habang nakatulala sa blinking text cursor. Hindi ko na malaman ang takbo ng case presentation na ginagawa ko. Ang mga daliri ko ay panay lang ang kuskos sa mga letra ng laptop. Wala ako sa sarili. Hindi mawala sa isip ko ang masasakit na sinabi ni Maxwell.
"'Oy, ate!" Nakakarindi talaga ang boses ni Zarnaih.
"What?" malamya kong baling sa kaniya.
"Alin ang mas bagay sa 'kin? Kasi hirap na hirap na 'kong pumili! Parang bawat damit, mas lumalabas ang ganda ko."
Napabuntong-hininga ako. "'Yong blue."
"Talaga?" Ipinatong niya sa sarili ang asul na bestida saka humarap sa salamin. "Feeling ko mas maggo-glow ang beauty ko sa yellow."
"Then wear the yellow one," pairap kong inalis ang paningin sa kaniya.
"Bakit hindi ka pa mag-ready? Alas singko na."
Minsan ko pang bumuntong-hininga. "'Wag na lang kaya akong sumama?" hindi ko siya nilingon. "May kailangan akong tapusin, sa Friday na 'to, eh."
"Ay, nakakapanibago 'yan, ah?"
"What?"
"Ipagpapalit mo ang isang del Valle sa case pre? Cannot be, ate. Si Maxwell ang inspirasyon mo, at nandoon siya sa dinner."
"Oo nga," ngumuso ako.
Naramdaman ko siyang lumapit. "Hmm," nakangiwi niya akong tinutuktukan sa noo. "Nag-away kayo, 'no?"
"Ni Maxwell?"
"Malamang! Alangang ma-depress ka nang ganiyan kay Maxpein? Duh?" Hindi ko siya kinibo. "Besides, si Maxwell lang naman ang umaaway sa 'yo kasi ayaw niya sa 'yo."
Sininghalan ko siya ng tingin saka ako sumimangot. "Hindi, ah." Mabilis kong sininop ang mga gamit ko.
"Hindi raw," nakangiwi niyang bulong. "What happened?"
"Wala nga," nameka ako ng tawa.
"'Sus! 'Pag sure, 'oy!" Pinagkrus niya ang mga braso at inilingan ako. "Sinabi ko naman kasi sa 'yo, ilang beses na. 'Wag mong sobrahan ang pagdikit-dikit kay Maxwell at mabilis 'yong maalibadbaran! Maulaw pud ka, 'te!"
Napabuntong-hininga ako. "Nahihiya na nga ako," wala sa sarili kong sinabi.
"Ano ba kasing ginawa mo?"
"Wala."
"Ano nga?"
"Wala nga," muli akong nameke ng tawa. "Sige na, maliligo na 'ko."
"Anong isusuot mo?" habol niya.
"Kahit na ano."
"Wow, ha? That's so not you! Sa arte mo, three days before pa lang ay prepared na ang outfit mo. How come hindi ka prepared ngayon?"
Nakapamaywang ko siyang hinarap. "Dahil ang gandang meron ako, bumabagay ang kahit na anong isuot ko. Hindi gaya niyang ganda mo, may binabagayan."
"Ugh! Excuse me?"
"Charot!" natatawang sabi ko saka kumaway papunta sa banyo.
Pabuntong-hininga akong humarap sa sink at tumitig sa sarili ko. Pero hindi pa man nagtatagal ay tumalikod na ako. Maski ako ay hindi kayang makita ang kahihiyang idinulot ng mga salitang binitiwan ni Maxwell sa 'kin.
Nagbaba ako ng tingin sa mga daliri ko. Dati naman na siyang galit sa 'kin. Dati na rin siyang masakit magsalita. Pero iba 'yong ngayon. Ininsulto niya pati 'yong pinaghirapan kong propesyon.
Nanlumo ako at padausdos na naupo sa sahig. Niyakap ko ang mga binti ko at saka ako yumuko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Wala akong maramdaman kundi hiya. Matinding-matinding hiya.
Paano na ako haharap sa kaniya ngayon?
May kung anong bumubulong sa 'kin na 'wag na akong tumuloy. Pero ang damdamin ko ay nagsusumigaw sa kagustuhang makita siya. Na para bang gano'n katagal ko na siyang hindi nakita.
Nakanguso akong kumilos. Halos abutin ako ng isang oras sa pag-aayos. Hindi mawala ang panlulumo ko, dahil sa kahihiyan. Hanggang sa sandaling iyon ay wala akong maisip na paraan para maging kaswal sa harap niya. Kailangan kong maibalik 'yong natural na kapal ng aking mukha.
"Ate!" Hindi na talaga ako nagugulat sa lakas ng bibig ni Zarnaih. Kahit pa ilang sementong pader ang pagitan ng bibig niya at tainga ko, tumatagos ang boses niya.
"Nandiyan na," sabi ko nang makalabas ng kwarto.
Sisinghalan ko pa sana si Zarnaih. Pero napako na ang paningin ko sa cute na cute nitong anak. Hindi ako makapaniwalang umiral ang taste ng kapatid ko. Magkapares na magkapares ang kanilang suot. Gusto kong palakpakan siya dahil pinaghandaan niya ang gabing ito.
"Hello, Zelestaire Donatelli!" paglapit ko sa baby. "Ang cute-cute mo naman, nagmana ka sa tita."
"Sa tita na gandang-ganda sa sarili pero walang jowa," dagdag ng kapatid ko. "Halika na! Baka naghihintay na ang mga hambog, naku, nakakahiya ka."
"Ako talaga?" nakataas ang kilay kong angil.
Tumawa siya saka mataray na sinipat ang aking kabuuan. Buong ganda naman akong umikot sa harap niya. At paghinto ay naka-pose na ako na animong isang modelo sa magazine.
"'Ganda ng takong mo, ah?" papuri niya.
Napangiwi ako sa inis. "Salamat, ah?" mapakla kong tugon.
Batid kong inggit lang siya 4-inch light pink suede pointed pumps ko. Hindi man lang niya pinuri ang peach mini cocktail dress na suot ko. Hapit iyon, strapless at may disenyong lace at beads. Palibhasa'y ipit ang excitement, nakontento na ako sa light make-up at buhaghag kong buhok.
Hindi ko inaasahang gano'n kabongga ang lugar na daratnan namin nang makarating sa venue. Paulit-ulit kasing sinabi ni More na simpleng dinner celebration lang iyon. Restaurant by the bay ang eksena. May nakadaong pang yate malapit sa mga mesa. Hindi ganoon kaelegante, pero kulang ang salitang simple para sa deskripsyon niyon. Romantic ang lugar kung tutuusin. Gawa sa kahoy ang karamihan, mula sa sahig hanggang sa mga pundasyon. Ang nagpapaganda sa atraksyon ay ang nakapalibot na light bulbs na may iba't ibang kulay. Kahit saang sulok ay gano'n ang disenyo, umaabot hanggang sa nakadaong na yate. Napakagandang tingnan.
"Mukhang maaga tayo," ani Zarnaih nang makarating kami. Inalalayan ko siyang makababa. "Kuya, sabihan mo ako kapag dumating na si Lee, ha?" aniya sa driver na agad namang tumango.
Pero hindi pa man kami nakakapasok ay pumarada na ang magkakasunod na sasakyan. Isa sa mga 'yon ay sasakyan ni More, at siyang pinakamaganda.
Excited kaming nakipagbeso ni Zarnaih kina Maze, Mokz at More, syempre, lalo na ako. Si Heurt naman ay agad na yumakap papalapit sa 'kin.
Noon palang magkakasunod na bumaba ng kani-kaniyang sasakyan ang mga Echavez at Enrile. Nakipagbatian ako nang buong galak sa mga ito. Doon ko lang nalaman na dumaan sila sa daddy ni Randall bago dumeretso doon sa venue. Kapapasok lang namin nang magkakasabay na dumating sina BJ at Migz, Tob at Michiko. Kasunod nila ay magkasabay ring dumating sina Lee at Kimeniah.
Syempre, alam ko kung sino-sino ang mga wala pa ro'n. At hindi mapakali sa iisang lugar ang mga mata ko, panay ang lingon ko sa entrance. At maging ang parking lot ay naaabot ng aking paningin.
Agad akong namangha nang makapasok. Dalawang mahahabang mesa ang nakalaan sa amin, at nakapwesto iyon sa mismong deck. Tuloy ay para iyong floating restaurant. May bar island sa kaliwang bahagi ng deck. Sa kanan naman ay may combo grills. Sa gitnang harapan ay ang fireplace.
"Look, Maxspaun, Zelestaire wants to play!" Nilaro ko ang parehong kamay ng dalawang baby. Karga ko ang pamangkin ko, habang si Maxspaun ay karga ng ama.
Nakakatuwa ang anak ni Maxpein. Hindi mawala ang kislap sa mga mata nito. At sadyang kaygwapo sa t'wing ngingiti. Cute na cute ako sa dimples nito, nasisiguro ko kasing kay Maxwell nito nakuha iyon. Napakaganda ng kutis at nasisiguro ko ring gwapo kapag lumaki.
Ang pamangkin ko naman ay masyadong bibo. Hindi mahirap alagaan...sa ngayon. At isang daan porsyento ang kasiguraduhang mas maganda pa ito sa 'kin paglaki.
"Ang gwapo ng anak mo, Maxpein!" nakangiting baling ko dito.
"Ako ba naman ang tatay," mayabang na sabat ni Deib Lohr. Napangiwi ako ngunit muling napangiti nang laruin nito ang pisngi ng anak.
"Tss," pumalag si Maxpein. Hindi talaga matatahimik ang angas niya kapag gano'ng harap-harapan siyang niyayabangan ng asawa. "Sa milyon-milyong lalaki, ikaw ang pinakamaswerte. Maraming gwapo sa mundo, nag-iisa lang ako."
"Tch. Ako rin lang naman ang gwapong nagkagusto sa 'yo." Pinansuntok ni Deib Lohr ang kamao ng anak sa pisngi ng asawa.
Nangibabaw ang pagtikhim ni Randall, nang-aasar. Sinamaan siya ng tingin ni Deib Lohr. Nagtawanan naman sila ni Maxpein.
"Where are the others?" tanong ni Maxpein. Batid kong hindi ako ang tinatanong niya.
"You mean your brothers?" nakangiwing asik ko.
"And Keziah," nilingon niya ako.
"Psh," nag-iwas ako ng tingin. Ngunit agad ding napalingon sa parking lot nang humarurot ang pamilyar na tunog ng sasakyan ni Maxwell. He's here...
"They're just in time," ani Mokz, agad na lumabas upang salubungin ang apo.
Humaba ang leeg ko sa kasisilip. Nahaharangan kasi ni Mokz ang entrance, tuloy ay hindi ko makitang bumaba ng kotse si Maxwell. Ngunit gano'n kabilis na rumehistro ang panlulumo sa mukha ko matapos makitang si Keziah ang kasama nito.
Napapabuntong-hininga akong nag-iwas ng tingin. At pilit na ngumiti matapos magtama ng mga mata namin ni Maxpein.
Bigla ay naramdaman ko na naman ang matinding hiya. Pakiramdam ko ay hindi ko kayang pairalin ngayon ang kapal ng mukha ko. Ni hindi ko nga yatang kayang kausapin si Maxwell ngayon.
"Where is Maxrill Won?" tanong ni Maze matapos salubungin ang panganay. Hindi ko magawang lingunin ang gawi nila. Mula sa salamin ko lang sila nakapangalumbabang tinatanaw.
"We're not together. I'll call him." Nakita kong lumingon si Maxwell sa gawi ko. At nasisiguro kong sa tagal nang pagkakadapo ng paningin niya sa 'kin ay nagawa niya nang pag-aralan ang kabuuan ko. Kung umiiral lang sana ang kapal ng mukha ko ay sinalubong ko na siya ng halik at yakap matapos gawin 'yon.
"I like your sweatshirt, Maxwell. Lalo kang gumwapo," papuri ni Michiko. Kakaiba talaga ang taste niya sa fashion.
Niyuko ni Maxwell ang suot na itim na sweatshirt. Sa gitna niyon ay may nakaburda na letter "H". "Gucci," nakangising ani Maxwell.
"Ano naman kaya ang ibig sabihin ng "H", 'te?" tanong kunyari ni Migz. "Hari?"
"Handsome, ano pa ba?" ani BJ.
Bigla ay sumeryoso si Maxwell. "Humble." Napamaang na lang ang lahat sa kaniya.
Gustong manuyo ng lalamunan ko nang alalayan ni Maxwell si Keziah na maupo sa harap ni Zarnaih, at siya ang pumuwesto sa mismong harapan ko.
"Hi, Yaz," bati ni Keziah.
Aligaga akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "It's nice to see you, doktora."
Natawa siya. "Kalimutan natin ang trabaho sa ganitong okasyon, please."
Sa halip na sumagot ay ngumiti na lang ako. Hindi niya na kailangang sabihin sa 'kin 'yon dahil gano'n talaga ang ugali ko. Sadyang iba lang ang epekto sa 'kin ng sagutan namin ni Maxwell kaya maingat ako sa kilos at pananalita.
Inagaw ni More ang atensyon nang makaupo ang lahat. Nakangiti silang tumayo ni Maze sa harapan. Masaya niyang inanusyong mananatili na sila nang madalas sa Pilipinas. Syempre, masaya ang lahat dahil paniguradong magkakasama na kami sa lahat ng okasyon. Bukod do'n ay nasisiguro kong mas madalas ko nang makikita si Maxwell.
"Your son is not answering his phone, dad," ani Maxwell nang makaupo ang ama.
Nagkibit-balikat si More. "Maybe he's busy. Darating din iyon, huwag kang mag-alala. Besides, kainan ito, imposibleng mawala siya." Natawa ang lahat. "So, Keziah," magandang ngiti ang iginawad niya rito. "I heard tinanggap mo ang offer ni Maxwell sa Palawan?"
Offer? Anong offer? Hindi ko napigilang tingnan si Maxwell. Ngunit abala siya sa kabubusisi sa kalinisan ng mga kasangkapang kaharap niya. Talagang hindi siya magsisimulang kumain nang hindi nasisigurong malinis ang mga 'yon.
"Yes, tito," tugon ni Keziah, nag-init ang tainga ko. "Who am I to say no?"
You're Keziah, you should've turned down the offer! Gusto kong magprotesta. Nasisiguro kong ang offer na 'yon ay trabaho sa Palawan. Wala nang iba. At hindi ako sang-ayon do'n. Pero sino ba ako para pakialaman ang mga desisyon nila?
May kung ano sa puso kong naghuhurumintado. Hindi ako makapapayag na madehado. Pero paano ko ibebenta ang sarili ko? Gayong gano'n ang kinahinatnan ng performace ko kay Maxwell kahapon?
Hindi ko na nagawang itutok ang atensyon sa iba pa nilang pinag-uusapan. Panay na ang pag-iisip ko sa offer na binanggit ni Chairman More. Interesado ako ro'n at pinaplanong usisain si Maxpein mayamaya.
"Kumusta ang project mo ro'n, Deib Lohr? Tapos na?" Gusto kong ipagpasalamat ang pagtatanong ni Lee.
"It's about to be done," nakangiwing tugon ni Deib Lohr. "We're not yet decided with the acanthus motif and Maxwell's ideas of beveled glass. We have yet to do something with the flat's base molding. Madali na lang 'yon, maalaga kasi ang asawa ko."
"Psh, ano namang konek?" asik ni Zarnaih saka palihim na bumulong sa akin, "Anong eksena mo, ate?"
"Anong eksena?" inosente kong tugon, nginiwian niya lang ako.
Tumango-tango si Lee. "Ayaw mong magtrabaho si Maxpein doon?"
Ngumisi si Deib Lohr. "Eh, kung asawa mo kaya ang itapon ko ro'n?" Saka siya sumimangot. "Ayoko ngang mawawala 'yan sa paningin ko."
"At talagang ako?" mataray na bulalas ni Zarnaih. "Bakit hindi itong kapatid ko? Tutal naman, Si Maxwell ang goal niya sa buhay."
"Shut up," asik ko. Sinamaan ko talaga siya ng tingin.
"Psh. Bakit yata ang tahimik mo, ate? Nakakapanibago ka, ah?"
"What?"
Bahagya siyang lumapit at bumulong, "Hindi mo yata nilalandi ngayon si Maxwell?"
"Manahimik ka nga," pasiring kong tugon.
"Hindi mo yata siya sinalubong nang emosyonal mong yakap?"
"I said, shut up."
"Nag-away kayo, 'no?"
"Pinagalitan niya 'ko," pag-amin ko, para matahimik na siya.
"'Ayun na nga ba sinasabi ko." Iiling-iling siyang lumayo sa 'kin.
Sa halip na sagutin ay inismiran ko na lang siya. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin kay Maxwell, at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang deretso siyang nakatingin sa 'kin. Awtomatiko akong nag-iwas ng tingin.
"'Te, hindi kaya magkatuluyan 'yang mga anak ninyo in the future?" Itinuro ni Migz ang parehong anak nina Maxpein at Zarnaih. Naagaw niya ang atensyon ng lahat.
"Ay, why not?" excited na sagot ng kapatid ko. "Tutal naman, maganda ang anak ko!"
"Mas matanda ang anak mo sa anak ko," seryosong sagot ni Deib Lohr.
"Eh, ano naman? Age doesn't matter. Because love has no age," dahilan ng kapatid ko.
"Ayaw niya sa maingay." Inilayo ni Deib Lohr ang anak, natawa ang lahat.
"Please," sumingit sa usapan si Maze. "Bago ninyo pag-usapan ang love life ng apo ko, unahin ninyo muna ang panganay ko."
"Seriously?" asik ni Maxwell. Ipinatong niya ang parehong siko sa mesa at deretsong tumingin sa akin.
Agad naghurumintado ang puso ko. At mas nagwala iyon nang hindi niya alisin ang tingin sa akin. Gusto kong tanungin siya kung bakit, pero hindi ko nagawang magsalita.
"Bakit nga ba hindi natin pag-usapan ang mga plano mo sa buhay, Maxwell?" ani More.
"Come on, dad." Nakita ko nang mag-iwas ng tingin si Maxwell.
"Your princess is already married, Maxwell."
"So?"
"Ano pa ang hinihintay mo?"
"Iyong katulad ng prinsesa ko," napabuntong-hininga si Maxwell.
"You're not getting any younger, son." Umiling si More, nang-aasar.
"It's fine, dad. I'm not in a hurry." Ipinagpatuloy ni Maxwell ang kinakain. "Besides, I know exactly who I want."
Pakiramdam ko ay lalo akong tumamlay nang lingunin ni Maxwell si Keziah. May kung anong kirot nang idinulot sa puso ko nang mapanood ko siyang iakbay ang braso sa silyang kinauupuan nito.
Nawala lang sa kanila ang atensyon ko nang may kumalabit sa hita ko. Nang magbaba ako ng tingin ay naro'n si Hee Yong. Awtomatiko akong natawa sa ginawa niya.
"Pwede naman akong mauna kung hindi pa siya handa." Bigla ay nangibabaw ang pamilyar na boses ni Maxrill. Napalingon ang lahat sa gawi niya.
Umalingasaw agad ang bango ni Maxrill. Ang rugged look niya ay naging dahilan ng bulungan ng dalawang bakla. Mukhang naka-motor lang ito papunta dahil sa magulong buhok.
"I love you, mom," kay Maze agad ito lumapit at humalik.
"Where have you been, Maxrill?"
"May kinausap akong kliyente."
"About what?"
Nagkibit-balikat si Maxrill at nilingon ang panganay na kapatid. "I have good news for you."
"What?" walang ganang tugon ni Maxwell.
"May kakompetensya ka na sa Palawan. There's this businessman who reavealed his plans to build a world-class hospital to handle complicated diseases. Isang isla ang pagitan ninyo."
Hindi man lang kakitaan ng interes si Maxwell. He's not threatened. "Really? Who is he?"
Nagkibit-balikat si Maxrill. "I didn't ask, I'm not interested. Ang mahalaga ay may kakompetensya ka na."
"Tsh. Ano ang maganda sa pagkakaroon ng kakompetensya?"
"Come on, Maxwell, you cannot stand boredome. You need constant stimulation. Hindi ka ginaganahan kung wala kang kakompetensya."
"And your point is?"
"Go to Palawan as soon as possible and start working."
"Tsh. I don't care."
"Tsh," nakangising umiling si Maxrill, nang-aasar. "Hindi ba't mas maganda kung makapagsimula ka na?"
"Hindi pa kompleto ang tao ko."
"You can hire people while working."
"Hindi ko pwedeng madaliin ito, Maxrill." Seryoso na si Maxwell. "And I don't want to take risks. Malaki ang magiging problema kung magsisimula ang ganoon kalaking ospital ngunit kakaunti ang tao. Hindi ito katulad ng negosyo."
"Come on, brother." Talagang nang-aasar si Maxrill. "The people of Palawan are in need of care. Your patients and profession need you as well. I think it's better if you reach out to them before they reach out to you. Besides, prevention is better than cure, right?"
"Bakit ba kating-kati kang paalisin ako?"
"Huh? You're paranoid, Maxwell." Humalakhak si Maxrill. "Inaasikaso ko lang ang mga iniutos mo. It was you who decided to finish it as early as we can so you can start. What happened to your goals? Change of hearts?"
Ngumiti si Maxwell. "You're annoying me, Maxrill."
Humalakhak si Maxrill. "Everything annoys you." Sinulyapan niya si Maxpein na noon ay naramdaman agad ang tingin niya. "What do you think, Maxpein?"
Bumuntong-hininga si Maxpein. "Your idea is good," aniya, sumang-ayon ang mga magulang nila. Walang naisagot si Maxwell.
Bigla ay nalungkot ako. Alam kong ilang araw lang siyang mananatili dito dahil lilipad na siya papuntang Palawan. Pero sa usapan nila ngayon, pakiramdam ko ay mababawasan pa ang iilang araw na 'yon.
"Anyway, sa bahay na ninyo pag-usapan iyan," ani Mokz. "Kumain ka na, Maxrill."
"No, thanks." Nagulat ang lahat sa pagtanggi nito. "I have no appetite."
"Why, are you sick?" awtomatikong tanong ko, hindi niya inaasahan.
Matagal siyang napatitig sa akin. "No, I'm just tired." Ngumiti siya. "How are you?"
Matagal bago ako nakasagot. "I'm fine."
"What are you having?"
Niyuko ko ang aking plato. "Steak." Suminghot si Maxrill at hinimas ang tiyan. Napangiti ako. "Do you want me to get you something to eat or drink?"
Bahagyang nanliit ang mga mata niya. "Will you do that for me, please?"
Nakangiti akong tumango. "Sure."
"Why don't you do it yourself, Maxrill Won?" Hindi ko inaasahang magsasalita si Maxwell. Tuloy ay nahinto ang akma akong pagtayo. Ang tinig niya ay naninita. Ang tingin niya ay nagawang pagsunud-sunurin ang paglunok ko. Wala pa man ay parang sinasabi niya nang 'wag akong aalis sa kinauupuan ko.
Natigilan ang lahat nang magtama ang paningin nila ni Maxrill. "You got problem with that, kuya?" Ngumisi siya.
"Get your own food, Maxrill." Nagbabanta na ang tinig at tingin ni Maxwell.
Napabuntong-hininga si Maxrill saka lumingon sa 'kin. "Go back to your seat, Yaz. I'm not in the mood to eat."
"No, it's fine," nakangiting sagot ko saka sinulyapan si Maxwell. Wala na sa akin ang kaniyang paningin. Gusto kong mailang nang maramdaman ang tingin ng lahat sa akin. "Dati na kaming ganito ni Maxrill. Kapag may sakit siya at walang ganang kumain, basta ako ang nag-serve, kumakain siya." Naramdaman ko na lang na kailangan kong ipaliwanag 'yon.
Bago pa may magsalita ulit ay lumapit na ako sa buffet at grills. At habang naghihintay ay palihim akong sumulyap pabalik. Gusto kong magulat nang matanawan si Maxrill na magbuhat ng silya at ilugar iyon sa tabi ng upuan ko. Inabala niyang paurungin ang lahat para makasingit ng pwesto.
Napapailing akong dumampot ng panibagong bote ng wine at bumaling pabalik. Ngunit halos mapatalon ako nang ang mga mata ni Maxwell ang malingunan ko. Sa ilang dipang layo namin sa isa't isa ay nararamdaman ko ang talim ng titig niya.
Tumayo si Maxrill nang makalapit ako at kinuha ang hawak kong plato. "Thank you, Yaz, I'll finish this."
"Dapat lang," nakangiting sagot ko saka kinapa ang kaniyang leeg. "May lagnat ka, 'no?"
Umiwas siya. "Wala."
"Bakit wala kang gana kumain? Hindi ikaw 'yan, Maxrill," natawa ako.
"Yeah, ngayon palang ako ginaganahan. Finish your food."
Nakakailang ang katahimikan. Nagkani-kaniya na ng usap ang magkakatabi. Ang tensyon ay umiikot sa pagitan ko at ng dalawang magkapatid na ito. Hindi ko alam kung bakit at saan nagmumula.
"Ang dinig ko ay nag-perform ng operation si Maxwell Laurent sa BISH, kumusta ang performance niya?" Iniba ni Mokz ang ihip ng hangin.
Ngumiti si Keziah, na kay Maxwell ang paningin. "Maxwell is a great doctor. Wala akong masabi. Minor operation lang 'yon pero nakakabilib talaga siyang magtrabaho kahit nasaang area pa siya. He has a heart and gifted hands that's willing to connect with his patients emotionally and provide them compassionate support." Sinabi niya iyon nang proud na proud.
Nilingon at nginitian ni Maxwell si Keziah. Gustong madurog ng puso ko. Nagbaba ako ng tingin at nagtuloy na lang sa pagkain.
"Please excuse me," bigla ay paalam ni Maxrill, nilingon ko siya. At hindi ko inaasahang kikindat siya sa 'kin. "May kakausapin lang ako." Isinenyas niya ang telepono saka naglakad papalayo.
"Let's ask Yaz," pagbabalik ni Keziah sa usapan. "Siya ang nakasama ni Maxwell sa minor procedure."
Nanuyo bigla ang lalamunan ko. "Ha?" sabi ko nang mag-angat ng tingin. Lahat sila ay tutok na sa akin. Bigla ay nangapa ako ng sasabihin. "Magaling naman talaga siya, and everybody knows that already."
Gumuhit ang ngisi sa labi ni Maxwell. "Is that all you can say?"
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "What do you expect me to say?"
Ipinatong niya ang siko sa mesa at nakapangalumbabang tumingin sa akin. "What do you think of me?"
Napamaang ako, lalong nangapa ng isasagot. "Your qualities are unquestionable, Maxwell. You're undeniably skillful and passionate. That's what makes you a good doctor."
"Good, huh?" Ngumisi siya. Natigilan ako. "Keziah thinks I'm great, you think I'm good?" sarkastiko niyang tugon, na para bang kulang na kulang sa isinagot ko.
"Well, you're better—"
"I hate that word, Zaimin Yaz," pigil niya sa 'kin, pinakadiinanan ang pangalan ko.
Natigilan ako at ngumuso. Ano ba ang gusto niyang sabihin ko? Lalo siyang yumayabang kapag pinupuri. Dahil sa sagutan namin ay wala ako sa mood na pataasin ang percentage ng kayabangan niya.
Napasimangot ako nang makita ang nababagot sa kahihintay niyang mukha. "You're the best, then," napipilitan, napapabuntong-hininga kong sagot.
"Yes," tumunghay siya papalapit sa 'kin. "I became the best because of you," pabulong niyang sinabi, ngunit imposibleng ako lang ang nakarinig. "You inspire me."
Natigilan ako at kunot-noong napatitig sa kaniya. "Huh?"
"Well, you inspire me in some ways," nag-iwas siya ng tingin, tinapos bigla ang pagkain. "You're the kind of person who would not give up on anything or anyone."
"Huh?" nalilito pa ring tugon ko, ang ngiti ay hindi na mapigilang kumawala sa aking labi.
"But you talk and think too much," tumayo siya at nagpaalam gamit ang ibang lenggwahe.
"Naku!" nangibabaw ang tinig ni Zarnaih, nang-aasar.
"'Uy, 'wag ganiyan, 'te," saway ni Migz sa kapatid ko, nagbibiro. "Mag-a-assume na naman ang lola niyo."
"Mga bwisit, manahimik kayo," palihim kong kinagat ang labi.
Natanawan namin si Maxwell nang maglakad ito pabalik. Hawak niya na ang isang bote ng hard drink at dalawang shotglass. Sinulyapan niya ako bago tuluyang naupo sa harap ko.
Gusto kong manibago. Hindi naman kasi dating ganito. Ito na yata ang pinakamadalas niyang pagtingin sa 'kin, walang pakialam kung sinong makakita.
Ngunit naialis ko ang paningin sa kaniya nang padarag na hilahin ni Maxrill ang silya sa tabi ko. Inayos-ayos ko ang buhok bago nakangiting lumingon sa kaniya.
"Are you done?" tanong ko.
Nagulat ako nang ayusin niya ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko. "Let's dance, Yaz."
"Ha?" napapamaang kong tugon.
"I want to dance."
"You don't know how to dance, Maxrill."
Humalakhak siya. "Try me."
Namangha ako. "Kailan ka pa natuto?"
Sa halip na sumagot ay kinuha niya ang kamay ko. Matagal niyang tinitigan iyon habang hinahaplos, bago muling nag-angat ng tingin sa 'kin. "Eversince I started dreaming about dancing with the girl I like."
Sa halip na sumagot ay napalingon ako kay Maxwell nang pabagsak niyang ilapag ang bote ng hard drink. "What?" asik niya. "Wala sa 'kin ang paa mo. Go ahead and dance."
Napisil ko ang batok ko at wala sa sariling natawa. Nakakaloka. "Sure," sagot ko kay Maxrill saka nagpatianod sa kaniya.
Ngunit hindi ko inaasahang lalayo kami sa deck. Dinala niya ako sa bar island ng restaurant. Saka siya um-order ng dalawang hard drinks para sa amin.
"You're drinking now?" nagugulat kong tanong.
Ngumisi siya. "I'm not a teen anymore, Yaz." Naiinsulto siyang tumawa.
Every now and then we find a special friend who never lets us down. Who understands it all, reaches out each time you fall. You're the best friend that I've found.
Napatitig ako sa kaniya ngunit agad ding nagbawi ng tingin. Wala sa sarili kong tinungga ang isang shotglass ng hard drink saka muling sumenyas sa bartender.
I know you can't stay. But part of you will never ever go away. Your heart will stay.
Natitigilan akong pinanood ni Maxrill na laghukin uli iyon. At mas nagulat siya nang humingi at lumaghok ako ng dalawa pa.
"Easy, lady," pingilan niya ang braso kong tumungga uli, ikalima na sana iyon. "We're not in a hurry."
Napahalakhak ako. "Don't worry." Tinapik ko ang balikat niya. "As long as my skirt is still on, I'm not drunk."
"Sasayaw pa tayo."
"I can surely dance." Muli pa akong humalakhak.
I'll make a wish for you and hope it will come true. That life will just be kind to such a gentle mind.
Hindi ako mabilis malasing, sanay ako sa iba't ibang uri ng alak. Pero kahit yata hindi ako uminom ay nalalasing ako sa nakalilitong kilos ng magkapatid na ito.
"Paniguradong mas magaling ka nang sumayaw niyan," pigil ang tawang aniya.
Sasagot pa sana ako ngunit natigilan ako sa paraan nang pagkakatitig niya sa akin. Nakangiti ang mga labi niya ngunit may lungkot akong nababasa kaniyang mga mata. Hindi ko maintindihan.
If you lose your way, think back on yesterday. Remember me this way. Remember me this way...
Kinuha ni Maxrill ang kamay ko. Gaya kanina ay tinitigan niya na naman iyon. Sa paraan na para bang namamangha siya dahil noon niya lang nahaplos iyon nang ganoon. Hindi ko na matandaan kung kailan ang huli, pero nasisiguro kong hindi iyon ang unang beses na naghawak kami ng kamay. Bale-wala lang sa akin iyon. Kaya naman gano'n na lang ang pagtataka ko sa paraan niya nang pagkakatitig doon ngayon.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at marahan akong itinayo. Hindi niya inalis ang paningin sa 'kin hanggang sa makarating kami sa gitna. Gusto ko sanang lingunin ang mga naro'n. Dahil nasisiguro kong kami lang ang sumasayaw sa sandaling iyon. Pero may kung ano sa mga titig ni Maxrill na nakapagpapanatili sa paningin kong matuon sa kaniya.
I don't need eyes to see the love you bring to me, no matter where I go. And I know that you'll be there, forevermore, a part of me, you're everywhere. I'll always care.
"Maxrill..." wala sa sariling sambit ko. Kunot-noo akong napatitig sa kaniya. Hindi ko pwedeng bale-walain ang emosyon na nababasa ko sa mga mata niya. Pero inaantig ako masyado ng konsensya.
Nagbaba ako ng tingin. Bigla ay naging mabigat ang aking paghinga. Naiilang na ako at nanlalamig ang mga kamay.
Does he have feelings for me?
"Are you sad?" pabulong niyang tanong.
Awtomatiko akong nag-angat ng tingin. "No. Are you?" seryoso kong tugon.
Hindi niya na kailangang magsalita dahil nakikita ko na ang sagot sa kaniyang mata at mukha. "Yes."
"Why?"
"I have a hopeless crush on someone I have no chance to be with."
Kunot-noo akong napatitig sa kaniya. Bigla ay parang gusto kong maiyak. Hindi pwede ang naiisip ko. Bata lang siya sa paningin ko, at wala na akong ibang pwedeng ituring sa kaniya kundi nakababatang kapatid. Lalo pa at wala akong kapatid na lalaki.
"Maybe she's not the one for you," pandederetso ko.
"How do you know if someone is meant for you or not?
Napailing ako. Nakamot ko ang ulo. Napangiti ako. Natawa ako. Napisil ko ang sariling batok. Saka muling napangiti. Kung ano-ano ang naging kilos ko dahil sa hindi maipaliwanag na epekto niya.
"Maxrill," noon palang ako nag-angat ng tingin sa kaniya. "I'm don't feel comfortable talking about this with you. I'm...I'm sorry," nauutal, kabado kong dagdag.
Mapait siyang ngumiti. "It's fine."
Pakiramdam ko ay nasaktan ako nang mabasa ang lungkot sa mga mata niya. Nag-iwas agad ako ng tingin nang mamasa ang aking mga mata.
"Do you want to play?" bigla ay tanong niya, hindi ko inaasahan.
Masigla na siya nang muli kong tingnan. Tuloy ay nalito ako, nagdalawang-isip kung tama ba ang naiisip ko.
Ambisyosa nga yata ako at mahilig mag-assume. Tama bang isipin mo na may gusto siya sa iyo, Yaz? Hello? Mas matanda ka pa nga sa ate niya!
Sa huli ay pinili kong bale-walain ang napansin. Masyado kasi iyong imposible, hindi kapani-paniwala.
Kung imposibleng magustuhan ako ni Maxwell, ay pihadong mas imposibleng magustuhan ako ni Maxrill. Duh? I'm way older—way, way older than him!
"Sure!" alisto kong sagot.
Hindi na namin nagawang tapusin ang kanta. Inalalayan niya ako papalapit sa game machines na nasa tabi ng jukebox.
"Pili ka ng gusto mo," nakangiti niyang isinenyas ang mga crane claw machine.
Napangiti ako nang makita ang maliliit na panda stuffed toys sa unang machine. Sa ikalawa ay iba't ibang kulay naman ng mga teddy bear. Sa ikatlo ay stuffed tigers at lions. At sa ikaapat na machine ay si KeroKeroppi.
"I want a lion," nakangiting tugon ko, pukol sa machine ang paningin.
"The plushed or a real one?" Hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Maxwell sa tabi ko.
Aligaga akong napalingon sa gawi niya a nagugulat na napatitig. Nakatunghay siya sa crane claw machine ng stuffed lions at tiger. At hindi ako makapaniwalang tinatanong niya kung alin ang gusto ko, iyong laruan ba o totoong leon, sa ganoon kainosenteng paraan.
Inosente siyang tumingin sa 'kin nang hindi ako makasagot. "Tell me."
Naging matunog ang pagbuntong-hininga ni Maxrill. "I'll get it for her, hyung."
Pakiramdam ko ay noon niya lang ulit tinawag nang ganoon si Maxwell. Pero nakapag-aalala ang tono at diin ng pananalita niya. Naninita, nagbabanta, at nang-aangkin.
Wala sa sarili akong tumawa, nababaliw. "Ako na, magaling ako diyan."
Pareho nila akong inosenteng nilingon. Tumingin ako sa magkabilang gilid ng damit ko at noon lang napagtantong wala akong bitbit na barya.
Napisil ko ang batok at nag-angat ng tingin kay axwell. Pasiring niyang inalis ang paningin sa 'kin saka naghulog ng barya. Awtomatiko siyang naglaro sa machine, sa paraan na para bang exam ang kaharap niya.
Matunog na namang bumuntong-hininga si Maxrill at inilingan ang kapatid. Kunot-noo niyang pinanood si Maxwell. Sa paraan na para bang paulit-ulit na hinihiling sa isip na sana ay 'wag makatsamba ito.
At hindi nga siya nabigo dahil sumablay si Maxwell. "My turn." Dinunggol ni Maxrill ang kapatid dahilan para paatras itong mapunta sa likuran niya.
Pumuwesto siya ang itinodo ang konsentrasyon sa makina. Gusto kong matawa nang pinaroo't parito niya ang claw nang paulit-ulit, mabilis at malakas, saka niya hinayaan iyon na dumampot ng lion.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang claw na magbagsak ng lion sa pocket ng machine. Nanlalaki ang mga mata kong nilingon si Maxwell. Malamya siyang sumulyap sa akin.
Si Maxrill ang kumuha ng stuffed lion at iniabot 'yon sa 'kin. "Thanks for the dance, Yaz." Naestatwa ako nang haplusin niya ang pisngi ko. Tuloy ay hindi ko nakita nang talikuran niya kami.
"Thank...you," habol ko ngunit hindi niya na narinig.
Nakokonsensya kong sinulyapan si Maxrill. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin, ang sundan siya o hayaan na lang siya. Nasisiguro kong naiinis siya sa biglang pagsulpot ni Maxwell. Maging ako ay nagtataka. Nagtataka, dahil hindi ko magawang mainis sa kaniya.
Nakangiti kong tiningnan ang lion. Gusto kong matawa dahil maliit palang iyon pero mayroon nang mane.
So fetch! Such a cute plushie version of Maxwell Laurent del Valle. Napahagikhik ako sa naisip.
"Seriously? That softie makes you happy?" nakakainsulto ang tono ni Maxwell.
Inis akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Ikaw kaya 'to! Of course! "So what?" mataray kong tugon. "Maxrill got it for me, I'm more than happy."
Pinagkunutan niya ako ng noo. "Mas gusto mo na siya no'n?"
Napamaang ako. "Ano? Hindi, 'no!" asik ko.
Humakbang siya papalapit, napaatras ako at napasandal sa claw machine. Halos magbanggaan ang mga ilong namin nang bigla magbaba ng tingin sa akin. Napalunok ako nang maghulog siya ng barya sa makina.
"Do you like my brother?" pabulong na tanong niya, ang paningin ay pasama nang pasama.
"What?" hindi makapaniwalang asik ko.
"May gusto ka ba sa kapatid ko?"
Nagsalubong ang mga kilay ko. "What makes you think so? Wala, 'no!" singhal ko.
Awtomatiko siyang ngumisi. "Good."
Nababaliw na siya. Talagang hindi ko mahuli ang topak ng del Valle na ito. Sa lahat ng del Valle ay kakaiba ang kulo ng dugo nito. Hindi lang sala sa init o sala sa lamig kundi halo-halo.
Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa machine. Mula sa likuran ko ay naglaro siya dahilan para mabihag ako ng yakap niya. Talaga namang nagkasunod-sunod ang paglunok ko. Pakiramdam ko ay nawala sa pwesto ang puso ko. Hindi ko nagawang gumalaw.
Napanood ko kung paano niyang ginaya ang paraan ni Maxrill. Pero hindi ko na nagawang ituon doon ang atensyon dahil sa ganoon katinding presensya niya.
"Here," napapitlag ako nang iabot niya ang premyo sa akin.
Tiningnan ko siya sa gilid ng aking mga mata. Dahil kung lilingon ako ay mahahalikan ko ang labi niya. Sa ganoong distansya namin ay nalalanghap ko ang alak mula sa kaniyang hininga.
"Thank you," nauutal, nasasamid sa sariling laway, na sagot ko.
Ngunit hindi na siya nagsalita pa. Ang antipatikong del Valle na iyon ay tinalikuran lang ako at nakapamulsang naglakad papalayo. Na para bang nilibang niya lang ang sarili sa paglalaro.
~To Be Continued. . . ~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top