CHAPTER TEN
KAPAPASOK KO palang sa hospital nang matanawan ko ang nagmamadaling nurses papasok sa emergency room. Tumuloy ako papalapit sa pinto upang mas makita kung ano ang posibleng nangyayari sa loob.
"Excuse me,"anang tinig mula sa aking likuran. Awtomatiko akong tumabi at nilingon ang nagsalita.
Ganoon nalang ang hiya ko nang maharapan ang grupo ng mga doktor. Naharangan ko ang kanilang daan. Mas nahiya pa ako nang makita si Maxwell. Tumango siya sa akin at nagmamadaling pumasok sa emergency room.
"Yaz,"bigla ay nahimigan ko si Keziah sa aking likuran. "Come with us,"nagmamadaling aniya nang lingunin ko.
"Ha?"nalito ako bigla. Ngunit nang mangibabaw ang pag-aanunsyo ng code sa speaker ay awtomatiko akong sumunod sa kaniya.
Nagulat ako sa sitwasyon ng ER. Literal na nagkakagulo. Naghahalo ang masangsang na amoy ng duwal at dumi ng tao. Maingay at masikip. Kaliwa't kanan ang palitan ng mga doktor at nurses. Paikot-ikot ang ilang taong marahil ay kamag-anakan ng pasyenteng hindi ko matukoy ang bilang. Nakaririndi ang sirena ng kararating lang na ambulansya mula sa labas ng kabilang entrada ng ER.
"What happened to them?" wala sa sariling naitanong ko sa nurse na dumaan sa aking harapan.
Pero sa halip na sagutin agad ako ay nilingon ako nito at hinila ang e-cart. "Dinala ang mga estudyanteng ito dahil sa pagsusuka at pagdurumi. Pare-pareho ring sumasakit ang kanilang mga tiyan. Excuse me,"aniya na nilingon ang mga pasyenteng nasa hospital bed saka dinulugan ng tulong ang pinakamalapit sa kaniya.
Kabado kong iginala ang aking paningin. Bigla ay hindi ko malaman kung saan magsisimula dahil napakarami nila. Bukod sa mga batang iyon ay may iba pang pasyente na dinala sa ER na nauna sa kanila, at hindi nila kasama. Hindi sapat ang espasyo ng emergency room sa bilang nila at patuloy na pagdating ng iba pa.
Noon ay nalingunan ko si Maxwell na kahanga-hangang kalmado pa rin bagaman mababasa sa kaniyang mga mata ang pag-aalala. Isa-isa niyang nilapitan ang mga bata upang tingnan ang kalagayan ng mga ito. Saka niya sinasabi sa mga kasamang doktor ang dapat na gawin. Kulang na kulang ang mga doktor at staff sa laki ng bilang ng pasyente.
Natinag lamang ako nang sumubok si Maxwell na dulugan ang isa ngunit nasukahan siya. Agad akong kumilos. Inilapag ko ang gamit ko sa pinakamalapit na mesa saka lumapit sa kanila. Sandaling nagulat si Maxwell nang makita ako. Agad kong tinulungan ang batang umiiyak habang dumuduwal. Napabuntong-hininga ako nang makitang matalimsikan ang damit ni Maxwell ng magkahalong dilaw at berdeng idinuwal ng bata.
"Ako na,"presinta ko nang akma niyang kukunin ang basin nang muling sumuka ang bata.
Napakalalim ng buntong-hininga ko. Iisang bata palang ang nalalapitan ko ay komplikado na ang sitwasyon. Gustuhin ko mang lapitan agad ang iba, hindi ko magawa. Sa isa palang ay hindi na ako makaalis. Kulang na kulang ang staff.
Hindi na maipaliwanag ang amoy ng ER sa sandaling iyon palang. Kung patuloy na duduwal at dudumi ang mga batang ito ay pare-pareho silang made-dehydrate.
"Thank you,"mahinahong tugon ni Maxwell tuluyang tiningnan ang bata nang mahigang muli ito."May masakit ba sa iyo?"
"Masakit po ang tiyan ko,"namimilipit na tugon ng bata.
Napabuntong-hininga si Maxwell at saka nilingon ang kapapasok lang na mga bata, na may kaparehong sitwasyon sa nasa aming harapan ngayon.
"This is food poisoning," ani Maxwell sa kasamang doktor.
Iyon din ang hula ko. Madaling agapan ang kasong iyon. Nasisiguro kong napakadali lamang kay Maxwell na solusyunan ang sitwasyong iyon. Sadyang kulang lamang kami para madulugan agad ang mga bata.
Hindi na nagsayang ng oras si Maxwell. Isa-isa niyang inutusan ang buong medical team na naroon sa ER para magamot ang mga bata sa lalong madaling panahon. Hindi naging mabilis pero dahil kompleto ang gamit sa hospital, hindi naging ganoon kahirap.
Bakas ang matinding pagod ni Maxwell matapos ang ilang oras namin sa ER. Bukod kasi sa pag-eksamin sa mga bata ay siya rin ang sumasagot sa tanong ng mga magulang. Siya rin agad ang lumalapit kapag nangailangan ng tulong ang nurses at junior doctors. Walang sandali na nakapagpahinga siya. Ni hindi ko siya nakitang maupo o uminom ng tubig. Kahanga-hangang lahat ng iyon ay nagawa niya nang kalmado.
Pero dahil mababasa ang matinding pag-aalala sa kaniyang mga mata ay mukhang hindi lang panggagamot sa mga bata ang magagawa niya. Hindi na ako magugulat kung pati ang lugar kung saan nangyari ang pagkalason ay usisain niya. Paniguradong hindi siya matatahimik kung hindi masisigurong hindi na mauulit ang pangyayaring iyon.
Iyon si Maxwell. He's very much dedicated to his profession, and continuously honing his craft. Hindi dahilan ang posisyon niya sa hospital na ito para iasa nalang sa team ang kaniyang trabaho. Siya pa rin ang nangunguna at hindi niya hinahayaang mapagod ang lahat nang wala siya.
Lumapit ako kay Maxwell matapos suweruhan ang huling pasyenteng hawak ko. Gusto kong maawa sa kaniya nang mapansin ang paghahabol niya ng hininga habang hinahanapan ng ugat ang batang iyon sa harap niya.
"Let me do it,"mahinang sabi ko dahilan para lingunin niya ako.
"It's okay, Yaz,"tugon ni Maxwell.
"Ako na, doc,"ngiti ko.
Nakita ko nang makahinga siya nang maluwang. Parang inalon ang puso ko matapos masilayan ang tipid na ngiti sa kaniyang labi.
"Thank you, nurse."
Ngumiti ako at agad na nilapitan ang bata. Pinanood ako ni Maxwell na gawin iyon nang magkakrus ang mga braso. Agad kong nakita ang ugat. Nakangiti niya akong tinangu-tanguan matapos masuweruhan ang bata.
"You're exhausted, Doc Maxwell. Please have some rest,"bigla ay nangibabaw ang tinig ni Keziah. Sa halip na lingunin siya ay inasikaso ko ang bote ng swero. "Hindi ka pa natutulog."
Palihim na umikot ang mga mata ko. Bakit naman pati pagtulog ni Maxwell ay bilang niya? Doktora ba talaga siya or gwardya? Psh!
"Yeah, let me just make a quick walk round the ward to make sure I hadn't missed anything with my patients."Muli pang nilingon ni Maxwell ang mga pasyente.
Karamihan sa mga bata ay napauwi at naresetahan ng gamot at remedyo. Ang ilan naman ay in-admit sa ward at kailangang ma-confine ng mga ilang araw.
"You can go back to your post, Yaz. Thank you,"sinserong ani Keziah.
"You're welcome,"tipid ang ngiting sagot ko. Sinulyapan ko si Maxwell at nginitian. "I'll go ahead."
"Thank you, Yaz."Iminuwestra ni Maxwell ang daan at sinabayan nila ako ni Keziah palabas ng ER. "Don't skip your lunch,"hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon. Pinakatitigan ko pa siya para masigurong ako talaga ang kausap niya.
"Mm,"iyon lang ang naisagot ko kasabay ng sunod-sunod na pagtango dahil sa sobrang pagkakangiti. Pinanood kong maglakad papalayo sina Maxwell at Keziah. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.
"Masaya ka na sa gano'n?"Nagulat ako nang malingunan si Maxrill na naglalakad papalapit sa gawi ko. Nakapamulsa at walang emosyong nakatingin sa akin.
Sinimangutan ko siya ngunit nag-iwas na siya ng tingin. "O—,"magsasalita na sana ako ngunit nilampasan niya lang ako. "Lokong bata 'to, ah?"bulong ko habang sinusundan siya ng tingin. Tuloy ay noon ko lang napansin si Hee Yong na nakabuntot pa rin sa kaniya.
Dahil kumalat sa buong hospital ang nangyari kanina ay hindi ako nahirapang magpaliwanag kina Susy at Doc Caleb nang makarating ako sa area. Sa halip ay nanghinayang pa raw sila dahil hindi nakatulong.
Sa unang pagkakataon ay ganado akong magtrabaho sa area ko. Pakiramdam ko ay walang sandaling nagkamali ako. Lahat ng itinuro ni Susy at ng doktor ay nakuha ko. Hindi ako makaramdam ng pagod at gutom, sadyang inspired ako dahil sa simpleng sinabi ni Maxwell bagaman tinuya iyon ni Maxrill.
"'Uy, ganda!"kaway ni Raffy habang papalapit sa table namin ni Susy. Bitbit nila ang kani-kanilang trays at sumabay sa aming kumain.
"Naiwan mo itong bag mo sa ER, Yaz,"ani Mitch.
"Thank you!"nahihiya ko iyong inabot. "Grabe, super toxic kanina sa ER, nawala sa isip kong doon ka nga pala naka-assign."
Naupo si Mitch at umastang tila nalalantang gulay. "Sobrang toxic! Tapos itong si Raffy, puro reklamo dahil napakarami raw naming admissions."
"Kapapasok ko lang po kasi no'n, madam! Galing pa akong night shift. Mas matagal pa nga iyong food digestion ko kaysa sa tulog ko,"mataray na tugon ni Raffy. "Isa pa, straight ang duty ko ngayon, madam!"
"Puro vitals, at input and output lang naman ang aasikasuhin mo. Kami nga ay napakaraming change dressings no'ng isang gabi. Galing din akong night shift, tatlong magkakasunod na gabi. Hindi pa nga ako nakakapag-off."
"E, di sana nag-Mathematecian ka nalang kung ganyang mahilig kang magkwenta."
"Kung hindi mo pa malamang si Doc Maxwell ang nagpa-admit no'ng lahat ay hindi ka titigil sa kapuputak."
Hindi ko napigilang matawa sa dalawa. Panay rin ang pagtawa ni Susy. Hindi ko tuloy maiwasang ma-miss lalo na magtrabaho sa ganoong area. Iba ang pagod sa special areas gaya ng emergency room, operating room, intensive care unit, delivery room at iba pa. Hindi maikokompara. Dahil hindi lang katawan at utak ang napapagod doon kundi maging ang kaluluwa. Habang kakaiba naman ang stress sa wards.
"Bilib talaga ako kay Doc Maxwell,"mayamaya ay ani Mitch habang kumakain. "Imagine, that was almost sixty patients. As in, wow, hands up and down, left and right!"
Palihim akong nangiti. "Hindi naman siya ang umasikaso sa lahat. Napakarami nating tumulong sa kaniya."
"Pero siya ang nag-lead sa lahat,"agad na depensa ni Mitch.
"'Uy, saka almost sixty patients? One is to ten nga lang, nagrereklamo na ang bulsa ko, iyon pa kayang sisenta? Work according to your salary kaya ang motto ko,"sabi naman ni Raffy.
"Bulok kasi ang sistema doon sa ospital na pinanggalingan ko kaya hindi ko talaga maiwasang bumilib kay doc."
"Nag-rounds pa 'yon kanina sa ward,"agad na kwento ni Raffy. "Wala pa naman siyang tulog at kain. Napakasipag."
"Talagang pati tulog at pagkain ay alam mo, ah?"ani Mitch.
"Syempre, kasama sa endorsements 'yon, 'no,"biro muli ni Raffy.
"Ang dami ring pasyente kagabi, hindi nakatulog si doc. Nagkakataon pang t'wing matutulog at kakain na siya, doon nagdadatingan ang mga pasyente. Pero walang lutang moments."
"Hindi lang naman siya ang doktor,"agad na sagot ko. "Bakit hindi siya tulungan ng ibang on duty?"
"Si Doc Maxwell kasi talaga ang nakilala ng mga taga-rito. Kaunting sugat lang, si Doc Maxwell agad ang hanap nila. Si doc naman, hindi makatanggi. Masyado na ngang gwapo, masyado pang mabait."
Nakangiwi akong tumango, hindi masyadong kumbinsido. "Well, choice niya naman 'yon."Ganoon ang sinabi ko upang maitago ang pag-aalala.
"Saka hindi naman siya pinababayaan ni Doc Keziah. Parati niyang dinadalhan ng coffee at sandwich si Doc Maxwell,"kwento pa ni Mitch.
"Really?"agad kong tugon.
"Madalas ding inaako ni Doc Keziah ang pasyente para makapagpahinga si Doc Maxwell, tumatanggi nga lang si doc. Mahal na mahal ang propesyon."
"You mean to say, naka-duty rin si Doc Keziah kapag nandyan si Doc Maxwell?"usisa ko.
Nag-isip si Mitch. "On-call siya, e. Doon siya madalas sa doctors' mess natutulog. 'Sabagay, parang hindi na rin naman natutulog si Doc Keziah. Kapag gising si Doc Maxwell ay gising din siya. Parati talaga silang magkasama."
"Napaka-unique naman ng love team nila,"noon lang nagsalita si Susy. "Parehong nalilipasan ng gutom at kulang sa tulog."
Gusto kong sabihin sa kaniya na nakasusukang pakinggan ang "love team" na tawag niya sa dalawa. Pero pinigilan ko ang sarili ko.
Psh!Hindi mawala sa isip ko nang gabing iyon ang mga narinig kong kwento mula kina Mitch at Raffy. Pumangit yata ang pakiramdam ko sa katotohanang parating magkasama sina Maxwell at Keziah, at pareho pang nalilipasan ng gutom at kulang sa tulog gaya ng sinabi ni Susy.
Hindi ko naiwasang maalala kung gaano kaistrikto si Maxwell pagdating sa pagkain. Tinatawagan niya si Maxrill sa t'wing makakarating sa kaniyang hindi ito kumakain nang tama, lalo na kapag may sakit. Naaasar naman si Maxpein kapapaalala niya ritong kumain.
Tapos ngayon ay siya itong hindi kumakain nang tama at sleep-deprived? Bagaman nakasimangot ako ay hindi ko napigilang mag-alala.
Napatitig ako sa cellphone kong nakapatong sa side table. Naisip kong tawagan siya. Tumingin ako sa orasan at naisip din kung natutulog ba siya o kasalukuyang abala sa trabaho. Dahil sa propesyon niya ay walang nasusunod na tamang oras sa kaniya.
Sa huli ay nagdesisyon akong tawagan siya. "Hello?"nagugulat ko pang sabi nang may sumagot niyon.
"Why aren't you asleep yet?"parang kiniliti ang puso ko nang mangibabaw ang tinig ni Maxwell sa kabilang linya.
Napabangon ako at hindi na malaman kung sa anong pwesto mapipirmi sa kama. "Kumain ka na?"
Sandaling natahimik ang linya niya, mukhang hindi inaasahan ang tanong ko. "Not yet."
Umarko sa lungkot ang mga labi ko. "Sobrang busy?"
"Mm, and I'm hungry already."
"Get something to eat."
"Cook for me."
Natigilan ako at nakagat ang sariling labi. "Tomorrow, I'll cook for you."
"I can't wait."
"For now, get something to eat."
"I will. Go to sleep. Good night." Awtomatiko niyang pinutol ang linya matapos sabihin ang mga iyon.
Sumimangot uli ako. Pero agad ding nawala iyon nang malunod ako sa kaiisip kung ano ang maaari kong lutuin para sa kaniya.
"Good morning!"magiliw kong bati kay Susy nang makapasok kinabukasan.
"Ang dami mong dala, ah?"aniya matapos tingnan ang dalawang basket na dala ko. "May picnic?"biro pa niya.
I cooked two dishes for Maxwell's lunch and dinner. Sinigang na baboy at adobong manok. Nag-prepare din ako ng cut fruit platter for his snack. Strawberries, melon, apple, kiwi and grapes.
"Para sa friend ko,"sagot ko. Syempre, hindi ko pwedeng sabihin kung para kanino ang mga iyon.
Tiningnan ko ang scheduled patients. Hindi naman ganoon karami ang mga iyon so may time akong makapagpaalam before lunch para maihatid kay Maxwell ang mga inihanda ko.
"Mukhang may emergency na naman, ah?"dinig naming sabi ni Doc Caleb matapos ang magkakasunod na pasyente. Kasalukuyan siyang nakatunghay sa labas ng door at nakatanaw sa gawi ng ER.
Mabilis akong nag-dry ng mga kamay at sumunod sa kaniya. "Ano na naman kaya ang nangyari?"tanong ko habang tinatanaw ang nagtatakbuhang male nurses na may bitbit na stretchers.
"Kapag nagtawag ng code ay pumunta ka ulit doon para tumulong, Yaz,"sabi ni Doc Caleb. Kahit hindi tama ay na-excite ako. "Susy will stay here with me, just in case may emergency case din kami. We cannot cancel the remaining appointments for today."
"Yes, doc,"tanging sagot ko.
Hindi pa man kami nakapagsisimula ng procedure sa sumunod na pasyente ay nag-anunsyo na ng code sa speaker. Automatic kaming nagkatinginan ni Doc Caleb. Sa isang tango niya ay nagtungo na ako sa ER.
Nakasalubong ko si Mitch sa bukana palang. "Ano ang nangyari?"nag-aalala kong tanong.
"Katulad kahapon, food poisoning,"ngarag nang tugon niya. "Hindi na maganda ito."Iyon lang at tinalikuran niya na ako para dulugan ang mga pasyente.
Napahawak ako sa noo nang makitang matatanda na ang naroon sa loob ng ER, at hindi na mga estudyante gaya ng inaasahan ko. Nakakapanlumo sapagkat mahihinang matatanda na ang mga iyon. Ang matindi pa roon ay mas malala ang pagsusuka at pagdumi nila. Palibasa'y matatanda na, mas mabilis at lalo pa silang nanghina dahil sa dinaramdam.
Hindi ako nagsayang ng oras, agad akong kumilos upang tumulong. Tinulungan ako ng mga lalaking nurse. Dahil matatanda ang mga naroon, hindi ko kaya nang mag-isa ang timbang nila.
"Ikaw ba iyan, Yazmin?"nagulat ako nang may lalaking tumapik sa balikat ko.
"Mang Pitong,"usal ko.
"Aba'y ikaw nga, Yazmin!"
"Zaimin Yaz po,"pagtatama ko, hindi malaman kung tatawa o ano, dahil sa sitwasyon. "Ano po ang ginagawa ninyo rito, Mang Peyts? May nangyari ba sa inyo?"Sinipat ko ang kabuuan niya, inaalam kung may iniinda rin ba siya gaya ng ibang pasyente.
Nag-aalala at naguguluhang nilingon ni Mang Pitong ang matatandang pasyenteng naroon."Ano kaya ang nangyayari sa lugar natin? Aba'y kahapon lang ay mga estudyante sa kapitolyo ang nalason. Ngayon ay itong mga nakatira sa sumunod na baryo."
"Investigation must be done immediately,"'ayun na ang istriktong tinig ni Maxwell. "We need to find a potential source as soon as possible. This needs to be fixed to prevent future outbreaks."
Pasimple akong lumingon sa gawi ni Maxwell. Napangiwi ako nang makitang kasunod niya na naman si Keziah na hindi malaman kung sino ang unang titingnan dahil napakarami na namang pasyente. Ang bilang ng pasyente ngayon ay hindi nalalayo sa dami ng pasyente kahapon.
Saka lang ako namangha nang makitang kasunod din nila si Maxrill. Na noon ay hindi ko inaasahang titingin agad sa akin. Iyong tingin na para bang pagkapasok palang ay alam niya na kung nasaan ako. Iyong tingin na para bang hindi niya nakikita ang hindi mabilang na taong naroon ngayon sa emergency room dahil naroon ako.
Agad akong tumabi nang lumapit sa gawi ko ang tatlo. Gusto kong sumimangot nang hindi man lang ako tingnan ni Maxwell. Samantalang sina Keziah at Maxrill ay agad akong napansin. Imposibleng hindi niya ako makilala kahit pa halo-halo na ang nurse na nandoon mula sa iba't ibang area.
"Anong balita, Mang Pitong?"sa halip ay ito ang kinausap ni Maxwell.
Agad na umiling si Mang Pitong. "Ang sabi ng kapitan ng baryo at kapitolyo ay iyong mga eksperto lamang daw sa larangan ng pag-iimbestiga sa ganitong kaso ang hahayaan nilang magsuri sa nangyayari. Hindi nila hinayaang mag-imbestiga ang mga taong ipinadala ninyo."
"Tsh,"nasira agad ang mood ni Maxwell. Bumaling siya sa kapatid sa salitang sila lang ang nagkakaunawaan.
Hindi ko akalaing sa ganoong sitwasyon ay magagawa ko pang pag-aralan ang kabuuan ng dalawa. At mukhang hindi lang ako ang gumagawa no'n ngayon dahil sa dami ng mga matang nakatuon sa kanila.
Kahit nangangalumata ay gwapong tingnan si Maxwell sa puting polo, itim na tie at pants, maging sa puting gown na nakapatong doon. Halatang kulang siya sa tulog, nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.
Si Maxrill naman ay preskong tingnan sa puting plain shirt, itim na casual coat at pants. Panay ang lingon niya sa pinto ng ER habang nakikinig sa sinasabi ng kapatid. At gusto kong matawa nang makitang naroon si Hee Yong sa labas ng pintong iyon.
Hindi gaya kahapon, mas naging abala kami ng araw na iyon. Mas marami ang naging pasyente ngayon. Dahil hindi natapos si animnapu ang bilang ng mga iyon. At hindi gaya kahapon, mas maraming na-admit sa ward ngayon.
Hapon na nang matapos kami. Bagaman patuloy ang pagdating ng emergency patients sa ER, bumalik na sa kani-kanilang post ang nurses.
Hindi ko nakita sa ER si Maxwell nang umalis ako. Natanaw ko siya sa nurse's station nang makalabas ako. At gusto kong mag-alala dahil sapo niya ang noo habang tutok sa chart ang mga mata.
Siguro ay napakarami niyang iniisip.Nakanguso ko siyang tinawagan. Nangiti lang ako nang pinanonood ko na siyang sagutin ang linya. "Kumain ka na muna,"agad kong sabi. "I cooked something for you."
"Wow,"bagaman mahihimigan ang pagod ay naroon ang tuwa sa tinig niya. "Really?"
"Yeah. Sinigang na baboy at adobong manok."
"Damn."
Natawa ako sa isinagot niya. "Ire-reheat ko lang sa pantry and then ihahatid ko sa office mo."
"Rounds muna ako."
"Kumain ka muna."
Narinig ko siyang tumawa. "Okay, I'll wait for you."
Palibhasa'y maghapon nang nasa ER, binigyan ako ng break ni Doc Caleb. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil naisip kong makakasabay kong kumain si Maxwell. Busog na ako sa excitement palang pero ginugutom ako ng isiping magkasama kaming kakain.
Matapos mag-reheat ng food ay dumeretso nga ako sa office ni Maxwell. Dahan-dahan at ingat na ingat akong naglakad. Pero nawala lahat ng excitement ko nang mamataan doon si Keziah. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila kaya nag-alangan akong pumasok. Hindi agad ako nagpakita. Ngunit hindi rin ako nakapagtago dahil sa umaalingasaw na amoy ng dala kong pagkain.
"Come in, Yaz,"pagtawag ni Maxwell.
Napapikit ako sa hiya, wala akong nagawa kundi tumuloy na. "Hi, doc,"bati ko kay Keziah.
Nagugulat man ay nginitian ako ni Keziah. Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Hi, Yaz. Ang bango naman niyan."
Nganong naa ka man diri?
"Nagluto ako para kay Maxwell."Gusto kong lagyan ng diin ang mga salita ko para malaman niya kung sino ang mas maganda rito.
Lalo akong nakaramdam ng hiya nang gumihit ang nakakalokong ngisi sa labi ni Keziah. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang pakahulugan niya sa ganoong ginawa ko.
Psh! Palibhasa ay walang magluluto para sa kaniya. Isa-isa kong inilabas ang foods para maiwasan ang tingin ni Keziah. Nakakatuwa ang reaksyon ni Maxwell, halatang natatakam siya sa mga iyon. At nakita ko nang bahagyang manlaki ang mga mata niya matapos makita ang mga prutas.
"Wow, you made all these?"hindi makapaniwala si Maxwell.
Nakangiti akong tumango. At gusto kong himatayin sa kakaibang titig na isinukli niya sa 'kin.
"Let's see kung sino sa inyo ni Wilma ang mas masarap magluto,"bigla ay sabi ni Keziah. Kinuha niya ang isang plate at agad na sumandok ng manok.
"Para kay Maxwell lang 'yan..."pahina nang pahinang sabi ko. Pareho silang nagulat. "Joke,"bigla ay bawi ko, sa paraang tila totoong nagbibiro lang ako, tumatawa pa. "Yeah, go ahead and eat,"sinabi ko iyon nang may panghihinayang, bumubuntong-hininga pa. Hahay...pastilan.
Isinenyas ko nang isinenyas na kumuha si Keziah ng foods. Nasisiguro kong nababalot ng kaplastikan ang mukha ko ngayon.
"Hindi na,"napapahiyang inilapag ni Keziah ang plate. "Para kay Maxwell lang pala."
Gustong umikot ng mga mata ko. Close ba tayo para mag-emote ka nang ganyan? Para kay Maxwell lang talaga 'yan, amaw, pero dahil mukhang gutom ka ay sa inyo nang dalawa.
"Hindi ko naman kayang ubusin ito,"sabi ni Maxwell. "Kumain ka,"anyaya niya kay Keziah.
Of course, for lunch and dinner na sana kasi iyan.Pinanood ko silang tikman ang pagkain."Enjoy."
"Eat with us,"ani Maxwell.
Agad akong tumanggi. "Hindi na. Kailangan ko ring bumalik agad sa post ko."
"Hey,"habol ni Maxwell nang akmang tatalikod na ako.
Ngumuso ako para itago ang inis. "I really need to go back na."
Nakita kong mangunot ang noo ni Maxwell. "Kumain ka na ba?" Hindi ako sumagot. "Eat with me,"nag-uutos niyang sabi.
Biya-i ra gud ko, Maxwell! Muli akong tumanggi. "Okay lang ako,"pinilit kong maging sinsero ang ngiti ko. "I really need to go back to my post."
"Yaz!"naninikdak ang tinig ni Maxwell.
"Maxwell,"namaywang ako. "Kumakain ako sa tamang oras, hindi gaya mo. Kumain ka nang marami at huwag mo akong iniintindi."
Pinagtawanan kami ni Keziah. "Thank you nga pala ulit kanina, kusa ka nang pumunta sa ER,"aniya.
"Wala 'yon,"tanggi ko. "Mauuna na ako,"paalam ko kay Maxwell.
Hindi niya inalis ang paningin sa akin hanggang sa talikuran ko sila. Nakasimangot akong dumeretso sa cafeteria. Hindi gaya t'wing lunch break, kaunti lang ang tao ngayon. Kaya naman napansin ko agad si Maxrill nang pumasok siya at maglakad papalapit sa akin. Kasunod niya si Hee Yong na kapansin-pansing nakaputing polo ngayon at may kung anong nakasabit sa leeg.
Naupo si Maxrill sa harap ko at sumenyas sa server. Hindi ito lumapit pero mukhang alam na kung ano ang kaniyang gusto. Matapos niyon ay ipinatong niya ang parehong siko sa mesa, pinaghawak ang kamay at ipinatong doon ang mukha niya. Saka siya deretsong tumingin sa akin.
"You're eating late,"bungad niya.
"Toxic kanina."
Tumango siya. "Mind if I join you?"
"Go ahead,"isinenyas ko ang silya.
Pinagmasdan ko si Maxrill habang nakaupo sa harap ko. Talaga ngang nasa dugo nila ang pagiging mainipin. Wala pa mang limang minuto mula nang sumenyas siya sa server ay 'ayun na ang tapik ng kaniyang mga daliri sa mesa na para bang bagot na bagot. Humahapit ang itim na polo shirt niya sa sariling dibdib habang ginagawa iyon.
Gusto kong matawa nang puro gulay at tofu ang isinerve na pagkain kay Maxrill maliban sa prutas. "Iyan lang ang kakainin mo?"
"Yup."
"E, 'di ba, ang takaw-takaw mo?"hindi makapaniwalang tanong ko.
"Relax, this is just a snack,"tila nainis na sabi niya.
Natawa ako. Snack lang naman pala. "Alam mo bang mahilig ka sa chicken nuggets noon?"sabi ko.
Ngumisi siya. "Mahilig pa rin naman ako doon ngayon."
"Gawa rin sa chicken meat iyon, bakit kumakain ka naman no'n?"
"At least hindi ako ang nag-alaga ng mga chicken na pinagmulan ng meat no'n."
Natawa siya. "You mean, ang hindi mo lang kinakain ay 'yong animals na hindi ikaw ang nag-alaga?"
"I call 'em pet, Yaz,"seryoso siya.
"Sure, pets..."Ngumuso ako saka bumaling sa kaniyang aso. "Hi, Hee Yong! Nice shirt! Idol mo ba si Doc Maxwell at naka-white gown ka rin?
"Tsh,"asik ni Maxrill. "Hee Yong's a therapy dog that's why he's wearing white. At wala siyang iniidolo maliban sa akin."
"Okay, okay,"sumusuko kunyaring sabi ko saka kami nagsimulang kumain.
"Kumusta ang trabaho?"
"Mm, honestly, masaya ako recently kasi nakakapag-ER ako. Bad, 'no?"nagkibit-balikat ako. "Masaya naman sa area ko, pero...ewan ko ba."
"Ang sweet ng boyfriend mo, inilagay ka sa madaling area."
"Hindi rin madali sa area ko, 'no. Hindi nga lang talaga kasing hirap gaya ng ibang hospital areas,"depensa ko. "Saka...hindi ko siya boyfriend."
"Bakit hindi mo pa gawing boyfriend?"Hindi ko alam kung paano niya nagagawang mangulit nang may seryosong hitsura. Nagsasalita siya sa pagitan ng pagnguya, habang ang paningin ay nasa kinakain.
"Hindi naman siya nanliligaw." Gusto kong mahiya sa sagot ko.
Inilapag niya ang spoon at deretso akong tiningnan. "Hindi na iyon kailangan kung pareho naman kayo ng nararamdaman."
Napatitig ako sa kaniya ngunit agad ding nag-iwas ng tingin. "Sa mga batang tulad mo, syempre, iyon na ang uso. I mean 'yong wala nang ligawan. Pero para sa nasa edad nang tulad ko, of course, mas gusto kong manligaw siya para magkakilala kami nang lubos."
Pag tsur mo, 'oy...pataka ka lang! Ang sarili kong isip mismo ang kumontra sa sinabi ko. Gusto kong mahiya sa isinagot ko. Kung alam lang ni Maxrill ang mga nangyari na sa pagitan namin ni Maxwell ay paniguradong matu-turn off na ito sa akin.
"Kalokohan lang ang panliligaw. Puro magaganda ang ipakikita para mapasagot ka. Malalaman mong gago kung kailan kayo na."
Napangiti ako. Matured na talaga siya..."Naiintindihan ko ang point mo pero iba ang pakikipagrelasyon sa pananaw ko, Maxrill,"mahinahon kong sinabi, nagpapaintindi. "Sa panliligaw ko malalaman kung gaano ako kagusto ng isang tao. Doon ko matitimbang kung gaano siya kadesidido sa akin. Sa panliligaw ko malalaman kung dapat ba o hindi na sagutin ko siya. Gusto ko ng sapat na oras para makilala namin ang isa't isa."
"Tsh, courtship takes about three to four months, and any guy can fake a behavior for that certain time. Men are born to pursue women. We go hard for what and who we truly want. Actively. No timeframe. We'll do it for days, months, years, lifetime, Yaz."
Hindi ko nagawang sumagot. Sa halip ay nakangiti ko siyang tiningnan. Hindi ko akalaing darating kami sa ganitong point na para bang mas matured pa kung mag-isip si Maxrill kaysa sa akin. Hindi ko naisip na posibleng siya naman ang magbigay ng advice sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay ang tanda-tanda ko na.
"Gusto mong makipagligawan pero hindi ka naman niya nililigawan. Tsh."Bumuntong-hininga siya, pinagkrus ang mga braso at deretsong tumingin sa akin. "Sagutin mo ako ngayon at liligawan kita sa bawat dumaraang taon nang magkasama tayo,"bigla ay dagdag niya.
Nawala ang ngiti sa labi ko. Pero agad din akong tumawa upang hindi ipahalata ang pagkabigla. "'Ayan ka na naman sa mga biro mong bata ka. Kumain ka na nga lang."
"I'm serious, Yaz."
"Maxrill, hindi ka dapat nagbibiro kung kani-kanino ng ganyan. Baka mamaya ay may sumeryoso sa 'yo, hindi ka na makatakbo."Nameke pa ako ng tawa. "'Buti nalang magkaibigan tayo, nasasakyan ko ang mga biro mong ganito."
"We both know that I deserve more than just a friendship, Yaz."
Hindi ko nagawang sumagot agad. Paulit-ulit akong lumunok bago ko nagawang mameke muli ng tawa. Tumayo ako saka tinapik ang balikat niya.
"Ewan ko sa 'yong bata ka. Siya, mauuna na si noona, ha? May trabaho pa ako,"tumatawa kunyaring sabi ko saka iniwan siya. Nawala ang ngiti sa labi ko nang tuluyang makalayo sa kaniya.
Hindi ko matanggap na seryoso si Maxrill. Hindi ko magawang tanggapin na may gusto siya sa akin. Hanggang kapatid lang ang tingin ko sa kaniya at nasisiguro kong hindi kailanman magbabago iyon.
Sabay kaming nagpaalam ni Susy kay Doc Caleb nang matapos ang shift. Sasabayan ko pa sana siya palabas ng ospital nang makatanggap ako ng text mula kay Maxwell. Nagpasalamat ito sa iniluto ko at hiniling na daanan ang mga pyrex glass ko bago umuwi. Pinauna ko na si Susy at nakangiti akong nagtungo sa opisina ni Maxwell.
Dumeretso ako papasok nang makitang walang tao. Natanawan ko agad si Maxwell sa terrace. Nakapatong ang pareho niyang braso sa barandilya at nakatanaw sa 'baba. Inilapag ko ang gamit ko at tahimik na naglakad papalapit sa gawi niya.
"Tsh, here they are again,"hindi ko inaasahang marinig ang tinig ni Maxrill. Mula sa pwesto ko ay hindi ko siya nakikita. "Do you know them?"
"No," sagot ni Maxwell. "Who are they? They look familiar though."
"Madalas silang dumalaw rito para sa iyo. Masyado kang abala kaya hindi kayo magkita. Tsk tsk, hindi pa man nakapagsasabi ng damdamin ay mukhang basted na,"tinig nagbibiro si Maxrill.
"Baka naman ikaw ang gusto?"bawing biro ni Maxwell. Nakita kong sinamaan siya ng tingin ng kapatid. "Kayo parati ang nagkikita, e, baka manliligaw mo?"
"Nice joke,"ngiwi ni Maxrill.
"Ah, I remember now. He's a Venturi,"ani Maxwell.
Natigilan ako at kinabahan sa hindi malamang dahilan. Kung bakit naisip ko ang dagsa ng pasyente kanina at kahapon ay hindi ko alam.
~ To be continued. . .~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top