CHAPTER SIX

NARAMDAMAN KO lang ang lungkot nang nasa daan na kami pauwi. Hindi ko malaman ang mararamdaman. Naghahalo ang lungkot at saya sa puso ko. Saya, dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Maxwell. At lungkot, dahil hindi ko alam kung babalik pa siya.

Kinapa ko ang sariling damdamin. Wala man lang akong maramdamang takot. Dahil ang kalooban ko mismo ang nagsasabi na ginusto ko ang lahat nang nangyari. Talagang wala akong pinagsisisihan sa mga iyon.

Anuman ang plano ni Maxwell ay hindi ko alam. Maging ang nararamdaman niya ay hindi ko inaaalala. Masaya na ako sa kung anong namagitan sa 'min.

"Tsk, bilhan mo na nga ng teether si Spaun, babe? Please!" angil ni Deib Lohr nang makarating kami sa mansyon.

Natawa si Maxpein. "What's it for?"

"Para 'yon na lang ang ilagay niya sa bibig niya," saka ngumisi si Deib Lohr sa asawa. "'Wag 'yong sa 'kin. Tch."

"Dibdib mo ba isinusubo, ha?" inis na angil ni Maxpein.

"Tsk, ang slow mo, babe! Ang slow-slow mo," nakangusong kinuha ni Deib Lohr ang anak sa asawa.

"Wow, coming from a pagong like you," bulong ni Maxpein.

"Kay daddy ka lagi sasama, anak, ha? Para lumaki kang mabait, mahaba at gwapo."

"Mahaba, ah?" natatawang ani Maxpein.

Natawa rin si Deib Lohr. "Mahaba ang pasensya. Tch."

Tinunghayan ni Maxpein ang anak habang karga ito ng ama. "Tatapusin lang ni mommy ang mga inaasikaso niya. Tapos tututukan na kita. Kapag sa akin ka lumaki, sigurado na ang kasarian mo. Hindi ka pwedeng lumaki sa ama mo, Spaun."

"Tch. Bakit naman?" Binalingan din ni Deib Lohr ang anak. Natatawa ko silang inilingan. "Sa akin ka dapat lumaki, Spaun."

"Kapag diyan ka sa daddy mo, lalaki kang bully. Iyaking bully, bading na bully," kinausap ni Maxpein ang anak. "Paglaki mo, huwag kang mambu-bully. Masama 'yon."

"Mam-bully ka, Spaun. Do'n ko nakuha ang mommy mo."

Hinampas ni Maxpein sa braso ang asawa. "Puro ka kalokohan!"

"Babe naman..."

"Alis," banta ni Maxpein, seryoso.

Ngumiwi si Deib Lohr, walang takot. "Pakasalan uli kita diyan, eh."

"Naku, sundan na 'yan!" buyo ni Zarnaih. Natawa ang buong pamilya.

Iiling-iling ko silang tinalikuran, natatawa na lang. Ang sarap nilang panoorin, ang sarap nilang tingnan. Nakakainggit. Na kina Deib Lohr at Maxpein ang pangarap kong pamilya. Lalo pa ngayon na tila umiikot ang mundo ng mga Moon sa baby ng kanilang pamilya. Nakakatuwa dahil walang sandaling hindi sila masaya.

Hindi ko na naman napigilang makaramdam ng lungkot. Sa estado ng nararamdaman ko, kung saan handa akong magpauto, magparaya, magpaloko, magpagamit kay Maxwell. Iyong kahit wala siyang nararamdaman basta maglaan siya nang kaunting panahon sa 'kin, mahirap. Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa rin ako humihingi nang higit pa ro'n. Iyong para bang kontento na ako na may nangyaring gano'n, kahit pa umalis siya at hindi na magpakita.

Nakakalungkot na kontento na ako sa gano'n sitwasyon. Nakakalungkot na wala akong balak maghabol. Nakakalungkot na desperada ako sa kakakarampot na nangyari. Nakakalungkot na maramot ako sa sarili ko. Nakakalungkot na ganito lang ako.

Dumulog ang lahat sa mesa. Nakahanda na ang dinner kaya mabilis kaming nakapagsimulang kumain. Pero wala ro'n ang utak ko. Wala sa kahit na kanino doon ang atensyon ko. Hindi ko man lang namalayang nakatulala na pala ako, habang paulit-ulit na pinipisil ang sariling labi.

"Nag-e-emote lang 'yan," dinig kong ani Zarnaih. Siniringan ko siya. Tulala lang ako pero hindi ako bingi! "Sasama ka ba sa 'ming umuwi, ate?"

Napabuntong-hininga ako. Alam kong gusto kong manatili ro'n. Gusto kong mahiga sa kama kung saan may nangyari sa amin ni Maxwell. Gusto kong alalahanin ang pakiramdam. Gusto kong alalahanin ang impit na ingay na ginawa namin. Gusto kong alalahanin ang humahangos niyang ingay. Gusto kong balikan sa isip ang lahat. Pero may pasok ako bukas. At ayaw kong mangarag sa paggising nang maaga.

"Yeah, sasabay ako pauwi," sagot ko.

Tinapos ko ang pagkain saka nagpaalam na aakyat sandali sa kwarto. Hindi naman na sila nanguwestyon.

Pumasok ako sa kwarto ni Maxwell. Nakangiti kong iginala ang paningin at natuon iyon sa kaniyang collection. Pakiramdam ko ay napanood ko ang sandali naming dalawa kagabi, lalo akong napangiti.

Nandoon ang kilig. Pero hindi ko pa rin magawang paniwalaan iyon hanggang sa sandaling iyon. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko.

Matapos no'n ay pumunta ako sa guest room, na siya ring naging kwarto ko. Iyong kwarto kung saan may nangyaring hindi inaasahan sa 'min ni Maxwell.

May kung ano akong naramdaman, makamundo, hindi nararapat. Napabuntong-hininga ako at padapang nahiga sa kama. Pumikit ako at muling inalala ang mga nangyari.

Hindi ko na magawang kiligin, ni ang ngumiti man lang. Dahil sa sandaling iyon ay namuo na ang takot ko. Biglaan, hindi ko inaasahan. Takot na baka kung ano ang isipin niya sa 'kin. Takot na baka magbago ang tingin niya sa 'kin. At mas matinding takot pa sa posibleng dahilan niya kung bakit niya ginawa iyon.

Hindi ko alam kung anong klase ng experience meron si Maxwell. Wala akong nalalamang nagkaroon siya ng girlfriend. Pero hindi ako pwedeng magkamali, alam niya ang ginagawa. Walang sandali na naramdaman o nakita kong nag-alinlangan siya. Walang bakas ng kainosentehan sa bawat haplos niya. At kung ako ang tatanungin, nasisiguro kong paulit-ulit kong pagpapantasyahan iyon.

What the hell, Yaz! Napapikit ako sa kahihiyan sa sarili.

Natinag ako sa magkakasunod na katok. At napabalikwas ng bangon nang bumukas ang pinto at iluwa si Maxpein.

"Pein," tumikhim ako.

Deretso siyang tumingin sa 'kin at tumuloy. Seryoso siya, walang mababasang ekspresyon sa mukha. Normal niya 'yon pero hindi ko naiwasang magtaka.

Lumapit siya at naupo sa harap ko. Naglikot naman ang mga mata ko, hindi malaman kung magtatanong o magbibiro sa presensya niya.

"May nangyari ba sa inyo ni Maxwell?" Hindi ko inaasahan ang tanong niya!

Natuliro ako. "What do you mean?" iniwasan kong mautal. "Nothing, of course," pinilit kong matawa. "Bakit naman may mangyayari sa 'min," nag-iwas ako ng tingin.

"I mean, nag-away ba kayo?"

Napapamaang akong lumingon sa kaniya, palihim na nakahinga nang maluwang. "No." Umiling ako. "We're good." Tumango-tango ako, gustong sundan ang sinabi pero walang makapang salita.

"I see." Bumuntong-hininga siya saka nakangiting iginala ang paningin sa kwarto. "I always miss this place," may lungkot sa tinig niyang sinabi. "May parte ng mansyon na 'to na paulit-ulit akong pinababalik."

"This is your home."

"I know." Nakangiti siyang tumingin sa 'kin. "Our home."

Napangiti rin ako saka tumayo. "Kailangan na naming umuwi."

"Visit them as often as you can, okay?"

"Of course! Alam ko namang nami-miss nila ang mga luto ko."

"Yeah, paulit-ulit na iniuungot 'yan ni Mokz. Kahit ako ay hinahanap ang mga luto mo."

Ngumiwi ako. "Mabuti pa kayo. Samantalang iyong kuya mo, hindi man lang hanapin ang luto ko."

"Ang dinig ko naman ay ikaw ang ipinagluto niya."

Sabay kaming naglakad pababa. "Sinabi niya?"

Umiling siya. "Sinabi ng maid."

"Well, my luck."

"Tss. Milagro 'kamo."

Nagpaalam kami sa isa't isa saka sabay na bumyahe pauwi sa kani-kaniyang bahay. Pagkarating naman ay agad kong tinakasan ang bibig ng kapatid ko. Agad akong naligo at nagpahinga.

Kung gaano kabilis akong nakatulog kagabi ay siya namang tagal nang sandaling iyon. Dinampot ko ang cellphone ko. Sa unang pagkakataon ay hiniling at umasa akong sana ay may text message man lang si Maxwell. Dismayado kong tinawanan na lang ang sarili matapos mabigo. Of course, that's not his thing.

Dumaan ang oras, mga araw, linggo at buwan kagaya ng dati. Bumalik ako sa natural at paulit-ulit kong ginagawa. Bahay-trabaho ng lima o anim na araw sa isang linggo. Gumi-gimmick t'wing off o kung kailan mahila ng kaibigan.

Hindi ko nga lang maintindihan kung bakit pakiramdam ko ngayon ay mayroon nang kulang. At alam kong si Maxwell 'yon. Hindi ako ganoon noon. Natatagalan ko nang wala siya. At kontento na ako nang kinikilig sa t'wing maiisip siya. It feels different now.

Sa trabaho ay parati akong lutang, parating may iniisip. Kung dati ay nagkakamali ako dahil sa presensya ni Maxwell, ngayon ay dahil sa pagiging lutang.

He was just drunk, Yaz. Nangyari ang lahat dahil lasing siya, wala sa sarili, gano'n. Don't expect too much from him. He's not here and he makes no effort to be around you. He's not just gonna sit back and twiddle his pen if he really likes you. For sure he'll go after you.

Napayuko ako sa pareho kong palad at isinabunot iyon sa buhok ko. Hindi siya mawala sa isip ko. Masyado akong apektado nitong mga nakaraang araw at hindi na 'yon nakakatulong sa 'kin.

It'll be obvious if he do like you, Yaz. Come on. Kailangan kong makumbinsi ang sarili ko. Nangyari lang iyon dahil wala si Keziah sa tabi niya. Ngayong magkasama na naman sila, bale-wala ka na.

Lalo akong nalungkot dahil sa mga tumatakbo sa isip ko. Pero kahit gano'n ay hindi ko magawang umiyak. Ewan ko ba. Baliw na yata ako.

Kaya sa halip na magkulong sa kwarto ay bumaba ako upang makiusyoso sa pamilya ko.

"Oh, wala ka yatang gimmick ngayon?" tunghay ni Zarnaih.

"Nasa Singapore ang friends ko."

"Bakit hindi ka sumama?"

"Hindi naaprubahan ang request ko," nakasimangot kong sagot.

Napalingon kami nang sabay kay Lee matapos nitong tumayo nang may mag-doorbell.

"Wow, look who came to visit us, Zelestaire!" nangibabaw ang tinig ni Zarnaih. Napalingon naman ako sa gawi ng pintuan at napangiti nang makita si Maxpein at mag-ama niya.

At sa sandaling iyon ay naisip ko kung bakit nauna pa ang dalawang ito sa akin. Mas nauna ako sa mundo pero nahuling makita ang lalaking para sa 'kin.

Nagbaba ako ng tingin sa mga palad at inisip kung aling guhit ba doon ang swerte ko. Buang na talaga ako. 

Lumapit ako upang salubungin sila. Noon ko lang naramdamang miss ko na pala sila. Ilang linggo na rin mula no'ng huli ko silang makita. Dati-rati ay madalas akong dumalaw sa kanila, nitong mga nakaraan ay nagkukulong lang ako sa bahay. Masyado yata akong nalunod sa kaiisip kay Maxwell. Hindi ko lang marahil napansin dahil walang nakakahalata sa akin.

"Ang ganda talaga ng mata ng anak mo, Maxpein," papuri ni Lee. Nagulat pa ako nang makitang ito na ang may hawak kay Spaun.

"Mana kay Maxpein, syempre," sang-ayon ni Zarnaih, karga naman ang sariling anak. "Mata lang maganda sa kaniya, eh. Hahaha!"

"Tss." Siniringan ni Maxpein ang kaibigan.

"No, sa tingin ko ay kay Maxpein din nakuha ni Spaun ang ilong at labi niya. Hey, kiddo," nilaro ni Lee ang mga daliri nito. Ngumiti si Spaun, kumikinang ang mga mata sa ganda. "Tsh. Ano na lang ang nakuha nito sa kaibigan ko?" nang-aasar na biro ni Lee. "Anak mo nga 'to, Maxpein. Ikaw ba talaga ang daddy, Deib?"

"Shut up, will you?" asik ni Deib Lohr. "Ganiyan na nga sila sa Korea, pati ba naman dito. Tch."

Natawa sina Maxpein, Lee at Zarnaih. Lalo namang sumimangot si Deib Lohr. Wala akong ginawa kundi ang ngumiti. Hindi malaman kung may naiintindihan ba sa usapan o lutang na naman.

"Kung tawagin sa Korea ang anak ko ay Maxspaun, son of Maxpein. Parating gano'n, hindi nawawala ang pangalan ng asawa ko sa t'wing ipakikilala o tatawagin ang anak ko. Lahat sila ay gano'n. Parang hindi napapagod. Tch," nakangusong ani Deib Lohr. Natawa kami. "Dapat dito ay Maxspaun, son of the handsome Deib Lohr."

"Tara sa kusina, Maxpein, nag-bake ako," nang-aasar na ani Zarnaih. Lalo kaming natawa.

"Akin na nga ang anak ko, Lee. Tch!" Tumayo si Deib Lohr para bawiin ang naka. "Paglaki mo ay 'wag kang sasama sa anak nilang bibe," sinamaan niya ng tingin sina Lee at Zarnaih.

"Ang sama ng ugali mo, Sensui!" angil ni Zarnaih.

Napapabuntong-hininga akong nag-iwas na lang ng tingin. Ano ba, Maxwell? Malalanta na 'ko, ano ba talaga ang plano mo? Psh!

"Tahimik ka yata?" hindi ko inaasahang mapapansin ako ni Deib Lohr.

Natatawa ko siyang siniringan. "Tahimik naman talaga ako."

"Nice joke," nakangising angil niya.

"Naku, ganiyan na 'yan si ate mula no'ng lumipad papuntang Palawan ang bayaw mo." Umikot ang mga mata ko nang ibisto ako ni Zarnaih.

Natawa si Deib Lohr. "Bakit hindi mo sundan?"

"Excuse me, 'no, hindi ako gano'n," maarte kong sagot. Saka tinuhog nang tinuhog ang cake sa plate ko.

"'Sus, kung dumikit ka nga sa 'kin noon," mayabang niyang sinabi. Sumama ang mukha ko. "Bakit hindi mo gawin kay Maxwell 'yon?"

"Paano ba siya dumikit sa 'yo noon at parang naipagmamalaki mo?" asik ni Maxpein. Umayos ng upo si Deib Lohr.

Natawa na lang ako. "Come on, guys. Ganito lang ako kasi fresh pa."

"Fresh, kahit two months ago na? Sige, ate. Magkwento ka pa."

"Shut up."

"Sinabi ko naman kasi sa 'yong hindi ka type no'n," natatawa niyang sinabi. Napangiwi na lang ako. Wala akong lakas para patulan ang mga pang-aasar niya.

Masaya naming pinagsasaluhan ang cake na ginawa ni Zarnaih. Pinalis ko ang lahat ng iniisip tungkol kay Maxwell. Gaya nang dati ay masaya akong nakipagkwentuhan sa kanila. Nahinto lang kaming pare-pareho nang muling mag-ring ang bell nang magkakasunod.

Tumayo si Lee upang buksan ang pinto. At pare-pareho kaming nagulat nang makita si Maxrill.

"Dongsaeng," tumayo si Maxpein, nagtataka sa presensya nito.

Ngunit ang paningin ni Maxrill ay tutok na agad sa akin. Panay naman ang pagkurap ko habang pinapanood siyang lumapit.

Nanindig ang mga balikat ko matapos niya iyong haplusin. Napigil ko naman ang hininga nang yumuko siya at halikan ako sa buhok. Lahat ay nagulat, napamaang sa iniasta niya. Lalo na ako!

"Hello, Yaz," bati niya.

Pilit ang ngiti ko siyang tiningnan. "Why did you do that?"

"What?"

"That..." Nahawakan ko ang parte ng buhok kong hinalikan niya. Pakiramdam ko ay namumula na ako masyado.

"Because I missed you," pabulong niyang sagot.

Dumako siya sa bakanteng silya. Nagkamali ako nang isiping doon siya mauupo. Dahil binuhat niya ang silya at ipinuwesto iyon sa tabi ko. Natutuliro kong nilingon ang lahat ngunit na kay Maxrill din ang paningin ng mga ito.

"What are you doing here?" seryosong tanong ni Maxpein.

"I have a client tomorrow," sagot ni Maxrill habang himas ang tiyan. "Can I have some?" aniya na buhat ang plato at nakatanghod sa akin.

Napalingon ako sa lahat nang naroon, hindi malaman ang gagawin. Hindi ko nagawang kumilos agad dahil sa mga titig ni Maxpein sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung pagsisilbihan ko ba si Maxrill o ano.

"Ikaw, bata ka, oh," wala sa sarili kong nasabi, sinikap na huwag mabulol. "Kapag nalaman ni Maxwell ito, sasabihin no'n sini-spoil na naman kita," pinilit kong magtunog nagbibiro habang nagsa-slice ng cake para sa kaniya.

Naging matunog ang buntong-hininga ni Maxrill nang ilapag na muli ang plato. Hindi niya sinunggaban ang cake gaya nang inaasahan ko.

"Where's Hee Yong?" iniba ko ang usapan.

"Home," tipid ang ngiti ni Maxrill.

"Eat your cake na."

Tumitig siya sandali sa akin bago ngumiti. "Thanks."

Inusisa ni Maxpein ang pagdating ni Maxrill. Nainis naman ang bunso dahil panay ang pagtatanong ng panganay. Inaasahan kasi ni Maxpein ang pagdating ni Maxrill pero hindi sa bahay ni Zarnaih. Sa paraan nang pag-iinteroga ni Maxpein ay hindi ko naiwasang isipin na nararamdaman na rin niya ang mga kilos ni Maxrill sa akin.

"How have you been, Yaz?" Maxrill leaned on the sink while I was washing the dishes. May hawak siyang baso ng wine.

Napabuntong-hininga ako ngunit pinilit na ngumiti. "I'm fine, bunso," biro ko.

"Tch."

"What?"

"'Wag mo 'ko tawaging gano'n."

"Ano'ng gusto mo?"

Ngumisi siya. "Ano ba ang sweet sa pandinig mo?"

Ngumisi ako. "Sweet nga 'yong noona mo!"

"Tch. Hindi 'yon." Inis siyang nag-iwas ng tingin.

"Bakit nga ba hindi mo na ako tinatawag ng noona? Nami-miss ko na 'yon."

"Really?" nakangiti niyang tanong. Ngunit ang kaniyang tono ay tunog naaasar.

"Doon mo ako sinanay."

"Then, sasanayin kita sa pangalan mo."

"Mawawalan ka ng galang," nakangisi ko siyang pinandilatan.

Hinarap niya ako. "Igagalang kita bilang babae, hindi bilang ate."

Napatitig ako sa kaniya. Ngunit agad din akong nag-iwas nang makita kung gaano siyang kaseryoso. Kinuha ko ang towel at nagpunas ng kamay upang maiwasan ang tingin niya. Babaling na sana ako papalayo nang muling matigilan. Nandoon na si Maxpein sa likuran namin. Hindi na ako magugulat kung sasabihin niyang narinig niya ang lahat nang napag-usapan namin ni Maxrill.

Napalingon ako kay Maxrill, kabado. Ngunit magkalapat lang ang mga labi nito na para bang nasusuya na sa presensya ng kaniyang ate. Hindi ko naman maiwasang mailang. May kung ano sa akin na gustong itago ang napapansin ko kay Maxrill. Marahil ay natatakot ako sa ganitong reaksyon ni Maxpein. Pero hindi maingat si Maxrill. Talagang sinasadya niyang ipakita sa lahat ang mga hindi maipaliwanag na pagpaparamdam niya sa 'kin.

"Let's go," anyaya ni Maxpein saka tinalikuran kami.

"Are you free tomorrow?" habol ni Maxrill nang akma ko siyang lalampasan. "I'll pick you up after work, let's have a date."

Nagugulat ko siyang nilingon. "May kailangan akong gawin," nauutal kong sagot. "Maybe next time, Maxrill."

"How about I'll take you to work, pick you up after and send you home?"

"Maxrill, you don't need to do that."

"Please?"

Handa na akong tanggihan siya ngunit pinipigilan ako ng mga mata niya. Nang sandaling iyon ay hindi ko makita ang isip-batang Maxrill na nakagawian ko.

"Alright," napipilitan kong sagot, hindi ko naitago. "Bukas lang, okay?"

"What about my date next time?"

Nanlumo ako. "Alright, okay. Iisipin ko na lang na busy ang ate mo kaya ako ang niyayaya mo." Nginisihan ko siya, pilit.

Nakita ko siyang natigilan, pilit ang ngiting bumuntong-hininga saka tumango. "I'll be fine with that." Halos mapailag ako nang haplusin niya ang buhok ko. "I'll see you again tomorrow. Good night."

Nanlulumo ko siyang inihatid ng tingin. Lalo pa akong nanlumo nang makita kung gaano na kaseryoso si Maxpein. Maging ang nanunuri at nakikiramdam niyang mga tingin kay Maxrill ay hindi nakaligtas sa 'kin.

"Tsk tsk," napalingon ako sa umiiling na si Zarnaih. "'Ganda mo!" aniya saka tinalikuran ako.

Hindi ko magawang sagutin ang pang-aasar niya. I don't understand why I'm feeling guilty. At hindi ko matukoy kung para kanino iyon, kay Maxrill ba o kay Maxpein. Hindi ko ginusto kung anuman ang ipinakikita ni Maxrill. Pero hindi ko rin mapigilang makonsensya.

Igagalang kita bilang babae, hindi bilang ate.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Maxrill. May kung ano sa akin na hinihiling na sana ay magbago ang ihip ng hangin at bumalik siya sa dati. Mas gugustuhin ko iyong makulit na Maxrill na walang ibang problema kung hindi ang pagkain.

Napabalikwas ako nang bigla ay mag-ring ang cellphone ko. Inis ko iyong dinampot at pinandilatan matapos makita ang pangalan ng caller.

Maxwell! Dali-dali ko iyong sinagot. "Hi, baby!"

"Hi."

"Napatawag ka?" excited kong tanong.

"Just checking up on you. How are you?"

Napapadyak ako sa sobrang kilig. Walang kasing ganda ang boses ni Maxwell. Pakiramdam ko ay nag-e-echo iyon sa pandinig hanggang sa dibdib ko.

"I'm fine. Bakit ngayon ka lang tumawag?"

Naramdaman ko siyang matigilan. "I got busy."

Napanguso ako. Ayaw kong mag-demand. "Just asking," magiliw kong sagot, nagpapanggap.

"Lumabas ka ngayon?"

"No. Magdamag lang akong nasa bahay."

"Good."

"Why?"

"Nothing. Nandiyan si Maxrill."

"Yeah, galing siya dito sa bahay."

Dinig ko siyang bumuntong-hininga. "And what did he do?"

Nag-flashback sa isip ko ang lahat ng nangyari at napag-usapan namin ni Maxrill kanina. "We ate cake—"

"Together?"

"Yes."

"Why?"

"Anong why?" natawa ako. "Kasama sina MAxpein, Deib, Zarnaih, Lee at 'yong mga bata."

Muli siyang bumuntong-hininga. "Good."

"Seloso!" pang-aasar ko.

"Seriously?"

"Sabihin mong hindi?"

"Hindi."

"Psh," ngumuso ako. "Ang tagal mong hindi nagparamdam, ngayong nandito si Maxrill, bigla kang napatawag."

"Dahil no'ng nandito siya alam kong walang aaligid sa 'yo."

Nanlaki ang paningin ko. "Excuse me, marami sa ospital, 'no!" Nasapo ko ang sariling noo matapos sabihin iyon. Ang kapal talaga ng mukha mo, Yaz!

Muli siyang bumuntong-hininga. "Go to sleep."

Napanguso ako. "Kailan ka ulit tatawag?" napapangiti kong tanong.

"I can't promise. But I'll call you everytime I can."

"Okay," nakanguso kong tugon. "Anyway, Maxrill will pick me up tomorrow—"

"No."

"Yes," mariing kong tugon.

"No, of course not. He will not do that."

"Yes, he will do that."

"Yaz?"

"Yes?"

"No."

Natawa ako. "Wala ka kasi dito para sunduin at ihatid ako."

"Seriously?"

"Bleh."

"Yaz, no."

"Why not?"

"I'll be jealous, I'm telling you."

"Why?"

"Don't go out with him. Please."

Napabuntong-hininga ako. "Bukas lang, promise."

"No," mas mariin niya nang sinabi, nakikiusap.

"But I said yes already."

"Tsk." Matagal siyang natahimik sa kabilang linya. Gusto kong ma-guilty pero lamang ang kilig, hindi ko mapigilang ngumiti. "Whatever." Malalim ang buntong-hininga niya.

"I promise, bukas lang. Ihahatid niya lang ako sa trabaho, susunduin, at ihahatid ulit sa bahay."

"Wow," sarkastiko siyang humanga. "'Yong mga bagay na hindi ko nagagawa."

"Your fault. Bakit kasi hindi mo gawin?" naghahamon kong biro.

Sandali na naman siyang natahimik. "Matulog ka na. Good night."

"Good night." Hinintay niya akong ibaba ang linya. Hindi ko tuloy malaman kung matutuwa ako o malulungkot na naman. Nang sandaling iyon ay pinili kong maging masaya.

Kinabukasan ay tinupad nga ni Maxrill ang sinabi. Maaga pa lang ay tumawag na siya upang alamin ang oras ng duty ko. Tanghali pa lang ay nasa bahay na siya. Pinilit ko siyang mananghalian kahit sinabi niyang ipinagluto siya ni Heurt. Bumisita raw ito nang malamang dumating siya.

"So when are we going out?" tanong ni Maxrill habang papalabas kami ng bahay.

Natawa ako. "Ano ka ba? I know you're busy. Marami kang clients this week, right? Sila na muna ang unahin mo."

"I'll find time for you."

"Maxrill?"

"I can do that, Yaz."

May kung anong haplos akong naramdaman sa puso ko. Pero ang mata ko ay pinuno ng lungkot. Sa ibang bibig ko gustong marinig ang mga salitang iyon. Bakit kaya gano'n?

Sa halip na sumagot ay nagtuloy na lang ako papalabas ng gate. Ngunit pareho kaming natigilan ni Maxrill nang makita si Maxwell. Nakapamulsa at nakasandal sa kotse niya.

Ilang beses akong kumurap, kinusot pa ang mga mata. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya.

"Maxwell..," sambit ko. Tumitig siya sa akin na para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita.

Bumuntong-hininga siya saka sumulyap sa kapatid. "Hey, Maxrill."

"What are you doing here?" tanong ni Maxrill sa sarili nilang lenggwahe.

Ngumisi si Maxwell. At sa halip na sumagot ay humakbang siya papalapit sa akin. Nalito ako nang ilahad niya ang kamay sa akin. Napalingon ako kay Maxrill. Gano'n  na lang ang pag-igting ng kaniyang panga. Hindi ko na naman naiwasang makonsensya. Lalo na nang awtomatiko kong abutin ang kamay ni Maxwell upang sumama.

"You can go home, Maxrill. Ako na ang maghahatid sa kaniya," ani Maxwell.

Buntong-hininga ang tanging isinagot ni Maxrill. Tila kinurot ang puso ko nang sulyapan niya ako. I'm sorry...sinabi ko nang walang tinig. Wala na siyang nagawa nang akayin ako ni Maxwell papasakay sa kotse. Nakita ko pang tumango si Maxrill nang lumulan ang kapatid. Tiningnan ko siya habang papalayo kami, malayo ang kaniyang tingin.

Napalingon ako kay Maxwell, tutok siya sa pagmamaneho. Magsasalita na sana ako nang mapansin ang kaniyang hitsura. Mukhang wala pa siyang tulog o sapat na pahinga. Naitatago niya ang pagod sa nakakahipnotismo niyang hitsura at pabango.

"What?" nagulat ako nang magsalita siyang bigla.

"Bakit bigla kang lumipad papunta dito?"

"Isn't it obvious?"

"Hindi kita maintindihan, Maxwell," nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Ihahatid lang naman ako ni Maxrill."

"Why, can't I?"

"You're doing it already."

"Sa kaniya ay nakangiti ka, sa akin ay parang galit ka na."

"Dahil napahiya siya."

"I'm sorry."

"Sa kaniya mo dapat sabihin 'yan," napapabuntong-hininga kong sinabi. Besides, wala naman tayong relasyon para umasta ka nang ganito. "Bumalik  ka na sa Palawan."

Naramdaman ko nang lingunin niya ako, maging kung gaano katagal siyang tumingin sa akin. Sunod-sunod ang pagbuntong-hininga ko.

Hindi na siya umimik pa hanggang sa maihatid ko. Nagpasalamat ako ngunit tinitigan niya lang ako. Mabigat ang loob kong iwan siya at pumasok. Pero kailangan kong gawin iyon.

Nang makaupo sa nurse's station ay sinubukan kong tawagan si Maxrill. Hindi ito sumasagot. Kaya naman nag-text na lang ako upang humingi ng paumanhin.

Buong maghapon kong dala sa isip at dibdib ang nangyari. Aminado akong sa isip ay paulit-ulit kong hinihiling na sana ay maihatid ako papasok ni Maxwell. Pero hindi sa ganitong paraan. Batid kong napahiya si Maxrill. At hindi kinakaya ng konsensya ko ang hitsura niyang rumehistro sa isip ko. Tuloy ay mabigat ang pakiramdam ko hanggang sa matapos ang shift.

"Naku, bilisan mo na diyan at nakatulog na sa quarter 'yong sundo mo," ani Ma'am Minnie.

"Ako po?" nagtataka kong tugon.

"Oo, ikaw nga. Sino pa ba?" natatawang aniya. Tatanungin ko pa sana siya ngunit kumaway na siya papalayo.

Nagmadali akong sinupin ang mga gamit ko at nag-out. Dumeretso ako sa doctor's quarter. At gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Maxwell na natutulog. Nakaupo, magkakrus ang braso at patumba-tumba na ang ulo.

Ano ba ang nangyayari sa lalaking ito?

Napapabuntong-hininga akong lumapit. Bigla ko pang nasalo ang mukha niya nang awtomatiko iyong matumba. Tuloy ay nagising siya.

"Bakit nandito ka pa?" pabulong kong tanong.

Ngunit sa halip na sumagot ay nakaupo siyang yumakap sa katawan ko at muling pumikit.

"Maxwell?"

"Mm?" ungol niya.

"Ano ka ba, baka may makakita sa atin dito."

"Five minutes."

"Come on, let's go home."

"I'm so damn tired. Give me five minutes."

Nahabag naman ako. Hinaplos ko ang mukha at buhok niya. "Ako na ang magda-drive. Let's go home."

Awtomatiko siyang tumayo matapos kong sabihin iyon. Muli akong nagulat nang iakbay niya ang braso sa akin at naglakad na animong lasing.

"Umayos ka nga."

"I'm dizzy."

"Wala ka pang tulog, 'no?"

Tumango siya. "I told you, I was busy."

"Kaya nga hindi ka na dapat pumunta."

"Hindi ka dapat nagpapahatid sa kapatid ko," may awtoridad niyang sinabi.

"Kung magalit ka naman ay parang may relasyon tayo," nakanguso kong tugon.

Awtomatiko niyang inalis ang pagkakaakbay sa akin. "So kayo ang may relasyon?"

"Wala akong sinabing gano'n." Pinandilatan ko siya.

Muli siyang umakbay sa 'kin. Dahilan upang maagaw namin ang atensyon ng mga staff. Hindi ko malaman kung anong reaksyon ang ipapakita sa kanila matapos nila kaming pagbulungan.

"Don't mind them," ani Maxwell. "And don't date my brother."

"I'm not," pinalo ko siya sa tagiliran.

"Stop going out with him."

"I did not." Muli ko siyang pinalo. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay bahagyang bumagsak ang katawan niya. "'Wag mo nga akong diktahan? Ayoko nang dinidiktahan ako. May sarili akong desisyon."

"Okay."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi nakaligtas sa 'kin ang pangangalumata niya. "'Wag ka nang magpupuyat ulit."

Ngumiwi siya. "I can't avoid it."

"At mas lalong huwag kang magmamaneho nang ganiyan."

"Sure."

"Kumain ka na ba?"

Umiling siya. "I waited for you."

"The whole shift?" nagugulat kong tanong. "Nakaya mo 'yon?"

Nakangisi siyang tumango. "I'm the best."

"Sira ka! Sinabi ko bang maghintay ka?" hindi ko naitago ang inis dahil sa pag-aalala. "Dadaan na ako sa bahay ninyo, ipagluluto kita."

"I need to sleep."

"No, kakain ka."

"Babalik pa ako ng Palawan bukas nang madaling-araw."

"What?"

Ngumuso siya, napaka-cute. "Marami akong pasyente bukas."

"Ah, basta, ipagluluto kita at kakain ka. Kahit ako na ang magkain sa 'yo sa kama."

Ngumisi siya at kinagat ang labi. "Sure..." paungol niyang sagot.

Bastos! "Siguraduhin mo lang, Maxwell."

Ngumisi siya. "Nang-a-under ka na, ah?"

Sisinghalan ko pa sana siya pero natigilan na ako sa ganda nang pagkakangiti niya.

Dumeretso kami sa mansyon ng mga Moon. At mas nagulat pa ako nang malamang kay Maxrill lang nalaman ng mga ito na dumating si Maxwell. Tuloy ay sangkatutak na pambabara ang inabot niya kay Maxpein. Hindi ko naiwasang kabahan habang nagluluto, wala kasi akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila. They're all speaking in Korean. Gustuhin ko mang pagpahingain si Maxwell habang nagluluto ako, hindi siya nakaligtas kay Maxpein.

Hindi ko rin naiwasang hanapin si Maxrill. Pero hindi na ako nagtanong pa. Kung hindi naman dito ay paniguradong nandoon iyon sa bahay ni Maxwell.

"Get up," utos ko nang makapasok sa kwarto ni Maxwell. Bitbit ko ang tray katulong ang maid. Ipinagluto ko siya ng adobo.

Wala pa man ay sinunggaban niya na iyon. Napangiwi naman ako. Kung hindi pa makaamoy ng pagkain ay hindi magugutom. Kung anong lakas kumain ni Maxrill ay siya namang dalang nito. Sa sobrang busy ay madalas siyang malipasan. Si Maxpein naman ay nalilipasan din ng gutom madalas. Ngunit hindi dahil sa pagiging busy, dahil sa sobrang pagtulog.

"Ah..." Umasta si Maxwell na susubuan ako, nagulat ako. "Ah..," kunot-noo nang pag-uulit niya.

Napapangiti, napilitan akong isubo iyon. "Huwag ka nang magpapagutom ulit."

"Alright."

"Matulog ka agad."

"Agad?"

"Agad." Pinandilatan ko siya.

"Alright," pabuntong-hininga niyang isinagot. "Sleep beside me, Yaz."

"What?" muli ko siyang pinandilatan.

"Bitin 'yong yakap ko kanina."

Sa halip na magalit ay napangiti na lang ako. Pinanood ko siyang kumain. nabusog na rin ako nang paulit-ulit niya akong subuan hanggang sa maubos naming pareho ang inihanda ko. Inutusan ko siyang magpahinga na. Bumaba naman ako upang iligpit ang mga gamit.

"Yaz," nangibabaw ang tinig ni Maxpein habang abala ako sa hugasin. Bago pa ako makasagot ay nakalapit na siya. "I'll ask you a favor."

Kinabahan agad ako. "Yes?" napapalunok kong tugon.

"I want you to work in Palawan."

Naihinto ko ang ginagawa at napapamaang na tumingin sa kaniya. "Can you repeat that?"

Bumuntong-hininga siya. "Kailangan ni Maxwell ng nurse. Kulang pa siya sa tao. Ang mga aplikante niya ay hindi qualified sa posisyong hinahanap niya."

Hindi ko naiwasang mag-alala. Lalo na at nakakapanibago talaga ang hitsura ni Maxwell. "Bakit hindi niya sinabi?"

"Kailangan niya ng nurse. Dahil pinapatay niya ang katawan niya sa katatrabaho."

"Okay," pagpayag ko.

Nagliwanag ang mukha ni Maxpein. "Are you sure?"

Natawa ako. "Okay ka lang? Dream come true ang offer mo, 'no!"

Napailing siya. "Trabaho, Yaz."

"Oo nga, psh! Gano'n na rin 'yon."

"Tss."

"Kahit walang sahod ay tatanggapin ko 'yan!"

"Pwede ba naman 'yon?" natawa siya.

"Oo, volunteerism." Nagtawanan kami.

Hindi ko maitago ang saya nang gabing iyon. Pakiramdam ko ay biglang nagbago ang buhay ko. Iyong lungkot na pinagdaanan ko sa mga nakaraang linggo ay nabayaran ng isang magandang offer.

Hindi ko na ginising pa si Maxwell nang makabalik ako sa kaniyang kwarto. At sa halip na tabihan siya ay dumeretso na ako guest room. Kakatwang sa kabila ng presensya ni Maxwell at magandang balita ni Maxpein ay nakatulog ako agad.

"Yaz..." Nagising ako sa tinig ni Maxwell. Nanlalabo ang mga mata ko siyang tiningnan. "Bakit hindi ka tumabi sa 'kin?" tila naghihinanakit niyang sabi.

Natawa ako. "Ayaw na kitang gisingin."

"I'm leaving."

Alam na kaya niya ang offer ni Maxpein? "Okay, magre-ready lang ako."

"No, you don't have to."

"Okay lang?"

"Yeah. Anyway, I'll see you again tomorrow." Ngumisi siya. Hindi ko inaasahang yuyuko siya upang halikan ako sa labi. Gusto kong mahiya. "Go back to sleep."

"Take care."

"I can't wait to see you again." Pinaghaplos niya ang pareho naming ilong. Gusto kong itanong kung nananaginip ba ako. "Bye for now."

Hinalikan niya ako sa pisngi at noo, at hindi na hinayaang sumagot. Nakatingin kami sa isa't isa habang papalabas siya, hanggang sa mailapat niya ang pinto. Nakangiti kong ipinikit muli ang mga mata ko.

Nang araw ring iyon ay kinausap ako ng pamilyang Moon. Nang hapon ay magkakasama kaming pumunta sa BISH para sa pormal kong pagpapaaalam. Marami ang nabigla, naiintindihan ko naman sila dahil amaging ako ay ganoon. Syempre, lalong nagulat si Zarnaih nang malaman ang balita ko. Hindi na nga naman ako umuwi nang gabing iyon. Bumalik lang ako para ibalitang sa Palawan na ako magtatrabaho. At ang lahat ng papel ko ay ipapadala niya na lang doon oras na maayos na.

Gaya nang napag-usapan, nang sumunod na araw ang nakatakda kong pag-alis. Emosyonal akong inihatid ni Zarnaih sa airport kasama ang mga Moon. Hindi ko naman makuhang malungkot dahil alam kong pwede nila akong puntahan anytime. Besides, I was too excited to feel sad.

Nagpresinta na akong huwag nang magpasundo. At sumakay na lang ng regular airlines. Ayaw ko nang makaabala. Mas mabilis kung ganitong travel bagaman mas komportable kung eroplano ng mga Moon ang gagamitin.

I prepared so damn hard for this day. Kahit hirap na hirap, kahit bigat na bigat, nakangiti kong binitbit ang naglalakihan kong maleta. Natagalan nga lang ako sa loob mismo ng airport. I asked someone to help me lift my luggage off the carousel but she was not happy to oblige. I was not even disappointed, masyado akong excited. I was even willing to take a taxi if it's necessary. But that's impossible. I'm sure someone's waiting for me outside. Though he should've gone inside and helped me with my stuff.

Lahat ng damit at gamit ko ay bago, I bought them online. At ang pinakasimple ang siyang isinuot ko papunta. Syempre, ayaw kong ipahalata kay Maxwell ang excitement ko. Pulang crochet sexy dress iyon. Mahaba sa likuran ngunit may kaiklian sa harapan. Kapares niyon ay black high wedge seagrass sandals at shell embellished cowboy strawhat. Nagmukha namang natural ang messy wavy hair ko.

"So tell me, Mang Pitong, did Maxwell asked about me?" nakangiti kong usisa, tumabi kay Mang Pitong sa deck. "Was he excited that finally he'll see me na? Like, I traveled for almost four hours to get here, I'm sure he did asked my whereabouts, yeah? He did, right?"

"Hindi naman," nakangiti, deretso, walang-alinlangan, walang pakundangan niyang sagot.

Nawala ang ngiti sa labi ko, nakataas ang kilay na nag-iwas ng tingin. "Well, I'm sure he did," nakangiti, nagtatago ng hiyang tugon ko. "Hindi lang siguro sa inyo nagtanong," sabay kaming natawa sa huli.

I missed this place. Lalo na 'yong napakasarap at sariwang hangin na dito ko lang nalalanghap. I mean, sure, I've been in other places and I can say na masasarap ding langhapin ang hangin doon. Even sa lugar namin sa Cebu ay maipagmamalaki maging ang malinis na hangin. Pero iba ang hangin sa Palawan. Mala-Maxwell sa sarap.

Halos takbuhin ko ang hotel nang makadaong ang yate. Wala nang paglagyan ang excitement ko. Gusto ko nang makita si Maxwell.

Gano'n kadali kong nakalimutan ang nagbibigatan kong maleta. Hinayaan ko iyong buhatin ni Mang Pitong nang mag-isa. Wala akong awa, samantalang mukha pa iyong mabigat kaysa sa katawan niya.

Sa hotel ako mananatili sa gabing iyon. Bukas ay ihahatid naman ako ni Mang Pitong sa tutuluyan ko. Hindi na ako nagtanong, inisip ko na lang na si Maxwell mismo ang pumili ng unit na io-occupy ko. Parang umaalon sa tuwa ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay ngayon lang natutupad ang mga pangarap ko. Ang makasama si Maxwell sa trabaho.

"Nandiyan po kaya si Maxwell?" tanong ko nang makapasok kami sa hotel.

Nakangiting tumango si Mang Pitong. "Nasisiguro kong naririto pa iyon."

Hindi nga nagkamali si Mang Pitong dahil sa mismong lobby pa lang ay namataan ko na si Maxwell. Halos mapatalon ako sa tuwa. Gusto kong itili ang pangalan niya at tumakbo papalapit upang yakapin siya.

Pero abala si Maxwell sa pakikipag-usap sa isang lalaki. Paniguradong VIP ang kaniyang bisita. Hindi kataka-taka iyon, bakas sa malakas nitong dating. Bukod sa dalawang pormadong gwardya na panay ang linga sa di kalayuan dito.

"Sino 'yong kausap niya, Mang Pitong?" hindi ko inalis ang paningin kay Maxwell. Panay ang pagkagat ko sa labi habang sinusuyod ng tingin ang kaniyang kabuuan.

Napako ang paningin ko sa braso ni Maxwell. Maski iyon ay may sariling dating! Klarong-klaro ang kaputian niya. Napakalinis niyang tingnan at sobrang gwapo.

"Mula sa angkan ng mga Venturi. Mayamang negosyante," ani Mang Pitong.

Tumango-tango ako saka nilingon muli ang dalawa. Both of them were sitting on the couch and sipping a cup of drink. I can't believe na tumanggap ng bisita si Maxwell lobby. That's not him. He always gives VIP treatment to his guests.

Nilingon ko ang bisita at mataman itong pinag-aralan. Nagkataon na sabay silang tumayo ni Maxwell upang kamayan ang may edad nang babae. Napadaan lang ito. Mukha ring VIP at bisita sa resort. Sandali silang nakipag-usap bago inihatid ng tingin ang ginang.

Matangkad din ang bisitang lalaki, halos maabutan ang Maxwell ko. At hindi ko maitatangging makalaglag-panga rin ang hitsura nito.

I'm sure he wasn't a male model but he should have been. His eyebrows were thin and narrow, perfect for his brown eyes. His hair was copper brown colored and styled to perfection. His aquiline nose complemented his prominent jaw and cheekbones. Handsome in an understated way, his shoulders spoke of strength. He possessed a leonine power and talk with purpose and authority.

But Maxwell is far different. He's got the kind of face that will make you stop in your tracks. Looks that will make your heart pump irregularly. Gestures that will make you wonder what it's like to be with him. That strong and defined face, features molded from granite will make you weak. His dark eye brows which give him a serious expression is damn attractive. He has this red lips perfectly shaped for kissing. His voice was husky but deep, with a very serious tone. Everything about him captivates me, I couldn't help but blush while staring.

Lalapit na sana ako nang mag-iba ang hitsura ni Maxwell. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita kong mag-igting ang panga niya. I'm sure he doesn't like what he's hearing right now.

"This island is private, Mr. Venturi. I demand respect for its privacy," mariin, pormal na ani Maxwell nang magtaas siya ng boses. Tuloy ay kinabahan ako. Kapag ganoon na kasi ang kaniyang tono, mapuputol na ang manipis na pisi ng espesyal niyang pasensya.

Matunog ang pagngisi ng tinawag na Mr. Venturi. "You haven't heard any of our plans yet, Mr. del Valle."

"Maybe because nothing ignited my interest, Mr. Venturi, and I wonder why is that."

"Yet," mariing dagdag ni Mr. Venturi. "Come on, Maxwell. Give this to me. Give me a chance."

Bumuntong-hininga si Maxwell, nauubusan na talaga ng pasensya. "If you're planning to put up another business venture, do it in other island, in other place. 'Wag dito. Uulitin ko, pribado ang islang ito, Mr. Venturi. Kailangan ko ang pang-intindi at respeto mo."

Humalakhak si Mr. Venturi. "You don't get it, aren't you, Maxwell Laurent del Valle?" sarkastikong aniya, pinasadahan ng tingin si Maxwell. "This place is perfect for business that's why I'm running after it. Your population match my customer profile to support my business. Well, of course I'm not pertaining about the locals here. I'm talking about the huge number of tourists. Hindi basta-basta ang mga turista mo, ikaw man ay aminado."

"Ikaw ang hindi nakakaintindi sa 'kin, Montrell Venturi," hindi malaman kung natatawa o naiinis na si Maxwell. "Casino ang plano mong itayong negosyo. If you're expecting a del Valle to approve and accept your proposal as easy as that, you're probably out of your mind."

Ngumiti ang bisita, nagpapasensya. "The purpose of this business plan is to raise funds for educational programs, Mr. del Valle. I'm very much aware how important education is to you. I can show you an accurate business plan and enough funding for you to make sure that this business will be established correctly. I'll give you a copy of my license once it is released."

Napasinghal ng tawa si Maxwell, asar na asar na. Ngumingiti na lang upang huwag mabastos ang bisita niya. Humigop siya sa sariling tasa saka muling sumandal at pinagkrus ang mga braso.

"Montrell," nakangiting pagtawag ni Maxwell. Ang paningin ay nasa sariling kamay. "I cannot allow you to destroy this delightful island." Tumayo siya, hudyat na pinaaalis niya na ang bisita. "Thanks for visiting, Mr. Montrell Venturi."

Dismayadong tumayo ang bisita. Tatango-tangong tinanggap ang kamay ni Maxwell. "May I remind you that you might be among the richest people in the country but you are not the most powerful one, Maxwell." Sinuyod niyang muli ng tingin si Maxwell. "Thanks for being accommodating," sarkastikong dagdag niya.

Tango lang ang isinagot ni Maxwell saka iminuwestra dito ang daan, lalong nang-aasar. Mabilis na naglakad ang lalaki, papunta sa gawi ko. Lalampasan na sana ako nito nang muli akong lingunin. Bumalik ito at hinarap ako. Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuan ko.

"Good afternoon, sir," magalang kong bati, naiilang. "Hi, Maxwell," agad na kumibot ang pisngi ko at labi sa pagngiti. Baby!

"Good afternoon," ngumiti sa 'kin si Montrell saka nilingon si Maxwell. "Your wife?"

Ah! Wife? So...fetch!

Awtomatiko kong nakagat ang labi saka nakangiting nilingon si Maxwell. Binigyan niya lang ako ng nanunuyang tingin at hindi sinagot ang bisita.

"I'm Montrell Venturi," inilahad nito ang kamay sa akin.

Nilingon ko si Maxwell, ang paningin niya ay nasa kamay lang ni Montrell. Na nakanguso ko namang tinanggap.

"Zaimin Yaz Marchessa," nakangiti kong tugon.

Nabigla ako nang halikan ni Montrell ang likuran ng palad ko! "I see, so you're—"

Tinapik ni Maxwell ang kamay niya at inagaw ang braso ko. "She's my nurse," hindi na naituloy ni Montrell ang sasabihin nang pangunahan siya ni Maxwell, masama na ang tingin.

"I see," nakangising tumango si Montrell. "Nice catch," aniya na nasa akin ang paningin. Nawala ang ngiti sa labi ko. "You need more nurse, I heard."

Napakislot ako nang maramdaman ang braso ni Maxwell na pumatong sa balikat ko. Agad akong nag-angat ng tingin sa kaniya, hindi na malaman ang mararamdaman.

Nakangiwing tinalunton ng tingin ni Montrell ang braso ni Maxwell sa aking balikat. Saka siya ngumisi. "Your private nurse?" tila natatawang aniya pa.

Hindi man lang nagbago ang blankong hitsura ni Maxwell. "My own nurse." Napako sa kung saan ang paningin ko sa gulat. Muling inulit ng isip ko ang sinabi ni Maxwell, lalo na ang diin doon. "Take care on your way home, Montrell."

"Thank you," bumuntong-hininga si Montrell saka inayos ang coat. "Ang dinig ko nga ay may paparating na kalamidad."

Ngumisi si Maxwell. "The calamity's here already, right in front of you. No need to worry."

Umawang ang labi ni Montrell sa pagkakatitig kay Maxwell, prinoseso ang sinabi nito. Saka muling ngumisi. "I see. Until then, have a good night."

Sabay naming tinanaw ang paglayo nito. Salubong na ang kilay ni Maxwell nang malingunan ko. Inis niyang niluwagan ang kurbata saka nakapamulsang humarap sa 'kin.

Matagal siyang tumitig, bumuntong-hininga bago nagsalita, "Welcome back to Palawan."

Hindi ko na nagawang sumagot. Excited akong yumakap sa kaniya. Naramdaman ko siyang bumuntong-hininga nang pagkalalim-lalim, napanguso ako. Ngunit sadyang lamang ang saya ko. Gano'n talaga si Maxwell sa akin. Idinadaan na lang sa pagbuntong-hininga ang kakapalan ng mukha ko.

Nakagat ko ang labi nang maramdaman ko ang haplos niya sa likuran ko. "Your dinner is ready," aniya nang ilayo ako.

"Join me."

"No."

"Please?"

Nakangisi niyang isinabit ang ilang hibla ng buhok sa likuran ng aking tainga. "In your wet dreams."

Napamaang ako saka tinanaw ang paglayo niya. Bastos talaga!

"Next time ay huwag kang makikipagkamay sa mga lalaki," nakangisi niyang sinabi. Natawa ako ngunit agad ding nahinto iyon nang bigla siyang sumeryoso. "You also need to protect what's mine."

So...fetch.

To be Continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji