CHAPTER SEVEN
WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS
MATAPOS ang dinner ay inihatid ako ni Maxwell sa VIP room. Gusto kong manibago, parang hindi na kasi parte ng hotel ang kwartong iyon. Kung kwarto nga bang matatawag. Dahil kung ako ang tatanungin ay condominium style na iyon. May sariling kitchen, dining area at sala. Nakakabilib ang katamtamang laki at magarbo ngunit simpleng dekorasyon sa kabuuan ng kwarto. Pakiramdam ko tuloy ay napakahabang panahon na ang lumipas mula nang huli akong bumisita dito dahil sa mga nakikita kong pagbabago. Kahit na ang totoo ay hindi naman. Sadyang mayaman at makapangyarihan lang ang mga Moon kaya ang lahat ng gusto ay nasusunod at naaayon sa kanilang plano.
Pero kahit anong ganda at paghanga ang maramdaman ko sa paligid, parating inaagaw ng panganay na del Valle ang paningin ko. Hindi maalis sa akin ang tuwa at ngiti. Paano'y ipinagbuhat ako ng loko. Nakakaasar nga lang dahil napaka-sexy pa rin ng dating niya habang naghihila ng maleta. Kahit yata ipatong niya iyon sa mga balikat ay bagay sa kaniya. Hindi ko naiwasang mapaisip kung may bagay bang hindi babagay sa mga Moon. Dahil sa nakikita ko ngayon, mukhang imposibleng meron.
"I don't really need a room this big," magkakrus na ang mga braso ko nang harapin siya. Pinanood ko siyang ipasok sa silid ang mga gamit ko. Bigla ay napangisi ako. "Please pakilagay na lang ang mga gamit ko sa side ng bed." Itinuro ko kunyari ang gawing iyon, nang-aasar.
Awtomatiko siyang nahinto at bumitiw sa mga maleta. Humalakhak ako, lalo pang nang-aasar. Namaywang siya at marahang naglakad papalapit sa akin. Halos masinghot ko ang hininga niya nang lumapit siya nang sobrang lapit. Kaswal lang naman sana iyon kung hindi niya hinawakan ang magkabilang balikat ko at minasahe nang pagkasarap-sarap iyon. Hindi pa nakontento ang loko, inilantad nang todo ang balat ko. Para akong naliyo sa sarap, tumingala nang nakapikit at ninamnam ang masarap na pakiramdam. Mas nagpatakam ang loko nang mainam niyang haplusin ang balat ko. Hindi lang yata talento ang meron ang mga Moon. Meron din silang kuryente. Oo. Kuryenteng dumadaloy sa katawan. Dahil iyon ang ipinararamdam sa akin ni Maxwell ngayon.
"Ang galing mo diyan," sabi ko nang nakapikit, muling nang-aasar. Ayaw kong ipakita sa kaniya ang panghihinang idinudulot niya. "Bakit hindi mo ito gawing sideline?"
Pero sa halip na patulan ako ng salita ay sa kilos siya gumanti. Hindi lang kilabot ang idinulot ng magagaling na kamay ng panganay na del Valle. Hindi lang tuhod kundi ang buong katawan ko ang nanlambot. At wala pa man ay binabalot na ako ng kakaibang pakiramdam. Kung bakit malamig naman pero parang namumuo na ang mga pawis ko. Napamulat ako nang dampian niya ng halik ang buto sa itaas na bahagi ng dibdib ko.
"How about...tell me which part of you I should touch first?" Sinasabi niya iyon nang mapungay ang mga mata at nakatingin sa aking labi. Mukhang hindi lang ako ang naliliyo. "Using my starved lips."
Kinilabutan ang kabuuan ko. Naiisip ko palang ang sinasabi niya ay iba na ang epekto. Dumagdag pa ang kaniyang boses na may hipnotismo at mga haplos niyang nakakaloko.
He loves what he's doing, it is showing through! I love how I can see it in his eyes, how I can feel it in his hands. And it's really turning me on. Maging ang mapupungay niyang mga mata ay lalo akong pinanghihina. Nasisiguro kong alam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon dahil sa nababasa ko doon.
"Naiisip ko palang na paparating ka ay hindi na ako mapakali. I wonder why..." Gumapang ang mga palad niya paibaba sa mga siko ko hanggang sa marating ng mga iyon ang aking baywang. Napaigtad ako nang maramdaman ang iilang daliri niya sa balat ko sa likuran. Nagtama ang mga paningin naming hindi na magmulat nang ayos. "You smell so good."
Nangunot ang kaniyang noo habang ang paningin ay nasa panga ko. Napalunok ako nang marahan siyang lumapit at simulang halikan ako. Magmula sa aking tainga, kung nasaan ang kahinaan ko, napapikit na ako nang tuluyan. Ang kigwa, wala man lang yatang balak na pagpahingahin ako. Hindi lang gutom, takam na takam at naglalaway pa.
Hindi ako kumilos. Hinayaan ko si Maxwell na sakupin ang katinuan ko at pakilusin ko nang naaayon sa kaniyang gusto. Ang nakakaloko niyang ngiti habang ninanamnam ang aking labi ay gusto kong kuwestiyonin. Pero ang sensasyong dulot niya ang pumipigil sa akin.
Pinagmasdan niya nang may nakakaakit na paghanga ang kabuuan ko nang tuluyang mahubad ang lahat ng aking suot. Saka siya tumitig sa nga mata ko habang isa-isang inaalis ang pagkakabutones ng polo niya. Sunod-sunod ang paglunok ko. Inuubos ng kigwa ang lakas ko ng loob. Ang natural na kapal ng mukha ko ay parating numinipis pagdating sa kaniya.
Nakagat ko ang labi nang makita kung gaano siyang kahanda para sa akin. Mukhang hindi lang yata labi ang gutom sa kaniya. Nasisiguro ko iyon. Walang babae ang hindi hahanga sa kaguwapuhan ni Maxwell. At sinumang lalaki ay hahanga kung hindi maiinggit sa kaniyang pagkalalaki.
Namungay ang mga mata niya habang tinitingnan ang bawat parte ng katawan ko. Awtomatiko akong nahawa sa hindi malamang dahilan. Gusto kong takpan ang lahat ng bahagi ko, pero kulang ang aking palad.
Maxwell...
Wala pa man ay tinatraydor na ako ng isip ko. Gano'n na lang katindi ang pagpipigil kong lumapit. Gusto ko siyang hintayin. Gusto kong iparamdam niya sa akin kung gaano siyang nananabik. At sa unang pagkakataon ay ayaw kong gumawa ng hakbang para sa sarili kong kagustuhan.
Lalo akong naliyo nang muli siyang humakbang papalapit. Hindi ko napigilan ang sarili kong mapakapit sa kaniyang braso nang pagapangin niya ang palad sa dibdib at baywang ko. Napapikit ako sa panibagong sensyasyon.
Ano nga ba ang nakaliliyo sa ginagawa niya? Hindi na ito bago, Yaz, mahiya ka!
Ikinahihiya kong harap-harapan niyang nakikita ang pananabik ko. Nasisiguro kong hindi lang sa mata, kundi sa buo kong hitsura niya nababasa ang bawat pananabok sa aking katawan.
Yumakap siya sa baywang ko saka sinunggaban ang labi ko. Doon ko tuluyang naramdaman kung gaano siyang kauhaw. Seryoso ang loko, halos magkulay asul ako kapipigil sa sariling hininga malabanan lang ang halik niya. Sabik na sabik nga!
Halik pa lang ay dumaraing na siya, naghahanap, naghahangad nang higit pa. Ang impit na daing ni Maxwell ang paborito kong parte sa t'wing magsasama kami. Iyong daing na tila tubig na idinidilig sa makamundong parte ng aking pagkababae.
Marahan niya akong itinalikod at nang magmulat ay tumama ang paningin ko sa sarili mula sa salamin. Ang gandang pagmasdan ng height namin, bagay na bagay. Height ni Maxwell ang paborito kong height sa buong mundo. Paborito ko ang likod niya pero mukhang paborito ko na rin ang dibdib niya. Kahit yata hindi ako bihag ng bisig niya ay magagawa akong protektahan ng kaniyang dibdib.
"Why the hell are you doing this to me?" ungol niya. Napapikit ako sa sarap niyon sa aking pandinig.
Napatingala ako nang yumuko siya upang halikan ang leeg ko. Hinawakan niya ako sa sentido, mas inilalantad ang parte na gusto niyang dampian ng labi. Napadaing ako nang hawakan niya ang pareho kong dibdib.
"I want you so bad..." muling ungol niya. Nakangiti kong kinagat ang aking labi.
Awtomatiko akong nagmulat nang maramdaman ang palad niyang bumababa sa aking hita. Nagtama ang paningin namin sa salamin. Pinanood ko siyang iangat ang hita ko at ipatong iyon sa kama. Binalot ako ng kahihiyan nang lumantad ang itinatago kong korona.
Pinakatitigan naman iyon ng kigwa. "You're the most beautiful art that I have ever seen, felt and touched, Zaimin Yaz." Sinabi niya iyon nang may uhaw na paghanga, ang paningin ay hindi mawala sa korona ng reyna. At nang maramdaman ko ang katawan niya sa likuran ko, doon ko napagtantong siya ang hari. At handang-handa na siyang magpaupo sa kaniyang trono.
Napamaang ako nang laruin niya ng hintuturo at gitnang daliri ang labi ko. Pinanood ko siyang ilapit iyon sa kaniyang sariling labi. Nakagat ko ang aking labi nang dilaan at basain niya ang sariling daliri. Sinabayan niya nang nakakalokong pag-ungol ang paglilibang ng isa pang kamay sa dibdib ko. Hindi ko na lubos maisip kung paanong pupuwesto nang hawakan niya na ang korona ko. Pakiramdam ko ay mababali nang todo ang mga tuhod ko sa panghihina lalo na nang sabayan niya ng halik ang ginagawa. Hindi ko malaman kung saan at gaano kahigpit na kakapit, kung sa bawat dampi ng kaniyang labi ay lalo akong namimilipit. Halos isigaw ko ang pagdaing sa galing niyang mang-akit. Ang haplos ng kaniyang palad ay tila apoy na pinagliliyab ang bawat parte ng katawan ko.
Shit, Maxwell...
Sa isip ay panay ang pagdaing ko sa pangalan niya. Pero sa reyalidad ay siya ang tumatawag sa akin. Hindi ko kailanman naisip na posibleng mangyari ang lahat nang ito sa amin. Higit pa ito sa pangarap na imposible kong makamit.
Nang nakontento siya sa pagpapatubig sa akin ay saka niya ako marahang inihiga. Doon palang sa simula, nang ipatong niya ang korona sa trono, parang sasabog na ako. Pero sadyang swerte yata talaga ako sa gwapo ngunit masungit na kigwang ito. Dahil kahit paulit-ulit ko siyang unahan ay kumikilos siya para masabayan ako. Tuloy ay hindi lang dalawa, hindi lang tatlo, kundi apat na beses naming pinagod ang isa't isa para lang sabay na sabuyan ng pataba ang hardin ng kaharian.
Gusto ko sanang tanungin pa si Maxwell kung dito siya sa tabi ko matutulog. Pero matapos marinig ang matunog niyang hininga, matapos makita ang pagod na talukap ng kaniyang mga mata, hindi na ako nagsalita pa. Nakangiti kong ipinikit ang aking paningin, at ikinasiya ang pagod at nanlalata kong katawan. Isiniksik ko ang sarili sa kaniya, at halos mapahalakhak ako sa tuwa nang kabigin niya rin ako at yakapin.
Kinabukasan nang magising ay agad akong napangiti nang maramdaman kung gaanong kahigpit ang yakap ni Maxwell sa akin. Para bang ayaw niya na akong pakawalan. Na para bang hanggang sa kaniyang panaginip ay magkasama kami. Napakasarap mangarap sa umagang iyon katabi ang lalaking ito.
Marahan kong inalis ang kaliwang braso niyang nakapulupot sa leeg ko. Mas nag-ingat pa ako nang iyong kanang braso niyang mahigpit ang kapit sa aking baywang na ang tinatanggal ko. Maging ang pag-aalis sa binti at hita niyang nakapatong sa akin ay hindi naging madali. Kung noon ay hinihiling kong maging unan ni Maxwell, ngayon ay gusto ko nang maging paborito niyang unan.
Mabilis akong nag-shower saka ko dumeretso sa kitchen bitbit ang aking laptop. Nagpatugtog ako bago lumapit sa fridge. Nakakabilib ang dami ng laman. Nangiti ako nang maisip na talagang pinaghandaan ni Maxwell ang pagdating ko. Inilabas ko iyong bacon strips at eggs. Sinimulan kong mag-fry bago ko nag-toast ng bread.
Now I've had the time of my life...
Oh, I've never felt this way before.
Yes, I swear, it's the truth.
And I owe it all to you...
Nakangiti kong sinabayan ang kanta habang nagluluto. May sandali pang napapasayaw ako. Iba talaga ang epekto sa akin ni Maxwell. Kahit yata isang buwan akong may mens, hindi masisira ang mood ko. Pero nasisiguro kong hindi magugustuhan ng kigwa ang isang buwan na period. Paniguradong mas masungit pa siya sa akin no'n. Kahit na mas masungit namang talaga siya.
"Good morning." Kilabot ang idinulot sa akin ng tinig niya. Lalo pa nang hindi pa man ako nakalilingon ay sinapo niya na ang baywang ko. "Smells good." Yumakap siya nang mahigpit at isiniksik ang mukha sa leeg ko.
"Lahat ng luto ko, mabango."
"Ikaw ang tinutukoy kong mabango." Langhap ko ang toothpaste mula sa bibig niya. Ramdam ko ang lamig nang idampi niya sa aking pisngi ang labi. Damn... "I want to eat."
"It's almost done."
"You're cooked."
Nagugulat ko siyang nilingon. "Napakapilyo mo!"
"I want to eat you," pabulong niyang sinabi. "Let me eat you instead."
Pinalo ko ang mga braso niyang ayaw kumawala sa akin. "It's too early!" halakhak ko.
"What time should I eat you then?"
"Maxwell, ano ba!" humahalakhak kong saway, nag-iinarte, lumalandi.
Tumawa siya, napaka-sexy pati ang tawa. Normal pa ba ang tingin ko sa mga gawi at kilos niya? Nababaliw na yata ako. Wala akong makita ni mapansing pangit sa kaniya. I like everything about him. Kahit pa sobrang sungit niya.
"Wala kang duty ngayon?" nakangiting tanong ko. Hindi ko yata mabubura ang ngiti sa aking labi dahil sa pagsiksik na ginagawa niya sa leeg ko. Ikinikiskis niya ang ilong sa aking batok saka ako aamuyin sa buhok.
"Wala," iling niya. "But I have a lunch meeting with my team. Tsk."
Natawa ako. "Bakit parang masama pa ang loob mo?"
"I wanna join you for lunch." Bumuntong-hininga siya. Palihim naman akong nangiti. "But I can eat less and finish the meeting early. We can eat lunch together, maybe a little late. I hope it's fine with you."
"You don't have to join me, I'm sure na importante ang meeting mo."
Sa halip na sumagot ay dumungaw siya upang tingnan ako sa mga mata. "Hindi natin magagawa 'to kapag nagsimula ka nang magtrabaho." Oh! I can't believe he's speaking in a very calm way, not his typical. "I want to spend time with you while you're free."
"'Sus! Maniwala ka sa akin, del Valle, masasabayan kitang kumain kahit may kaharap akong pasyente."
Kumunot ang noo niya. "You can't do that to my patients, Yaz."
Tumawa ako. "Syempre, hindi, 'no! What I mean is, pwede kitang sabayan kumain sa hospital. Walang problema doon."
"Magkaiba tayo ng floor. At hindi tayo pwedeng magsabay, bawal iyon."
Ngumuso ako. "Ay gano'n?" Sumimangot ako. "Oo nga pala. Hindi pwedeng magkaroon ng relasyon ang nurse at doktor."
"Relasyon?" humalakhak siya.
Sa una ay napangiti ako, akmang makikitawa. Pero natigilan ako nang maisip ang laman ng reaksyon niya. So stupid of you, Yaz. "E, di closeness. Psh! Bawal ang makipag-super close ang nurses sa doktor." Muli kong itinuon ang atensyon sa niluluto at hindi na sumandal sa kaniya. Bahagya akong lumayo at agad na naramdaman ang pagkabig niya. "Pero walang problema sa akin kung sumabay kang mag-lunch sa meeting mo later. Makakasabay naman kitang mag-dinner."
Tahimik kaming nag-breakfast ni Maxwell. Iniiwasan kong sumimangot pero hindi ako pagbigyan ng nguso at kilay ko. Tuloy ay mukhang napansin niya iyon. Panay ang tuhog niya sa pagkain at matapos isubo iyon at nguyain ay itututok niya na ang paningin sa akin.
"I'll change the venue of the meeting, then. Para makasama agad kita kapag natapos," aniya.
Lalo akong sumimangot. "Hindi na kailangan. Don't worry about me. Besides, hindi ka naman matagal sa meeting."
Bumuntong-hininga siya at hindi na nagsalita. Matapos kumain ay dumating ang maid ni Maxwell para iligpit ang dining at maging ang room. Bago na ang lahat ng sheets nang mapansin ko. Tuloy ay pinanood ko nalang si Maxwell na mag-ready. Hindi ko malaman kung matutuwa o sisimangot sa pagiging mitikoloso niya. Tuon na tuon sa sarili ang kaniyang paningin. Na para bang hindi pwedeng may mapupunang mali sa kaniyang kabuuan. Bawat bagay na isuot niya sa sarili ay kaniyang sinusuri bago ilagat. Nakakatuwa na nakakapangunot ng noo ang mga kilos niya. Parang lahat ay may akmang sukat para maging tama. Muling may pumasok na ginang at aayusan sana siya. Pero pinili niyang tawagin ako at ipaayos ang kaniyang tie. Napakaarte.
Panay ang lingon niya sakin habang inaayos sa huling pagkakataon ang kaniyang makintab na buhok. Pinataasan ko siya ng kilay saka ako ngumiti. "You want me to stay?" bigla ay tanong niya.
Humalakhak ako. "Who told you? May meeting ka. I'm just watching you. Baka ikaw ang ayaw nang umalis kasi nandito ako?" Papalipad kong hinawi ang buhok kong nakaharang sa mukha upang mapunta iyon sa likuran. Saka ko pinagkrus ang mga hita ko upang lumantad ang hubog ko nang hindi sinasadya.
"Your body wants me to stay, Yaz."
Namangha ako sa kapreskuhan ng kigwa. "In your wet dreams!" Tumayo ako upang iwan siya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang talas ng tingin niya at sumamang mukha. "What do you want to have for dinner?"
"You know my cravings."
Pancit, pampahaba ng kigwa, kigwa ka! Natawa ako sa kapilyahan sa isip. "Okay, ipagpe-prepare kita."
Hindi ko malaman kung bakit may kilig na idinulot sa akin ang matamis na pagngiti niya. Pero sa halip na kulitin ay hinayaan ko na siyang umalis. Napabuntong-hininga ako saka nakangiting iginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Napakaswerte ko ngang talaga. Ang lalaking pangarap ko ay kasama kong natulog sa kwartong ito, nakasabay kong kumain, at dumampi ang labi sa akin. Ano pa ang hihilingin ng isang magandang taga-hanga na tulad ko? Hindi lahat ay nae-experience ang ganito.
Gumala ako sa kabuuan ng kwarto at tiningnan ang iba't ibang gamit upang aliwin ang sarili. Sa pagmamasid ay may ilang gamit akong nakita na may kinalaman sa pamilya ni Maxwell. Inupuan ko ang pagtitingin sa photo album at napagtantong pag-aari iyon ng mga Moon. Kakatwang ang mga seryoso nilang hitsura at postura ay nahahaluan lang ng kalokohan dahil sa mga kuha ni Mokz. Walang solo na kuha, lahat ay buong pamilya. Noon ko lang nakita ang hitsura ng sa tingin ko ay lola ni Maxwell. At napangiti ako nang malito kung sino sa tatlong magkakapatid ang detalyadong nakakuha nang seryoso ring mukha nito. At hindi na ako magtataka kung kasingganda siya ni Maxpein kung ngumiti.
Hindi pa ako doon natapos. Halos lubugan na ako ng araw nang mapansin ang isang magazine kung saan nakaimprinta ang mukha ni Maxwell si buong cover page. Nakanganga ko yatang pinagmasdan ang may kalumaan nang magasin. Hindi na ako magugulat kung noong high school pa siya nang i-publish ang issue na iyon. Wala akong maintindihan sapagkat sa Korean language iyon nakasulat. Binuksan ko tiningnan ang bawat pahina. At gusto kong matawa. Maliban sa cover photo kasi ay wala nang picture niya. Tuloy ay binalikan ko sa isip ang mga kuha niya sa photo album nila. Sa hitsura kasi ni Maxwell doon ay parang isang buwan siyang pinipilit upang makuhanan, upang makasama sa family pictures. At nasisiguro kong taon-taon ang pamimilit na iyon. Dahil taon ang pagitan ng bawat kuha sa loob ng labindalawang taon. Nakasulat ang taon sa ilalim ng bawat larawan. Napapaisip nga lang ako kung ano ang mayroon sa buwan ng Marso at doon sila nagpapakuha. Iyon kasi ang nakalagay sa ilalim ng bawat larawan kung saan ang huli ay March 1995.
Sinubukan kong umidlip nang mapagod sa pagtitingin pero nabigo ako. Hindi mahinto sa paggala ang mga mata ko maging ang paglilikot ng isip ko. Nagtungo ako sa balkonahe at nilanghap ang masarap na hanging hatid ng paligid. Bigla ay nakaramdam ako ng kagustuhang maligo sa dagat. Hindi ako nag-alinlangang bumalik at magpalit pampaligo.
Naagaw ko ang atensyon ng karamihan nang bumaba ako suot ang swimsuit attire ko. Stripes na pink at white ang disenyo. Tanging ang crochet cover up ang nakatabing sa two-piece swim suit kong suot. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng sapin sa paa o mag-ayos man lang ng buhok. Hinayaan ko iyon buhaghag. At wala na akong naisip kundi ang maramdaman ang tubig. Iyon nga lang, kahit ano yata ang gawin ko, matakaw sa mata ang aking hitsura. Hindi lang ang mga lalaki kundi maging babae ay humahaba ang leeg sa kapanonood sa aking maglakad. Paano'y kahit walang takong ay hindi lumalapat sa sahig ang aking sakong.
"Good afternoon, Miss Yaz!" bati ng concierge. Nginitian ko lang siya. "Magsu-swimming po ba kayo? Inihabilin po ni Doc Maxwell na ipaalam sa kaniya kung makita kayong lumabas ng kwarto." Hindi mawala ang ngiti sa mukha ng dalaga. Kahit may punto ang pananalita niya ay masarap pakinggan ang mga letra.
Kailangang informed? So fetch! Nakangiti akong tumango. "Oo, tell him na babalik ako bago dumilim."
"Gusto niyo po bang hintayin ang sagot niya?"
Natawa ako. "Hindi na kailangan. Makakasama ko rin naman siya later." Tango nalang ang isinagot sa akin nang magalang na babae.
Halos takbuhin ko ang pagitan ng hotel at dagat. Nakangiti kong hinubad ang cover up at nag-warm up. Gusto kong pag-ikutan ng mata ang mga sipol na aking narinig. Ayoko ng ganoon, nababastusan ako. Kung sana ay si Maxwell iyon, paniguradong rarampa pa ako. Hindi ko inalintana ang mga matang nanonood sa akin. Basta na lang ako lumusong at nag-dive nang marating ang gatuhod kong tubig. Nakadilat kong sinisid ang malinaw na tubig. Hindi ko naiwasang alalahanin ang mga sandaling kasama ko doon ang mga kaibigan namin ni Maxwell. Sa t'wing mangyayari iyon, naiisip kong napakasarap mabuhay. Lahat kasi ay posible. At ang tanging problema noon ay ang pagpasok ng mga Rewis sa buhay namin.
Nang makontentong lumangoy ay basa akong bumalik sa hotel. 'Ayun na naman iyong mga matang nakasunod sa akin, halos magkandahaba ang kanilang mga leeg. Ako naman ay walang pakialam na dumere-deretso, naghihintay na may sumita sa akin para mahinto ako. Since walang pumigil sa akin na magpalakad-lakad kahit na tumutulo ang tubig sa damit, dumeretso ako sa 'taas.
"Where have you been?" Halos napatalon ako nang makapasok ay tinig ni Maxwell ang bumungad sa akin. Nakakatuwa ang akma niyang pagsalo sa akin. At mukhang hindi ko na siya kailangang sagutin dahil sinuyod niya ng tingin ang aking kabuuan. Saka siya bumuntong-hininga, "I told you to wait for me." Humakbang siya papalapit. "You're wet."
Nagbaba ako ng tingin sa aking katawan. "Sobra. Tumutulo pa." Saka ako nag-angat ng tingin sa kaniya upang matigilan. Napalunok ako nang maisip na double meaning ang palitan namin ng linya.
"Tumutulo..." aniyang nakangisi.
At walang ano-ano'y binuhat niya ako at nagmamadaling ipinasok sa kwarto. Hindi ko na nagawa pang magreklamo at sa halip ay nakagat ko ang labi, hindi sinasadyang mang-akit. Lalong naningkit ang kaniyang mga mata at sinipa ang pinto upang sumara. Inaasahan kong itatapon niya ako sa kama dahil sa pagmamadali pero nagkamali ako. Marahan niya akong inihiga saka niya bruskong hinubad ang suot. Hindi niya maalis ang tingin sa akin kahit pa magkandahirap siya sa pagtanggal ng tie. Ang inaasahan ko ay iiwanan niya ang boxers na nakasuot. Ngunit halos lumuwa ang mata ko nang ilantad niya ang nagmamalaki niyang trono. Napalunok ako.
Nang magdampi palang ang balat namin ay napadaing na ako. Pinigilan ko. Ayokong pag-isipan niya akong sabik na sabik sa ganito, kahit na ang totoo naging sabik na nga ako nang dahil sa kaniya. Panay ang paglunok ko habang hinahalikan niya ang tainga ko, inaatake ang kahinaan ko. Ang kamay niya ay agad na dumeretso sa ibabaw ng korona dahilan para mapaigtad ako at mapapikit. Ramdam ko ang pagmamadali niya. At hindi ko malaman kung dahil ba iyon sa pananabik o galit siya dahil umalis ako. Pero hindi magawang tumanggi ng katawan ko, siya rin ang gusto.
"Maxwell..." naidaing ko ang pangalan niya nang hawakan niya ako nang tuluyan. Saka siya pumatong sa ibabaw ko. "Basa ako." Sabi ko na ang paningin ay nasa dibdib namin pareho. Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi na siya nagdalawang-isip na hubarin ang swim suit ko.
Ngumisi ang kigwa. "Basang-basa, handang-handa." Mas ngumisi pa ang loko, gusto kong mahiya! Paniguradong namula ako. Pero hindi ko iyon mainda dahil ayun na siya at lalo akong pinanghihina.
Naituon ko ang pareho kong siko sa kama at sinubukang labanan ang idinudulot niya sa aking katawan. Pero hindi ko magawang kumilos. May kung ano sa mga kamay niyang pinananatili ako sa ganong posisyon, mas ipinaparaya ang sarili.
Agad siyang pumusisyon sa harapan ko at tumitig sa akin, tila sinasabing mag-iisa na kami. Napalunok ako ngunit agad ding napapikit nang maramdaman kung gaano kami kahigpit. Nagsimula siya ng marahan ngunit ilang saglit lang ay unti-unti na siyang bumibilis, at mas binibilisan pa niya. Naibagsak ko ang sarili sa kama at halos manuyo ang lalamunan ko tahimik na pagdaing.
"Please moan," tila nagmamakaawa ang tinig niya. "Moan for me...I love you to hear you moan." Bigla niyang idiniin ang sarili sa akin dahilan para mapaungol ako kahit hindi pa niya iyon hilingin. He left out a soft and sexy moan which got me hot and more excited in seconds. His knees spread out my legs wider and drove himself deeper. I felt I was about to burst, like something inside me is slowly working its way out.
Ibinagsak niya ang sarili sa akin at sabay kaming naghabol ng hininga. Ngunit mayamaya lang ay 'ayun siya at tatawa-tawa. Hinawakan ko ang pareho niyang pisngi at nakasimangot siyang iniharap sa akin. Gusto kong magtaray pero nang makita ang kinang sa kaniyang mga mata ay parang gusto ko na lang siyang titigan.
Tuwang-tuwa ang kigwa! "What are you laughing at?"
"Ang dami," muli siyang humalakhak!
"Alin!"
"Iyong magiging baby natin...sana." Ninakawan niya ako ng halik sa pisngi saka niya binuhat ang sarili. Dumeretso siya sa banyo at kahanga-hanga ang bilis ng pagligo.
"May lakad ka pa?" Nagugulat kong tanong nang makitang naglabas siya ng panibagong suit and tie.
"The meeting is not yet over."
Lalo akong nagulat. "Then why are you here?"
"Dahil hindi ka pa umuuwi."
Bumangon ako at pinamaywangan siya. "Bahay ko ba 'to?" Sa isip ay tatawa-tawa ako.
Ngunit sa halip na sumagot ay kunot-noo siyang lumapit at pinulot ang cover sheet ng kama. Marahan niya iyong ibinalabal sa akin at saka lumayo. "No, this is not your house." Kapagkuwa'y ngumisi ang kigwa. Hindi ko siya naintindihan. "I'll go ahead. Cover yourself, baka may makakita sa iyo." Muli siyang lumapit upang halikan ako sa noo saka ako tinalikuran at dumeretso papalabas.
Napangiti ako nang maisip kung gaano niya nang kadalas na ginawa ang ganoong paghalik-halik sa akin. I still can't believe it; he's doing this and that to me. Masungit pero sweet. Tinatawag na ng shower ang katawan ko pero dahil sa uhaw ay pinili kong lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng warm water. Masyadong malamig ang mga tubig sa personal ref.
Pero ganoon na lang ang gulat ko matapos dumeretso sa dining area at makita kung gaano karami ang bisita. Paano nangyaring hindi ko man lang narinig ang tinig nila? Walang nagsasalita nang sandaling iyon, tanging kalabog sa aking dibdib ang aking naririnig. Apat na lalaki ang nakaupo sa dining table at pawang nakatingin sa kaliwa na para bang may pinanonood. Marahan akong humakbang upang silipin at nakita si Maxwell na sine-set up ang projector. Malilinis at nagguguwapuhan ang mga bisita, sa isang dipang layo ko ay nalalanghap ko ang halo-halo nilang bango. Ngunit sinuman sa naroon ay walang pumantay man lang sa hitsura ng Maxwell ko.
Dahan-dahan akong tumalikod at tahimik na sanang tatakas nang sumipol ang isa sa mga bisita. Tumikom ang aking bibig sa inis at nakapikit na kinagat ang labi. Hindi ko malaman kung tatakbo ako o lilingunin silang muli. Ayaw kong mapahiya si Maxwell. Nangilabot ako sa hiya at piniling tumakbo nalang pabalik sa kwarto.
"Doc, you brought us a hooker? Nice! Look, dude, Doc Maxwell got us a hooker! I knew I'm gonna enjoy this meeting!" puno ng kalokohan at kamanyakan at nakakainsultong tawa ang tinig ng animal.
Sa inis ay hinarap ko sila, iresponsable, hindi inisip ang luluwa ko nang dibdib. "What did you just call me?"
"Shut up, guys! Bisita siya ni Maxwell. Yaz..." Hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Keziah. Nilingon ko ay siya at agad akong nilamon ng hiya. Kabado, nanginginig kong inayos ang sheet na nakabalabal sa akin. "Go and put some clothes on," mahina niyang sinabi ngunit ang lahat ay narinig.
Napalunok ako at nalingunan si Maxwell na noon ay masama na ang tingin sa nakabalabal sa akin. Awtomatiko akong tumalikod at tumakbo pabalik sa kwarto. Pabagsak kong isinara ang pinto at naghabol ng hininga. Hindi ko malaman kung magagalit ba o maiiyak ako. At hindi ko rin matanto kung ang dahilan ba ay ang pambabastos ng mga bisita o dahil sa galit na mata ni Maxwell. Ang tanging alam ko ay naiinis ako.
Gusto kong magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. Kaya pala sinabi ni Maxwell na baka may makita, dito pala ang meeting ng kigwa!
Halos mapatalon ako nang marinig ang magkasunod na sigaw nina Maxwell at Keziah. At matapos niyon ay magkakasunod na yabag din ang aking narinig. Mayamaya pa ay may kumakatok na. Nasisiguro kong si Maxwell iyon. Kakatwang sa makapal na pintong nasa pagitan namin ay langhap ko ang pamilyar niyang amoy.
Umalis ako sa pagkakasandal sa pinto. Agad iyong bumukas at mula sa salamin ay nakita ko siyang lumapit sa aking likuran. Hindi agad siya nakapagsalita. Nakita ko siyang suyurin ako ng tingin.
Kinabahan ako. Nasisiguro kong pagagalitan niya ako. Nasisiguro kong sisigawan niya ako. Nasisiguro kong sisisihin niya ako kung bakit ako lumabas nang ganito ang hitsura. Nasisiguro kong napahiya siya sa mga kasama.
"I'm sorry, Yaz..." Hindi ko inaasahan ang mga salitang lumabas sa bibig niya. "Sorry nalimutan kong banggitin na ipinalipat ko dito ang meeting dahil nag-aalala ako sa iyo." Gusto kong maiyak pero awtomatiko akong napaharap sa kaniya. Lumalit siya at yumakap sa akin. "I already fired them."
"Wait—what?"
"But I did thanked them for a month of serving. I'll send them a certificate and a plaque of recognition, and their salary."
"You're joking!"
Nakangiwi siyang umiling. "Sorry, I kid you not. I'm in need of doctors, not perverts."
"Psh!" Umikot ang mata ko. "Joke lang nila iyon. Parang hindi mo naman alam ang biruan sa loob ng medical team." Nagbaba ako ng tingin.
"Trust me, bumabaha ng applicants." He smiled at me. "Take a shower, I'll bring your clothes."
Hinabol ko siya ng tingin. Hindi ko naiwasang malungkot. Alam kong kailangan ni Maxwell ng tao. Hindi lang nurses, gaya ng sinabi ni Maxpein, ang kailangan niya. At nasisiguro ko ring sinabi niya lang ang mga iyon ngayon para hindi sumama ang loob ko. Tuloy ay hindi ko naiwasang mangiti. Hindi ko inaasahang ganito ang sasabihin niya sa akin. Dahil sa nakasanayan kong sungit niya ay naghanda na akong mapagalitan.
Nag-shower ako at gaya ng sinabi niya, inihatid niya ang isusuot ko. Nakakatuwang iyong pares ng Marks & Spencer na sleepwear ang pinili niya para sa akin. Maging ang undies ay pares.
Matapos ko ay nag-shower din siya saka ako tinabihang matulog. "We will move in my house tomorrow. I'll help you pack your things," aniya nang nakapikit at mahigpit ang yakap sa akin.
"Wala ka bang duty?"
Ngumiti siya. "Natutuwa ako dahil ayaw mong um-absent ako."
Napangiti rin ako. "Kailangan ka ng mga pasyente mo."
"I know," nakangiti siyang bumuntong-hininga, nakapikit pa rin. "Aalis tayo pagkauwi ko."
Nakatulugan ko ang pagngiti. Mukhang kaya kong magising nang may ngiti sa labi kung siya ang kasama ko. Ngunit sa kabilang banda ay nakokonsensya ako. Ano na lang kaya ang masasabi sa amin ng pamilya naming pareho sa ganitong sitwasyon namin? At ano na lang ang iniisip ni Maxwell sa pagpayag ko?
Hindi kaya isipin niyang masyado naman akong easy to get? Napatitig ako sa mukhang natutulog nang si Maxwell. Hindi ko naiwasang malungkot. Wala kaming relasyon. Wala kaming kasiguraduhan. Wala akong pinanghahawakan. Paano kong mapapangalanan ang ganitong sitwasyon namin? Ang hirap naman. Parang kinurot ako sa puso. May kung anong sakit na idinulot sa akin ang naisip. Pero hindi ko maitatangging hindi magiging madali para sa aking kalimutan at talikuran na lang basta at bigla ang mga ito.
Gaya nga ng sinabi ni Maxwell ay lumipat kami sa flat niya nang kinabukasan pagkagaling niya sa duty. Gusto kong kiligin sa katotohanang wala man lang yata akong inatupad kundi ang sarili kong katawan. I have no choice, he won't let me do anything. At sa halip ay ibinigay niya sa akin ang kalayaan na panoorin siyang ipaghanda ako. Isa sa mga pangarap ko ang pagsilbihan siya. Pero mukhang nagugustuhan ko itong pagsisilbi niya sa akin. He was damn serious sa lahat ng oras, nakakunot pa rin ang noo at kung minsan ay masama ang tingin sa mga bagay. Pero 'ayun ako at kinikilig at nalilibang pa rin.
Iginala niya rin ako sa buong flat niya. Hindi ko na naman naiwasang ma-amaze sa mga pagbabago at mamahaling gamit at muebles niya. Ito na yata ang pinakamahal na palapag sa buong Palawan. Hindi ko malilimutan. Kung pwede lang ay hihilingin ko nang doon na lang tumira. Pero hindi pwede. Wala akong naririnig na kasiguraduhan sa kaniya.
Sabay kaming nag-dinner ng gabing iyon. He cooked for me! Iyon na yata ang pinakamasarap na steak na natikman ko. Nagkuwento siya tungkol sa mga doktor na sinibak niya. Gaya ng sinabi niya ay ibinigay niya ang nararapat sa mga ito. Habang nagsasalita nga ay nakataas pa ang kaniyang noo, nagmamalaki, ipinapaalam sa akin ang kaniyang kapangyarihan at kakayahan.
Kinabukasan ay nagising ako nang wala siya sa tabi ko. Sa tawag niya ay nalaman kong nagpaalam siya bago pumasok ngunit hilo ako sa pagkakahimbing. Hindi ko maalala. Nang magtanghali ay muli siyang tumawag na hindi makasasabay sa aking kumain dahil marami siyang pasyente at aasikasuhin. Mabuti nalang at hindi ako nagluto. Muli akong kinilig nang pahatiran niya ako ng lunch at nag-utos na asikasuhin at pagsilbihan.
Nang hapon ding iyon ay nakatanggap ako ng tawag. Excited kong sinagot iyon, iniisip na si Maxwell ang tumawag. Pero pareho kaming nagulat ng nasa kabilang linya nang mabosesan ang isa't isa.
"Yaz? What are you doing there?" tanong ni Keziah.
Kinabahan ako. "I'm...well...I'm staying here."
"Really?"
"Yes." Napapikit ako at nakamot ang sariling noo.
Dinig ko siyang bumuntong-hininga at nagpakawala nang hindi malaman kung sarkastiko o naiinis na tawa. "And you're fine with that? Are you in a relationship with him?"
"No," halos gumaralgal ang tinig ko.
"Seriously? I mean, you'll soon work for Maxwell, Yaz. And you both know that you're not allowed to live together."
"I don't live here, Keziah."
"Then move out as soon as possible. Hindi magandang tingnan na nagsasama kayo nang walang relasyon."
Hindi ko napigilang maalala ang salitang itinawag sa akin ng sinibak na empleyado ni Maxwell. "I will, soon."
"Bye." At ibinaba niya ang linya.
Kabado kong nahawakan ang aking dibdib. Galit ba si Keziah? I took a deep breath and covered my face. Nakakahiya! Kung ganoon ay hindi niya alam na narito ako? Maxwell should've told her. Tutal nakita niya naman ako sa hotel noong nakaraan. Tsk. This isn't fetch! Binalot ako ng kahihiyan. Kung tutuusin ay kayang-kaya ko siyang tarayan. Pero umurong ang ganda ko. Dahil alam ko ang pinupunto niya at kinain ako ng hiya dahil sa tono ng kaniyang pananalita. Tuloy ay hindi na nawala sa akin ang usapan namin ni Keziah.
Sandali kong pinag-isipin ang sitwasyon bago nakapagdesisyon. "She's right. Hindi ako pwedeng manatili rito. Masisira ko ang reputaston ni Maxwell. I'll talk to him later." Pakiramdam ko ay na-depress ako. Tuloy ay hindi ko nagawa ang plano kong gumala sa little library ni Maxwell.
Pero dumating ang gabi nang hindi ko siya nakausap. Paano ay umuwi siyang pagod. Kumain lang siya ng kaunti at naligo saka natulog.
Hindi namalayan ni Maxwell ang presensya ko nang makapasok siya sa flat nang sumunod na umaga. Maaga akong nagising at nakitang wala siya. Alam kong alas dies pa ang duty niya. Mag-aalas sais palang ng umagawa. Inihawak niya ang isang kamay sa hamba ng sliding door, habang ang isa ay abalang hinuhubad ang sapatos. Ang sarap panoorin ng mga galaw ng balikat niya. Paborito kong pagmasdan ang tindig niya. Parati akong kinikilig sa simpleng bagay na iyon.
Nakita niya lang ako nang masulyapan ang gawi ng kitchen kung saan ako nakatayo. Nangiti siya nang dumapo ang paningin sa 'kin. Hindi ko na naman naiwasang kiligin. Hindi 'yon nangyayari noon. Hindi gano'n ang reaksyon ng isang Maxwell Laurent del Valle sa t'wing makikita ako noon. Masakit ako sa kaniyang mata, may nakakaasiwang presensya.
Lalo pa siyang nangiti nang pagmasdan ang kabuuan ko. Iyong tingin na para bang may nagbibiro sa kaniyang isip. Gusto kong alamin kung ano ang iniisip niya sa aking hitsura. Sinuot ko ang puting long sleeves niya matapos maligo, at bukod doon ay wala na akong ibang suot pa.
Hindi ko pagsasawaang panoorin ang paglakad niya. "You're a little early. Where have you been?" nakangiti kong tanong nang makalapit siya.
Ngunit sa halip na sagutin ako ay matunog siyang tumawa. Nakamaang akong ngumiti, hindi malaman kung makikitawa ba sa kaniya. Ugh? Ano ang iniisip niya! Is he laughing at me or what? Why is he laughing, then? Gusto ko talagang malaman, nakakakilig man iyon o purong kalokohan.
"I'm asking you, Maxwell," maarte kong sinabi, nakalabi. Ngunit ang totoo ay nanlalamig na ang mga palad ko. His presence is more than just being here, there's an impact in it, empowering me. Tuloy ay hindi ko maiwasang manginig kapag nadidikit siya sa akin. Nandoon ang paninibago, hindi na yata mawawala iyon. Pero talagang hinahanap-hanap ko.
Hinuli niya ang baywang ko mula sa likuran at kinabig ako papalapit. "I went out for a jog..." pabulong niyang sinabi. Agad na tinalunton ng labi niya ang likod ng aking tainga, nanindig ang balahibo ko at napapikit. "You smell good."
"Eat your breakfast na," hindi mapakali kong sinabi. Nakikiliti ako sa ginagawa niya ngunit ayaw ko iyong ipakita.
"Join me."
"Bilisan mo dahil may pasok ka pa."
"Alin ang bibilisan ko?"
"Maxwell!" Pinalo ko ang braso niyang humigpit pa sa pagkakayakap sa akin.
"Nakausap ko si Mang Pitong kahapon. I asked him na kung pwede ay ipakita niya sa akin ang unit ko. I want to move there as soon as possible para masanay ako." Iyon nalang ang idinahilan ko. Hindi ko masabi sa kaniya na ayaw kong may maisip na iba ang taong nakakaalam na magkasama kami. Bukod doon ay hindi naman talaga tama ang ganitong sitwasyon namin.
"Stay," malambing na aniya saka dinampian ng halik ang likod ng tainga ko, his favorite spot.
Humalakhak ako. "Ano ang gagawin ko dito? Psh."
Napabuntong-hininga siya. "I think they can manage without me." Iyon ang sinabi niya nang walang maisagot sa akin.
Lumayo ako, ngunit hindi ako pinakawalan ng mga braso niya. "Pumasok ka," banta ko, pinagkunutan niya ako ng noo. "Magagalit si Keziah," ismid ko.
"Scary," sarkastiko niyang ngisi.
"Maxwell!" Sinamaan ko siya ng tingin.
"Now I'm scared," ngiti niya. "Of course, papasok ako."
"Dapat lang! Marami kang pasyente, 'no." Pilit kong inalis ang mga braso niya.
"Tsk," dinig kong asik niya.
Tumaas ang kilay ko at nilingon siya. "What?"
"I deserve a rest."
"Then rest."
"In your arms."
Pinigilan kong ngumiti. "Kumain na muna tayo." Inilahad ko ang kamay sa kaniya, nakangiti niya iyong kinuha. At hindi pa man kami tuluyang nakakalapit sa mesa ay 'ayun na naman ang mga braso niyang pumupulupot sa baywang ko. "Do you plan to eat like this?" natatawa kong sabi.
"If it's possible. Let's try," seryoso niyang sinabi.
Tinapik ko ang kamay niya. "Silly."
"Come sit in my lap."
Hindi niya hinintay pang sumagot ako. Hinila niya ako at ipinuwesto sa kandungan niya! Ngumisi siya matapos makita ang gulat ko. Pero sa halip na inisin ako ay dumampot siya ng strawberry at isinubo iyon sa akin. Kinagat ko ang kalahati. At halos maduling ako nang sunggaban at kagatin din niya ang kalahati pa. Hindi na ako nagulat nang halikan niya ako matapos gawin 'yon. Halik na para bang ang tagal naming hindi nagkita, sabik na sabik. 'Ayun na naman 'yong paghangos niyang nagdudulot nang kakaibang pakiramdam sa aking sistema, pinabibilis akong huminga. At ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang mga haplos niya.
Sapilitan kong binawi ang sariling labi. At natawa nang makita ang pangungunot ng noo niya. "Sinabi nang kakain na," pinigilan ko uling matawa.
"I was already eating," asik niya.
"Hindi pagkain ang labi ko, Maxwell."
"Why do I always crave for it, then? I want your lips for breakfast, lunch, snack, dinner, midnight snack, breakfast...snack." Matunog siyang ngumisi, ang paningin ay nasa labi ko pa rin. "And this feels good," aniyang ang tinutukoy ay ang sitwasyon ko sa kaniyang kandungan. "I can touch all the best bits of you in this position, which is now my third favorite, I guess."
Malanding Maxwell! "Kumain ka na." Akma akong tatayo nang hulihin niya na naman ang baywang ko at pilit akong iniupo. "You're really planning to eat like this, huh?"
"I'm comfortable with this," kunyari ay inosente niyang sinabi. "Let's eat."
Bagaman nahihirapan ay pinanindigan ko ang pag-upo sa kandungan niya. Kailangan kong sulitin ang ganitong topak ni Maxwell. Dahil kapag bumalik siya sa pagiging normal, iyong nuknukan ng sungit, paniguradong hahanap-hanapin ko 'to. Hindi halos ako magkandaugaga sa kaaabot sa mga inihanda ko. I prepared bacon and egg sandwich, soup and coffee for him. Juice at fruits naman ang sa akin. Pero nahihirapan ako dahil sa sitwasyon namin ng pagkakaupo.
Hindi panawan ng ngiti ang labi niya habang pinanonood akong subuan siya. Nailang tuloy ako at panay simangot. "What now, Maxwell Laurent?"
"I like the way you're spoiling me."
"Really?" Nginiwian ko siya. "That's because you are also spoiling me with your time."
"You like it?" seryoso niyang tanong saka isinubo ang hawak ko. Ngumuya siya nang nakatingin sa akin, talagang hinihintay ang isasagot ko.
Of course, silly! Ngumiwi ako kunyari. "Well..."
"What?" Awtomatikong nangunot ang noo niya. Natawa ako. "My time is precious," ngumisi siya. "And so are you."
Really? So... Tumaas ang kilay ko, itinago ang tuwa. "I'll start working three days from now, right?" Nag-slice ako ng sandwich at muling isinubo iyon sa kaniya. "What about my uniform?"
"Darating ang tailor bukas."
"Should I wear something white? Temporary lang naman."
Umiling siya. "Next week ka na pumasok."
"What? No. Kailangan mo ng nurse."
Tumango siya. "Exactly."
"Exactly, what?"
"I personally need a nurse," ngisi niya. "To take care of me. Stay here for a week. I'll tell the tailor to rush your uniforms. I'll give them your measurement."
"You know my size?"
"I can describe every inch of you, wholly."
Napamaang ako. "Buang," natatawa kong bulong. Nangunot ang noo niya. "Ang alam ng parents at kapatid mo ay magtatrabaho agad ako."
"They said that?"
"No, but that's what we all know."
"So?"
"So, kailangan ko nang magsimula sa work in three days, Maxwell. For sure Maxpein will get mad if she gets to know this."
"It's not like I'm stopping you to work. And it's not like I'm afraid of my younger sister." Mayabang talaga ang kigwa. Hindi ko nga maramdaman ni nginig nang banggitin niya ang pangalan ng kapatid.
"You're not, but you want me to do nothing for a week," ngiwi ko. "Besides, unfair 'yon sa colleagues ko sa bagong trabaho. Nagsisimula na silang magtrabaho while I'm doing...personal things...with the boss? That is so not fetch, Maxwell. Where's my contract?" Inilahad ko ang kamay sa kaniya.
Humalakhak siya saka matamang tumitig sa akin. "You're not my employee, Yaz. I'll not offer you a contract, I want a commitment." Seryoso niyang tinitigan ang mga labi ko.
"What?" nautal ako.
"Commitment..." pabulong niyang sinabi, naliliyo sa katititig sa aking labi.
Napalunok ako. Matagal na nagproseso sa utak ko ang kaniyang sinabi. "You mean..."
"Commit yourself to what's best for you, Yaz," namamaos niyang sinabi.
He wants...us, right? Namasa ang mga mata ko sa hindi maintindihang dahilan, kung dahil sa pagiging maarte o sadyang naging emosyonal. Tama ba ang intindi ko? I don't wanna assume this time, I need confirmation. "You mean...you want us?"
"I want you, Yaz."
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. Hindi ko malaman ang sasabihin at masyado akong pinangunahan ng kaba.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top