CHAPTER ONE
"ATE! ATE!" Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok at malakas na boses ni Zarnaih. "Ate, gumising ka! Dali! Naku, dalian mo talaga, ate!" Napaka-OA talaga ng kapatid kong 'to.
Inis akong bumangon at halos takbuhin ko ang naka-lock na pinto. "God! What's with the ear-shattering voice, Zarnaih?" nakapamaywang na singhal ko.
"Bumaba ka, dali! Ate! Nandiyan na ang mga hambog!"
"What?"
"Sina Maxpein," habol ang hiningang aniya habang nakaturo sa daan papunta sa hagdan. "Dumating na si Maxwell!"
Agad na nanlaki ang mga mata ko. "Oh, my god!"
"Oh, my god talaga, ate!"
"Oh, my god!" tumili ako.
"Oo, ate! Ayusin mo na ang sarili mo, dali! Ang pangit mo! 'Wag ka talagang bababa nang ganiyan ang hitsura mo, naku, ikahihiya kita!"
Hindi ko na siya pinansin pa. Halos magkandarapa ako sa pag-abot ng towel ko saka ako pumasok sa banyo. Walang kasinlakas ang kabog sa dibdib ko, parang binabayo. Nagmadali akong naligo at nagbihis. Talagang naglaan ako ng oras para ayusan ang sarili ko.
Ibinuhaghag ko ang maalon at itim na itim kong buhok saka inilagay ang karamihan niyon sa isang gilid ng mukha ko. Suot ang maong shorts na may pares na hanging light blue sleeveless top ay humarap ako sa salamin.
This is it!
Ang tagal kong naghintay sa pagbabalik ni Maxwell mula sa mahigit tatlong buwan na pagkawala niya. Walang araw na hindi ko siya inisip. At hindi ko akalaing darating siya ngayong hindi ko inaasahan.
"Maxpein!" bulalas ko sabay takbo palapit sa dito.
Matagal ko ring hindi nakita si Maxpein. Tatlong buwan na nanatili sa Korea ang pamilyang Moon para sa bautismo ni Maxspaun Thaddaeus Moon. Grabe ang efforts ng mga Moon para sa batang 'yon.
"Yaz," tumayo siya at yumakap sa akin. "Kumusta? You look good," aniya matapos akong pasadahan ng tingin.
Umikot ako sa harapan niya. "'Eto, lalong gumanda!" Natawa kaming dalawa. "Where's your baby?"
"Nasa kwarto ko. Hindi mabitiwan ni Sensui," nakangiwi niyang sagot. "Siya yata ang ina sa 'ming dalawa."
Hindi ko napigilang matawa. "You're really crazy."
"Dumaan lang talaga kami para kunin ang ilang gamit ko." Isinenyas niya ang isang bag na nakapatong sa mesa. May sariling bahay na sina Maxpein at Deib Lohr, doon na sila tumutuloy, syempre.
Sa bahay nina Lee at Zarnaih naman ako tumutuloy. Ayaw sana akong pakawalan ng pamilyang Moon nang ikasal ang kapatid ko. Ayos lang daw sa kanilang manatili ako ro'n habang nagtatrabaho sa BISH. Pero dahil sa hiya ay nagpumilit akong manatili kung nasaan ang kapatid ko.
Sandali kaming nagkumustahan ni Maxpein. Kinuwento niya ang naging bakasyon nila sa Korea. Hindi mahiwalay sa kaniya ang pandinig ko lalo na kapag si Maxwell na ang binabanggit niya. At gusto kong manghinayang dahil hindi mawala sa isip ko ang hitsura ni Maxwell nang nakasuot ng hanbok, gusto ko ulit makita. Nakakatuwa dahil mas mahaba sa inaasahan ko ang mga ikinuwento ni Maxpein. Samantalang nakakasama ko naman siya kompara sa mga kapatid niya. Pero kahit anong haba yata ng usapan namin ay hindi ko na maiaalis sa isip ko ang katotohanang nasa paligid lang si Maxwell.
Kaya naman hindi ko na pinahaba pa ang usapan. "Nasa'n nga pala ang baby ko?" nakangising bulong ko. Halos magkandirit ang mga tuhod kong makaalis kung saan kami nag-uusap. Gano'n katindi ang excitement ko na makita si Maxwell.
"Magkasama sila ni Maxrill sa pool," aniya sabay kindat. "Ingat ka, mainit ang ulo no'n."
Baka pagod or maybe may jet lag? Nakagat ko ang labi ko. "Pupuntahan ko muna siya. For sure mawawala ang init ng ulo niya."
Kung kailan namang nagmamadali ako ay saka ko nasalubong ang iba pang myembro ng pamilyang Moon. Syempre, nakipagkumustahan ako sa kanila lalo pa at pinakiusapan lang nila akong mag-stay dito sa mansyon habang wala sila.
Ise-celebrate nila malamang ang ang kanilang pagbalik. Kumuha ako ng isang basong juice at sinadya ko iyong lagyan ng straw. Nagsuot ako ng sunglasses saka lumabas at nagtungo sa backyard. Habang naglalakad papalapit sa pool ay sumimsim ako ng juice, nag-iinarte.
Ngunit nahinto ako sa paghigop ng juice at naibaba ko ang sunglasses ko matapos makita ang magkapatid na nagkakarera sa paglangoy. Napalunok ako matapos kong makita na parehong hubad-baro ang dalawa. Gusto ko na yatang umalis bigla at ibigay ang kapayapaan ng umaga sa kanila.
Halos pareho lang ang bilis nila at pareho nang nasa gitna. At kahit silang dalawa ang nagkakarera, pakiramdam ko ay nakikipaghabulan din ang tibok ng puso ko sa kanila.
"I got here first," dinig kong sabi ni Maxrill. Siya nga ang unang nakarating sa dulo. Hindi nila pansin ang presensya ko dahil nakatalikod sila sa gawi ko. "You're so weak! I bet Mokz can beat you."
Akmang sasagot si Maxwell sa kapatid pero nakita niya na akong nakatayo at nakanganga habang pinapanood sila. Naitikom ko ang bibig ko saka napalunok.
Gusto kong manlambot. Gusto kong humiga sa bermuda habang nakatitig sa kaniya. Makapigil-hininga talaga ang kagwapuhan ni Maxwell! Ang matatalim niyang mga mata, makakapal na pilik mata, matangos na ilong, maninipis na labi at prominenteng panga ay sadyang nakakatunaw ng puso at kaluluwa. Tingin palang ay nakakabaliw na.
"Hi!" naaasiwa kong bati.
Tumaas naman ang kilay ni Maxwell. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pataasin ang isang kilay habang nakakunot ang kaniyang noo. Sa tingin ko ay wala nang mas susungit pa sa kaniya sa dami ng kilala kong lalaki.
Lumingon si Maxrill sa akin at saka ako pinasadahan ng tingin. Hindi ko maipaliwanag ang gulat ko. Wow! Ang dating binatilyo ay isa na talagang ganap na binata ngayon. Kung matagal mag-mature ang isip niya, hindi ang kaniyang katawan. Hindi ko akalaing may igugwapo pa pala si Maxrill. At hindi ko na-imagine kailan man na makikita ko siyang ganito, binatang-binata. Sa loob ng tatlong buwan, nakakapanibago, nakakaloka.
"Hey, Yaz," nakangisi niyang bati sabay ahon. Gusto kong hanapin ang noona.
Napalunok ako matapos makita kung gaano nang kahanga-hanga ang built at porma ng katawan niya. Binatang-binata na talaga si Maxrill at hindi ko pa rin maiwasang magulat. At ang boses niya ay buong-buo na. Sobrang kapani-panibago. Totoong madalang na kaming magkita at magkasama. Pero hindi dahilan 'yon para ngayon ko lang mapansin ang mga pagbabago sa kaniya. Pakiramdam ko tuloy ay gano'n kahaba ang tatlong buwan.
"Hi!" nauutal ko pa ring bati. "It's nice to see you again, Maxrill!" Hindi ko naiwasang tingnan muli ang kabuuan niya at paulit-ulit na magulat. Naiilang kong sinulyapan si Maxwell matapos batiin si Maxrill. Nakangiwi na ito, nakapamaywang at malayo ang tingin.
"Nice to see you, too. How have you been?" ani Maxrill. Bahagyang lumiliit ang kaniyang paningin habang nagsasalita.
Natigilan ako. Hindi talaga ako sanay. Ang maliit na boses noon ni Maxrill ay malaki at bruskong-brusko na ngayon. Hindi ko ma-imagine. Napakalaki nang ipinagbago niya at hindi pa rin ako makapaniwala.
"Wow!" hindi ko napigilang ipakita ang pagkamangha ko. Hindi ko malaman kung matatawa ba ako o ano, basta na lang ako napailing habang nakangiti. "Ang laki nang ipinagbago mo, Maxrill!"
"Yeah?" Maging ang tawa ni Maxrill ay nag-iba na. "Ngayon mo lang napansin?" sarkastiko ang halakhak niya. "Where have you been?" sarkastiko rin maging ang kaniyang tanong.
Nag-iba talaga ang kaniyang tawa. Kung pati paraan ng pagtawa ay nagbibinata, hindi ko na kailangang magulat. Hindi na iyon tulad noon na animong kinikiliti siya sa tagiliran dahil bigay na bigay. Madalang siyang tumawa noon, oo. Para bang bawat pagbuka ng bibig niya ay may kaukulang sentimo kaya pakikinggan mo talaga ang pagtawa niya. Ngayon ay talagang iba. Hindi na sentimo kundi libo-libo na ang halaga ng tawa niya.
"At lalo kang gumwapo! I missed you, for real!" dagdag ko saka wala sa sariling. Pero ako rin ang kusang humiwalay nang walang matanggap na pagganti mula sa kaniya. Na noon ay siya pa ang madalas na gumawa.
Hindi na siya bata...
Gusto kong kurutin at pisilin ang pisngi niya, gaya ng dati kong ginagawa, pero hindi ko maintindihan kung bakit ilang na ilang ako ngayon. At lalo pa akong nailang nang bahagya na namang manliit ang kaniyang paningin saka natawa sa akin.
Nasanay yata ako na isip-bata siya at malayo sa magandang binata na nasa harap ko ngayon.
Napasulyap ulit ako sa gawi ni Maxwell nang marinig ko ang tilamsik ng tubig. Lumangoy na pala ulit siya at papunta naman sa kabilang dulo ng pool. Napasimangot ako.
Gustuhin ko mang panoorin si Maxwell ay naagaw na muli ni Maxrill ang atensyon ko, "Are you still single, Yaz?"
Gusto ko talagang hanapin ang pagtawag niya ng Noona. Gusto ko ring tanungin kung bakit pangalan na lang ang itinatawag niya sa 'kin. Kung kasama man 'yon sa pagbibinata niya, kailangan ko munang masanay.
"Yeah! Well," nagkibit-balikat ako. "Busy ako sa work. Before naman ay busy sa studies so...no time for boys."
"Busy studying Maxwell Laurent del Valle's anatomy, huh?" Ngumisi siya.
Napamaang ako sa gulat. "Sira!"
"Just kidding." Iyon ang sinabi niya ngunit bitin ang kaniyang ngiti. Bahagya siyang yumuko sa akin at bumulong, "But I bet your favorite subject is Maxwellogy. The study of Maxwell Laurent del Valle's body."
"You are crazy! Baka marinig tayo ng kuya mo, lagot ka. Gumaganiyan ka na ngayon, ah!" Napalo ko ang basang braso niya. Ngunit nang muling manliit nang bahagya ang kaniyang mga mata ay gusto kong bawiin ang pagpalo ko. Naninibago ako sa gano'ng reaksyon ni Maxrill. Pakiramdam ko ay sinusuri niya ako.
Pero nang maisip ang mga biro niya ay gusto ko na namang magulat. Hindi ako sanay sa ganoong biro ni Maxrill. Hindi lang yata katawan, boses at hitsura ang nagbinata sa kaniya.
"Nag-mature ka na, Maxrill," nakangiti kong sabi, mawala lang ang tensyon na sa tingin ko ay namumuo sa pagitan namin.
"There's no way to slow down or stop my genes from aging, Yaz."
Hindi ko napigilang matawa. "Nakakapanibago ka, grabe. Halos hindi kita makilala ngayon. Samantalang ilang months lang naman kitang hindi nakita. Binatang-binata ka na."
"You were busy, always busy with somebody, you didn't noticed me." Batid kong si Maxwell ang tinutukoy niya. Napahagikhik ako.
"God! Now it feels weird to think how we used to play when you were younger." Nakangiti ko siyang nginiwian. "I think I'm going to miss the old you, Maxrill. And how I was able to play games like hide and seek with you."
Inalalayan niya ako paupo sa plastic bench na nasisilungan ng umbrella. Saka siya tumayo sa harap ko at pinagpag nang pinagpag ang buhok niya. Hindi ko maiwasang matawa habang pinapanood siya. Kailan ba ako maniniwalang binata na talaga siya? At mukhang maloko pa.
Siguro nasanay siya sa America.
"Maxrill, let's go!" Natinag kami sa pagtawag ni Maxwell. Wala nang mas gaganda pa sa boses niya sa pandinig ko. Hindi lang iyon musika, kundi higit pa.
Napalunok na naman ako matapos kong makita ang kabuuan ni Maxwell. Mas nakakasilaw pa sa sikat ng araw ang maputi niyang katawan. At ang kahungkagan at kakisigan niya ay sadyang nakakatunaw. Hindi na iyon ang unang beses na nakita kong walang suot na top si Maxwell. I don't know why it felt and seems like that was the first time. Kakaiba sa pakiramdam, may halong kilig.
Ano ba ang nangyari sa mundo para magbago nang ganito ang mga tao? Masyado na silang malapit sa salitang perpekto. Oh, Lord, gustong-gusto kong maghalupasay habang naglalaway. Yuck, Zaimin Yaz!
"Yaz, let's go," sinenyasan ako ni Maxrill. At pinauna niya akong maglakad bago siya sumabay sa akin. "I'm so hungry," aniya nang makalapit kami kay Maxwell.
"Didn't you just eat?" masungit na tugon ng kapatid.
"Yeah, so?" mas masungit na tugon ni Maxrill sabay iling.
"Mukhang diyan ka walang ipinagbago, Maxrill, matakaw ka pa rin," biro ko.
"I'm devoted to eating." Kinindatan ako ni Maxrill.
"Tsh. Too much eating can increase the risk of heart disease and other serious health problems, Maxrill Won," masungit na sabat ni Maxwell. Wala na talagang susungit pa sa kaniya, hari! Hindi man lang pinagkaabalahang lingunin ang kapatid, mas abala siya sa pagsusungit.
"Oh, come on, brother," sumimangot si Maxrill, pinakadiinan ang huling salita. "Medicines are useless if the diet is wrong. Medicines aren't needed if the diet is correct. If rich food can kill then, I'm in danger, Maxwell Laurent." Mayabang niyang nginisihan ang kapatid saka kami pinangunahan.
Woah... Gusto kong masuka sa pag-uusap nila. Hindi talaga ako sanay! Naninibago ako kay Maxrill at nagwawala naman ang sistema ko sa presensya ni Maxwell. Hindi ko kayang kumalma.
Napakaraming nangyari sa mga nagdaang taon. Lahat nang iyon ay hindi pa rin kapani-paniwala hanggang ngayon. Pero sa kabila niyon ay mas pinili namin ni Zarnaih na manatili rito sa Laguna kung saan pareho kaming masaya. Ilang beses na kaming pinakiusapan ng mga magulang naming bumalik sa Cebu dahil sa pananabik nila sa amin. Sa huli ay desisyon pa rin naming magkapatid ang nasunod. Hinayaan kami ng pamilyang Moon na manatili sa mansyon nila, iyon din ang gusto ng parents ko. Pabor naman sa akin iyon dahil mas malapit ako kay Maxwell. Pero nang mag-asawa si Zarnaih ay nagbago ang lahat. But I don't regret anything, as long as I can see him.
Kung pinagsisisihan kong nanatili kami ni Zarnaih dito sa mga nagdaang taon, dahil sa mga hindi kanais-nais na pangyayari, ngayon ay masaya na ako. Totoo nga talagang hindi pwedeng mauna ang sarap, kailangan ding dumaan sa hirap. Hindi ko nga lang inaasahan ang hirap na pinagdaanan namin bagaman mas mahirap ang dinala ng mga Enrile at Moon.
Pero kung ganito ang kapalit ng pinagdaanan namin... God! I am willing to sacrifice! So fetch!
Hindi ko naiwasang mapatitig kay Maxwell habang kumakain. Lalo siyang gumwapo. Pinag-aralan ko ang buong mukha niya at hindi ko makuhang magsawa. Ilang gabi kong pinanabikang makitang muli ang mukhang iyon, panay ang pagngiti ko dahil nakikita ko na uli iyon ngayon.
"How's your studies?" tanong ni Maze sa kalagitnaan ng pagkain. Mukhang iisa-isahin niya ang magkakapatid.
Ngumiwi si Maxpein. "Iyong dating sisiw, manok na ngayon," mayabang niyang sabi. Sinulyapan at inismiran siya ni Maxwell.
Nang manganak si Maxpein kay Spaun ay noon lang siya nakabalik sa pag-aaral. Sangkatutak namang masters degree ang pinagdaanan nina Maxwell at Maxrill. Nakakaloka lang dahil hindi naman pareho ang kurso nila pero parati silang magkasama. Para bang ang katinuan ni Maxrill ay nakabaseng parati sa mga kapatid niya.
"Maxrill?" baling ni Maze sa bunso. Nilingon ng lahat si Maxrill na noon ay ngingisi-ngisi na.
Gusto ko na namang manibago. Dahil kung noon ay hindi mawala sa laman ng hapag-kainan ang mga mata niya, ngayon ay nakatutok siya sa sariling tasa. Masiyado na nga yatang natuon kay Maxwell ang paningin ko, wala na akong mapansing iba. Tuloy ang iilang buwan naming hindi pagkikita ay parang ilang taon na.
"I'm cool." Nagkibit-balikat pa si Maxrill saka muling ngumisi nang nakakaloko. 'Ayun na naman 'yong panliliit ng mga mata niya nang masulyapan ako.
"Kumusta ang pag-aaral mo?" tanong muli ni Maze.
"Well, I don't always study. But when I do, I make sure Maxwell sees me."
"Maxrill Won?" naninindak ang tinig ni More.
"I'm just kidding, dad," natatawang ani Maxrill. Tinuya niya ng tingin si Maxwell na noon ay masama na ang tingin sa kaniya. "I'm studying, and everything is going well. I don't want to limit myself to someone else's opinion of my capabilities. I'll do what I want. I got dreams, and plans, and so on..."
Sandaling nangibabaw ang katahimikan. Naninita ang mga titig nina Maze at More sa anak na si Maxrill. Mukhang pasaway na talaga ang bunso ngayon. Maloko. Malayo sa ugali nito noon na hindi naman nalalayo sa ugali ng mga nakatatandang kapatid niya. Wala man lang nagbago sa yabang ni Maxpein, naging mas masungit naman si Maxwell. Sadyang nakakagulat ang ipinagbago ni Maxrill.
"Gaano katagal kayo mag-i-stay dito?" tanong ni Zarnaih mayamaya. Agad akong napatingin kay Maxwell.
"For a couple of days." Masungit pa rin ang pagsagot ni Maxwell. Ngunit ang paningin ko ay natuon na sa paraan niya nang pagkakalapag ng kutsarita.
Napabuntog-hininga ako. Iyon si Maxwell. Hindi malaman kung Obssessive-Compulsive (OC) ba siya o maarte lang talaga. Hilig niya kasing isalansan ang lahat ng bagay. Kung paano niyang pinulot ang kutsarita, parang obligado siyang ibalik iyon sa ganoong paraan. At hindi siya hihinto hangga't hindi niya naibabalik iyon nang pantay.
Abnormal. What? Abnormalidad naman talaga iyon!
Maging ang tasa niya ay paulit-ulit niyang pinupunasan sa parte kung saan dumarampi ang mga labi niya. Para bang kasalanan na may maiwang coffee stain sa coffee cup niya. At bawal siyang kakitaan ng anumang dumi, sa katawan man o kahit saan.
"Bakit naman sandali lang ang bakasyon mo?" tanong naman ni Mokz.
Napabuntong-hininga si Maxwell. "Kailangan ko nang pumunta sa Palawan. They need me there." Ngumiwi siya. "Useless ang pagpapatayo ko ng ospital kung wala naman ako ro'n. Besides, may thesis si Maxrill."
"Yeah, right," nagmamalaking sabi ni Maxrill. "You see, I should be studying right now. You're very lucky to have me here."
Kung gano'n ay sandali lang pala sila.
Nagpresinta akong maghugas ng pinggan matapos naming kumain. Kakanta-kanta ko pa iyong ginawa. Umaapaw ang tuwa at saya sa puso ko.
"I heard you're working in BIS Hospital? Tinapos mo pala talaga ang nursing."
Muntik ko nang maihulog ang hawak kong pinggan nang mangibabaw mula sa likuran ko ang boses ni Maxwell.
Ano ba ang nangyayari sa iyo, Yaz? Nasaan na ang makapal mong mukha noon?
Sunod-sunod na paglunok at buntong-hininga ang ginawa ko. Bago ako nagkaroon ng lakas ng loob na lingunin at ngitian siya.
"Oo. Inisip mo bang biro iyon?" sinikap kong tingnan siya sa mga mata. Sa loob ko ay ilang na ilang na ako. Ang kaba ko ay malayo na sa normal. And only Maxwell can make me feel this way.
Gayunman, gusto ko siyang tarayan dahil ilang taon na ang nakalipas mula nang makatapos ako. Parang ngayon lang siya nagkaro'n ng oras para paniwalaan ako.
Hawak ang baso ay marahan siyang naglakad papalapit sa gawi ko. Ang isang kamay niya ay nakapako sa baywang niya. Ang mga tingin niya ay blangko pero napakalakas ng dating sa akin.
Sumandal siya sa kitchen island at deretsong tumingin sa akin. "Wala naman akong sineryoso sa mga sinabi mo," prangkang tugon niya.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakamaang. Sandali akong natigilan habang nakatitig sa kaniya. Saka ko ibinaba ang mga hawak ko at humarap sa kaniya.
"What? hindi ko naitago ang mataray kong boses. Pero ngumisi lang siya at tinalikuran ako. Iniwan niya akong gano'n.
Ha! Mayabang ang pagkakanganga ko, habang nakapamaywang pa. Wala na akong pakialam kung may mapuntang sabon sa baywang ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"Kung gano'n, hindi niya rin sineryoso 'yong...tsk! Ugh! I hate him!" angil ko sa sarili.
Mabilis kong tinapos ang paghuhugas. Gusto kong komprontahin si Maxwell. Pero gano'n na lang ang panghihinayang ko matapos marinig ang pamamaalam niya. Doon sila matutulog ni Maxrill sa bahay niya at nangakong babalik na lang sa susunod na araw.
Nakiusap si Maze na doon na lang sila manatili, tutal ay bakasyon nila at isang linggo lang sila ro'n, pero nagmatigas si Maxwell. Ayaw raw nila ng maingay ni Maxrill at gusto nila nang totoong tulog. Na para bang peke ang itutulog nila dito.
Psh! Alam ko namang ayaw niya lang akong makasama. Sa akin siya naiingayan! At siya lang ang naiingayan! Idinadamay niya pa si Maxrill. Hmp!
Hindi man lang sumama ang loob ko. Mas matagal pa siyang wala sa paningin ko kaysa magkasama kami. Mas madalas pa ang birthday ko kaysa pagkakasundo namin. Pero hindi ko rin makuhang malungkot. Masaya ako sa ganitong klase ng relasyon na meron kami ni Maxwell. Kontento ako na may gusto ako sa kaniya at kinikilig ako sa t'wing makikita ko siya. Ayos na sa akin na kahit madalas siyang magsungit ay kinakausap at pinapansin niya pa rin ako. Hindi na ako naghahangad nang higit pa roon.
DALAWANG araw ang nakalipas nang hindi ko nakikita si Maxwell. Pero nandoon pa rin sa akin ang saya. Kakaiba ang pakiramdam ng katotohanang pareho lang kaming nasa Laguna.
May duty ako sa araw na iyon. Kung dati ay isinusumpa ko ang araw ng Lunes, ngayon ay walang puwang ang kahit na anong negatibong pakiramdam sa akin.
Masaya kong sinalubong ang kaibigan kong si Cyrene. "Good morning!"
"Naku, 'buti at dumating ka na." Nagmamadali siyang mag-ayos ng gamit.
"Bakit?" Kinabahan ako bigla.
"Magbihis ka na, bilisan mo. May visiting doctor tayo today. Gusto ni Sir Tunisi in complete uniform tayong lahat at may ginagawa."
Sumimangot ako. "Visiting doctor lang naman iyon, ah? Ano na namang problema niya?"
Hindi namin gusto ang supervisor naming si Sir Tunisi. Madalas kasi ay nagpapakitang gilas siya o nakikipagpaligsahan sa iba't ibang area kahit hindi naman dapat. Nasa iisang ospital lang kami, hindi maganda na makipagpaligsahan siya.
Siya rin ang clinical instructor namin sa operating room noong estudyante palang kami. Gano'n na ang ugali niya noon pa man pero hindi ako masanay. Parating nagpapakitang gilas. May mga sandali tuloy na napapahiya kami, lalo na kapag may alam ang ibang school na inaaral pa lang namin. Sa huli ay kami ang ngangaragin niya sa pag-aaral para magmukha siyang angat o nakakasabay sa lahat.
Ang dinig namin ay nagtapos ng medisina si Sir Tunisi pero hindi nakapasa sa exam kaya piniling magturo na lang kaysa magpatuloy.
Sa operating room kami naka-assign ngayon. Pumapasok kaming suot ang normal na hospital uniform pero pagkarating sa O.R. ay nagpapalit kami ng scrub suit. Special area kasi iyon sa ospital at hangga't maaari, kailangan ay malinis kami parati. Ang scub suit ay isinusuot lang kapag nasa O.R. na. Hindi iyon pwedeng isuot sa byahe papasok o pauwi, at kailangang may isuot na lab gown kung lalabas man sa area.
Mabilis akong pumasok sa O.R. at nagbihis. Paglabas ko ay sumabay na ako kay Cyrene papunta sa nurse's lounge para makinig sa kung anumang endorsement kuno ni Sir Tunisi.
"Marami tayong pasyente ngayon," bungad sa amin ni Sir Tunisi. Iwinawagayway niya sa ere ang case records at napanganga ako sa dami niyon.
"Kinuha niya na naman yata lahat ng cases," angil ni Melanie, head nurse namin.
"Ang bawat isang pares ay may apat na case. Paghatian ninyo nang ayos iyan at mamili kayo ng gagawing case presentation para sa Byernes," nakangiting ani Sir Tunisi.
Palibhasa'y malaking ospital ang BIS, marami ang naka-duty hindi gaya sa ibang ospital. Ang bilang ng staff nurses ay nahati sa iba't ibang grupo, na naka-duty sa iba't iba ring oras.
Walo kami sa grupo, nahati kami sa apat na pares. Sa isang case kasi ay may mag-a-assist bilang scrub nurse at circulating nurse. May minor at major cases kaya kailangang mahati iyon nang tama sa bawat staff.
At para patuloy raw kaming natututo, kailangan naming mag-case presentation every week. Para lang kaming mga estudyante na sumasahod sa madaling salita.
"Kayo na ang maunang sumalang, Yaz, Cyrene," utos ni Melanie. Agad naman kaming tumango. "Cholecystectomy," ipinakita niya sa amin ang case record ng unang pasyente saka in-endorse ni Sir Tunisi.
Napag-usapan namin ni Cyrene na ako ang scrub nurse at siya naman ang circulating nurse. Ang trabaho ko ay mag-abot ng instruments sa tabi ng doktor at magtrabaho sa sterile field. Si Cyrene naman ang iikot sa buong room, magse-set-up ng lahat, magtsa-charting, makikipag-coordinate sa ibang team at kung ano-ano pa sa unsterile field.
"Have you seen the visiting doctor? He's so gwapo!"
"Pupunta iyon dito, kaya relax ka lang. Nakikipag-usap lang daw kay Ma'am Minnie."
"How did you know?"
"Operating room daw ang bahay no'n."
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang usapan ng dalawang staff nurse nang makapasok kami sa room. Agad naman kaming kumilos ni Cyrene para wala silang masabi ang mga tsismosa. Inasikaso na namin ang pasyente.
"Sana manood siya, gusto ko siyang makita."
"For sure 'yan! Grabe, ang gwapo talaga!" Hindi pa rin natatapos ang tsismisan nila.
Malaki ang operating theatre at may sampung operating room. Kaya pwedeng magsabay-sabay ng operasyon ang mahigit sa sampung doktor. Ang bawat room ay may amphitheater kung tawagin. Open space iyon na maraming upuan at nakapwesto sa mismong itaas o sa bandang kisame ng operating room. Doon pumupuwesto ang student nurses, nurses, interns, residents at doctors na gustong panoorin ang kasalukuyang operasyon.
"Good morning, everyone," bati ng anesthesiologist. Agad itong pumuwesto sa ulunan ng pasyente at sinimulan ang trabaho niya sa mga monitors. Ilang saglit pa ay dumating na ang surgeon at assistant doctor.
"Oh, hi," bati sa akin ni Keziah. Siya ang assistant doctor na kasama ng surgeon, hindi ko inaasahan.
Akala ko ba ay gwapo? Hahaha!
"Good morning, doktora," sabay naming pagbati ni Cyrene. Nginitian niya na lang kami at kumilos na rin.
Hindi na bago sa 'kin na makasama si Keziah. Sa BIS din siya nagtatrabaho at madalas kaming magkita. Iyon nga lang, doktor siya habang nurse naman ako. Hindi ko maitatangging mabait sa 'kin si Keziah. Pero dahil karibal ko siya kay Maxwell, ilag ako.
Sana ay magbalik. Dahil nananabik madama ang init ng iyong pag-ibig. Ngunit hanggang kailan ako ay maghihintay? Sana ay sabihing di na magtatagal...
Nakaugalian na ni Keziah na magpatugtog sa t'wing nasa operating room. Isang kantang paulit-ulit. Isa raw 'yon sa paraan niya ng pagtatrabaho. Ayaw niya ng tensyonadong oras. Gusto niya iyong chill lang.
"May special guest tayo," natatawang sabi ni Keziah mayamaya. Hindi ko sana siya papansinin pero pakiramdam ko ay sa akin niya mismo sinabi iyon.
Gusto kong magtaka sa magandang pagkakangiti niya sa akin habang nagpapaalalay na masuutan ng gown.
Nakangiti siyang tumingala sa amphitheater na noon ay nasa bandang likuran ko. Hindi ko magawang lingunin ang gawing iyon dahil limitado lang ang kilos ko.
"Good morning, Doctor Maxwell Laurent del Valle," nakangising bati ni Doc Marwan mayamaya, at ganoon na lang ang gulat ko!
Gusto kong lumingon sa amphitheater pero hindi pwede. Baka mapagalitan ako. Lalo na at ang istrikto at halimaw na si Doc Marwan ang surgeon. Magaling ito pero iba kung magalit.
Ito ang isang mahirap na practice sa loob ng O.R., kailangan mong kumilos sa paraang mananatili kang sterile. At ang salitang sterile ay malayo sa malinis kaya kailangang mag-ingat.
"Good morning," nangibabaw sa mikropono ang boses ni Maxwell. Nangilabot ako at napapikit! Pakiramdam ko ay sinakop ng boses niya ang buong operating room na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit nanindig bigla ang mga balahibo ko, mula sa batok hanggang sa mga braso, at nananatili ang mga 'yong nakatayo.
Mayamaya lang ay inanunsyo ang pagsisimula ng operasyon. Nanlalamig ang mga kamay ko at biglang nanginig ang mga iyon. Kahit centralized ang air-condition, pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako.
Kahit hindi ako sigurado, pakiramdam ko ay sa akin nakatuon ang paningin ni Maxwell. At ang pakiramdam na iyon ay inaalis ang katinuan ko. Hindi ko maiwasang kabahan at mailang, pakiramdam ko tuloy anumang oras ay magkakamali ako.
"Metz," anang doktor.
"Doc?" tila hindi ko naintindihan ang sinabi niya.
Nilingon ako ni Doc Marwan, bagay na ayaw na ginagawa ng mga surgeon dito. "Metz," mariin at malakas nang pag-uulit niya.
Nakanganga akong tumango saka bumaling sa mayo table at dinampot ang instrument na hinihingi niya. Napabuntong-hininga ako nang magsimula na uling magtrabaho ang doktor. At laking pasasalamat ko nang matapos ang operasyon nang walang aberya, sa akin. Panay ang bulong at hiling kong sana ay huwag akong magkamali sa oras na iyon. Natatakot akong mapahiya kay Maxwell. At kahit pa alam ko na ang mga gagawin ay masyado akong naiilang para makakilos nang tama. Paulit-ulit sa isip ko ang mga dapat na gawin. Mas matindi pa yata 'yong kaba ko kanina kaysa noong unang beses kong sumalang sa operating room bilang estudyante!
"Maxwell!" dinig na dinig ko ang boses ni Keziah.
Nahinto ako sa paghuhugas ng instruments at patalikod akong sumilip sa pinto. Halos lahat ng staff nurse ay nandoon at nakangiting nakatingala kay Maxwell. Tumaas ang gilid ng nguso ko sa sobrang inis nang makita kong yumakap si Keziah kay Maxwell.
"Nakakainis," wala sa sariling bulong ko.
"Bakit?" takang tanong ni Cyrene sabay silip din sa labas ng sterilization. "Ang gwapo ng visiting doctor, 'no? Maxwell ang pangalan niya."
Napangiwi ako. "I know."
"Kilala mo?"
"Oo. Doon din 'yan sa BIS nag-aral," nakangiwi kong sagot. "Nag-aral pa 'ko, di 'ko rin nakasama," pabulong kong sabi, hindi niya yata narinig. "Nagdu-duty rin siya dito madalas no'ng student pa siya. Sa ibang bansa lang kumuha ng specialization."
"Paano mo nalaman?" kinikilig siya sa pagtatanong. Puno siya ng pagtataka, puno naman ako ng inis kaya hindi ko magawang magkwento. "Grabe, sobrang gwapo niya. Hindi ako makakilos nang tama kanina kasi panay ang sulyap ko sa kaniya. Para siyang model sa sobrang gwapo!"
"I know, right?" nakangiwi pa rin ako. "Tingnan mo, pinalibutan agad ng mga babae. Psh." Sinamaan ko ng tingin ang mga babaeng bakas sa mukha kung gaano kagustong makamayan at makausap si Maxwell. "Hindi kayo magugustuhan niyan!"
"'Uy, ano ka ba?" natawa si Cyrene. "Bakit ba parang galit na galit ka? Kilala mo ba 'yong Doc Maxwell na 'yon, ha?"
Bumuntong-hininga ako. "Oo. Best friends ang parehong kapatid namin."
Nanlaki ang mga mata niya. "Talaga? Eh, di magkakilala kayo?"
Tumango ako. "It's a long story, Cyrene. Saka ko na lang ikukwento. Bilisan na natin dito dahil kailangang bantayan ko ang kilos niya. Kailangang mawala 'yong mga babaeng dikit nang dikit sa kaniya."
"Hahaha. May gusto ka ba sa kaniya?"
"Duh?" inis akong bumaling kay Cyrene. "Hindi ba halata?"
"You really like him?"
Umikot ang mga mata ko sa tanong niya. "Sino ang hindi magkakagusto sa isang Maxwell Laurent del Valle, Cyrene? I mean, look at him?" Itinuro ko sa kaniya si Maxwell nang nakatalikod ako sa gawing iyon. Natigilan naman si Cyrene at napapalunok na tumitig sa gawi na itinuturo ko. "Masungit siya, I mean, sobrang sungit! Walang katulad ang kasungitan, hindi makatarungan. Pero isa pa 'yon sa magugustuhan mo, believe me! I really like him, and I can't help it! He is undeniably handsome. He is the reason why I'm here, Cyrene. He's my dream guy." Sinabi ko iyon na para bang nananaginip na ako. Nakangiti ako habang nakatingala sa kisame, ang mga kamay ko ay magkasalikop sa ilalim ng panga ko.
"Ah, Yaz?" garalgal ang tinig ni Cyrene.
"Hmm?" nakangiti ko pa ring ungol, hindi man lang siya tinitingnan.
"Behind you."
"Yes. I'm pertaining to the one behind me, Cyrene. Loving the person behind me is like breathing, I can't live without him." Bumungisngis ako sa huli, kinikilig.
"He's...behind you." Awtomatiko na napatalikod si Cyrene sa gawi ko matapos sabihin iyon. Iniwan niya ako na para bang hindi kami naging magkaibigan.
Nasa likod ko si Maxwell, iyon ang ibig niyang sabihin. Nasa likod ko si Maxwell, at hindi imposibleng narinig niya ang sinabi ko kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ni Cyrene. Nasa likod ko si Maxwell, at paniguradong maaasar na naman siya kung sakaling narinig niya nga ang mga iyon. Nasa likod ko si Maxwell, at gusto kong ipakain ang sarili ko sa sementong kinatatayuan ko.
Natigilan ako habang nanlalaki ang mga mata. Napapikit ako nang mariin kasabay ng paglunok. Hindi ko magawang ipihit ang katawan ko, ni hindi ko magawang kumilos o gumalaw. Kung pwede lang ay huminto na lang din sana ang aking paghinga.
Nag-init ang buong katawan ko. Paniguradong namumula ang buo kong mukha. Nag-angat ako ng tingin. Mula sa kinatatayuan ko ay nakita ko si Maxwell sa salaming nasa harapan ko. Pakiramdam ko ay huminto ang pagtibok ng puso ko nang yumuko siya mula sa aking likuran, at pagpantayin ang mga pisngi namin. Naramdaman ko ang hininga niya mula sa likuran ng aking tainga. Napapikit ako nang mariin ngunit agad din akong nagmulat.
"Keep breathing, then," bulong niya dahilan para mapasinghap ako at mapigil ko ang aking paghinga.
Kung kaya ikaw ang aking iniibig. 'Yan ay kusang nadama at di ko pinilit. Sa katunayan nga kahit sa panaginip laging naro'n ka at di maalis.
Bumaling lang ako sa likuran nang maramdaman ko ang paglayo niya. Saka ko tinanaw ang likuran niya. Pakiramdam ko ay naiwan sa hangin ang pabango niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, pinanood ko pa ang pantay na pantay na paglalakad niya.
I can't believe he said that. Ang mga salitang 'yon ay nagawang iangat ang mga paa ko sa semento. Pakiramdam ko ay nakalutang ako habang nakatanaw sa paglayo niya.
So, he wants me to keep on loving him?
To be continued. . .
/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top