CHAPTER FOUR

HINDI NA naalis pa ang ngiti sa labi ko hanggang sa makauwi kami. Hindi ko na rin nabitawan pa ang stuff toy na kinuha ni Maxwell para sa akin.

"'Ganda ng ngiti mo, ah?" ani Zarnaih, hinablot ang stuff toy sa akin.

"Ano ba?" nakangiti kong habol.

"Ano ba?" nakangiwing panggagaya niya. Nakasimangot niyang tiningnan iyon. "Bigay ni Maxwell?" Nakangiti akong tumango. Nandidiri niya namang ibinalik 'yon sa 'kin. "Hindi ka nainsulto?"

"Bakit naman?" mataray kong tugon.

"Palaka iniregalo sa 'yo, insulto 'yon kasi kahawig mo!"

"You're so mean, Zarnaih! Stop killing my self-esteem, I'm still single, please."

"'Arte mo! Psh," inirapan niya ako. "Mabuti pa 'tong leon, kabuhok mo lang. Galing din sa kaniya?"

"It's so cute, right? Maxrill gave it to me," nakangiti kong sagot. Kukunin ko na sana 'yon nang muli niyang angkinin.

"Umamin ka nga sa 'kin, ate?"

"What?"

"May gusto ba sa 'yo si Maxrill?"

Muntik na akong masamid. "Ano? Bakit mo naman naisip 'yon?" Nag-iwas ako ng tingin, pilit itinuon 'yon sa bigay ni Maxwell.

"Hindi ka ba nakakahalata?"

"Saan?"

"'Sus," naupo siya sa tabi ko, sinalubong ang mga tingin ko. "'Wag mo sabihing hindi mo napapansin ang mga kilos ni Maxrill? 'Yong mga actions niya."

"What about his actions?" maang kong sagot.

"Kakaiba ang mga tingin niya sa 'yo, ate. Hindi na 'yon tulad noon, 'no. May gusto si Maxrill sa 'yo, ate."

Napalingon ako sa gawi ni Lee na noon ay napatulog na ang anak. "'Wag ka namang maingay, baka marinig tayo ng asawa mo."

"Hindi mo nahahalata?"

"Ang alin ba?" nag-iwas ako ng tingin.

"Wow, maang-maangan, ah? Trenta ka na, ate! 'Wag kang mag-feeling teenager!"

Hindi ko na siya sinagot pa. Pilit kong hindi ipinahalata ang tunay kong reaksyon sa mga sinasabi niya. Nag-aalala lang ako na baka marinig kami ni Lee.

"Feeling ko nga pati si Maxpein ay nakakahalata na," nakangiwing dagdag niya.

Awtomatiko ko siyang nilingon. "What do you mean?"

"Hindi ba't gusto kang ihatid ni Maxrill kanina? Kahit na alam naman niyang kasama mo kami ni Lee." Sumimangot siya at umiling. "Ang sama ng mukha ni Maxpein, titig na titig sa bunsong kapatid. Kaya 'ayun, imbes na doon siya matutulog sa bahay ni Maxwell. Pilit siyang pinauwi ni Maxpein sa mansyon."

"Sumunod naman siya?" natatawa kong tugon. "I can't believe it. I thought kasama sa maturity niya ang tapang na tumanggi sa mga kapatid niya."

"Well, it seemed he had matured enough to fulfil himself. But still, Maxpein is Maxpein. Takot siya kay Maxpein, lalo na kapag seryoso."

"Hindi na siya 'yong batang Maxrill noon." May kung ano sa 'kin na talagang nami-miss 'yon. Hindi pa rin ako maka-move on sa paninibago.

"I agree, iba na si Maxrill ngayon. Meron nang gusto."

"Kanino?"

"Sa 'yo."

"Zarnaih, please," pinandilatan ko siya. "Stop it. 'Wag ka ngang mag-isip nang ganiyan? Hindi gano'n 'yon, okay? We're just close to each other. I mean, I'm his ate, his noona."

"Naku, believe me, ate!" nakangiwing iling niya. "May gusto sa 'yo si Maxrill. Na kay Maxwell kasi ang paningin mo kaya hindi mo siya mapansin."

"Whatever, Zarnaih," umikot ang mga mata ko.

"Ate, bilang lang ang segundo na wala sa 'yo ang paningin ni Maxrill. Ni hindi man lang lumingon sa ibang babae. Come on, those moves? I know that already. I've been there. Gano'n na gano'n noon si Lee sa 'kin."

Whatever!

Napabuntong-hininga ako. I don't know how to tell her what I really feel and think about it. Of course nakita at naramdaman ko 'yon. Baka nga nauna ko pa iyong mapansin kaysa kaniya. I've been there also. For sure, mas marami pa akong naging experience kaysa kay Zarnaih. It's just that, hindi ko kayang aminin. Hindi ko kayang tanggapin. Maxrill is like a younger brother to me. He's more than a friend only because I consider him as a family.

But I don't wanna tell Zarnaih about my thoughts. For sure ipapahamak lang ako ng bibig niya.

Sinimangutan ko siya. "Bakit hindi na lang kasi si Maxwell ang pinansin mo?" inilayo ko ang usapan. "Hindi mo ba nakikita 'yong actions ni Maxwell? Well, I do! I think he's starting to like me."

"Wow," nanlumo siya. "How delusional you are, ate. Kung may gusto sa 'yo si Maxwell, eh, di ikaw na sana ang date niya, impakta ka!"

"Makaimpakta ka naman," angil ko.

Napasimangot na naman tuloy ako. Kanina kasi ay naunang umuwi sina Maxwell at Keziah. Pareho raw silang maaga bukas sa BISH. Bagaman makikita ko si Maxwell bukas, kinakabahan akong maulit ang nangyari noong huli.

Nauna na akong magpaalam kay Zarnaih. Sa takot ko na rin na baka ipursigi niya ang napapansin kay Maxrill.

MAAGA akong dumating sa ospital kinabukasan. Naunahan ko pa ang head nurse sa endorsements. Tuloy pati ang trabaho niya ay pinakialaman ko na. Inaral ko ang lahat ng charts saka inihanda ang sarili sa posibleng hawakang cases.

"Si Doc Maxwell ang assistant doctor sa ORIF," bulong ni Cyrene mayamaya, kinindatan niya ako.

"I bet nandoon na naman si Doc Keziah?" pabulong kong angil.

"What do you expect? They're twinnies." Tumawa siya.

Ngumiwi naman ako. "Sino ang naka-assign na nurse?"

"He requested for you."

Nanlaki ang mga mata ko. "For real?"

Nagkibit-balikat siya. "Ask the head nurse."

Naloka ako. O sabihin na nating kinilig na rin. Pero agad din iyong napalitan ng kaba. Tensyonado ako pagdating sa kaniya. Nag-alala tuloy ako na baka muling magkamali, magpabingi-bingi habang nagtatrabago kasama siya.

Iyon 'yong surgical procedure kung saan kailangang i-realign ang malubhang bone fracture o baling buto, sa normal nitong posisyon. Saka kakabitan ng mga bakal para maging stable ang buto upang gumaling at mapigilan ang impeksyon.

Lalo pa akong kinabahan nang maalalang hindi ko pa naa-assist ang orthopedic doctor, espesyalista sa buto. Kung ni-request ako ni Maxwell, paniguradong kailangang ako ang mag-assist. Hindi ko pwedeng ibato iyon kay Cyrene.

Matapos naming mag-lunch ay dumating ang pasyente. Wala pa man ay balisa na ako. Nanlalamig ang mga kamay ko. At kahit na ayos na ang lahat, panay ang checking ko.

"Yaz!" malakas na pagtawag ni Melanie. Humahangos siyang lumapit sa 'kin.

"Emergency?" natatawa akong tugon.

"Congratulations, ikaw ang staff nurse of the month!"

Nanlaki ang mga mata ko. "Wow! Hindi nga?"

"Oo nga!" Inilahad niya ang evaluation paper sa akin. "Congratulations!"

"Wow, thank you!" nakangiti ko iyong tiningnan.

That was my first time. Sure, it's a big deal for me. Kompara kasi sa mga kasamahan ko, maikling panahon palang ako nananatili rito.

Bukod do'n, hindi gano'n kadaling mapili bilang staff nurse of the month. Dahil hindi per area ang basehan niyon kundi buong hospital. Sa dami ng nurses, haplos sa buwan iyon.

"Continue mo lang ang ganiyang attendance. No more lates," nakangiwi ngunit nakangiti niyang sabi.

"Sure," natawa ako.

"Malaking tulong 'yong magkakasunod na straight duty mo," pabulong niyang sabi. Sumimangot lang ako. "And you're not gonna believe it," mas lumapit pa siya sa 'kin. "Ipinaglaban ka ni Sir Tunisi." Humalakhak siya.

"What, why?" natawa rin ako.

"Iyong si Babette sana ang mapipili. Iginiit niya 'yong straight duties mo," nakangiwi niyang ngiti. "Magpapakain daw siya mamaya, buong O.R."

"Wow," I was speechless, overwhelmed.

"Sige na, aayusin ko pa 'yong frame mo." Tatawa-tawa siyang kumaway.

"Thanks, head nurse!" Nakangiti akong tumitig sa papel na hawak. Nag-angat lang ako ng tingin nang dumating si Cyrene. "Staff nurse of the month," excited ko iyong iwinagayway sa kaniya.

Ngunit pinandilatan niya lang ako. "Nandiyan si Doc Maxwell," bulong niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mangalingasaw ang pamilyar na amoy ni Maxwell. Kung tutuusin ay hindi niya na kailangang sabihin. Ang natural na amoy ng operating room ay nagagawang takpan ng makahipnotismong pabango ni Maxwell. Sa t'wing nasa paligid siya ay nalalaman ko, dahil iyon at iyon lang naman ang pabangong gamit niya. Relos at sapatos lang yata ang nagbabago sa kaniya.

Halos mapatalon ako matapos lumingon. Naroon si Maxwell. Magkakrus ang kaniyang braso at nakasandal sa nurse's station. Deretso siyang nakatitig sa akin, na tila ba kanina pa pinapanood ang pagsasaya ko.

Bigla ay nakaramdam ako ng hiya. "Hi, doc!"

"Hello," tipid niyang bati. Tinanguan niya lang si Cyrene saka pumasok sa quarter nila.

Nagkangitian kami ni Cyrene at mabilis nang tumalima.

"Good afternoon, everyone," bati ng anesthesiologist. Agad itong kumilos upang bigyan ng anesthesia ang pasyente.

Kasunod niya ay si Keziah. Na hindi ko na ipinagtaka nang dumeretso sa player. Agad siyang nagpatugtog ng kanta at sinabayan iyon. Kahanga-hangang noon pa lang niya binasa ang chart. Tumango-tango siya na para bang noon lang nalaman kung anong procedure. Siya lang yata ang nakita kong doktor na gano'n.

Open the door and come in. I'm so glad to see you, my friend. Don't know how long it has been, having those feelings again. And now I see that you're so happy. And ooh, it just sets me free. And I'd like to see us as good of friends, as we used to be.

Napaindayog sa kanta ni Doc Keziah ang karamihan sa naroon. Mayamaya lang ay halos sabayan na ng lahat ang kanta, maliban sa 'min ni Cyrene. Gano'n lagi ang eksena sa operating room sa t'wing nandoon siya.

Pero sa halip na ituon sa kaniya ang paningin ay naagaw nang pagpasok ni Maxwell ang atensyon ko. Talaga namang nakakabuhay ng dugo ang kagwapuhan niya at malakas na dating. Sa simpleng pagpasok niya habang nakasuko paharap ang mga braso, bumilis ang tibok ng puso ko. Agad na kumilos si Cyrene upang tulungan siya. Ako naman ay pumuwesto na sa tabi ni Ma'am Minnie. Hindi nawawala si Ma'am Minnie sa anumang operasyon. Marahil ay hindi ganoon sa ibang ospital, pero sa O.R. ng BISH siya ang parating present. Hindi kwestyonable ang dedikasyon niya sa trabaho. Kahit nga mga doktor ay mataas ang tingin sa kaniya.

"Ngayon lang yata dumami ang audience ko? Ngayon lang ba nag-ORIF dito? Good," sarkastikong anang ortho surgeon.

Napatingala sa amphitheater ang karamihan. Doble nga ang bilang ng nanonood doon kaysa nakasanayan.

Nakangiwi itong tumango-tango. "Mukhang hindi lang interns ang interesado sa ORIF ko?" siya na ang pinakasarkastikong doktor na nakilala ko. Wala yatang sinabi sina Dra. Natasha at Dr. Marwan dito.

Matunog ang buntong-hininga ni Ma'am Minnie. "Iyong male nurses ay paniguradong si Marchessa ang ipinunta. Tapos na ang duty nila." Tatawa-tawa niya akong sinulyapan saka muling bumaling sa surgeon. "Kung nasaan si Marchessa, nandoon ang audience."

"Really?" Nilingon ako ng ortho surgeon. "Kung gano'n, pasikatan natin ang audience mo." Ngiti lang ang naisagot ko.

"Akala ko naman ay gusto nilang matuto," bigla ay ani Maxwell.

"Si Doc Maxwell talaga, masyadong seryoso," biro ni Ma'am Minnie.

Seloso 'ka niyo.

Mabilis na nagsimula ang operasyon, hindi ko pa yata naririnig ulit ang boses ni Maxwell. Masyado siyang seryoso. Gano'n na rin si Keziah.

Nakakabilib kung paano nilang nagagawa 'yon. Kani-kanina lang ay nagbibiruan ang mga doktor. Ngayon ay pare-pareho na silang tutok sa ginagawa. Hindi man mag-usap ay nagkakaisa. Kahanga-hanga.

You're in love. That's the way it should be, 'cause I want you to be happy. You're in love and I know that you're not in love with me. Ooh...it's enough for me to know that you're in love, now I'll let you go. 'Cause I know that you're in love...

"Ang dinig ko ay ito ang huling operasyon na hahawakan ninyo," anang sugeon mayamaya. Pareho niyang tiningnan sina Maxwell at Keziah bago muling itinuon ang mata sa operasyon. "You guys are planning to settle down?" ngumisi siya, ngumuso ako.

"No," si Maxwell ang sumagot. "Not yet." Humalakhak sila ni Keziah. "Do you want to come with us? I need a good physician that's devoted in diagnosing, preventing and treating disorders and diseases of the body's musculoskeletal system. I bet that's you."

Humalakhak ang ortho surgeon. "Thank you for the compliment but this hospital is my home."

"I'm glad that you're home," ngumisi si Maxwell.

"Kung kailangan mo ng tulad ko ay malaki nga ang ospital mo. I'm proud of you, Dr. Maxwell del Valle."

"Asawa na lang ang kulang sa buhay niya," ani Ma'am Minnie. Siya ang nag-iisang nurse na nakakasalamuha sa gano'ng paraan ng mga doktor. "Napakaswerte nang mapapang-asawa mo, Doc Maxwell."

"I agree," tumango-tango ang ortho surgeon.

Napabuntong-hininga na lang ako. Aksidente namang napalakas iyon. Dahilan upang maagaw ko ang atensyon ng surgeon. Dahilan upang lingunin niya ako nang dalawang beses.

Tumango-tango ang surgeon bago nagsalita, "How about our nurse?" may respetong aniya, nakakabilib, hindi ko inaasahan. "You look single."

"I am, doc," itinutok ko ang paningin sa pasyente.

"Don't waste your genes, lady. Take advantage before it's too late." Humalakhak ang surgeon. Sa gulat ko naman ay hindi ko nagawang sumagot.

Mayamaya lang ay tungkol na sa operasyon ang usapan nila. Tinuruan ng surgeon sina Maxwell at Keziah, kaliwa't kanan naman ang pagsagot ng mga ito. Para silang nagtatagisan ng utak. Bagaman naiintindihan ko ang karamihan sa mga sinasabi nila, hindi ko magawang sumabat. Pakiramdam ko ay hindi ako pwedeng sumali sa usapan nila.

"You're doing great, Yaz. Have you assisted an ORIF operation before?" baling sa akin ni Maxwell, hindi ko na naman inaasahan.

"Yes," nauutal kong sagot. "Yes, doc."

Tumango-tango siya. "I'm glad to hear that."

Napamaang ako sa kaniya nang matagal. Muntik na namang maging dahilan iyon para hindi ko marinig ang surgeon. Mabuti na lang at nandoon si Ma'am Minnie. Para ko siyang anghel na isinasalba ako sa pagkakamali.

Pero ang simpleng papuri ni Maxwell na 'yon ay binura ang lahat ng hinanakit ko sa kaniya. Kung noong una ay minasama ko ang sinabi niya, ngayon ay parang naintindihan ko bigla. Tuloy ay hindi nawala ang ngiti ko hanggang sa matapos ang operasyon.

"Wala bang girlfriend 'yon si Doc Maxwell?" tanong ni Cyrene habang nagbabalot kami ng instruments.

"Wala pa." Ngumiti ako.

"Hindi naman kaya bakla 'yon?"

Pasinghal ko siyang nilingon. "Torpe," pagtatama ko sa kaniya. "Hindi bakla, Cyrene. Torpe," mariin kong sinabi.

"Bakit, may nagugustuhan na ba siya?"

"Meron."

"Sigurado ka?"

"Of course!" umikot ang mga mata ko. "So...fetch."

"Sino?"

"Who knows?" muli akong ngumiti. "Nandiyan lang iyon sa tabi-tabi. Baka nga nakakausap mo pa."

"Ikaw, ah? You're not sharing your secrets with me. Anong meron sa inyo ni Doc Maxwell?"

"Okay, I'm gonna share my secret."

"What?"

"Secret, bleh," lumabi ako.

"Ang corny mo." Sabay kaming natawa.

Buong maghapon akong masaya no'n. Natapos ang shift ko nang hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Hindi mawala ang simpleng papuri ni Maxwell sa pandinig at isip ko. It was not my first time, it just felt so good.

Hindi ko inaasahang maabutan ko sa pag-uwi si Maxwell. Nakangiti ko siyang tiningala habang naghihintay sa elevator. Nang maramdaman niya iyon ay nagbaba siya ng tingin sa akin at nanunuyang tumingin.

Should I thank him? I bit the side of my lip. Psh. Why should I? He wasn't even sorry for what he said the last time. I'll consider us quits.

Nauna siyang sumakay nang bumukas ang elevator. Gusto kong matawa nang mukhang naghihintay siya na sumakay rin ako.

"You own the space, doc," biro ko.

"Are you sure?"

Good mood ang loko, isasabay ako? "Pwede ba akong sumabay?"

Sa halip na sumagot ay isinenyas niyang sumakay na ako. Kagat ko na naman ang labi sa pagngiti nang pumasok sa elevator. Nakangiti kong pinagmasdan ang bawat detalye ng kaniyang likuran.

"It's still early," I didn't expect him to talk. "I'll take you home."

Napamaang ako sa gulat. Hindi ko nagawang magsalita agad. "May dala akong sasakyan," napapalunok, nauutal kong tugon.

Matagal siyang tumitig sa 'kin saka bumuntong-hininga at nag-iwas ng tingin. "Okay."

Palihim akong nangiti nang paunahin niya ako palabas. Tuloy ay hindi nakaligtas sa paningin ko ang malilikot na nurses. Nag-uunahan ang mga ito na sumilip sa gawi namin. Ang mga lalaki ay nasa akin ang paningin. Ang mga babae ay halos matunaw sa katititig si Maxwell.

"Bye, Yaz!" anang isa sa mga lalaki, hindi nakatiis. Para silang mga high school na nagtutulakan, nagsisisiksihan, nagtutuksuhan.

Natatawa ko silang kinawayan bilang paalam. Hindi man deretsong tiningnan ni Maxwell, sa galaw ng ulo niya ay tila sinulyapan niya ang mga ito.

"Alam nilang off ko bukas kaya ganiyan sila magbiro," sabi ko nang makalabas kami.

"Whatever."

Kunot-noo niyang iginala ang paningin sa parking hanggang sa mamataan ang kotse ko. Napangiti ako nang manguna siya papalapit doon.

"I'll fly back to Palawan the day after tomorrow," buntong-hininga niya. "I'll throw a party tomorrow night. You can come by anytime you want, I'll be around."

So...fetch! Wala akong nakapa na sagot. Napipi ako sa gulat. Pakiramdam ko ay may sapi ang lalaking ito sa harap ko. Mukhang na-overpower ng asukal ang toyo sa katawan niya.

"What?" nagsisimula na naman siyang magsungit.

"Of course, I'll be there. Matatanggihan ba naman kita?" pinigilan kong matawa. Pairap niyang inalis ang tingin sa akin.

Hindi ako makapaniwalang hindi ako nalungkot. I mean, I should be sad because he's leaving. And that means I won't see him again for a long time, that I'll wait 'til he comes back, unless magbakasyon ako.

Isinenyas niyang sumakay ako, agad naman akong tumalima. Pinakiramdaman ko ang sarili kung halusinasyon ko lang ang nangyayari. Pero ang lahat nang 'yon ay totoo.

Tumunghay siya sa bintana ng kotse ko, gusto kong kilabutan. He never did that before! "Drive safely, Zaimin Yaz. Have a good night." Tinapik niya ang balikat ko saka tumayo nang ayos.

Ilang beses akong nagkamali bago naisuksok nang tama ang susi. Hindi ko pa malaman kung isasara ang bintana. Basta ko na lang pinaandar papalayo ang sasakyan. Kahit pa may parte sa puso ko na gusto pang makasama siya.

INABOT ako ng umaga sa kaiisip, kinikilig. Hapon na nang magising ako. Para pa rin akong nakalutang sa langit. Hindi mawala ang ngiti sa labi at panay ang pagkanta habang naghahain sa sarili.

"Ate," lumapit si Zarnaih. "May party sa mansyon ng mga Moon mamaya." Kumakanta akong tumango. "Alam mo? Ah, talaga? Sinong nagsabi sa 'yo?"

"Mi numero uno, Maxwell baby."

"Ulul!"

"Tinuod na!" Siniringan ko siya, sinasabing nagsasabi ako nang totoo.

"Anyway, dadaan lang kami ni Lee. Hindi kami magtatagal."

Nakapamaywang ko siyang hinarap. "Why?"

"Ate, swimming at alak ang trip nina Maxwell at Maxrill. Cannot be! Mapupuyat ang baby ko, magagalit ang asawa ko. Baka sabihin pagiging puyatera lang ipinamana ko sa anak namin."

Na-excite na naman ako. Parang gusto kong ihinto bigla ang pagluluto. Saka kumaripas ng takbo papunta sa kwarto at maghanap ng swimsuit. Marami akong pairs na hindi pa nagagamit. Noon pa lang ay napapaisip na ako kung two-piece o one-piece swimsuit ang isusuot.

Iyong fringe top two-piece swimsuit ang napili ko sa huli. Plain na itim iyon pero ang lakas ng dating. Sinadya kong isuot na ang mga iyon. At patungan nalang ng loose white crop top at high waist denim shorts. Basta ko na lang din isinuot ang canvas red kicks at isinabit ang pula ring sling bag.

"I'm ready to go!" anunsyo ko, nagpapaalam. "I'll be home tomorrow midnight!"

"Siguraduhin mong kapag lumandi ka ay iyong si Maxwell lang ang makakakita. Kapag nandoon si Maxrill, magbalot ka ng katawan." Kinawayan ako ni Zarnaih. Lumapit naman ako sa baby niya at humalik. "Pakisabi na darating kami ni Lee tomorrow afternoon. Enjoy!"

Dumaan ako sa The Barb nang gabing iyon para sa Glenfiddich at Bacardi. Kung nalaman ko lang sana agad na gano'n ang party, um-order na sana ako online. Bibihira ang nakagagawa no'n sa TB, isa ako sa mga maswerte.

Excited kong iginarahe ang sasakyan sa harap ng mansyon. Na-miss ko bigla ang umuwi ro'n. Pero hindi ko inaasahang gano'n kaingay ang bakuran nila. Dumeretso ako sa likuran kung saan nagmumula ang tugtugan. Janet Jackson's music covered the entire yard.

"I'm here na!" anunsyo ko habang nakataas ang parehong alak na bitbit. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang makita kung sino-sino ang mga bisita.

Natigilan ako matapos makita ang ilang doktor, interns ng BISH at mga mukhang hindi pamilyar sa akin. Dagli kong ibinaba ang parehong braso, para maitago ang lantad na tiyan ko. Nakagat ko ang labi at napilitang ngumiti.

Naigala ko ang paningin. Hindi ko inaasahang gano'n karami ang bisita. May mga naka-swimsuit at naggi-grill sa isang tabi. Even the pool is occupied. Nagkalat ang plastic cups at chips. Habang ang mga pamilyar naman sa akin, iyong nakakasama ko sa ospital, ay nasa mahabang mesa at kumakain, including Maxwell. Mukhang kani-kaniya sila ng katuwaan.

"Good evening, everyone," mahina kong bati.

"Hi, Yaz!" magiliw na bati ni Ma'am Minnie, ngiti lang ang naitugon ko.

Nakita ko nang suyurin ako ng tingin ng karamihan. Paniguradong ang iba rin doon ay naagaw ko ang atensyon. Hindi na ako magtataka kung pati sila ay tinitingnan na ako ngayon. Para bang noon lang nila ako nakita sa ganoong suot. At sa tingin ko ay iyon nga ang unang pagkakataon na makita nila akong gano'n kakaswal.

"'Yan ang gusto ni Maxwell," bigla ay nangibabaw ang bulong ni Maxpein mula sa aking likuran. Nilingon ko siya. "Iyong nakamaong, at hindi nakatakong. You look good."

"Maxpein," niyakap ko siya nang mahigpit. "Bakit ang daming bwisita?" paismid kong bulong.

Ngumiwi siya. "Hindi ko nga rin alam na friendly pala si Maxwell. Mukhang marami pa siyang kakilala kaysa ako."

Wala akong nagawa kundi ang sumama nang akayin ako ni Maxpein papalapit sa lahat. Nakita ko na naman nang pasadahan ng lahat ng tingin ang kabuuan ko. Gusto ko tuloy mahiya. Pakiramdam ko kasi ay gano'n kalaswa sa tingin nila ang dating ko. Naninibago sila panigurado.

"Maxwell, introduce Yaz to everyone," pautos na ani Maxpein.

"Kilala nila ako," pabulong kong tugon.

Pinagkrus ni Maxpein ang braso nang harapin ako. "You're a Marchessa, not a del Valle...well, yet," ngisi niya. Saka siya muling bumaling sa kapatid. "Introduce her." Nagpaalam siya matapos no'n, babantayan ang anak.

Agad kong sinalubong ang tingin ni Maxwell. He rested his chin on his fist at deretsong tumitig sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang kiliting agad na dumaloy sa katawan ko.

"Hello, Yaz," hindi ko inaasahan ang tinig ni Maxrill. Nasa madilim siyang gawi. He was leaning against the wall with one foot resting on the other, his typical. "Your style is absolutely gorgeous. You become more attractive."

"Thank you," tipid ang ngiting tugon ko.

"You should've called me to pick you up."

"It's okay," ngiti ko.

"I was waiting for you. I've been practicing my dance moves," halakhak niya. He was wearing a plain white shirt and a cotton pattern shorts. Sa kamay niya ay bote ng beer at bacon chips na nakaipit sa kaniyang mga daliri.

Napatitig ako kay Maxwell nang tumayo at maglakad siya papalapit sa akin. Nilampasan niya si Maxrill. Na noon ay sarkastikong napahalakhak nang mapagtanto ang pakikipag-unahan niya.

"What's up with you, Maxwell?" habol ni Maxrill ngunit hindi siya pinansin ng kapatid. Patuloy itong lumapit sa 'kin.

Gano'n na lang ang gulat ko nang gumapang ang braso ni Maxwell upang sakupin ang buong baywang ko. Aligaga, nakamaang akong nag-angat ng tingin sa kaniya. At halos mapapikit, kasabay ng paglunok, nang maramdaman ang paulit-ulit at patuloy na pagpisil niya. Iyon ang unang pagkakataon na naramdaman ko ang palad niya sa balat ko. Hindi ko alam kung sinadya niyang hawakan ako sa parteng nakalantad. Ang tanging nauunawaan ko ay ang kakaibang kilabot na dulot nang mainit niyang palad.

Mas kinabig niya pa ako papalapit. "Yaz, everyone," ang tanging sinabi niya.

Nakakabilib lang na ang lahat ay sumagot upang batiin ako. Gano'n kalakas si Maxwell. Batid ko ang pagtataka ng karamihan. Nasisiguro kong iniisip na ng mga ito kung anong mero'n sa 'min ni Maxwell. Maging ang bulungan ng mga babae ay hindi nakaligtas sa akin. Gusto ko na naman tuloy kiligin.

Nahawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin nang muli iyong pumisil. Surprisingly, he interlocked his fingers firmly with mine, covering the most ground possible and gets as close to me as possible. It's as though he's taking possession of me.

I stood nervously shifting my weight form one foot to the other, my left hand is buried deep in my pocket.

My gosh, mi numero uno, why are you so fetch? "Maxwell," napapalunok akong tumingala sa kaniya. "Lasing ka na ba?" nakasimangot kong tanong. Nalamangan ng amoy ng alak ang kaniyang pabango, sa unang pagkakataon.

Tumingin siya sa 'kin, mapungay na ang mga mata. Inayos niya ang mga hibla ng buhok sa noo ko saka ngumiti. Kinabahan ako sa sobrang lapit at tutok niya. "Mas matapang pa sa kahit anong alak ang dugo ko," bulong niya. "I am the firstborn del Valle."

"Yeah, right," nakangiwing tugon ko, pigil ang kilig. "You're drunk."

"Sayaw...o ako?" pabulong, natatawang aniya, ang paningin ay nasa mga kasama.

Wala na sa amin ang paningin ng mga naro'n ngunit bakas ang pakikiramdam nila. I'm sure they're continuously wondering what's the score between me and this drunk.

"Answer me," aniya na muling pinisil ang baywang ko.

Napapikit ako sa ginawa niya. Naging matunog ang paglunok ko. "Seriously?"

"Sayaw...o ako?"

"Ikaw."

Sumulyap ang nakakapanghinang ngiti niya. "Good." Marahan niya akong iginaya paupo sa tabi ng kaniyang silya. "Maxrill go to your room."

"What the hell?" gulat nitong tugon.

Natawa si Maxwell. "Your mom is looking for you."

"Shut up," tugon ni Maxrill. Bigla ay hinubad niya ang top at tumalon sa pool.

"Your brother is hot, doc," anang babaeng intern, mukhang lasing na rin. "I mean, he's sizzling hot!" hindi nito naalis ang paningin sa lumalangoy na si Maxrill.

"Believe me, there's so much more to him than just his sizzling hot looks." Sarkastiko ang ngiti ni Maxwell habang nilalaro ang yelo sa baso.

Agad akong pinagsilbihan ng maids. Lalo akong nailang nang panoorin ako ni Maxwell na kumain. Naririnig ko ang usapan nila pero wala ro'n ang atensyon ko. Kundi naro'n sa mga mata niyang minamatyagan yata ang bawat nguya at pagsubo ko.

Hindi gano'n ang party na inaasahan ko. Akala ko ay kami-kami lang, nagkamali ako. Pero hindi ko magawang manghinayang, mainis o kung ano pa man. Ang ikinilos ni Maxwell kanina lang ay binulabog ang buong sistema ko. Ang mga ikinikilos pa niya ay pinagwawala ang kaluluwa ko.

"Please give me a drink," inilahad ko ang baso kay Maxwell.

"No."

"Yes!" mariing sabi ko, napalakas. Napalingon tuloy ang ilang naro'n sa 'min, palihim na natawa.

Tumikhim si Maxwell. "Don't drink too much."

"I bought that!" asik ko.

"I'll pay you, then. Just don't get wasted."

"I don't need your money," sinimangutan ko siya. "What I need," dinampot ko ang bote ng Bacardi. "Is this drink." Nagsalin ako saka mabilis iyong tinungga.

"Wooh! Go, Yaz!" alulong ng mga male interns.

Itinaas ko ang baso ko. "Cheers!"

"Yaz?" angil ni Maxwell, nilabian ko lang siya.

Sinadya kong uminom nang magkakasunod, magkakahalong liquids. Noong una ay gusto ko lang asarin si Maxwell. Gusto kong ipagpatuloy niya ang nakakapanibagong asta at kilos. Kinikilig ako masyado para tigilan niya iyon. The feeling is bizarre but wonderful, one of the best feelings in the world.

This is not you, Maxwell. Why are you doing this to me? Nakangiting nanguwestiyon ang isip ko. Don't you dare stop acting like this...please?

"Yaz!" mayamaya ay tinawag ako ni Maxrill. Nakangiti ko siyang nilingon at mas napangiti pa nang makitang kumakaway siya. "Come swim with me!"

Excited akong napalingon kay Maxwell. "I'll go and swim with him," paalam ko saka tumayo.

Ngumisi siya. "No, you're not. Sit down."

Nawala ang ngiti ko. "Excuse me?" napapaupong bulong ko.

"Swimming...o ako?"

Napamaang ako. What's with the closed questions? Why are you making me choose? And what's with the tone of voice? It's husky and damn sexy!

"Stay."

"Ano ako, aso?" Napalingon ako sa mga kasama namin sa mesa, inaalam kung may nakarinig ba sa usapan namin. "I want to swim and I'm gonna swim. I prepared for this," nakangusong sabi ko. "I'm already wearing my swim suit under these clothes."

Napaiwas ako nang sulyapan niya ang katawan ko. "No," malumanay, nagpapasensyang aniya. Saka ngumiti. "You prepared for me, not for the party."

Nangunot ang noo ko. "What's wrong with you?" natatawa kong bulong, sumama ang mukha niya. "You're drunk, Maxwell. You're not usually like this." Binigyan ko siya nang nanunuksong tingin. "Hindi ka ganito sa 'kin."

Bumuntong-hininga siya saka nag-iwas ng tingin. "Alright, go ahead and swim...with my brother." Diniinan niya ang huling salita.

Nakagat ko ang labi saka bahagyang tumunghay sa kaniya. "You jealous?"

"I'm selfish."

"Still, you're jealous."

"Whatever," bumuntong-hininga siya. So he's jealous? So fetch! "Go."

"You're not mad, aren't you?"

"I said, I'm selfish. You can swim wearing those things." Malamya niyang itinuro ang mga suot ko.

"May swim suit ako!"

"Wearing those things," mariing ulit niya, nakaturo sa hanging top ko. Sa tono niya ay sinasabi niyang iyon ang kailangan kong gawin.

Hindi ko na napigilan ang matawa. "Come on, we'll just swim and have some fun. Just like before, when he was a kid."

"He's still a kid. He's unknown, unidentified, un...whatever," seryoso niyang sinabi. "Not until he met the most beautiful girl around." Matalas ang pagkakatitig niya sa 'kin.

"We all know that I'm not the most beautiful girl around," hindi ko maitago ang kilig sa mukha ko.

Mataman niya akong tiningnan. "But you're one of them." Natigilan ako. My heart missed a beat. "Just go ahead and have fun." Ngumiti siya, nakakaakit ang mga mata.

Kapag ako nasanay, Maxwell, naku! Bantay ka talaga!

Kinawayan ko siya saka ako humakbang papalayo. Huhubarin ko na ang top nang mangibabaw muli ang tinig ni Maxwell, "What the hell, Yaz?" asik niya. Bago pa man ako makalingon ay nakalapit na siya.

Halos magbanggaan ang mga katawan namin. "What?"

"Maghuhubad ka dito?"

"Yeah, why?"

"In front of everyone, seriously?"

Natawa ako. "What's wrong with that? I told you, suot ko na ang swimsuit ko."

"No," ngumiti siya habang umiiling. "No, of course not. You're not gonna do that."

"What?"

"Come."

Naguluhan ako nang iginiya niya ako sa madilim na parte. Syempre, sinundan kami ng tingin nga mga naro'n, natawa ang karamihan. Si Maxrill naman ay masama na ang tingin at panay ang iling. Nang makontento sa dilim ay tinalikuran ako ni Maxwell.

"Now," aniya.

"Now, what?" hindi ko pa rin mapigilan ang matawa.

Inis niya akong nilingon at pinagkunutan ng noo. "Remove those things and swim."

"Hahaha!" bulalas ko. Oh, I love Bacardi! This is really fetch! "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? What's the difference kung makita nilang alisin ko ang top ko? It's not as if I'm gonna get naked?" natatawa ko talagang tanong. "Maxwell, ah? Naninibago ako. I'm telling you, baka ma-misinterpret ko 'to," nanunukso, nang-aasar kong sabi. Saka mabilis na hinubad ang top at shorts ko.

"Let me warn you, then," hinarap niya ako at hinawakan sa pulso. Bahagya niya akong hinila papalapit dahilan upang maglapat ang pareho naming katawan. "I'm already halfway in love with you, and I am very territorial," diniinan niya nang husto ang mga huling salita. "Some days, I'll let you stare at the masterpiece that I am. Most days, you cannot. Some days, I'll let you kiss and hug me. Most days, I'll be the one doing that. Don't do something that'll break my heart." Hinaplos niya ang pisngi ko.

He's halfway...what? My breathing gets harder and my heart seems to beat loudly and faster. Is he telling the truth? Oh, my...

Hindi ko nagawang sumagot. Ang mga mata ko ay hindi ko rin nagawang alisin sa kaniya. Sandali siyang tumitig sa 'kin bago ako inakay papalapit sa pool. Inalalayan niya ako palusong sa tubig, hawak ako sa kamay, hindi inaalis ang tingin sa akin.

Tuloy ay hindi ko malaman kung lalangoy na ba o muling aahon upang yumakap sa kaniya. Iba ang idinulot sa 'kin ng mga salita niya.

"Anyway, mauuna na kami," paalam ni Dr. Marwan bago pa ako bumaling papalapit kay Maxrill. "Thanks again for the invitation. Have a good trip."

"I promise I'll come to visit all of you." Isa-isang niyakap ni Maxwell ang kasamahan.

Nakipagpaalaman din ako, hindi sila magawang tingnan sa mga mata. Paniguradong pagbalik ko sa trabaho ay sangkatutak na panunukso ang aabutin ko.

Nagpaalam si Maxwell na ihahatid ang mga bisita. Ang tanging naiwan do'n ay maids, na ipinaghahanda ako. At si Maxrill, na noon ay huminto sa paglangoy upang tingnan ako nang deretso. Ang kalahati ng kaniyang mukha ay nakalubog sa tubig, ngunit ang mga mata niya ay makikita.

Nabalisa ako nang mapanood ko siyang umahon at maglakad papunta sa mesa. May bitbit na siyang bote at baso nang bumalik sa gawi ko.

What am I going to do now?

"Is this yours?" Itinaas niya ang Bacardi.

"It's for everyone," nakangiting sabi ko.

Nakangiti siyang tumango saka nagsalin sa dalawang baso. Inilapag niya ang isa sa harap ko bago siya naupo sa poolside.

"Yaz?"

"Hm?"

"Would you like to come with me?" tanong niya, I wasn't expecting.

Napamaang ako at matagal bago sumagot, "I can't." Hindi ko naisip ang sinabi ko.

Ako man ay nagulat at napatitig sa kaniya. Gusto kong bawiin agad ang sinabi pero huli na. Nagtiim ang bagang ni Maxrill. I know I offended him or made him feel bad, I did not mean to do that. Wala pa man kasi siyang nababanggit, agad na akong tumangii.

Mapait ang ngiti niya, ang paningin ay wala sa akin. "Nandoon naman si Maxwell."

Nakagat ko ang labi saka ako nagbaba ng tingin. Knowing Maxwell will be there too is a good news. Pero hindi magawang ma-excite. Para akong nasaktan sa mababaw na paraan dahil sa tono ni Maxrill. Ayaw kong kilalanin ang pakiramdam na pilit niyang ipinararamdam sa 'kin.

"Only the three of us here? Where's Maxpein?" nangibabaw ang tinig ni Maxwell.

Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya. Sinulyapan niya ang kapatid, at matapos no'n ay hindi na inalis ang tingin sa akin. Nagulat ako nang hubarin niya ang polo at pants, saka nag-dive sa tabi ko! Pag-ahon ay nasa likuran ko na siya. Agad akong kinalibutan nang maramdaman ang nagdadampi naming mga balat.

"She can't drink," ani Maxrill, masama na naman ang mukha.

"Nasa'n ang parents ninyo?" napapalunok, nasasamid kong tanong, iniiba ang ihip ng hangin.

"They're already sleeping," si Maxwell ang sumagot. "Maagang nagsimula ang party. You're late."

"Hindi ko alam," nag-iwas ako ng tingin.

"It's alright." Talagang hindi inaalis ni Maxwell ang tingin sa akin. Gusto kong alamin kung anong gayuma mayroon ang suot ko at bigla siyang nagkaganoon.

Nabaling lang sa kapatid ang paningin niya nang matunog nitong ilapag ang baso sa harap niya. Napangisi si Maxwell saka dinampot iyon. Napamaang ako nang sabay nilang tunggain ang kani-kaniyang baso. Sa pagkakabigla ay nalaghok ko rin ang sariling shotglass. At nagpaulit-ulit ang gano'ng eksena hanggang sa maubos namin ang parehong bote. Sa unang pagkakataon ay naranasan kong uminom nang tahimik, kahit may kasama. Bilib talaga ako sa magkakapatid na ito. Tumatagal nang hindi nagsasalita.

Mayamaya ay nag-dive si Maxrill at lumangoy papunta at pabalik. Ilang beses niyang ginawa 'yon, pinanood ko siya nang may paghanga. Gusto kong matawa nang mag-dive din si Maxwell at magpasikat. Hindi lang dalawa o tatlong beses siyang nagparoo't parito. At ginawa niya 'yon sa iba't ibang paraan ng paglangoy.

"Let's race," hamon ni Maxwell mayamaya. Umahon siya paakyat at tinabihan ang kapatid.

"Do your worst," mayabang na tugon ni Maxrill.

"Guys, stop it, you're both drunk," saway ko.

"No, you're joining us," lumapit si Maxrill at hinila ako paakyat sa pool side! Napatili ako. "You'll be the prize."

"What's up with you?" nakangisi siyang hinarap ni Maxwell. "You're drunk."

"We are all drunk," ngumisi rin si Maxrill.

Nagulat ako nang bigla akong agawin ni Maxwell. "If she's the prize then I'm already the winner. Fuck the race."

"You're not fair," bigla ay inagaw ako pabalik ni Maxrill. Pilit niya akong ipinuwesto sa likuran, tila pinoprotektahan sa hindi malamang dahilan.

This is so not fetch...

"Move aside," nakangiti ngunit nagbabanta ang tinig ni Maxwell.

"No."

"Move aside, dongsaeng."

"No, hyung," ngumisi si Maxrill.

"That's my spot right there, Maxrill," mas malalim na ang banta sa tinig ni Maxwell. "And you're in it. Move...aside."

This can't be happening... Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa dalawa at hindi malaman kung ano ang gagawin o sasabihin.

"Yaz," tawag ni Maxwell, ang paningin ay nasa kapatid.

"Maxwell..," mahinang tugon ko.

"Si Maxrill...o ako?" noon lang siya tumingin sa akin. Napalunok ako.

Sasagot na sana ako nang may pumalakpak sa likuran namin. Si Maxpein. "What...the...fuck?" Isa-isa niya kaming tiningnan. "So this is not only about getting the girl. It's about pride. Right? Pumasok na kayo."

"Oh, come on, we wanna swim," asik ni Maxrill.

"Go sober for a month, Maxrill."

"Come on, Maxpein."

Hindi sumagot si Maxpein, ang masamang tingin niya sa dalawang kapatid ay makahulugan, ngunit hindi ko makuha.

"Are we going to fight here? I'm sleepy," pinigilan ko ang namumuong tensyon sa tatlo. Nilingon ako ni Maxwell at agad na sumuko. It's so easy to attract his attention right now.

"I'll take you to your room," presinta ni Maxrill.

Nakangiting tinapik ni Maxwell ang braso nito. "The key is with me."

"Enough," saway ko. "What's going on with you guys? Nakakaloka kayo, nakakapanibago."

"I wanna go to sleep too," ani Maxwell. Naglakad siya papalapit at hinila ako sa tabi niya. "Siya...o ako?"

"Stop it," banta ko.

Ngumisi siya saka sumeryoso. "Take me to my room."

Napamaang ako at napatitig sa mga kapatid niya. Si Maxwell ba talaga 'to? Ano ang nangyayari sa kaniya?

To Be Continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji