CHAPTER FIVE
WARNING: CONTAINS MATURED SCENES AND EFFECTS.
DUMAMPOT NG roba si Maxwell sa mesa ng mga twalya habang papalayo kami. Halos paliparin niya iyon sa hangin bago ibalot sa 'kin, nagpapasikat. 'Ayun na naman iyong mga galaw niya na nagdudulot ng kilig sa akin. Napangiti ako sa gano'ng simpleng kilos niya. Wala siyang ginawa nang gabing iyon na inaasahan ko. Tila ba dininig ang lahat ng hiling ko sa isang gabi. Para bang naabot ko nang sandaling iyon ang ilan sa mga pangarap ko.
"Do you want to eat something?" tanong niya nang alalayan ako papasok.
"No, I'm full. Thanks."
This is so not him! What's happening? Is the world still spinning? Hindi na siya nagsalita pa. Iginiya niya ako paakyat dahilan upang kabahan ako. Don't tell me, isasama niya ako sa kwarto? Namilog ang bibig ko at nagugulat na tumingala sa kaniya. Tutok ang kaniyang paningin sa hagdan. But that would be so fetch! Nahawakan ko ang dibdib at bigay na bigay na lumunok.
Nilingon ko ang pinanggalingan namin. At ipinagtaka kung bakit hindi na sumunod pa sina Maxpein at Maxrill sa amin.
Tahimik akong nagpatianod hanggang sa labas ng kaniyang kwarto. Hindi ko nagawang tumuloy. Naestatwa ako at nakakilos lang matapos niyang lingunin.
Nagmukha akong luka-luka sa pilit kong tawa. "Good night, baby!" sinubukan kong maging kaswal. Pero nabigo ako. Para akong nauupos sa mga tingin niya.
Matagal siyang tumitig sa akin saka natawa, hindi ko inaasahan. Pakiramdam ko ay noon ko lang siya napanood na tumawa nang ganoon kanatural. May kung anong natunaw sa dibdib ko.
"Come in," kaswal na anyaya niya, na para bang sala ang papasukin naming dalawa.
Nanlambot ang tuhod ko. "Hindi ka nagpapapasok sa kwarto mo, baby."
Ngumisi siya. "A stroke of luck I guess."
"Hmm," pabiro ko siyang nginiwian. "Iba na 'yan, ah!" Napangiwi ako. Walang luck-luck sa in love!
Nawala ang ngiti sa labi niya. "So you wanna be with Maxrill?"
What? Tinaasan ko siya ng kilay. "Did I say that? I didn't say that! Did I? Oh, come on!" histerya ko.
Naglapat ang mga labi niya. Nasisiguro kong naiingayan na naman siya sa bibig ko. "Then come inside."
Namilog ang bibig ko saka nakamaang na nahawakan ang dibdib. "Pagagalitan tayo ng parents mo, Maxwell," hindi ko malaman kung matatawa ako o mahihiya sa sitwasyong iyon. Hindi na naman magawang umiral nang natural na kapal ng mukha ko.
"Then you really wanna be with him," pinagkrus niya ang mga braso at nanunuyang tumitig sa 'kin.
Are you still drunk or what? "No," giit ko. Bahagya akong tumagilid upang maitago ang tawa.
"I'll take you home, then."
Akma siyang lalabas nang pigilan ko. "What? I can stay. I wanna stay."
"Stay with me, then."
"Sa guest room ako."
"No."
"Why not?"
Bumuntong-hininga siya saka nag-iwas ng tingin. "Baka maisahan ako ni Maxrill."
Namilog ang labi ko saka ako natawa. "You can't be serious, Maxwell," inilingan ko siya. "I still can't believe you."
"I'll prove it to you."
Bigla ay hinila niya ako papasok! "Maxwell!" halos maitili ko. "What are you doing!" panay ang tawa ko.
Batid kong maging siya ay natatawa, nahahawa. Ngunit pinipigilan niya 'yon. That's his typical. Parang ayaw niyang nakikita siyang tumatawa. Gusto niya ay iyong misteryoso ang dating niya, iyong seryoso, iyong mag-aalinlangan ang sinumang kaharap niya na magbiro.
Aaminin kong nagugustuhan ko ang Maxwell na ito sa harap ko ngayon. Bagaman malayo iyon sa nakilala at nakasanayan ko. Alam kong makasarili, kasi pabor ako sa lahat nang nangyayari mula pa kanina. But what can I do? It's like a dream come true.
Of course, I took the chance para umabuso. Ginagap ko nang todo ang kamay niya na para bang natural na naming ginagawa 'yon. Hawak-kamay kaming tumuloy sa malawak at elegante niyang kwarto. Pero palihim na sumama ang mukha ko nang bitiwan niya rin iyon. Naupo siya sa plateau chair saka tumitig sa akin.
Agad kong naigala ang paningin sa kabuuan upang maiwasan ang kaniyang hipnotismo. Kailangang bumalik ang kapal ng mukha ko sa lalong madaling panahon.
Hindi iyon ang unang beses na makapasok ako ro'n. Ilang beses ko nang palihim na niloob ang kwarto niya. Lalo na noong nasa Amerika sila. Nahihiga ako sa kaniyang kama at ini-imagine na katabi siya. May mga sandali pa ngang sini-spray ko sa katawan ang perfumes niya. Pero sa pagkakaalam niya, ito ang una.
Lumapit ako sa glass cabinet kung saan naka-display ang kaniyang mamahaling watch collection. Ang magkahalong asul at puting ilaw niyon ay mas pinagaganda ang mga relos. At sa simpleng pagtitig lang do'n ay kinikilig na ako. Naiisip ko kasi kung paanong lumalakas ang dating ng mga braso niya nang dahil do'n. Gano'n ako kabaliw sa kaniya. Na maging ang kutis niya ay kinakikiligan ko.
Marami siyang koleksyon. Sa tingin ko ay higit sa isandaan ang mga iyon. May mechanical watches, mayroon ding quarts. May automatic, may chronograph. May modern, meron ding old designs. May sports watch, meron ding diver watches. May leather, merong metal. Lahat yata ng klase ay meron siya. Ang tanging pagkakapareho ng mga iyon bukod sa pagsasabi ng oras, lahat ay mamahalin.
"So, what's your favorite watch, Maxwell?" tanong ko nang hindi siya nililingon. Isa-isa kong tiningnan ang naka-display.
Tuloy ay nagulat ako nang ituon niya ang parehong braso sa magkabilang gilid ko. Naramdaman ko nang ilapit niya ang sarili sa akin at tumunghay mula sa likuran ko. Paano niya ba nagagawang lumapit nang hindi ko nararamdaman?
Sandali akong natuliro. Pakiramdam ko ay naburang bigla ang laman ng isip ko. Nalimutan ko yatang may itinatanong ako. At sa sandaling iyon ay hindi ako makapaniwalang nalalanghap ko na naman ang kaniyang pabango. Bagaman nahahaluan na ng amoy ng alak.
"Watching you," bulong niya.
Napailag ako nang maramdaman ang hininga niya sa batok ko. Nanghina ako. Maxwell... Napapalunok akong tumitig sa kaniya. "Be serious, ano ka ba," pabulong kong sinabi, ang paningin ay natutuon sa mga labi niya. Kinabahan ako nang magtama ang paningin namin. Paniguradong nakita niya ang galaw ng mga mata ko. "I mean, what's your favorite watch in your collection?"
Ngumisi siya. "That one's very special to me." Itinuro niya iyong Bulgari. Natuon do'n ang paningin ko. Ngunit naagaw ng kamay niyang humawak sa baywang ko ang aking atensyon. "I love my watches equally, but my favorite is usually my latest." Tumatama ang hininga niya sa pisngi ko.
Wala na. Hindi ko na nagawang kumilos, sumagot o mag-isip pa. Why are you doing this to me?
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Makapal talaga ang mukha ko pagdating sa kaniya. Malakas akong kiligin sa simpleng mga kilos niya. Pero ang mga ginagawa niya ngayon ay tinatablan ako. Kinakabahan ako at hindi ko iyon maintindihan. Nagagawa niyang tunawin ang malabakal kong mukha. Sa huli ay nahihiya ako at nanghihina.
"That's expensive," tipid kong sagot. Ibinabalik ang usapan.
"Not the most expensive but still my favorite. My grandfather gave it to me."
"I see." Nilingon ko siya. Gano'n kalakas ang loob ko. Nagagawa kong salubungin ang tingin niya kahit gaano pa kaming kalapit sa isa't isa.
Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit sa t'wing tutok sa akin ang atensyon niya, nagkakaganoon ako. Pakiramdam ko ay naiilang ako, nahihiya, hindi umiiral ang kapal ng mukha.
Kakatwa lang na ngayon lang ako nagkaganito sa kaniya. Pakiramdam ko ay hindi ko malaman ang gagawin. Hindi ako ganito.
Sa sobrang kaba ay kung saan-saan ako tumingin hanggang sa masulyapan ko ang mga bagahe niya. "So, you're leaving tomorrow, right?" Bigla ay nalungkot ako.
"Yes."
Lalo akong nalungkot. Walang bahid ng alinlangan ang sagot niya. At nangunguwestiyon ngayon ang isip ko kung bakit ganito pa siyang makitungo sa 'kin. Gayong desidido rin pala siyang iwan ako.
"Aren't you going to sleep yet?" iniba ko ang usapan. Pilit akong kumawala sa mga braso niya. Pilit din ang naging pagngiti ko. "It's late na, baka mapuyat ka. Mas maganda kung makapagpapahinga ka."
"I can rest anytime I want."
Sumimangot ako. "Grab this chance to get a rest. Kapag bumalik ka sa trabaho ay kulang na naman ang tulog mo."
Gusto kong magtampo. Gusto kong mag-inarte. Ngunit paano kong magagawa iyon gayong naiilang ako sa mga titig niya? Tuloy ay naiisip ko kung ano ba ang meron sa mukha ko at hindi niya malubayan.
"What?" nakanguso kong tanong, hindi nakatiis. Tumaas ang parehong kilay niya. "Why are you looking at me like that?" pinilit kong matawa. "Are you trying to memorize each details of my face so you'll remember it when you're away?" sumubok akong magbiro pero ako rin ang nabigo.
Nakanguso akong nagbaba ng tingin. You're leaving me again... Kumibot-kibot ang mga labi ko saka wala sa sariling napangiti sa katangahan. Yeah, right. I cannot trust what we are.
Muli akong humarap sa kaniyang koleksyon at nagpanggap na namamangha sa katitingin doon.
Naramdaman ko na naman siyang lumapit. Napapikit ako nang hawakan niya ang pareho kong balikat at pilit na iniharap sa kaniya.
Napapitlag ako nang hawakan niya ang baba ko upang magtamang muli ang paningin namin. "Stay single while I'm away, okay?" pabulong niyang sinabi. Those words melted my heart, again and again. "I swear I can't afford to see you with someone else."
Natigilan ako at unti-unting pinanlabuan ng mga mata. "Why are you saying that?" wala sa sarili kong tanong.
Maxwell please stop doing this. Nalungkot ako. I know you're just drunk.
Nanumbalik sa isip ko ang mga sinasabi at ginawa niya kanina. Ang mga bagay na hanggang ngayon ay hindi ko magawang paniwalaan. Hindi ko siya maintindihan. Hindi siya ganito sa 'kin. Hindi ko sineryoso ang mga iyon dahil kontento na akong kinikilig nang dahil do'n.
What's wrong with me? Why can't I believe his words? Kung ihayag ko ang feelings ko ay gano'n na lang. And I expected him to believe me more than anything. Ngayong sinasabi niya ang nararamdaman niya, bakit hindi ko magawang maniwala?
"You're just drunk," pinilit kong ngumiti.
"Yes, I am drunk. Tomorrow I'll be sober and still want you."
"You...want me?" hindi makapaniwala kong tanong.
"Yes."
Natawa ako. "No, you don't."
Nangunot ang noo niya, naiinis. "What?"
"You're only saying that because you're drunk. You don't want me. You don't like me. You never did!"
Napamaang siya saka napabuntong-hininga. "I just confessed to you a while ago."
"No. You were just joking."
"Yaz?" nag-igting ang panga niya.
"Men don't like to be straightforward about their feelings, Maxwell," umiiling kong sinabi. "They'd rather stay ambiguous than be clear."
"Seriously?" tumatango niyang asik, naaasar. "So you don't believe me?"
Natulala ako sa kaniya, hindi nagawang sumagot agad. "Because that would just be too good, Maxwell. And good is not what I am used to."
Naging matunog ang pagngisi niya. "You said I'm the best, Zaimin Yaz."
"You've never been like this towards me," pinandilatan ko siya. "Natatandaan kong sinabi mo sa akin na wala kang pinaniniwalaan sa mga sinabi ko in the past. Now you're acting jealous, possessive, and..."
"What?"
"You're confusing me!" hindi ko nagawang dugsungan ang huling sinabi.
"Go back to what you were saying," inangat niyang muli ang mukha ko, ayaw maalis ang paningin ko sa kaniya. "I'm acting what?"
"In love," nagbaba ako ng tingin.
"Am I not?"
"Maxwell..." umiling ako nang umiling, pilit na ngumingiti kahit malungkot namang talaga.
"If you're afraid that I'm just drunk and not telling the truth," seryosong aniya. "I am just as much at risk. I am scared that you're just bored and decided to make me believe you're in love."
Namilog ang bibig ko. "Excuse me! Seryoso ako, 'no!"
"I am, too."
Napalunok ako. "Seryoso ka?"
"I am serious."
So, fetch is already happening... Kinabahan lalo ako. Hindi ko malaman ang sasabihin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya upang muli lamang umiwas. Talaga bang hindi niya inaalis ang tingin sa 'kin?
"What?" Napapitlag ako sa tanong niya.
"Wait, bakit galit ka?" nakasimangot kong tugon.
"Bakit natahimik ka?"
"Nag-iisip ako, okay?"
"About what?"
"You, me, us!"
Ngumisi siya. "What do you think about me?"
"Wala," natatawa kong sagot.
"Tsh."
"Matulog ka na nga."
"Stay with me, please?"
Napamaang ako. "At bakit?"
"Because I'm leaving tomorrow."
Sumimangot ako. "So ako naman ang pupuyatin mo?"
"Saan?" sumilip ang halimaw niyang ngiti.
"Anong saan?" inosente kong tanong saka tumingala sa kisame. Narinig ko siyang tumawa, siniringan ko siya. "No," itinulak ko siya papalapit sa kama. "Take a bath and go to rest. I'll take a shower, and then I'll be back."
Mabilis pa sa hangin ko siyang iniwan. Dumeretso ako sa guest room na siya ring kwarto ko noon. Hindi na kumalma pa ang nagwawalang puso ko. Padausdos akong naupo at hindi pa rin makapaniwala.
Does he like me or was it just a hook up?
Alas tres na nang matapos akong mag-shower at magbihis. Sumampa ako sa kama. Ngunit sa halip na mahiga ay panay ang sulyap ko sa pinto. Pinagagalitan ko ang sarili dahil sinasabi nitong lumabas ako at bumalik sa kwarto ni Maxwell. Sinasabi ng puso ko na nagsabi akong babalik ngunit ngayon ay 'eto ako at nakatulala. Ngunit sinasabi ng isip ko na tulog na ito, mahiya naman ako.
Ugh! Ginulo ko ang sariling buhok saka nagpapadyak na nahiga. Ngunit napapitlag ako sa magkakasunod na katok. Maxwell?
Dali-dali akong bumangon upang buksan iyon. At gano'n na lang ang gulat ko nang makita ang bagong ligo na si Maxrill. Punas-punas niya pa ang buhok saka ngumiti nang makita ako.
"So you're still up," nakangiting aniya.
"I guess I still am," natatawang sabi ko.
"I am, too," bigla ay nangibabaw ang tinig ni Maxwell. Sabay kaming napalingon sa gawi niya.
Uh-oh...
Nakita ko nang pasadahan ng tingin ni Maxwell ang suot kong red satin chemise. Napapabuntong-hininga niyang hinubad ang roba at isinuot 'yon sa 'kin.
Saka siya tumango kay Maxrill. "What's up?"
"I made a soup," ani Maxrill, nawala ang magandang ngiti.
"Of course you made a soup," ngisi ni Maxwell. "What's surprising about your stomach, anyway?" Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay.
Pinandilatan ko siya. "What?" pabulong na asik ko.
"He made a soup," nang-aasar niyang sagot, isinenyas ang kapatid. "What a wonderful time to be awake."
Sa halip na tanggapin ang kamay niya ay nakangiwi akong nanguna pababa. Panay ang bulong ko habang pinakikiramdaman ang magkapatid sa likuran ko.
They're not tripping me, aren't they? I mean, siguro na-miss lang talaga ni ako kaya may extra sweetness silang eksena? Gano'n? I mean... Nakamot ko ang sariling ulo. I don't know why I'm acting and thinking like that. Something inside me still cannot believe everything that's happening.
"Wow! Hmm, mukhang recipe ko 'yan, ah?" agad akong gumilid sa table upang tunghayan ang bowl of soup. "It smells good!"
"It tastes better than its smell," ngisi ni Maxrill.
"Tsh," asik ni Maxwell. Magkakrus ang kaniyang braso habang nakatitig sa kapatid.
Sinadya kong lumayo nang magtangka si Maxwell na aalalayan akong maupo. Syempre, hindi ko siya tiningnan para maging ganap ang pagiging inosente ko. Nang makita kumilos si Maxrill upang gawin ang hindi napagtagumpayan ng kapatid ay gumilid ako at naupo sa puno ng mesa. Kailangang wala akong makatabi ni isa sa kanila. Dahil nasisiguro kong ang bawat higop ng sabaw ay may kabuntot na angilan ng dalawa.
Nilasan ko ang soup. Napapikit ako sa init at banayad na anghang niyon. "It's delicious," namangha kong sinabi. "You know to cook," tumango-tango ako.
Ngumiwi si Maxrill. "I remember watching you."
"That's cool," hindi makontento sa pananahimik si Maxwell. Hindi natural 'yon. "Mabuti at pagluluto ang natutunan mo habang pinanonood siya. I salute you, dongsaeng."
Ngumisi si Maxrill. "Gusto mo bang malaman kung ano pa ang natutunan ko bukod doon, hyung?"
Sumeryoso si Maxwell ngunit hindi na sumagot. Umubo-ubo ako upang matunaw ang namumuong tensyon nila.
"I'll get you something to drink," agad na kumilos si Maxrill.
"Tsh," agad na umuling si Maxwell nang makitang wine ang inilabas nito. "She wants water." Tumayo siya at pinangunahan ang kapatid.
"Drink," sabay nilang sabi. Sabay rin silang naglapag ng glass sa harap ko.
Natitigilan akong tumingin sa kanilang dalawa saka pilit na natawa. Hindi ko malaman kung alin ang unang kakamutin, ang noo, pisngi o ang batok. Nase-stress ako sa dalawang ito!
Tinungga ko ang parehong glass. "Matutulog na ako," saka ako tumayo.
Awtomatikong umalalay sa 'kin si Maxrill. Bilib naman talaga ako sa mga kilos ng magkakapatid na ito. "I'll send you to your room," ngiti niya. Saka nilingon ang kapatid. "Ah-ah," inilingan niya si Maxwell nang akma itong pipigilan siya. "Hindi mo gugustuhing iwanan ang mga 'yan," isinenyas niya ang pinagkainan. "Ayaw ni Maxpein na may hugasin, kuya." Nginitian niya ito nang halos hindi na makita ang mga mata, nang-aasar. "Good night, Maxwell Laurent!"
Nasapo ko ang noo saka ako nangunang umakyat. Sumunod naman si Maxrill at talagang hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ako naihahatid sa kwarto. Gusto kong matawa nang marinig ang pag-agos ng tubig mula sa kitchen. I can't imagine Maxwell watching the dishes.
Huminto siya sa mismong pinto at ngumiti sa akin. "I hope you did enjoy tonight."
"I did," agad kong sagot, hindi siya magawang tingnan sa mga mata. "Thanks for the soup. It's delicious."
'Ayun na naman 'yong panliliit ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Good night, Yaz."
"Good night, Maxrill." Kinawayan ko siya.
Hindi ko inaasahan nang umabante siya papalapit. Napasinghap ako nang mapagtantong inabot niya ang doorknob. Bahagya akong napaatras at alanganing napangiti. Pinanood ko siyang isara ang pinto, at doon lang ako nakahinga nang normal.
Natutop ko ang sariling bibig saka nasapo ang noo. Mababaliw ako sa mga lalaking 'to! Kung hindi ko magawang paniwalaan ang mga kilos at salita ni Maxwell, nagugulat naman ako nang paulit-ulit sa mga galawan ni Maxrill.
Dumeretso ako sa bathroom at nag-toothbrush. Nakatingin ako sa sarili habang naghuhugas ng kamay, hanggang sa magpahid muli ng lotion. Ngunit wala akong masabi sa sarili kong ganda. Pati ako ay napipipi sa kaniya.
Halos mapatalon ako sa gulat nang bumukas ang pinto ng kwarto matapos kong manggaling sa bathroom. Napanood kong nagpalinga-linga si Maxwell sa kwarto bago tumama sa 'kin ang paningin. I was expecting him to smile but he didn't. Napamaang ako nang i-lock niya ang pinto habang nakatingin sa 'kin. Naestatwa ako sa kinatatayuan nang maglakad siya papalapit sa akin.
"Wait, why did you lock the...door," hindi ko magawang pagtaasan siya ng boses. Napapalunok ako sa mga hakbang niya papalapit.
"What happened?" agad na tanong niya.
"Huh? Nothing."
"He left?"
"Yes, right after sending me here."
"Good," nakakasilaw ang ngisi niya. "I'm glad he's aware how to place back my possessions."
Gusto kong mainis pero wala akong makapang inis sa puso ko. Hindi nakikisama ang katawan ko.
Hindi ko na rin malaman kung ano ang sasabihin, o kung ano ang gagawin. 'Ayun kami at magkaharap. Nakatingin siya sa akin habang ako ay hindi siya magawang salubungin. Kinakabahan ako sa katotohanang gano'n siya kalapit sa 'kin, at ganito akong kahina.
"Bakit nga pala wala si Keziah kanina?" Hindi ko malaman kung saan nagmula ang tanong na 'yon, basta na lang lumabas sa bibig ko.
"She was busy, on duty."
Tumango ako, hindi pa rin siya magawang tingnan. "Alam niyang aalis ka na mamaya?"
"Yeah," bumuntong-hininga siya. "She's coming with me."
Marahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Matagal bago ako napilitang ngumiti. "Ah, yeah, I remember."
Hindi siya nagsalita. Nanatili kaming gano'n, nakatayo. Hindi niya pa yata inaalis ang paningin sa 'kin mula nang pumasok siya. Naiilang pa rin ako pero may namumuo nang tampo sa dibdib ko. 'Yon nga lang, kaya kong bale-walain 'yon. Sanay na ako, at marunong magtiis. Ngunit aminado akong matindi ang inggit ko sa katotohanang makakasama siya ni Keziah na magtrabaho doon.
"Wala si Keziah kaya ako na lang muna, gano'n ba?" sinikap kong magtunog nagbibiro, nang-aasar.
Mukhang nagtagumpay ako dahil nangunot ang kaniyang noo at nagtiim-bagang. "What?"
"Kung nandito siguro si Keziah ay paniguradong ginera na ako no'n."
"She's not like that."
Napatitig ako sa kaniya saka pilit na ngumiti. Yeah, right. Kasi ako ang gano'n. Ako ang bungangera, at nanggegera, ilusyonada, inggitera, asumme-era...so fucking fetch! Psh! "I see," lang ang nasabi ko sa dinami-rami ng nasa isip. "Sige na, magpahinga ka na. Para bukas may lakas ka. I'll wake up early, ipagluluto kita."
Nginitian ko lang siya saka tinalikuran. Dere-deretso akong nahiga sa kama at pumikit. Pinakiramdaman ko ang kilos niya, hinintay kong makalabas siya ng kwarto. Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ko.
Agad akong nagmulat nang maramdaman ang bahagyang paglubog sa magkabilang tagiliran ko. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Maxwell na deretsong nakatunghay sa akin. Ang pareho niyang kamao ang nakatuon sa kama, pinaggigitnaan ako.
Nagtangka akong magsalita ngunit agad siyang yumuko upang halikan ako. Huminto ang paghinga ko at sumabog sa kaba ang dibdib ko. Siniil niya nang mariin ang labi ko at paulit-ulit iyong sinimsim. Ramdam ko ang pananabik niya, sa hindi matukoy na dahilan. Humahangos siya na nagdudulot ng kung anong pakiramdam sa 'kin.
Napapikit ako nang mariin. Saka isinabit ang pareho kong kamay sa kaniyang batok. Masakit sa dibdib ang sobra kong kaba, nahaluan pa ng kakaibang alon dulot ng kilig.
Ngunit mas lalo pa akong kinabahan nang maramdaman ko siyang dahan-dahan na dumaragan sa akin. Maging ang bigat niya ay masarap sa pakiramdam, nakakaloka. Bakit ganito ang epekto ni Maxwell sa akin? Hindi normal!
Ibinaba niya ang strap ng suot ko. Agad na ginalugad ng palad niya ang parteng iyon ng katawan ko. At hindi siya nakontento. Ang bawat pasadahan ng kaniyang kamay ay sinusundan ng kaniyang labi. Para bang may usapan na magkikita ang dalawa.
Ibinaba niya ang isa pang strap dahilan upang tumambad sa kaniya ang kalahati ng katawan ko. Sumulyap siya sa akin, matalim ang tingin. Saka sinunggaban ang pinanggigigilan. Napaliyad ako nang maramdaman ang labi niya. Pakiramdam ko ay masusugatan ko ang sariling labi dahil sa ginagawa niya.
Hindi na ako nakapag-isip pa. Ang buong atensyon ko, maging ang lahat ng aking emosyon ay natuon sa kaniya.
Sumabay ang katawan ko sa pagbaba ng halik niya. Kusa akong kumilos nang hubarin niya nang tuluyan ang aking suot.
"Maxwell," napaatras ako nang maramdamang kagatin niya ang gilid ng underwear ko. "Are you s-sure about this?" Sa isip ay nasapo ko ang noo. Ako pa talaga ang nagtanong? My god, Yaz!
Hindi ko malaman kung maiiyak ako o matatawa sa sarili dahil sa kahihiyan. Nakagat ko ang sariling daliri habang nakatingin sa kaniya. Napalunok ako nang tumitig siya sa daliring iyon na nasa bibig ko.
Saka siya ngumisi at muling sinalubong ang labi ko ng halik. I have longed for his kisses, I've been dreaming about his arms around me. Right there and then I knew I wanted him so much. I didn't want anyone else's lips on mine, only his. And I need them everyday.
Ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang nagagawang paniwalaan ang mga sinabi at ikinilos niya. Dahil sa mga halik niya pinatutunayan sa akin na pag-aari ko siya.
"Yaz," bulong niya, mabilis ang paghinga, lalong lumalakas ang dating niya. The passion of his kiss was intense, too intense to last longer.
Bumangon siya at mabilis na hinubad ang black shirt. Nagulat siya nang bumangon ako upang itulak siya pahiga. Binigyan ko siya nang nanunuksong tingin bago ko marahang ibinaba ang checkered flannel pants niya. Ngunit agad akong natigilan at napalunok nang ang boxers na lang ang maiwan.
Oh... Napalunok ako. He was unbelievably...hard...long...tight and...thick...with the obsessive need to stuff himself.
Nabigla ako nang bumangon siya at ako naman ang ihiga. Natawa kaming pareho at muli lang natigil nang magdampi ang mga labi. 'Ayun na naman ang hipnotismo niya, pinananatili lang ako sa pwesto.
"Maxwell," pagtawag ko bago malunod nang tuluyan. Huminto siya upang tumitig sa 'kin. Ngunit ang labi niya ay hindi matigil sa kadadampi ng halik. "Sa ilalim...o sa ibabaw?" panggagaya ko sa nakakalokong pagpapapili niya.
Natigilan siya saka natawa. Nakangiti ko siyang tinitigan. He's so handsome and sexy, and he's driving me crazy, but keeps me impossibly sane at the same time.
"Sa'n mo gusto?" nanunukso, nanggigigil niyang tanong. "Sa ilalim...o sa ibabaw?"
Sa halip na sumagot ay itinulak ko siyang muli pahiga, agad siyang nagparaya. Tuluyan kong inalis ang natitira sa aking katawan, ang paningin ay nasa kaniya. Nagagawa ko siyang tuksuhin ng tingin, pero batid kong ramdam niya ang panginginig ko nang marahan akong pumuwesto sa ibabaw niya.
Titig na titig, parehong napapalunok, hanggang sa tuluyan naming maramdaman ang isa't isa. I then dropped my weight totally, moved rhythmically on top of him.
Nakapikit niyang inangat ang ulo, nakaawang ang labi, saka muling ibinaon ang ulo sa unan. "You feel so good," he almost growled. His husky voice signifies that he's totally turned on which really drives me wild.
I can't stop myself from watching him. At para akong mababaliw habang pinanonood si Maxwell. Ang paghangos niya ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam. He's grabbing my hips very tight. He's making me feel so much that I am not used to, new sides of him that I'm starting to like.
Napapikit ko at pagmulat ay tumama sa kisame ang aking paningin. Naisuklay ko ang palad sa aking buhok. At tuluyan nang nalunod sa pakiramdam.
Mayamaya lang ay pareho nang bumibilis ang aming paghinga. Bumangon siya at sinalubong ako ng halik. He laid me down and settle on top of me. He dropped his arms on either side of me and pushed hard, thrusting with strength. I hugged him tight, losing control of myself.
Ilang saglit pa ay bumagsak siya sa ibabaw ko. We were both breathless and panting. Tumitig siya sa mga mata ko, tila nangungusap.
Bagaman pagod, ngumiti ako. I love you, Maxwell...
"Don't love me too much, Yaz," pabulong niyang sinabi. Inaayos ang ilang hibla ng buhok sa aking mukha. Hindi ko maiwasang matigilan. "I don't want you to hate me. I don't know how much I can take."
"Why would I hate you?" nalulungkot kong tanong.
Ngunit unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata, nahawa ako. "Just in case."
Hindi ko inaasahan nang dahil sa sobrang pagod ay pareho kaming makakatulog. Nang magkayakap at walang pakialam, kontento sa mga naganap.
NAGISING ako kinabukasan at agad na napangiti sa mahigpit na yakap ni Maxwell. Natawa ako matapos makita na talagang parehong braso niya ang nakayakap sa 'kin. Nasisiguro kong namamanhid na iyong braso niyang nadadaganan ko.
Tinitigan ko ang malalim niyang pagkakahimbing. Hindi ko napigilang mapangiti, lalo na nang maalala ko ang nagdaang gabi. Iyon na yata ang pinakamagandang umaga, pinakamagandang gising ko.
Kumilos ako at tinangkang pagkalasin ang braso niya, upang makawala ako. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang magmulat siya at pagkunutan ako ng noo.
"Where are you going?" galit agad niyang tanong.
Napangiti ako. "I'll cook breakfast for you."
"For me?"
"For you."
"Good for one person, sure, hm? Okay," ngisi niya.
Sabay kaming bumangon, tumuloy sa bathroom upang maghilamos. Nakakatawa dahil hindi niya ako mabitiwan, hindi niya ako maiwan. Gayong inaasahan ko nang gigising ako nang wala siya. Hindi ako makapaniwala.
Hindi naman na siguro siya lasing, hindi ba? Oh, my fetch! He's really serious? Wala sa sarili ko siyang pinandilatan. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin, nagtatanong ang mga mata. "What do you want for breakfast?" halos mautal kong tanong.
Inginuso niya ako. "You."
"No," natawa ako. "Okay, let's go downstairs." Ngunit muli akong napaatras. "Paano kung makita nila tayo?"
"Nino?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Ng parents mo, ng mga kapatid mo."
Napaisip siya. "Dati naman na nila tayong nakikita, hindi ba?"
Umikot ang paningin ko. "I mean, natulog tayo nang magkasama, Maxwell."
"Tsh," asik niya saka hinablot ang braso ko at inakay ako papalabas. Nakatingin lang ako sa likuran niya habang naglalakad kami pababa.
Palihim akong bumungisngis. Noon ko lang nakitang magulo ang buhok ni Maxwell. Noon ko lang siya nakitang gusot ang damit at walang sapin ang mga paa. At bukod doon, wala akong makitang muta sa maliliit na mga mata niya.
"Hey," palag ko nang iupo niya ako sa high chair, sa harap ng kitchen island. Saka siya pumuwesto sa harap ko. "You'll cook for me?"
"And for me," ngisi niya. Napamaang ako sa mangha.
Pinanood ko siyang magluto. Ang bawat kilos niya ay nginingitian ko. He cooked fried rice, bacon, omelet and mashed potato. Unbelievable.
"You eat fruits in the morning, right?" tanong niya, ang paningin ay nasa bowl ng prutas. "We've got grapes...bananas, what do you want?"
"Saging," nakangiti kong sagot, ang parehong kamao ay pinapatungan ng mukha, nakatutok sa kaniya.
"Saging...o ako?"
Lumabi ako. "Ikaw."
Ngumisi siya. "Good." Pumitas siya ng dalawang saging at inilapag sa harap ko. Nag-angat muli siya ng tingin sa 'kin. "Coffee...or me?"
Nakagat ko ang labi sa pagngiti. "Coffee?" nakasimangot kunyari kong sagot. Sumama ang mukha niya. "Have coffee with me, please." He then prepared everything for me, I must be dreaming. "What time are you leaving?"
Itinuon niya ang parehong siko sa high table at tumunghay sa akin. "We own the plane, I can go anytime I want."
"Of course you cannot," hindi namin inaasahan ang tinig ni Maxrill. "Go finish your food, and we'll leave," may awtoridad niyang sinabi. Sabay namin itong nilingon. "Good morning, Yaz," kaswal niyang bati.
"Good morning," natitigilan kong tugon. "Eat with us."
Sinulyapan ni Maxrill ang nakahain. "Looks like everything was made for you to eat alone," sinulyapan niya kaming pareho saka siya dumeretso sa fridge.
Hindi ko nagawang magsalita. Nangangapa, nakikiramdam kong nilingon si Maxwell. Nakakunot ang kaniyang noo at panay na ang buntong-hininga. Pumuwesto siya sa harap ko at pinagsilbihan ako.
Nagbaba ako ng tingin nang maramdaman ko si Hee Yong na naglalambing sa hita ko. "Hey, good morning, cutie!" bati ko rito. Panay ang pagkaway ng buntot nito. "You want bacon?" kumuha ako ng isa at agad na isinubo iyon dito.
"Hee Yong," nananaway na pagtawag ni Maxrill. Nagulat ako. Agad naman itong tumalima. "Sit."
Napatitig ako kay Maxrill dahil sa kaniyang inakto. Napabuntong-hininga na lang ako at muling itinuon sa pagkain ang atensyon. Ngunit hindi ko na magawang kumilos. May kung ano nang pumupigil sa 'kin dahil sa presensya ni Maxrill. There's something wrong. Bakit parang galit siya? Nailang tuloy ako. Pakiramdam ko ay may kailangan akong itago, bagay na para lang sa 'min ni Maxwell.
Nakita ko nang magsalin ng cereals at milk si Maxrill sa isang bowl. Tahimik siyang nagsimulang kumain.
"I have a conference meeting later, I guess before dinner," binasag ni Maxwell ang katahimikan. "Maxrill needs to be there with me. Maybe we'll leave after lunch."
"We have to leave earlier," ani Maxrill, ang paningin ay tuon sa kinakain. "We'll have a meeting with a pharmaceutical executive to get their prices down for a lot of reasons."
"Alright," napabuntong-hininga si Maxwell. Mukhang wala siyang magagawa sa mga sinabi ni Maxrill. Lalo pa at halatang bihasa na ito sa ginagawa.
"I can...take you to the airport, right?" mahinang tanong ko.
"Of course," kaswal nang sagot ni Maxwell. "Maxpein will be there, too. She'll send you home."
"Okay."
Mayamaya lang ay naro'n na ang mga maids upang magluto ng breakfast. Nang matapos kami ay saka pa lang dumulog sa mahabang mesa ang mga Moon, kasama na si Maxpein at kaniyang pamilya.
Nakipagkwentuhan ako sa kanila. Mukhang hindi nila alam na natulog kami ni Maxwell sa iisang kwarto. Panay ang tawa ko sa mga kwento ni Maxpein. Paano kasi'y panay rin ng pang-aasar niya sa asawa. Nasa gano'n naman kaming sitwasyon nang dumating si Zarnaih kasama ang sariling pamilya. Hindi ko maiwasang mapangiti sa magandang umagang iyon.
Pero hindi ko maitatanggi ang napakalalim na lungkot sa aking puso. Dahil sa katotohanang nasa gano'n kaming sitwasyon dahil malalayo na naman si Maxwell, at si Maxrill.
Mabilis na tumakbo ang oras. Mayamaya lang ay magkakasama na kaming nasa airport. Kani-kaniya na ng habilin sina Maze at More sa magkapatid. Si Mokz naman ay paulit-ulit lang na tumatawa.
Mayamaya pa ay dumating si Keziah, bigla akong naetsapwera. Gaya ng magkapatid, samu't saring habilin din ang iniwan ng mga Moon dito. Syempre pa, nandoon din ang pamilya nito na kaliwa't kanan ang panunukso sa kanila ni Maxwell.
Nanatili ako sa isang tabi, magkakrus ang mga baso at naaasiwa sa hindi magandang outfit ko. Paano kasi'y huli na nang mapagtanto kong kaunti na lang ang damit na naiwan ko sa mansyon. Tuloy ay hindi pasado sa panlasa ko ang sariling suot.
Nakasimangot kong hinintay si Maxwell na tumingin sa 'kin. Ang paningin niya kasi ay nakatuon sa pamangkin at hindi mawala ang ngiti. Pero hindi iyon nangyari, masyado siyang nalunod sa pakikipaglaro kay Spaun.
"Let's go," mayamaya ay anunsyo ni Maxrill. Napalunok ako nang lingunin niya ako. "Take care of yourself," buntong-hininga niya saka pilit na ngumiti. "I'll see you again soon."
"Take care," nakangiti kong sagot. "I'll miss you," pahabol kong sinabi.
Natitigilan siyang tumingin sa 'kin saka naglapat ang mga labi. "I'll never be that kid anymore," pabulong niyang sinabi, may kung anong hinanakit sa tinig. "Stop missing me." Saka niya ako tinalikuran.
Maxrill...
Napabuntong-hininga ako at nagbaba ng tingin. Nasa harap ko na si Maxwell nang muli akong mag-angat ng tingin. At gusto kong magulat sa masama niyang tingin. Napapabuntong-hininga niyang sinulyapan ang kapatid saka lumipad ang paningin niya pabalik sa 'kin. Tiim-bagang siyang lumapit at ginawaran ako ng halik sa pisngi.
"Maxwell..," bulong ko.
Napapamaang kong nilingon ang kaniyang pamilya. Lahat ay nagpapanggap na abala sa isa't isa, kunyari ay walang nakita. Hindi ko maintindihan kung bakit nakahinga ako nang maluwang nang makitang malayo na si Keziah.
Hinawakan ni Maxwell ang mga braso ko at iniyakap ang mga iyon sa kaniya. "Please stop looking at him," bulong niya. "You're destroying me."
"No," nahawakan ko ang parehong pisngi niya. "I'm sorry."
Napabuntong-hininga siya, ramdam ko ang lungkot niya. Nakonsensya ako ngunit walang nagawa. Hinaplos niya ang pisngi ko, pilit ang ngiti. Muli akong dinampian ng halik bago tuluyang tinalikuran.
Maxwell...
To be Continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top