CHAPTER EIGHT

           

DUMAAN ANG mga araw nang hindi na namin napag-uusapan pa ni Maxwell ang tungkol sa mga sinabi niya. Hanggang ngayon tuloy ay iniisip ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Wala akong lakas ng loob para buksan ulit ang usapin tungkol doon. Hindi na naman gumagana ang natural na kapal ng aking mukha. Natatakot ako na baka mali ang pakaintindi ko.

As far as I can remember, he's halfway in love with me. Does that mean that he's totally in love now?

Inilingan ko ang sariling naisip. Aminado akong merong parte sa akin na umaasang ganoon na nga iyon. Ako pa. Kahit simpleng titig nga lang niya ay malalim na ang kahulugan sa akin. Na para bang siya, at hindi ako, ang patay na patay sa aming dalawa. Ang dahilan ko ay hindi kasi ako sanay na ganito siya. He's not a liar. Ang totoo ay masyado siyang totoo para isabiro ang kasinungalingan. Kung tutuusin, iyong mga biro niya nga kung madalas ay totoo kaya naidaraan niya sa yabang. Katangian na nilang magkakapatid iyon.

Pero may maliit na bahagi rin sa akin na nagsasabing imposible talagang mangyari iyon. Kailangan kong aminin sa sarili kong nakukulangan ako sa mga ikinikilos at sinasabi niya. Na ako mismo ay hindi kumbinsido sa mga ipinapakita niya. Sadyang pabor lang sa akin ang mga namamagitan sa amin dahil sa sobrang pagkalunod ko sa sariling nararamdaman.

Nagbaba ako ng tingin sa aking mga daliri. Iginiit ni Maxwell na manatili  ako sa flat niya ng isa pang linggo pero tumanggi ako. Ngayong araw ay hinihintay ko si Mang Pitong para ihatid ako sa aking tutuluyan. Sinadya ko ring piliin iyong araw at oras kung saan alam kong may duty siya. Ayaw ko nang magpahatid pa sa tutuluyan ko. Nag-aalala ako sa mga makakakita sa amin.

Hindi siya nanligaw sa akin. May kung anong kirot na dulot ang naisip ko. Pero...mahalaga pa nga ba iyon sa edad kong ito? Hindi ko masagot ang sarili. Lalo pa't nakuha niya na ako. Gusto kong manlumo sa huling naisip. Napapikit ako at nasapo ang noo, bumilis ang paghinga ko sa pag-iisip sa mabilis na mga pangyayari sa pagitan namin.

Noong mga sandaling iyon ay hindi ko naisip ang mga ito. Bakit hindi nang mga oras na iyon ko pinahalagahan at inalalang hindi man lang siya nanligaw sa akin? Ni ang klaruhin ang tunay niyang nararamdaman ay hindi niya ginawa. At ako itong tanga na basta na lang nagparaya. Ngayon ay daig pa ako ng baging na may puno na kinakapitan, pakiramdam ko ay naiwan akong nakabitay ngunit walang makapitan.

Bilang isang babae ay gusto ko iyon. Gustong-gusto ko iyon. Hindi sa pag-iinarte pero isa talaga iyon sa mga dahilan para masukat at matimbang ko ang katayuan ko sa kaniya—alam ko na ang timbang at katayuan niya sa akin.

I can't feel that he's taking advantage of me but he's doing everything so effortlessly. Of course I want flowers, chocolates, romantic dates, sincere words, teddy bears and everything too.

He's not clear about his true intentions and I can't really see it through him. But where the hell is my trust coming from? Why am I not being cautious from being used, discarded or brokenhearted? I want to guard my heart and be mindful of my actions pero titig pa lang niya bumibigay na ako. Stupid...

Hindi ko maiwasang malungkot para sa aking sarili. Sinuman siguro ang nasa posisyon ko ay ganoon ang mararamdaman. I'm really crazy. Mas matimbang sa akin iyong kung saan ako masaya, kaysa kung alin at ano ang mas tama at karapat-dapat para sa akin. At ang isip ko ay gumagana lang sa t'wing mag-isa ako. Dahil ang presensya ni Maxwell ay tila isang hipnotismo na ang pinagagana lang sa katawan ko ay puso.

Napatayo ako nang tumunog ang elevator at kasunod no'n ay bumukas ang sliding door. Pero agad akong natigilan nang sa halip na si Mang Pitong ay si Maxrill ang bumungad sa akin. Magsasalita na sana ako ngunit lumapit sa 'kin si Hee Yong na panay ang kawag ng buntot. Napangiti ako at hinimas-himas ito sa ulo. Kumahol ito ng dalawang beses nang ihinto ko ang paghimas. Natawa ako at muling hinimas ang ulo niya hanggang katawan.

"How are you, Hee Yong?" tanong ko. Masiglang kumahol ang swerteng aso. "Traveler ka, ah?" Muli akong sinagot ng kahol nito.

Saka ako umayos ng tayo. Pinagpag ko ang kamay saka nilingon si Maxrill. Nakamaang ko siyang pinagmasdan. Hindi ko naitago ang pagtatanong sa aking mga mata. At gusto ko pang magtaka nang mapansing seryoso siya, mukhang wala sa huwisyo.

Kinabahan pa ako at nahawakan ang kwintas nang maglakad siya papalapit sa akin at maglahad ng isang bungkos ng pulang rosas. Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin iyon. Pero sa huli ay tinanggap ko para hindi siya mapahiya.

Inamoy ko iyon. "Salamat." Saka ako tipid na ngumiti sa kaniya. "Sana ay hindi ka na nag-abala." Bigla ay natigilan ako sa sariling sinabi. Pakiramdam ko ay maling sabihin iyon. Shit! You shouldn't have said that, Yaz!

Walang nagbago sa seryoso niyang reaksyon. Bahagya siyang ngumiwi at umiling. "Hindi iyan galing sa 'kin." Saka siya nag-iwas ng tingin. "Kay Maxwell." Tinalikuran niya ako matapos sabihin iyon.

Napapahiya akong tumawa. "Sa kaniya pala, hehe. Thank you."

Hindi siya sumagot. Sinulyapan niya lang ako upang ismiran. Naging matunog ang paghugot niya nang malalim na singhap. Saka pabuntong-hininga iyong pinakawalan at lumapit sa aquarium. May dinampot siyang bote na mukhang ang laman ay pagkain ng mga isda. Hindi nga ako nagkamali dahil dumukot siya doon at marahang isinaboy sa tubig. Yumuko siya at pinanood isa-isa ang mga isdang nag-uunahang lumangoy paakyat para makakain.

Sa tatlong magkakapatid ay si Maxrill lang iyong madaling pangitiin at may tyansang tumawa sa mga biro. Kung minsan nga kahit walang nakakatawa ay tumatawa siya. Hindi iyon maaasahan sa nakatatandang si Maxwell, lalo na kay Maxpein na pinagkaitan ng bait sa katawan. Hindi ko malilimutang makakita lang siya ng pagkain noon ay gumaganda na ang aura niya. Kapag nakalanghap ng masarap ay tumatawa na itong tumatakbo papalapit kung saan nanggagaling ang amoy. May kakayahan nga si Maxrill na humanap ng pagkain gamit ang pang-amoy.

Hanggang ngayon ay naninibago ako. Sa t'wing makakaharap ko siya ay hinahanap ko 'yong dating siya. Hindi ko alam kung ang pagiging seryoso niya ba ngayon ay dala rin ng maturity niya o hindi niya lang ako gustong makita.

Siya ba ang inutusan ni Maxwell na sumundo sa akin kaya ganiyan siya kung sumimangot? Hindi ko maiwasang isiping naging abala sa kaniya ang pagsundo sa akin kaya nasira ang kaniyang mood. Ganoon naman kasi ang mga bunso sa t'wing nauutusan ng nakatatanda. Ganoon si Zarnaih sa akin noon.

Nang makontento siya sa mga isda ay muli siyang lumapit sa akin. Salubong ang kaniyang kilay at lapat na lapat ang mga labi. Sa iilang minutong nakatingin kami sa isa't isa ay nakailang buntong-hininga na siya. Pormal na pormal ang kaniyang suot maliban sa nakapaibabaw niyang maroon na leather jacket. Hindi na ako magtataka kung nanggaling siya sa meeting. Siguro ay pagod.

"Hi," malamya niyang binasag ang katahimikan, ginigising ako sa gulat. At talagang noon niya lang naisipang bumati.

"You're here. Hi," nahuli ang pagngiti at sagot ko. "Sorry, I was not informed na ikaw ang susundo at maghahatid sa 'kin, Maxrill. Ang sabi sa akin ni Maxwell ay si Mang Pitong. Pero walang problema," ipinakita ko ang excitement. "How are you?"

Ngunit walang pagbabago sa reaksyon ng seryoso niyang hitsura. Hindi siya sumagot. Tuloy ay hindi ko malaman kung lalapit ako para humalik at yumakap, gaya nang normal naming gawain sa t'wing magkikita. Nakaka-bother ang pagiging seryoso niya. Pakiramdam ko tuloy ay may ginawa akong mali sa kaniya nang hindi ko nalalaman.

Nilakasan ko ang loob. Lumapit ako at pinag-umpog ang mga balikat namin. Nakita ko nang mangunot ang kaniyang noo at halos pandilatan ako. Hindi ako nagpasindak.

"Kumusta ka sabi!" palahaw ko.

"Tsh," nag-iwas siya ng tingin at lumayo. "Everything's ready?" aniya nang lumapit sa mga gamit ko at hindi man lang ako lingunin.

"Ikaw ang maghahatid sa akin?"

"Obviously, yes," masungit niyang sagot.

Taas-kilay akong ngumuso. "Oo, iyan na lahat ang mga gamit ko. Pakibitbit."

Binuhat niya ang mabigat kong bag dahilan para gumuhit ang mga ugat niya sa braso. Sinundan ko siya ng tingin na dalhin ang lahat ng mga gamit ko. Ngunit agad akong lumapit nang maging ang handbag ko ay kaniyang binitbit.

"Ako na dito," agaw ko sa handbag.

Nagbaba siya ng tingin sa akin—bagay na hindi ko matanggap. Dati ay hindi halata ang agwat ng taas namin. Paano nangyaring halos maabutan niya na si Maxwell ngayon?

Hindi niya pinakawalan ang handbag. Wala akong nagawa kundi ang panoorin siyang bitbitin at hilahin ang lahat ng gamit ko. Bigla akong nahiya. Kung kay Maxwell ay nagawa kong iutos ang lahat, hindi ko magawa iyon kay Maxrill.

Hindi mawala sa mga kamay at braso ni Maxrill ang paningin ko habang sinusundan siya ng tingin papalabas ng hotel. Hindi ko malaman kung lalapit ba upang akuin ang pagbibibitbit ng ilan, o hahayaan na lang siya. Hindi mababakasang nahihirapan o nabibigatan siya. Ang totoo ay nakakabilib na parang walang laman ang mga bag at maleta ko kung dalhin niya. Hindi gaya noong si Maxwell ang may bitbit at hila ng mga iyon. Kung may talim lang ang kilay niya ay sugatan na ako.

Grabe, naiiwan sa hangin ang amoy niya. Napaisip ako kung ipinaliligo ba ng magkakapatid na ito ang perfume nila. Lahat sila ay ganoon.

Nang makalabas ay naagaw ng pula at makalumang Dodge RAM pick-up truck ang paningin ko. Sa likod niyon ay isa-isa at walang hirap na isinakay ni Maxrill ang mga gamit ko. Hindi ko naman napigilang ma-excite sa sasakyan. Mahilig ako sa mga lumang sasakyan. Kahit uugod-ugod na ay paborito ko ang Buick vintage ko.

"Wow," sinuri ko ng tingin ang sasakyan mula bubong hanggang sa gulong. "Is this yours?"

"Get in." Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tutok ang mga mata niya sa akin habang ang isang kamay ay nakahawak sa ibinukas niyang pinto.

"Where did you get this kind of car? I love classic cars, Maxrill! This is so fetch!"

"Kay Mokz ito noon," buntong-hininga niya saka ako marahang itinulak papaupo sa passenger's seat. Gusto ko sana siyang pagalitan pero natigilan ako sa pag-iingat niyang maumpog ako. Mabilis siyang lumigid at sumakay. "He wanted to abandon it," kibit-balikat niya habang hinihimas ang manibela. "Hiningi ko. I know how to fix old cars. Now he wants it back."

"Wow," mangha ko. Hindi ko alam 'yon, ah? As in marunong siyang gumawa ng cars? Nakakabilib! Kung si Maxwell ito, paniguradong aabandunahin niya na rin ang sasakyan at bibili ng bago. Kung si Maxpein naman, paniguradong sasaktan niya ang mekaniko kapag hindi nito nagawa ang sasakyan niya. Hindi ko namalayan ang sariling nakatitig na kay Maxrill. "Matibay pa?" iginala ko ang paningin.

"Hindi nito kakayanin ang gamit mo kung hindi," binuksan niya ang makina.

Naunsa mana siya, uy? Sumimangot ako. Kung gano'n ay mabigat ngang talaga ang mga gamit ko? Bakit kasi binuhat niyang lahat? Psh!

Tiningnan niya ako nang hindi ako sumagot. Pero parang inalam niya lang kung handa na ako. Dahil matapos no'n ay pinaandar niya na ang sasakyan. Hindi ko maiwasang hangaan ang sasakyan. Ang ganda ng tunog at takbo niyon. Hindi ko maramdaman ang kahit ano, buhangin, patag o mabato man ang daanan.

Panay ang linga ko, hindi ako magkandatuto sa pagkakaupo. Kung hindi kasi sa sasakyan ay ang paligid ang tinitingnan ko. Nagmukha tuloy akong ignorante.

"Sa tingin ko tatagal pa 'to kung aalagaan mo nang todo. Alam mo 'yong sasakyan ko ay pinaglumaan lang din ng daddy ko. Believe it or not, hindi pa ako nagkaroon nang brand new car. Hindi kami maluho ni Zarnaih sa cars, that's why my parents are saying that they're lucky to have us. Iba ang luho ko, you know," nakangiti ko siyang nilingon. Sa hitsura ni Maxrill ay para bang ingay na ingay siya sa akin. Napalabi ako.

Dati-rati ay panay ang tango niya sa t'wing magkukwento ako. Minsan kahit wala nang katuturan ang mga sinasabi ko ay nakikinig pa rin siya, madalas ay tungkol iyon kay Maxwell. Kahit nga hindi niya lubos na maintindihan ang Tagalog ko ay panay ang tango niya na 'kala mo naintindihan. Malalaman ko na lang, pinata-translate niya kay Mokz ang mga sinabi ko. Madalas ay mali-mali pa ang sinasabi niya kasi hindi niya matandaan 'yong tamang salitang sinabi ko. Masaya siya sa t'wing maririnig ang boses ko noon, halos ako nga ang bukambibig niya dahil iniiwasan siya ng mga kapatid niya.

Sobrang kulit kasi! Napabuntong-hininga ako sa katahimikan. Kaya naman dumada na lang ulit ako, "You know how much I love clothes, right? Iyon ang luho ko. I haven't worn the same outfit twice. I mean I consider clothes old after wearing them fewer than three times," tuloy-tuloy kong sinabi habang panay ang lingon sa labas at kung saan pa. "I am my own stylist—" Nahinto ako nang bigla siyang magpatugtog. Napalingon ako sa gulat.

Hari ng dedmahan ang

Teleponong apat na

Magdamag nang 'di umiimik

Kung 'di ka tatawagan

May pag-asa kayang

Maisip mo ako't biglang ma-miss?

"Ang lakas mo naman mag-sounds! Hinaan mo!" angil ko saka hininaan ang sounds.

"Tsk, hey!" tinapik niya ang kamay ko.

"Nakakabingi!"

"You're louder than my speakers, Yaz," iling niya.

"What?" asik ko. Umismid lang ang mokong.

Walang karea-reaksyon ang mukha niya. Nalilito naman ako. Hindi ko malaman kung hindi ba ako sanay nang ganito siya, o naninibago ako dahil ganito na siya ngayon. Hindi ko malaman kung alin sa dalawa ang iisipin ko. Nasanay ako nang maingay siya at interesado sa maraming bagay. Naninibago ako dahil tahimik na siya ngayong magbinata.

Hindi kita mapipilit kung ayaw mo

'Wag mo akong isipin, bahala ka

Hindi kita mapipigil kung balak mong

Ako'y iwanang...nag-iisa.

Natawa ako nang maintindihan ang liriko ng kanta. "Do you understand what you're listening to, Maxrill?"

"Oo," malamya niyang tugon na sumulyap lang sa gawi ko ngunit hindi ako deretsong tiningnan.

"You like Filipino bands?"

"Mm."

Tumango ako. "I love foreign songs but I'm familiar with OPM." Bahagya akong humarap sa kaniya. "So what's your favorite song?"

Nagkibit-balikat siya. "I'm always nonplussed when people ask me about my favorites," kunot-noong aniya. "I don't have any."

Nasorpresa ako. "Really? I mean, kahit ano? Psh. Ang weird no'n."

"What's weird with that?"

"Syempre, lahat ay may favorite! Parang ako—"

"Tsh.  Of course you have a favorite," pinangunahan niya ako, nasa himig ang pait at sarkasmo. "Pero sigurado akong wala kang paboritong damit. Hindi ka nag-uulit ng suot, hindi ba? Because if you have one for sure you'll wear it more than thrice."

Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay nabara niya ako nang todo doon, at hindi ako makabira. "Well," tumaas ang kilay ko, gusto ko biglang magtaray. "Hindi naman sa gano'n. Meron pa rin akong favorite, like designs, colors, like that. At 'yon ang madalas kong piliin at suotin."

"I don't have a particular type when it comes to things. I only have my likes and dislikes, my thing and not my thing. No favorites."

Naantig ang interes ko. Pakiramdam ko ay iyon ang kaibahan niya sa dalawang nakatatanda at mas mayayabang niyang kapatid.

Si Maxwell ay mahilig sa sasakyan, paborito niya ang pula pagdating sa kotse. Hilig niya ring magkape, iyong maraming cream. Hilig niya ring magbasa, hindi lang dalawa o tatlong beses niyang binasa ang medical books niya.

Si Maxpein ay hilig ang sariling motor. Kahit pa may kotse ay pinipili niya pa ring gamitin si Rabbit. Hilig niya rin ang Stik-O at Yakult, kaya niya yatang kainin iyon maya't maya, pitong beses sa isang linggo.

Hilig din ng dalawang iyon ang magyabang. Paulit-ulit nilang ginagawa iyon.

Hindi kita mapipilit kung ayaw mo

'Wag mo akong isipin, bahala ka

Hindi kita mapipigil kung balak mong

Ako'y iwanang...nag-iisa.

Nakangiwi akong tumango. May ipinagkaiba pala siya doon sa dalawa.

Dahan-dahan niya akong nilingon, sandaling tiningnan, bago itinuong muli ang paningin sa daan. Doon ko lang namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin at muling tumango-tango. Nakakatuwa at nakakabilib ang kaibahan niyang iyon kina Maxwell at Maxpein. At least hindi na siya magmumukhang anino ng kuya at ate niya. Noon kasi ay para siyang saling-pusa sa lahat ng bagay, siya ang kulelat. Ginagawa siyang bola, at pinagpapasa-pasahan noong dalawa.

Dati ay naaawa pa ako sa kaniya kasi gustong-gusto niyang maka-bonding iyong dalawa, pero parehong suko ang mga iyon sa kakulitan niya. Parati siyang naiiwan. Tuloy ay bine-baby siya masyado ng mga magulang niya. Ngayon nakakabilib na may sarili na siyang lakas para sabayan sina Maxwell at Maxpein.

"How often do you listen to this song? Kung madalas, e, di paborito mo ito," sabi ko.

"Then paborito ko ang lahat ng banda. I listen to all of their songs the whole day, everyday, on repeat."

"So wala kang favorite song? Ang wirdo mo, ah."

"I'm not weird, okay. You can't expect an answer from Maxwell about his favorite book, he'll kill you. You can't let Maxpein point out her favorite taco, she'll knock you out. Kung wirdo ako, ano pa sila? Tsh."

"Weird kasi kayong lahat," pabulong kong asik.

"I just don't really have strict absolute favorites. I wouldn't dare limit my experience."

Wow... Napangiti ako. "Nakakabilib ka naman."

Nakita ko nang matigilan siya. Hindi niya ako tiningnan pero sumulyap siya sa gawi ko. Hindi siya nagsalita. Itinuon ko na lang sa daan ang aking paningin.

'Ayun na naman iyong pamilyar na daan. Iyon nga lang ay malinis na ang pagkakaaspalto ng kalsada. Hindi na gaya noong unang punta ko doon na halos manakit ang lubot ko sa kaaalog sa sasakyan. Hindi pa rin fully developed ang daraanan, marami at matataas ang talahib, mapuno, wala masyadong bahay at higit sa lahat ay presko ang hangin. But if they'll ask me, I don't want people to change it. I want the place to stay as it is. Imbes na pagkakitaan ay kailangan nilang ingatan ang yaman at ganda ng Palawan.

Gusto kong malito nang marating agad namin ang villas at hospital. Dati ay nalalayuan ako doon, ngayon ay hindi ko yata namalayang naroon na kami. Gusto ko sanang tanungin si Maxrill kung may shortcut siyang dinaanan, pero bumaba na siya upang pagbuksan ako. At hindi na ako hinintay na makababa ng loko, pinuntahan agad ang mga gamit.

Ano ba ang ikinasusungit niya? May topak siguro. "Thank you," nahihiya kong sinabi matapos panoorin lang siyang ibaba ulit ang mga gamit ko.

Sandali akong nagulat, sobrang ganda ng lugar! Hindi ko na naman napigilang humanga kay Maxwell. Talagang tinupad niya ang lahat ng pangarap at plano niya sa lugar na iyon. Nandoon na lahat. The place is a master-planned medical, recreational development, residential, and commercial complex. Para iyong isang malaking compound na kompleto sa pangangailangan ng mga tao. May convenience stores, coffee and tea shop, maliit na park at kung ano-ano pa akong nakikita nang umikot ako sa kinatatayuan. Pakiramdam ko ay bumuo ng napakaliit na city si Maxwell sa lugar na iyon.

Muli kong tiningala ang kakaibang hitsura na ospital ng mga Moon. Iyon ang nasa sentro ng lugar. Napalilibutan ng maraming puno at halaman, sa tabi ay may nakaaliw na parke para sa mga bata, at sa kabilang dako ay ang payapang dagat. Ang ospital na hindi maipagkakailang pag-aari nila dahil sa letrang "M" nitong porma.

"This way," ani Maxrill nang akma akong tutuloy sa ospital. "Sa flat ang deretso mo."

"Oo nga pala," napapahiya kong sinabi. Sinulyapan kong muli ang ospital bago nakasimangot na sumunod sa kaniya. 

Sumalubong sa amin ang mga halaman at puno na hiyang sa alaga. Gusto kong amuyin ang iba't ibang kulay ng bulaklak na madaanan ko. Saka tumambad sa amin ang ilang mga sasakyan na maayos ang pagkakaparke. Tiningala ko ang kulay abo at walong palapag na flat building. Masasabi kong hindi basta-basta ang mga materyales na ginamit. Mukhang matinding lindol lang ang makagigiba ro'n.

"Maganda ang pagkakagawa at design nitong building," nasabi ko bago kami tuluyang pumasok.

"Yeah," pabuntong-hiningang sagot ni Maxrill. Napatingin tuloy ako sa mga gamit kong dala niya. "Deib Lohr designed the entire building. Siya ang nasunod sa plano." Gusto kong kuwestiyonin siya sa itinawag niya sa asawa nang nakatatanda niyang kapatid. Wala na talaga siyang paggalang.

Nakangiwi akong tumango saka iginala ang paningin. Lalaking-lalaki ang disenyo at bawat detalye ng lugar. Maging ang mga kulay ay hindi kataka-takang lalaki ang pumili. Hindi umaabot sa lima ang kulay na nakikita ko, itim, puti, abo at krema. Pero hindi masakit sa mata, lahat ay bumabagay sa bawat isa.

"Hindi ko alam na minimalista pala si Deib Lohr," sabi ko habang nakatingin sa paintings na alam kong ito rin ang lumikha.

"Kung si Maxwell ang magdidisenyo ay paniguradong maraming arte ito."

Natawa ako. "I agree." Sinulyapan ko ang aking relos. "Lunch time na pala. Kumain na kaya siya?" pabulong kong sabi.

"Hindi iyon pababayaan ni Wilma," sinulyapan ako ni Maxrill bago tumuloy sa front desk. Hindi ko inaasahang maririnig niya ako.

Wilma? Tumaas ang kilay ko. Who the hell is Wilma? 

Agad akong sumunod sa kaniya at pinanood siyang kausapin ang babae. Hindi magkandaugaga ang mga babae sa harap ni Maxrill. Nagkandautal-utal ang isa sa pakikipag-usap habang ang isa naman ay aligaga sa pagdulog sa kailangan namin. Gustuhin ko mang itanong kung sino ang Wilma na tinutukoy niya, hindi ko na nagawa.

Inihatid ako ni Maxrill sa kwarto. Sinadya niyang hindi magpatulong, siya ang nagbitbit at naghila ng mga gamit ko. Nangunang pumasok si Hee Yong. Dumeretso ito sa carpet na nasa sala at humiga. Inilapat nito ang ulo sa mga kamay at saka nanood sa amin.

Napanganga ako sa ganda ng flat na nakalaan para sa akin. Mabilis kong ginala ang buong lugar at humanga dahil wala akong makitang kulang sa mga gamit. Hindi ako makapaniwalang doon ako  titira.

"Is this really for me?" nagugulat ko pa ring sabi.

Walang naging reaksyon si Maxrill nang lingunin ko. Deretso lang siyang nakatingin sa akin, malapit sa vanity na nasa tabi ng pinto, nakasuot sa bulsa ang isang kamay. Sa ilang dipang layo namin sa isa't isa ay naamoy ko ang umaalingasaw niyang bango.

"This place is so big!" bulalas ko, manghang-mangha. Hindi na naman siya sumagot.

Pumasok ako sa kwarto at muling humanga. Talagang kompleto ang gamit. Katunayan, maging damit ay meron doon. At kahit hindi ko isukat ay mukhang magkakasya lahat sa akin. Kataka-taka nga lang na pulos puti at itim ang mga iyon. Undergarments lang ang wala at ipinagpapasalamat ko iyon.

Mabango ang washroom nang pasukin ko. Kung ang lahat ng kwarto ay ganito ang ayos, wala nang mamomroblema sa personal needs. Kompleto ang gamit!

"Wow," muli akong lumapit kay Maxrill na noon ay deretso pa ring nakatingin sa akin. "Thank you." Bigay na bigay ang ngiti ko pero wala akong makuhang reaksyon at tugon sa kaniya. Bigla tuloy akong nailang. "Are you okay?" kamot ang braso kong tanong. "Are you hungry?"

Umiling siya saka nag-iwas ng tingin. Lumapit siya sa malaking bintana at hinawi ang malaki ring kurtina. Tumambad sa akin ang abot-tanaw na dagat mula sa balkonahe.

"Oh, my!" napatili ako. "Ang ganda-ganda dito!" Nagkumahog akong sumilip. "Thank you talaga!"

Nagbaba siya ng tingin sa akin. "You don't have to thank me, thank my brother. You're Maxwell's. He'll give you everything."

Nawala ang ngiti at saya sa mukha ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mao-offend sa sinabi niya. Hindi ko maramdamang kailangan kong ipagmalaki ang sinabi niya. May pait sa tinig niya na hindi ko mahanapan ng dahilan.

Sumimangot ako. Galit ba siya sa 'kin? Anong ginawa ko? Sa inis ay lumapit ako at hinila ang kaniyang polo. Nakakunot na ang kaniyang noo nang lumingon sa akin. Lalo akong sumimangot bago siya pinagtaasan ng kilay.

"Kanina ka pa tahimik. Kung sumagot ka naman ay sobrang sungit. Galit ka ba sa 'kin, Maxrill?"

Matagal siyang tumitig sa akin. Hindi ko mabasa ang galit sa kaniyang mga mata. Hindi iyon blanko ko, may mababasa roon pero hindi ko mapangalanan kung ano.

Lumabas siya sa balkon at suminghap. "You stayed in Maxwell's space," nakapamaywang siyang humarap sa 'kin. "Why?"

Natigilan ako. Iyon ba ang ikinagagalit niya? So galit nga siya? Bigla ay hindi ko alam kung paanong magpapaliwanag. Ni hindi ko alam kung may karapatan ba akong magpaliwanag. Natatakot akong baka iba ang isipin niya sa isasagot ko. Posibleng isipin niya na makapal ang mukha ko, kahit iyon naman talaga ang totoo. Posible ring isipin niyang gano'n ako ka-easy to get, kahit totoo rin naman iyon. Paano ba ako magpapaliwanag?

"He asked me to stay there," nahihiya kong sagot.

"Of course he did," mapait ang ngisi niya. Gusto kong mainsulto. "You let him because you wanted to stay there, too, right?"

Hindi ko alam kung paanong sasagot. Nang hindi ako makapagsalita ay bumuntong-hininga siya at tinalikuran ako. Kumukurap ko siyang sinundan ng tingin saka ko nakamot ang ulo.

"I'll go to the hospital, you wanna come with me?" tanong niya nang nakapamulsa lang, nakaharap sa gawi ko pero hindi ako tinitingnan.

Awtomatiko akong lumapit. "'Wag mo 'kong sungitan, sasama ako sa 'yo."

Doon niya ako pinukol ng tingin, nananatiling seryoso. "Kahit hindi ako magsungit ay hindi ka sasama sa akin nang dahil sa akin. I'm jealous, Yaz."

Sumuko ang atay at balun-balunan ko sa sinabi niya. Natawa ako sa gulat, halakhak na bitin at halatang nabibigla. "Bakit ka naman magseselos? I mean..." Gusto kong sundan ang sasabihin pero sa isang sulyap niya ay napipi ako.

Bakit nga ba siya magseselos? Bakit nga ba nagseselos ang isang tao? Hindi ko sinagot ang sarili. Ayaw kong sa akin manggaling ang sagot. Hindi ako handa para ro'n.

"Let's go," anyaya niya saka tinalikuran ako. Halos bumangga ako sa kaniya nang muli siyang lumingon. "Hee Yong!" maawtoridad niyang tawag. 'Ayun naman at kakawag-kawag ang buntot ng aso nang lumapit. Kinausap ito ni Maxrill sa salita nilang hindi ko maintindihan.

Dumeretso kami sa ospital, nakanganga ko yatang pinagmasdan ang bawat kanto. Pakiramdam ko ay gawa sa glass lahat. Hindi lang ang mga dingding kundi ang marmol nitong sahig. Pakiramdam ko ay may nakapaibabaw na glass sa lahat! Nakakabilib ang ganda. Noon lang ako nakakita nang ganoon kagarbong ospital, ginastusan talaga. Hindi talaga biro ang kakayahan ng mga Moon.

Mukhang hindi pa nga ganoon karami ang empleyado. Mabibilang sa daliri ang nakikita kong nakauniporme. O sadyang nasanay lang ako sa BISH at ibang ospital na pinag-duty-han ko. Na kaliwa't kanan ang nurse na naglalakad, at iba pang hospital personnel.

"Hee Yong," yumuko si Maxrill sa alaga saka ito kinausap sa sarili nilang lenggwahe. Nakakatuwang parang nakaintindi ang aso dahil nahiga na lang ulit ito at tumitig sa amo. Saka ako sinulyapan ni Maxrill, senyales na sumunod na ako sa kaniya.

Nakasunod sa amin ang paningin ng karamihan, pasyente, kamag-anak ng pasyente o trabahante. Wala ni isa sa mga iyon ang nilingon ni Maxrill. Lahat ay humahangang pinanood siyang maglakad hanggang sa pumasok kami sa elevator. Tahimik si Maxrill hanggang doon.

Nang makalabas ay nasa ward na kami. Tahimik. Naghahalo ang natural na amoy ng mga kemikal, pintura at air freshener. Naglakad kami hanggang sa maabot ang dulo. Saka kami kumaliwa at narating ang doctor's quarter. Purong salamin ang dingding at tanaw ang dagat. May mahabang table na kayang okupahan nang mahigit sa sampung tao. Kaliwa't kanan ang vending machine, may chips, drinks, coffee at tea. May limang malalaking TV screens kung saan baseball ang mapapanood. May kulay itim at leather din na sofa sa harap ng pinakamalaking TV. Sa magkabilang tabi ay naglalakihang bookshelves na puno ng makakapal at maninipis na libro.

Napalingon ako nang lumabas mula sa isang pinto si Maxwell. Sa akin unang dumapo ang paningin niya bago nilingon ang kapatid. "You came," ngiti niya saka lumapit at yumakap kay Maxrill.

Nakakatuwa sa t'wing makikita silang ganoon. Para bang hindi kasi sila nagkikita. Hindi man sila ganoon ka-showy, parating nakikita sa kanilang mga mata iyong saya na makita ang kapatid.

"Have a seat," alok ni Maxwell sa 'min. Tumitig siya sa akin na para bang sinusuri ang kabuuan ko. Saka siya muling bumaling kay Maxrill. "Kumusta?"

"I'm busy," ngiwi ni Maxrill.

"Good," tango ni Maxwell. "I heard Mokz left the country, who's taking care of mom and dad?"

Ngumiwi si Maxrill. "Dirk is dedicated to his work. He takes care of everything. Besides, Maxpein's around."

"How's your project?"

"Mind-blowing. May problema ako sa south."

Kumunot ang noo ni Maxwell at umayos ng upo. "What is it?"

"I'm not yet sure." Bakas sa buntong-hininga ni Maxrill ang bigat ng problemang sinasabi niya. "There's this someone who wants to own the entire private land I heard." Naningkit ang mata niya saka itinutok ang paningin sa kapatid.

"Are you sure?"

Tumango si Maxrill. "Inaral ko na ang lahat ng kaniyang transactions. He's damn serious."

"Seriously? That land is private. Paano niya nalaman ang tungkol doon?"

"That's why I'm here. I wanna know his singularity, knack and baggage in case he doesn't know who he's dealing with."

'Ayun na naman sila sa pag-uusap na hindi naman kalaliman ang mga salita, nauunawan at naiintindihan, pero parang sila lang ang nagkakaintindihan. Iyon ang misteryo nilang parati. May pagkakaunawaan sila nang sila-sila lang. Kung mag-usap sila ay hindi kompleto ang detalye pero kakatwang nakikilala nilang parati ang tinutukoy ng bawat isa. Nakakabaliw.

"Be careful," nandoon ang pag-aalala sa tinig ni Maxwell. "Call me if you need help, I'll call Maxpein," bigla ay biro niya.

"She doesn't know anything about it yet. It's her land."

Humalakhak si Maxwell. "You gotta warn this whoever he is," diin niya. "He's in danger."

Pinaglaro ni Maxwell ang mga daliri sa labi saka sumulyap sa akin. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at halikan ang likod niyon. Napapamaang kong tinitigan ang lugar sa kamay ko kung saan dumampi ang mga labi ni Maxwell. At saka ako nagtatanong na tumingin sa kaniya. Pero na kay Maxrill na uli ang kaniyang paningin. Nang si Maxrill naman ang aking lingunin ay masama na ang tingin niya sa kamay ko at sa akin.

"Have you heard of the Venturi's, 'Rill?" kaswal na tanong ni Maxwell. Kumunot ang noo ni Maxrill. "They're planning to construct a casino," sarkastikong humalakhak si Maxwell. "I turned them down."

"Hindi ko sila kilala. Baka ako, kilala nila," kaswal na ani Maxrill, inosente sa kayabangang taglay.

"Maybe they're the ones trying to score the entire south. Hindi na 'ko magugulat. That guy's a bit pushy. What's his name again?" nag-isip si Maxwell.  "Oh, Montrell. Montrell Venturi." Ngiwi lang ang isinagot ni Maxrill.

"Excuse me, doc?" natinag kami nang may tumawag. "Emergency."

Agad na tumayo si Maxwell at isinuot ang gown. Lumapit siya at humalik sa noo ko, bagay na hindi ko napaghandaan, natigilan ako at napalunok. "I'll see you later," bulong niya saka bumaling sa kapatid. "Let's have dinner together, alright?"

"Arasseo," ang tanging tugon ni Maxrill.

Sinundan ko ng tingin si Maxwell. Nagugulat pa rin ako sa ginawa niya. Naiilang naman ako kay Maxrill. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa gano'ng inakto ng kapatid. Sapo niya na ang mata at noo nang sulyapan ko. Matagal siyang tumingin sa kung saan bago tumayo at iniwan ako.

Aligaga naman akong sumunod. "Where are you going, Maxrill? Sama ako sa 'yo," excited kong sinabi.

Bumuntong-hininga siya. "Diyan lang."

"Saan?"

Matagal bago siya sumagot. "Basta diyan lang."

"Samahan na kita." Sumunod ako nang sumunod sa kaniya.

"Sasamahan ko si Hee Yong."

"Huh, saan?" Kinawayan ko si Hee Yong na noon ay biglang tumayo nang makita ang amo.

"Diyan nga lang."

Natawa ako kasabay ng kamot sa ulo. "Panay ka diyan lang, saan ba 'yong diyan mo?"

"Sa likod."

"Anong gagawin mo ro'n? Sasama ako," pangungulit ko.

"Dudumi si Hee Yong," aniya, tumitig sa akin.

Napangiwi ako, pinanood niya ang reaksyon ko. "Okay, I'll join you guys," nakapamulsang sabi ko. Pinangunahan niya ako. Kakawag-kawag ang buntot ni Hee Yong nang sumunod.

Pumunta kami sa park na para sa mga bata, sa tabi lang iyon ng ospital. Malakas ang hangin. Nagsisimula na ring dumilim. Pinanood ko si Maxrill na sundan ng tingin ang aso. Nagpalakad-lakad si Hee Yong habang inaamoy ang bermuda. Pero lumampas ito sa parke kaya sinundan namin. Hanggang sa humantong kami malapit sa dalampasigan. Masukal ang damo sa bandang iyon. May mga ligaw na halaman at pandak na mga puno.

Nakapamulsang tumabi si Maxrill sa malaking bato at tinanaw ang nagpapaalam nang araw. Sinulyapan ko si Hee Yong na noon ay nagmimilagro na isang tabi. Saka ako lumapit kay Maxrill at naupo sa malaking bato.

"Are you doing to stay here too?" tanong ko.

"No."

Tumango ako. "Aasikasuhin mo lang iyong napag-usapan ninyo ni Maxwell kanina?"

"Yes."

Muli akong tumango-tango. "Ang ganda dito, 'no?" sabi ko nang walang masabi. Saka ko sinuyod ng tingin ang payapang lugar.

The place is very relaxing. Iyon 'yong katahimikan na pangkalikasan. It feels so good in the body and mind. Ang tanging ingay na maririnig ay mula sa hampas ng tubig, sumasayaw na puno at mga lumilipad na ibon.

"Don't you have any girlfriend, Maxrill?" mayamaya ay tanong ko.

Nakita ko nang matigilan siya at napanood ko nang marahan siyang lumingon sa gawi ko. Tumitig siya na para bang may mali at masama sa sinabi ko. Na para bang napakamanhid ko para magtanong nang ganoon.

Napalunok ako saka nameke ng tawa. "I mean, you're in the right age naman na. Saka sa ganiyang edad dumarami 'yong crush."

"Do you know how old I am now?"

Bahagyang kumunot ang noo ko at napaisip. Tila hindi niya nahintay ang sagot ko dahil humarap siya sa akin at napepesteng tumitig. Kumurap-kurap ako sa pagkapa ng isasagot.

Ilang taon na nga ba siya ngayon? Ang alam ko lang ay malaki ang tanda ko sa kaniya. "I'm six years older than you, right?" nahalata sa pananalita kong hindi rin ako sigurado.

"How old is my brother?"

"Thirty one."

"Tsh," singhal niya saka ako muling tinalikuran.

"Psh! Ang tanong ko kasi ay kung may girlfriend mo na ba? Hindi kung ilang taon ka na o ilang taon ang tanda natin sa isa't isa. Kung wala kang girlfriend, how about crush?"

"I'm too old for crushes."

"What?" ngiwi ko. "'Uy, hindi, 'no! You're never too old to have nice feelings. I mean your age is the starting path of putting together the ideas of love, physical feelings, and connection."

"Exactly," buntong-hininga niya. "Magkaiba ang love at crush lang."

"At ano ang kaibihan?" nakangiwing tugon ko.

"Crushing is a bit less dramatic than love. The only problem about crushing is the awkwardness of friends finding out and laughing at you."

Nakangiwi akong ngumisi at tumangong muli. Malakas ang loob ko sapagkat wala sa akin ang kaniyang paningin. "And what about love?"

"Love is about decision-making." Humarap siya sa akin. "It's to either move on, or make advances toward that person until you're satisfied." 'Ayun na naman iyong nanliliit niyang mga mata habang nakatuon sa akin. "Ang gusto ko lang ay makita, makausap at makasama araw-araw ang crush ko noon," seryoso niyang sinabi. "Pinag-iisipan ko nang ligawan siya ngayon."

Nawala ang ngiti sa labi ko. "Ah, talaga?" sabi ko sabay iwas ng tingin. "Sino ba iyang crush mo?"

"Tsh." Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong muli siyang tumalikod.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung lilingunin ko pa ulit siya. Pero sa halip na panoorin si Hee Yong na dumumi ay iyong paglubog ng araw na lang ang tiningnan ko. Sobrang ganda. Nakita ko kung paanong nagbago ang kulay ng ulap. Mula sa puti ay naging kahel ito hanggang sa kainin ng dilim.

Inihatid ulit ako nina Hee Yong at Maxrill sa kwarto. Hindi na sila tumuloy. Hindi ko na rin naman ipinilit dahil naiilang pa rin yata ako sa naging usapan ni Maxrill. Gusto ko na tuloy pag-isipan ngayon kung magbubukas ba ako ng topic sa t'wing kasama ko siya. Ayaw kong mag-assume pero pakiramdam ko sa t'wing ginagawa ko 'yon ay nauuwi sa nararamdaman niya ang usapan.

Ayaw kong kilalanin ang nararamdaman ni Maxrill. Kung iba siguro ang nasa sitwasyon naming dalawa ay hindi ko iyon pag-iisipan nang masama. Pero dahil ako at siya ang involve, ayoko. Hindi ko matanggap. Pakiramdam ko ay nagkakasala ako sa pamilya niya at mata ng ibang tao. Kahit pa kapatid lang ang tingin ko sa kaniya.

Matagal akong naligo, nasobrahan sa tuwa sa magandang bath tub. Naglagay ako ng light makeup saka nagpatuloy sa pagtutupi ng mga damit ko. Makalipas ang ilang oras nang pag-aayos ng gamit ay nahinto ako sa magkakasunod na door bell. Patakbo akong binuksan iyon, may kung ano kasing nagsasabi sa akin na si Maxwell na iyon. At hindi nga ako nagkamali. 'Ayun siya at gwapong-gwapo sa simpleng pagkakatayo sa  harap ng pinto.

"You're ready?" tanong niya saka tumuloy.

"Not yet." Napapikit ako nang salubungin niya ng halik ang aking noo.

"Dinner is ready."

"Will you wait for me?"

"Of course." Magkaakbay kaming dumeretso sa kwarto. "Mm, you need help?" aniyang hinubad ang coat nang makita ang makalat ko pang mga gamit.

Umiling ako. "I'm hungry na."

"Me too. We can do this later, after dinner."

"No, you're tired na. I can finish everything later. Kaninang umaga ka pa sa trabaho, hindi ba?"

"Yeah," buntong-hininga niya. "But I'm fine, I can help you."

Yumakap ako sa kaniya. "Huwag ka nang mapilit. Magpahinga ka na lang para bukas may lakas ka."

Tumitig siya sa mukha ko at saka ngumiti. "Do you like your place?"

"Yes!" excited kong sagot. "Thank you, and thanks for the flowers too. You're so sweet." Hinalikan ko siya sa pisngi at saka ako kumalas. Nagbihis ako at ilang sandali pa ay pababa na kami. "Saan tayo magdi-dinner?" excited kong tanong nang asa daan na kami papunta kung saan.

Ngumiti siya ngunit tutok sa pagmamaneho ang paningin. "Somewhere special."

Hindi na ako nangulit. Ayaw kong ubusin ang natitirang lakas ni Maxwell sa kakulitan ko lang. Panigurado kasing pagod na siya sa trabaho at ginagawa lang ito para sa akin. Na-appreciate ko ang effort niya. Gusto ko tuloy pagsisihan ang mga inisip ko kanina lang umaga.

Bakit ba ganyan?

Ang ibig ko'y lagi kang pagmasdan.

Umula't umaraw ay hindi pagsasawaan

Ang iyong katangian.

Damdamin ko'y ibang-iba

Kapag kapiling ka, sinta.

Natawa ako nang marinig ang kanta nang magpatugtog si Maxwell. "Wow! Hindi ko alam na ganyan pala ang taste mo," biro ko.

Natawa rin siya. "It's Keziah's, okay."

Unti-unting nawala ang ngiti ko. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon iyon sa labas. "Sumasakay siya dito?"

"Yeah," naramdaman ko nang lumingon siya sa akin. "Madalas."

Tuluyan nang nawala ang ngiti sa labi ko at hindi na kumibo pa. 'Ayun na naman 'yong mga tanong, gaya kaninang umaga. Ngayon ay kinukuwestiyon na ng isip ko ang bulaklak at dinner, kung totoo nga bang sweet ang mga iyon. O ginagawa niya lang iyon dahil iyon ang normal sa relasyon. Hindi na mawawala ang pag-iisip ko kung ano ang maitatawag sa relasyong meron kami. Ayaw ko mang gamitin ang salitang relasyon ay wala nang ibang salita na pwedeng ipalit doon para hindi ako umasa, at hindi ko paasahin ang sarili ko.

Ewan ko, bakit ba ganyan,

Damdamin ay 'di maintindihan

Kailangan ang pag-ibig mo

Dahil sa ako'y nagmamahal sa 'yo

Magmula nang ika'y makilala.

Matapos ang mahabang byahe ay narating namin ang seafront restaurant. Kahit may kadiliman sa lugar ay nakita kong napalilibutan ng puno ag daan. May dalawang malalaking maskarang pantribo na nakapaskil sa magkabilang kahoy na pundasyon ng entrada. Inalalayan ako ni Maxwell pababa at sabay naming pinasok ang wooden pathway na napalilibutan nang matatayog na mangroves.

"Wow," nakangiti at tatango-tango kong tiningala si Maxwell. "It's beautiful here."

"Just like you," ngiti niya saka iginala rin ang paningin.

Ngumiwi ako saka muling itinuon sa paligid ang mga mata. Sobrang ganda ng lugar, iyon pa lang ang nakikita ko. Sa tingin ko ay mas maa-appreciate ko iyon kung umaga. Palibhasa'y gabi, hindi ko masyadong makita kung gaano karami ang mangroves at kung hanggang saan ang maaabot ng pathway. Excited man akong marating ang dulo nang mahabang wooden bridge ay hindi ko mapigilang hangaan ang magandang daraanan.

Dayon camo... Binasa ko ang nakasulat sa panibagong entradang nasa harapan namin. Nilingon ko si Maxwell at mukhang nakuha niya ang tingin ko.

"It means welcome," ngiti niya.

Muli pa akong humanga nang marating namin ang dulo. The seafront restaurant rests on stilts above the water. Mas maganda pa iyon kaysa sa nasa isip kong makikita. Maganda ang ambiance at kahanga-hanga ang interior designs, ang karamihan sa mga displays sa gawa sa kamay. Manilaw ang ilaw ngunit bumagay iyon sa lugar, lalong pinagmumukhang romantiko.

May dalawang staff na sumalubong sa amin upang ihatid kami sa may kalakihang mesa sa gilid, perfect spot to enjoy the magnificent view of the sea. Iginala kong muli ang paningin. Nanghihinayang ako dahil may mga parte ng lugar akong hindi makita dahil madilim na, bagaman kumikinang sa tubig ang liwanag ng buwan. Pero pipiliin ko pa ring puntahan iyon sa gabi dahil sa romantic nitong ambiance.

May ilang customers bukod sa amin pero lahat iyon ay malayo sa mesa namin. Itinuon ko ang paningin kay Maxwell na noon ay nakatingin lang sa akin. Ngumiti ako saka naupo sa harap niya. Tuloy ay doon ko lang napansin na apatan ang mesang pinili niya. Naalala kong hindi nga lang pala ako ang niyaya niya.

Bakit nga ba naisip kong date 'to?

Hindi na ako nagulat nang mayamaya lang ay pumasok si Maxrill. Ang ikinagulat ko ay nang makitang kasama nito si Keziah.

Gusto ko na namang manibago kay Maxrill. Kung dati kasi ay mukha itong modelo saan man magpunta, sumobra naman sa kawirduhan ngayon. Tanging puti na V-neck shirt, black ripped jeans at itim na low-cut chuckte ang kaniyang suot. Hindi ko tuloy naiwasang isipin na ginagaya niya ang porma niyong mga bandang pinakikinggan niya.

"Hi, good evening," bati ni Keziah. Agad siyang lumapit kay Maxwell para yumakap at humalik na animong ilang buwan silang hindi nagkita. Kahit na ang totoo, kanina lang ay nasa iisang trabaho sila. Gusto kong um-order ng bagong kulong seafood soup at matipalok sa harap niya. "Hi, Yaz!" sa akin naman siya lumapit upang yumakap, iniwasan ko ang halik niya.

"Hi," si Maxrill ang binati ko agad kong balingan ito. Hindi naman sumagot ang loko, naupo na lang basta sa harap ko.

"Kung ganito tayo gabi-gabi, magastos," biro ni Keziah.

"KKB ba?" naaasar, nagpapanggap kong biro. "Nagtitipid ka ba?"

"Huh? Of course, it's Maxwell's treat," ani Keziah.

"Just kidding," halakhak ko. "Walang problema sa akin kung gabi-gabi akong kumain dito. I like the place!" Hindi na sumagot si Keziah, nakangiti na lang siyang tumingin sa akin.

Gaya nang inaasahan ko ay seafoods ang karamihan sa isinerve. Mayroong crab na pinaliguan ng creamy coco sauce, sizzling squid rings, grilled fish na may kasamang seaweeds, clams in clear broth, crispy pata, bagoong at paborito kong enseladang talong. May fruit slices, buko juice and iced tea rin.

"Try this one," pinagsilbihan ako ni Maxwell.

Halos lahat ng klase ng pagkain ay inilagay niya sa plato ko. At hindi niya inaalis ang paningin sa akin hangga't hindi ko isinusubo isa. Maging ang magiging reaksyon ko ay hinintay niya.

Natawa ako. "Kumain ka kaya, Maxwell."

"No, I wanna see your reaction. What can you say? It's good right?"

Ngumunguya akong tumango. "It's delicious!"

Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. "Now try this." Iyong crab naman ang inilagay niya sa plato ko.

"Kumain ka na, I'll taste everything."

"Eat it," excited niyang sinabi.

Natatawa ako. Hindi ko malaman kung maninibago ba ako sa astang iyon ni Maxwell o ano. Sinulyapan ko ang mga kasama namin at pareho lang nanonood ang mga ito. Nahiya tuloy ako.

"I'll eat everything, eat your food na," utos ko kay Maxwell.

Nang magbukas ng pag-uusapan ang intrimitidang Keziah ay sa kaniya na napukol ang atensyon ni Maxwell. Noong una ay nakikinig ako. Pero nang walang maintindihan ay itinuon ko kay Maxrill ang pansin. Nangunot ang noo ko nang makita kung gaano na niya kalinis kumain ngayon. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang iilang piraso ng pagkain sa kaniyang plato.

Nasanay kasi ako na walang matirang espasyo sa plate niya sa t'wing kumakain siya. Kaya nga madalas ay napapagalitan siya. Siya kasi ang pinakamaruming kumain sa lahat. Kabaligtaran ni Maxwell na sobrang linis naman.

"Masarap 'yong crispy pata," sabi ko habang humihigop ng buko juice.

"Eat all of it, then."

"Tataba ako," ngiwi ko. "Saka ikaw ang matakaw dito," biro ko.

Hindi na siya sumagot. Tuloy ay naburyo ako. Hindi na ako binigyan ng tyansa ni Keziah na sumabat pa sa usapan para maagaw muli ang atensyon ni Maxwell. Lalo pa at tungkol na sa komplikadong pasyente ang usapin nila. At bilang mga doktor, kahit nakaka-relate ako, pakiramdam ko ay mali ang makisabat dahil paniguradong iba ang magiging konklusyon ko.

"Pwede akong lumabas sandali? Magtitingin-tingin lang ako sa lugar," paalam ko nang maburyo sa pakikinig sa usapan nina Maxwell at Keziah.

Natitigilang nag-angat ng tingin sa akin si Maxwell. "Where are you going?"

"Diyan lang," itinuro ko ang wooden bridge.

"I'm coming with you."

"Hindi na," pinigilan ko ang pagtayo niya. "Nasa labas din naman si Maxrill. Magpapasama na lang ako sa kaniya."

Kumunot ang noo ni Maxwell. "I'm coming with you."

Pinandilatan ko siya. "'Wag mong iwan si Keziah nang mag-isa dito. I'm okay."

Lumabas ako at marahang naglakad. Kaliwa't kanan ang lingon ko at napapangiti ako sa ganda ng paligid. Hindi na yata ako mahihinto sa paghanga. Humawak ako sa kawayan at tiningala ang buwan. Bilog na bilog iyon, maliwanag ngunit hindi nakakasilaw.

Ngunit naagaw ng tunog ng gitara ang atensyon ko. Napalingon ako sa gawi ng wooden bridge. Nangunot ang noo ko nang matanawan ang lalaking naggigitara nga malapit sa dulo niyon. At kung hindi ako nagkakamali ay si Maxrill iyon, kaharap si Hee Yong. Nakatayo si Maxrill, nakataas ang paa niya sa kawayan upang maipatong sa hita ang gitara. Habang si Hee Yong naman ay nakaupo, nakalabas ang dila at nakatingala sa kaniya at nakikinig.

Kunot-noo ngunit marahan akong naglakad papalapit. Ayaw kong masira ang magandang sandali ng dalawa. Hindi ko malaman kung matatawa ako o ano. Pero may kung ano sa dibdib ko na natutuwa habang pinanonood sila. I don't know why I find it sweet and unique. Pakiramdam ko ay si Maxrill lang ang nakita kong hinaharana ang alaga.

Anong sarap...

Kami'y naging magkaibigan

Napuno ako ng pag-asa

'Yon pala haggang do'n lang ang kaya

Akala ko ay pwede pa.

Pamilyar sa akin ang kanta, isa doon sa mga bandang pinakikinggan niya. Pero hindi iyon ang nakaantig sa interes ko. Kundi iyong boses ni Maxrill. Ngayon ay masasabi kong si Maxpein lang ang pinagkaitan nang magandang boses sa kanila. Banayad ang tinig ni Maxrill bagaman lalaking-lalaki, bagay sa banda ang boses niya.

Masakit mang isipin

Kailangang tanggapin

Kung kelan ka naging seryoso

Tsaka ka niya gagaguhin.

Huminto ako bago tuluyang makalapit sa kanila at nakangiti silang pinanood. Palitan ang tingin ko kina Hee Yong at Maxrill, pero sa huli ay natutuon ko iyon kay Maxrill dahil sa paghanga sa boses niya. May hawig ang boses ni Maxwell, may hindi maipaliwanag na gasgas. Malaki nga lang ang boses ni Maxwell kompara sa bunsong ito.

O, Diyos ko..ano ba naman ito?

'Di ba? King ina!

Nagmukha akong tanga

Pinaasa niya lang ako

Letseng pag-ibig to.

Bigla ay natigil si Maxrill at lumingon sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at nakagat ang labi. Hindi ko malaman kung babalik na sa restaurant o magso-sorry muna. Dahil sa pagkakakunot ng noo ni Maxrill ay mukhang hindi niya nagustuhang nasira ko ang magandang sandali nila ni Hee Yong.

"I'm sorry," nakasuko ang kamay kong sabi.

Pero hindi nagsalita si Maxrill. Hindi rin siya kumilos. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

Nang hindi ko malabanan ang tingin niya ay tumalikod na lang ako basta at nagmadaling maglakad pabalik.

Ngunit muli akong natigilan nang tumugtog ang gitara. At kasunod no'n ay ang banayad na tinig niya. Hindi ko malaman kung bakit nakatalikod naman ako pero pakiramdam ko ay nakaharap na siya sa gawi ko.

Marahan akong lumingon, hinahawi ang buhok na nililipad ng hangin, hanggang sa muling magtama ang aming paningin.

Ilang awit pa ba ang aawitin, o giliw ko?

Ilang ulit pa ba ang uulitin, o giliw ko?

Tatlong oras na akong nagpapacute sa iyo

'Di mo man lang napapansin ang bagong t-shirt ko.

Kinanta niya iyon nang sobrang bagal, nagtutunog malungkot ang kanta kompara sa orihinal na may kabilisan at saya.

Ilang isaw pa ba ang kakain, o giliw ko?

Ilang tanzan pa ba ang iipunin, o giliw ko?

Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo

'Wag mo lang ipagkait ang hinahanap ko

Kinanta niya iyon nang mabagal habang humahakbang papalapit, nang hindi inaalis ang malungkot na tingin sa akin. Bigla akong kinabahan. Hindi ko malaman kung mananatili o aatras na lang. May kung ano sa sandaling iyon na pinapipirmi ako sa sitwasyon kung saan alam kong sinadya niyang kantahan ako. Ginawa niya iyon nang paulit-ulit at huminto may isang hakbang bago kami magkabunggo.

Sagutin mo lang ako, aking sinta'y,

Walang humpay na ligaya

Huminto ang mga daliri niya sa pagtipa at hinawakan na lang ang gitara gamit ang isang kamay upang mawala iyon sa pagkakaharang sa amin. Napalunok ako.

At asahang iibigin ka,

Sa tanghali, sa gabi at umaga

Naging mas mabagal na ang pagkanta niya, halos maduling sa pagkakatitig sa aking labi. Sunod-sunod ang paglunok ko habang naeestatwa sa kinatatayuan nang maramdaman ang hininga niyang malapit na sa mukha ko habang marahan pa ring kumakanta.

'Wag ka sanang magtanong at magduda

Dahil ang puso ko'y walang pangamba

Napapikit ako nang hawakan niya ang pisngi ko. At naging mariin ang pagkakapikit na iyon nang maramdaman ang dampi ng kaniyang labi sa aking pisngi.

What the hell, Yaz?!

Napamulat ako at napaatras. Wala na ang kaniyang palad sa mukha ko, may dalawa o tatlong hakbang na rin ang kaniyang layo. Pigil ko ang hininga habang nakatingin kay Maxrill.

"I know for you it's not love," ani Maxrill. Napalunok ako. "But I'm sure it's more than just a crush."

Iyon lang at tinalikuran niya na ako. Napako ang paningin ko sa kung saan. Hindi ko siya masundan ng tingin. Bigla ay naramdaman ko ang matinding lamig ng gabi. Nayakap ko ang aking sarili bago muling inaninaw ang likod ni Maxrill.

Ngayon ay hindi ko na pwedeng itanggi sa sarili ko ang mga ikinikilos at sinasabi niya. Kailangan ko nang kilalanin ang nararamdaman niya. Na kung hindi ko man iyon magawang suklian, obligasyon kong irespeto iyon. Pero paano? Kung ganitong hindi ko maipaliwanag ang naging reaksyon ng ginawa niya sa akin.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji