CHAPTER 64

CHAPTER 64

Makalipas ang ilang buwan. . .

"MAXWELL..." nakangipikit at nangingiwi ko siyang inuga. "Maxwell!" pagsigaw ko kasabay nang paghilab ng aking tiyan.

Awtomatiko siyang napabalikwas ng bangon. Tumitig at tumango siya sa 'kin na para bang inaalam pa kung ano ang nangyayari.

"Manganganak na 'ko!" pagsigaw ko nang humilab muli ang tiyan ko na halos agawin ang lahat ng lakas na meron ako.

Panay ang pagtulo ng mga luha ko. Ilang araw nang humihilab ang tiyan ko pero sa sandaling ito ang pinakamatindi. Ubos na ubos ang lakas ko, hindi pa man ako nagsisimulang umiri.

"Maxwell!" muling pagsigaw ko nang makuha pa ng amaw na magsepilyo! "Pagdali diha, manganak na ko!" Pakiramdam ko ay sinakop na ng boses ko ang buong mansyon ng pamilyang Moon.

Kasunod no'n ay narinig ko na ang magkakasunod na yabag papalapit sa kwarto namin. Ngunit alinman sa mga yabag na 'yon ay walang bahid ng pagmamadali. Kaya naman lalo akong napasigaw nang muling humilab ang tiyan ko nang magsipagngitian pa ang pamilyang Moon sa akin. Napahiyaw na ako sa pagmamakaawa nang magsipagbatian pa nang magandang gabi sa akin ang mga ito!

Pastilan! "Manganganak na 'ko!" nakapikit kong sigaw.

"Natural lang 'yan kasi buntis ka, Yaz." Iyon ang walang habas na isinagot sa akin ni Maxpein.

Napapikit ako saka magkakasunod na bumuga ng hangin. Sa bawat maliit na pagmulat ko upang silipin siya ay gano'n na lang kalapad ang pagkakangiti niya habang naghuhugas ng kamay.

Naka-set na ang lahat sa master's bedroom. Kung ano-anong makina na ang naroon na gagamitin ko, kompleto ang kagamitan. Walang buwan o linggo akong hindi bumisita sa ibang bansa para sa check-up ko. Maliban na lang sa huling buwan, iyong doktor na ang bumibisita para tingnan ako.

Nasunod ang inaasahang petsa ng panganganak ko, ngayong araw 'yon ng September.

"Open the window," utos ni Maxpein na agad sinunod ni Maxrill.

Hirap na hirap man ay nilingon ko rin ang bintana. Madilim pa ang kalangitan at nasisiguro kong kasisimula lang lumalim ng gabi.

Gano'n na lang ang pagbuga ko ng hininga, magkakasunod at may ritmo, ayon sa itinuro sa 'kin ng mga doktor at ni Maxpein.

"The harvest moon," mahinang ani Maxpein, batid kong nakangiti siya. "The minimoon." Hindi ko maintindihan ang pinagsasasabi niya.

"Manganganak na 'ko, Maxpein!" muling sigaw ko, na sa sobrang hirap ay parang tuluyan nang naubos ang hininga ko.

Isinuot ni Maxwell ang gown kay Maxpein at saka nagsuot ng gloves at face mask sa sarili. Saka niya tinulungan ang kapatid na magsuot ng mga iyon.

Pero wala ni isa sa kanila ang nakinig sa 'kin. Sa halip ay mabilis na naghanda ng suwero si Maxwell at nagsalita lang nang magpaalam na ituturok na iyon sa akin.

Amaw! Hindi ko man lang maramdaman ang suwerong kinatatakutan ko. Naturingan akong nurse pero takot ako sa kahit anong injection.

"'Ayan na naman!" kumuyom ang palad ko sa bed sheet nang muling humilab ang tiyan ko!

Hindi ko na alam kung paanong pupwesto nang ayos sa pagkakahiga. Sa t'wing hihilab ay para bang lalabas na baby ko. Umaarko nang kusa ang katawan ko. Pero sa t'wing huhupa iyon ay napapaliyad ako sa kakaunting ginhawang nararamdaman. Pero hindi pa man ako nakakabawi ng lakas ay muli na naman iyong hihilab para ubusin ang lakas ko.

"Maxpein!" sigaw ko.

"'Eto na," aniyang naupo na sa ilalim ko. "Ooh..." iyon ang reaksyon niya nang tiningnan ang pagitan ko. "Hello there, moon baby,"nakangisi pang aniya!

"Coffee, hyung?" bigla ay alok ni Maxrill, gusto kong maiyak sa panlulumo.

"Hmm, thanks," kaswal na tugon ng amawkong asawa.

"Humanda ka talaga sa 'kin kapag nakapanganak ako, Maxwell Laurent del Valle!"nakapikit na gilalas ko.

'Ayun agad ang gulat at pagtataka sa mukha niya nang tumunghay sa 'kin. "Baby, what did I do?" Inosenteng-inosente ang kigwa!

"Kape ka pa, ha? Seriously?"

"That'll wake me up."

"You're not sleeping!"

"Not that I'm sleeping but because I am sleepy."

"Giatay, manganganak na nga ako!"

"Yeah, we're going to deliver our baby. Relax, baby."

"Paano ako makaka-relaxmasakit!" mas malakas na ang pagsigaw ko.

"Take a deep breath," utos ni Maxpein. "Then, buga." Sinunod ko siya. "Great, now do it again." Muli ko siyang sinunod. "Again..."paulit-ulit niya iyong ipinagawa.

"Coffee, everyone," alok ni Maxrill nang makabalik.

Halos bumagsak ang likuran ko sa kama nang lumapit si Maxrill sa parehong kapatid at palaghukin ng kape ang mga ito sa iisang tasa. Mga amaw talaga, hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa kanila sa sobrang pagkapika.

"I wonder where can I get pan de sal at this time," umiral ang katakawan ni Maxrill sa sandaling iyon, sa oras na iyon mismo! Kung kailan manganganak ako. "Is Nenita awake?"patungkol pa nito sa natutulog nang katulong.

"It's past midnight, Maxrill, calm your tummy," asik ni Maxwell. "My wife is crowning."

"Hmm," nakangiwi akong sinulyapan ni Maxrill. "Does it hurt?" inosente niya pang tanong.

Napamura ako nang akma siyang pupunta sa pwesto ni Maxpein at animong makikinood!

Gusto kong magwala sa sandaling iyon pero kulang na kulang ako sa lakas. Hindi ko maaaring bawasan ang lakas ko dahil mas kailangan ngayon 'yon ng aking anak. Talagang hindi na ako masasanay sa pamilyang ito. Nagkamali ako nang isipin kong tanggap ko na ang lahat ng ugali nila pero 'ayun at pikang-pika ako.

"Stay with mom, Maxrill. Don't watch," asik ni Maxwell.

"Dude, I'm curious." Akma na namang sisilip si Maxrill.

"The fuck! I don't need your curiousity, thanks for your coffee! Now get out," asik uli ni Maxwell, ngumisi si Maxrill. "Jigeum!"

"Ang ingay," kunot-noong sinulyapan ni Maxpein ang dalawa na parehong kumalma. "Kkeojo." Isinenyas niyang umalis si Maxrill.

Ngumuso ang bunso at pabuntong-hiningang lumabas ng kwarto. Patuloy ako sa paghugot at pagbuga sa hininga. Hinawakan ni Maxwell ang kamay ko, mahigpit akong kumapit doon.

"You ready?" sinulyapan ako ni Maxpein na para bang hindi pagpapaanak ang gagawin niya sa 'kin. "Are you ready?" tanong niya pa nang hindi ako makasagot. "Are you"

"Yes!" sigaw ko nang matahimik siya. Ugaling-ugali pa rin niyang magpaulit-ulit!

"Cool," ani Maxpein. "Now, iri." I can't believe her. "Iri pa. Yes, go ahead."

Sinabi niya iyon nang kalmado. Habang ako ay gano'n na lang kalalim ang paghugot ng hininga para lang makairi nang tama, nang magkakasunod. Kahit ano palang turo ng doktor do'n, iba pa rin kapag nangyayari nang talaga.

"That's it, Yaz. You're doing great, do it again. Iri." Pinaulit-ulit ni Maxpein ang ganoon sa akin. "I can see your baby now, please do it again." Doon pa lang yata siya kumilos.

Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa pinakainiingat-ingatan naming kamay ni Maxwell. Hindi na ako magugulat kung may mabali akong buto sa mga iyon.

"Aahh!" hindi ko na napigilang sumigaw nang maghalo ang hirap at panghihina.

"I don't need you to scream, Yaz. Ang gusto ko ay umiri ka. Do it again," kalmado pa ring pakiusap ni Maxpein.

"You can do this, baby," bulong ni Maxwell. "You're so beautiful," hinalikan niya ang sentido ko.

"Do it again, Yaz," ani Maxpein. "On three..."aniyang nakatingin nang deretso sa akin, itinuturo ang tamang paghugot ng hininga habang tumatango.

Sumunod ako nang tumatango rin, hindi na maipinta ang mukha. Humuhugot saka bubuga ng hininga. Nang humilab muli ang aking tiyan ay agad ko iyong sinundan nang makapigil-hiningang pag-iri.

"Baby's out," ani Maxpein. Nagugulat man ay tumulo ang aking luha. "Do it again..."

"What?" sabay naming tugon ni Maxwell.

"Just do it again!" ani Maxpein na ang paningin ay naroon lang. "Yeogiwa," senyas niya kay Maxwell.

Lumapit si Maxwell at gano'n na lang ang gulat sa kaniyang mukha nang ipasa ni Maxpein ang sanggol na nagugulat niyang kinuha. Nakita ko nang pangiliran siya ng luha, saka lang ngumiti nang tumingin sa 'kin.

"Please do it again, baby," aniya na inilapag sandali sa dibdib ko.

Napamaang ako at maluha-luhang tumingin sa baby...na naunang lumabas. Pero hindi ko magawang hawakan siya ngayon dahil nagtatalo ang panghihina, takot at pag-aalala sa akin.

"One more time, Yaz. You can do it," naroon ang tiwala ni Maxpein.

"I can't do...it anymore..." nanghihina ko nang sinabi.

"You can do it, baby, please..." ani Maxwell.

"Breathe...now do it," ani Maxpein.

Humugot ako nang malalim na hininga at kasabay ng pagbuga ay pag-iri. Pero gano'n na lang kabilis no'ng inubos ang lakas ko dahilan para maibagsak ko ang sarili sa kama.

"Do it again," nagsisimula nang maging istrikto ang tinig ni Maxpein.

"Please give me a break"

"No," agad na pigil ni Maxpein. "Do it again."Muli akong sumubok. "Again!" animong nagmamadaling aniya na mabilis kong sinunod.

Wala na akong masabi. Sa halip na makipagtalo ay ginawa ko nang ginawa ang mga sinabi nina Maxpein at Maxwell. Kung gaano katagal nilang sinunod ang gusto ko, gano'n kadali para sa kanilang napasunod ako. Kung gaano katagal nila akong pinaghintay, gano'n kabilis nila akong napaanak. Walang katulad ang hirap, sakit, pagod at ngalay sa sandaling iyon. Hindi lang lakas ang naubos sa 'kin dahil matapos kong mailabas ang bata ay nawalan ako ng malay.

Ang iyak ng baby rin ang gumising sa akin. Papaliwanag na at gano'n na lang ang pagtulo ng aking luha nang makita ang mga itong bitbit ni Maxwell.

"Twins?" hindi makapaniwalang tanong ko, magkakasunod na tumulo ang aking mga luha.

Emosyonal ding tumango si Maxwell. "Twins."

Inilapit niya ang mga sanggol sa akin at hindi ko malaman kung kanino agad titingin. Nanginginig kong iniangat ang kamay ko at hinaplos ang mukha ng isa saka hinaplos ang isa pa.

Nakatitig na sa 'kin si Maxwell nang mag-angat ako ng tingin sa kaniya. "They're beautiful,"lumuluha kong sinabi.

"I love you," naluha niyang sagot saka idinikit ang noo sa akin bago ako ginawaran ng halik.

Magkakasunod na pumasok sa kwarto ang mga Moon. Tinulungan akong maupo ni Maxpein. Saka pa lang maingat na naibigay ni Maxwell ang isa sa mga sanggol sa akin.

Magkakasunod na namang tumulo ang mga luha ko habang pinagmamasdan ang hawak ko. Natigilan lang ako nang makitang asul ang suot niyon. Aligaga kong nilingon si Maxwell at nakitang pink naman ang suot ng kaniyang bitbit.

Umawang ang aking labi kasabay nang magkakasunod pa ring patak ng luha. Nakangiti siyang tumango. Maingat siyang naupo sa tabi ko at saka hinawi ang infant robe ng dalawa.

"Maximillian Laurentius," ani Maxwell na muling nakapagpaluha sa akin habang tumatawa.

Umiiyak kong hinalikan sa pisngi si Maximillian at saka iginala sa kabuuan ng mukha nito ang aking paningin.

Napalingon lang ako kay Maxwell nang ang kaniyang bitbit na ang balingan. "Maximilienne Laureen."

"Oh, my God..." hindi makapaniwalang bulong ko.

Sa kawalan ng masasabi at mahihiling pa ay nilingon ko si Maxwell. At bago pa man ako makapagsalita ay siniil niya ako ng halik. Naramdaman ko doon, hindi lang ang pagmamahal niya, maging ang pasasalamat na isinilang ko sa mundo ang aming mga anak.

"May kambal sa lahi ninyo?" tanong ni Maxpein nang asikasuhin niya ako nang tanghali ring iyon. Tinulungan niya akong maglinis ng katawan.

Umiling ako. "Wala. Kaya nga hindi pa rin ako makapaniwala."

"Sa pagkakaalam ko ay wala rin sa 'min,"ngiti ni Maxpein. "Kina Deib Lohr, meron."

Tinulungan niya akong maupo sa wheelchair at saka ibinalik sa kwarto. Napangiti ako nang madatnan pa rin si Maxwell sa infant crib. Paulit-ulit niyang inaayos ang lamp ng mga ito na para bang nagugulo naman iyon.

"Nagpabili agad siya ng crib at warmer nang malamang kambal," natatawang bulong ni Maxpein. "Hindi alam ni Maxrill kung saan tatakbo. Alas siete pa lang kanina, wala pang bukas na mall."

Natawa ako. "Saan siya nakakuha?"

"Thanks to Randall and Bentley," ngiwi niya.

"Hindi namin inaasahang pareho ni Maxwell ito, Pein," hindi pa rin makapaniwalang sabi ko. "Hindi nabanggit ng mga doktor."

Nagkibit-balikat si Maxpein. "Kasi iyong lagay lang naman ng baby ang inaalam ninyo. Maski ang ultrasounds at laboratory results ay hindi ninyo tinitingnan."

Natawa ako. "Hindi ko akalaing nagkasya silang dalawa sa tiyan ko."

"Ako nga rin," natawa siya. "Mukhang matangkad pareho."

"Mukhang pareho ring maganda at gwapo, what do you think?" excited na tanong ko.

"Feeling ko," nakangiwing nag-isip si Maxpein saka lumingon sa 'kin. Excited akong nakinig. "Feeling ko maarte pareho."

Sumama ang mukha ko saka natatawang nagtaas ng kilay. "That is so fetch. Mas aarte pa 'yan paglaki," maarte ko ring sinabi, nagmamalaki.

"Tss." Itinulak niya muli ang wheelchair papalapit kay Maxwell. "Ano, sino kamukha?"

"Ako," agad na sagot ni Maxwell. Sumulyap sa 'kin. "You hungry?"

"I'm still full," sabi ko na gustong silipin ang mga baby pero masyadong mataas ang crib nila. "I want to see them, baby."

Nahirapan man ay ginawan ng paraan ni Maxwell para makita ko ang twins namin. 'Ayun na naman ang pag-uunahan ng mga luha ko habang tinititigan sila.

Napangiti ako sa tila iilang piraso nilang mga kilay. Namumula ang parehong gilid ng nakapikit na mga mata at makakapal na pilik-mata. Sa ganoong oras pa lang ang inilalagi nila sa mundo, nakikita ko na ang tangos ng kanilang ilong. Hindi na kwestyonable ang magaganda at mamula-mula nilang kutis. Pero isang bagay talaga ang napansin ko bukod sa iisa ang kanilang mukha, pakiramdam ko ay parehong si Maxwell ang kamukha.

Nangingiti kong nilingon si Maxwell. "They look like you."

"Yeah, I think so too," hindi na maalis ang tingin niya sa kambal. "This makes me want to stay at home forever."

"What about your work."

"What work?" natatawa niyang tugon saka tinusok ang pisngi ni Maximilienne.

"You're doctor," pagsakay ko sa kaniyang biro.

"What's that?" natatawa muli niyang tugon. "My friends are there, they can take care of my hospital."

Napangiti akong tumitig sa kaniya. Hindi ako makapaniwalang ang pinakamamahal na trabaho at propesyon ni Maxwell ay sandali niyang tatalikuran. Kung imposible ang makatuluyan siya ay higit nang imposible iyon.

"I love you," muling nasabi ko.

Nilingon niya ako at ginawaran ng halik sa labi. "I love you, too."

"Tss," natawa kami nang maalalang naroon pa si Maxpein. "Breastfeed lang ang maisa-suggest ko," aniyang lumapit sa pinto. "Call me if you need anything."

"Thank you, dongsaeng," emosyonal na ani Maxwell.

Nakangiting tumango si Maxpein. "Anything for you, hyung, Yaz," nilingon niya ako saka tuluyang isinara ang pinto.

Natawa ako. "Hindi ba't lalaki dapat ang tumawag no'n sa 'yo?"

Ngumiwi si Maxwell. "Doon na siya nasanay, sa hyung. Ayaw niya ng oppa, maarte raw."

"So, kapag lumaki ang kambal, oppa ang itatawag ni Maximilienne kay Maximillian?"bigla ay natawa ako. "Their names are so maarte, I like it so much."

"Me, too."

"Maybe because we're both maarte?"

"I think so, too," tumawa si Maxwell na muling hinalikan ang pisngi ko at ibinalik agad ang paningin sa kambal. "They're so beautiful."

"Just like you."

"You mean, like you?" nilingon niya ako at tiningnan ang bawat parte ng mukha ko. "You're the most beautiful girl I've ever seen. Thank you, Yaz."

Ngumiti ako. "You're welcome, baby..." ako naman ang lumapit upang halikan siya sa labi.

Halik na dapat ay dampi lang pero agad niyang pinalalim. Na sa sobrang lalim ay pareho nang nag-iiba ang pakiramdam namin. Gano'n na lang ang pagkagat niya sa sariling labi nang pakawalan ako at titigan nang mataman.

"Hmm."

"What?" nakataas ang kilay kong tugon.

Tumindi ang pagkakangisi niya. "Hmm."

"Hmm," ginaya ko siya, nang-aasar. "Ang mga rango."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "What about them?"

"Don't forget the rangos."

"Tsh." Sabay kaming natawa sa huli.

Nakangiti muli naming tinunghayan ang kambal. "Maximillian Laurentius..." bulong ko. "Maximilienne Laureen..." parang maiiyak na naman ako. "Akala ko ay pangalan na ng daddy ninyo ang pinakamagandang pangalan na narinig ko. Hindi na gano'n ngayon."

Humalakhak si Maxwell. Pero sa unang pagkakataon ay mukhang magpaparaya siya. Gayong alam na alam niyang lahat kami ay gandang-ganda sa pangalan niya.

"Pero pangalan ninyo na ang pinakamagandang pangalan sa pandinig ko ngayon," dagdag ko. "Hindi ako magsasawang tawagin kayo nang paulit-ulit. Kahit buong pangalan pa."

"Me, too," ani Maxwell. "Maximillian Laurentius, Maximilienne Laureen," mas maarte ang pagkakabanggit niya sa mga iyon kaysa sa 'kin.

Minsan ko pang tinitigan ang kambal. Saka ako emosyonal na tumingin kay Maxwell. Ang saya ko ay hindi ko na matimbang at mapangalanan pero mukhang nahigitan pa iyon ni Maxwell.

Ang saya ay hindi lang sa labi at mga mata niya makikita. Ang lahat sa kaniya ay nagpapakita ng patunay kung gaano siya kasaya, hindi lang sa sandaling iyon, kung hindi sa mga sumunod pang araw.

Akala ko ay kasal na ang makapagpapasaya sa isang babae. Nagkamali ako. Totoong masaya ako nang ikasal kami nang dalawang beses. Pero nahigitan iyon nang dumating ang kambal sa amin.

Sa bawat araw, linggo at buwan na dumaraang kasama namin ang kambal at iba pang myembro ng aming pamilya. Doon ko napatutunayan, hindi lang ang ibig sabihin, kung hindi maging ang tunay na halaga ng saya. Na hindi iyon iyong parati kayong tumatawa. Hindi iyon 'yong wala kayong hinaharap na problema. Hindi iyon 'yong hindi kayo nag-aaway o nagtatalo.

Kundi, 'yon 'yong pipiliin ninyong tumawa kahit pa may dahilan para malungkot. Iyon 'yong humarap sa problema nang magkakasama, hindi mag-isa. 'Yon 'yong pagpili na umintindi kaysa makipagtalo o makipag-away.

Iyon 'yong handa kang punuan ang kakulangan ng isa nang hindi binibilang ang mga nagagawa niya. Iyon 'yong paniniwala na babalik siya kahit ilang araw pang mawala sa paningin mo. Iyon 'yong pagiging kontento sa mga natatanggap, humiling ka man o hindi. Iyon 'yong pagsasabi nang totoo kahit pa anong takot mo. Iyon 'yong pagbibigay nang walang kinakailangang kapalit. Iyon ang tunay na kasiyahan.

At nasisiguro kong hindi lang iyon ang maidadahilan ko, marami pa. Dahil sa dami nang nangyayari, perpekto man o hindi, masaya ako at kontento sa kung ano ang meron ako ngayon. Hindi ko iyon ipagpapalit sa kahit ano sa mundong ito.

Nagpapasalamat ako sa sakit. Nagpapasalamat ako sa lungkot. Nagpapasalamat ako sa pagkakamali. Nagpapasalamat ako sa pagmamahal muli. Nagpapasalamat ako sa lalaking ito na nakapagpabago sa buhay ko, anomang ganda ko. Nagpapasalamat ako sa pamilya niyang paulit-ulit akong niyayakap. Nagpapasalamat ako sa pamilya ko na hindi ako iniiwan, ilang beses man akong tumakbo papalayo. Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan na higit pa roon ang itinuring sa akin. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nagbigay ng buhay sa akin. Nagpapasalamat ako sa kambal ko na siyang nagbigay ng dahilan para maging maganda ang lahat ng ito.

Wala na akong mahihiling pa. Dahil ang saya na nararamdaman ko ngayon ay walang limitasyon.

Continue to Epilogue. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji