CHAPTER 62

CHAPTER 62

"BABY..."

NAKANGUSO akong lumapit kay Maxwell na kasalukuyang nahihirapan magluto ng paella. Alas dos na nang madaling araw pero talagang gusto kong kumain no'n. Ngayon pa lang ay nasisiguro ko nang hindi ako makakatulog nang hindi kumakain ng paella.

"Hmm?" tugon niya na halatang pilit na lang nagpapasensya. Kompleto ang rekados pero ang kaalaman sa pagluluto ng paella ang wala siyang ideya.

"Ayaw mo na ba sa 'kin?" nakanguso kong tanong.

Nagugulat niya akong nilingon. "What? No..."

"Ayaw mo na?" nagugulat ko ring tugon.

"No, I mean, gusto..." pilit niyang pinahinahon ang sarili. "Just give me a few more minutes, okay?"

"You cannot cook paella in a few minutes, Maxwell."

"I mean give me a few minutes to figure out how to cook that thing."

"It's not a thing," inis kong sabi.

"Yeah, of course, it is paella."

Ngumiti ako kahit narinig ko siyang bumuntong-hininga. "I love you."

Kinuha niya ang malaking kutsilyo saka nakangiting ginayat ang chorizo. "I love you."

Lumapit ako at yumakap sa kaniyang likuran. "Parang ang sarap ng chorizo..."

"Hmm."

"Parang gusto ko na rin ng sinangag..."

Nagugulat siyang nahinto saka ako nilingon. "What?"

Tumango ako. "Gusto ko rin no'n, Maxwell. Masarap ang sinangag kung merong chorizo."

Napamaang siya sa 'kin saka malalim na bumuntong-hininga. "Okay, baby," mahina niyang tugon, walang magawa, walang magagawa.

Nakangiti akong naupo sa high chair at saka pinanood siya. Nakapangalumbaba at pinasasayaw ang parehong paa. Noong una ay nalilibang pa ako, paano kasi ay ang paborito kong likuran niya ang aking natatanaw. Nangingiti ako sa bawat galaw niyon, kunyari ko pang hinahaplos. Pero nang dumaan ang mahabang sandali nang panonood ay naiyuko ko ang aking ulo sa kitchen island table at nakatulog. Namalayan ko na lang 'yon nang marinig ko ang kaniyang bulong.

"Baby, wake up..." hindi ko alam kung ilang beses niya nang ipinakiusap 'yon. "Baby..."

"Oo, alam ko!" inis kong tugon.

Nagugulat niyang mukha ang namulatan ko. "Why are you mad?"

"Because you woke me up," simangot ko.

"The food is ready," pabuntong-hininga niyang sabi saka isinenyas ang long table.

Namangha ako sa ganda ng preparation. Nangingiti ko siyang nilingon saka ako patili na bumaba sa high chair.

"Zaimin Yaz!" asik niya sa ikinilos ko. "I asked you to be careful."

"I am fine," sabi ko na sinundot ng daliri ang paella saka tinikman ang hintuturo. "OMG! This is so fetch, Maxwell!"

Umiiling siyang bumuntong-hininga saka hinila ang chair para sa akin. Naroon sa pagkain ang aking paningin nang maupo. Kumuha ako ng plate at wala sa sariling pinunasan iyon at inilapag sa harap niya.

Nagugulat niya akong sinulyapan. "I'm not hungry."

"Eat with me," sabi ko saka siya ipinagsandok.

Natatakam akong nagsalin sa sarili kong plate at saka tinikman iyon. Nakapikit, namimilog ang bibig kong nilasahan ang kaniyang luto.

"You are so perfect!" halos maitili ko iyon matapos manuot ang lasa ng paella at sinangag sa aking bibig.

"I am Maxwell Laurent del Valle," walang bahid ng pagyayabang niyang sinabi bagaman ganoon ang dating. Kahit hindi niya tukuyin alam kong ang kakayahan niya sa maraming bagay ang ibig niyang sabihin.

Palihim akong ngumiwi. Whatever! "Tikman mo rin!"

"I'm not hungry."

Awtomatikong sumama ang mukha ko. "I said, taste it."

Napabuntong-hininga siya. "Baby, I'm sleepy."

"Maxwell?"

"Okay, I will..." nanlulumo niyang kinuha ang spoon at sumandok saka iyon tinikman.

Nakangiti ko namang pinanabikan ang matinding reaksyon niya na nasisiguro kong hindi nalalayo sa akin. Ngunit hindi iyon nangyari. Kaswal lang siyang ngumuya at inosente pang sumulyap sa akin nang mapansin akong nakatingin.

"What?" aniya pa.

"What?" inis kong tugon.

"What are you looking at?"

Pinandilatan ko siya. "Hindi ka man lang nasarapan?"

"I told you, I'm sleepy."

"You're supposed to react the same way I did!"

Napamaang siya. "But..."

"Taste it again." Hindi na ako nakahintay, ipinagsandok ko siya at sinubuan. "What? Tell me it's masarap."

"Yeah, it is masarap."

"Your reaction is different from mine!"

"How should I react, then?"

Lalong sumama ang mukha ko. Inis akong sumandok at bigay na bigay na isinubo ang laman ng aking spoon. Nakita ko siyang mangunot ang noo at wala sa sariling sinabayan ang mga galaw ng aking ulo habang nakakunot ang noo. Maging ang pagdila niya sa sariling labi ay nakita ko sa bahagyang pagkakapikit ko.

"This is so fetch!" palahaw ko.

"You're expecting me to do that?" aniyang nakaturo sa akin, parang hindi makapaniwala.

"Why not?"

"I am not gonna do that," iling niya saka nagpatuloy sa pagkain. "And I'm not going to say that word. Sounds so maarte."

Tumamlay ang mukha ko saka inilapag ang spoon. "I don't want this anymore."

Nagugulat siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. Ngumuso ako. "No way."

Umiling ako. "I don't want to eat anymore."

"Baby..."

"I don't wanna hear that word too."

"Oh, c'mon," napasandal siya.

"I don't want you anymore."

"Seriously?" nakuha niya pang tumawa.

"You're so mean, Maxwell."

Umawang ang labi niya. "What did I do?"nawawalan na ng pag-asawang bulong niya. Hindi ako nagsalita. "Let's finish everything and sleep, okay?"

"No."

"Yaz..."

Sumimangot ako at magdadabog na sana nang may marinig kaming yabag na papalapit na sa kinaroroonan namin. Hindi na ako nagulat nang makita ko si Maxrill na ganoon na lang kaganda ang ngiti.

"Hello, dongsaeng," gano'n na lang din kaganda ang pagbati ni Maxwell. Nakikini-kinita ko na ang mangyayari, ipauubos niya sa kapatid ang pagkain!

Ipinatong ni Maxrill ang parehong kamay sa mesa saka tumunghay sa aking plato. Saka niya kamangha-manghang sinuyod ng tingin at pang-amoy ang nakahandang pagkain.

"Hmm," ani Maxrill.

"Hmm," sagot din ni Maxwell, nagkaintindihan na sa gano'n ang mga amaw.

Nagbaba ng tingin sa 'kin si Maxrill saka ngumisi. "Hello, pregnant."

"Psh," sinimangutan ko siya. "Kumain ka kung gusto mo, tutal naman ay ayaw ni Maxwell nito."

Hindi man lang nagpapilit si Maxrill, gumilid siya at naupo sa tabi ng kaniyang kapatid. Maiinis na ako nang magbago na naman ang aking mood. Unti-unti akong napangiti nang panoorin ko si Maxwell na ipaghanda ang kapatid. Siya rin mismo ang sumandok para rito. Maging ang spoon at fork ay inabot niya kay Maxrill saka niya ito pinanood na tikman ang kaniyang inihain.

"Hmm?" ungol ni Maxwell sa unang subo pa lang ni Maxrill.

Nakangiwing tumango-tango si Maxrill. "Hmm."

Muling kumunot ang aking noo saka naiinis na tiningnan ang magkapatid.

Mga amaw!

Maliwanag na nang matapos kami. Gusto kong humanga kay Maxrill nang magpresinta siya sa hugasin. Dahilan pa niya ay si Maxwell na ang nagluto at ako naman ay buntis.

Sabay kaming nagsepilyo ni Maxwell sa bathroom, panay ang ngisi ko sa kaniya habang naroon kami sa sink.

"What?" aniyang may bumubula pa ang bibig.

"I want sinigang tomorrow."

"Baby don't eat too much."

Ngumuso ako bagaman ang toothbrush ay nasa bibig. "Why?"

Tinapos ni Maxwell ang ginagawa saka humarap sa 'kin. Gusto kong maasar kasi halatang puyat siya at antok na antok pero walang nagbago sa kaniyang dating. Katulad pa rin iyon noong unang sandali na dumapo sa kaniya ang aking paningin. Kung paano kong hinangaan ang bawat parte ng kaniyang mukha, gano'n pa rin lahat.

"Baka mahalata ang tummy mo, that's bawal,"nakikiusap ang tinig ni Maxwell.

"Why?" hindi pa rin ako tapos sa pagsesepilyo.

"Hindi natin sasabihin sa Empery, remember?"

"Why?"

"Because it's bawal. You know it's bawal, right?"

Bumuntong-hininga ako. "Okay." Saka ako yumuko sa sink upang tapusin ang ginagawa.

Kinuha niya ang kamay ko saka inakay pabalik sa kama. Pinauna niya akong mahiga saka siya tumabi at yumakap sa akin. Nauna rin siyang pumikit bagaman lalo pang isinisiksik ang kaniyang sarili.

"Baby, I want to touch your boobs," nakapikit na ani Maxwell.

"Ano?" nagugulat, mataray na tugon ko.

"Please?"

"Ayoko, masakit!"

"Please..." aniyang kumikilos na ang galamay.

Pinalo ko siya sa kamay. "Matulog ka na nga, amaw!"

Nakita ko siyang ngumuso ngunit hindi na nagmulat pa. Ilang saglit lang ay nakatulog na siya habang ako ay panay pa rin ang pagngiti habang nakatitig sa kaniya.

Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na kami ng lalaking ito. Pakiramdam ko tuloy ay ngayon lang matutupad ang pangarap ko. Sa dami ng nakamit ko sa nakaraan, hindi no'n matumbasan ang saya ko ngayon. Feeling ko kompleto na ang lahat sa akin, wala nang kulang.

Saka ko marahang sinilip ang aking tiyan saka iyon hinaplos. Maximillian Laurentius... Napakaganda ng pangalan ng magiging anak namin. Kung paano kong kinakiligan ang pangalan na Maxwell Laurent noon, higit ang kilig ko sa ipapangalan namin sa aming anak.

Kinabukasan ay dumating ang pamilyang Enrile, Echavez Gozon at Gonza. Kompleto na sana kami kung hindi lang maagang umalis si Maxrill para asikasuhin ang kaniyang negosyo. Tuloy ay hindi ko siya magawang asarin kay Dainty na hanggang ngayon ay mukhang inosente pa rin.

Ang mga noon pa lang nakarating sa bahay namin ni Maxwell ay hindi matapos-tapos ang paghanga. Abalang-abala ako sa pagkukwento sa kanila kung paano akong nagulat at kung gaano kong nagustuhan ang bahay namin. Habang ang mapapang-asawa ko ay nakikipagpalakasan ng pagtawa kay Randall sa isang tabi. Hindi na ako magtataka kung pulos kalokohan na naman ang kanilang pinag-uusapan.

"Huwag mong masamain, hija, pero masasabi kong maswerte kang maging parte ng pamilyang Moon," hindi ko inaasahang sasabihin iyon ng chairman ng mga Enrile. Ngumiwi siya. "Sinabi ko rin ito sa apo kong si Deib Lohr noong siya ang ikinasal kay Maxpein. Ang swerteng iyon ay hindi dahil sa kanilang yaman, yabang o itsura," natawa ang chairman sa sariling biro.

Halatang mahina na ito pero hindi pa rin maitatago sa kulubot nang balat at puting buhok ang kagandahang lalaki. Napakabango pa rin nito at kagalang-galang tingnan sa lahat ng anggulo. Na bagaman madalang ko itong makita, makasama at lalo na ang makausap, natutuwa ako na hindi ako nakakalimutan ni Chairman Enrile.

"Sa lahat ng nakilala kong nagmula sa bansang iyon ng norte, sila lamang ang nakaintindi. Sila lamang ang yumakap sa lahat ng hindi ko maintindihang batas sa bansang iyon," malalim na patuloy pa ng chairman.

Gusto kong aminin sa kaniyang hindi ko siya masyadong naintindihan. Dahil kulang na kulang pa rin ang kaalaman ko sa bansang iyon sa kabila ng mga ikinuwento at itinuro ni Maxwell sa akin.

"Doon man ako nagkaisip sa norte ay hindi ako namalagi roon. Isa akong kahihiyan sa bansang iyon," dagdag pa niya. "Ako at ang aking pamilya ay pinaalis sa bansang iyon."

Napabuntong-hininga ako. Gusto kong tanungin kung bakit pero natatakot akong baka hindi rin 'yon pwede. Hangga't maaari ay sinisikap kong magsalita tungkol sa bansa nina Maxwell, sinuman ang kausap ko. Natatakot akong magkamali.

"Wala akong kakayahang gaya nila. Maging ang yaman at kapangyarihang kanilang taglay ay hindi ko man lang napantayan," ngiti pa ng chairman. "Sa kabila ng mga nangyari, heto at isang pamilya na kami."

Hindi ko inaasahang kukunin ng chairman ang aking kamay at tatapikin iyon. "Ikaw ang kauna-unahang babaeng ikakasal sa mga Del Valle, higit na sa isang Moon."

May kung anong masarap na pakiramdam at kilabot na dulot ang sinabi ng chairman. Hindi ko napigilang kiligin nang ngumiti.

"At ilang lalaki man ang ipanganak sa kanilang pamilya ay mananatili siyang maji ng kanilang lahi," patuloy pa niya na sinulyapan si Maxwell. "Kahit anong panghihinayang at inggit na maramdaman ko sa kanilang kakayahanna sana ay nakuha rin ng aking mga apo, hindi ko na maibabalik pa ang panahon. Maging ang buhay na nawala dahil sa pagsunod ko sa pansariling kagustuhan, wala na."

Mapait akong ngumiti sa kakulangan na naman ng pang-intindi. Parang hinaplos naman ang puso ko nang makita si Lolo Dei Min na hawakan ang kamay ng ama, at Tito Lohrton na minasahe ang magkabilang balikat ng chairman. Sa ganoong paraan ipinararating ng mga ito ang pang-intindi.

"May mga batas ang bansang iyon na napakahirap intindihin, higit na ang sundin. Hindi lamang ang puso't isip mo ang magtatalo, makikisali maging ang iyong kaluluwa, huwag lamang masunod ang mga ito."

Ngumiti ang chairman, lalong pinalilitaw ang gandang lalaki sa kabila ng edad. Hindi na lalo kataka-taka ang gandang lalaki ni Maxspaun, naghuhumiyaw ang pinagmulang lahi.

"Nababatid kong hindi lamang ako," sabi pa ng chairman. "Lahat ng taga-Emperyo ay labag sa kalooban ang mga batas na iyon. Wala ni isang ipinanganak doon ang hindi nagsisi, sigurado ako ro'n." Mapait siyang ngumiti. "Pero ako ang namumukod-tanging tumaliwas. Hindi ko iyon tinanggap at sa halip ay piniling takasan. Gamit ang inaakala kong totoong talino, tinahak ko ang buhay na gusto ko."

Tumingin sa akin ang chairman at mas mapait pang ngumiti. Maging ang pagkurap ng kaniyang mga mata ay mabagal na. Pinangingiliran ng luha ang kaniyang mga mata, panay rin ang pahid niya roon. Pero hindi ko na sigurado kung dulot pa ba iyon ng katandaan o talagang emosyonal siya sa sandaling ito.

"Nagawa, naranasan at nakuha ko nga ang lahat ng aking gusto sa nakaraan pero..." naging mapait lalo ang kaniyang ngiti. "Hindi ako kontento, Zaimin Yaz. Habang umeedad ako ay lalong tumitindi ang aking pag-aalala na maiwan ang aking pamilya."

Napatitig ako sa chairman at wala sa sariling nahawakan din ang isa pa niyang kamay. "Chairman..."

"Ang maiiwan kong pamilya ay walang kakayahan na tulad ng sa mga Moon. Kahit walang tauhan ay hindi matatakot ang mga iyan. Kahit nag-iisa ay kayang lumaban." Bumuntong-hininga ang chairman. "Kung sana ay pinili ko ring pagdaanan naming pare-pareho ang ensayo at proseso sa tamang paraan, baka hindi ganito ang aking nararamdaman."

Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Kung tutuusin ay sinabi lang naman iyon ng chairman base sa sarili niyang karanasan. Pero may kung ano sa akin na tila ba sinasabing hindi ko gugustuhing maramdaman 'yon. Na ayaw kong dumating ang sandali na ako naman ang magsasabi ng mga narinig ko ngayon. Ayaw kong magsisi pagdating ng panahon.

"Huwag mo akong gagayahin, hija," ngiti niya. "Masakit ang mahatulan ngunit higit na masakit ang magsisi bagaman pareho kang walang magagawa sa huli." Kinuha niya ang aking kamay at ito naman ang tinapik. "Kung nabubuhay lamang ang chairman at cheotjae ng pamilyang ito, matakot ka man sa kinabukasan ay hindi ka nila iiwan. Matatakot ka nang may kasama. Magagalit ka nang may kasama. Masasaktan ka nang may kasama. Hindi gaya ko noong ako ang naiwan, nagalit at nasaktan, parati akong mag-isa."

Naging mahaba ang araw na 'yon, isa sa pinakamarami kong nagawa mula nang makabalik kami sa Palawan. Kung sa mga nakaraang araw ay parati akong nabuburyo, totoong pinagod ako ng araw na 'yon sa dami ng kwentuhan at bisita. Pero alinman sa mga sinabi ni Chairman Enrile ay hindi nawala sa isip ko. Paulit-ulit ko iyong inalala hanggang sa dumating ang araw na pareho naming pinakahihintay ni Maxwell.

Hindi gaya ng kasal nina Deib Lohr at Maxpein, kakaunti lamang ang nakasama sa 'min. Bukod sa mga magulang ko ay si Zarnaih lang ang nasakama bukod kina Randall at Keziah. Gustuhin ko mang isama si Katley ay hindi ko na rin isinuhestyon, ako na mismo ang nagdesisyong 'wag na siyang isama. Ni hindi ko binanggit sa kaniya ang tungkol sa pagpunta namin sa norte. Sa halip ay sinabi ko sa kaniya ang petsa at plano naming magpakasal ni Maxwell sa Pilipinas.

"Are you okay?" nakangiting tanong ni Maxwell nang sandaling makatungtong kami sa kanilang lugar.

Napapamilyaran ko ang entrada ng Emperyo bagaman iba na naman ang kulay ng mga puno sa palibot niyon. Natatandaan kong panay pink iyon at mga dilaw noong unang punta ko. Halos green at brown ang nakikita ko ngayon, mangilan-ngilan lang ang naiibang kulay.

"Yeah," ngiti ko.

Ang totoo ay hindi ko maipaliwanag ang kaba, nangingibabaw 'yon kaysa excitement ko. But at the same time, sobra ring excited ko. Hindi ko maipaliwanag. Pakiramdam ko ay magbabakasyon lang kami kahit na ang totoo ay may mas malaking event kaya kami narito.

Kabado ako dahil bukod sa mga salita ay wala kaming ibang ginawang paghahanda. Paulit-ulit lang na ipinaalala sa akin ang mga bawal gawin at sabihin sa bansang iyon. Maging ang mga nangyari sa kasal nina Maxpein at Deib Lohr ay binalikan lang namin ang alaala sapagkat kaunti lamang daw ang mababago sa okasyong iyon sa gagawin namin ngayon. Walang rehearsal, walang fitting ng mga damit at lalong walang plano. Ni hindi ko alam ang itsura ng magiging singsing namin dahil maging iyon ay si Maxwell ang umasikaso. Tanging petsa lang ng kasal ang pinanghahawakan ko bukod sa kamay ni Maxwell na hindi nawala sa bewang ko.

Napahawak ako sa braso ni Maxwell nang sumalubong sa amin ang mga tao ng Emperyo. Hindi ako nabigo dahil awtomatikong hinawakan ni Maxwell ang kamay ko. Natatandaan kong halos ganoon din sila noong una kong punta, pawang mga seryoso pero ang ngiti ay makikita sa mga mata. Ngayon ay inggit ang nababasa ko sa kanila. Na dapat naman ay sanay na ako kasi marami talaga ang tumitingin nang may inggit sa akin sa Pilipinas pa lang. Ngayon ko lang napatunayang kahit nasaang bansa kami, napakaraming humahanga kay Maxwell.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga mata ng ilang kababaihan na sinuyod ang aking kabuuan. Gusto ko tuloy malaman kung ano ang naiisip nila ngayong nakita na nila ang mapapang-asawa ni Maxwell.

Magkakasabay na tumango at bumati sa hindi ko naintindihang salita ang mga tao nang tuluyan kaming makapasok lahat. Naroon sa unahan ang mga Moon, kabilang na ako, sa tabi ni Maxwell. Kasabay ng mga Moon ay nakitango rin ako pabalik. Matapos no'n ay muling nagsipagtanguhan ang mga ito kay Maxpein, kasunod ay kay Tito More. Napakaraming beses talaga nilang tumango, hindi nawawala iyon hangga't walang kumikilos o nagsasalita sa mga Moon. Hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa ganoon nilang kultura.

Sa araw rin na iyon ang kasal. Hindi kami pwedeng magtagal dahil bukas na bukas din ay babalik kami sa Pilipinas.

"Lahat sila ay nagagandahan sa 'yo," bulong ni Maxwell na sinadya pa yatang idikit ang labi sa aking tainga. Nakiliti ako.

"Natural lang 'yon," pabulong kong sagot, iyong kami lang ang makaririnig.

"I'll see you later," ngiti ni Maxwell nang makatuloy kami sa kanilang bahay. Ang magandang ngiti niya ay binubura ang lahat ng kaba sa dibdib ko.

"See you later," sabi ko.

Lumapit siya at hinalikan ang aking sentido. "Hmm," bulong niya.

Napasimangot ako. "What?"

Lalo siyang ngumiti. "I love you," aniya saka ginulo ang buhok ko. "Go ahead," isinenyas niya si Tita Maze at Maxpein.

Habol ko siya ng tingin habang papalapit ako sa dalawa. Napangiti ako nang kindatan niya ako, may kung anong kiliti iyon na idinulot sa 'kin dahil sa dating niya. Nakatayo lang naman siya habang nakapasok sa bulsa ang isang kamay. Hindi ko alam bakit gano'n na lang ang aking paghanga.

Napamaang ako nang makita ang hanbok na nakasuot sa manekin na gawa sa kahoy. Mahaba at may kakapalan ang patpat na nagsilbing kamay niyon. Dahilan para makita ko ang bawat detalye mula sa kwelyo hanggang sa manggas. Maging ang lahat ng burda sa mismong palda ay hindi nakaligtas sa paningin ko. Kamangha-manghang gano'n na lang kaelegante ang dating ng pink na hanbok. Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakasusyal na damit na nakita ko.

Nasa apat o lima lang ang bilang ng kulay niyon pero lahat ay naglalaro lang mula sa puti hanggang sa pinakamatingkad na pastel pink. Walang naiibang kulay maliban sa puti, lahat ay pink na mapusyaw na pink, katamtamang pusyaw na pink, pink at matingkad na pink. Maging ang sapatos at kung ano-anong palamuting isasabit sa damit at buhok ay naglalaro lang din doon ang kulay. Hindi kapani-paniwalang hanggang sa mga lahas ay halos nagkulay pink din!

"I'm gonna wear all of these?" hindi makapaniwalang bulong ko habang iniikutan ang hanbok.

Nakangiting tumango si tita. "Maxwell designed everything for you."

"Wow..." talagang napamaang ako. Kailan niya plinano 'to? Nabuhay na naman ang paghanga ko. Pakiramdam ko ay wala akong kaalam-alam.

Magkatulong akong binihisan nina Maxpein at Tita Maze. Mayamaya lang ay tumuloy si Tita Heurt bitbit ang nasisiguro kong sombrero. Hindi ko naiwasang matawa nang makitang pink din iyon mula sa palamuti hanggang sa burda.

"I'm covered with pink," sabi ko kay Maxpein.

Ngumisi siya. "Gano'n ka kaarte."

Natatawa man ay ngumiwi ako. "Ayaw mo sa maarte, huh?"

"Mm," nakangiwi pa rin siya nang umiling. "Not really, if it's you or Zarnaih."

"Nakaka-touch."

"Besides, maarte rin si Maxwell. Ipinanganak siyang ganoon. Sanay na ako kahit papaano."

"Tama ka diyan," natatawa kong sagot.

Hindi ko akalaing titingnan ako nang may paghanga ni Maxpein matapos nilang pagpaguran ang pagsusuot ng hanbok sa akin. Kung hindi lang malamig ngayon ay nasisiguro kong pagpapawisan kaming pare-pareho.

"You're so beautiful, Yaz," ngiti ni Maxpein.

Pinalo ko ang braso niya. "Hindi ka pa nasanay."

"You're extra beautiful today."

"Dahil ikakasal ako."

Lalo siyang ngumiti. "I'm happy for you."

"Thank you, Maxpein," iyon pa lang ay naluluha na ako.

"Thank you," mariing aniya na para bang ibinabalik ang pasasalamat ko. "Nagdala ka ng panibagong kulay sa pamilya namin."

Tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ko. Pero hindi ko na nakuhang magsalita. Niyakap ko na lang siya dahil ang totoo ay siya, sila ang nagbigay ng panibagong kulay sa buhay ko.

Nang masaktan ako ay paulit-ulit kong hiniling na mawala na lang ang sakit. Na mamanhid na lang sana ako sa lahat ng pakiramdam. Ni minsan ay hindi ko hiniling na magkaroon ng panibagong pag-ibig. Lalong hindi ko hiniling ang pagmamahal na natatanggap ko. Dahil ito ang naging kapalit, hindi ko pinagsisisihang naranasan ko ang lahat ng sakit. Paulit-ulit kong pipiliing gawin ang lahat ng kamalian ko sa nakaraan kung sa huli ay si Maxwell ang aking makakatuluyan.

Sa daan habang papunta kami sa lugar kung saan dinaraos ang kasal ay paulit-ulit na namuo ang mga luha ko. Patuloy rin iyong tumulo na magkakasunod kong pinupunasan. Iyon lang talaga ang advantage ng aking itsura, may makeup man o wala, naroon lang ang natural kong ganda.

Napakapit ako sa kamay ni Maxpein nang marating namin ang Kaechon kung tawagin nila. Para iyong isang maliit pero malaking isla, hindi ko maipaliwanag. Pabilog iyon kung makikita mula sa 'taas, itinuro sa akin ni Maxwell kanina lang. Pahaba naman iyon ngayon habang papalapit at nakatapak kami sa lupa. Napalilibutan iyon nang napakaraming puno dahilan para hindi makita ang parlyamento. Maliban na lang kung nasa himpapawid, makikita ang lahat doon maging ang mahabang daan sa gitna ng karagatan. Sobrang ganda niyong tingnan bagaman Emperyo pa rin ang pinakamaganda para sa 'kin.

"Tinatawag namin ang lugar na ito na palasyo ng parlyamento," ngiti ni Maxpein.

Nakangiti akong tumango. "Natatandaan kong dito rin kayo ikinasal."

"Dito ikinakasal ang lahat," ngiti niya.

"Papasok na tayo?"

"Kailangan nating hintayin ang hudyat."

Tango na lang ang isinagot ko saka sinuyod ng tingin ang tinawag niyang palasyo ng parlyamento. Napakaganda no'n sa paningin ko. Kahit na ang totoo ay hindi naman iyon nalalayo sa ibang parlyamento ng iba't ibang bansa. Siguro ay mas naging maganda lang iyon sa paningin ko dahil sa bansa na ito. May kung ano sa lugar na ito na may matinding misteryo na hindi lang takot ang idinudulot kundi kilabot na masarap sa pakiramdam. Kilabot na nagdudulot ng iba't ibang klase ng paghanga. Kilabot na bumubuhay sa interes oras na makatapak ka saan mang parte ng bansa. Kilabot na nagbibigay ng dahilan para mahalin mo ito sa kabila nang maraming dahilan para katakutan.

Sa labas niyon ay may apat na lalaking nakasuot ng uniporme na hindi nalalayo sa mga rango ng Emperyo, berde lang ang sa mga iyon. Para silang mga sundalo na deretso ang tayo at nakatingin sa malayo. Sa halip na baril ay pana at espada ang nakasabit sa katawan. Ang dalawa ay bantay sa pintuan. Ang isa pa ay nasa kaliwa at may hawak na malaking trumpeta. Habang ang ikaapat ay naroon sa kaliwa, sa tabi nang malaking gong.

Tumayo lang kami sa harap nang malaki, bagaman iisa lang yatang palapag kung titingnan sa labas, mahaba at kulay puti na gusali. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang flats at hindi maipaliwanag na sapatos. Pero dahil sa bigat ng hanbok nangangalay na agad ako. Mabuti na lang at malamig ang panahon, hindi ako naiinitan.

"Ganito ang kultura namin," ngiti ni Tita Maze mayamaya, hindi ko inaasahan. Lalo siyang ngumiti nang lumingon sa 'kin. "Ikakasal naman kayo sa Pilipinas kaya masusunod ang lahat ng pangarap mo sa kasal. Lahat 'yon ay ibibigay ni Maxwell sa 'yo."

"Hindi naman ako naghahangad nang sobrang ganda, tita," nahihiya kong ngiti. Kahit na ang totoo ay napakasarap sa pakiramdam nang sinabi niya. "Okay na ako sa ako lang 'yong maganda." Sabay-sabay kaming natawa.

"Tss. Sa arte mong iyan, hindi mo alam ang salitang simple," segunda ni Maxpein.

Sumimangot ako. "Alam mo, mula nang mahalin ako ni Maxwell, nabawasan ang pagiging maarte ko."

"Kwento mo sa bato," aniyang itinuro ang malaking bato sa ilalim ng puno. Sumimangot man ako ay natawa kaming pare-pareho.

Gano'n na lang tuloy ang gulat ko sa magkakasunod na putok mula sa langit! Nang tingalain ko 'yon ay napalitan ng paghanga ang gulat ko dahil maging iyon ay kulay pink.

Ngunit muli akong nagulat nang umugong ang gong na sinundan nang nakabibinging trumpeta.

"Nandiyan na si Maxwell," ngiti ni Maxpein.

Napatitig ako sa kaniya at hindi kapani-paniwalang pinangiliran ako ng luha. Napalingon ako sa malaking pinto na ngayon ay hawak na nang dalawang bantay. May kung anong kilabot na idinulot ang tanawing iyon.

Sabay na humakbang sina Tita Maze at Maxpein, nasundan ko silang pareho ng tingin. Sabay rin silang lumingon at ngumiti sa akin nang imuwestra nila ang parehong siko na animong hinihintay ang pagsunod ko.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako nang maluha ako gayong kanina lang ay parang kaswal na kaswal ang lahat sa akin. Kaya nga nahigitan ng kaba ang excitement ko at iyon ay dahil sa narito kami sa norte. Ngayon lang yata nag-sink in sa akin na ikakasal na ako, dumagdag lang talaga sa kaba ang bansang ito at kakaiba nilang kultura.

Humigpit ang pagkakahawak ko kay Maxpein nang marahang buksan ng dalawang bantay ang napakataas at mukhang mabigat na pinto. Hindi ko akalaing may ihihigpit pa iyon nang umalingawngaw naman ang sigaw nang tila pag-aanunsyo ni Bitgaram na ang tanging naintindihan ko ay ang aking pangalan.

Damn it... Hindi ko maipaliwanag ang laman ng isip ko, kinakanta ko sa isip ang kantang isinulat ko! Hindi ko lalo mapangalanan ang pakiramdam, kinikilabutan din ako sa hindi maintindihang dahilan. Naghahalo-halo ang lahat ng 'yon sa akin ngayon.

Ang dagat ng tao na pawang dumapo ang mga mata sa akin ay nakakikilabot ang dating. Higit na iyong mga nasa balkonahe na pawang kakaiba ang burda sa mga hanbok at kapa, lahat 'yon ay deretso kung tumitig.

Ngunit gano'n na lang ang pagpantay ng likuran ko nang dumapo sa harapan ang paningin ko. Nang iyong apat na babaeng mga nakaitim na uniporme at kapa na ang aking natatanaw. Sa lahat ng nakatingin sa 'kin sila lang iyong may kakaibang talas kung tumitig. Para bang nasusugatan ako sa lakas ng kanilang mga dating.

"Hala," bahagyang napalakas ang tinig ko nang makita ang pwesto sa pinakataas ng entablado na nasa harapan namin. "Sila 'yong nakita ko sa Nami...hihi," natatawa kong itinuro iyong mga matatandang lalaki. Kahit na may net na nakaharang sa harapan nila ay nasisiguro kong sila 'yon.

Nagulat ako nang tapikin ni Maxpein ang kamay ko at pandilatan ako ng mga mata. "Yaz," pabulong na asik niya.

Napanguso ako. "Bawal 'yon?"

"Matinding kasalanan 'yon."

Nakanguso kong sinulyapan ang mga matatandang lalaki, wala man lang nagbago sa kanila. "Bakit? Sino ba 'yong mga 'yon?"

Nakapikit na bumuntong-hininga si Maxpein saka binilisan ang paghila sa 'kin papunta sa gitna.

Gano'n na lang ang pagngiti ko nang matanawan ko ang aming mga kasama. Pinagkakawayan ko sila habang sila ay hindi malaman kung sasagutin ba ang kaway ko. Sila ang namumukod tanging nakikilala ko.

Pero gano'n na lang uli ang aking kilabot nang magbigay ng daan ang mga rango dahilan para tumambad sa akin sina Tito More, Maxrill at Mokz. Sabay-sabay silang ngumiti at tumango sa akin, saka sila nagbigay ng daan dahilan para matanaw ko sa dulo si Maxwell.

"Baby!" kaway ko.

Nakita ko siyang pumikit saka kinagat ang sariling labi. Sa ilang dipang layo namin sa isa't isa ay nakita ko siyang bumuntong-hininga. Pero hindi dahilan 'yon para mapigilan akong kumaway muli.

"Maxwell!" pagtawag ko pa.

Lalo pang nakagat ni Maxwell ang sariling labi ngunit natawa rin sa huli. Nasisiguro kong sa isip niya, maging ng ibang naroon ay napakakulit ko. Baka nga may iba pa roon na inaayawan ako dahil sa mga ikinikilos ko. Pero hindi ang takot ko o ang masasabi nila sa akin ang magagawa kong intindihin sa oras na ito. Sapagkat ang halo-halong pakiramdam na idinudulot ng katotohanang ikakasal ako sa lalaking pinapangarap ko ay ibang level na. Na walang salita ninoman ang makapagpapakalma sa akin. Walang kultura ng anumang bansa ang makapagpapapirmi sa bibig ko. Walang batas sa mundong ito ang makapapawi sa pakiramdam na idinudulot sa akin ni Maxwell Laurent del Valle. Walang limitasyon ang may kakayahang pumigil sa akin.

Dumagundong ang malakas na awitin. Tumigil kami sa paglalakad sa mismong gitna nang malawak na gusali. Nararamdaman ko na lalo ang tingin ng lahat sa akin pero ang aking paningin ay napako na kay Maxwell. Napakagwapo niya sa magkahalong pula at itim na hanbok na kung ako ang tatanungin ay malayo sa suot nina Maxpein at Deib Lohr noon. Marahil ay moderno ang istilo ng suot niya ngayon pero nahigitan pa rin ng istura niya ang damit na 'yon.

Ngumiti ako nang nakalabas ang mga ngipin nang maglakad siya papalapit sa 'kin. Nagpapadyak ako nang tuluyan niyang kunin ang kamay ko at nakipagpalitan ng ngiti sa 'kin.

Nakangiti kaming tumitig sa isa't isa habang nagsasalita ang babaeng naroon sa entablado. Wala akong naintindihan ni isa sa mga sinabi niyon maliban sa pangalan naming pareho. Dalawang beses na sinabi ang napakahahaba nitong linya na ang tanging kaibahan ay ang pagkakasunod ng pangalan naming dalawa. Gustuhin ko mang magreklamo dahil sa paninibago sa kanilang kultura ay nangapa na lang ako. Nahigitan ng saya ang lahat ng reklamo at kaartehan ko.

Nakangiti akong namangha nang bitbitin papalapit ni Maxrill ang pares ng singsing sa amin. Nakapatong iyon sa kulay ginto at kwadradong unan. Pero kahangahangang nahigitan ng kinang ng mga singsing ang kulay niyon. Nangilid ang luha ko at wala sa sariling natawa ng makitang ang disenyo niyon ay korona ng hari at reyna.

You freak! Gusto ko mang asarin si Maxwell ay hindi ko magawa. Pinigilan ko ring tumawa dahil sa pag-aalala na makagawa ng mali.

Pinanood ko siyang kunin ang singsing na para sa akin saka kami muling tumitig nang nakangiti sa isa't isa. Ganoon lang kami habang pinakikinggan ang sinasabi ng nasa entablado.

"I do," nakangiti niyang sagot saka isinuot ang singsing sa akin.

I cannot believe this. Ni minsan ay hindi ko naisip na posible pa lang ikasal nang walang naiintindihan. Pero sa halip na kainisan, heto at tuwang-tuwa pa ako.

Kinuha ko ang pares ng singsing na para kay Maxwell. Nakangiti akong napatitig doon at namangha nang makita ang nakaukit sa loob niyon. Napangiwi nga lang ako dahil Korean letters ang mga iyon.

Sa isang tango ni Maxwell ay umawang ang labi ko. "I do..." sinabi ko na lang, nangangapa, saka isinuot ang singsing sa kaniya.

Hindi ko man naintidihan, sa tono ay naunawaan ko ang huling anunsyo ng matandang lalaki. Hindi na ako nagulat nang marahang inilapit ni Maxwell ang mukha sa akin at gawaran ako ng halik sa labi. Kasunod no'n ay nagpalakpakan ang mga naroon pero lahat ng senses ko ay inangkin na ng lalaking ito.

"You're the most beautiful moon, Yaz,"mahinang aniya.

"And you're the most handsome one, hihi,"maarte ko namang tugon. "I can't ask for more."

Ngumiti siya saka inilapit ang mukha sa akin. "I want more of you."

"Me, too." Nagkatinginan kami at sabay na natawa.

Napabuntong-hininga ako sa experience na 'yon. Kakaiba. Akala ko ay tapos na ang mga kakaibang ipinaranas niya sa 'kin, sakit, sarap o saya. Pero hindi pa pala. Dahil hanggang sa sandaling iyon ay paulit-ulit akong pinahahanga ng lalaking ito. Na pipiliin kong maramdaman ulit ang sakit sa nakaraan kung sa huli ay kami rin naman ang magkakatuluyan.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji