CHAPTER 61

CHAPTER 61

"SHE'S WHAT?" tila nabinging ani Maxpein.

"She's pregnant," bigay na bigay, nakangiti nang nakalabas ang lahat ng ipin na pag-uulit ni Maxwell!

Ang kigwa talaga! Napayakap ako sa kaniya at naibaon ang mukha ko sa kaniyang balikat. Gumapang ang kamay niya mula sa aking bewang payakap sa kabuuan ng aking likod at hinapit ako papalapit.

"Omona..." mahinang ani Tita Maze, nabuhay ang matinding kaba sa dibdib ko! Dahil sa isip ko, na-imagine ko siyang nahilo sa narinig.

"A gorgeous pregnant baby," mahinang dagdag pa ni Maxwell, batid kong nakatingin sa 'kin.

Animal! Gusto ko siyang harapin para paluin nang paluin bilang ganti.

Hindi ko na makakaya pang harapin ang mga Moon! Hindi ko na talaga sila kayang tingnan sa mga mata. Wala nang mas kakaba-kaba pa sa sandaling iyon! Pakiramdam ko ay ipinahamak ako ng bibig ng pinakamamahal kong lalaki at hindi ko alam kung paano siyang mapapatawad. Pero wala rin akong matatakbuhan kung hindi siya.

"Maxwell..." maiiyak nang bulong ko.

"Hmm?"

"Bakit mo sinabi?" talagang nangilid ang mga luha ko.

"Why not?" kunot-noo niyang tugon. "They're all excited, baby. Look at them."

Nag-aalala man ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Sandali ko siyang tinitigan, inaalam ang kung totoo ang kaniyang sinabi. Nang makita ko ang kasiguraduhan sa ngiti at pagtango niya ay napapalunok kong nilingon ang mga Moon.

Pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko. Parang lalo akong maiiyak nang wala akong mabasang reaksyon sa mukha ng mga ito. Hinanap ko ang excitement na sinasabi ni Maxwell sa mukha ng kaniyang pamilya. Ngunit lahat ng itsura nila ay blangko. Ganoon sa natural nilang mga mukha.

Napapikit ako at muling naibaon ang mukha sa kaniyang balikat. Nasaan ang excitement doon? Paano naging excited iyon? Mommy... Talagang nangilid ang mga luha ko.

Pero gano'n na lang uli ang paglingon ko nang dali-daling nagsipagkilusan ang mga Moon at bago pa man ako nakapagsalita ay nag-uunahan nang yumakap sa 'kin sina Tita Maze at Maxpein. Napamaang ako at nilamon na ng gulat nang tanggapin ang mga yakap nila.

"Congratulations, Zaimin Yaz," emosyonal na ani Tita Maze, lalo akong nalito.

"Congratulations, Yaz," emosyonal ding sinabi ni Maxpein, hindi ako nakapagsalita.

Bago ko pa sila masagot ay 'ayun na si Tito More na hindi na nahintay ang gulat ko, niyakap na ako. "I'm happy for you, congratulations," aniya.

"Congratulations, anak," sabi rin ni Mokz.

"Ya" Hindi naman na nagawang tapusin ni Maxrill ang sasabihin nang agawin na ako ni Maxwell.

"She's fine," ani Maxwell, ang kamay ay nakaharang pa sa kapatid. "Thank you."

Bumuntong-hininga si Maxrill. "Still threatened, huh?"

"Tsh," pinagkunutan siya ng noo ni Maxwell.

"Congrats, dude," ani Maxrill na nakipag-high five na lang sa akin.

Muli akong natulala at isa-isang tiningnan ang emosyonal at natutuwa na nilang mga mukha. I'm confused. Akala ko ba ay bawal? Hindi ko sila maintindihan.

Umiling ako nang umiling, natuon ang paningin sa sahig bago nakahugot ng salita. "Hindi ko maintindihan," halos naibulong ko saka nag-angat ng tingin sa kanila. "I mean..." hindi matapos-tapos ang gulat ko.

Ang inaasahan ko ay magagalit sila. Sa isip ko ay nasisiguro kong itatakwil nila ako oras na malaman nila ang tungkol dito. Nakini-kinita ko na ang magiging reaksyon nila dahil ilang beses nilang sinabi sa 'king labag ito sa batas nila. At napakalayo no'n sa mga nakikita kong reaksyon nila ngayon, higit na sa pagiging blangkong mukha nila.

Pero ano ang nangyari? Bakit imbes na galit ay tuwa ang aking nakikita? Sa halip na pagsabihan ay binati pa nila kami. Hindi sa namimili ako, totoong dapat nga ay matuwa pa ako dahil ganito ang naging reaksyon nila. Pero sadyang nagugulat ako at nalilito. Natatandaan ko kung ilang beses akong nilamon ng konsensya at pangamba kung kailan huli na ang lahat. Hindi ko na yata talaga maiintindihan ang pamilyang ito kahit kailan.

"We're...not yet sure," kapagkuwa'y dagdag ko.

"I am," inosenteng ani Maxwell, sinisiguro sa aking sigurado talaga siya.

Nagugulat ko siyang nilingon saka pinagkunutan ng noo. "Hindi tayo sigurado, Maxwell," mariin kong sabi. "Paano mo naman nasiguro?"

"Baby..." Lumapit siya na may ibubulong. "Nilahat ko."

Umawang ang labi ko saka nakagat ang labi sa inis. Hindi ko siya napigilang paluin. What the hell! "Amaw!" pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko. Nasisiguro kong hindi lang kami ang nakarinig no'n.

"She's pregnant," talagang hindi maka-move on si Maxwell! Sinabi niya na naman 'yon nang nakangiti, proud na proud! This amaw! Grr! "I'm sure she's pregnant," dagdag pa niya!

Talagang magagalit na ako, sa sama ng tingin ko sa kaniya ay pwede na siyang bumaon sa kinatatayuan. Pero hindi ako makapaniwalang puro tuwa at saya ang nababasa ko sa kaniyang mukha. Mula sa kaniyang mga mata, sa naka-strech na mga pisngi, hanggang sa mga ngiti sa kaniyang labi, lahat ay pulos tuwa at saya ang makikita. Hindi talaga ako makapaniwala.

"I'm gonna be a father," nakatulala sa kung saan, nakangiting aniya. "I'm going to have a son and daughter...children," nilingon niya ako. "With you, Yaz."

"Maxwell..." kumibot ang mga labi ko.

"I'm going to see this face when I open my eyes in the morning and before I close my eyes in the evening, huh?" aniyang sinuyod ng tingin ang mukha ko.

Lumambot ang puso ko at emosyonal na napayakap sa kaniya. Ako dapat ang magsabi no'n. Ako dapat ang makaramdam ng gano'ng tuwa at saya. Sa tagal kong pinangarap ang lalaking 'to, kung paano ko siyang kinabaliwan na halos wala akong itira sa sarili ko, hindi ko inaasahang maririnig ko ang mga 'yon sa kaniya.

Nayakap ko siya. "I love you, Maxwell," mahinang sabi ko.

"I know," batid kong nakangiti siya nang isagot 'yon. "And I love you, too."

Hindi pa rin ako makapaniwala. Siguro ay kailangan ko pang bigyan ng ilang oras o araw ang sarili ko para matapos ang aking gulat. Hindi ko alam kung kailangan ko bang ipagpasalamat na iba ang inasahan ko, na nakaramdam ako ng takot at nakonsensya. Dahil ganito ang naging resulta.

'Ayun nga at ako ang pinagdesisyon nila kung ano ang magiging hapunan. Pinapunta nila doon si Wilma para ipagluto kami. Ayaw akong patayuin ni Tita Maze. Si Maxpein ay panay ang paalala kay Maxwell na pagsilbihan ako. Si Mokz ay nagtatanong kung ano ang aking gusto. Si Tito More ay hindi mawala ang ngiti sa akin habang inaabisuhan ang anak sa mga kilos at nararamdaman ko. Si Maxrill ay inalay na ang lahat ng pizza niya sa akin at ginawan ako ng salad.

"So, what should we do now?" hindi ko napigilang magtanong habang kumakain. Hindi yata ako patatahimikin ng pag-aalala. "Alam kong bawal ito..." nadagdagan pa nga ang pangamba ko.

Bumuntong-hininga si Tito More. "Totoong bawal. Posible nating ikapahamak pare-pareho." Nilingon niya ang tatlong anak, saka nahinto kay Maxpein ang paningin. "Kung ako ang masusunod ay...gugustuhin ko nang lisanin ang lugar namin. Wala na roon ang mga magulang ko. Pero..."bumuntong-hininga siya. "Inirerespeto ko ang posisyon ng anak ko at pagiging makasarili ang kagustuhan ko."

"Dad," naroon na agad ang pagtanggi sa tinig ni Maxpein.

"I know," napilitang ngumiti si Tito More. "Naiisip ko lang," nagbaba siya ng tingin. "Ayaw ko nang dumaan ang sino man sa aking mga apo sa pinagdaanan nating pare-pareho, higit na sa mga naranasan mo, Maxpein," emosyonal siyang ngumiti rito. "Pasensya."

Nagbaba ako ng tingin. Akala ko ay matindi na 'yong kaba ko, hindi pa pala. Dahil nadagdagan iyon sa sinabi ni Tito More. Wala pa man ay meron na sa dibdib kong tumatanggi sa mangyayari.

"You should get married," ani Mokz. "As soon as possible."

Nag-angat ako ng tingin kay Maxwell, hindi niya inaasahan. Kaya naman nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata, maging ang pagkakakagat niya sa labi. Pero agad 'yong napawi nang mapansin akong nakatingin.

Hindi na ito ang oras para magsisihan. Wala nang magbabago. At wala akong pinagsisisihan sa lahat ng meron ako ngayon...totoo 'yon. Ayaw ko lang na may mapahamak na iba, lalo na ang kanilang pamilya. Na kung may mangyayari man, sana sa akin na lang.

Napabuntong-hininga ako sa sariling isipin. Bumalik ako sa wisyo nang matitigan ang mukha ni Maxwell na animong sinasagot ang ipinag-aalala ng puso't isip ko. Sinasabing hindi niya hinahayaang mapahamak ang kahit na sino, lalo na ako. Baliw na yata ako para isipin 'yon pero nagtiwala ako.

"We'll get marriedtomorrow, next week, I want it soon," ani Maxwell. "That's because I want to marry her. Because I want her to be my wife. Because I don't want anyone else to have her. Because I want us to be together for the rest of our lives." Sinabi niya iyon habang sinusuyod ng tingin ang kaniyang pamilya. "No other reasons."

Parang hinaplos ang puso ko. Heto ako at inaalala ang mangyayari sa hinaharap. Kahit na pabor sa akin ang makasal sa kaniya ay pulos alalahanin ang laman ng aking isip. Pero si Maxwell ay walang iniisip kung hindi ang nararamdaman sa 'kin. Na wala siyang ibang rason para pakasalan ako kundi ang pagmamahal.

"We'll prepare everything," ani Tita Maze saka nakangiting lumingon sa 'kin. "Yaz..." Hindi ko inaasahang tatayo siya upang lapitan ako.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo rin. "Tita."

"Welcome to the family," emosyonal iyong sinabi ni tita, hindi ko malaman ang mararamdaman. Hindi ko napigilang mahawa. "We waited for this."

Tumulo ang luha ko sa kabila nang malapad kong ngiti. "Thank you, tita."

"Got my own moon now," ani Maxwell sa likuran ko, natawa kaming pareho ni tita. "Can't wait to have more."

Kumalas si Tita Maze sa akin saka hinakawan ang pareho kong pisngi. "Wala muna tayong pagsasabihan nito, malinaw ba?"

Natigilan man ay tumango ako. "Opo, tita."

"Ibig sabihin ay hindi maaaring malaman ninoman, maging ng mga magulang mo, Yaz."

"Yes, tita," nalito man ay sumagot ako.

"Thank you, Yaz." Ngumiti si tita saka isinenyas na maupo ako. "Call me mom."

Doon na ako hindi nakasagot, nagugulat ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa muling makabalik sa silya.

"Welcome to the family, Yaz Moon," ngisi ni Maxpein, napakaangas talaga.

Hindi ko maipaliwanag ang mas tuminding saya sa puso ko. Noon ko lang naisip na sa simula pa lang ay minahal na ako ng pamilyang ito. Kami man o hindi ni Maxwell nang panahong 'yon, tinanggap na nila ako. Wala silang tinanggihan sa mga naramdaman ko para kay Maxwell, sa halip ay itinulak pa nila akong panindigan iyon. Ni minsan ay hindi ko naramdamang sumosobra ako dahil parati nilang ipinakikita sa akin na tama lang ang pagmamahal ko. Sa halip ay mas pinagsasabihan nila si Maxwell dahil sa mga kakulangan nito. Bagaman sa mga pinagdaanan namin ay naramdaman kong kampi sila sa anak, hindi naging hadlang 'yon para lumayo ang loob ko. Naroon sila para magturo. Naroon sila para ipaalam ang sa tingin nilang tama. Naroon sila para sumuporta at mahalin ako. Naroon sila mula umpisa at itinuring akong pamilya. Nagbago iyon dahil kung minahal nila ako noong una ay mas tumindi pa lalo iyon.

Naramdaman ko iyon sa araw-araw nang sumunod na araw pa lang ay lumipad kami papuntang Germany para doon ipatingin ang kalagayan ko.

"I love you," umiiyak na bulong ni Maxwell anng makumpirma nga namin ang pagbubuntis ko.

Emosyonal ko siyang pinagtawanan dahil wala pa man, kung umiyak siya ay tila ba hawak niya na ang bata.

Namalagi kami ng tatlong araw doon. Walang sandali na lumipas nang hindi nila ipinaliliwanag sa akin ang kanilang kultura. Mula sa pagbati hanggang sa pakikisama. Ang lahat ng bawal ay hindi ko natandaan dahil sa sobrang dami.

Nang makabalik naman kami sa Laguna ay dalawang araw kaming nagpahinga ni Maxwell bago nakalabas muli. Nagpunta kami sa mall para bumili ng bago kong cellphone. Pero nang makakita ako ng store na pulos gamit ng mga bata ay nagbago ang mood ko at gustong pasukin iyon.

"Baby," hinapit ni Maxwell ang bewang ko para bulungan. "Hindi pwede. Baka may makakita sa atin at isiping buntis ka."

"Buntis naman talaga ako," maiiyak nang tugon ko, ang paningin ay naroon sa blush pink chiffon dress na naka-display sa harapan mismo ng store. "Gusto ko 'yon, Maxwell," itinuro ko ang dress saka kinagat ang daliri ko.

"Baby..." iyon lang ang kaniyang sinabi pero sumimangot na 'ko.

"Ayaw ko na sa 'yo," sabi ko na nakanguso siyang tinalikuran. Nasapo ni Maxwell ang noo dahilan upang sumama ang mukha ko. "I saw that!" sabi ko, hindi makapaniwalang gano'n ang naging reaksyon niya sa sinabi ko. "I hate you, Maxwell!"

"Okay, baby, I'm going to buy that thing."

"It's not a thing, it's a dress!"

"Of course, it's a beautiful...freaking...dress,"ibinulong niya ang freaking!

"I heard that!"

Lumapit siya sa 'kin at hinalikan ako sa noo. "I love you."

"Gusto ko 'yon."

"I'll buy it," ngiti niya saka ako inilapit kay Maxpein. "Stay here."

"Why? No!" awtomatikong tanggi ko. "Gusto kong makita 'yong buong store."

Umawang ang labi niya, hindi makapaniwala. "Baby..."

"It's okay, let's go inside," anyaya ni Maxpein.

Lumapad ang ngiti ko saka ko iniangkla ang braso sa kaniya. "Bibili ka rin?"

"Sure," ngiti ni Maxpein.

"Ano'ng bibilhin mo?"

"Lahat."

"Wow..."

"Para matahimik ka."

Ngumuso ako. "Naiintindihan mo naman ako, 'di ba, Pein?"

Nakangiti niya akong nilingon. "Syempre, hindi. Asawa ko ang naglihi sa 'ming dalawa, e. Tss."

Nalito ako kung saan unang pupunta nang makapasok kami sa store. Siniguro kong binili ni Maxwell ang damit ng bata na gusto ko. Halos maiyak ako sa kapipili ng sapatos na bibilhin ko. Kaya sa halip ay inutusan ko si Maxwell na pumili para sa akin. Pero mas nahirapan pa siya kaysa sa 'kin. Hindi lang niya nasapo ang noo, napapayuko pa siya sa kaniyang braso na animong doon iniipon ang nasisimot nang pasensya. Paano, bawat mapulot niyang sapatos ay nagugustuhan ko nga, may napapansin naman akong hindi maganda. Pakiramdam ko ay napagod siya nang mahirapan na nga sa kapipili ng para sa mga babae, pinapili ko pa siya ng para sa lalaki.

Hindi lang sa sapatos nangyari iyon. Ang totoo ay nakatulugan na ni Maxpein ang pag-upo sa waiting area. Dahil lahat ng klase ng damit at gamit ng bata ay pinapili ko si Maxwell.

"Let's buy this next time, huh?" Iyon ang naging desisyon ni Maxwell sa huli nang hindi talaga kami makapamili sa kulay ng milk bottles. Ang gusto ko ay pink at blue. Habang siya ay iyong red ang gusto dahil iyon daw ang unang makikitang kulay ng baby makalipas ang ilang buwan.

Umawang ang labi ko. "Why?"

"Because we can't decide yet. You want everything..." halatang pagod na siya. "Besides, matagal pa naman natin kakailanganin. Masa-store lang 'yon sa bahay."

Ngumuso ako saka malungkot na nagbaba ng tingin.

"Baby..." aniya saka lumapit sa 'kin.

"Ibabalik ko na lang lahat..." nakanguso kong sabi saka ibinalik isa-isa ang hindi mabilang na sapatos na hawak ko.

"No, no, no, no, no," habol niya. "Fine, fine, fine." Palihim man siyang bumuntong-hininga ay narinig ko pa rin. "I'll buy the whole store."

Natigilan ako at nanlalaki ang mga matang lumingon sa kaniya. "What?!"

Lumaylay ang mga balikat niya. "Para hindi ka na sad."

Naitikom ko ang aking labi, kapagkuwa'y ngumiti. "Sige, next time na lang natin bilhin 'yong bottles,"magiliw kong sabi saka pinangunahan siyang pumunta sa counter para tingnan ang lahat ng aming pinamili. "Bakit ang dami?" kunot-noo kong baling kay Maxwell.

Napilitan siyang ngumiti saka nakamot ang kaniyang noo. "Ako...lahat ang pumili niyan."

Napangiwi ako saka sinuyod ng tingin ang tatlong cart. Psh! E, lahat 'yan ay ako ang pumili! Sinamaan ko siya ng tingin saka siniringan. "Siya ang magbabayad," sabi ko sa staff.

"Everything is paid, ma'am," ngiti niyon.

Umawang ang labi ko. "Sino?" hindi makapaniwalang tugon ko.

Nilingon ng staff ang gawi ng mga Moon. Pero gano'n na lang ang pag-awang ng labi ko ng lahat sila ay natutulog nang nakaupo, magkakrus ang parehong braso at hita.

"Baby, I'm hungry," bulong ni Maxwell.

Noon lang ako nag-alala. "Hala, sorry," hinagod ko ang tiyan niya. "What do you want to eat?"

Bumuntong-hininga siya. "I need rice. I feel weak na."

"Sorry."

"It's alright," ngiti niya saka iniakbay ang braso sa 'kin.

Sabay naming pinasalamatan ang mga magulang niya, ang mga ito ang nagbayad sa mga pinagtalunan naming gamit ng bata. Nagkamali ako nang isiping hindi na kami magtatalo ni Maxwell, naulit 'yon pagdating sa pamimili ng restaurant. Ang totoo ay pinagbibigyan niya naman ako, naiinis nga lang ako kasi lahat ng sabihin ko ay sinasang-ayunan niya, iyon ang kaniyang sinusunod. Gusto ko kasi tumanggi naman siya minsan.

"Smile!" sabi ko matapos mahiga sa dibdib ni Maxwell para kumuha ng picture naming dalawa gamit ang bago kong cellphone.

Napilitan siyang ngumiti doon saka muling itinutok ang paningin sa movie. Halos lahat kami ay naroon sa sala at nanonood ng horror. Ako ang nagyayang manood, ako rin ang pumili ng panonoorin. Pero 'ayun at panay ang picture ko.

Napasimangot ako nang tingnan isa-isa ang aking kuha. Psh! Lahat sila ay iisa lang ang itsura! Inis kong sinulyapan ang mga Moon. Lahat sila ay palihim kong kinuhanan ng litrato pero lahat din sila ay mga walang reaksyon. Wala man lang akong nakuhang picture na pwede kong pagtawanan.

"Come here," ani Maxwell na hinapit ang bewang ko upang yakapin ako. "You're not watching,"mahinang aniya pa saka hinalikan ang leeg ko.

Bumingisngis ako. "Nakikiliti ako," bulong ko. Palibhasa'y may kani-kaniyang lazy chair for two kami sa mansyon ng mga Moon, 'ayun at may kani-kaniya kaming pwesto ay hindi nagkakaabalahan.

Ngumiti siya ngunit ang paningin ay naroon sa palabas. Natuon na rin doon ang kaniyang atensyon. Kaya naman ngumuso ako at pinagdiskitahan ang ilong niya. Kinuha ko ang cellphone at itinutok sa butas niyon ang camera. Nakanganga kong isinakto ang camera sa doon upang maperpekto ang kuha.

"Baby..." naninitang ani Maxwell, nagbaba ng tingin sa 'kin. "Sabi mo, movie night."

"I am watching..." sabi ko, ang paningin ay naroon sa camera at tinatantya ang kuha. "Don't move."

"Stop it, Yaz."

"I said, don't move."

Bumuntong-hininga siya. "Babawian kita mamaya."

"Why, what are you going to do?" sabi ko na naisilid bigla ang aking bagong cellphone.

Nanatili sa pinanonood ang paningin niya ngunit ngumisi at hindi na sumagot. Nakanguso akong umayos ng higa sa kaniyang dibdib at saka iniyakap ang mga braso ko. Hindi pa man nagtatagal ay panay na ang hikab ko. Bago ko pa masabi sa kaniya iyon ay napapapikit na ako.

Ngunit nagising agad ako nang tila hindi ko na nagugustuhan ang pabangong nasisinghot ko. Ilang beses kong kinusot ang ilong ko pero parang tumitindi ang amoy niyon.

Inis kong pinalo ang dibdib ni Maxwell. Nagugulat siyang nagbaba ng tingin sa 'kin.

"Why?" tanong niya.

Bumangon ako. "Doon na lang ako mauupo,"sabi ko na bigla na lang tumayo.

"Where?"

"Sa tabi ni Maxrill," pang-aasar ko saka tinotoo ang sinabi.

Awtomatiko naman akong sinamaan ng tingin ni Maxrill. "What now, dude?"

"Ayaw ko sa amoy ni Maxwell," nakanguso kong sabi. "Dito na lang ako, amoy Katinko, hihi."

Pinagtaasan niya ako ng kilay saka nilingon si Mokz at natawa. Ito marahil ang amoy Katinko. "Maxwell's very expensive. You like it cheap now, huh? Like menthol and camphor."

"Shut up, kid."

"Not a kid anymore. Want proofs?" ngisi niya.

Inis ko siyang nilingon. "Bakit? Dahil ba may nagugustuhan ka na?"

Natigilan siya. "What are you talking about?"

"Yieee," panunukso ko. Akma ko siyang kikilitiin nang mahuli ng kamay mula sa likuran ang aking kamay. 'Ayun na si Maxwell at nakatayo sa bandang tabi ko.

"Come here," aniyang sapilitan akong itinayo.

"Ayaw ko."

"Why?"

"Hindi ko gusto ang amoy mo."

"What?" hindi makapaniwalang tugon niya.

Nakanguso akong tumango saka inipit ang ilong ko. "Alis."

"Yaz?"

"Alis sabi."

"Sshh," sita ni Maxpein. Sa layo niya ay narinig pa kami.

"Si Maxwell, maingay," sumbong ko. Sinamaan ito ng tingin ni Maxpein. Bumuntong-hininga lang si Maxwell. "Go back to your seat."

"You're so makulit," ani Maxwell na talagang hinihila ang kamay ko. "Let's go," aniyang sapilitan na talaga akong itinayo.

"Ang baho mo, e," angal ko.

"What? I'm wearing your favorite perfume, what's wrong with you?"

"I don't like your smell," pabulong kong sinabi.

Bumuntong-hininga siya at walang ano-ano'y hinubad ang suot. "Okay na?"

Inilapit ko ang pang-amoy sa kaniya saka ako nandidiring umiling. Ngunit ang amoy niyon ay hindi na maganda ang idinulot sa akin, umabot sa aking tiyan. Natakpan ko ang aking bibig.

"What?" nag-aalalang tanong niya. Pinigilan ko siya gamit ang kamay pero hinuli niya 'yon. "You okay?"

Nadiinan ko ang pagkakatakip sa aking bibig nang tila maduduwal na ako. Mabilis kong inagaw ang kamay ko saka nagtatakbo papunta sa banyo.

Nagkalampagan ang sahig nang magkakasunod na magsipagkilusan ang mga Moon pasunod sa 'kin.

"What happened?" halos sabay na tanong nina tito at tita.

Naisara ko ang pinto saka nagtatakbo papunta sa sink. Doon ko naiduwal ang halos walang laman ng aking sikmura. Naluluha akong nagmumog saka umiiyak na kinusot ang aking mga mata.

"Kasalanan ni Maxwell!" umiiyak kong sabi nang bumukas ang pinto at iluwa si Mokz.

"What did you do?" asik ni tita. Lalo kong kinusot ang mga mata ko. "Maji!"

"I didn't do anything," reklamo ni Maxwell saka sumulyap sa 'kin. Akma na siyang lalapit nang iharap ko ang parehong palad.

"Diyan ka lang!" banta ko. "Hindi ko gusto ang amoy mo!"

Natigilan silang pare-pareho dahilan para mapanguso ako at magbaba ng tingin. Kapagkuwa'y sabay-sabay na napabuntong-hininga ang mga Moon. Tila ba nakahinga nang maluwang matapos mag-isip nang malala dahil sa biglaang pag-aalala.

"She is pregnant, Maxwell," asik ni Maxpein. "Stop using perfumes." Lumapit siya sa 'kin saka ako inabutan ng tissue. "Come here."

"Thank you," nakanguso kong sabi.

"Sorry," ani Maxwell. "I'll take a bath now."

"Ayaw ko ng amoy mo," pahabol ko.

Huminto si Maxwell sa paglalakad upang lingunin ako. "I'm sorry."

"Kasalanan mo!"

"Kasalanan ko."

"Mabaho ka."

"I'm..." bumuntong-hininga siya, nagpapasensya. "You don't like my smell."

Tumango ako. "Maligo ka na."

"Alright," nakamot niya ang ulo saka nagdere-deretso paakyat.

"That freak," asik ni Maxpein saka ako inakay palabas ng banyo. Dumeretso kami sa kitchen para sa tubig. "Don't worry, he'll take good care of you."

"Ganito ka rin ba no'ng buntis ka?"

"Hindi," agap niyang sagot. "Ikaw lang naman ang maarte sa mga kakilala ko, natural ang ganito sa 'yo."

Napanguso ako. "Si Zarnaih kaya?"

"Ganito rin, mas malala ka nga lang."

"Psh."

Natawa si Maxpein. "Okay lang 'yan. Si Maxwell ang may pinakamahabang pasensya sa 'min."

"Baka ayawan niya ako?"

Umiling siya. "He'll not do that."

"Sure ka?"

Tumango si Maxpein. "Trust me."

"I trust him."

"Tss."

Hindi lang nang gabing iyon nangyari ang gano'n. Hindi lang kasi amoy ni Maxwell ang inayawan ko. Nang sumunod na linggo ay parang ayaw ko na siyang makita. Naiirita ako sa t'wing nakikita ko siyang tumatawa. Binabato ko siya kapag nagsasalubong ang kaniyang mga kilay. Pinapalo ko siya kapag bumubuntong-hininga. Kinailangan tuloy niyang matulog nang nakatalikod sa 'kin para hindi ako magising nang mukha niya ang nakikita.

"You are getting married!" masayang ani Randall nang ianunsyo na namin ang pagpapakasal. "Congratulations, D!" Talagang hindi siya makapaniwala, sayang-saya. "Excited for everyday grind, huh?"

"Shut up," natawa si Maxwell saka sumulyap sa 'kin. Sumama ang mukha ko dahilan para muli siyang tumingin sa kaibigan.

Inilapit ni Randall ang mukha sa kaibigan habang may ipinapakita sa cellphone. "I'll show you the G-spot"

"The fuck," asik ni Maxwell saka itinalikod si Randall sa amin at dinala sa kung saan.

"Congratulations, Yaz," ani Keziah, nabigla man ay masaya ako sa emosyong nakita sa kaniya. "I'm happy for you."

"Thank you, Keziah," ako ang unang yumakap sa kaniya.

"Take care of him, ha?"

"Psh!" kumalas ako sa kaniya. "Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, 'day."

Natawa siya. "Yeah, I know you will."

"He's taking good care of me too."

Ngumiti siya. "I'm happy for him too," tinanaw niya si Maxwell. "Naaalala ko pa kung paano niya akong tinanggihan noon dahil ikaw na pala ang kaniyang gusto."

Natigilan ako saka natatawang pinalo ang kaniyang braso. Nagulat siya, natural. Pero wala akong pakialam.

"Umamin ka sa kaniya?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Natatawa rin siyang tumango. "Desperate moves, huh?" mapait man ay naidaan niya na lang din sa pagtawa ang alaala. "Because I really liked him,"bumuntong-hininga siya habang nakatanaw pa rin kay Maxwell.

Natigilan ako nang makita ang emosyong naroon pa rin sa kaniyang mga mata. Kahit tuloy gusto kong magtaray ay hindi ko nagawa dahil may parte sa 'king naiintindihan siya. Baka nga sa dami ng tao rito, ako pa ang makaintindi sa kaniya. Dahil pareho kaming patay na patay kay Maxwell.

"Do you still like him?" hindi ko napigilang itanong 'yon.

Nakita ko siyang matigilan saka naiilang na lumingon sa 'kin. "Well...uhm..."

"It's okay," ngiti ko, nahawakan siya sa braso. "Naiintindihan kita."

Muli siyang natigilan saka nakangiting bumuntong-hininga. "I'm sorry, Yaz," aniyang nakababa ang tingin. "Hindi bale, lilipas din 'to," nag-iwas siya ng tingin. "I'm trying my best, Yaz...and I'm getting there." Mapait siyang ngumiti.

"I can't blame you," tinanaw ko rin si Maxwell. "Hibang na lang yata ang hindi mai-in love sa kaniya. Nasa kaniya na lahat."

"Agreed."

"Psh," natatawa ko siyang siniringan. "Pareho na kayo ng ugali."

"Really?" natawa siya. "Siguro dahil may gusto ako sa kaniya? I don't know."

"'Uy, alam mo, totoo 'yan," animong tsismosang sagot ko. "Ganyan din ako noon sa kaniya. Lahat ng gusto niya, gusto ko na rin bigla. Kapag nalaman ko na ganito 'yong mga ginagawa niya, gano'n na rin ang ginagawa ko. Lahat ng expressions niya, facial, body or sa words man, nagagaya ko unconsciously," bumuntong-hininga ako saka tinanaw ang mapapang-asawa ko. "Gano'n yata talaga kapag in love ka masyado."

"Alam mo, 'buti na lang talaga, maldita ka,"natatawang aniya. "Kung hindi ay baka sa 'kin siya napunta."

Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Pagsyor, 'day! At bakit, aber?"

"Psh," nakangisi niyang singhal. "Kung hindi mo naman ako inaway-away ay hindi ka niya pipiliin."

"'Oy, excuse me! Matagal nang may gusto sa 'kin si Maxwell. Awayin man kita o hindi, ako ang pipiliin niya. Kaibigan lang talaga ang tingin niya sa 'yo, Keziah, accept it. Makakatulong 'yan sa pagmu-move on mo," walang preno kong sinabi.

Nakita ko siyang matigilan, natigilan din ako nang maisip ang mga sinabi ko. Saka hindi kapani-paniwalang natawa kaming pareho.

"I'm sorry, Keziah," bigla ay bawi ko. "I mean it, though."

Muli pa kaming natawa. "It's okay, masaya talaga ako para sa inyo, e. Na kahit anong marinig ko sa'yo ngayon, hindi nagbabagong masaya talaga ako para sa 'yo."

"Thank you, Keziah," muli ko pa siyang niyakap. "Alam kong makikita mo rin ang para sa 'yo."

"Duh? Pwedeng kapag naka-move on na 'ko?"

"Gaga!" kumalas ako sa kaniya. "Mas makaka-move on ka kapag nakakita ka nang bago."

"Gano'n ba 'yon?"

"Oo, kaya maghanap ka na."

"Eww."

"Oh, bakit?"

"Kay Maxwell lang ako nagpakadesperada, hindi na mauulit 'yon. Takot na akong magmahal."

"Hindi mo masasabi," ngiwi ko saka dumampot ng shanghai. "Isa pa, hindi takot ang pipigil sa 'yong magmahal ulit. Ang totoo nga, walang makapipigil sa 'yong magmahal. Dahil kung meron, hindi sapat ang nararamdaman mo para tawaging pagmamahal 'yon," nakangiti at sinsero kong sinabi saka muling dumampot ng shanghai. "Ang sarap nito."

"Nakakailan ka na, ah?" natatawang aniya, ang paningin ay nasa shanghai ko. "Hindi ka ba nabubusog?"

Natigilan ako saka napalingon sa kaniya nang ilayo niya ang plate ng shanghai. Nakanguso kong tiningnan ang shanghai ko. "'Wag mo 'kong gugutumin, sasabunutan talaga kita, Keziah."

"Oh, c'mon," aniyang iniharap ang parehong palad sa 'kin, umaatras. "That is not my thing, Yaz."

"Yeah, you're classy," nakangiti kong sinabi. "Kaya sigurado akong maraming magkakagusto sa 'yo."

"Psh."

"Hindi ba't may nanliligaw sa 'yo?" nanlalaki ang mga mata kong sinabi saka isinubo ang shanghai. Palihim uli akong dumampot ng dalawa, itinago ko sa isang kamay ang isa pa. "Si Doc Bentley! Bakit hindi mo siya sagutin, e, nanliligaw 'yon sa yo? Bagay na bagay kayo."

"Psh. Shut up, Yaz. He's just someone I know."

"'Wag kasi si Maxwell nang si Maxwell ang tingnan mo, Keziah. Tumingin ka sa iba, 'yong nababagay sa 'yo. Masyadong gwapo si Maxwell para sa 'yo. Maganda ka pero mas maganda ako. Saka, hindi ka na lugi kay Doc Bentley. Edad lang ang inilamang ni Maxwell sa kaniya saka mas maganda sa pandinig ko 'yong pangalan ni Maxwell."

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Hindi ko talaga alam kung ano'ng nagustuhan ni Maxwell sa 'yo. Mataray, maingay, dalahira, warfreak, tsismosa..."mataray niya iyong sinabi saka kami sabay na natawa. "Hindi ka na nga napapagod magsalita, nagagawa mo pa 'yon habang ngumunguya. Eww."

"Gano'n ba ako? Excuse me, mas maganda ang taste ko sa 'yo. Minsan kaya ay ang baduy-baduy mo. Ikaw lang ang nakita ko na nagsuot yellow na dress na may red pumps at orange sling bag, yuck. Nadadala mo na lang talaga sa class."

"Kanina mo pa 'ko iniinsulto, ah?" mataray niya na talagang sinabi.

"Gaga, ganyan ako magsabi nang totoo," pinalo ko ang braso niya. "Masakit pero at least hindi ako nagsinungaling sa 'yo, right?"

Hindi siya makapaniwalang tumitig sa 'kin saka natatawang umiling. "Whatever, Yaz." Saka niya tinanaw si Maxwell. "Good luck, friend."

Napapangiti akong tumingin kay Keziah. Masaya ako na kahit papaano ay pulos pait na lang ang meron siya. Na bagaman nasasaktan, hindi na sa maling paraan. Naniniwala ako na darating iyong para sa kaniya, iyong tamang tao, sa tamang panahon.

Dahil hindi si Maxwell 'yon.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji