CHAPTER 60

CHAPTER 60

"WHAT?" KUNOT-NOONG tanong ni Maxwell nang hindi ako makasagot.

Sumama agad ang mukha ko. "What?" mataray ko ring tugon.

Tumaas ang kilay niya. "Salad or me, Yaz?"naiinis na siya. "Don't tell me you can't choose between that freaking salad and Maxwell Laurent Del Valle?" hindi makapaniwalang ani Maxwell. "What?" asik niya nang hindi pa rin ako sumagot. "You must choose me."

Sumama ang mukha ko. Haaay! Makalagot! Nakakaasar 'yong ninanamnam ko pa 'yong halik niya tapos siya ay hindi maka-move on sa salad na iyon ng kapatid niya. Naiinis na 'ko ngayon maski sa boses niya! Naiirita ako sa lahat ng sinasabi niya!

"I'm sure it's Maxwell Laurent Del Valle, huh?"aniyang niyugyog ang katawan kong yakap niya. "I'm sure it's me. You're choosing me, right?" talagang hindi siya matahimik!

Tinaliman ko siya ng tingin, napaiwas siya. "Nalimutan mo 'yong relasyon natin pero 'yong kompetensya, hindi, 'no?" sarkastika kong sinabi.

"What kompetensya?"

"'Yong kompetensya ninyo ng kapatid mo!" asik ko.

"Baby..." hindi makapaniwalang bulong niya, natatawa siyang nag-iwas ng tingin sa 'kin saka doon mayabang na humalakhak. "No one can compete with me"

"Mayabang ka, Maxwell!"

"No." Seryoso niyang sinagot iyon na para bang isang bintang ang sinabi ko kahit na katotohanan naman iyon.

"Mayabang ka."

"Take that back." Nagbabanta ang tinig niya, tinaliman ng tingin ang labi ko bago nilabanan ang masama kong tingin.

Psh! Naiinsulto ba siya dahil nayayabangan ako sa kaniya? Talagang hindi nila tanggap na mayabang sila? The nerve of this amaw, really! Unbelievable freak!

"I said, take back what you just said!" asik niya.

"Sinisigawan mo ba 'ko?" mahina man ay mataray kong sabi.

"Because you called me mayabang," huminahon man ay talagang masama ang loob niya.

"Dahil mayabang ka naman talaga. Pati sa salad, really?" hindi makapaniwalang asik ko.

Bahagya siyang ngumuso saka tiim-bagang na bumuntong-hininga kung saan. "So, what?" bigla siyang lumingon sa 'kin na nalos magkabungguan ang mga labi namin.

"Talagang makikipagkompetensya ka maski sa salad? Sa salad?" gigil nang singhal ko.

"Dahil ako lang dapat 'yong masarap!" asik niya pabalik.

Umawang ang labi ko, hindi talaga makapaniwala. Napapikit ako, naghahabol ng hininga sa sobrang inis. Ngunit kahit anong inis, galit at gigil ko ay hinid ko na alam kung anong sasabihin.

"Amaw!" singhal ko saka kinalas ang pagkakayakap niya at tumayo.

"Where are you going?" sinundan niya ako ng tingin.

"Magpapaturo ng salad kay Maxrill!" singhal ko saka dumeretso sa cabinet.

Marahas ko iyong binuksan ngunit sa ikalawang pagkakataon ay pabagsak iyong sumara nang itulak niya. Ni hindi ko man lang naramdaman ang paglapit niya. Iniharap niya ako saka siya umabante dahilan para mapataatras ako. Iniharang niya ang parehong braso sa magkabilang gilid ko saka kami naglabanan nang masasamang tingin.

"Now, what?" asik ko. Hindi siya sumagot. "Walang maalala, huh?" nakangisi kunyaring tanong ko. Nabawasan ang talim ng tingin niya. "Pwes, ipapaalala ko sa 'yo! Magselos ka hanggang sa makaalala ka!"

Tinalikuran ko siya ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang idikit niya ang sarili sa akin. Nakagat ko ang aking labi nang maramdaman hindi lang ang galit sa dibdib at puso niya. Buong kaharian yata ang nagalit sa 'kin, ramdam ko maging ang trono!

Nang dahil sa salad!

"Don't you dare," mahinang banta niya.

Bahagya ko siyang nilingon. "What?" naghahamon ang tinig ko.

"Baby..." lumambot ang tinig niya, tumitiklop.

Sapilitan ko siyang hinarap. Nakababa na ang tingin niya kaya hinawakan ko ang ilalim ng kaniyang mukha upang mapatitig muli sa 'kin.

"Ano, nakaalala ka na?" sarkastika, naiinis ko pa ring sabi. Ngumuso siya nang bahagya saka umiling. Humugot ako ng hininga. "Kung gano'n, mas masarap 'yong salad kesa sa 'yo," asik ko saka tinabig ang kamay niya.

Binuksan ko 'yong cabinet saka ako kumuha ng cropped top na may spaghetti strap at sobrang iksing shorts. Sinadya kong bulatlatin ang mga 'yon sa para gawing makikita niya nang wala pa man ay makita niya na ang isusuot ko.

"Are those undergarments?" inis, pabagsak niyang tanong.

"Clothes," sarkastika kong tugon.

"Those are not clothes."

Sinulyapan ko siya. "Hintayin mong maisuot ko."Pasiring kong inalis ang tingin sa kaniya saka nagmamadaling pumasok sa bathroom.

Gano'n na lang ang pagtawa ko nang may marinig na kung ano-anong ingay sa labas na tila may nagdadabog. Para mas inisin pa siya ay tinagalan ko ang pagligo. Nasisiguro kong hindi siya makakapasok dahil naka-lock ang pinto. Sinadya ko ring kumanta nang malakas para isipin niyang binabalewala ko ang pagdadabog niya.

Nakangisi kong tiningnan ang aking sarili mula sa salamin. Halos dibdib ko lang ang natatakpan ng top ko, buong tiyan ko ay nakalabas kaya naman kitang-kita ang kurba niyon. Lalo namang nagmukhang mahaba ang legs ko dahil sa maikling shorts. Nasisiguro kong maaasar siya lalo.

Gano'n na lang ang palihim na pagngisi ko nang makitang masama ang mukha niya pagkalabas ko. Panay pa rin ang pagdadabog niya habang kumukuha ng sariling gamit, hindi magawang ibaba ang tingin sa katawan ko. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang masamang titig niya bago tuluyang pumasok sa bathroom. Tinaliman ko ng tingin ang pinto niyon nang maisara. Saka ako ngingisi-ngising humarap sa vanity para maghurim-hurim.

Psh! Dabog all you want! I don't care!

Muli kong tinaliman ng tingin ang pinto ng bathroom. "Amnesia your wonderful butt, Maxwell,"mahina kong asik.

Hindi ko alam kung anong plano nila pero sigurado na ako sa pinaniniwalaan ko. Hindi nawala ang alaala ni Maxwell, wala siyang amnesia.

Nakangisi ko muling tiningnan ang aking sarili sa salamin bago lumapit sa kama. Akma na akong mahihiga nang mapasulyap sa cellphone kong naroon sa side table. Napangisi ako saka dinampot iyon.

Bahagya akong lumapit sa bathroom door at doon nagpanggap na may kinakausap. "Do you want to see what I'm wearing?" malakas kong sinabi saka humalakhak nang mas malakas pa.

Gano'n na lang ang pagngisi ko nang marinig na mamatay ang shower. "I'm going to send you a picture!" malakas ko uling sinabi nang bumukas muli ang shower. "What about my shorts? Do you wanna see it?" mas nilakasan ko pang boses nang marinig na nagtuloy-tuloy ang tubig doon. "I'm going toay, kigwa!" gano'n na lang ang gulat ko nang bumukas ang pinto. "Ano ba!" singhal ko kay Maxwell.

Nakatapis nang basta-basta ang towel sa ibabang parte ng katawan niya at basang-basa! Tuloy-tuloy ang pagtulo ng tubig mula sa buhok niya papunta sa mukha hanggang sa katawan. Ang mamula-mula at maputi niyang katawan ay nagdulot ng pag-iinit sa aking mukha.

Galit ba siya? Gano'n na lang ang paglunok ko nang may hindi dapat makita. Galit nga... Hindi ko na nagawang alisin doon ang paningin.

"Hand me the phone," aniyang inilahad ang kamay sa 'kin.

"'Yong phone?" nautal ako.

Kumurap-kurap siya. "Throw it away and give yourself to me, then."

"Me?" wala na agad sa sariling sabi ko.

Napamaang ako nang itapis niya sa mas maayos na paraan ang towel. Para akong nanghinayang na agad nakapagpainit ng ulo ko!

"Ewan ko sa 'yo!" bigla ay singhal ko.

"Who are you talking to?"

"Nagsasayang ka ng tubig!" asik ko saka ko siya tinabig upang makapasok ako.

Dere-deretso akong pumasok sa shower nang hindi iniiisip kung gaano kalakas ang tubig niyon! Napatili ako nang bago pa man ako nakapag-isip ay nabasa na ako.

"Oh, my!" mas tumili pa ako nang ma-realize na pati ang cellphone ko ay nabasa! Umiiyak akong lumabas at sinamaan siya ng tingin. "This is all your fault!" asik ko.

"Great..." hindi makapaniwala, animong walang magawa niyang bulong. Bumuntong-hininga siya saka pinagkrus ang mga braso.

"Kung hindi ka nagsayang ng tubig, e, di sana..." itinuloy ko mas malakas pang tili ang susunod kong sasabihin dahil sa inis.

Nakapikit na siya nang magmulat ako, tila sa ganoong paraan pinagtiisan ang ingay ko. "Give it to me," mahinahong aniya, nakalahad ang kamay.

Nakanguso, masama ang loob kong pinunasan ang luha ko. Saka parang bata na lumapit sa kaniya at iniabot ang cellphone. Pinanood ko siyang pindot-pindutin iyon.

"It's dead," kaswal na aniya.

Magkakasunod na tumulo ang mga luha ko. "This is your fault!" paninisi ko.

"Okay, it's my fault," pabuntong-hiningang aniya. "I'm sorry."

"No!"

"I'll get you a new one."

"No!"

"A pink one." Kinagat niya ang sariling labi.

Hindi agad ako nakasagot. Para akong bata na huminto sa pag-iyak matapos niyang haplusin ang pisngi ko.

"Stop crying, baby..." mahinang aniya. "It's not good for my baby."

Muling tumalim ang tingin ko. "Sinabi nang hindi ako buntis, e!"

"Sshh, ikaw 'yong baby na tinutukoy ko,"mahinang aniya saka walang ano-anong niyakap ako.

Dahilan para mapatili na naman ako sa inis. Gano'n na lang ang paghigpit ng yakap niya na para bang sa gano'ng paraan muling tiniis ang ingay ko.

"Go and get changed, I don't want you to get sick," utos niya. "Remove these things and wear something..." humina ang boses niya nang sumama ang mukha ko. "Wear something pink."

Inis kong inalis ang mga braso niya saka ko siya tinalikuran. Muli akong naluha nang makalabas at sinubukang i-on ang phone ko pero hindi na bumukas iyon. Inis ko iyong ibinato sa kama at saka ako inis na sinalamin ang sarili. Marahas kong pinaghuhubad ang suot ko saka kinuha ang towel upang muling tuyuin ang sarili.

Kasalanan mo talaga! Inis kong ibinalibag sa kama ang towel at saka nakasimangot na dumako sa cabinet upang maghanap ng panibagong maisusuot. Gano'n na lang ang gulat ko nang bumukas ang pinto ng bathroom! Namilog ang bibig ko at nilingon ang towel na ibinalibag ko. Kung kukunin ko 'yon ay makikita rin ni Maxwell ang kahubdan ko!

"Baby?" paghahanap niya!

Shit!

Dali-dali akong dumampot ng kung ano-anong damit saka itinapis ang mga 'yon sa katawan ko. Gano'n na lang ang pagbaling ko sa kili-kili ko para hindi masalubong ang tingin niya.

Ngunit sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang gulat sa mukha niya. Isa-isa niyang tiningnan ang sumabog na mga damit sa cabinet. Maging ang mga damit na nakatapis sa 'kin at ilan pang nahuhulog mula sa kamay ko.

"What are you doing?" mahinahon niyang tanong.

Tumalim agad ang tingin ko sa kaniya. "This is your fault!" asik ko.

Umawang ang labi niya, hindi agad nakapagsalita. Saka siya bumuntong-hininga. "Okay, it's my...fault. I'm sorry."

Sumimangot ako ngunit bahagyang nakonsensya dahil lahat na lang ay isinisi ko sa kaniya. Totoo namang kasalanan niya! Bakit siya lumabas agad?

Hinanap niya ang towel ko at nalingunan iyon sa kama. Pabuntong-hininga niyang hinigpitan ang pagkakatapis ng towel niya saka kinuha ang sa 'kin. Binuksan niya ang towel ko at iniharap sa 'kin.

"Come here," aniyang nasa mukha ko ang paningin.

Para akong timang na iika-ikang lumapit sa kaniya na para bang buhok ko pa lang ang nakita niya sa katawan ko. Saka ako nakangusong isinubsob na lang basta ang sarili sa towel saka binitiwan ang mga damit na nadakot ko sa cabinet. Nangingiti ko pang tiningnan sa paanan ko ang mga 'yon nang mahulog lahat.

"Hihi," pagbungisngis ko saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

Gumanti man ng ngiti ay halatang pilit at narinig ko siyang bumuntong-hininga. Sumama agad ang mukha ko saka inis na inagaw ang towel ko sa kaniya.

"Sinong kausap mo kanina at gusto mo pang ipakita ang suot mo?" bigla ay aniya sa istriktong tono.

Nakita kong pinagpupulot niya ang mga damit na hinulog ko saka maayos na binalik ang mga 'yon sa cabinet ko. Binuksan niya ang parte niya ng cabinet at nakasulyap sa akin habang naghahalungkat doon.

"Hmm?" aniyang naghihintay ng sagot ko.

"Wala."

"Sino?"

"Wala nga!" nakangusong pagtataray ko. "Nag...panggap lang akong may kausap."

"Tsh."

"Talaga naman!"

"What for?"

"Para inisin ka, syempre!" asik ko.

Nilingon niya ako at pinagtaasan ng kilay, ang isang kamay ay naroon sa pagkakaipit ng towel upang hindi mahulog. Maging doon ay napasulyap ako nang hindi sinasadya, nakakainis.

Sumulyap din siya roon bago muling tumingin sa 'kin. "What?"

Sumama agad ang mukha ko. "Wala!"

Nag-angat siya ng tingin. "Hmm."

"What?"

"Nothing," nakangisi niyang bulong saka sisipol-sipol na naghalungkat sa cabinet niya.

"Amaw..." mahinang sabi ko.

Bumuntong-hininga siya. "I want a kiss..." aniya sa nanghihinayang na tinig, ang paningin ay hindi inaalis sa hindi malaman kung anong hinahalungkat niya sa cabinet.

"Do whatever you want."

"Sure," aniyang awtomatikong humarap sa 'kin.

Napaatras ako. "Hindi ko sinabing sa 'kin!"

Umawang ang labi niya. "You're not expecting me to kiss other girls, aren't you?" kunot-noong aniya na animong nandidiri pa.

"Of course not!"

"I should kiss you, then."

"No! Move!" tinabig ko siya saka ako nagsuot ng underwear sa likuran niya. "'Wag kang tumingin!"

Narinig ko siyang bumungisngis. Sinamaan ko siya ng tingin saka ako dali-daling nagbihis. Naglagay lang ako ng kaunting moisturizer saka patalon na nahiga sa kama.

"Tsk!" asik niya matapos kong gawin 'yon. Bihis na siya at nahinto lang sa pagtutuyo ng buhok.

"What?"

"Don't do that, Yaz," seryoso nang aniya.

"Why?" kunot-noong tugon ko.

Bumuntong-hininga siya saka ibinato sa kung saan ang towel. Sumampa siya sa kama at hinaplos ang tiyan ko. "Please..." mahinahong aniya.

Nagugulat kong tinapik ang kamay niya. "Ano ba!"

"We're not sure yet but please...be careful,"nakikiusap talagang sabi niya. Natigilan ako saka nag-iwas ng tingin. "Let's buy a new phone."

"Where?"

"Anywhere," buntong-hininga niya. "We'll use the chopper. Let's go."

Lalo kong ibinaon ang ulunan ko sa unan. "Inaantok ako, eh..."

Sandali siyang napatitig sa 'kin saka natawa. Inihilig niya ang ulo sa kamao saka nakatagilid na tumunghay sa 'kin. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na naroon sa noo at pisngi ko saka pinadaan ang daliri sa labi ko.

"Aren't you craving for something?" mahina niyang tugon.

Nakalabi akong bumuntong-hininga saka tumitig sa kisame. "Hmm..." nakagat ko ang aking daliri habang nag-iisip.

"Hmm?"

"Salad..." nakanguso kong sabi saka sumulyap sa kaniya.

Nakita ko nang tumiim ang mukha niya. "That's not good for you."

"Who told you?"

"Well, it's sauce is..."

"What?"

"Not healthy."

Tumalim ang tingin ko. "'Yon ang gusto ko."

"No," mahinang aniya saka inalis ang daliri kong naroon lang sa aking labi. Saka niya inalapit ang mukha sa 'kin. "You want me."

Bahagya ko siyang itinulak. "Salad ang gusto ko, Maxwell."

Marahas siyang bumuntong-hininga saka nahiga sa tabi ko. "Fine." Inis siyang humalik sa sentido ko saka bumangon. Kumuha siya ng black shirt sa cabinet saka isinuot 'yon.

Napangiti agad ako. "Gagawan mo 'ko?"

"I'll try my best," aniya saka iniwan ako sa kwarto.

Gano'n na lang ang pag-usbong ng tuwa sa dibdib ko, nakakapanibago! Pero talagang tuwang-tuwa ako. Pakiramdam ko ay may gumuhit na asim sa panlasa ko at bigla akong naglaway. Kagat-labi kong in-imagine sa kisame ang magiging itsura ng salad at kung anong magiging lasa.

Dumapa ako sa kama at saka tamad na inabot ang remote. Nang hindi ko mapagtagumpayan 'yon ay gumulong ako para mas maabot 'yon. Naghanap ako ng food channel at hinintay na magpalabas ng salad. Pero ilang minuto na ay wala pa akong nakikitang salad sa mga pagkaing ipinakikita roon. Sa huli ay nagdesisyon akong bumaba at sundan si Maxwell.

Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung gaano kagulo ang kitchen!

"Ano 'to?" nagugulat kong gilalas.

Sinuyod ko ng tingin ang bar island. Naroon ang may iba't ibang sukat ng stainless bowl. Sa pinakamalaki ay naroon ang iba't ibang gulay. Sa katamtaman ang laki ay naroon ang iba't ibang prutas. Sa pinakamaliit naman ay hindi ko makita ang laman.

"What are you doing?" tanong ko.

"Why didn't you wait for me?" kunot-noong aniya matapos lumingon sa 'kin.

Lalong nanlaki ang mga mata ko nang makitang puno na ng hindi malamang powder ang mukha niya. Meron sa pisngi, sa baba, ilong at noo!

"Ano ba'ng ginagawa mo?" nakapamaywang ko siyang sinugod. "Bine-bake mo ba ang salad?"natawa ako.

Inis niya akong sinulyapan. "Sit down."

"No, let me see what you're doing." Pinagkrus ko ang mga braso at mataray na pinanood siya.

Napangiwi ako nang kunin niya ang cucumber at mabilis na hiwain ang mga iyon saka inilagay sa strainer. Sunod niyang hiniwa ay red bell pepper.

"Not too much, I don't like that," sabi ko na naglalaway na samantalang iyon pa lang ang aking nakikita.

Nadilaan ko ang aking labi nang makita siyang maghiwa ng strawberries. Nakagat ko na ang aking labi nang isunod niya ang kiwi at grapes.

Hinugasan niya ang lahat ng iyon saka isinalansan sa stainless bowl na maliit. Kumuha siya ng panibagong bowl at pinaghalo-halo doon ang lime juice, olive oil at salt. Saka niya marahang ibinuhos iyon sa stainless bowl. Hinalo niya iyon nang nakatingin sa 'kin, tuloy ay nakita niya akong maglaway doon kaya napanguso ako.

Sumimangot ako nang pagtawanan niya ako. Sa halip ay lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Inis ko siyang itinulak saka ko muling itinuon ang paningin sa kaniyang ginagawa.

Doon pa lang niya dinampot ang lettuce. Gamit ang kutsara ay marahan niyang inilagay ang salad sa dahon. Saka niya isa-isang inilagay sa mahabang serving plate iyon.

"That is so fetch..." naglalaway na talagang sabi ko. "I want to taste it now, Maxwell."

"Not yet done, baby," seryosong aniya, ang paningin ay naroon lang.

Kunot-noo niyang kinuha ang iba pang prutas; riped mango, banana, melon, cherries, kiwi, watermelon at papaya. Saka niya nilagyan ng all purpose cream sa gitna na kumalat agad sa mga prutas.

Matapos no'n ay pinindot niya ang blender na may laman nang yelo. Ilang saglit pa ay inilagay niya ang mixed berries hanggang maging smoothie.

"Hala..." naitikom ko ang aking mga labi habang ang magkahawak ang kamay na naroon sa ilalim ng aking mukha. "Yummy..." pinagkiskis ko ang aking mga palad habang pinanonood siyang ilagay sa wooden tray ang mga iyon.

"Go back to our room," aniyang naroon ang paningin.

"You need help?"

"I only need you," aniyang tinaliman ako ng tingin saka sumenyas na umakyat na ako.

Awtomatiko akong sumunod, pinangunahan siya. Iniwan naming marumi ang kitchen at parehong walang pakialam. Pareho naming ayaw sa marumi, siguradong-sigurado ako roon. Pero sa sandaling ito, iyong pagkain lang na hawak niya ang iniintindi ko.

Panay ang lingon ko sa kaniya habang dahan-dahang nangunguna sa paglalakad. Walang kahirap-hirap na binitbit ni Maxwell ang wooden tray pero 'ayun ako at nakabantay sa bawat hakbang niya. Na para bang natatakot pa ako na baka madapa siya at mapaano ang aking meryenda.

Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalis ko pa ang comforter sa kama para mailapag niya ang pagkain ko nang maayos. Pinagkiskis kong muli ang aking mga palad nang makaharap ang mga 'yon.

"This is so fetch!" tili ko, dinig ko siyang bumuntong-hininga. "Hala, ano ang uunahin ko?"nalilito talagang sabi ko. Hindi ako makapili sa mixed fruits and veggies salad, fruit salad at smoothie.

May kinuha siya sa gilid ng tray at sa pagkamangha ko ay straw iyon. Inilagay niya 'yon sa smoothie saka inilahad sa 'kin.

"Drink," aniya pa.

Humigop ako roon pero hindi pa rin nahinto sa pagpapalitan ang paningin ko sa mixed fruits and veggies salad at fruit salad.

"Mouth-watering..." naglalaway talagang sabi ko. "Thank you, Maxwell!" masayang sabi ko, ang paningin ay hindi na talaga maaalis doon.

"Eat," pabuntong-hininga niyang sinabi.

"It looks so delicious!"

Matunog siyang bumuntong-hininga saka dinampot ang spoon at sumandok. Nanlaki agad ang mga mata ko saka nangangatal ang mga paa na maisubo niya iyon sa 'kin!

Pero sa halip ay inilayo niya ang spoon dahilan para unti-unti muling sumama ang mukha ko. Inilapit niya ang mukha at inginuso ang labi sa 'kin. Napangiti ako sapagkat iyon lang pala ang kailangan niya. Dinampian ko ng halik ang kaniyang labi habang ang paningin ko ay hindi naaalis sa spoon na may lamang fruits.

Sinenyasan ko isubo na ang fruit salad sa akin na natatawa niyang ginawa. Halos mapaungol ako sa satisfaction matapos iyong malasahan.

"Ang sarap..." emosyonal kong sinabi.

Nakita ko nang kagatin niya ang labi kasunod ng pagbuntong-hininga. Isinenyas ko ang mixed fruits and veggies. Sandali pa siyang nagulat saka iiling-iling na sumunod sa 'kin.

"Aahh! Ang sarap-sarap, Maxwell!" sabi ko matapos 'yong matikman.

Nakita ko siyang mapapikit saka muling nasundan nang malalim na buntong-hininga. Sa halip na pagtuunan siya ng pansin ay dinampot ko ang smoothie at muling humigop doon. Itinuro ko ulit ang fruit salad na awtomatiko niyang sinandok upang isubo sa 'kin.

"Ang sarap...sarap..." napapaungol ako sa lasa niyon, nakamot niya ang sentido. "Ikaw, anong kakainin mo?" inosente kong tanong.

Nahinto ako sa pagnguya nang pukulin niya ako nang matalim na tingin. "Ikaw."

Nakagat ko ang aking labi upang makuha ang mga dumamping cream doon saka natitigilang nilunok ang laman ng bibig ko.

Ako raw...? Napalunok pa ako at nakaramdam ng kung ano bago muling naituon ang paningin sa kinakain. Pero hindi na nawala ang sinabi niya sa isip ko.

Nararamdaman ko ang tingin ni Maxwell sa akin habang inuubos ko ang inihanda niya. Na para bang hinihintay niya talaga akong matapos dahil may gagawin pa siya sa akin.

"Gusto mo?" tanong ko matapos sumandok ng fruit salad. Ngumiwi siya dahilan para isubo ko iyon sa kaniya.

Nakagat ko ang aking labi nang makita ang ilang cream na mapunta sa gilid ng labi niya. Pinunasan niya 'yon ng daliri saka dinilaan iyon. Wala sa sarili kong naisubo ang spoon at inipit iyon ng mga labi ko.

Natigilan siya at tumingin sa 'kin. "What?"

Umiling lang ako saka muling sumandok sa fruit salad. Mauubos na 'yon, hindi ko man lang napansin. Pakiramdam ko ay kaya ko pang kumain ng limang bowl ng mga iyon.

"You're so matakaw," natatawang aniya matapos humiga sa harap ko.

Ngumuso ako. "Baka tumaba ako?"

Ngumiwi siya. "Go ahead."

"Psh! E, di inayawan mo na 'ko?"

"Why?"

"Kasi mataba na 'ko."

"Hindi naman nakakataba ang mga 'yan."

"Pero...okay lang ba sa 'yo na tumaba ako?"

Nilingon niya ako. "I will love you no matter what shape you are." Saka siya lumingon sa television.

Napangiti ako saka palihim na bumungisngis. "I'm done na," anunsyo ko.

Bumangon siya. "Okay, my turn." Binuhat niya ang wooden tray at inilagay sa labas ng kwarto.

Natigilan ako. "What?"

"I will eat," nakangisi niyang bulong saka ini-lock ang pinto, napako doon ang paningin ko. Napalingon ako nang hubarin niya ang shirt at hinaan ang aircon.

Napalunok ako nang sumampa siya sa kama at halikan ako sa tuhod bago muling lumapit sa 'kin.

"I love you," hindi ko inaasahang maririnig iyon sa kaniya, talagang natigilan ako at nalabanan nang wala sa oras ang mga titig niya.

"Maxwell..."

"I love you so much," pabulong niyang dagdag.

"Hindi nawawala ang alaala mo?" umaasang tanong ko.

Umiling siya. Pero bago pa man ako nakapagsalita ulit ay sinalubong niya na ng halik ang labi ko. Halik na gano'n na lang katindi ang pananabik na kahit anong lalim ay malambing pa rin ang dating.

Naiyakap ko ang mga braso ko sa kaniya, pilit siyang inilalapit sa 'kin pero naramdaman ko ang pagpipigil niyang madaganan ako.

"You're my fresh salad and my favorite sauce,"bulong niya saka humalakhak nang bahagya sa pandinig ko.

Nahihiya kong pinalo ang braso niya. "Amaw!"

Ang sandaling iyon ay nauwi sa pagkain niya, higit na mas matagal sa inilaan kong oras ng pagkain, makrema.

"Sing me a song," sabi ko nang pareho kaming mahiga at parehong ipahinga ang katawan matapos ang nakapapagod na sandali.

"Now?" parang hindi pa siya makapaniwala. Awtomatikong nawala ang ngiti at lambing sa aking mukha. "Sure," tumiklop agad siya at napipilitang tumayo.

Lumabi ako nang bumuntong-hininga siya pero awtomatiko siyang ngumiti kaya napangiti na rin ako.

"So, lahat kayo niloloko lang ako?" hindi niya inaasahan ang tanong ko nang naglalakad na kami sa hallway papunta sa hagdanan.

"I told you I hate that word," pabuntong-hininga niyang sabi, nagpapasensya na lang sa 'kin.

"Oh, sige, paano mo pagagandahin 'yong pinaniwalaan, iniyakan at dinamdam kong amnesia mo?" mabilis, walang hingahan kong tanong.

Bumilib siya, napanganga habang nakatitig sa bibig ko na para bang inaalam kung paanong nakapaglabas 'yon nang gano'n kabilis na mnga salita nang hindi humihinga.

"Well," bumuntong-hininga siya. "We need an alibi to cover up Maxrill's...wrongful act," mahina niya iyong sinabi.

"Sino-sino ang may alam?"

"My family and Bentley, and of course, you."

Ngumusi ako, sinamaan siya ng tingin. "Ang sama mo."

"I'm sorry."

"Masama ka."

"Baby, I'm really sorry. I need to do it for Maxrill."

Gusto kong magmaktol na mas pipiliin niyang magsinungaling sa 'kin para sa kapatid niya. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang magdamdam. Lahat kasi 'yon ay natakpan ng katotohanang palabas niya lang ang lahat. Mas natuwa pa ako sa katotohanang sa unang pagkakataon ay nahulaan ko siya. Na tumama ang kutob ko.

"Naay gaba 'yan, bantay lang ka!" kapagkuwa'y banta ko.

"What?" asik niya.

Napahalakhak ako. "Ibig sabihin no'n, gwapo ka."

"Ang haba naman?"

Nakagat ko ang labi ko nang iba ang mapakahulugan doon. "Ang haba nga," sabi ko na sinulyapan ang trono niya.

"Hmm?"

"Hmm." Pinandilatan ko siya saka itinulak pababa ng hagdanan. "Sing for me."

"Arasseo," pabuntong-hininga na naman niyang sinabi. "But after this, return the favor."

"What do you mean?"

"Let's go to the doctor."

"Why?" kinabahan ako.

"I wanna make sure you're pregnant."

"No," huminto ako sa pagbaba.

Nagugulat niya akong nilingon. "Baby..."

Umiling ako. "Ayaw ko." Saka ko siya tinalikuran. "Ayaw na kitang marinig kumanta. Bye."

"Yaz?" kinuha niya ang braso ko. "Fine."

Napangiti ako habang nakatalikod sa kaniya at ngumuso na lang ulit matapos siyang harapin. "'Wag mo kasi akong pilitin sa ayaw ko."

"Hindi na." Hinawakan niya ang kamay ko saka ako dinala sa corner kung saan naroon ang bagong-bago na grand piano.

Naroon iyon sa tabi nang malaking bintana, mula sa floor hanggang sa mataas na ceiling. Kinuha niya ang remote at pinindot iyon. Namamangha kong pinanood ang curtain na mag-isang bumukas.

"Woah..." hindi ko talaga naiwasang humanga, ngayon ko lang iyon nakita.

Muli pa akong namangha nang tuluyan niyang alisin ang cover cloth ng piano! "Oh, my God!" tili ko. Natutop ko ang aking bibig nang makitang pink iyon! Hindi iyon makikita dahil bukod sa malaki ang cover cloth ay itim ang paa na siya lang nakalabas.

Nagugulat ko siyang tiningnan, natawa siya sa 'kin. "You like it, huh?" tanong niya.

Sa halip na sumagot ay patakbo akong yumakap sa kaniya, napakaarte. "I love you, Maxwell," sabi ko nang ang paningin ay naroon sa grand piano.

"Tsh," asik niya saka iniharap ang mukha ko sa kaniya. "I...am Maxwell Laurent del Valle," aniyang nakatingin sa aking labi, patay na patay. "That," itinuro niya ang grand piano, "is Maxxene."

Waah... Hindi talaga ako maubusan ng paghanga.

Ngumiti siya sa 'kin at saka ako inalalayang maupo. Para akong maiiyak sa ganda ng piano na iyon. Hindi mapakali ang mga mata ko.

Nagsimulang tumugtog si Maxwell, gano'n na lang ang pagngiti ko nang halos makaabot sa puso ko ang ganda ng himig niyon. Pero gano'n na lang ang pagkadismaya ko nang unang buka pa lang ng bibig niya ay hindi ko na naintindihan ang kanta. Ngunit para hindi siya mapahiya, pinilit kong ngumiti at makisabay sa indayog niya na para bang may naiintindihan ako.

"How was it?" ngiti niya nang matapos.

Pinigilan ko ang sariling mag-rap. Sa halip ay inalis ko ang kamay niya sa tiklado at ako ang tumutog doon. Gaya ng inaasahan ko ay humanga rin siya.

"Yeah, you know to play piano, huh?" aniyang ang paningin ay nasa kamay ko.

"Psh. Of course, hindi pwedeng beautiful face and beauty queen body lang ang meron ako. Importante rin ang talent at talino. Mas matalino nga lang sa'kin ang kapatid ko. Pero mas maganda ako sa kaniya."

"Agreed."

Ngumiti ako saka sinimulang kumanta. At gaya rin ng inaasahan ko ay siya naman ang nadismaya ng kantahin ko sa bisaya ang sariling composition ko.

Ang akong gugma ay para ra ka nimo

Bisag masakitan pa

Dili gyud kapuyon bisag kanus-a

Kanunay hinumdom ra

Ang akong gisulti na, oo...

Gihigugma taka...

"Okay..." natatawa niyang sabi. "This is why we're bagay. We're both weird, huh?"

Hindi ko matanggap ang huling sinabi niya. Pero ang katotohanang mapapabilang na ako sa kanilang pamilya, hindi malabong maging wirdo na rin akong tulad nila. Nakikita ko na ang ilang pagbabago kay Deib Lohr nang ikasal sila ni Maxpein.

Nasa ganoon kaming sitwasyon nang tahimik na dumating ang pamilyang Moon. Excited kaming lumapit ni Maxwell upang salubungin sila. Ang paningin nilang lahat ay naroon sa magkahawak naming kamay ni Maxwell. Habang ang paningin ko ay naroon sa nasisiguro kong karton-kartong pizza na hawak ni Maxrill.

"Gusto ko 'yan," sabi ko kay Maxrill.

Nagugulat niya akong pinukol ng tingin. "This is cheap."

"I said...I want that. I don't care if it's expensive or cheap, Maxrill. Give me some," mataray kong sinabi.

Pinagkunutan niya ako ng noo. "Dude, we went to Laguna for this."

"Maxrill Won," istriktong pagtawag ni Maxwell. "Give her a box, dongsaeng, please."

Pinagkunutan ng noo ni Maxrill ang kuya. Nang sulyapan niya naman ako ay nakangisi ko siyang pinagtaasan ng kilay saka ko inilahad ang kamay ko.

"I want two boxes," sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni Maxrill. "No way, lady. Go to Laguna and buy your own pizza."

Nilingon ko si Maxwell saka ako nakangusong pinangiliran ng luha. "Baby..." maiiyak nang sabi ko.

Hinawakan niya ang ulunan ko saka ako iniyuko sa kaniyang balikat. "Give me two boxes, Maxrill Won,"pag-uutos ni Maxwell, palihim akong nangiti.

"Hyung..." nakikiusap na ani Maxwell. "I went to Laguna for this."

"You went to Laguna for a girl, Maxrill Won,"asik ni Maxwell, napangiwi ako saka palihim na natawa. "Hand me the pizza."

"In exchange to what?" ani Maxrill, negosyante talaga.

"A land," maagaw na sagot ni Maxwell, napasulyap ako sa kaniya. Seriously? "Give it to me."

"Two boxes are too much for her!" asik ni Maxrill.

"Bigyan mo na, king ina," asik ni Maxpein saka naupo sa sofa. Gano'n na lang kaganda ang pagngiti ko sa kaniya.

Pero unti-unting nabura ang ngiti sa mukha ko nang malingunan sina Tito More at Mokz na may nagtatakang tingin. Naitikom ko ang aking bibig nang si Tita Maze na ang may nagtatakang tingin sa akin. Nang maibigay ni Maxrill ang pizza ay nakihilera siya sa mga ito at pinukol din ako ng pagtataka sa kaniyang mga mata.

Inakbayan ako ni Maxwell. "She's pregnant,"masayang anunsyo niya!

Nagugulat ko siyang nilingon. "Maxwell?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Patay ka diha, Yaz!

Hindi ko na nagawa pang lingunin ang pamilya niyang naroon sa harapan ko. Nanatili akong nakalingon kay Maxwell, halos gustuhin ko uling ibaon ang aking mukha sa kaniyang balikat dahil sa naghahalong takot at kahihiyan.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji