CHAPTER 58
CHAPTER 58
NAGLAKAD PAPALAPIT si Maxwell, dumampot ng tissue paper saka iniabot sa 'kin.
"Thank you," pinunasan ko agad ang bibig ko.
Hindi niya inalis ang tingin sa 'kin, nagtatanong, nangangapa, hinuhulaan ang sagot sa nakitang ginawa ko.
"Hindi maganda ang pakiramdam ko,"nag-iwas ako ng tingin.
Totoo 'yon. Hindi ko maintindihan kung bakit tila bumabaliktad ang sikmura ko. Parang ang init ng katawan ko at para akong naliliyo.
Damn it! Wala pa man ay namomroblema na 'ko.
Mabilis ko siyang tinalikuran at saka ako nag-toothbrush. Sinubukan kong balewalain ang presensya niya pero naiilang ako sa ginagawa niyang panonood sa 'kin. Kaya naman mabilis kong tinapos ang ginagawa.
Tatalikuran ko na sana siya nang mapaliti ako matapos niya akong buhatin!
"Put me down, Maxwell!"
Pero sa halip na makinig ay inihiga niya ako pabalik sa kama. Sa gitna mismo. Saka siya naupo at tumunghay sa 'kin. Ang pareho niyang braso ay pinaggigitnaan ako.
Napalunok ako. "Maxwell..."
"Now you're pregnant."
Pinandilatan ko siya. "Hindi," alanganin kong sagot. "Hindi lang talaga m-maganda ang pakiramdam ko."
"That's normal."
"Hindi pa ako sigurado, okay?" kabado kong sagot.
Kabado hindi lang dahil sa takot na baka ikapahamak namin 'tong pareho, maging ng kaniyang pamilya. Bukod doon ay nag-aalala ako na baka kuwestiyunin niya kung sa kaniya 'yon.
Sinikap kong bumangon. "Ipagluluto kita ng breakfast."
"No," giit niya saka bumuntong-hininga. "I'll cook for you."
Natigilan ako. "Maxwell," pinigilan ko siya sa braso. "Ako na. I'm alright."
"Your ulo's kinda matigas, huh?" ngisi niya, natigilan na naman ako. "Stay here, I'll cook." Tumayo siya at dere-deretsong naglakad papunta sa pinto.
"Dapat ay nagpapahinga ka pa!" pahabol kong sinabi.
"Walang nakakapagod sa pagluluto, Zaimin Yaz," istriktong aniya saka ako tuluyang iniwan.
Nalilito akong napatitig sa pinto. Zaimin Yaz... Hindi ko na matandaan kung kailan niya ako huling tinawag nang gano'n. Natitigilan akong napatitig sa kisame. Am I pregnant? Ilang sandali pa ay nasapo ko na ang aking noo. What am I going to do?
'Ayun na ang magkakasunod na tanong na nabuo sa isip ko. Paano kung makarating ito kay Maxpein? Paano kung makarating ito sa bansa nila? Ano ang mangyayari sa mga Moon? Tatanggapin ba ito ni Maxwell? Paano kung hindi? Paano kung maging dahilan ang baby na ito sa tuluyang paghihiwalay namin?
Damn it! Mabilis na nangilid ang mga luha ko at wala akong ibang sinisisi kung hindi ang aking sarili. Natagpuan ko na lang ang aking sarili na humihikbi.
Napabaluktot ako sa kama at saka nagtalukbom ng comforter. 'Ayun na nga ang pagsisisi sa dibdib ko. Hindi ko inaasahang ang ganitong magkakasunod na problema.
Nakatulugan ko ang pag-iyak at sobrang pag-iisip. Nagising na lang ako nang may maupo sa tabi ko. Namulatan ko si Maxwell na nakatitig sa akin. Dali-dali akong napabangon.
"Maxwell..." ang sarap paulit-ulit na banggitin ang pangalan niya. Iyon ang pinakamagandang pangalan sa buong mundo para sa 'kin.
Mapapalitan lang siguro iyon kapag dumating na si Maximillian Laurentius.
Napalingon ako sa wooden bed table na naroon sa kabilang tabi ko. Sandali akong natigilan saka napangiti sa breakfast na niluto niya. Dalawang egg, dalawang malalaking sausage, toasted bread at bacon. 'Yong mga tinatawag niyang unhealthy foods. Meron din namang glass of milk and water, tea at coffee saka hiniwang mga prutas.
"Thank you," ngiti ko.
Binuhat niya ang wooden table saka inilagay sa gitna namin. Sinimulan niyang hiwain ang mga pagkain, tinuhog ng fork ang sausage saka akmang isusubo sa akin.
"Eat," iyon lang ang sinabi niya.
Napatitig pa ako sa kaniya saka isinubo iyon. "Thank you."
Sa halip na sumagot ay inabutan niya ako ng tissue paper. Pinanood ko siyang humiwa ng bacon sa ipinatong sa toasted bread iyon. Hiniwa niya ang parte ng bread na may bacon saka tinuhod pareho iyon at isinubo sa akin.
"Let me do it," kinuha ko ang fork sa kaniya.
Kunot-noo akong napatitig sa pagkain. Ano't naging sweet naman siya bigla? Pabuntong-hininga kong sinulyapan si Maxwell, hindi niya inaalis ang tingin sa akin.
"You're pregnant," sabi na naman niya!
Nangunot ang mukha ko. "Sinabi nang hindi, e!" wala sa sariling asik ko.
Tumaas ang isang kilay niya. "I am a doctor."
"I'm a nurse," mataray kong tugon.
"You're a pregnant nurse, then."
Inis kong inilapag ang fork. "Sinabi nang—"
"Let's go downstairs, then," hamon niya.
Natigilan ako. "Hindi...na kailangan," nag-iwas ako ng tingin saka itinuon na lang sa pagkain at nagpatuloy.
"You're pregnant."
"Ang kulit mo naman, e."
Pinagkrus niya ang mga braso. "What's wrong with being pregnant?" nakangisi niyang tanong. Parang lalo akong mahihilo dahil naghahalo ang inis, pangamba at paghanga ko sa kaniyang itsura.
Paano nangyaring bagong gising siya pero tila bagong ligo? Paano?
"Bawal iyon sa bansa ninyo,"kapagkuwa'y sabi ko, hindi na maipinta ang mukha.
"Tsh," nag-iwas siya ng tingin saka matunog na tumawa. "What do you know about my country?"
Natigilan ako sandali. "Kaunti lang ang nalalaman ko pero...alam kong isa 'to sa mga bawal."
"Iyong unang babaeng pinaanak ko ay taga-roon sa Emperyo."
Humanga na naman ako, nakakainis. "So?"
"So..." ginaya niya ang aking tono. "It's not bawal to get pregnant."
He's frustrating! "I'm not saying na it's bawal to get pregnant, Maxwell," humugot ako ng hininga, kailangan kong magpasensya pero nag-iba bigla ang aking timpla. "What I'm saying is..."
"After the wedding," siya ang nagtuloy sa dapat ay sasabihin ko.
Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ang inis ko ay biglang napalitan ng hindi maipaliwanag na emosyon. Nag-iwas ako ng tingin nang mabilis gumuhit ang aking mga luha.
"You're pregnant," sabi na naman niya.
Gano'n na lang kabilis bumalik ang inis ko. "Nakakainis ka na, ah!"
Natigilan siya at napatitig sa 'kin. "Am I?"malungkot niyang tanong, natigilan ako. "I'm sorry."
"Maxwell," bigla ay nahaplos ko ang mukha niya. "I'm sorry, I didn't mean to say that."
Nalilito akong tumitig sa kaniya. Pakiramdam ko ay bigla siyang bumalik sa dati, kung ano kami. Gustuhin ko mang itanong kung bumalik na ang alaala niya ay hindi ko kayang tanggapin kung hindi pa.
"Go ahead and finish your food," utos niya.
"You should be eating too."
"Yeah, but I think that's kulang pa sa 'yo."
Sumama ang mukha. "I'm not that matakaw, 'no."
"Not yet, but you will be."
"What?"
"That's normal."
"So, what are you trying to say?"
Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "You're pregnant." Awtomatiko siyang umiwas nang akma ko siyang papaluin, hinuli ang kamay ko. "Easy...eat."
"Galit na 'ko," tiim-bagang kong sabi.
Ngumiwi siya saka inilapit ang mukha sa 'kin. "You're not." Kinuha niya ang fork sa akin saka hiniwa ang egg at isinubo sa 'kin.
"Why are you doing this?" masama ang mukhang tanong ko.
Tiningnan niya ako. "Because—"
"I'm pregnant?" inunahan ko siya, naghahalo ang inis at pagtataray.
Umangat muli ang gilid ng kaniyang labi. "Yes, and aside from that, you are engaged to me."
"You can't even remember anything."
Sumeryoso siya bigla at nagbaba ng tingin sa fork. "Yaz, I'm trying."
Napatitig ako sa kaniya, nalilito. Hindi ko maintindihan kung bigla ay nagbago ang pakiramdam ko. May kung ano sa aking tinitimbang ang mga kilos niya. Binalikan ko 'yong sandaling magising siya at hanaping bigla si Keziah. Maging ang sitwasyon kung saan, relasyon lang namin ang nalimutan niya.
Humugot ako ng hininga, pinipigilang maiyak. "You're confusing me, Maxwell."
"With what?"
"Hindi mo ba talaga maalala?"
Tumitig siya sa 'kin. "Now you're suspecting me."
Hindi ko nagawang sumagot agad, nilabanan ko ang mga titig niya. Ako ang sumuko. Itinuon ko iyon sa pagkain at hindi na muli nagsalita pa. Galit man ay sinusubuan ko siya. Masama ang loob niya ay paulit-ulit niya rin iyong nginunguya.
"I'm going downstairs for a few minutes,"mayamaya ay paalam niya matapos maligo.
Napatitig ako sa kaniya, pinanood siyang magmadaling kumilos. Para makita si Keziah?Nag-iwas ako ng tingin. "Okay." Iyon lang ang isinagot ko. Balewala naman sa kaniya.
Lumapit siya sa television at binuksan iyon. Inilabat niya ang cable channel at naghanap ng pambata. Naiinis, kunot-noo ko siyang sinulyapan. Naroon naman sa TV ang paningin niya, nilalakasan ang sounds. Napansin lang niya ang masamang tingin ko nang ilapag niya sa tabi ko ang remote.
"What now?" nagtataka niyang tanong, ang kamay ay naroon sa shirt na hindi pa naibubutones.
"Kids show, really?" inis kong tanong.
Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "Well, for the baby," ngisi niya.
"I am not pregnant, Maxwell," inis kong sabi.
Lumaylay ang mga balikat niya. "Fine."Pabuntong-hininga siyang lumapit sa vanity at doon ibinutones ang shirt niya.
Nakonsensya ako pero hindi ko pwedeng hayaan siyang ganoon ang isipin. Kailangang makumpirma ko muna ito. Dahil kung hindi ay pareho kaming mapapahamak. 'Buti sana kung ako lang. Ayaw kong madamay ang kanilang pamilya. Ayaw ko silang bigyan ng panibagong problema.
"I'm leaving," paalam niya nang nasa pinto na. Walang kiss, walang yakap, iyon lang.
Tumalikod ako sa gawi niya. "Okay."
Ilang saglit pa bago ko naramdamang sarhan niya ang pinto. Gusto ko tuloy isiping matagal niya pa akong tiningnan.
Samu't saring isipin na naman ang nakapagpatulo ng mga luha ko hanggang sa makatulugan ko na naman 'yon. Nagising lang ako nang mag-ring ang cellphone ko. Si Tito More ang tumatawag.
"Yes, tito?" sagot ko.
"Yaz, hija, where's Maxwell? He's not answering my calls."
Bumangon ako at hinanap siya sa buong bahay. "Nagpaalam siya kaninang bababa sa hospital at babalik din agad, tito," nag-alala tuloy ako.
Bumuntong-hininga si tito sa kabilang linya. "I'll look for him. Susunduin na rin kita. Doon na tayo sa bahay ninyo tutuloy."
"Sige po, tito." Iyon lang at pinutol na niya ang linya. Inis ko namang sinulyapan ang buong bahay. Ang sabi niya ay babalik siya agad? For a few minutes, huh?
Nakasimangot akong dumeretso sa bathroom at naligo. Hanggang doon ay pinuno ako ng isipin. Hindi ko man lang nakumusta sina Susy, Mitch at Raffy. Maging ang pagpunta at pagtatrabaho rito ni Katley ay hindi ko na naasikaso. Hindi ko alam kung paanong maaasika iyon ngayon gayong nasa ganitong sitwasyon kami ni Maxwell. Hindi siya makaalala at sa tingin ko ay nagdadalantao ako.
Mabilis akong nagbihis at bumaba sa ospital. Gano'n na lang ang tuwa ng mga nakakilala at nakakita sa akin. Sandali akong nakipagkumustahan sa mga ito saka ko hinanap si Maxwell. Gayong hindi ko naman na kailangang magtanong. Paniguradong naroon ito sa kaniyang opisina.
Sa labas pa lang ay natanaw ko na si Maxwell. Napabuntong-hininga ako nang makitang si Keziah ang kaniyang kasama. Naroon sila sa balcony, parehong may hawak na iced coffee at nakangiti sa isa't isa.
Nagtalo ang damdamin ko kung talilikuran at iiwan na lang ba sila o pupuntahan. Sa huli ay humugot ako ng hininga saka pinagbuksan ng sarili. Ganoon na lang talaga siguro sila katutok sa isa't isa na hindi nila ako namalayan, sa kabila ng matunog kong four inches na heels.
"Maxwell," pagtawag ko. Sabay na nabura ang mga ngiti sa labi nila, ang sakit sa dibdib no'n. "Your dad is coming."
"Why are you here?" kunot-noo niyang tanong.
Napamaang ako sa kaniya. "Why am I here?" hindi ko napigilang magtaray.
"No, I mean," bumuntong-hininga siya saka lumapit sa 'kin. "Ang sabi ko ay magpahinga ka."
"Wala kang sinabi," mataray ko pa ring tugon.
"You're not feeling well."
"Pero wala ka pa ring sinabing magpahinga ako."
"But you should be resting."
"Ikaw rin," mas mataray kong sabi saka sinulyapan si Keziah na noon ay nakababa na ang tinign.
"Great, now we're arguing."
"Dahil ang sabi mo ay ilang minuto ka lang."
"I was about to go—"
"Really?" hindi ako nagpakita ng emosyon. Pairap kong inalis ang tingin sa kaniya saka ibinaling iyon kay Keziah. Nang mag-angat siya ng tingin sa 'kin ay pairap ko ring inalis ang tingin saka ko sila tinalikuran.
"Yaz," awtomatikong humabol si Maxwell ngunit hindi ko siya hinarap. "Zaimin Yaz."
Nagdere-deretso ako sa paglalakad papunta sa elevaror. Pinagkrus ko ang aking mga braso saka tiningala ang monitor na nagsasabi kung nasaang floor na iyon.
"Yaz," nakikiusap ang tinig ni Maxwell. "We were just talking." Hindi ako sumagot, hindi nagbago ang aking itsura. "Kumain ka na?" Hindi ko pa rin siya sinagot.
Sa halip ay tumuloy ako sa elevator nang bumukas iyon. Nakita ko siyang sumunod bagaman wala sa kaniya ang aking paningin.
"I'm sorry," kapagkuwa'y aniya. Lumambot ang puso ko kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. "Please talk to me—"
"Do whatever you want, Maxwell."Masakit para sa 'king sabihin 'yon pero nakakagulat na hindi man lang nangilid ang luha ko.
Mula sa salamin sa aming harapan ay nakita ko siyang napatitig sa 'kin. "Please don't say that."
"You're already doing whatever you want," natatawa kunyari kong sabi saka pairap na ibinaling ang tingin sa kaniya. "Alam mong hindi pa maayos ang lagay mo. Hindi mo na ba matiis na hindi makita at makasama si Keziah?" mas masakit ang sabihin 'yon.
Muli siyang natigilan at napabuntong-hininga. Nag-iwas siya ng tingin ngunit hindi na nagsalita. Nauna siyang lumabas sa elevator at doon lang namuo ang aking mga luha. Mabilis kong pinindot ang elevator nang hindi bumababa.
"Yaz!" dinig ko pang pagtawag niya ngunit tahimik na lang akong naluha.
Damn it!
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago pa ako makarating sa ground floor. 'Buti na lang dahil papasakay na sana si Tito More kung hindi ako nakita.
"Where's Maxwell?" nagtataka niyang tanong. "He's not answering my calls."
"Pumunta siya sa office, tito. Kinausap si Keziah," mapait kong sinabi saka tinanaw ang labas. "What about my things, tito?" tanong ko, ang paningin ay naroon pa rin sa labas.
"I'll ask Wilma to bring them."
"Thanks, tito. Mauna na po ako sa sasakyan."
"Sure, nandoon si Maxrill."
Ngumiti ako. "Nasa penthouse na si Maxwell."
"Great," ngiti niya saka itinurong lumabas na ako.
Hinintay kong sumara ang elevator saka pa lang nabura ang ngiti sa labi ko. Napapikit ako sandali saka lumabas. Naroon sa labas ng ospital ang itim na van ng mga Moon. Nasa unahan sina Hee Yong at Maxrill.
"From accountant to personal driver,"mapang-asar kong sabi nang makasakay.
"From engagement to amnesia, huh?"pagbabalik niya ng biro.
"You freaking kid!" talagang tumuwad ako papalapit para lang batukan siya. Nakakainis! Kahit kailan ay napakapangit nilang magbiro!
Pasalampak akong naupo at sabay na pinagkrus ang mga braso at hita ko.
"You look stunning, Yaz," aniya na sinuyod ng tingin ang kabuuan ko.
Mataray ko siyang nginisihan. "So?"
"Why didn't you choose me?"
Inis kong dinampot ang tissue box at ibinato sa kaniya. "Shut up, Maxrill!"
"You're so pikon!" tumatawang aniya saka tinanaw ang ospital.
Nalingunan ko sina tito at Maxwell, naglalakad na papalapit sa sasakyan. Gusto kong mainis dahil muli akong humanga gayong white shirt at black aviator lang naman ang nagbago sa suot ni Maxwell. Pairap kong inalis ang tingin sa kanila at itinuon iyon sa harapan.
"Mind if I sit in front?" tanong ko.
Nagugulat akong nilingon ni Maxrill. "Girlfriend ko lang ang pwedeng maupo sa harapan."
Mataray kong sinulyapan si Hee Yong. "Your dog is a he."
"He's not a dog!"
"Cat, then," mataray kong sabi saka tumayo.
Eksaktong pagbukas ni tito sa pinto ay lumabas ako. "Where are you going?" kunot-noong tanong ni Maxwell, sinadyang tumungo upang magtama ang mga mata namin.
Sa halip na sagutin siya ay binuksan ko ang pinto habang nakatingin sa kaniya. Inilahad ko kay Maxrill ang kamay, nagpapatulong makasakay, habang nakatingin pa rin sa kaniya.
"What?" asik ni Maxrill.
Naiinis ko siyang sinulyapan. "Help me!"
"Dude..." hindi makapaniwalang ani Maxrill. "Help yourself."
"You're not going to sit there," ani Maxwell.
Mataray ko uli siyang sinulyapan. "I will."
"Yaz?" nagbabanta ang tinig ni Maxwell.
Umangat ang pareho kong kilala. "What?"
Itinuro niya ang loob ng nakabukas na van. "Sit here."
Sa halip na sundin ay maarte kong inabot ang handle saka tinulungan ang aking sarili na maupo sa unahan. Maarte kong inayos ang buhok ko saka hinila ang seatbelt. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang hindi ko pa man naisasara ang pinto ay naroon na si Maxwell sa tabi ko.
"What?" mataray kong tanong. Sumenyas siyang bumaba ako. "No."
"I'm serious," aniya na muling isinenyas na bumaba ako.
Mataray ko siyang tinitigan. "Serious or jealous?"
"Baba," utos niya.
"No."
Nag-iwas ng tingin si Maxwell saka doon bumuntong-hininga. Nang walang magawa ay lumigid siya papunta sa gawi ni Maxrill. Kunot-noo ko siyang sinundan ng tingin.
"What are you doing?" asik ko.
Pero sa halip na sagutin ako ay binuksan niya ang pinto sa tabi ni Maxrill. "Baba," ito naman ang inutusan ni Maxwell.
"Hyung..."
"I said—"
"Do you know where we're going?"tanong ni Maxrill na awtomatikong napasunod.
"Maxwell," doon na nagsalita si tito. "You can't drive."
"Why?"
"Just listen to me, anak. C'mon. Leave it to Maxrill."
"I want Yaz beside me," ani Maxwell, ang mga mata ay nasa akin. Lahat kami ay nagulat. "Let's go." Muli siyang lumigid papunta sa 'kin. "I said—"
"Fine!"
"Don't yell at me."
"You're annoying."
Tumiim ang bagang niya. "Just because I want you beside me?"
"Why can't I sit in front?"
"Because I am not beside you."
"Obviously, the front seats are made for two."
"For Maxrill and Hee yong, you mean?"
"Psh, whatever!" asik ko saka akmang bababa na.
"Give me your hand."
"No."
"Give...me...your hand," aniyang para bang ganoong pinahahaba ang pasensya.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Why are you doing this?"
"Because I can," kaswal na aniya.
Saka niya kinuha ang kamay ko at inalalayan akong bumaba, wala na akong nagawa. Inalalayan niya ako hanggang sa makabalik sa loob. Nang akma akong mauupo sa kaninang pwesto ko, sa likod ng driver's seat, ay inagaw niya ang balakang ko at iniupo ako sa pandalawang silya.
"Maxwell!" asik ko.
"That's my mom's seat."
"Tita is not here."
Hindi na siya nagsalita pa at sa halip ay tumabi na lang sa 'kin. Ang sama-sama ng tingin ko sa kaniya. Ngumisi lang siya saka nag-iwas ng tingin.
Freak! Inis kong pinagkrus ang mga braso ko at tumingin sa labas. Muli kong naalala kung paano silang ngumiti ni Keziah habang nakatingin sa isa't isa habang nag-uusap kanina. Mabilis akong pinangiliran ng luha at awtomatiko rin iyong pinunasan upang hindi siya makahalata.
Sinundo namin sa Moon hotel sina Tita Maze, Maxpein at Mokz. Saka kami sabay-sabay na nagpunta sa pier kung saan naman naroon si Mang Pitong at ang kanilang yate.
Hindi ko kinausap si Maxwell hanggang sa makarating kami sa bahay. Kunot-noo ko siyang pinagmasdan na ilagay sa center table ang laman ng kaniyang bulsa. Saka ko siya sinundan ng tingin papunta sa kitchen. Nang makabalik ay may dala na siyang apat na bottled water. Ibinato niya ang isa kay Maxrill. Inilahad niya sa ama ang isa. Inilapag niya sa center table ang isa saka binuksan ang natira at inilahad sa 'kin.
"Drink," aniya na pilit inilagay ang bottled water sa kamay ko.
Masama pa rin ang tingin ko habang pinanonood siyang kunin uli ang inilapag na water at inumin iyon. Nang maubos niya iyon ng isang tunggaan ay saka siya tumingin sa 'kin habang isinasara iyon pabalik.
"I said, drink, Yaz."
"Talagang iyong sa 'tin lang ang hindi mo maalala, 'no?" mataray ngunit emosyonal kong sinabi. Hanggang ngayon ay nalilito ako.
Pinagkrus niya ang mga braso nang hindi kinakalas ang tingin sa 'kin. "What are you trying to say?"
"You're confusing me."
"Again?" masungit niyang tugon.
"Nalimutan mo ba talaga?"
"You're a giving me a headache,"matunog siyang bumuntong-hininga.
"Tsk tsk tsk," si Maxpein. "Tama na 'yan, kumain na muna tayo. Naghanda si Wilma."
"Great, I'm hungry," ani Maxwell saka tinalikuran ako.
Inis ko siyang sinundan ng tingin papunta sa kitchen. Maging ang kilos ng kaniyang pamilya ay pinanood ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay walang nagbago. Kung hindi ko iisiping nawala ang alaala niya ay para talagang walang problema. Para ngang may pinag-aawayan lang kaming dalawa.
"Misis?" tila napipikon nang tawag ni Maxwell, hindi ko inaasahan. "Are you just going to stand there?"
Misis? Nang rumehistro 'yon sa isip ko ay lalong umasim ang mukha ko. "Ewan ko sa 'yo," asik ko saka maarteng naglakad papalapit sa kaniya.
Ngunit nilampasan ko lang siya. Pinili ko iyong silya na pinaggigitnaan nina Maxpein at Maxrill upang maiwasan si Maxwell.
Ang kigwa, talagang tumayo sa puno nang mahabang mesa at magkakrus ang mga brasong tumitig sa 'kin. Ngumiti siya nang sulyapan ko siya nang masamang tingin.
"It's rude to agrue in front of the food,"makahulugang ani Maxwell. Sumama lang lalo ang mukha ko. Isinenyas niya ang silya sa tabi ng silyang naroon sa harap niya.
"No," mataray kong tugon.
"Yaz," nakangiti niyang pagtawag.
"I said...no."
"Oras na maihakbang ko ang paa ko, kakain ka nang nakaupo sa mga hita ko."
Nanlaki ang mga mata ko saka awtomatikong napatayo. Naiinis akong sumimangot nang marinig na matawa ang pamilya niya, maliban kay tita.
Masama talaga ang tingin ko habang naglalakad papalapit. Padabog akong naupo.
"Careful," bulong ni Maxwell saka naupo sa tabi ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin. "Let's talk about our marriage," hindi ko inaasahang sasabihin niya!
Nagugulat ko siyang nilingon. "What?"
Pinagtaasan niya ako ng kilay. "What's surprising about that?"
"Bakit biglaan?"
"What do you mean biglaan? I didn't say we're gonna get married tomorrow, Mrs. Del Valle."
May kung anong idinulot ang mga huling salita niya sa sistema ko, kilabot at hindi ko matanggap na kilig. Sa ganoong sitwasyon na naiinis ako at nagagalit sa kaniya, paano niya 'yong nagawa?
"Stop calling me misis, we're not yet married," inis kong kinuha ang plato niya at wala sa sariling pinunasan 'yon.
"Now, that's my wife," aniyang magkakrus ang braso, nakangisi sa akin. "Thank you,"mapang-asar pang aniya nang ibalik ko 'yon.
Kukunin ko pa sana ang hindi mabilang na mga baso, kutsara, tinidor at chopsticks pero napipikon na talaga ako. Wala sa sarili kong naipatong sa mesa ang parehong siko ko saka naliliyong sinapo ang magkabila kong sentido.
"Pinaglalaruan mo ba 'ko?" mahinang nasabi ko.
"Hmm?"
Humugot ako ng hininga saka isa-isang tiningnan ang kaniyang pamilya. Gano'n kabilis na nangilid ang aking mga luha ngunit pinukol pa rin nang masamang tingin si Maxwell.
"Nakalimot ka ba talaga o...pinaglalaruan mo lang ako?" galit na talagang tanong ko.
"Pinaglalaruan?" mahina, natatawa kunyari niyang tanong saka ipinatong ang parehong kamay sa mesa. "I don't like that word."
"Anong tawag sa ginagawa mo? It's as if you're only acting, Maxwell."
"Acting what?"
"No'ng unang magising ka, si Keziah ang una mong hinanap. Kanina lang ay nakita ko kayong dalawa na masayang nag-uusap."
"Are you expecting us to cry when talking?"
"'Wag mo 'kong pilosopohin, Maxwell!"
Inis siyang bumuntong-hininga. "I'm sorry."
"Ngayon ay ganito ka sa 'kin, hindi kita maintindihan. Parang wala ka naman talagang nalimutan."
Nakita ko nang sumeryoso ang mukha niya. "Totoong nalimutan ko," tiim-bagang niyang sagot.
Natigilan ako at napatitig sa kaniya, na para bang sa ganoong paraan ko malalaman kung totoo ang sinasabi niya. Nasapo ko ang aking noo saka pinigilang maiyak. Aaminin kong may parte sa kalooban ko ang umasa na sana nga ay tama ang hinala ko. Dahil mas gugustuhin kong tanggapin iyon. Kung sakali mang palabas niya lang lahat ito, mas tatanggapin ko. Kahit makisama pa ako kung ano man ang kaniyang plano.
"Kapag ikaw lang talaga...nagloloko..."mataray bagaman emosyonal, nagbabanta kong sinabi. "Humanda ka sa 'kin," mariin kong dagdag. "Bantay ka lang, Maxwell."
Nabura ang kayabangan, ang lahat ng tatak ng Moon sa mukha ni Maxwell. Tumiklop siya sa ganoong banta pa lang.
"Baby..." aniyang inabot ang kamay ko.
Awtomatiko kong iniiwas ang braso ko. "Baby, huh?" nakangisi kunyari, nakataas ang kilay kong panggagaya sa tinig niya. Iyong puno ng emosyon bagaman nangingibabaw ang kaba. "Baby mo, mukha mo!"
"Yaz..."
Nalukot ang mukha ko at inis na inabot ang rice. Sinamaan ko siya ng tingin habang ipinaglalagay siya sa plato. Matapos no'n ay kumuha ako ng ulam at nilagyan din siya nang sobra sa kaya niyang ubusin.
"Ubusin mo 'yan."
"I can't," nakangiti, naglalambing kunyaring aniya.
Mas lalo pang tumaray ang mukha ko. "You can."
"Yaz..."
"Stop calling me Yaz."
"Baby, then."
"Stop..." iyon pa lang ay mariin ko nang sinabi. "Calling me baby," dagdag ko.
"Mrs. Del Valle, then."
"Stop it, Maxwell," mariin ko nang sinabi. Kung wala lang dito ang pamilya niya ay siguradong inaway ko na siya.
"Mrs. Maxwell Laurent Del Valle, th—"
"Hindi ka talaga tatahimik?" banta ko.
Awtomatiko niyang kinuha ang spoon at sinimulang kumain. "This is masarap."
"Simula ngayon ay uupo ako kung saan ko gusto," sabi ko.
Natigilan siya at kunot-noong bumuntong-hininga. "Except beside—"
"No exception, Maxwell Laurent."
"That's too much..." awtomatikong humina ang boses niya nang tumaas ang kilay ko. "We can talk...about it later." Tiklop.
Pasiring kong inalis ang tingin sa kaniya. Lalagyan ko na sana ng pagkain ang plato ko nang mapansing nasa akin ang paningin ng iba pang myembro ng mga Moon. Hindi kapani-paniwalang nagtikhiman at nagsipagsimulang kumain ang mga ito—well, maliban kay Tita Maze, matapos ang mataray na sulyap ko. Maging si Maxrill ay tila tumiklop, gayong hindi naman ito ang pinagalitan ko.
Matunog akong bumuntong-hininga at isa-isa silang inirapan...well, maliban kay Tita Maze. Nasisiguro kong mas mataray siya.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top