CHAPTER 57

CHAPTER 57

BUMILIS ANG aking paghinga habang pinanonood si Maxwell na tumawa habang kausap si Keziah. Napuno ng kung ano-anong tanong ang isip ko dahilan para mablanko ang pandinig ko at hindi ko na marinig ang alinman sa mga sinasabi niya. Nanatili akong ganoon hanggang sa ibalik ni Maxwell sa akin ang cellphone.

"Thanks, Yaz," bumuntong-hininga siya saka ngumiti sa pamilya. Nakamot ko ang aking noo saka napatitig muli sa kaniya.

Hindi ko maintindihan...

Unti-unti akong nakaramdam ng panghihina. Kung gaano siya katagal dito, ganoon na rin katagal na walang maayos na tulog dahil sa pagbabantay sa kaniya. Kahit kasi pilitin ako ng parehong magulang namin na magpahinga ay nagigising ako at pumupunta sa kaniya.

"Maxwell..." wala sa sariling sambit ko.

"Hmm?" inosente siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.

Hindi ko namalayan ang mga luha kong patuloy pa rin pala sa pagtulo. Dali-dali ko iyong napunasan.

"Why are you crying, Yaz?" nakangiti man ay puno ng pagtataka si Maxwell.

Why am crying? Gusto ko iyong isatinig but I have to consider his situation. Hindi ko lang talaga maintindihan. Mas inaasahan ko pang itanong niya kung nasaan siya, bakit siya narito...'yong mga gano'ng tanong. Pero 'yong hanapin si Keziah...at umasta na para bang normal na tao lang ako sa kaniya...hindi ko maintindihan.

"Bakit hindi muna natin iwanan sina Yaz at Maxwell?" nakangiting suhestiyon ni Tito More bago pa lumalim ang usapan namin.

Pinilit kong ngumiti. "Salamat, tito." Pero ang paningin ko ay nanatili kay Maxwell.

Nakangiti nilang nilingon si Maxwell, nakangiti rin siya pero kwestiyonable ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Para bang may mali sa suhestiyon ng kaniyang ama para maging gano'n ang kaniyang reaksyon. Na para bang may mali sa mga kilos ko para magtaka siya nang ganoon. Pilit kong iniiwasang mag-isip ng kung ano pero binibigyan niya talaga ako ng dahilan para magtaka. Kaunti na lang ay parang tatama na ang aking hula.

"Where's my nailcutter and wallet?" bigla ay pahabol ni Maxwell.

"It's with me," sagot ni Tito More.

"Cool," ngiwi ni Maxwell saka muling tumingin sa 'kin, ang pagtataka ay 'ayun na naman sa mga mata niya.

"Are you okay, Maxwell?" hindi ko na napigilang magtanong.

"Yeah," kunot-noo, tila nangangapa pa ring tugon niya. "It's just that..." Nakangiti siyang umiling, parang nalilito.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Maxpein, lumapit sa kapatid.

Marahang nabura ang ngiti sa labi ni Maxwell saka kunot-noong nag-angat ng tingin sa kapatid. Napanood ko nang sumulyap siya sa 'kin, mas rumehistro ang pagtataka sa mukha niya saka napapailing na nagbaba ng tingin.

"Nothing," pabuntong-hiningang tugon ni Maxwell.

Sandaling natahimik ang kwarto. Nakababa ang tingin ni Maxwell habang lahat kami ay nakatingin sa kaniya. Dinig kong bumuntong-hininga si Maxpein saka humakbang ulit papalapit sa kama ni Maxwell, malapit sa akin.

"Alam mo ba kung bakit ka nandito, Maxwell Laurent?" kunot-noong tanong ni Maxpein.

Nalilitong nag-angat ng tingin si Maxwell sa kapatid. "Yeah, of course, Maxpein Zin. Because of Hwang."

Nakahinga nang maluwang si Maxpein. "He's dead."

Bahagyang nagulat si Maxwell. "What happened to him?"

Bumuntong-hininga si Maxpein. "Mahabang kwento."

Nakaawang ang labi, matagal na tumitig si Maxwell sa kapatid. "Pein..."

Umiling si Maxpein. "Rest, Maxwell."

"What did you do to him?" namimintang na tugon ni Maxwell.

Nawala ang kakatiting na lang na reaksyon sa mukha ni Maxpein. "Ako agad?"

"Then, who?"

"Me," ani Maxrill.

Nagugulat na nilingon ni Maxwell ang bunso. "Maxrill..."

"It's a long story. You should rest first,"nag-iwas ng tingin si Maxrill.

Hindi na nawala ang paningin ko kay Maxwell. Kaya naman nang maramdaman niya 'yon ay kunot-noo na naman siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.

"What?" tila inis pang tanong niya.

"Naaalala mo ba kung saan mo hinarap si Hwang?" hindi ko na napigilan ang sarili kong itanong 'yon.

Nangunot muli ang noo ni Maxwell. "What do you mean?"

"We're in Manila right now," sabi ko. Parang lalong nalito si Maxwell. "Naaalala mo ba kung saan tayo galing?"

Natigilan si Maxwell saka tumitig sa 'kin. Pero hindi siya nakasagot. "Naaalala mo ba kung ano ako sa 'yo, Maxwell?" sinikap kong maging kaswal pero nabasag ang tinig ko.

Muling gumuhit ang mga luha ko saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. Nasalubong ni Maxpein ang tingin ko, nagtataka. Ngunit agad niya ring nahulaan ang mga kilos at reaksyon ko.

"Hyung," baling ni Maxpein sa nakatatandang kapatid.

Sumagot si Maxwell gamit ang kanilang salita. Napatitig si Maxpein nang matagal sa kaniya saka tumingin sa 'kin. Maging ang cellphone na hawak ko ay tiningnan niya at sandaling pinanood ang pagpupunas ko sa mga luha kong patuloy rin sa pagtulo. Humugot siya nang malalim na hininga saka binalingan ang bunso.

"Call Bentley," utos ni Maxpein, awtomatikong sumunod ang bunso. Nilingon niyang muli si Maxwell at pinakatitigan. "You can't remember it clearly..." tila hinuhulaan niya kung tama ang hinala namin. "Bakit si Keziah ang unang hinanap mo?"

"Pein..." nagtataka si Maxwell.

"Si Yaz ang fiancé mo," kunot-noo, mahinang ani Maxpein.

Umawang ang labi ni Maxwell saka nagugulat na lumingon sa 'kin. Kumibot ang mga labi ko at saka natutop ang aking labi. Dumapo ang tingin niya sa singsing na naroon sa daliri ko at saka nasapo ang sariling noo.

"Oh, my God..." nasapo ni Tita Maze ang sariling noo saka napaharap kay tito na agad siyang niyakap.

"Maxwell Laurent," pagtawag ni Mokz. "Look at your hand."

Nagugulat na tumitig si Maxwell kay Mokz bago sumunod. Nalito pa siya kung aling kamay ang titingnan at awtomatikong natigilan nang makitang may singsing din siya. Saka siya dahan-dahang nag-angat ng tingin sa akin, punong-puno ng pagtataka.

Umiling ako nang umiling. No... Hindi ko na mapangalanan pa ang sakit na kanina ko pang nararamdaman sa aking dibdib. Mas tumindi 'yon ngayong nakikita ko ang magkakahalong pagtataka, pagtatanong at kalituhan sa mukha niya.

"Maxwell..." pigil ang emosyong pagtawag ko. Matagal na naglapat ang paningin namin at naputol lang 'yon nang pumasok si Bently at iba pang doktor.

Napaatras ako papalayo, tutop ang aking mga labi, yakap ang aking sarili, ang paningin ay hindi naaalis kay Maxwell, ang mga mata ay walang humpay sa pagluha. Pinigilan ng matindi at malakas na kabog sa aking dibdib ang kakayahan kong makarinig. Pinuno ng mga tanong ang isip ko na siyang pumawi sa kakayahan kong mag-isip.

Nakikita at naririnig ko silang mag-usap pero wala akong naintindihan maliban sa sakit na aking nararamdaman.

"Yaz..." lumapit sa 'kin si Tita Maze at yumakap. "Sesanghe..."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yumakap sa kaniya at doon humagulgol nang humagulgol. Na kinailangan niya akong akayin palabas para hindi maabala ang mga doktor.

Nang lingunin ko si Maxwell ay nakatingin na siya sa 'kin, ang pagtataka ay naro'n pa rin sa kaniyang mga mata. Pabuntong-hininga niyang binawi ang tingin saka muling sinagot ang doktor sa harap niya.

"Bakit kailangang mangyari 'to, tita?"tanong ko na para bang alam niya ang sagot doon. Napayuko ako sa mga kamay ko at doon muling umiyak. "Hindi ko matanggap, tita."

"Anak, hindi pa tayo sigurado sa sitwasyon ni Maxwell."

"Hindi niya ako maalala, tita," sabi ko na animong sigurado na ako.

"Yaz, don't say that."

"Hindi gano'n si Maxwell, tita," umiiling kong sinabi. "'Yong sandali pa lang na tumingin siya sa 'kin matapos magmulat ng mga mata, alam ko na..." Umiling ako nang umiling. "Maxwell..."lalo akong napahagulgol.

"Yaz..." walang nagawa si Tita Maze kung hindi ang aluin ako.

Muling napuno ng napakaraming tanong ang isip ko. Na bagaman wala pang kasiguraduhan ay alam kong nangyari ang posibilidad na sinabi ni Bentley. Hindi ako naaalala ni Maxwell.

Nang araw rin na 'yon ay muling dumaan sa napakaraming tests and examinations si Maxwell. Gustuhin ko mang manatili sa tabi niya ay pinakiusapan na ako ni Maxpein dahil naging iritable si Maxwell matapos ang mga 'yon. Panay ang pag-iyak ko. 'Ayun na naman 'yong pakiramdam na para bang naiiba ako sa pamilyang ito. Na para bang mag-isa lang ako at naliligaw sa kung saan.

"Everything will be alright," hindi ko inaasahang mauupo sa tabi ko si Maxrill.

Hindi ko siya kinayang lingunin, panay lang ang pag-iyak ko habang nakatakip ang mga palad sa aking mukha. Hanggang sa maramdaman ko na lang na akbayan niya ako at tapikin.

"Be strong, dude," bagaman seryoso ay may kung ano sa 'kin na natawa sa sinabi niya.

"You're really a kid," sabi ko saka pinunasan nang pinunasan ang mga luha ko.

"Here," aniya na inilahad na naman ang panyo sa 'kin.

Sumama ang mukha ko ngunit napangiti rin nang makitang YSL naman ang brand niyon. "This is my favorite brand, Maxrill."

"Yeah, that's why Maxwell bought it."

Natitigilan ko siyang tiningnan. "Sa kaniya 'to?"

"Yeah," kaswal niyang tugon saka isinenyas na punasan ko ang mukha ko. "You look ugly."

Parang lalo akong maiiyak. Sa tanang buhay ko ay wala pang lalaking nagsabing pangit ako, si Zarnaih lang talaga. Pero ang nilalang na 'to sa tabi ko ay walang-habas iyong sinabi nang harap-harapan sa akin, kaswal at walang alinlangan.

"Hindi niya ako maalala, Maxrill," kapupunas ko pa lang ng luha ay magkakasunod na naman 'yong tumulo. "Hindi niya ako naaalala."

"He does," paniniguro niya.

"Hindi niya maalalang fiancé niya ako. Hindi niya maalalang may relasyon kami."

Napabuntong-hininga siya sa kawalan ng maisasagot. Kulang na kulang naman ang panyong iyon sa dami ng iniluluha ko.

"Sa dami ng pwedeng malimutan, iyong importante pa sa amin," magkakasunod akong humikbi. "Hindi ko maintindihan."

"I'm also confused," muling buntong-hininga. "But according to Bentley, it happens."

Eksakto nang mabanggit ni Maxrill si Bentley ay siyang lapit naman nito sa amin. Kasunod niya na si Maxpein at Mokz.

"Magpahinga ka muna kaya?" ani Bentley.

"Please don't mind me, how is he?" tanong ko.

"Possible PTA," buntong-hininga ni Bentley. "We need to wait for the results."

Nakangiti akong tumango-tango pero ang mga luha ko ay hindi mahinto. "So..." Hindi ko maisatinig ang laman ng aking isip.

Lumapit si Maxpein at hinaplos ang balikat ko. "Yaz..."

"So, hindi niya maalala 'yong sa 'min?" sa wakas ay naitanong ko, ang sama ng loob ay bumara sa lalamunan ko. Kahit anong pigil kong maluha ay nag-uunahan pa 'yon sa pagtulo. "Sa dami ng malilimutan niya, talagang 'yon pa?"

Hindi ko alam kung pagiging makasarili ang maramdaman sa sandaling iyon na sana ay si Keziah na lang ang nalimutan niya imbes na ang relasyon namin. Sa kabila ng nalalaman ko sa sitwasyon ni Maxwell, tila nabura ang lahat ng inaral ko para maunawaan nang lubos 'yon.

"Where is he?" hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Keziah sa likuran ko.

Lumingon ang lahat sa kaniya ngunit hindi ko kinaya. Gano'n na lang kabilis na nangilid ang mga luha ko at nang eksaktong humarap si Keziah sa 'kin ay magkakasunod na naman 'yong tumulo.

"Oh, Yaz..." naaawang ani Keziah saka ako niyakap.

Napakayakap ako sa kaniya dahil kahit papaano ay nasa katinuan ko na wala siyang kinalaman sa nangyayari. Wala ni isa sa amin ang ginustong mauwi sa ganito ang lahat.

"What happened?" tinig iyon ni Randall, hindi ko inaasahang naroon din siya. Ngunit hindi ko na inintindi pa.

Sandali kaming nanatili sa hallway saka ako inalalayan ni Keziah na maupo. "Everything will be alright, Yaz," pang-aalo niya. "Take some rest."

Umiling ako. "Salamat, Keziah. Pero dito lang ako. Hindi ako aalis dito."

Bumuntong-hininga siya. "Then, come with me inside," ngiti niya saka inilahad ang kamay sa 'kin.

"I'll go with you," ani Bentley. Pasiring na inalis sa 'kin ni Keziah ang tingin saka nakataas ang kilay na tumingin sa kaniya. "So, I can explain to you his current situation,"pagdadahilan pa ni Bentley. "I know you're also a doctor but"

"You talk too much, Bentley," mataray na ani Keziah saka nanguna papasok sa kwarto.

"Tch," dinig kong ani Bentley dahilan para pagtawanan siya ni Randall.

Natutulog si Maxwell nang pumasok kami. Pero hindi gaya nina Keziah, tumayo lang ako sa gawing paanan ng kama at pinanood silang lumapit kay Maxwell.

"Maxwell," pagtawag ni Keziah. "It's Keziah. I'm here na."

Pabuntong-hininga kong inalis ang tingin kay Keziah saka iyon itinuon kay Maxwell. Gano'n na lang ang pagguhit ng kirot sa dibdib ko nang makita siyang magmulat. Gano'n na lang kabilis nangilid ang mga luha ko matapos siya makitang ngumiti. Ngiti na hindi ko man lang nakita kanina nang ako ang nasa harap niya.

"Hey," ani Maxwell. Nangunot ang noo ko nang makita ang mga kislap sa mata niya.

"Psh. Oh, nakita mo na 'ko, pwede na 'kong umuwi? Ang dami ko pang trabaho," mataray na ani Keziah.

"What? No," kunot-noong kinuha ni Maxwell ang kamay. "I was waiting for you. Stay here."

"Nagpapatawa ka ba? Alam mong busy ako sa trabaho."

"Stop working, then," kunot-noong asik ni Maxwell.

Lahat ay nagulat, napalingon at napatitig kay Maxwell, inaalam kung seryoso ba ito sa sinabi. Maging si Keziah ay nalito, kinakapa ang sitwasyon niya. Nalilito siyang tumingin kay Bentley saka bumuntong-hininga.

"Bakit ko naman gagawin 'yon, Maxwell?"mataray pa ring ani Keziah.

"Because I want you here."

"I am right here."

"Yeah, but stay."

"Maxwell, you're confusing me. Sa dami ng bantay mo, bakit ako pa ang kailangang manatili rito? Yaz is here. She can take care of you."

Pinagkunutan siya ng noo ni Maxwell saka sumulyap sa 'kin. "Just...please stay here,"mahinang aniya ngunit dinig ko. "I don't want anyone else," pabulong pa ring dagdag niya.

'Ayun na naman 'yong hindi mabilang na tanong, kinukwestyon kung bakit kailangang magkaganito. Napatalikod ako sa gawi nila, hindi ko matagalang makita si Maxwell na nakangiti kay Keziah. Hindi ko matagalan ang pamimilit niyang manatili ito. Hindi ko lalo matagalan ang mga naririnig ko mula sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung paanong ang masasaya naming sandali ay nauwi sa ganito.

"Let's go outside," hinawakan ni Maxrill ang magkabila kong balikat. Tulala akong nanguna sa paglalakad.

Napalingon ako sa dulo ng hallway, taliwas kung saan naroon si Maxrill. Saka doon hinayaang tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na maipaliwanag pa ang sakit. Ni hindi ko alam kung paano ko pa kinakayang tumayo. Nakapanghihina ang sakit na naramdaman ko at hanggang sa sandaling iyon ay hindi ako makapaniwala. Hindi ko matanggap ang mga nangyayari.

Pero hindi doon natapos 'yon. Dahil kung nasaktan ako nang sandaling iyon ay lalo pa iyong nadaragdagan habang dumaraan ang mga araw. Sa t'wing titingnan ko siya ay naaalala ko lahat ng masasayang sandali naming dalawa. Naaalala ko kung paano niyang ipinaramdam sa 'kin na mahal na mahal niya ako. Pero sa t'wing siya na ang titingin sa 'kin, wala akong ibang makita kung hindi ang katotohanang hindi niya ako maalala.

Nagbago ang paraan ng pagtingin niya sa 'kin. Dati ay hindi lang respeto ang nararamdaman ko kundi maging ang pagmamahal at paghanga. Respeto na lang ang natira sa mga iyon ngayon. Nawala ang pagmamahal at paghanga. Ang lahat ay nauwi sa pakikisama bilang kakilala.

May mga sandaling hindi matagalan ni Maxwell ang presensya ninoman. Napadalas ang pagiging iritable niya at wala siyang bukambibig kung hindi si Keziah. Ngunit gaya ng sinabi ng kaibigan niya, hindi ito maaaring manatili rito. Hindi man niya sabihin, hindi man niya ipakita, alam kong hindi siya komportable na ako parati ang naroon para sa kaniya.

Sa dami ng pinagdaanan namin, sa dami ng dahilan ko para sumuko, iisipin ko pa lang na iiwan ko siya nang dahil dito ay hindi ko na kaya. Pakiramdam ko nga ay magiging dahilan pa 'to para tumindi ang pagmamahal ko. Hindi nga lang ako sigurado kung hanggang kailan, kung hanggang saan, kung kaya kong panindigan.

"Yaz?" tawag ni Maxwell isang hapon na inihahanda ko ang pagkain niya. Dalawang linggo na siya sa ospital at maganda ang resulta ng mga examination at tests.

"Yes, Maxwell?" hindi pa rin ako nasasanay na sagutin siya sa ganoon kakaswal na paraan. Naipapakita ko pa rin ang dadamin ko, naipararamdaman ko pa rin ang emosyon ko. At nakikita ko kung hindi siya komportable sa ganoon kaya agad kong binabawi.

"Are we really engaged?" mahina niyang tanong. Natitigilan ko siyang nilingon, hindi ko nagawang sumagot agad.

Masakit. Ang sakit marinig ng tanong na 'yon. Na para bang ganoon kaimposible na mangyari sa aming dalawa iyon. Ang sakit na makitang hindi niya talaga maalala. Na para bang sandali lang kaming nagkasama. Ang sakit maramdamang nahihirapan siyang tanggapin 'yon. Na para bang hindi siya ang pinakamasayang tao nang ibigay niya sa 'kin ang singsing na nagpapatunay roon.

Ang tagal kong hinintay ang sandaling ito, ang itanong niya sa 'kin ang tungkol sa engagement namin. Sa mga dumaang araw kasi ay talagang iritable siya, lahat kami ay madalas na mahirapang kausapin siya. Bukod sa ang abiso ni Bentley at neurologist ni Maxwell, iwasan namin na ipilit na makaalala siya. Na maging mahinay kami sa pagpapapaalala sa kaniya. Na huwag sa paraan na mape-pressure siya. Dahil hindi raw iyon makabubuti sa kaniya.

Napalunok ako at napaayos ng tayo. Pinaghawak ko ang pareho kong kamay. Nag-alangan man ay marahan akong naglakad papalapit sa kaniya.

"Oo," tipid kong sagot.

Nakita ko nang bahagyang lumaylay ang mga balikat niya, muli pa akong nasaktan na makita iyon. Napatitig siya sa singsing na naroon pa rin sa kamay ko at saka nagbaba ng tingin sa singsing na suot niya.

"May...nakaukit sa parehong singsing natin, Maxwell," gano'n katindi ang pagpipigil kong maluha nang maalala ang lahat ng pinagdaanan namin sa singsing na 'yon.

Awtomatiko akong napayuko nang gumihit ang luha ko, ayaw kong maiyak sa harap niya. Sa takot na lalo siyang maging hindi komportable at paalisin na lang ako.

"Kumain ka na," pumihit ako pabalik sa mesa at isa-isang inilagay sa wooden tray ang pagkaing inihanda ko sa kaniya.

Matunog siyang bumuntong-hininga sa likuran ko. Pasimple ko namang pinunasan nang pinunasan ang mga luha ko. Saka tahimik na humugot ng hininga para harapin siya.

Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makita siyang nakatitig sa singsing, hinubad niya 'yon at binasa ang nakaukit doon. Awtomatikong nanginig ang mga kamay ko dahilan para mailapag kong pabalik sa mesa ang tray sa takot na maihulog 'yon.

"Yaz and Maxwell..." binasa niya ang nakaukit doon. "We're really engaged..." mahina pang sambit niya saka natulala sa kung saan.

Kumibot-kibot ang mga labi ko, pinilit kong mag-angat ng tingin upang mapigilang maluha. Ang sabi ni Bentley ay mabuting sagutin namin nang deretsa si Maxwell sa t'wing nagtatanong ito. Pero kailangan naming iwasan iyong mga komplikadong alaala na mapupwersa siyang mag-isip at umalala. Kailangang simple at maiikli lang ang paliwanag namin. Iyong mas madali niyang maiintindihan at makukuha. Hindi namin siya maaaring tanungin nang kung ano-ano, maliban na lang kung sigurado kaming kaya niya nang sagutin 'yon.

Hinubad ko ang singsing ko saka lumapit sa kaniya. Inilahad ko iyon, nag-angat siya ng tingin sa 'kin bago niya kinuha. Tumitig ako sa mukha ni Maxwell habang siya ay nakatuon doon ang paningin.

"Maxwell and Yaz..." sinabi ko ang nakaukit sa singsing ko. "Love without limits..." 'Ayun na naman ang pagbugso ng damdamin ko.

"Love without limits, huh?" nakangiting aniya saka bumuntong-hininga. Sandali pa siyang tumitig doon at saka isinauli iyon sa'kin.

Pinilit kong ngumiti nang tumitig siya sa 'kin. At kung gaano katagal niyang inisa-isa ang bawat parte ng aking mukha, gano'n katagal ko ring pigil ang aking hininga.

Nang hindi ko na matagalan ay tinalikuran ko siya. Ngunit gano'n na lang ang pagkabigla ko nang mahuli niya ang pulsuhan ko at hilahin ako pabalik. Doon awtomatikong tumulo ang aking mga luha, hindi ko inaasahan, hindi ko na napigilan.

Lalo pa akong lumuha nang iupo niya ako sa kama paharap sa kaniya. Sinakop ng parehong palad niya ang pisngi ko at halos humagulgol ako sa pakiramdam niyon.

"I'm sorry," emosyonal niyang sinabi. "I'm sorry if I can't remember it..."

Umiiyak akong umiling. "Ipapaalala ko araw-araw, Maxwell," humihikbi kong sianbi. "Ipapaalala ko araw-araw hanggang sa bumalik ka sa 'kin."

Hindi na siya sumagot, sa halip ay niyakap niya ako bagaman nagkulang iyon sa higpit. Malayo iyon sa paraan niya ng pagyakap noon na halos hindi na ako makahinga pero gustong-gusto ko pa. Sa yakap niya na para bang parati niya akong pinanggigigilan. Yakap na siyang paborito kong lugar sa t'wing kami ang magkasama.

Dumaan pa ang mga araw nang kaswal lang kami. Ako ang nag-aalaga at nagbabantay sa kaniya, hindi ko hinahayaang gawin iyon ng iba. Sa t'wing nagtatanong siya ay ako ang sumasagot, ikinukwento ko unti-unti ang mga sagot na may kinalaman madalas sa amin. Napag-usapan na namin ng pamilya niyang ganoon ang gagawin. Na sa t'wing may tanong siya, sasadyain nilang banggitin ako bagaman hindi iyon pilit. Nagbabaka-sakali lang kaming makatulong 'yon.

'Dahil ang pag-asa ko ay hindi nawawala, na baka magising na lang siya isang araw na naaalala niya na ang lahat. Kung mangyayari iyon, kailangang naroon ako. At hangga't maaari, gusto kong ako ang maging dahilan para bumali ang alaala niya.

Kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Ipinangako ko sa sariling hindi ako maghahangad nang higit pa doon. Na ipagpapasalamat ko na lang na hindi niya ako itinataboy. Na matutuwa na lang ako dahil hinahayaan niya akong asikasuhin siya. Na maging masaya na lang dahil kahit papaano ay inirerespeto niya pa rin ang nararamdaman at presensya ko.

Ilang linggo pang nagtagal si Maxwell doon bago kami pinayagan ng mga doktor niya na umuwi sa Palawan. Gusto kong ipilit na sana ay sa Laguna na lang, tutal ay naroon ang pamilya niya at kailangan pa rin niyang magpahinga. Pero ipinilit niyang dito umuwi, idinahilan ang trabaho. Kahit alam ko naman sa puso kong may iba siyang dahilan bukod doon.

"Ngayong gabi ay dito na muna tayo tumuloy," ani Tito More nang makarating kami sa Moon hotel. "Bukas ay kakausapin ko siyang doon tayo tutuloy sa bagong bahay ninyo,"bulong niya sa 'kin.

"Thank you, tito."

"Don't forget to rest, Yaz, you look so tired."

"I will, tito, thank you."

Inihatid nila kami sa suite ni Maxwell at saka kami magkakasamang uminom ng tea. Pero bago tuluyang lumalim ang gabi ay nagpaalam na silang pupunta sa kani-kanilang suite.

"You're...going to stay here?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Maxwell nang maiwan ako sa loob habang nagpapaalam kami sa magulang niyang kalalabas lang ng pinto.

Nalilito akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Yes."

"What?" hindi talaga makapaniwala si Maxwell. "Why?"

"Maxwell Laurent?" kunot-noong pagtawag ni Tita Maze, nananaway. "She is going to be your wife," may diing aniya.

"Yeah, going to be, mom," mahinahon man ay halatang inis si Maxwell.

"Dati na kayong natutulog nang magkasama, Maxwell Laurent."

"Seriously?"

Sumama ang mukha ni Tita Maze, ang natural na taray ay ipinakita sa anak dahilan para tumiklop ito. Walang nagawa si Mawell kung hindi ang bumuntong-hininga.

"It's okay, tita," mahinang sabi ko. "I can stay in a different room."

"No," mataray na giit ni tita. Iyon lang ang sinabi niya pero ang kapangyarihan ay naiparamdam agad. Pareho kaming tumiklop ni Maxwell.

"I love you, mom," mapapahiyang ani Maxwell. Nasulyapan ko sina Mokz at Tito More na palihim na natawa.

"Be a good man, Maxwell," hindi talaga sa ganoong lambing humuhupa ang pagtataray ni Tita Maze. "Oras na marinig kong umiyak si Yaz nang dahil sa 'yo, titigil ka sa pagdodoktor."

"What?"

"You heard me, Maxwell Laurent. Don't make me repeat what I've just said."

"You can't do this to me, mom."

Tumaas ang kilay ni Tita Maze. "I can," mariin, makapangyarihan niyang sagot saka pasiring na inalis ang tingin sa anak. "Go and have some rest, hija. I'll see you tomorrow."

"Good night, tita," mahina kong sabi, pigil ang emosyon.

"Good night," mataray pa rin niyang sinabi saka kami tinalikuran.

Naiwan kaming nakatayo ni Maxwell sa pintuan, sinusundan ng tingin ang paglayo ng mga magulang niya. Naramdaman ko nang magbaba siya ng tingin sa 'kin kaya naglakad ako papasok para maisara niya ang pinto.

"Pwede naman akong matulog sa ibang kwarto," ngiti ko. "Kakausapin ko na lang si Maxrill."

Nakita ko nang mangunot ang kaniyang noo. "Stay here," pabuntong-hininga niyang sabi saka ako tinalikuran.

"Dito na lang ako sa sofa matutulog," sabi ko saka binuksan ang maleta niya. "Maligo ka na, ire-ready ko na ang damit mo."

Matagal siyang tumitig sa 'kin. "Thank you,"bago ako tuluyang tinalikuran.

Nahabol ko siya ng tingin. Hindi ko maiwasang malungkot dahil 'ayun na naman 'yong pakiramdam na hindi siya komportable sa 'kin. Pero bukod sa ayaw ko siyang iwang mag-isa, talagang ayaw kong umalis sa tabi niya. Hindi ko itatanggi 'yon.

Inihanda ko ang kama ni Maxwell. Saka ko inilabas mula sa medicine box niya ang mga gamot na kailangan niyang inumin ngayong gabi. Inihanda ko ang mga 'yon sa side table saka pa lang ako kumuha ng tubig.

Gano'n na lang ang gulat ko nang maabutan na siya sa kwarto nang makabalik ako. Nasulyapan ko ang kaniyang itsura kaya gano'n na lang ang pag-iwas ko na tingnan siya. Dinampot ko ang mga gamot saka ako lumapit sa kaniya.

"Drink this," iniabot ko ang baso ng tubig saka siya ipinagbukas ng gamot. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ang gamot doon. Saka ko dinampot ang damit niya at inilagay rin iyon sa kamay niya. "Magbihis ka na."

"I can...do this for myself, Yaz."

Ngumiti ako. "Dati ko naman nang ginagawa 'to."

"Lahat 'to?"

Tumango ako. "Lahat 'to."

Hindi ko napigilan ang sarili akong magpatangkad upang abutin ang labi niya. Dinampian ko siya ng halik saka nakangiting tinalikuran. Pero nang makapasok ako sa bathroom ay saka lang tumulo ang mga luha ko. Hanggang sa sandaling iyon ay nasasaktan ako para sa 'ming dalawa.

Nakahiga na sa kama si Maxwell nang lumabas ako. Sa bathroom na ako nagbihis para hindi siya maabala. Kinuha ko ang skin care products ko saka dumeretso sa living room. Tulala akong naghurim-hurim, panay ang buntong-hininga. Sinikap kong pumikit nang mahiga pero nanatiling gising ang aking diwa.

"Come sleep beside me," mahinang tinig ni Maxwell ang nakapagpamulat sa 'kin.

Nagugulat akong napabangon. "Maxwell."

"I don't you to sleep here," mahinang aniya saka tinalikuran ako.

Nagugulat ko siyang sinundan ng tingin at saka ako napapangiting sumunod sa kaniya.

Dati, kahit anong sukat ng kama ay hindi kami magkasya. Paano kasi ay kung ano-ano ang ginagawa namin. Ngayon ko lang yata napagtanto kung gaano kalaki ang sukat niyon dahil sa ilang unang nakapagitan sa 'min, pakiramdam ko ay gano'n na siya kalayo.

Ipinikit ko ang aking mga mata bago pa muling maluha. Masama man ang loob ay aaminin kong nabawasan 'yon dahil ngayon ko na lang uli siya nakatabing matulog.

Pagtulog na mahimbing na sana kung hindi lang ako biglang nagising sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Nagtatakbo ako papunta sa banyo, deretso sa sink at doon dumuwal.

Nagmumog ako ng tap water saka natutop ang aking bibig. Napatitig ako sa sarili mula sa salamin saka bumaba ang tingin sa aking tiyan.

Shit...

Nasapo ko ang aking noo saka naalala kung ilang linggo na akong hindi dinaratnan. Nakagat ko ang aking labi saka nagulat nang masalamin ko doon si Maxwell. Naroon siya sa pinto at nakatitig sa 'kin.

Napalunok ako saka dahan-dahang napaharap sa kaniya. "Maxwell..." wala sa sariling nasambit ko, nag-aalala kung meron siyang nakita at sa magiging reaksyon niya.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji