CHAPTER 56
AUTHOR'S NOTE: I will not update tomorrow, I'm busy, sorry.
CHAPTER 56
"MAXRILL..." HINDI makapaniwalang sambit ko matapos mapanood si Hwang na tumumba sa harap ni Dirk.
Napatitig ako kay Hwang, inaalam kung gagalaw pa ito. Ngunit naagaw nang mabilis na pagkilos ni Dirk ang atensyon ko. Sapilitan niyang inagaw ang pana kay Maxrill at kinausap ito gamit ang ibang lenggwahe. Mahahalatang galit siya. Pero mas galit ang paraan ng pagsagot ni Maxrill.
Sa panonood sa kanila ay natanaw ko sa kanilang likuran ang pagdating ng iba pang myembro ng pamilyang Moon. Si Chairman More ang una kong natanaw, sa magkabilang tabi niya ay naroon sina Mokz at Maxpein. Ganoon na lang ang pagguhit ng mga luha sa aking mga mata.
Nanghihina akong napaluhod at muling tiningnan si Maxwell. Sa isip ko ay paulit-ulit akong nagtatanong kung bakit ito nangyari. Sa huli ay sinisi ko ang sarili sa kagustuhang pumunta rito.
Gano'n na lang ang pagbilis ng paglalakad ng tatlo nang mamataang nakahandusay si Maxwell. Pasigaw na nagtanong si Tito More matapos lumuhod sa harapan ng panganay na anak. Si Mokz ay lumapit kay Hwang at sinigurong patay na ito. Habang si Maxpein ay hinihingi ang pana kay Maxrill.
Napapikit si Maxpein nang tuluyang mahawakan ang pana. Saka pa lang siya sumulyap sa 'kin, inaalam ang kalagayan ko. Nang mapagtantong maayos lang ako ay saka niya tinapunan ng tingin ang kaniyang kuya.
"I'm so sorry," umiiyak kong sabi ngunit wala akong natanggap na tugon.
At gano'n na lang ang tili at pag-atras ko patalikod nang may apat na imaheng tumalon palibot sa 'kin! Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga iyon!
Agad na gumapan gang kilabot sa katawan ko nang makita ang suot ng mga iyon. Pawang mga balot na balot ng pulos kulay berdeng tila uniporme at may mga suot na itim na kapa. Sa takot na baka may kinalaman sa mga rango at Hwang ang mga iyon ay dali-dali akong tumayo at tumakbo sa tabi ni Maxrill.
Humupa lang ang takot ko nang sabay-sabay na magsipagtanguhan ang pamilyang Moon sa mga ito. Sabay-sabay na tumugon ng tango ang mga ito saka ako tinapunan ng tingin. Nagbaba ako ng tingin saka wala sa sariling nakitango rin.
Nagsalita si Tito More saka ako isinenyas sa mga iyon. Sumagot naman ang isa sa apat na matatanda saka sabay-sabay na inalis ang mga tingin sa akin.
Pawang matatanda na ang apat, siguradong mas may edad pa kaysa kay Mokz. Dahil sa pare-parehong matataas na sobrero ay hindi ko makita ang buhok ng mga iyon. Bukod sa mukha at leeg, mga kamay lang yata ang nakikita sa mga ito.
"'Wag mo silang titigan," mahinang ani Dirk.
"Sorry," napapahiya kong tugon. "Si Maxwell," nag-aalala kong sabi. "Kailangan na niyang madala sa ospital. Mauubusan siya ng dugo."
Nagsalita si Mokz, narinig ko nang banggitin niya ang salitang maji. Sa isip ko ay hiniling kong sana ay may kinalaman na sa pagdadala sa ospital ang sinabi niya sa apat na matanda.
Nabuhay ang pag-asa ko nang awtomatikong kumilos sina Maxrill, Mokz at Dirk upang buhatin si Maxwell. Pumuwesto ako sa ulunan ni Maxwell para maprotektahan iyon.
"Dadalhin natin siya sa ospital," ani Mokz. Lalong nabuhay ang pag-asa ko. "Maiwan ka, Maxrill Won," hindi ko maipaliwanag kung galit o nag-uutos lang ang tinig niya. "Kausapin mo ang mga taga-Kaechon."
Buntong-hininga ang isinagot ni Maxrill saka tinitigan ang nakatatandang kapatid. Iyon lang at tinalikuran na namin siya. Nakakailang hakbang pa lamang kami ay may sasakyan nang paparating. Sa malayo pa lang ay nakita ko nang malukot ang mukha ni Tita Maze, siya ang nagmamaneho niyon.
Sumigaw siya ng pagtatanong gamit ang salita nila. Ngunit wala nang sumagot sa kaniya, sa halip ay maingat naming isinakay si Maxwell sa sasakyan. Panay ang paghiling ko na sana ay umabot kami sa ospital. Hindi matigil ang pagpatak ng mga luha ko habang inaalalayan ang ulunan niyang huwag magalaw.
Gusto kong magtanong kung gaano pa kalayo ang ospital nang maisakay ang sasakyan sa barko. Gusto ko mang ipagtaka na may barko doon na may katamtamang laki, dahil ang pamilyang ito ang kasama ko, hindi na dapat ako magtaka.
"Ikaw ang aasikaso kay Maxwell," gusto kong magpasalamat nang basagin ni Mokz ang katahimikan. "'Wag mo siyang iiwan."
"I promise, I'm not going to leave him."
Matunog ang pagbuntong-hininga niya. "Kalaban namin ang bansang ito, Yaz. Kami lang ni Maze ang may kakayahang magpanggap na taga-rito kami," mahinang dagdag niya. "Pero si Maxwell..." nilingon niya ang apo. "Kahit saang anggulo ay malalamang hindi siya taga-rito. Oras na magising siya, hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari."
Nagugulat akong tumitig sa kaniyang likuran. Hindi na nga matahimik sa kaba ang dibdib ko, nadagdagan pa. Tahimik akong lumuha saka muling nagbaba ng tingin kay Maxwell.
"Maxwell..." paulit-ulit ang pagtawag ko bagaman wala namang nagbabago sa kaniyang itsura. Wala pa ring malay at naliligo sa samu't saring dugo. "Please, wake up, baby," inilapit ko ang noo sa kaniya na para bang may magbabago.
Ramdam ko ang tensyon sa loob ng sasakyan bagaman nangingibabaw ang katahimikan. Lalo ko iyong naramdaman nang madaliin ni Mokz ang pagpapaandar ng barko na para bang sementong kalsada ang dinaraanan niyon.
Tahimik si Tita Maze pero nakakunot ang kaniyang noo at tulala lang sa kung saan. Ayaw ko mang isipin, pakiramdam ko ay ako ang dapat sisihin sa lahat ng nangyayari.
"I'm really sorry, tita," umiiyak kong sabi.
Umiling siya. "Please stay quiet," mahinang pakiusap niya. Wala akong nagawa kundi ang muling lumuha.
Hindi naging mabilis ang byahe, tahimik akong umiiyak, hindi binibitiwan ang pulsuhan ni Maxwell. Pero nang makadaong muli ang barko ay halos paliparin na ni tita ang sasakyan papunta sa ospital na parang siya lang ang may alam.
Nang makarating naman ay halos mag-unahan sila sa pagpasok upang humingi ng tulong. Pilit kong itinutuon ang buo kong atensyon kay Maxwell nang lapitan kami ng mga nurse. Agad din siyang nilapitan ng doktor nang makarating kami sa ER. Pero pilit na naaagaw ng mga staff doon ang atensyon ko. Halatang lahat sila ay panay ang tingin kina Tita Maze at Mokz.
Nakagat ko ang aking daliri saka nahawakan ang pendant ng kwintas ko.
Sinabi ni Maxrill na hindi namin pwedeng dalhin sa hospital si Maxwell...halatang nagalit siya sa 'kin nang ipilit ko.
Muli akong nag-angat ng tingin kay Tita Maze pero gano'n na lang ang gulat ko nang mula sa likuran niya ay may mga pulis na lumapit sa kanila.
Napatayo ako at akma nang lalapit nang sulyapan ako ni Mokz at palihim na ilingan. Nagkarambola sa kaba ang dibdib ko nang sulyapan ako ng police. Wala akong nagawa kung hindi ang magpanggap na aligaga, hindi ako nahirapan dahil iyon talaga ang aking nararamdaman.
Mauupo na sana ako nang mag-ring ang cellphone ko. Si Maxpein ang tumatawag. Dali-dali ko 'yong sinagot.
"Hello?" wala pa man ay parang maiiyak na naman ako.
"How's my brother?" tanong niya.
Gumuhit na ang mga luha ko. "Narito pa kami sa ER," pinigilan kong humagulgol sa takot na magalit siya. "May mga parak dito, Maxpein,"kailangan kong gumamit ng mga salitang kahit papaano ay hindi madaling mahulaan.
Dinig ko siyang bumuntong-hininga sa kabilang linya nang paulit-ulit. Lalong nabuhay ang kaba, takot at konsensya ko.
"Ang kausap ay ang mga kasama ko,"sinikap ko na ring hindi banggitin ang mga pangalan nila.
"'Wag kang lalapit sa kanila," kinabahan lalo ako sa utos niya. "Hindi kami taga-rito, Yaz,"pabulong niyang dagdag. "Kalaban namin ang bansang ito. Kaya sina Maze at Mokz ang sumama sa 'yo dahil dati silang nakatira rito. Pero hindi malabong ma-trace ng mga parak na 'yan kung taga-saan na talaga sila."
"Anong gagawin ko?" naisubsob ko ang mukha sa palad ko.
"Itatakas namin kayo ni Maxwell."
Natigilan ako at napatitig sa kung saan. "Ano?" hindi makapaniwalang tugon ko.
Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Sa ngayon, kailangan mong makuha ang mga gamit ni Maxwell. Ibinigay na ba sa 'yo?"
Nag-angat ako ng tingin sa loob ng ER. "Hindi pa."
"Fuck!" asik niya. "Kailangang makuha mo ang wallet niya, nang hindi nila nagagalaw, Yaz. Pakiusap."
Natuliro ako, kung sino-sinong paroo't parito sa ER ang tinitingnan ko. "Oo, oo," aligaga kong tugon.
Bumuntong-hininga uli siya, halatang namroblema. "May sariling ID ang mga Moon,"kapagkuwa'y dagdag niya, namomroblemang talaga. "Hindi nila 'yon pwedeng makita."
Hindi ko maipaliwanag kung paano ko pa nakuhang mamangha sa kabila ng sitwasyong 'yon. Ngayon ko lang nalamang may sariling ID ang mga Moon. Kung anong nakasulat doon ay wala akong ideya. Pero kung gano'n na lang ang pag-aalala ni Maxpein na makuha 'yon, nasisiguro kong may nakalagay ro'n na hindi maaaring makita ng iba.
"Hintayin mo lang ang tawag ko," dagdag niya. Tumango lang ako. "Balitaan mo 'ko kapag nailipat na sa kwarto si Maxwell. Parating na ang mga tao namin."
"Salamat, Maxpein."
"'Wag mong iiwan ang kapatid ko."
"Dito lang ako."
"Thank you, Yaz," iyon lang at ibinaba niya na ang linya.
Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko. Pakiramdam ko ay dumoble 'yon kaysa noong sina Hwang ang kaharap ko. Na kung tutuusin, hindi ko kailangang maramdaman dahil ospital ito. Dapat ay ligtas kami rito. Pero sinong mag-aakala na dahil lang sa bansa kung saan sila ipinanganak, posible kaming mapahamak.
Gusto kong magsisi na kakaunti lang ang alam ko tungkol sa dalawang bansang ito. Magmula nang magkagusto ako kay Maxwell, hindi lang lahat ay ginawa ko kundi lahat ay inalam ko. Maliban dito. May ideya na ako't lahat, hindi pa ako naglaan ng oras para alamin. Hindi ako nagbasa-basa. Wala akong nalalaman kundi sa mga napagdaanan kong lessons mula elementary hanggang college. Ni minsan pa ay hindi natuon sa mga bansang ito ang topics sa history subjects. Nababanggit lang ngunit hindi talagang napagtuunan nang husto para lumawak ang kaalaman ko. Isa pa, mas marami akong alam tungkol sa bansang ito kaysa sa bansa nila.
Kumuyom ang mga palad ko, humigpit ang pagkakahawak sa telepono, nang sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong isama ng mga pulis sina Maze at Mokz. Napapikit ako at pinigilan ang sariling lumingon.
Napakaraming tanong na nabuo sa isip ko. Ang lahat nang tanong na 'yon ay nagpaulit-ulit at lalo pang nadagdagan nang pumatak nang pumatak ang oras. Halos buong buwan ang maramdaman ko sa kahihintay bago tuluyang may lumapit sa 'kin.
"Annyeonghaseyo," pagbati ng nasisiguro kong doktor sa akin. Tumayo ako at nakipagpalitan ng pagtango rito. Pero gano'n na lang ang panlulumo ko nang magsalita ito gamit ang lenggwahe roon.
Naitanggi ko ang pareho kong kamay. "I don't speak Korean," nawawalan ng pag-asang sabi ko. "English, please."
Sandali itong natigilan saka nagkamot ng sentido at nanlumo rin. May mga sinabi pa ito habang sumesenyas. Sa intindi ko ay tatawag muna siya ng makakausap ko. Tanging tango at pasalamat ang naisagot ko.
Nagpalakad-lakad ako sa hallway hanggang sa may lumapit ulit sa akin. Umasa akong makakausap na iyon nang maayos pero iilang salita lang ang aking naintindihan. Pinaghahalo ng ikalawang doktor ang English at Korean.
Binigyan nila ako ng napakaraming papel at laking pasalamat ko nang may translation sa English ang karamihan sa mga naroon. Sa panghuhula ko naintidihan ang sinasabi nila, kailangang dalhin si Maxwell sa operating room.
"Here," inilahad ng nurse sa 'kin ang mga gamit ni Maxwell malipas ang mahabang oras.
"Thank you," napapatango kong tugon saka kinuha ang mga 'yon.
Luminga-linga ako sa paligid, napapraning, saka inisa-isa ang gamit ni Maxwell; cellphone, carkeys, nailcutter at wallet. Napatitig sa matabang leather tri-fold wallet ni Maxwell.
Nangiti ako nang sa picture nilang tatlong magkakapatid unang tumama ang paningin ko. Pare-pareho pa silang mga bata at naka-hanbok. Iginuhit ko ang aking daliri sa mismong mukha ni Maxwell. Bata pa lang ay napakagwapo niya na. Siya na talaga ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo.
Nangiti ako sa customized engraving ng initials ng pangalan niya, MLDVM. Pakiramdam ko, sa kanilang magkakapatid ay si Maxpein lang hindi mahilig sa gano'n. Pareho sila ni Maxrill na pulos may initials ng pangalan ang mga gamit.
Dumapo ang paningin ko sa hindi mabilang na cards sa mga bulsa. Isa-isa kong hinugot ang mga 'yon para makita kung para saan. Karamihan ay may kinalaman sa kaniyang propesyon, mga lisensya. Ang sumunod ay pulos sa banko.
Anong ID ang tinutukoy ni Maxpein?
Binuklat ko ang lalagyan ng cash at naghanap. Susuko na ako nang mapansin kong may secret slot ang wallet. Kinapa ko pa ang likuran at diniinan, mukhang hindi ako nagkamali, may nakasilid doon.
Napalingon pa ako ng minsan, na para bang ilegal ang ginagawa ko. Saka ko binuksan ang secret slot at sinilip ang laman niyon. May card na katulad lang din ng mga ATM cards niya. Picture niya agad ang makikita, nakaitim na hanbok at seryosong-seryoso.
Empery of the Moon. Iyon lang ang tanging nababasa ko bukod sa pangalan niyang Maxwell Laurent Moon. Lahat ay nakasulat na sa Korean letters. Nang matapan ng ilaw ang ID ay saka ko lang napansin ang hologram niyon. Iyon kasi ang simbolo ng pamilyang Moon.
Napatayo ako nang makita kong ilabas mula sa ER si Maxwell. Lakad-takbo akong sumunod sa mga staff.
"Where are you taking him?" tanong ko.
"No English," anang isa saka minadali ang pagtutulak sa stretcher.
Nang mapagtanto ko ang OR ay pinigilan na nila akong sumunod. Saka nila itinuro ang gawi ng mga silya. Nasapo ko na naman ang aking noo at namomroblemang yumuko sa mga palad ko.
Bakit kailangang mangyari 'to?
Para akong nakalutang sa buong oras na hinihintay kong may lumabas mula sa OR. Tulala at hindi na magawang lumuha. Walang-wala ang pakiramdam noong maoperahan siya dahil sa ginawa ni Rembrandt. Nang mga panahong 'yon ay panay ang pag-iyak ko. Pero sa sandaling ito, pakiramdam ko, maging ang takot at kaba ay pinigilan ang mga luha ko at kakayahang makaramdam ng iba pa.
Lumipas ang mahigit isang oras bago may lumabas na doktor mula sa operating room. Awtomatiko akong tumayo at sinalubong siya.
"How is he, doc?" tanong ko. "Is he okay?"tanong ko na nakasenyas ang parehong daliri para mas maintindihan ako nito.
Tumango siya at nagsalita ngunit tanging private room ang naintindihan ko sa haba ng kaniyang sinabi. Tinawag niya ang isang staff at kinausap iyon. Ang staff na 'yon ang naghatid sa 'kin sa kwarto kung saan naroon si Maxwell.
Gusto kong magulat nang makitang bagaman maayos, kompleto ang gamit at malinis ang kwarto ay may kasamang dalawang pasyente si Maxwell. Ngali-ngali kong hinabol ang staff.
"Please give him a private room," pakiusap ko. Nangiti lang ang staff na tila hindi ako naunawaan. "Alone in one room," sabi ko na nakasenyas pa rin ang daliri.
Ngunit sa halip ay paumanhin ang tugon na natanggap ko at saka ako tinalikuran nito.
Damn it!
Napasulyap ako sa kwarto ni Maxwell saka nasapo ang aking noo. Gano'n na lang ang pagkabuhay ng pag-asa ko nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko.
"Pein," awtomatiko kong sagot.
"Nandito ako sa harap mo, nakatago,"aniya.
Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko saka palihim na naghanap ang mga 'yon. "Hindi kita mak...nakita na kita," sabi ko.
Gusto kong manlumo. Nang sabihin niyang nakatago, inisip kong nanamit siya sa ayos na hindi siya makikilala. Iyong may shades at sombrero pa. Pero kung ano ang suot niya nang makita ko siya kanina, gano'n pa rin ang suot niya ngayon. Nakaladlad lang ang buhok at nagbabasa ng newspaper. Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa nakatago, iyong natatakpan siya ng nakaupo sa harap niya o ng dyaryong binabasa. Wirdo talaga.
"Puntahan mo na si Maxwell. Pupuntahan kita kapag pwede na siyang lumabas," dagdag niya.
"Pein..." kabado kong pagtawag. "Itatakas talaga natin siya? Hindi ba pwedeng...ilabas na lang nang maayos?"
"Mm, kami nang bahala. Bye," iyon lang at ibinaba niya na ang linya.
Napabuntong-hininga ako saka pinasok si Maxwell sa kwarto. Napatango ako nang lingunin ako ng mga naroon, bantay ng ibang pasyente. Nagbaba ako ng tingin kay Maxwell at muling pinangiliran ng luha nang makita kung gaano karami ang sugat sa kaniyang mukha.
Naupo ako sa tabi niya saka inihiga ang aking mukha sa tabi ng kamay niya. "Maxwell..."lumuluha kong pagtawag. "Wake up, baby..."
Maingat kong kinuha ang kamay niya at pinadaan ang daliri sa singsing niya. Saka ko lumuluhang inilapat ang kamay niya sa aking pisngi.
"Yaz..." nagising ako sa bulong na 'yon. Ni hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Ang huling naalala ko lang ay nang hawakan ko ang kamay ni Maxwell.
"Pein..." pabulong kong tugon. Sumenyas siya na manahimik ako. Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang wala na sa kama si Maxwell. "Nasa'n na siya?" bulong ko.
Sa halip na sumagot ay sumenyas siyang umalis na kami. Nakatingin lang ako kay Maxpein habang kaswal kaming naglalakad patungo sa lobby. Hinawakan niya ako sa braso at nilingon. Ngumiti siya sa 'kin at sa ganoong sitwasyon kami naglakad, dere-deretso papalabas sa main exit.
Umawang ang labi ko saka nilingon ang ospital bago tuluyang sumakay sa van. "Nasa'n si Maxwell..." hindi ko na naituloy ang tanong nang malingunan ito sa stretcher sa likod. Naroon na rin ang myembro ng kanilang pamilya, lahat ay malayo ang tingin.
"Let's go," anunsyo ni Maxpein dahilan para paandarin ni Dirk ang sasakyan.
Tahimik ang byahe, panay ang lingon ko kay Maxwell ngunit naroon si Maxpein sa tabi niya. Gusto ko ring hilingin na pumaroon sa tabi ni Maxwell pero nag-aalala ako sa isasagot ni Maxpein. Baka magalit siya sa 'kin. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang manahimik mula sa byahe papuntang airport hanggang makauwi kami sa Pilipinas.
Sa kilalang ospital sa Maynila namin dinala si Maxwell. Bukod kasi sa iyon ang malapit, doon nagtatrabaho si Doc Bentley ayon kay Keziah. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko nang makita kung gaano kabilis siyang inasikaso.
"Yaz, bakit hindi ka muna magpahinga?"tanong ni Maxpein. "Hindi ka pa natutulog."
Nakaupo ako sa labas ng kwarto kung saan naroon at tinitingnan ang buong lagay ni Maxwell. Tanging mga doktor na hahawak sa kaniya ang maaaring pumasok doon bukod kina Tita Maze at Chairman More.
"Pein..." nakuha ko ang kamay niya at saka ako naluha. "I'm really sorry..." 'Ayun na naman ang paulit-ulit kong salita, kahit sinabi niya na noong tigilan ko ang kahihingi niyon, inuulit ko na naman ngayon.
Umiling ako nang umiling at nagbaba ng tingin. Alam kong pagod na ang katawan ko, mula nang mangyari ito ay hindi pa ako natutulog. Pero ni ipikit ang aking mga mata nang ilang minuto ay hindi ko magawa. Parang hanggang doon ay hinahabol ako ng mga ginawa ni Hwang.
"Hindi mo naman kasalanan 'yon," buntong-hininga niya. "Gago talaga si Hwang. Bata pa lang kami...gago na siya." Bakas ang galit sa mga mata at tinig niya.
"Nag-aalala ako kay Maxwell..."
"Natural," buntong-hininga niya. "Ikaw man ihiga ko ro'n, eh, mag-aalala rin siya."
Napamaang ako, natitigilang nag-angat ng tingin sa kaniya. Ngunit walang nagbago sa kaniyang itsura. Napabuntong-hininga ako, iyon ang natural na ugali ni Maxpein, ano't nagugulat pa 'ko?
"Sana ay gumising na si Maxwell,"naihilamos ko ang kamay sa aking mukha.
"Kailangan talagang magising siya,"bumuntong-hininga si Maxpein. "Dahil hindi ko alam kung kanino ako gaganti." Naupo siya sa tabi ko. "Napatay ni Maxrill si Hwang."
Umawang ang labi ko at napatitig muli sa kaniya. "A-Ano na ang mangyayari kay Maxrill?"
Bumuntong-hininga siya. "Pag-uusapan pa namin." Nagbaba siya ng tingin sa mga kamay niya. "Pero ang astig niya, 'di ba?" Hindi ko inaasahang aniya. "Asintado kaming lahat pero ako ang pinakamagaling sa pagpapana, walang makapantay sa 'kin," seryoso niya 'yong sinabi, hindi alintana ang mayabang na dating no'n sa makaririnig.
Ngumisi siya, bahagya pang tumawa. "Kaya kong magpana ng nakatayo, nakahiga, naglalakad o tumatakbo," dagdag niya.
Literal na umawang ang labi ko at sa ganoong sitwasyon tumitig sa kaniya. Nilingon niya ako at bumuntong-hininga.
"Humanga ka rin, 'di ba?" inosente pamng aniya. "Hindi mo pa man nakikita, bumibilib ka na."
"Maxpein!" asik ko.
Pinagkunutan niya ako ng noo. "Oh?"
Nangilid ang luha ko, hindi talaga makapaniwala.
Ngunit iniakbay niya ang braso sa 'kin at bahagya akong tinapik. "Ikaw pa lang ang naiyak sa paghanga sa galing ko, Yaz."
What?
Sandali pa akong napatitig sa kaniya saka napayuko sa mga palad ko at muling naiyak. Sa sitwasyon ni Maxwell, hindi pa nagigising at ngayon ko lang maiintindihan kung ano ang nangyari sa kaniya. Ang katotohanang nakapatay si Maxrill bagaman si Hwang ang may kasalanan. Paanong ganito pa ang naiisip niya? Oo nga't Moon siya at tipikal nilang ugali 'to, pero mukhang hindi na ako masasanay sa ganitong ugali nila kahit kailan.
"Bakit kailangang gawin ni Hwang 'to? Kung sa iyo siya galit...bakit si Maxwell ang binabalikan niya?" iniba ko ang usapan.
Bumuntong-hininga siya, sandaling tumahimik. "Hinihintay na kasi ng Emperyo na makapag-asawa siya," ngiti niya saka lumingon sa 'kin.
Gusto kong ngumiti pero lungkot ang naramdaman ko. "Bakit?"
Matagal siyang tumitig sa 'kin saka bumuntong-hininga. "Ang magiging anak na babae ni Maxwell..." sinadya niyang bitinin ang sinasabi at muli pang bumuntong-hininga. "Ang nakatakdang pumalit sa 'kin bilang pinakamataas na rango ng Emperyo."Umawang ang labi ko. "Nagkamali ako nang isipin ko na pwede akong mag-atas ng tao. Pero hindi pala gano'n 'yon."
"Wait..." nalilito akong umiling. "Hindi ko maintindihan."
"Mahabang kwento, Yaz," malungkot niyang sinabi saka bumuntong-hininga.
"Makikinig ako..."
"Mula nang dumating ako sa kanilang pamilya, kung ano-ano nang pinagdaanan nila."
Umiling ako nang umiling. "Hindi ko maintindihan, Maxpein."
"Kaya nga sinabi kong mahabang kwento,"buntong-hininga niya. "Nakakaisang linya pa lang ako, nalito ka na."
Nasapo ko ang aking noo, umiral na naamn ang ugali niya. "Bakit kailangang anak namin, Maxpein?" hindi ko na napigilang itanong 'yon.
"Dahil..." tumitig siya sa 'kin na para bang namroblema bigla. "Mahabang kwento."
Lumaylay ang mga balikat ko. "Maxpein, please, tell me."
"Iyon ang ipinangako ng lola namin sa Emperyo para...hindi sila mapatalsik sa bansang iyon gaya sa nangyari sa pamilya nina Deib Lohr."
Nasapo ko lalo ang aking noo, nalilito ako. Hindi ko maintindihan. "Paanong nangyari 'yon? Ano'ng mangyayari sa anak ko?"
"Wala ka pa namang anak," kunot-noong tugon niya, seryoso.
Umawang lang ang labi ko. Seryoso siya pero bakit ganito? Pakiramdam ko ay pinipiloso niya lang ako.
Bumuntong-hininga siya. "Let's talk about some other time, Yaz. I think you're tired, hindi mo 'ko maiintindihan."
Dahil maging sa pagkukwento ay kakaiba ka. Napakawirdo mo, Maxpein. Alam kong isa ito sa ugali niyang umuubos sa pasensya ni Deib Lohr. Saksi ako sa mga hindi nila pagkakaintindihan dahil sa mga ganitong uri ng sagutan ni Maxpein. Na kahanga-hangang naiintindihan ng mga Moon, maliban sa 'ming nasa labas ng kanilang pamilya.
Matagal na sandali ang lumipas bago kami nilapitan ni Doc Bentley. Bumuntong-hininga siya, sandaling sumulyap sa 'kin bago bumaling kay Maxpein.
"According to his brain imaging result, his hippocampus is damaged," buntong-hininga ni Doc Bentley. Natutop ko ang aking labi. "Hindi ko pa masabi, he's still unconscious, but..."
"But?" sabay naming tugon ni Maxpein.
"This can cause post-traumatic amnesia,"buntong-hininga niya. "Malalaman pa namin kapag gumising siya," dagdag ni Bentley.
"No," wala sa sariling naisagot ko.
"I'm sorry. It happened twice," buntong-hininga ni Bentley saka tumingin kay Maxpein."Sa akin ay walang problema kung hindi mo ibigay ang lahat ng detalye. But you need to tell everything to his neurologist, Maxpein. You know how important it is. Imposibleng hindi mo pwedeng ibigay ang detalye kung bakit nangyari ito."
Hindi ko na nagawang pakinggan pa ang mga sinasabi niya. Lumapit ako sa pinto ng kwarto ni Maxwell at sumilip sa maliit na window niyon.
Maxwell...
Hindi ko maipaliwang ang kaba sa dibdib ko. Kaba na nagdulot ng kung ano-anong isipin sa akin. Natatakot ako na sa dami nang nangyari sa kaniya, ako ang malimutan niya.
Lumuluha ko siyang tinitigan mula sa kinaroroonan. 'Ayun na naman ang samu't saring tanong sa isip ko kung bakit kailangang mangyari nito.
Nagkamali ako nang isipin kong magigising agad si Maxwell. Dahil dumaan ang ilang linggo bago siya tuluyang nagising.
"Maxwell..." gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko siyang magmulat ng mga mata.
Tumitig siya sa 'kin at bahagyang ngumiti saka muling pumikit. Natutuliro kong hinaplos ang pisngi niya saka ako nagtatakbo palabas ng kwarto. Gano'n na lang ang pasasalamat ko nang madatnan si Bentley sa station.
"Doc, gising na siya," umiiyak kong sinabi.
Nakahinga nang maluwang si Bentley saka patakbong pumunta sa kwarto ni Maxwell. Habang papasunod naman ay idinial ko ang numero ni Maxpein para ibalita ang nangyari.
"Gising na si Maxwell," nakangiti man ay umiiyak kong sinabi.
Narinig ko nang pabuntong-hininga siyang nakahinga nang maluwang. "We'll be right there." Iyon lang at ibinaba ko na ang linya.
Excited akong tumingin sa kwarto saka nagtatakbo rin papunta roon. Ngunit bago pa man ako nakalapit kay Maxwell ay nag-uunahan nang pumasok sa kwarto niya ang iba pang mga doktor.
Hindi ko nagawang lumapit dahil nakikita ko kung paano nila isa-isang inasikaso ang ang katawan ni Maxwell.
Lumuluha ko silang pinanood, tutop ang sariling bibig upang hindi mapahagulgol.
Maxwell...
Titig na titig ako sa mukha niya habang siya ay seryosong nakatingala sa matandang doktor na naroon sa ulunan niya. Sa dami ng nagsasalita, sa lakas ng tinig na nangingibabaw sa kwartong iyon, sarili kong pagluha ang aking naririnig.
Mahabang sandali akong nanatili sa ganoong sitwasyon, pinatapos ko ang lahat ng doktor sa mga kailangan nilang asikasuhin. Namalayan ko na lang ay naroon na ang pamilyang Moon.
Napayakap ako kay Maxpein nang dumating sila at doon ako nagpatuloy sa pag-iyak. "He's okay now," emosyonal kong sinabi.
Tumango-tango si Maxpein, nakahinga muli nang maluwang. Hinintay naming isa-isang magsipag-alisan ang mga doktor. Kay Maxpein ipinaliwanag ng mga ito ang sitwasyon ni Maxwell. Pero dahil gising na si Maxwell, hindi ko na pinakinggan ang pakikipag-usap sa mga doktor ni Maxpein.
Nakangiti, lumukuha akong lumapit nang sa wakas ay si Bentley na lang ang maiwan sa tabi niya.
"Hyung," tinig ni Maxrill. Emosyonal niyang hinaplos ang noo ni Maxwell at saka marahang yumuko upang halikan ito. Emosyonal niyang isinatinig ang tuwa na gising na ito gamit ang lenggwaheng sila lang ang nakaiintindi.
Nakangiting iginala ni Maxwell ang paningin sa iba mang myembro ng kanilang pamilya na isa-isa ring lumapit sa kaniya. Habang ako ay naroon sa kanilang likuran, nakatakip pa rin sa bibig at tahimik na umiiyak bagaman talagang masaya.
Tinitigan ko lang ang mukha ni Maxwell habang hirap pang magsalita, kausap ang kaniyang mga magulang. Masaya na ako sa ganoon, ilang linggo ko rin siyang hindi nakitang magsalita.
Kung hindi pa ako lingunin ni Mokz ay hindi pa yata ako lalapit.
Nilingon ako ni Maxwell dahilan upang magkasunod-sunod ang pagpatak ng aking luha. Patakbo akong lumapit at maingat na yumakap sa kaniya.
Nasanay akong nararamdaman ang mga braso niya sa likuran ko sa t'wing yayakap ako sa kaniya. Naiintindihan kong hindi niya magantihan ang yakap ko ngayon dahil sa sitwasyon niya. May device pa kasing nakakabit sa kamay niya.
"Yaz..." mahina niyang sambit.
Umiyak ako nang umiyak sa dibdib niya. "I miss you, Maxwell." Napahagulgol na ako. "Thank God, gising ka na."
"You took care of me?"
Nakayakap akong tumango, napahagulgol na naman sa pag-iyak. "Hindi ako umalis sa tabi mo."
"Thank you."
Sandali kong pinatahan ang aking sairli bago sinalubong ang tingin niya. "I love you, baby,"emosyonal kong sinabi.
Nakita ko nang matigilan siya at bumuntong-hininga. "Thank you, Yaz."
Pinahiran ko ang aking luha at saka tuluyang kumalas. "Are you hungry? Ipaghahanda kita ng makakain. Aalamin ko na lang kay Bentley kung anong pwede mong kai—"
"Where's Keziah?" bigla ay tanong niya, hindi ko inaasahan.
Sandali akong natigilan. "She's not here, baby."
Nakangiti man ay pinagkunutan niya ako ng noo. "When is she coming back?"
"What...do you mean?" nalilito kong tugon.
"I mean...I want to see her."
"She's taking care of the hospital, Maxwell,"ani Tita Maze.
"I just want to see her," buntong-hininga ni Maxwell.
Ako naman ang nangunot ang noo pero pilit ko iyong pinalis. "Do you want me to call her?"
"Yeah, please, thanks, Yaz."
Nalilito man ay sumunod ako. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko habang kinukuha ang cellphone sa bag, hanggang sa mag-dial sa aking telepono.
Napasulyap muli ako kay Maxwell pero kausap niya na ang kaniyang mga magulang.
"I'm busy, Yaz," iyon agad ang bungad ni Keziah sa tawag ko.
"Gising na si Maxwell."
Sandaling natahimik ang kabilang linya. "Thank God!"
"He's looking for you."
"What? Why?"
"I don't know..." hindi ko maipaliwanag ang pagguhit ng luha sa mga mata ko. Napatalikod ako sa gawi nina Maxwell at nakagat ang daliri ko. "Pwede ka bang pumunta rito?"
Sandali muling natahimik ang linya ni Keziah. "You know I can't. Hindi na nga ako magkandaugaga rito, kanino ko iiwan ang responsibilities namin dito, Yaz?"
"But..." Pinahiran ko ang mga luha ko at saka nilingon si Maxwell. Nakatingin na siya sa 'kin. "He wants to see you."
"Let me talk to her," ani Maxwell.
Natulala ako sa kaniya, ilang saglit bago ako sumunod. "He'll talk to you, Keziah," mahina kong sabi saka inilagay ang cellphone sa tenga ni Maxwell.
"Hmm?" ani Maxwell. Pero hindi ko na narinig pa ang mga sinabi ni Keziah.
Sa ganoong sitwasyon na nakatitig lang ako sa kaniya habang kausap niya ang kaibigan ay magkakasunod nang pumatak ang aking mga luha.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top