CHAPTER 54
CHAPTER WHATEVER
NAKAGAT KO ang labi ko nang mapatitig sa gwapong mukha ni Maxwell matapos niyang maligo. Dumeretso siya sa harap ng vanity mirror at saka doon tinuyo ang sariling buhok.
Mas dumiin ang pagkakakagat ko sa labi ko nang masulyapan ang likuran niya. Napapikit ako nang maalala kung paano niyang hinigop ang talaba, sa paraang sarap na sarap siya. Nagdulot ng kung anong pakiramdam ang isiping 'yon na tila kuryenteng mabilis na gumapang sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko 'yon.
"What?" hindi ko inaasahang tanong niya. Nakatingin na siya sa 'kin mula sa salamin.
Tumaas ang kilay ko. "What?" mataray kong tugon.
"You're staring," ngisi niya, nagmamalaki. Saka binasa ang kaniyang labi.
Napairap ako sa pagkapahiya. Sa inis ay bumangon ako. "I want to blow."
Nakita ko siyang matigilan, ang mga kamay ay may hawak na towel na kasalukuyang naroon sa kaniyang buhok. Mula sa salamin ay tinitigan ko ang tiyan niyang mukhang paborito ko na ring hawakan.
"Baby..." agad na bulong niya nang makalapit ako.
Nakita ko nang sulyapan niya ang suot ko, itim na undies, puti at manipis na sando. Ini-stretch ko pataas ang parehong kamay ko saka nakapikit na itinangala ang mukha ko. Nang magmulat ay nagtama ang aming paningin.
Bahagya kong inawang ang aking labi saka ko hinawakan ang kaniyang dibdib. Ang libre kong kamay ay pinagapang ko mula sa aking dibdib, papunta sa aking leeg hanggang sa aking batok.
"I want to blow," mahina at nanghihina kong sinabi saka ko marahang kinagat ang aking labi.
Nakita ko nang umawang ang kaniyang labi, nasisiguro kong gano'n kabilis siyang naapektuhan sa sinabi ko.
Saka ko marahang inalis ang pagkakatali ng buhok ko at maarteng iwinagayway iyon. "Basang basa pa kasi ang buhok ko,"kapagkuwa'y dagdag ko, marahang nagbaba ng tingin sa trono. "Baka sumakit ang ulo ko."Diniinan ko nang sadya ang mga karapat-dapat na salita.
Saka ko siya tinalikuran upang kunin ang blower. Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago ko buksan iyon at simulang tuyuin ang buhok ko.
Napangisi ako nang makita ang pagtitim ng bagang niya habang nakatingin sa likuran ko. Ngunit awtomatiko ko iyong binura, pinagmukhang inosente ang sarili. Tumingin ako nang deretso sa salamin, bahagya pang itinatabingi ang sarili habang tinutuyo ang buhok.
Ngunit hindi ko inaasahang hahakbang siya. Sa paraang ipinararamdam sa 'kin ang epekto ko sa kaniya!
Shit!
Nakamaang ko siyang nasulyapan sa salamin. Hindi ko na naigalaw ang blower, nagtuloy-tuloy lang 'yon sa pag-andar nang matigilan ako.
Kinuha niya ang blower at siya ang nagpatay niyon. Inilapag niya iyon sa vanity saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.
"I don't know why you always do this to me," makahulugang bulong niya, deretsong nakatingin sa akin. Naitikom ko ang aking bibig.
Marahan niyang ibinaba ang strap ng sando ko saka muling sinalubong ang mga mata ko. Hindi niya inalis ang titig sa akin habang marahang inilalapit ang mukha sa balikat ko. Nakagat ko ang aking labi nang dampian niya ng halik iyon.
"You know how your silly actions devastates every sense I have," mahinang aniya. "Your touch unravels me."
Sinabi niya iyon sa pagitan ng halik na gumapang nang tuluyan papunta sa leeg ko.
"Kissing you already feels like eternity,"mahinang dagdag niya, hinahalikan ang pandinig ko, dahilan para bumilis ang aking paghinga.
Napasinghap ako nang marahan niyang hawakan ang dibdib ko. Nahawakan ko ang braso niyang paulit-ulit ang paglalaro doon.
"But making love with you tasted so damn good, you're like a living paradise. I always want it with you," patuloy niya.
Shit! I can't believe he's doing this to me! At gusto kong mahiya dahil nasasaksihan niya kung gaano niya akong pinanghihina. I can't even believe na maaapektuhan ako nang ganito ng mga salita niya gayong ako madalas ang gumagawa no'n sa kaniya.
"And I don't think I will ever be satisfied until I wake up next to you every morning,"dagdag bulong niya, napapikit ako.
Walang kahirap-hirap niyang naalis ang sando ko saka pinanood mula sa salamin ang mga kamay niyang naroon sa dibdib ko.
"You're the happiest moment of my life,"sinalubong niya ang mga tingin ko. "You make me long for your embrace. You're the only woman who can make me dream of her kiss,"dinampian niya ng halik ang panga ko. "You're fully capable of satiating my hunger for everything, baby."
Napadaing ako nang gumapang ang kamay niya papasok sa undies ko.
"I'm a truly blessed man because I have everything I'll ever need," dagdag bulong niya ngunit panibagong daing ang naisagot ko.
Napapikit ako nang maramdaman ang mga daliri niyang daanan ang bawat detalye ng korona ko. Binitiwan niya ang pisngi kong nakapatong sa kabilang palad niya upang tuluyang maibaba ang balakid sa kaniyang ginagawa.
Nakagat ko ang aking labi nang masulyapan ang humahanga bagaman naliliyo niyang mga mata. Tiningnan niya ako na para bang iyon ang unang pagkakataon.
Muli niyang sinalubong ang mga mata ko saka ako marahang itinagilid upang magkaharap kami. Lumingon siya sa salamin. Mula roon ay pinanood niya ang sariling kamay na bumaba sa aking balakang pababa pa sa aking hita.
Napasinghap ako nang iangat niya ang hita ko, sa isip ko ay nahulaan ko na ang gagawin niya. Paulit-ulit akong napamura sa aking isip nang salubungin niyang muli ang mga mata ko saka siya bahagyang ngumisi.
"Not yet," aniya nang makitang naliliyo na 'ko sa ganoong pangyayari pa lang.
"Fuck," nakagat ko ang labi ko nang yumuko siya para halikan ang dibdib ko. May kung anong epekto ang pagtitig ko sa ginagawa niya mula sa salamin.
Napakapit ako sa vanity nang bumaba nang bumaba ang halik niya dahilan para hindi ko na malaman kung paanong matatagalan ang pagtayo. Nahihilo kong sinulyapan ang ginagawa niya mula sa salamin ngunit lalo akong naapektuhan. Muli ko naramdaman ang tila gumapang na kuryente sa buo kong katawan.
Nakaawang ang labi, napatingala ako nang mahalikan niya ang korona ko. Paulit-ulit akong napamura nang pigilan niya ang pagsasara ng mga hita ko. Mas napamura pa ako sa isip nang maramdaman kong bumuka nang todo ang korona dahilan para mapasok ng dila niya. Napahawak ako ulunan niya at hindi na malaman kung paanong pupwesto nang tama nang maramdaman ang pagkapuno ko.
"Maxwell..." 'ayun na naman 'yong pagtawag ko.
Nanlaki ang mga mata kasabay nang pamimilog ng mga mata ko nang ipasok niya ang mga galamay habang hinahalikan ang sensitibong korona!
Napahawak ako sa ulunan niya sa gulat at pagkamangha, lalo akong pinupuno. Paanong nangyari na ako ang may karanasan ngunit siya parati ang nagdudulot ng panibagong pakiramdam?
Naghabol ako ng hininga dahilan para mas bumilis ang mga galamay niya. Sinubukan kong pigilan ang umungol nang malakas ngunit nabigo ako nang sumabog ang masarap na pakiramdam.
Sinalo niya ako nang manghina ngunit muling namilog ang bibig ko nang tumayo siya sa likuran at ipasok mula roon ang trono.
Pakiramdam ko ay muli akong sasabog nang mapaungol siya sa tainga ko. Talagang iba ang epekto ng bawat ingay niya sa sistema ko.
Sabay kaming dumaing, sabay kaming umangol, nagsasalubong ang mga galaw namin dahilan para magkasabay na naman kaming makaramdam ng pagsabog.
"I'm coming," halos sabay naming sinabi ngunit sa tinig ko ay para ba akong maiiyak sa sarap.
"Fuck," mariing sabi niya nang hindi niya iyon hugutin at sa halip ay iparamdam pa lalo sa 'kin ang sarap. Wala siyang itinira maski na isang patak nang isagad niya nang paulit-ulit sa 'kin ang trono.
Nagkamali ako nang isipin kong tapos na kami. Dahil binuhat ako ni Maxwell at marahang inihiga sa kama. Sinalubong niya ako ng halik dahilan para muling mag-init ang katawan ko. Wala pa mang isang minuto ay naramdaman ko muling pumasok ang trono.
Umarko ang katawan ko nang magsimula nang napakarahan iyon. Unti-unting bumilis hanggang sa muling magsabay ang katawan namin sa paghahabol na maabot muli ang tagumpay. Sa ikatlong pagkakataon ay sumabog ako. Sa ikalawang pagkakataon ay ipinutok niya 'yon sa loob ko.
"Kapag nabuntis ako ay lagot tayong pareho," sabi ko habang naghahabol ng hininga.
Ngumisi siya. "Who told you?" maangas na sabi niya. Napatili ako nang buhatin niya ako.
"Isa pa?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Yeah," sabi niya saka ako iniupo sa ibabaw niya.
"I can't believe you..." hindi ko na natarayan pa ang boses ko nang sa isang buhatan ay sa trono na ako napaupo. "Maxwell!" paungol akong sumigaw nang siya pa rin ang kumilos, sa halip na ako!
Iba ang sarap niyon, bagong-bago. Sa paraang ramdam na ramdam ko sa kaloob-looban ko ang laki at haba ng trono. Sobrang bilis, dahilan para sabay na naman kaming mapuno at sumabog sa ikaapat na pagkakataon.
Habol ang hinanga, napahiga ako sa dibdib niya. "Fuck, I'm so drained," natatawang bulong ko.
"I love you, baby," bulong niya.
Hinang-hina ko 'yong sinagot. "I love you..."pakiramdam ko ay makakatulog na ako.
"Let's wash up," bulong niya.
"I'm tired."
"Baby..."
"Five minutes, baby..." pakiusap ko. Nanghina talaga ako. Ngayon lang namin nagawa ito. "Grabe ka," natatawa kong sinabi nang maramdaman ko na naman ang kamay niya sa dibdib ko.
"Why?" paungol na sagot niya. "You're so beautiful," bulong niya saka hinalikan ang pisngi ko. "Lalo na kapag malapit ka nang..."
"What?" hamon ko nang bitinin niya ang sinasabi. "Pinapanood mo 'ko, ah!" galit kunyaring sabi ko.
Kinagat niya ang labi. "Yeah, I love watching you. You're affecting every inch of me."
"Really?" mapanukso kong sinabi saka umarte na para bang sasabog na naman.
"Baby..." nagbabanta na agad ang tinig niya.
"Just kidding."
"Mapapagod ka talaga kapag umulit ka pa,"seryoso nang banta niya.
"Pagurin mo pa 'ko, please."
"Sure," sabi niya na hinawakan agad ang trono niya!
Napasubsob ako palapit sa kaniya nang maramdaman iyon sa bukana ng korona. "Maxwell!"
Umangat ang gilid ng labi niya. "Hmm?"
Pinalo ko ang braso niya. "Halika na nga!"bumangon ako at hinila siya papasok sa bathroom.
Napuno iyon ng tawa ko nang hanggang doon ay hindi niya talaga ako tinigilan hanggang sa maulit ang sandali sa ikaapat na pagkakataon!
Tuloy ay pareho kaming nakatulog agad, wala nang napag-usapan di tulad ng mga nakaraang gabi. Pareho ring kaming tinanghali ng gising kinabukasan. Dahilan para pareho naming pagtawanan ang isa't isa at magturuan kung sino ang may kasalanan.
"Welcome to Nami Island," ani Maxwell nang marating namin ang lugar na iyon. Hawak ang kanan kong kamay, inilahad niya ang kaliwa at iminuwestra ang kabuuan niyon.
Maikli na nga lang ang byahe ay hindi ko pa naramdaman dahil sa katatawa sa mga kalokohang kinukwento ni Maxwell. Hindi ko akalaing sa huli ay mapapangiti niya pa rin ako sa paghanga.
Oh, my gosh! This is so fetch!
Gusto kong maiyak sa ganda ng paligid. Hindi ko alam kung tama bang sabihin pero higit na maganda iyon kompara sa mga pinuntahan namin kahapon. Aaminin kong hindi kasintindi ng paghanga ni Maxwell sa kalikasan ang pagmamahal ko doon. Aaminin ko ring mas minahal ko iyon dahil nakakahawa ang pagmamahal niya. Pero sa unang pagkakataon, natural kong naramdaman ang paghanga sa kalikasan. Natural kong naramdaman kung gaano ko ito kahamahal.
Kung hilig ko man ang overlooking, madalas ay buildings at kung ano-anong structures ang hinahangaan ko. Hindi ko akalaing sisibol nang ganito katindi ang paghanga ko dahil sa iba't ibang kulay ng mga nakahilerang puno.
Dumagdag pa ang preskong panahon, tuloy ay naging perpekto ang aming pagpunta. May mga cherry blossoms na sagana nang namulaklak, habang meron namang nagsisimula pa lang. Nakatayo ang mga iyon sa magkabilang gilid ng daang aming nilalakaran. Halos magkulay pink ang buong lugar nang dahil dito. Maging ang mga nahulog niyong dahon ay lalong pinaganda ang buong lugar. Wala akong masabi.
"Maxwell," naluluha talaga akong bumaling sa kaniya. "Ang ganda-ganda dito, grabe," hindi ako makapaniwala. Sa dami ng napuntahan ko, masasabi ko talagang iyon na ang pinakamaganda.
Ngumiti siya. "I agree," sinuyod niya nang may paghanga ang kabuuan ng lugar at hindi ko inaasahang matatapos 'yon sa 'kin. "Lalo na kasi nandito ka."
Parang hinaplos ang puso ko saka napayakap sa kaniya. "Parang gusto kong tumira rito."
"Baby," natawa siya saka nakagat ang labi. "Fine." Bumuntong-hininga siya saka tumitig sa 'kin.
Umawang ang labi ko. "No, hindi ko sinabing magkaroon tayo ng bahay dito," napanguso ako, biglang nahiya. "Hindi gano'n ang ibig kong sabihin."
"Why not?" ngisi niya. "I can buy you whatever you want." Sinuyod niya muli ng tingin ang buong lugar.
Lumabi ako. "Sobra-sobra na nga 'yong bahay na binigay mo."
Ngumiti siya. "You liked it, huh?"
Magkakasunod na tango ang isinagot ko. "Sinong hindi magkakagusto sa bahay na 'yon? Sobrang ganda! And it's not bahay, baby, it's a mansion."
"Who cares if it's a bahay or a mansion, baby? I can live in streets, as long as we're together."
Gusto kong ngumiti. Gusto kong ma-touch. Mas lalong gusto kong kiligin. Pero hindi ko magawa dahil hindi ko rin kayang maniwala.
Streets? Maxwell Laurent Del Valle, titira sa streets? Psh! Eh, 'yong bagong hugas ngang plato, todo punas siya, tapos titira pa siya sa kalsada? Duh?
"Okay, baby," iyon lang ang isinagot ko. "Punta tayo ro'n?" anyaya ko.
Hindi na yata matatapos ang paghanga ko. Talagang naupo ako sa lupa at nilaro ang mga nalaglag na dahon. Akala ko ay pandidirihan ako ni Maxwell. Pero pinagtawanan niya lang ako at kinuhanan ng magkakasunod na pictures. Syempre, naroon na 'yong paniniguro kong maayos ang mga kuha niya. Iyong hindi lang nakamulat ang mga mata kundi magandang-maganda.
"Ang ganda ko diyan," sabi ko na nakaturo sa kuha niya. Nakataas ang isang paa ko ro'n habang nakatingala sa mga puno.
"Yeah, thanks to the cherry blossoms, baby."
"Dito rin!" patili kong sabi matapos makita iyong ikalawang kuha niya. Perpekto ang pagkakakuha niya sa pag-ikot ko kung saan perpekto rin 'yong nilipad kong skirt.
"Yeah, baby, thanks to me."
Nawala ang ngiti sa labi ko at sumama ang tingin sa kaniya. Dahil nasa camera pa rin ang tingin niya ay hindi niya iyon nakita.
"Look at this one, you look so beautiful..."natigilan siya nang tuluyang makitang masama na ang mukha ko. "Yes, baby?"
"Baby, baby, eh, hinuhusgahan mo 'ko, Maxwell!"
Nangunot ang noo niya. "What?"
"Oh, bakit? Sabi mo no'ng una, salamat sa cherry blossoms, tapos no'ng pangalawa, salamat sa 'yo, akala ko ba, ako ang pinakamagandang babaeng nakilala mo? Eh, bakit nakadepende sa puno at sa kuha mo 'yong ganda ko?" sinabi ko 'yon nang dere-deretso, magkakasunod, walang hingahan habang pinanonood kong umawang ang labi niya.
"Baby..."
"What?" asik ko.
Tumawa siya. "I am going to marry that mouth too, right?"
Lalong sumama ang mukha ko. "Alangang hindi ko isama 'to?" inis kong itinuro ang bibig ko.
"Baby, you're a shotgun." Umiling siya.
"So, ayaw mo na sa 'kin?"
Awtomatiko niya akong niyakap. "Who told you?" seryosong aniya, natawa ako, saka inakay ako. "You remember the first time you went in Empery?" Nakangiti siyang nagbaba ng tingin sa 'kin.
Magkakasunod akong tumango. "Yeah, medyo."
"Kapag spring, ganito rin do'n," ngiti niya. "Maraming puno, iba't iba ang kulay."
Napanguso ako. "Puro green 'yong nakita ko no'n, Maxwell."
Natawa siya. "Hindi kasi spring no'ng ikasal si Maxpein. It's almost winter then."
"Tapos hindi man lang kami nakalibot kasi bawal lumabas," nakanguso ko pa ring dagdag.
Natawa siya. "Dahil hindi naman talaga allowed ang tourists doon." Bumuntong-hininga siya. Napatitig ako sa kaniya nang matagal siyang manahimik. "Actually..." bumuntong-hininga siya. "May problema kami ngayon, may kinalaman ang Empery ro'n."
Natigilan din ako at mas napatitig sa kaniya. "Anong nangyari?"
Ngumiti siya. "It's Hwang," buntong-hininga niya. Nabuhay bigla ang kaba ko nang banggitin niya ang pangalang iyon. "Nakakulong siya sa Kaechon at nakakawala lang." Bumuntong-hininga uli siya. "Binigyan ng ilang buwan ng Kaechon si Maxpein para maibalik si Hwang sa north."
Umawang ang labi ko. "And?"
"Nahihirapan siya," bumuntong-hininga uli siya at mas pinatindi niyon ang pag-aalala ko.
Sa tagal kong nakilala ang pamilyang Moon, ni isa sa kanila ay hindi ko nakitang mamroblema nang ganito. Bagaman kasi nakangingiti pa si Maxwell, hindi siya iyong tipong mabigat ang buntong-hininga kapag may problema. Madalas kasi ay kayabangan na lang ang pagbuntong-hininga nila. Iyong tipong nauubos ang pasensya nila dahil ang mga tao sa paligid nila ang nahihirapan at nag-aalala sa problemang sisiw lang namin kung iresolba nila.
Ngayon ay nakikita kong namomroblema talaga siya at hindi niya 'yon madaan sa sisiw na pagreresolba. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito kaya gano'n na lang katindi ang kaba ko. Lalo na nang maalala ko ang itsura ng Hwang na 'yon at sa mga kababuyang pinaggagawa nito sa 'min.
Kung gano'n na lang kalakas ang loob niyong pasukin ang bahay ni Maxwell...wala siyang takot.
"Nahihirapan si Maxpein dahil parati siyang nasasalisihan ni Hwang," dagdag ni Maxwell, nakatitig na kung saan at seryoso. "Bumalik si Maxpein sa north nang malamang nakatakas si Hwang. Only to find out that he's already in Palawan."
Kabado kong binalikan sa isip iyong sandaling una ko itong makita. "Natatandaan mo ba 'yong...unang gabi na may nanloob sa 'tin, Maxwell?"
Bumuntong-hininga siya. "It was him, Hwang."
Hindi ko malilimutan ang patalim na hawak niyon. "Kung gano'n...matagal na siyang nasa Palawan."
Tumango si Maxwell. "At kelan lang nalamang nakatakas siya. Sa higpit ng Kaechon, pare-pareho kaming hindi makapaniwala." Hindi ko inaasahang tatawa si Maxwell habang nakatingin sa kung saan. "Hindi ka maniniwala kung sinong nagturo sa kaniyang mag-Tagalog."
Nagugulat ko siyang nilingon. Pakiramdam ko ay nahuhulaan ko na. "Sino?"
Nilingon niya ako. "Sina Cargosin at Eerah Anitha."
Umawang ang labi ko at magkakasunod na umiling. Natulala ako sa kung saan at mas nilamon pa ng kaba. Gusto kong manghina sa mga nalalaman ko. Bakit kailangang marungisan nang ganito ang maganda nang pamumuhay naming pare-pareho?
"Empery needs Maxpein," mas naging malalim ang buntong-hininga ni Maxwell. "She's the highest Empery rank. But she's in the Philippines, living her own life and that's...unfair to others."
Gano'n na lang kabilis akong nahawa sa lungkot niya. "Wala na nga ro'n si Maxpein ay pumunta pa sa Pilipinas sina Bitgaram at Laieema," nakamot niya ang sentido. "Pareho silang may posisyon at kasalukuyang namumuno sa mga rango."
Bigla ay nalito ako sa mga sinasabi niya. Parang hindi ko na maintindihan ang iba.
Bumuntong-hininga uli siya. "Sa usapan ay babalik kami sa Empery kapag nagsimulang mag-ensayo si Spaun, at hindi kami aalis hangga't hindi niya natatapos ang proseso niya. But according to the latest news that we've received," nagbaba siya ng tingin sa 'kin. "Kailangan naming bumalik sa lalong madaling panahon, kasama na si Hwang."
Hinagod ko ang likod ni Maxwell. "Anong plano niyo?"
Tumiim ang bagang niya saka nagbaba ng tingin sa 'kin. Hindi ko aasahang ngingiti pa rin siya. "Hinihintay na lang namin siyang magpakita."
"What?"
Nawala ang ngiti niya. "Kasi kung makikipaghabulan kami sa kanya ay paniguradong marami ang mangyayari bago kami magkita," seryosong aniya.
Hindi ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay naubos ng kaba ang lahat ng gusto kong sabihin kanina. Pakiramdam ko ay nilamon lahat ng takot ang kakarampot na tapang ko.
"Kumain na muna tayo?" aniya saka inilahad ang kamay sa 'kin.
Hindi na tulad kanina ang excitement ko. Buong sandaling kumakain kami ay tungkol na sa Nami Island ang mga sinasabi niya. Pulos masasaya ang mga 'yon dahil nakangiti at may mga pagkakataon pang tumatawa. Pero hindi ko na siya masabayan, hindi ko na siya masakyan. Natatakot na ako.
Halos libutin namin ang ayon sa kaniya ay korteng buwan na isla. May pinuntahan kaming museums. May pinanood kaming performers. Kung ano-anong shops ang pinasok namin pero ni isa ay wala akong natipuhang bilhin. Bago sa 'kin 'yon. May pinuntahan kaming sculpture gallery kung saan medyo nagtagal kami dahil halos ikwento niya sa 'kin ang history ng bawat sculpture na makita niya. Kung hindi ko pa siya yayain ay hindi yata kami lalabas. May pinuntahan kaming hall at meron ding animalerias. Kung saan sabi niya ay iniiwan nila si Maxrill dahil ayaw gumala. Mas gusto umano nitong makipag-usap sa mga alpaca kaysa maglakad nang maglakad.
"Madilim na," ani Maxwell nang maglakad kami pabalik sa pinanggalingan kanina. "You must be tired."
"Yeah," nanghihina ko na ngang sabi.
"Do you want me to carry you?"
Pinandilatan ko siya. "Kaya ka nga nandito para makapagpahinga, Maxwell."
Natatawa niyang nilingon ang lalakaran namin. Nanatili naman akong nakangiwi sa kaniya. Dahilan para mapanood ko nang mawala ang ngiti sa mukha niya. Napalitan iyon nang nakakunot niyang noo at masamang tingin.
Nangangapa kong nilingon ang daang halos natabunan na ng mga nahulog na dahon. Napangiti ako nang makitang halos magkulay violet ang mga puno dahil nakikita na lang iyon sa liwanag ng ilaw.
"It's still beautiful," sabi ko nang hawakan niya ang kamay ko at simulan akong akayin papalakad sa pagitan ng mga puno. "Kapag tinanong ako kung anong lugar ang paborito ko, bukod sa piling mo ay itong Nami Island ang isasagot ko," madaldal, natatawa kong sabi.
Nilingon ko si Maxwell nang hindi siya sumagot. Seryoso siya at maingat na sumusulyap kung saan nang mata lang ang gamit. Pero nang maramdaman niya ang tingin ko ay napilitan siyang ngumiti at lumingon sa 'kin.
"What's wrong?" tanong ko.
"Nothing," ngiti niya saka mas humigpit ang kapit sa kamay ko.
Napatingin ako sa magkahawak naming kamay. Nasundan ko siya ng tingin nang bahagyang bumilis ang paglalakad niya. Sa pananahimik at ginagawa niya ay binubuhay niya ang kaba ko.
Napalingon ako sa paligid. Ang kaninang hindi mabilang na mga tao ay hindi na makita ngayon. Oo nga't gabi na pero kataka-takang tila umalis ang mga ito nang sabay-sabay dahilan para maiwan kaming dalawa sa kabuuan ng lugar.
Saan man mapukol ang aking paningin ay wala akong nakikitang tao maliban sa 'min. Kahit anong liwanag ng lugar, hangga't may nakikita akong dilim, hangga't wala akong makitang tao maliban sa 'min, hindi mababawasan ang kaba ko.
"Maxwell, anong nangyayari?" hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita nang mas bumilis pa ang paglalakad niya.
"We need to go home," hindi ko alam kung paano niya iyong nasabi sa ganoon kakalmanteng paraan.
"Natatakot ako, ano ang nangyayari?" hindi ko napigilan ang sarili kong hilahin ang kamay mula sa kaniya dahilan para mahinto kami.
"Baby," tiningnan niya ako sa mga mata. "We need to go. We'll talk later."
"Tell me now," napapraning nang sabi ko.
Napabuntong-hininga siya saka napilitang ngumiti. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.
"I'll tell you later, okay?" nakangiti niyang sabi pero makikita na ang kaibihan sa mga mata niya. "For now, we need to leave this place."
Muli niyang kinuha ang kamay ko ngunit pareho lang kaming natigilan. Mula sa di kalayuan ay natanaw namin ang tatlong pulos nakaitim na bulto ng taong naglalakad papunta sa gawi namin.
Humigpit ang hawak ni Maxwell sa kamay ko saka kami pumihit patalikod. Ngunit muli kaming natigilan nang mula rin doon ay may apat namang lalaki ang naglalakad papunta sa gawi namin.
Pumihit sa mga puno sa kaliwa si Maxwell ngunit meron ding mga lalaking nagmumula roon!
Fuck!
Pumihit kami sa kanan ngunit at hindi na nagulat nang meron ding naglalakad papalapit sa 'min mula roon.
"Maxwell..." humigpit ang hawak ko sa kaniya.
"It's okay, baby," paniniguro niya saka bumuntong-hininga. Marahan niya akong iniharap sa kaniya. Tinitigan niya ako sa mga mata saka hinawakan sa magkabilang pisngi. "No matter what happens, trust me, okay?" kalmado niyang sinabi.
Magkakasunod akong tumango. "Okay."
Ngumiti siya saka sinuyod ng tingin na may paghanga ang kabuuan ng aking mukha. "Call Maxpein," pabulong niyang sinabi.
Napatitig ako sa kaniya bago napatalima. Nanginginig ang kamay ko at halos hindi ko nahawakan ng tama ang cellphone. Ang natitira kong katinuan ay kinain pa nang makita ko sa gilid ng aking mga matang papalapit na sila.
Ngunit pinigilan ni Maxwell ang kamay ko nang akma kong ilalagay ang cellphone sa tainga ko. "Sshh..." sabi niya habang naroon ang daliri niya sa labi ko. "Just let her hear what I'm going to say. Speak in English, okay?" ngisi niya.
Nakita ko nang mabura ang ngising iyon bago harapin ang mga lalaking iyon. Napako sa tenga niya ang paningin ko nang hindi ko magawang lingunin ang mga naroon. Nanginginig ang kamay kong humakbang papalapit upang iyakap ang isang braso sa kaniya.
Natatakot man, dahan-dahang gumalaw ang mga mata ko pasulyap sa mga iyon. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang sulyapan din ako ng isa!
Napapalunok akong nakipaglabanan ng titig sa lalaking iyon ngunit nabawi ko ang tingin ko nang ngumisi siya.
"Who are they?" bulong ko.
"Ranks from Empery," hindi ko inaasahang ngingisi si Maxwell. Napalunok ako. "They look cool, huh?" nilingon niya ako at gusto kong maiyak nang hanggang sa pagkakataong iyon ay tiningnan niya ako nang may paghanga.
"Maxwell, natatakot ako."
"Relax, baby, speak in English."
"I'm afraid."
Hindi ko inaasahang tatawa siya! "You're so cute."
"I'm serious."
"Baby, I am, too."
"But you don't look serious!"
"We're not going to argue here, right? Not in front of them, baby, please," hindi ako makapaniwalang magpapa-cute pa siya!
Damn it, Maxwell!
Sumeryoso siya saka hinarap ang mga lalaking iyon. Ngunit dahil ibang lenggwahe ang kanilang gamit ay wala akong naintindihan maski isa.
"Kumusta?" Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang umalingawngaw ang boses na 'yon sa mismong tainga ko!
Gano'n kabilis na lang akong nahila ni Maxwell at sa hindi ko nakitang pagkilos ay nasipa niya si Hwang! Nang umakma itong babawi ng balanse ay muli siyang sinipa ni Maxwell! Nang hindi inaalis ang pagkakahawak sa 'kin, nang hindi nalalayo sa pwesto kung saan kami nakatayo.
Tumatawang pinunasan ni Hwang ang labi niya saka nakatabingi ang ulong tumitig kay Maxwell. Sinulyapan niya ang nakapang dugo mula sa labi saka ipinunas 'yon sa kaniyang damit.
"Isa ka ngang Moon," ani Hwang. "Para ring hangin kung kumilos."
"Dahil ako ang panganay sa mga 'yon,"walang bahid ng pagmamalaki ang tinig ni Maxwell, gusto kong humanga sa angas ng pagkakasabi niya. Nasanay akong ibang lenggwahe ang gamit niya, iba ang punto sa t'wing magta-Tagalog. Ngunit heto at deretsong-deretso 'yon ngayon. Siya ang nag-adjust para maintindihan nang ayos ng kausap.
"Maji..." nakangisi, humahangang ani Hwang, sinusuyod ng tingin si Maxwell. "Nagkamali nga ba ako sa naiisip ko tungkol sa iyong kakayahan?" nakangisi niyang pinandilatan si Maxwell, ako ang natakot!
"Anong kailangan mo?"
"Alam mo ang kailangan ko," ngumisi si Hwang saka sumulyap sa 'kin.
"Ayoko ng tumitingin sa mapapang-asawa ko, Hwang," batid kong nakangiti si Maxwell nang sabihin 'yon. Ngunit hindi natutuwa ang ngiting 'yon, nagsisimulang magalit.
"Mapapang-asawa..." Muli siyang pinandilatan ni Hwang at nang akma niya akong susulyapan ay nasipa na naman siya ni Maxwell!
Hindi ko napigilang magulat dahil hindi lamang si Hwang ang nabigla, maging ako ay hindi namalayan ang pagkilos niya! Ni hindi ko nakita o naramdaman man lang na kumilos ang katawan niya. Dahil nakita ko na lang nang tumama ang paa niya sa mukha nito.
Pinunasan muli ni Hwang ang sariling labi at saka sumeryoso. Sa isang senyas niya ay sabay-sabay na nagsipagsuguran ang mga lalaking 'yon!
Ang takot at pag-aalala ko kay Maxwell ay nabura nang walang kahirap-hirap niyang pinagsisipa ang bawat sumugod sa kaniya! Nang hindi ginagamit ang pinaghihilom na kamay habang hawak pa sa kabila ang aking kamay. Tanging paa lang ang gumagana sa kaniya, kalmante pa!
Pumapalakpak na ngumisi si Hwang habang ang paningin ay na kay Maxwell matapos matumba ang mahigit sa sampung lalaki!
"Paano ko nga bang malilimutan na ang panganay ng mga Moon ang natatanging nakapagpaamo ng mga leon at tigre sa proseso?" ani Hwang.
Umawang ang labi ko. Nakapagpaamo ng mga leon...tigre... Nagugulat akong nag-angat ng tingin kay Maxwell pero ang paningin niya ay nasa kaharap.
"Mukhang nagkamali nga ako nang isipin kong mahina ka," dagdag ni Hwang.
"Walang mahina sa pamilya namin, Hwang,"seryoso iyong sinabi ni Maxwell.
"Ipakita mo."
"Simulan mo," ngisi ni Maxwell.
Nagugulat kong sinulyapan si Maxwell. Hindi ko maipaliwanag ang nagkukumawala kong paghanga sa kabila ng matinding kong takot.
Sa dami ng nalalaman ko...bakit parang hindi ko kilala ang parteng 'to ng pagkatao mo?
Nasanay akong si Maxpein ang sumusugod. Nasanay akong si Maxpein ang ibinabala. Nasanay akong si Maxpein ang nakikitang pumoprotekta. Kaya natural lang na ganito ang maramdaman kong paghanga sa kaniya. Sa iilang ipinakita ni Maxwell, paano nangyaring napantayan niyon ang paghanga ko kay Maxpein?
Napailing ako nang maalala kung paanong ipinamukha ni Hwang ang kahinaan ni Maxwell. Nagugulat akong napatitig sa kaniya nang makitang hindi niya rin inaasahan ang nakita.
Natitigilan akong nagbaba ng tingin sa magkahawak pa rin naming kamay ni Maxwell. Ni isang segundo ay hindi ko naramdamang nabitiwan niya 'yon. Pinangingiliran ng luha kong sinuyod ng tingin ang mga lalaking noon ay isa-isa nang bumabangon.
Gamit ang dalawang paa... nagbaba ako ng tingin sa paanan niya. Paano niya 'yong nagawa? Bakit pakiramdam ko ay hindi pa kita lubos na kilala, Maxwell?
"Tingnan natin ang kakayahan mo bilang rango," hamon ni Hwang.
"Hayaan mong ipakita ko ang kakayahan ko bilang isang Moon," preskong ani Maxwell.
Humalakhak si Hwang. "Mukhang nalimutan mong ako ang pinakamahusay na pangunahing lalaking rango ng Emperyo. Hindi mo maipagmamalaki sa akin ang apelyido mo."
Umangat ang gilid ng labi ni Maxwell. "Lahat ng tao sa Emperyo ay may kakayahang maging rango, Hwang. Pero hindi lahat ay may kaparehong kakayahan sa pamilyang kinabibilangan ko." Saka siya sumeryoso. "Ikaw nga ang pinakamahusay na pangunahing lalaking rango ng Emperyo. Pero hindi naituturo sa ensayo ang mga itinuro sa amin ng cheotjae."
Nakita ko nang mawala ang nakaiinsultong ngiti sa mukha ni Hwang. At kung hindi ako nagkakamali, anomang yabang ang ipalit niya roon, mababasa ang panandaliang takot.
Mukhang hindi ako nag-iisa. Pareho kaming hindi inaasahan ang pagkakakilanlan namin sa lalaking ito na hindi na binitiwan pa ang kamay ko.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top