CHAPTER 53
CHAPTER 53
"HELLO, SEOUL!" nakapikit akong nagpaikot-ikot pagkababa pa lang sa airport. "We're getting married," sabi ko matapos imulat ang mga mata.
Hindi ko malaman kung nangingiti o natatawa sa 'kin si Maxwell nang lingunin ko siya. Pero gusto ko na ring matawa nang makita ang parehong luggage namin na naroon sa magkabilang gilid niya. Nakapatong doon ang parehong kamay niya. Habang ang passport niya ay nakaipit sa dalawang daliri.
"Welcome to South Korea," ngiti niya.
"I can't believe we're going to stay here for a month," namamangha pa rin ako.
"I love you, baby," bulong niya.
Na-touch ako. "I love you more, baby,"masaya kong sinabi. "Salamat sa vacation,"wala pa man ay gano'n na lang sinabi ko.
"All for you."
Lalong lumapad ang pagkakangiti ko saka patakbong lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang luggage ko saka hinila 'yon. Wala kaming kasamang tauhan, talagang kaming dalawa lang ang narito ngayon. Kaya hindi ako pwedeng mag-inarte. Hindi ko pwedeng iasa sa kaniya lahat dahil hindi niya pa maaaring pwersahin 'yong isa niyang kamay. Bukod sa kailangan ko nang paghandaan ang pagiging asawa kay Maxwell.
Ibig sabihin niyon ay hindi lang siya ang may obligasyon, pareho kami. Na hindi dahil ako ang babae ay iaasa ko na lang ang lahat sa pagiging lalaki niya. Ibig sabihin no'n ay hindi na lang ako ang iniisip at iniintindi niya. Na pareho naming responsibilidad ang bawat isa. Na walang timbang ang pagmamahal, tiwala, obligasyon, responsibilidad, kakayahan at karapatan namin sa isa't isa. Na pantay kami at iisa kaya kailangang magbigayan.
Pumara siya ng taxi at yumuko sa passenger's seat nang buksan ng driver ang bintana doon. Humanga ako nang magsalita siya sa lenggwahe ng bansang iyon gayong madalas ko naman siyang marinig magsalita niyon. Namangha lang talaga siguro ako dahil iyon talaga ang lenggwahe sa bansang iyon.
"Ang galing, 'no?" sabi ko habang nasa byahe na kami papunta sa hotel na tutuluyan namin. "Magkaibang bansa kayo pero pareho ng salita."
Tumango siya. "We have a very different accent. We also use vocabularies that differs from theirs. But still, we can understand each other. For sure nahulaan niyang hindi ako taga-rito," ngisi niya. "Na taga-ro'n ako sa kabila."
"I see," hindi matapos ang paghanga ko. "Hindi ba't takot sila sa inyo?" naiilang man ay itinanong ko 'yon.
Bahagya siyang tumango. "Hmm, most of them. But please don't mention the reason why. Baka ikapahamak natin," ngiti niya na iniakbay ang kamay sa 'kin at inabot ang aking pisngi. "I'm hungry."
"Me, too," nguso ko.
"I'll take you different places."
Impit akong tumili. "I'm excited, Maxwell!"
Lalo siyang ngumiti saka nagbaba ng tingin sa 'kin. Napapikit ako nang halikan niya ako sa noo. Pareho nang hindi nawala ang ngiti sa mga labi namin.
Kaliwa't kanan ang paghanga ko, lalo na nang madaanan namin ang iba't ibang kulay ng mga puno. Pa-end na ang spring season sa bansang iyon at papasok na ang panahon ng summer. Pero kahit anong season yata ang meron doon, hahangaan ko ang kagandahan ng lugar.
"Wow," para akong ignorante sa lugar na 'yon, nakakahiya man ay hindi ko talaga mapigilan. "I've been in different places but...wow, this building is stunning!"
"Hmm," pagsang-ayon niya nang sabay kaming tumingala doon. Kinuha niya ang kamay ko at saka kami sabay na tumuloy.
Gusto kong matawa nang makita kung gaano karaming mata ang naagaw niya. Kung malakas ang dating ng lalaking ito sa Pilipinas ay mukhang mas matindi doon. Dahil hindi lang simpleng pagtingin ang dumapo sa kaniya. Ang iba ay nasaksihan kong magkandirit sa kinatatayuan na animong nakakita ng artista.
Hindi ko mapigilan ang sariling tumitig kay Maxwell habang nakikipag-usap sa mga staff. Madalas naman silang mag-usap ng kaniyang pamilya gamit ang salitang iyon pero hindi ako namamangha ng ganito. Iba ang dating niya ngayon, ang hot! Walang ka-effort-effort pero sobrang hot!
Sinulyapan niya ako habang nagsusulat sa kung ano-anong papel. Nakapangalumbaba lang ako sa tabi niya at nakatitig, hangang-hanga.
"What, baby?" kaswal niyang tanong.
"Feeling ko lahat sila ay may gusto sa 'yo."
"Hmm, really?" wala siyang naging reaksyon.
"Tapos sa 'kin ka lang tumitingin."
Ngumisi siya habang nagsusulat. "Kapag may nakita akong mas maganda sa 'yo, lilingunin ko."
Sumama ang mukha ko at hindi nakapagsalita dahilan para natatawa siyang mag-angat ng tingin sa 'kin.
"What?" aniyang tinapos ang pagsusulat, inabot niya 'yon sa staff nang hindi nililingon. Lumapit siya para akbayan ako. "Lilingunin ko lang. That doesn't make me a babaero like Randall, right?"
"Babaero ka na rin no'n," ngiwi ko.
"Really?" ngiwi rin niya. "Let's go."
Pareho kaming humanga sa hotel, higit na ako. May ideya na siya sa magiging itsura ng aming kwarto, siya kasi ang pumili niyon. Pero humanga pa rin siya nang personal na iyong makita. Nahigitan daw no'n ang expectations niya.
Nasa executive premier room pa lang kami ay luxurious na ang kwarto, ano pa kaya ang ibang presidential suite nila? Pareho kaming humanga sa overlooking window at balcony. Pakiramdam ko ay pareho naming paborito ang ganoong tanawin.
Nagmamadali kong inilabas ang tote bag ko at inilagay doon ang mga kakailanganin namin ni Maxwell. Habang siya ay kinakalikot ang camera niyang dadalhin. Nagpalit kaming pareho ng loose shirts at nagsuot ng manipis na cover-up.
"Where are we going?" nagtataka kong tanong nang makita ko siyang pindutin ang 23rdfloor sa elevator.
"Restaurant," excited niyang sagot. "I'm hungry." Inakbayan niya ako hanggang sa makalabas kami ng elevator at dumako sa dulo ng hallway. "Maxwell Moon," pakilala niya.
Napangiti ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. "Yaz Moon," bulong ko, gustong pakinggan ang sariling pangalan oras na ikasal kami. "Parang ang weird," natatawa kong sabi. "Zaimin Moon."Natawa lalo ako. "Parang Sailor Moon."
Kunot-noo siyang nagbaba ng tingin sa 'kin. "Are you making fun of my name, hmm?"
Umawang ang labi ko. "Pinakikinggan ko lang naman kung bagay sa 'kin," nguso ko.
"You're a Del Valle," ngisi niya.
Parang kiniliti ang puso ko. Del Valle! "Yaz del Valle," nakangisi kong sabi. "Bagay na bagay! Zaimin del Valle," paulit-ulit ko 'yong sinabi. "Zaimin Yaz ganda del Valle."
"Hmm," nakangising ungol niya.
"Ganda del Valle na lang," halakhak ko, ngumiwi siya.
La Yeon ang pangalan ng restaurant. Gusto kong mawirduhan dahil pakiramdam ko ay masyadong indoor iyon. Bagaman natural lang dapat iyon sapagkat naroon din iyon sa mismong hotel building. Sadyang bago lang sa paningin ko ang isang pahabang hall na nasa magkabilang gilid ang mga table and chairs. Sa kaliwa ay seaside. Sa kanan naman ay overlooking ng city. Hindi attractive para sa akin ang pagiging plain ng lugar. Nadidiliman ako, bagaman kasi magkabilang sides ang salamin, hindi iyon puro. Malalaking windows lang.
Sinuyod din ni Maxwell ang lugar matapos kaming igiya ng staff sa reserved table namin.
"That's Namsan," itinuro ni Maxwell ang overlooking sa likod niya saka tumitig sa 'kin.
Bahagya akong umangat sa pagkakaupo upang masilip ang 'baba niyon. Bukod sa two lanes ng high way na tumutumbok sa tunnel ay may makipot na pathway. Sa gilid naman niyon ay isang malaking space na may iilan-ilang puno, may natatanaw akong two-storey building at maliliit pang structures. Kasunod niyon ay may highland plateu. Sa dulo niyon ay may matatanaw namang tower.
"That's the Namsan Tower," tila nahulaan ni Maxwell ang tinatanaw ko. "We'll go there tomorrow," ngiti niya.
Lalo pa akong na-excite. "Ilang beses ka nang pumunta rito?"
Ngumiwi siya. "Honestly, hindi ko na mabilang," bumuntong-hininga siya. "Bata pa lang ako ay pumupunta na kami rito para...bumili ng libro."
Seryoso naman siya nang sabihin 'yon pero hindi ko napigilang matawa. "Sorry," agap ko sa takot na ma-offend siya. "Kakaiba talaga kayong mga Moon. Bibili ka lang ng libro, sa ibang bansa pa? Kayamanan o kayabangan?"
Bumuntong-hininga siya. "My country is different, Yaz," nawala ang ngiti sa labi ko nang manatili siyang seryoso. "We don't have much books, resources...a lot of things," tumitig siya kung saan habang sinasabi 'yon. "Because it's not allowed."
Seryoso talaga siya. Gusto kong mapahiya sapagkat hindi ko man lang naisip na posibleng iyon ang dahilan. Sa dami ng nalalaman kong bawal sa kanila, ano't hindi ko pa nahulaan 'yon?
"Sorry," muling sabi ko.
Ngumiti siya. "It's okay." Bumuntong-hininga siya. "Wala kaming book stores gaya ng meron dito sa Seoul. Kung meron man, hindi ko makikita ro'n 'yong medical books na kailangan ko."
"Why?" hindi makapaniwalang sabi ko.
"Books that are made from my country, well, not all but most of them," bumuntong-hininga. "Are about our leaders," mahina niyang sinabi.
Umawang ang labi ko. "Seryoso? Tungkol sa kanila lang?"
Tumango siya. "When you go to school, every lesson is about their lives," mapait siyang tumawa. "When you open the television, you will see them. Newspapers are all about them, too. Everything is about them," hindi ko maipaliwanag ang lungkot na nakikita ko sa mga mata niya kahit anong ngiti niya. "It's like the whole country was made for them."
Doon nagsimula ang kwento niya at nagpatuloy iyon hanggang sa pagkain. Hindi natapos iyon hanggang sa paggala namin. Ganoon na lang katindi ang interes ko at nagpapasalamat na malaya siyang nagkukwento. Kaya naman ganoon na lang karami ang nalaman ko tungkol sa kanilang bansa. Nahihinto lang kasi kami sa t'wing kukuha ng litrato ng isa't isa.
"We live in Empery, though," mayamaya ay buntong-hininga niya. "We have certain laws and rules that are made for the people of Empery."
Dinala niya ako sa coffee shop at pareho kaming naupo lang sa labas. Sa harap mismo ng cherry blosoom na hindi ko magawang titigan dahil tutok ako sa pakikinig sa kaniya.
"We are all born to become ranks," patuloy niya. "Iyon 'yong sinasabi ko sa 'yong si Maxpein ang pinakamataas."
"Mandirigma," ngiti ko.
"Yeah," walang emosyon niyang tugon. "Dumaraan kaming lahat sa ensayo at proseso...kung tawagin namin."
Hindi ko maipaliwanag kung bakit gano'n na lang ang emosyon at lungkot sa tinig niya at itsura. Masyado akong nadadala. Kung ako kasi ang tatanungin ay wala ni isa sa aming nakakikilala sa kanila ang hindi humanga sa mga Moon. Kakaiba man ang tingin namin sa kanila, wirdo, hindi namin maikakailang cool sila para sa amin.
Pero sa nakikita ko kay Maxwell ngayon, sa kumakawala sa kaniyang emosyon, gusto kong kwestyunin kung dapat nga bang ganoon ang maging tingin namin sa kanila.
"Iba ang ensayo at proseso sa lalaki,"nilingon niya ako. "Iba lalo ang sa babae."
Tumango ako. "Okay."
"Just like Maxspaun, the son of Maxpein,"tumingin na siya sa kaniyang inumin at natulala roon. "He was registered at the age of one. On his seventh birthday, babalik siya sa Empery para sa isandaang araw ng ensayo."
Nagtama ang paningin namin. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nabuhay sa dibdib ko. Ngunit hindi ko rin nagawang magsalita.
"If he passed the training, he'll go home. But he will stay in Empery. Maxpein will train him for a year then, papasok siya sa process,"gano'n kasimple niyang pinaliwanag 'yon pero hindi ko maintindihan.
Magkakasunod akong bumuntong-hininga saka nalilitong tumingin sa kaniya. "Para naman saan 'yong mga 'yon?"
"It's like we're born to become soldiers, Yaz," 'yon na ang pinakasimpleng paliwanag na binigay niya. "Nagsisimula kaming mag-training sa murang edad. Dahil iyon ang magiging trabaho ng karamihan sa amin sa paglaki. Do you get me?"
"Okay," hindi ko talaga maintindihan ang kaba ko.
"In this country, meron silang sariling soldiers. Gano'n din sa Philippines, right?"
Tumango ako. "Right."
"Pero lahat ng soldiers dito, sa Philippines at sa marami pang bansa, ginusto nilang maging soldiers, right?"
Napalunok ako. "Right."
"Because they want to serve their country, right?"
"Right," hindi ko maintindihan kung bakit tila nadaragdagan lang ang kaba ko.
"Hindi gano'n sa Empery, Yaz."
'Ayun na naman 'yong hindi ko maipaliwanag na lungkot niya. Na para bang ganoon na lang kasakit ang pinagdaanan niya sa lugar na 'yon. Pakiramdam ko nga ay masakit para sa kaniyang pag-usapan iyon.
"In Empery, you need to become a soldier whether you like it or not," patuloy niya. "Kahit hindi pa kaya ng katawan mo. Kahit hindi na kaya ng katawan mo. Kailangan mong sundalo dahil iyon ang batas."
Umawang ang labi ko. Nakukuha ko ang sinasabi niya. Nalulungkot ako na ganoon ang pinagdaanan niya. Naiintindihan kong kinukuwento niya ito para malaman ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may gusto pa siyang sabihin kaya humaba nang ganito ang kaniyang kwento.
"Kung mahirap ang ensayo at proseso ng mga lalaking rango," patuloy niya, ang paningin ay naroon na sa aking mga mata. "Mas mahirap ang sa babae."
Tumango-tango ako. "Okay..."
"You can ask Maxpein," buntong-hininga niya. "She's the highest among our ranks. Isa rin siya sa pinakamakasaysayang rango ng Emperyo."
Tumango-tango ako. "I will..."
"Kapag nakausap mo na siya," aniya saka hinawakan niya ang kamay ko. Umawang ang labi ko at napatitig sa kaniya. "Pag-isipan mong mabuti...kung gusto mo pang magkaro'n ng anak na babae."
Lalong umawang ang labi ko. "Maxwell..."hindi ko maipaliwanag ang kaba ko.
"Kasi magiging rango ang anak natin, Yaz,"mahinang dagdag niya.
Nagugulat akong napatitig sa kaniya. Magiging rango... Hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay nabaliktad bigla ang mundo ko. Nangibabaw ang kaba ko, para akong hinahabol ng kung anong kinatatakutan ko. Ganoon ang pakiramdam niyon.
Napatitig ako kay Maxwell, litong-lito. Kung sa ganoong paraan, sa ganoong reaksyon at emosyon niya ikinuwento ang pagiging rango. Ano na lang ang makikita at mararamdaman ko kapag si Maxpein na ang nagkwento? Hindi ko maipaliwanag talaga ang kaba. Wala pa man ay umuurong na akong magkaroon ng anak na babae.
"But..." wala sa sarili kong tanong. "How sure are you...na hindi tayo magkakaroon ng anak na babae?" natitigilan kong tanong. "How sure are you na magiging lalaki ang unang anak natin? Nabigyan mo na siya ng pangalan, Maxwell. I mean..." umiling ako nang umiling.
"Baby..." Hinawakan niya ang kamay ko.
"You're a doctor and I'm a nurse," tumitig ako nang mabuti sa kaniya. "But...we both know that there is no scientific evidence to support theories that sexual positions can determine our baby's gender."
Napabuntong-hininga siya. "I know."
"So, kung magiging babae ang anak ko, magiging rango?"
"Babae o lalaki, magiging rango," mabilis niyang sagot. "Pero mas mahirap ang ensayo at proseso ng babae kaysa lalaki, Yaz," mariing sabi niya. "It's deadly."
"Deadly?" hindi makapaniwalang bulong ko.
Tumango siya. "Deadly," muling aniya.
Natulala ako sa kung saan. It's not dangerous...because it's...deadly.
Hindi na nawala sa isip ko ang mga napag-usapan namin ng araw na 'yon. Sa dami ng magagandang lugar na napuntahan namin, sa dami ng magagandang tanawing nakita namin, sa dami ng tawanan na pinagsaluhan namin, hindi na nawala pa ang kaba ko.
Nagkamali ako nang isipin kong kilalang-kilala ko na si Maxwell, ang mga Moon. Nagkamali ako nang ipagmalaki kong ganoon na karami ang nalalaman ko tungkol sa kanila. Dahil kulang na kulang ang mga 'yon. Sa dami ng nalaman ko ngayon. Kulang na kulang lahat 'yon.
Sa unang pagkakataon, sa tagal ng paghanga ko sa kaniya, iyon pa lang ang sandaling hindi ko hiniling na mahalikan siya. Iyon ang unang gabi naming magkasama sa ibang bansa nang hindi ko hinangad na maradaman ang katawan niya. Iyon ang unang beses na natakot akong may mangyari sa aming dalawa.
"You okay?" aniya nang yakapin ako matapos tumabi sa 'kin sa kama.
Tumango ako. "Yeah," pinilit kong ngumiti.
"What's wrong?" bulong niya, mas idiniin ang pagkakadikit ng mukha niya sa 'kin. "Does it bother you?"
Kinabahan akong umamin, natatakot akong sabihing oo. Pero ayaw ko iyong itago kaya tumango ako. "Sobra," mahina kong sabi.
Napabuntong-hininga siya. "I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi sa 'yo."
Matagal akong natahimik, iyon pa rin ang iniisip. "May paraan ba para...hindi maging rango ang—"
"Wala," awtomatiko niyang sagot, hindi na pinatapos ang tanong ko. "Paglabag na agad sa batas 'yon at ikapapahamak nating pare-pareho," mahina niyang sabi.
Napapikit ako sa takot. Sa isang iglap ay naluha ako. "Natatakot ako." Gano'n na lang kabilis ang paghikbi ko. "Hindi para sa 'tin kundi para sa magiging anak natin, Maxwell."
"Sshh," pabulong na aniya saka hinalikan ang pisngi ko. "Baby..." bulong niya saka hinalikan ang labi ko.
Tumunghay siya sa ibabaw ko at pinakatitigan ang mukha ko. Magkakasunod siyang bumuntong-hininga at saka ngumiti.
"If you want a baby girl, it's fine," kahit anong tago niya pag-aalinlangan sa naniniguro niyang salita ay nabigo siya. "We'll take care of her," muling paniniguro niya. "Hindi pababayaan ni Maxpein ang sinumang maging anak namin."
Napatitig ako sa kaniya. "Maxwell," lalo pa akong naluha at napayakap sa kaniya.
"Hindi ko rin pababayaan ang anak natin, I promise you," dagdag niya saka hinalikan ang noo ko. "Kung kinakailangan kong ihinto ang trabaho ko para maturuan lang ang anak ko, gagawin ko, Yaz."
Napatitig ako sa kaniya at hindi napigilang humanga. Ang pinakamamahal niyang propesyon na aminado akong mas priority niya kaysa sa 'kin ay bibitiwan niya para sa magiging anak namin.
"I love you," mahina kong sabi.
"I love you," muli niyang hinalikan ang noo ko. "Hilingin mo kung ilang anak ang gusto mo, ibibigay ko sa 'yo," ngiti niya. "Babae o lalaki, dalawa o kahit lima pa," madamdamin niyang sinabi. "Gusto ko rin 'yon."
Nangiti ako saka tumango. "I love you."
"Basta lalaki ang panganay ko, okay na 'ko." Hinalikan niya ang tungko ng ilong ko saka ngumiti. "I love you more."
Naging mahirap para sa 'kin na matulog nang gabing iyon dahil sa mga nalaman. Sa dami ng magagandang sinabi ni Maxwell ay tila hindi iyon nabawasan. Ni hindi man lang nagtagal sa 'kin ang kagustuhang magkaroon ng anak. Dahil mula nang gabing iyon ay natakot na ako.
"Baby—" Natigilan ako nang madatnang nakahubad si Maxwell, katatapos lang maligo.
Nasulyapan ko ang trono ngunit awtomatikong nag-angat ng tingin sa kaniya. Kailangan kong pigilan ang sarili ko. Ganoon katindi ang naging epekto ng kwento niya sa sistema ko.
"Nagluto na ako ng breakfast," panay ang lunok ko. "Magbihis ka na," sabi ko saka awtomatikong tinalikuran siya.
Pero gano'n na lang kabilis niya akong nahabol. "Baby..." bulong niya na agad nagdulot ng kilabot mula sa batok ko pababa sa kung saang sensitibo sa aking katawan.
"Maxwell..." nabuhay agad ang kaba ko.
Sa halip na sumagot ay tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok ko. Dahilan para lumadlad ang basa ko pang buhok. Inamoy niya 'yon at saka iniyakap ang mga braso sa akin.
Nakita ko sa salamin ang repleksyon namin at nagdulot nang mas matindi pang epekto nang gumapang ang kamay niya sa dibdib ko.
"Maxwell," pumapalag ang tinig ko.
"Just a kiss," bulong ko.
"This will end up more," ganting bulong ko.
Paulit-ulit niyang pinadaan ang palad sa iba't ibang parte ng katawan ko. Ngunit hindi lang tukso ang naidulot no'n kundi maging takot. Dahilan para mapaharap ako sa kaniya at mapilitang ngumiti. Pero nahuli niya ang dahilan ko bagaman wala akong sinabi.
"Let's eat, baby," mahinang pakiusap ko.
Napilitan siyang ngumiti at tumango. "Okay, baby."
Dinampot niya ang bathrobe at ibinalot sa sarili. Magkahawak-kamay kaming dumulot sa mesa at kumain.
"Hmm," aniyang dumampot ng seafoods at matunog na pinaghihigop ang mga 'yon.
Nangunot ang noo ko at itinuon sa sariling pagkain sa harap ko. Wala lang naman iyon, kaswal lang siyang kumakain, isip ko lang talaga ang marumi. Natural lang naman kasi na maging matunog ang paghigop kapag may shells ang seafoods na kinakain. Natural lang din na umungol nang ganoon kapag nasasarapan sa kinakain.
Napapikit ako sa inis sa sarili dahil iba ang epekto kapag si Maxwell ang naririnig ko. Kumuyom ang palad ko nang maulit ang paghigop niya sa fresh niyang talaba at muling mapaungol nang makontento sa lasa.
"This is so good," kaswal pang sabi niya.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nasa kinakain ang paningin niya. Nakagat ko ang labi nang makita ang mga tubig na tumutulo pa mula sa buhok niya. Maging ang dibdib at parte ng tiyan niyang hindi natakpan ng roba ay iba ang dating sa 'kin. Mamula-mula ay mamasa-masa pa.
Pinagkrus ko ang mga hita ko nang mag-iba ang pakiramdam. Ipinatong ko ang siko sa mesa at sinapo ang batok ko. Bahagya kong itinuon ang sentido ko sa aking kamao at sa ganoong posisyon kumain.
"Baby, manners please," agad na sita sa 'kin ni Maxwell.
Umawang ang labi ko at napatingin sa kaniya. "Huh?"
"Table manners," ngiti niya saka sinulyapan ng tingin ang siko ko. Awtomatiko kong natanggal iyon. "Thank you."
Siya talaga ang pinakamaarte pagdating sa mesa. Pero iba siya pagdating sa pagkain ng talaba. Umawang ang labi ko nang pisilan niya ng lemon ang ibabaw niyon at hinigop gamit ang dila.
Napalunok ako at binasa ang ibabang labi ko. "Baby..."
"Hmm?" nag-angat siya ng tingin sa 'kin. Nangunot ang noo niya nang makita ang naliliyo kong itsura. "Baby?"
"Manners please..." wala sa sarili kong sinabi.
"Excuse me?" hindi makapaniwalang aniya.
"'Yong ano..." itinuro ko iyong talaba. "Ang ingay mong kumain."
Umawang ang labi niya saka dinilan ang gilid ng kaniyang labi. "Iyong kinakain ang maingay, hindi ako," makahulugan niyang sinabi.
Nakagat ko ang labi ko habang nakatingin sa bibig niya. "Yeah. It's kinda...maingay, baby."
"Hmm," muling ungol niya. Hindi ko na sinalubong pa ang tingin niya.
Gaya ng sinabi niya ay nagpunta kami sa Namsan park noong umaga. Para akong bata na nagtatakbo sa napakagandang lugar. Palibhasa'y spring ganoon kagaganda ang mga puno doon, lalo na ang cherry blossom. Mayroong puno na orange ang mga dahon, napakarami niyon. May mga berde at manilaw-nilaw, bagaman iilan lang. May mga pink, nagkalat iyon. Para iyong mga nakatunghay sa gitnang pathway na nilalakaran namin.
"Grabe, kaya kong maglakad araw-araw rito basta ikaw ang kasama ko, Maxwell," wala sa sariling nasabi ko.
"Me, too," aniya na nagbaba ng tingin sa 'kin. "Kaya ko ngang maglakad nang sa 'yo lang nakatingin dahil mas maganda ka sa lahat ng nakikita ko."
"Psh! Istoryahe!" kinikilig kong sabi.
"What?"
"Gwapo ka, sabi ko," sinabi ko 'yon sa puntong bisaya. Natawa siya. "Ang ganda-ganda dito, Maxwell!" hindi makapaniwalang sabi ko.
Kanina ay may mga nakikita pa akong nauuna at nahuhuling maglakad sa 'min pero ngayon ay dadalawa na lang kami. Dahilan para mas ma-enjoy namin ang napakagandang lugar.
"Wait," sabi ko na inilagay sa isang tabi ang bitbit na tote bag at tubig namin. "Let's take a picture together."
"Sure," ngiti niya saka kinuha ang camera niya.
Pumostura ako may ilang dipa ang layo sa kaniya saka umasta na animong model. Nakatagilid, naka-point ang isang paa at nakatingala sa puno. Ang isang kamay ko ay nasa balakang habang ang isa pa ay nakaturo sa puno. Umasta akong tumatawa nang bumilang si Maxwell.
"You're so perfect, baby," dinig kong sabi niya.
Nilingon ko siya at gano'n na lang ang pagkamangha ko sa titig niya sa 'kin. Muli akong pumostura dahilan para kumuha uli siya. Sa sobrang arte ko, maliit na bagay sa 'kin ang gano'n. Gano'n ako ka-confident na wala ni isa sa mga pictures na makukuha niya ang lalabas na pangit.
"Excuse me," sinadyang agawin ni Maxwell ang atensyon ng dalawang babaeng dumaraan. At syempre pa, dahil nga lingunin ng mga tagarito ang itsura niya ay hindi siya nahirapan. Parang hindi pa nga siya nakikiusap ay tumango at pumayag na ang mga ito. Saka lang nagulat nang makita si Maxwell na lapitan ako.
"Baka mamaya ikaw lang ang kunan nila, ah?" nakangiti sa camera na sabi ko. Sa halip na sumagot ay tumawa lang siya.
Panay ang awra ko habang siya ay nakapamulsa lang at nakaakbay sa 'kin. "Baby,"kinuha ko ang kamay niya at inutusan siyang ipagkrus ang mga braso. "Like this," maging ang hita niya ay inayos ko.
Saka ako pumostura na halos gaya ng kanina. Ang pinagkaiba lang ay sa kaniya na ako nakatingin, at ang braso ko ay nakapatong na sa balikat niya.
Tumatangong lumapit si Maxwell sa dalawang babae. Hindi ko talaga napigilang matawa. Sa tagal ng pagkakakilala ko sa mga Moon ay ni hindi ko sila nakitang mag-usap ng gano'n. Kulang na lang ay magkabundulan ang mga ulo nila sa katatango bago magkalapit. Tapos panay pasasalamat lang naman ang kanilang sinasabi.
"Let me see," inagaw ko ang camera sa kaniya. "Oh, my gosh!" napatili ako.
Inis ko siyang sininghalan ng tingin nang makitang siya ay gwapong-gwapo habang ang lahat ng kuha ko ay nakapikit!
"Nasa'n na ba 'yong mga 'yon?" asik ko saka nanggigil sa camera.
Tatawa-tawang kinuha ni Maxwell ang camera saka tiningnan ang mga litrato doon. Pinagka-zoom niya nang todo ang pictures, doon sa mismong nakapikit ang mukha ko. Saka idinuldol sa mukha ko ang screen ng camera. Naroon din ang paningin niya, patuloy pa rin sa pagtawa. Kaya hindi niya nakikita ang matalim kong tingin na nakapukol sa kaniya.
"Look, baby! Hahaha! You're so beautiful,"aniyang ipinakita pa lalo nang pilit sa 'kin ang camera na animong iyon ang pinakamagandang dahilan kung bakit tumatagal ang relasyon. "You're so..." natigilan siya nang mapagtanto ang masamang mukha ko.
"Masaya ka?" mataray kong sabi.
"We can take another one, baby," tumiklop siyang bigla.
"Hanapin mo 'yong mga babaeng 'yon."
"Why, baby?"
"Ipade-deport ko!" bigla ay asik ko, inis na inis.
"This is their country, baby."
"I don't care! Hindi sila marunong kumuha ng pictures! Tingnan mo ang mukha ko diyan!"inis kong dinutdot ang camera niya.
Pero sa halip na sakyan ang topak ko ay nagtatawa ang loko. Sa paraan na parang mas kailangang mahalin ko pa siya.
"It's still cute!"
"Ipaliwanag mo ang cute, Maxwell," hamon ko. Nawala ang ngiti sa mukha niya. "Ikaw, gwapo, tapos ako, nakapikit—cute 'yon?"mabilis kong sinabi. "Hanapin mo 'yong dalawang 'yon."
"Baby..."
"Mag-aaway talaga tayo."
Ngumuso siya. "Aawayin mo ko because of pictures?"
Sumama ang mukha ko. "No. Burahin mo 'yan."
"What? No." Niyakap niya ang camera.
Umawang ang labi ko. "Ang pangit ko diyan, Maxwell!"
"No." Pagtatapos niya sa usapan saka ako tinalikuran. Sumama ang mukha ko pero hindi na siya muling humakbang. Nilingon niya ako at nakangiting inilahad ang kamay sa 'kin. "Let's go," sabi niya na itinuro ang tower.
Nangingiti akong tumakbo saka inabot ang kamay niya. Hirap na hirap man ay panay ang kuha niya sa camera sa aming dalawa. Gusto kong matawa dahil kahit sa blurred na kuha ay tuwang-tuwa ang kigwa. Maganda raw iyon. Wirdo talaga.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top