CHAPTER 49


CHAPTER 49

NARAMDAMAN KO ang ilang daliri ni Maxwell na pumasok sa gilid ng shirt ko. Pinupuntirya ang kiliti ko sa tagiliran. Mas napakapit ako sa gitara para pigilan ang sariling gumawa ng anumang ikasisira ng sandaling 'yon. Umawang ang labi ko at hinayaan ko si Maxwell na magpalitan ng halik sa itaas at ibabang labi ko gamit hindi lang ang labi. Sobrang bagal, sobrang banayad, bahagyang dumiriin at ninamnam nang mabuti. Mas dumiin pa ang pagkakapikit ko nang bahagya niya 'yong kagatin.

Naramdaman ko nang bitiwan ni Maxwell ang mga labi ko. Pero sa sobrang sarap ng pagkakahalik niya ay hindi ko na naimulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay dinala ako niyon sa ibang dimensyong hindi ko pa narating noon. Marahan akong nagmulat nang tumawa siya pero hindi ko magawang mahiya. Hindi ko maramdaman ang pagkapahiya. Hinayaan kong makita niya ang naging epekto sa 'kin nang ganoong halik.

"Hmm?" aniyang hinawakan pa ang labi ko.

Napangiti ako bagaman gusto ko pang pumikit ulit. Gusto ko pa 'yong namnamin. "Libro rin ba ang nagturo sa 'yo no'n?" Pakiramdam ko ay nanghina ako.

Umangat ang gilid ng labi niya. "Ikaw na."

Tumaas ang kilay ko. "Kelan naman kita tinuruang humalik nang gano'n kasarap?"

"So, you like it?" Nakagat ko ang labi ko at magkakasunod na tumango. Ngumisi siya. "Hmm."

Ngumuso ako saka napatitig sa labi niya. "I like your lips."

"My lips or my kiss?"

"Both!" agad kong sagot.

Ngumiwi siya. "Why?"

"Because..." nag-isip ako nang naroon pa rin ang paningin. Nakagat ko ang labi ko nang maramdaman ang epekto niya kanina lang. "I want more..." pabulong kong sabi, ang paningin ay naroon pa rin.

Hinawakan niya ang pisngi ko. Umawang ang labi ko nang mapanood siyang marahang lumapit. Pero gano'n na lang ang pagpikit ko nang bumukas ang pinto at pareho kaming mahinto.

"Oh, great," tinig iyon ni Maxrill. "You want me to leave?"

Sumama ang mukha ko sa matalas na tingin at ngisi ni Maxwell, nang-aasar. "What do you have there?" tanong ni Maxwell, ang paningin ay nasa pagkain.

Sa halip na sumagot ay binuhat ni Maxrill ang mesa papalapit sa kama niya. "A lot of whatevers." Hinarap niya ang kapatid. Namulsa siya saka tiningnan ang ulo at kamay nito. "You look so weak," nang-aasar niyang sabi.

"Shut up. Feed me," utos ni Maxwell.

Awtomatiko akong tumayo. "Ako na," ngiti ko.

"Stay beside me," angal ni Maxwell. "Let him do it."

"Is it possible to bring Hee Yong here?"tanong ni Maxrill, ang paningin ay inililibot sa kwarto.

Ngumiwi si Maxwell. "Nope."

"Why?"

"Because the hospital isn't ours, Maxrill."

"Hmm," ngumiwi si Maxrill saka naupo sa kama ng kapatid. Sa gawi ng injured arm nito!

"Off!" singhal ni Maxwell.

"Sorry," tumayo si Maxrill at lumipat kung saan ako nakaupo kanina. "I'm going to sing you a song, hyung."

"No."

"Yes," ngiti ni Maxrill saka nagsimulang tumugtog. May kabagalan ang tono, ang sarap pakinggan.

"What's that song?"

"Listen," ani Maxrill saka nagsimulang kumanta.

Gusto kong maasar nang Korean song iyon. Wala ako ni isang salitang naintindihan bagaman maganda ang tono. Nangiti ako nang makitang seryoso man ay tutok din si Maxwell sa kapatid. Talagang pinakikinggan niya si Maxrill. Lalapit na sana ako pero ayaw kong masira ang sandali nila. Umatras ako at pinanood lang ang dalawa.

"Cool, huh?" ngiti ni Maxrill nang matapos.

"I don't know that song, dongsaeng."

"Of course," tumayo si Maxrill. "It's a song for dogs. Aw...aw...aw...aww..." Kinanta niya iyon gamit ang parehong tono, ganoon sa paraan ng pagtahol ng mga aso.

Napalakas ang pagtawa ko, lalo na nang sulyapan ako nang matalas na tingin ni Maxwell.

Pikon! Noon lang ako lumapit upang subuan siya.

Pareho kaming napalingon ni Maxwell nang muling tumugtog si Maxrill. Naroon na siya sa couch, nakasandal at nakapandekwatro habang naggigitara. Kinabahan ako, baka kumanta siya ng may patungkol sa 'kin.

Naglalakbay sa gitna ng dalampasigan

Minamasdan ang alon

Na humahampas sa nakaraan

Umiihip ang hangin

Sa langit ako'y napatingin

Ulap ay sadyang kaydilim

Tila yata may bagyong parating

Bakit lumuluha?

Bakit nagtataka?

Akala mo ba ika'y iniwan na?

Hindi, pasan kita

Hindi mo ba nakikita?

Hindi ka na, sa akin ay luluha pa...

Napangiwi ako nang kantahin niya nang nakangiti 'yon, na para bang may naaalala. Hindi ko maiwasang matuwa dahil anomang salita sa kantang 'yon ay hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Hindi ko na maramdamang sa 'kin niya inilalaan ang mga kanta niya.

Kanino na kaya? Hindi ko maintindihan ang naramdamang tuwa. Tuloy ay nakangiti kong sinubuan si Maxwell. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakataas na ang kaniyang kilay.

"That song isn't for you, tsh," bulong niya.

"Alam ko," nguso ko sabay tawa. "Seloso."

"Tsh."

"In love siguro 'yan, 'no?"

Nagkibit-balikat siya saka tinanaw ang kapatid. "To whom you want to dedicate that song, hmm?" ngisi niya kay Maxrill.

Kunot-noong nag-angat ng tingin si Maxrill. "No one."

"Really?" mas ngumisi si Maxwell. "Where's Heurt by the way?"

Tumalim ang tingin ni Maxrill. Napapanganga akong nagpalitan ng tingin sa magkapatid. Naantig ang curiousity ko nang bigyan ng nakakalokong ngiti ni Maxwell ang bunso.

"She hasn't visited me yet?" inosente kunong tanong ni Maxwell.

"What's up with you? You bored?" singhal ni Maxrill.

"'Uy, ano 'yon?" pangungulit ko.

"None of your biz," ani Maxrill.

Ngumuso ako at nilingon si Maxwell. "Ano 'yon?" nagpa-cute ako.

"You heard him," ngumisi si Maxwell saka sumulyap sa labi ko.

Ngumuso ako. "Mga amaw," bulong ko.

"Hey, hey, hey, tsk tsk," banta ni Mawell, lalo pa akong ngumuso.

Pare-pareho kaming napalingon sa pinto nang may kumatok doon. Bumukas iyon at iniluwa sina Randall at Keziah.

"Hello, beautiful faces of earth!" bati ni Randall. Parehong napailing sina Maxwell at Keziah nang magkasulyapan. "How's everyone?" Kay Maxrill unang tumama ang paningin ni Randall. "Play a song for me, boy."

"Boy your ass," natatawang angil ni Maxrill.

Lumapit naman si Keziah. "Kumusta ka na?"

Lumabi ako nang maisip kung paano akong magselos sa mga kilos niya. Kaunting sulyap niya lang kay Maxwell noon ay naghihinagpis ang damdamin ko. Pero 'eto ay nangingiti ako sa pagtingin lang sa kanila.

Pinag-uusapan lang naman nila ang lagay ni Maxwell pero gano'n na lang ang paghanga ko. Talagang bukod kay Maxpein, sina Keziah at Randall lang ang nakakaintindi sa matalinong pananalita ni Maxwell.

Kung dati ay selos na selos ako, ngayon ay nakikita ko kung gaano sila kapropesyunal kung mag-usap. Lahat ng salitang ginagamit ay medikal. May lambing man sa tono ni Keziah, dahil 'yon sa pag-aalala at pagiging kaibigan niya. Ano bang meron doon noon at selos ang dulot sa 'kin?

"What are you staring at?" asik ni Keziah saka natawa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala naman, napansin ko lang, mas maganda talaga ako sa 'yo."

Natawa si Maxwell saka inilagay ang kamay niya sa balakang ko. "Agreed."

Lalong tumaas ang kilay ko kay Keziah habang nakangisi, saka kami sabay na natawa. "I'm not joking, though."

Umirap si Keziah saka nilingon si Randall. Napalingon din kami noon sa dalawa na pareho nang nalunod sa gitara.

"Play Too Close," ani Randall.

"What's that?" ani Maxrill.

"It goes like...I wonder if she could tell I'm hard right now," nakangising ani Randall.

"Dude, you're awful!" ngiwi ni Maxrill.

Humalakhak si Randall. "Freak Me, then."

"What?"

"Let me lick you up and down 'til you say stop. Let me play with your body, baby, make you real hot"

"You freaking quack!" asik ni Maxrill saka umalis sa tabi nito. Lalabas na sana siya nang pumasok si Maxpein. "Hi," napilitan siyang ngumiti nang masalubong ang seryoso nitong mukha.

"You guys are too loud," asik ni Maxpein.

"Only because we didn't know you're here. What's up?" ganoon na talaga katapang si Maxrill.

Kinakaya-kaya niya na ang dalawang mas matatanda sa kaniya. Tinalo niya si Maxwell, hindi ko ganoon kasigurado kung kaya niya maging si Maxpein.

Tiningnan lang siya ni Maxpein mula ulo hanggang paa saka sumulyap kay Maxwell. Kung hindi lang sana siya galit sa 'kin ay baka nakuha kong matawa. Kung magtitigan sina Maxpein at Maxwell ay para bang nakukuha na nilang mag-usap sa gano'n lang.

Napalunok ako nang sumulyap siya sa 'kin. "Let's talk outside," ani Maxpein saka muling lumabas.

Gano'n na lang ang pagkabuhay ng kaba ko. Nakagat ko ang labi ko saka napasulyap kay Maxwell. Inaasahan ko nang ngingiti siya sa 'kin, na hahawakan niya ang kamay ko. Pero talagang lumakas ang loob ko nang gawin nga niya 'yon.

"It's okay," ani Maxwell na bahagyang pinisil ang kamay ko. "Just listen to her. Speak up when it's necessary."

Muling nabuhay ang kaba ko nang maging sina Maxrill, Keziah at Randall ay nakatingin sa 'kin.

Huhu. Katakot, 'uy!

Nagbaba ako ng tingin at napapahiyang dumaan sa harap nila. Panay ang lunok ko bago tuluyang makalabas ng kwarto.

"Maxpein," pagtawag ko.

Bumuntong-hininga siya saka humarap sa 'kin. "Ayos na kayo ni Maxwell?"

Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko. "Oo. Hindi pa nga lang kami lubos na nakakapag-usap dahil sa...nangyari."

"King ina no'ng ex mo."

"Oo nga."

"King ina niya talaga."

"Oo nga," nagbaba lalo ako ng tingin.

"King ina niya ulit." Galit talaga siya.

"Sorry, Maxpein."

Bumuntong-hininga siya. "Matatagalan bago siya makabalik sa trabaho."

Gano'n na lang ang gulat ko. Pinigilan ko ang sariling magtanong ng bakit, natatakot na mabara niya ng sagot. Hiniling kong sana ay sabihin niya ang dahilan.

"Gusto kitang sisihin, alam mo ba 'yon?"pag-amin niya. Nagbaba ako ng tingin. "Pero hindi ko magawa, kasi alam kong wala kang kasalanan. Alam kong hindi mo rin 'to ginusto. Pero kung..." Nag-iwas siya ng tingin.

"I'm so sorry, Pein."

"I hate that word," asik niya. "You chose to hurt my brothers two fucking times." Muli siyang humugot ng hininga, nagpapasensya."Whatever, as if naman maibabalik ko pa 'yong nangyari na."

"Maxpein..."

"I am mad," kaswal na aniya.

Napatitig ako sa kaniya at hinanap ang galit na sinasabi niya. Blangko ang kaniyang mukha. Kaya naman nagbaba na lang ako ng tingin nang hindi 'yon makita.

"I am really...really angry right now," dagdag pa niya. Hindi na ako nag-angat ng tingin dahil nasisiguro kong wala namang nagbago sa kaniyang itsura.

Gusto kong mag-sorry pero pinigilan ko na lang ang aking sarili. Kung sinabi niyang ayaw niya nang marinig 'yon ay hindi ko na dapat ulit-ulitin.

"Pero dahil mahal na mahal ka niya at dahil...mahal din kita bilang kaibigan."Bumuntong-hininga siya. "Sige na," ngiwi niya. "Bati na tayo." Nag-iwas siya ng tingin.

Umawang ang labi ko. Nag-away ba tayo? Psh! Pero wala ako ng lakas ng loob na sabihin 'yon. Nakagat ko ang labi ko at ngumuso sa kaniya.

"Ang sabi niya ay wala na siyang makitang babae na mas maganda pa sa 'yo," mataray niyang sabi saka muling bumuntong-hininga. "Ang gusto niya sa babae ay 'yong matapang na tulad ko. Pero ang minahal niya ay 'yong maarteng tulad mo."

Lalo pang humaba ang nguso ko. "Nabawasan na nga 'yong pagiging maarte ko, eh."

"Ang gusto niya ay 'yong tahimik na tulad ko. Pero ang minahal niya ay 'yong maingay na tulad mo. Tss." Inirapan niya 'ko. "Wala kaming pasensya sa ingay. Pero mula nang dumating ka sa buhay niya, humaba ang pasensya niya. Ayaw niya pa rin sa ingay."

"Psh," nanatiling mahaba ang nguso ko. "Nabawasan na nga 'yong ingay ko, eh."

"Dati wala siyang oras sa 'min. Pero mula no'ng dumating ka, mas nakakasama na namin siya."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang haplos sa puso ko sa katotohanang sinabi niya. Ang totoo ay hindi ko napansin 'yon. Parati na lang kasi ay naiisip kong walang oras si Maxwell.

"He's a good man, Yaz. Kahit sino ay hihilingin ang isang Maxwell Laurent del Valle," patuloy ni Maxpein. "Hindi lang siya mayaman. Hindi lang siya doktor. Hindi lang siya matalino. Mabuti siyang anak, ni minsan ay hindi ko nakitang nagalit siya sa mga magulang namin. Kahit ang dahilan ay nasa harap niya na, pinipili niyang umintindi."

Maxwell...

"Mabuti siyang kapatid," dagdag pa niya. "Walang oras na hindi niya kami inisip ni Maxrill. Lahat ibibigay niya sa 'min, kahit pa buhay niya."

Pinahiran ko ang magkakasunod na patak ng aking mga luha saka nangiti. Alam kong totoo ang sinasabi niya. Halos lahat ng alaala ko kay Maxwell na magpapatunay kung gaano niya kamahal ang mga kapatid niya ay naalala ko bigla.

"Mabuti siyang apo," muli pang dagdag niya. "Lahat ng ipinamana sa kaniya ng aming mga lolo at lola, dala-dala niya."

Lalo pa akong naiyak sa alaala ni Chairman Moon.

"Mabuti siyang nobyo," kapagkuwa'y dagdag niya. "Ikaw na ang magpapatunay no'n at hindi na ako."

Tumango ako nang tumango. "I'm so lucky to have him and I know that."

"And he's lucky to have you, too. You're everything in one package, Yaz," ngiti niya. "You're wonderful and you're so beautiful,"may diing aniya. "Kaya pinag-aagawan ka ng napakaraming lalaki."

Humaba ang nguso ko. Pero sa huli ay natawa nang maisip kung gaano nga karami ang may gusto sa 'kin.

"Pero gusto ka nila hindi dahil lang sa maganda ka. Hindi dahil sa sexy ka, matalino ka, mabait ka, masarap magluto, galante, magaling kumanta, mahusay manamit, sopistikada, maingay, madaldal, tsismosahindi dahil do'n. Ikaw 'yong babaeng kahit sino ay ipagdarasal na makasama."

"I love you, Maxpein," umiiyak ko nang sabi.

"Kasi 'yon ang nakita ko sa kapatid ko,"nakita ko nang mangilid din ang luha niya. "Pakiramdam ko ay walang hiniling sa nakaraan si Maxwell sa buhay niya. Lahat nasa kaniya na, eh. Ikaw na lang ang kulang. Ikaw lang ang ipinagdasal niya."

Napahagulgol ako sa sarap ng mga salitang naririnig ko mula sa kaniya. Pakiramdam ko ay inaalis niyon lahat ng sakit na naramdaman ko. Para mas mapunuan pa ng panibagong pagmamahal ang puso ko.

Ngumiti siya ngunit ang lungkot ay nasa mga mata. "You deserve each other, Yaz. You and Maxwell deserve to be with each other,"madamdamin niyang sinabi. "I can't imagine Maxwell without you and I can't imagine you without him."

"Maxpein..."

"No matter what happens, always choose to love each other," emosyonal niyang dagdag. "Kahit sa mga oras na isa sa inyo ang nagkukulang, piliin niyong mahalin isa't isa. Kahit anong dahilan pa 'yan. Parati ninyong tandaan na minahal ninyo ang isa't isa."

Napahagulgol ako sa pag-iyak. Naghalo-halo ang emosyon ko sa masasarap na salitang binitiwan niya.

"Okay?" muling aniya.

Tumango ako nang tumango. "I love you, Maxpein!"

"Whatever, Yaz," nakangiwing aniya saka inilahad ang mga braso sa 'kin. "Come here."

Gumuhit pa lalo ang mga luha ko at naiiyak akong lumapit sa kaniya. "I'm so sorry, Max"

"King ina."

Natawa ako. "Hindi ko mapigilan, eh. I really am sorry. Kung may salita lang na pwede kong ipalit do'n para makahingi ng tawad, paulit-ulit ko ring sasabihin 'yon. Nagsisisi ako na ginawa ko lahat 'yon," mabilis kong sinabi. "Pero salamat sa tiwala, sa pang-intindi, sa lahat-lahat, salamat."

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Mahal ka rin namin, Yaz," pabulong niyang sagot. "Mahal na mahal ka namin, lalo na ni Maxwell."

Lalo pa akong naiyak. "Mahal na mahal ko rin siya."

Matunog siyang ngumiti. "Napatunayan mo naman at nakita namin 'yon, hindi mo na kailangang sabihin."

Humigpit ang yakap namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung gaano katagal 'yon pero nakangiti na kami sa isa't isa nang maghiwalay. Hinawakan niya ang kamay ko at pinunasan ang mga luha ko. Muli pa siyang ngumiti saka ako inakay pabalik sa kwarto ni Maxwell.

"Hmm?" ngiti ni Maxwell nang tumabi ako sa kaniya.

Natawa ako pero muling tumulo ang mga luha ko. Iling lang ang naisagot ko sa kaniya. Naramdaman ko nang ihawak niya ang braso sa bewang ko.

"Why are you crying?" mahinang tanong niya.

Ramdam ko ang tingin ng lahat sa 'kin. Noon lang ako nahiya nang ganoon sa buhay ko. Hindi dahil sa alam nila ang mga maling nagawa ko kundi dahil nakikita nilang ang pangit ko.

Wala sa sarili akong napayakap kay Maxwell. Gano'n na lang ang pag-iingat kong masaktan ang mga tama sa katawan niya.

"I love you, Maxwell," bulong ko.

Narinig ko siyang tumawa nang bahagya. "I love you, too, baby," mahina niyang sambit dahilan para mas humigpit ang pagkakayakap ko.

Ilang araw pang nanatili si Maxwell sa ospital. Walang araw na dumaan na wala ako sa tabi niya. Kasabay ng paghilom ng mga sugat niya ay ang paghilom ng mga sakit na idinulot namin sa isa't isa.

Paunti-unti man ay pinag-usapan namin ang lahat ng kakulangan ng bawat isa. Ang mga oras niya na hiniling ko noon ay ipinangako niyang ibibigay na ngayon. Gayong hindi ko naman na hinihiling ang mga 'yon.

Ang paghahangad ko ng sobra-sobrang oras ay ipinangako kong babawasan. Kung kailan handa na siyang ibigay ang lahat sa 'kin. Tuloy ay panay ang tawa namin sa t'wing mag-uusap. Kung kailan pareho na kaming willing mag-adjust, nagsalungat naman ang mga 'yon nang mag-usap kami.

"Nasa'n na ba sila?" tanong ko habang nagda-dial sa cellphone.

Ngayon na ang araw ng labas sa ospital ni Maxwell. Ang sabi ni Keziah ay sila nina Maxrill at Randall ang susundo sa 'min. Ang sabi niya pa ay may pupuntahan daw kami pero hanggang ngayon ay wala pa sila.

Nakaupo si Maxwell sa couch habang ako ay nakatayo sa harap niya. Kanina pa kinuha ng tauhan ng pamilyang Moon ang mga gamit namin ni Maxwell. Dinala nila 'yon sa hotel na pag-aari ng pamilya namin kung saan tumutuloy ang mga Moon.

"Baby, I'm hungry," ani Maxwell, hawak na ang tiyan.

Napabuntong-hininga ako. "Sorry, tatawagan ko na si Keziah. Wait." Pinakinggan ko ang linya. "Hello?" sabi ko nang sagutin ni Keziah ang tawag ko.

"We're outside," iyon lang at ibinaba niya ang linya.

"Napakasungit talaga nito ni Keziah,"natatawang asik ko. "Nasa labas na raw sila."

"Kaya walang manliligaw," ngisi ni Maxwell.

"Let me help you," kinuha ko ang braso ni Maxwell saka iniakbay 'yon sa 'kin.

"Dahan-dahan," sabi ko nang tulungan ko siyang bumaba ng sasakyan. Nakaalalay ako sa ulo niya gayong ang layo naman no'n sa tatamaan.

"Thanks," aniyang mas humigpit ang pagkakahawak sa kamay ko.

Bago pa kami makalapit sa pinto ay pumasok na sina Randall at Keziah. "You're late," angil ko. "Nagugutom na si Maxwell."

"Tsk, don't mind him. Nabubusog siya kapag nakikita ka," ani Randall saka tinapik sa tiyan ang kaibigay.

"Hey!" saway ko.

Ngumiwi si Randall at pinagbuksan kami ng pinto. Para siyang timang na kaliwa't kanan ang paalam sa bawat babaeng madaanan.

"Napakababaero mo talaga," angil ko nang makasakay kami sa van.

Naroon na sa driver's seat si Maxrill. "Hmm, hyung? You hungry?" Tumango si Maxwell. Ibinato niya ang isang sandwich.

Pareho kaming nangiti ni Maxwell. Binuksan ko 'yon para sa kaniya. "'Buti na lang parating may bitbit na pagkain 'yan," natatawang bulong ko.

"He loves food more than everything,"bulong ni Maxwell.

Gusto kong matawa nang panoorin lang ni Maxrill na sumakay sina Keziah at Randall, hindi kami narinig.

"Saan tayo, sa Tops?" tanong ko, ang paningin ay nasa daan. Pamilyar kasi sa 'kin ang dinaraanan namin. "Napakalayo naman, nagugutom na si Maxwell."

"You just ate," angal ni Randall, naroon siya sa passenger's seat. "Tell me, D. Are you hungry for food or..." sumulyap siya sa 'kin.

Sumama ang mukha ko, lalo na nang matunog na ngumiti si Maxwell. Bahagya kong piniga ang hita niya. Gano'n na lang ang pagkagat niya sa labi nang maramdaman 'yon.

"Got ya, huh?" nakakaloko pang dagdag ni Randall.

"Get lost, Randall!" asik ni Keziah. Naroon siya sa upuan sa gitna, habang kami ni Maxwell ay nasa likuran niya.

"What?" natatawa itong nilingon ni Randall. "I told you, date Bentley. He's a good-looking guy."

"Psh," nag-iwas ng tingin si Keziah.

"And he knows how to grind," dagdag ni Randall.

Binato siya ng unan ni Keziah. "You pervert!"

"Hey, you..." nagbanta si Randall.

"What?" asik ni Keziah.

"Virgin!" binato ni Randall pabalik ang unan.

"I hate you! Isusumbong kita kay Dein Leigh, I swear!" singhal ni Keziah.

"Hush, Keziah," ngumisi si Randall, puro kalokohan! Saka siya sumulyap kay Maxrill. "Hey, you want girls?" bigla ay kaswal lang na alok nito.

"Dude, shut up!" asik ni Maxrill. Palibhasa'y pataas ang daan sa lugar na 'yon ay tutok siya sa pagmamaneho. "I'm fucking driving."

Kahit anong asar ko kay Randall ay hindi ko talaga napigilang matawa. Lalo na nang makitang napikon agad si Maxrill sa alok niya.

Muling lumingon si Randall sa 'kin. "Tigilan mo 'ko!" banta ko agad.

Ngunit lalo siyang ngumisi. "You know the song Freak Me? Let's play it, Maxrill."

Natawa ako lalo na nang tapikin ni Maxrill ang kamay ni Randall nang hawakan nito ang player.

Gano'n nalang kalakas ang tawa ni Maxwell. "Stop it, E."

"Psh, tuwang-tuwa ka naman sa kalokohan niyang kaibigan mo?" asik ko sa kaniya.

Nagbaba ng tingin sa 'kin si Maxwell. "He's just so funny."

"'Sus."

"What?"

"Pareho 'kamo kayong maloko!"

"No way," seryosong palag ni Maxwell.

Ngingisi-ngising lumingon si Randall sa 'min saka kumanta! "Let me do all the things you want me to do... 'Cause tonight, baby, I wanna get freaky with you!" Kinanta niya 'yon nang bigay na bigay, hindi bagay sa propesyon niya.

"Youcrazy ass!" singhal ni Keziah na muli siyang binato dahilan para mapuno kaming pare-pareho ng pagtawa.

Sa isang saway pa ni Maxwell ay natahimik na si Randall. Pero dahil maloko talaga, kung saan-saan na siya lumilingon ay nakangisi pa rin. Para bang ganoon na lang karami ang kalokohan sa isip niya.

"I'm hungry, too," kapagkuwa'y sabi ko. Iniyakap ko ang pareho kong braso sa kamay ni Maxwell saka ako tumingala sa kaniya.

Nagbaba siya ng tingin sa 'kin at magsasalita na sana nang matigilan. Ngunit wala sa akin ang tingin niya. Nang mapagtanto kong didbib ko ang tinitingna niya ay pinalo ko ang braso niya.

Ngumiti siya at iniakbay ang braso sa akin. Pero hindi nanatili sa balikat iyon dahil bumaba iyon sa likuan ko. Abot na abot niya ang tiyan ko sa ganoong posisyon. Bilib ako sa haba ng kamay niya.

"Finally," ani Maxrill nang huminto kami. "You call this Tops?" asik niya sa 'kin nang tila hingalin siya sa pagmamaneho.

Natawa ako saka tumango. "Yes. Isa ito sa pinakamagandang lugar dito sa 'min."

"Tsh," ngumiwi si Maxrill. "In Korea, we call this nopeun san."

Nag-angat ako ng tingin kay Maxwell nang matawa ito. "What's that?"

"High mountain," natatawang tugon niya.

"Psh! Maganda rito, 'no! You'll see!"Nakanguso akong nagpatiuna sa kanila habang akay si Maxwell. "Maganda rin ang view rito,"excited kong sinabi. "Sayang nga lang, hindi natin naabutan ang sunset." Sabi ko nang tumingala sa langit at madilim na.

Iginala ni Maxwell ang paningin sa lugar. "May garden dito, guys," nakangiting sabi ko. "Gusto niyong makita?"

"Sure," ngiti ni Maxwell.

Nakangiwing umiling si Maxrill. "I'm hungry. I'll go inside," dumeretso na siya.

"I'm hungry, too," ani Randall saka inanyaya si Keziah.

Nakangiwi ko silang sinundan ng tingin saka ako bumaling kay Maxwell. "Tayo na lang,"isinabit ko ang mga kamay ko sa braso niya.

"It's kinda dark in here," ani Maxwell mayamaya. "Careful," nagbaba siya ng tingin sa paanan ko.

Nangiti ako. "Ang gaganda no'ng mga halaman, 'di ba?" nakangiting sabi ko. "Alam mo t'wing umaga, mas maganda 'yan. Matataas 'yong puno. Tapos kapag pumunta ka pa sa banda ro'n, makikita mo 'yong buong Cebu!" pagmamalaki ko.

"Baby, I can't see anything, it's so dark in here."

Napabuntong-hininga ako. Bukod sa gabi na, iilan-ilang bumbilya lang na mula sa mga kubo na parte ng garden nagmumula ang liwanag.

"Halika na nga," anyaya ko. "Hindi bale, babalik tayo dito kapag umaga para makita mo lahat ng sinabi ko."

"When?" ngiti niya.

"Syempre, kapag magaling ka na."

"I'm okay now."

"Hindi pa kaya. Ang sabi ng doktor ay kailangan mo pang magpahinga ng ilang buwan."

"Tsh. I am the doctor."

Sumama ang tingin ko. "Kayabangan," inis kong sabi. "Makinig ka kay Doc Esme ba. Kapag sinabi niyang one and a half months, one and a half months."

Bumuntong-hininga siya. "Fine."

"Sasamahan kitang magpahinga," ngiti ko.

Nakangiti siyang nagbaba ng tingin sa 'kin. "Yeah? What do you want to do, then?"

"Hmm, ikaw? Gusto mo bang mag-vacation tayo?"

"I'd love to."

"Where?"

"You decide? Europe?"

"Parang gusto ko sa Korea."

"Hmm?" napaisip siya.

Natawa ako. "I mean, South Korea."

"Have you been there?"

Ngumuso ako. "Not yet. Bihira pa akong nakapag-travel sa Asia."

"It's beautiful place," ngiti niya. "Sure, let's go there."

"Talaga?"

"Hmm," tumango siya saka nagbaba ng tingin sa 'kin. "Saan pa?"

"Huh?"

"Aside from South Korea, where do you want to go?"

"Tama na 'yon, kailangan mong magpahinga."

"Okay, we'll stay in South for one and a half months."

Nagulat ako. "Ang tagal naman?"

"Really?" Ngumiwi siya. "'Yong iba nga ay three months pa."

Lalo akong nagulat. "Sino naman ang magbabakasyon ng three months?"

Natawa siya. "'Yong mga kakilala ko."

"As in?" napaisip ako. "'Sabagay, sabi ko nga noon magbabakasyon lang ako, 'ayun, hindi na ako nakaalis sa Laguna. Pwera na lang no'ng nag-Palawan ako." Tumawa ako nang tumawa. "Lahat 'yon dahil sa 'yo,"kunyaring sumbat ko.

Hinarap niya ako at niyakap bago kami tuluyang makapasok sa Tops. "Magbabakasyon ka ulit dahil sa 'kin," nakangiti niyang sabi.

Yumakap ako sa kaniya at nakangiti ring tumingala. "Kahit gaano pa katagal, basta ikaw ang kasama ko, okay lang."

Sandali siyang tumitig sa 'kin, nakangiti. Saka niya inilapit ang mukha sa 'kin upang dampian ako ng halik. Hindi ko akalaing gagawin niya ulit 'yon. Iyong halik isang beses niya lang ginawa pero hindi na nawala sa isip ko. Iyong halik na marahang nagpapalitan sa itaas at ibaba kong labi. Iyong sobrang bagal, sobrang banayad, bahagyang dumiriin at ninamnam nang mabuti.

Gusto kong mapahiya nang mapadaing ako nang malunod sa iba't ibang pakiramdam na idinulot no'n.

Nakangisi na siya nang magmulat ako. Nag-init ang mga pisngi ko at nagbaba ng tingin. Ngunit nagtindigan ang mga balahibo ko nang ilapit ang bibig sa tenga ko.

"Conserve your energy, baby, that's one and a half months," bulong niya. "Walang oras na daraan nang hindi kita hahalikan."

Nakagat ko ang labi saka nangiti. "I love you."

"I love you," bulong niya saka muling dinampian ng halik ang labi ko.

Kinuha ko ang kamay niya saka ko siya hinila papasok. "Hello!" kinawayan ko ang parehong pamilya namin nang makita ang mga ito.

Maraming bato na mesa doon. Pero dinugsungan ng mesa ang dalawa para ang mga iyon lang ang maokupa naming magkakasama.

"Katley?" gano'n na lang ang gulat ko nang makitang naroon ito. "Katley!" patakbo ko siyang pinuntahan.

"'Uy, amiga!" tila kinikilig na aniya. "Ang ganda-ganda mo, 'day! Bagay na bagay kayo ni Maxwell!"

"Buang! Natural ko na 'to, ano ba?"natatawa akong yumakap sa kaniya. "Naku, 'buti nandito ka?"

"Hahay, gina-invite ako ng family nimo para sa dinner. Nakilala ko na ang family ni Maxwell, grabe, 'uy...as in speechless ko, 'day."

"Close na kayo?"

"Pagsyor, 'uy! Nahihiya naman ako sa kanila."

"Mababait ang mga 'yan."

"Totoo ka, kay hindi nila ako pinabayaan, 'day."

"Wow!" niyakap ko ulit siya. "Naku, naku, naku, aasikasuhin ko muna si Maxwell, ah? Gusto kong ipakita sa kaniya 'yong view. Mamaya na tayo mag-chikka." Kinawayan namin ang isa't isa.

Mula nang bantayan ko si Maxwell ay nadoble ang trabaho ni Katley. Wala naman kasing papalit sa akin dahil hanggang ngayon ay understaff kami. Sinabi ko na lang sa directress na ibigay sa kaniya ang buong sahod ko.

"Halika, ipapakita ko sa 'yo 'yong view,"muli kong hinila si Maxwell nang balikan ko siya. "Maganda dito kapag umaga kasi makikita mo 'yong buong Cebu," pagmamalaki ko na nag-angat pa ng tingin sa kaniya.

Nakapamulsa ang kamay niyang may benda at basta na lang nagpapahila sa 'kin gamit ang libreng kamay.

Grabe, kahit talaga gabi ay ang gwapo-gwapo niya. Nakaitim pa. Haaay... Nakagat ko ang sariling labi sa naisip.

Hinila ko siya nang hinila hanggang sa marating namin ang dulo ng mataas na lugar na 'yon.

"Pero kapag gabi, makikita mo lahat ng il..."natigilan ako nang makita ang nasa harapan ko. Nabitiwan ko ang kamay niya at natutop ang bibig ko.

Mataas ang lugar na iyon ng Tops. Totoong malaking parte ng Cebu ang makikita mula sa kinaroronan namin. Libo-libong kabahayan ang matatanaw sa 'baba niyon tuwing gabi. At talagang magandang tingnan ang mga ilaw na nagmumula sa mga bahay na 'yon.

Pero sa sandaling iyon, habang tumutulo ang mga luha ko, tila daan-daang ilaw mula sa mga kabahayan lang ang nakikita ko. Sapagkat nakapatay ang karamihan upang mabuo ang mga salitang...

Will you marry me?

Nagugulat kong nilingon si Maxwell ngunit lalo lang akong naluha nang makitang nakaluhod na siya.

You and I cannot hide,

The love we feel inside

The words we need to say

Gano'n na lang ang gulat ko nang mangibabaw ang tinig ni Migz. Luhaan man ay nagawa ko siyang tanawin. May kadiliman man ay malinaw kong nakikita ang lahat. Kompleto ang mga kaibigan namin dahilan para lalo akong maging emosyonal.

I feel that I

Have always walked alone

But now that you're here with me

There'll always be

A place that I can go

"Maxwell," wala pa man ay humahagulgol na ako sa sobrang saya.

"Baby, will you marry me?" tanong niya. "Please say yes, baby," emosyonal niyang sinabi.

Emosyonal, lumuluha akong tumango. "Yes, Maxwell. I will marry you, baby." Napatakbo ako gayong ang lapit niya. Tumayo siya upang salubungin ako ng yakap. "I love you, Maxwell."

"I love you more, Yaz," emosyonal niyang tugon saka inipit ang mukha sa balikat ko.

When you're next to me

I can see the greatest story

Love has ever told...

Ang bawat salitang kinakanta nina Migz at Randall, na sinasabayan ng mga kaibigan namin, ay dumaragdag sa emosyon ko. Lalo na nang bitawan ako ni Maxwell. Sabay kaming nagbaba ng tingin sa kulay gintong kahita na hawak niya.

Now my life is blessed

With the love of an angel

How can it be true?

Somebody to keep the dream alive

The dream I found in you

I always thought that love

Would be the strangest thing to me

But when we touch I realize

That I found my place in heaven

By your side...

Lalo akong naiyak nang makita ang napakagandang singsing. Hindi ko na maipaliwanag ang mararamdaman ng kunin niya iyon at nakangiting iniharap sa 'kin.

"Maxwell and Yaz," mahinang dagdag ni Maxwell saka kinuha ang kamay ko. Pareho kaming naluluha nang tumatawa nang isuot niya sa daliri ko 'yon. "Love without limits, baby."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Love without limits," naiiyak sa saya na sabi ko saka yumakap nang mahigpit sa kaniya.

When you're next to me

I can see the greatest story

Love has ever told...

To be honest. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji