CHAPTER 48

CHAPTER 48

WALANG HINTO ang pag-iyak ko habang nasa ambulansya kami sakay si Maxwell. Mabuti na lang at pare-pareho kaming medical professionals, kahit papaano ay alam namin ang gagawin. Pero iba pa rin pala talaga kapag mahal mo na sa buhay ang nasa ganoong sitwasyon. Nakakatakot, nakakakaba, nakakapraning na para bang hindi mo alam kung ano ang tamang gawin para matulungan sila. Nagblangko ang isip ko kanina, pero ganoon kapopropesyonal ang mga kasama ko. Na sa kabila ng paghihisterya ko ay kalmado nilang naasikaso si Maxwell. Ganoon kabilis nakatawag ng emergency si Katley, wala pang limang minuto nang sumugod ang ambulansya. Naagapan agad ni Keziah ang dumurugong ulo ni Maxwell bagaman nahirapan siya dahil nakakatuliro ang pagtitiis nito sa tinamaang kamay. Si Randall ay nagawang itali si Rembrandt nang hindi na ito makawala. Dinakip ng mga pulis si Rembrandt at tanging manager ng restaurant ang sumama para magbigay ng statement.

Kalmado na si Maxwell, ang isang kamay ay nakatakip sa mata at noo na animong sa ganoong paraan matitiis ang dinaramang sakit. Kami lang ni Katley ang naroon dahil iminaneho nina Randall at Keziah ang kani-kaniyang mga sasakyan pasunod sa amin.

"Maxwell," mukha akong sirang plaka, tawag nang tawag habang umiiyak. "I'm so sorry,"paulit-ulit ko ring sinabi.

Panay ang hikbi ko nang panoorin ko ang kamay niyang kunin ang kamay ko. Tiningnan ko ang mukha niya at muling naluha nang makitang payapa lang ang pagkakapikit niya.

"'Wag kang matutulog," umiiyak na namang sabi ko.

"I'll be fine," mahinang aniya.

Inilapit ko ang mukha ko. "'Wag ka matulog, please?"

Mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko kaya gumanti ako. Inilapit ko ang kamay niya sa pisngi ko saka inilapit sa labi.

"Maxwell..." 'ayun na naman ang pag-atungal ko.

Kung gaano ako kabilis kumilos sa operating room at ward para sa ibang tao, gano'n naman ang bagal ko nang mailipat ng stretcher at itakbo sa emergency room si Maxwell. Doon namin siya dinala sa ospital kung saan kami nagtatrabaho. Bukod sa iyon ang pinakamalapit ay kompleto ang kagamitan doon. Kahit alam ko na ang mga dapat at hindi dapat gawin ay ipinilit ko pa ring silipin si Maxwell. Kinailangan akong hilahin at yakapin ni Katley para hindi ko na maabala ang mga umaasikaso sa kaniya.

"Pakipirmahan na lang, ma'am," anang nurse, hindi ako kilala niyon. Pero kilala nila si Katley at napamilyaran si Maxwell na nagse-seminar doon.

"Where is he?" nangibabaw ang tinig ni Randall, kasunod niya si Keziah.

Hinagod ni Keziah ang likod ko. "Doon na muna kayo sa labas."

"Si Maxwell," umiiyak kong sabi.

Bumuntong-hininga siya. "Hindi siya pababayaan dito, kumalma ka."

Sa halip na sundin siya ay muli kong sinulyapan si Maxwell. Pero hindi ko pa man nakikita nang lubos ang ginagawa sa kaniya ay sinarhan na ang kurtina. Lalo akong naiyak nang tumalikod at nagpaakay kay Katley palabas.

"He's going to pay for this," lumuluha kong sabi nang iupo ako ni Katley.

Hindi siya nakasagot. Sa halip ay paulit-ulit niyang hinagod ang likuran ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang magkagano'n.

"Kasalanan ko 'to, eh," nagsisising sabi ko.

"Hindi mo kasalanan na na­­buang imuhangex, 'oy," malumanay niyang tugon, nang-aalo.

Umiyak ako nang umiyak, sising-sisi sa lahat ng katangahan. Pero kahit anong pagsisisi ko, kahit ilang beses akong humingi ng tawad, kahit manuyo ang lahat ng luha ko, hindi ko na maibabalik ang mga 'yon. Nasaktan na si Maxwell nang paulit-ulit at kahit anong galit ang maramdaman ko ay hindi ko na mababago ang ginawa ni Rembrandt sa kaniya.

Lalo pa akong naluha nang maalala kung paano siyang nagpaikot-ikot sa sahig nang ipit ang sariling kamay. Iyong mismong seat ng metal high chair ang inihampas ni Rembrandt sa kaniya. Nasaksihan ko kung gaano kalakas 'yon.

Nag-unahan sa bilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang mga sinabi ni Maxpein tungkol sa kamay niya. Naihilamos ko ang palad sa sariling mukha at mas napahagulgol sa halo-halong nararamdaman at naiisip.

Halos matuliro ako nang mag-ring bigla ang cellphone ko. Nagkandahulog-hulog ang bag at cellphone ko bago ko pa nasagot iyon.

"Hello," umiiyak kong sambit.

"Ate, anong nangyari?" naghihisteryang tinig ni Zarnaih ang bumungad sa 'kin.

Napahagulgol agad ako at hindi malaman kung saan uumpisahan ang kwento. Nang bahagya namang humupa ang pagluha ko ay panay ang hikbi ko kaya hirap na hirap magsalita. Napakatagal na sandali bago ko nailahad ang nangyari sa kaniya.

"Gagong Rembrandt 'yan, gago siya, ate! Gago siya!" galit na galit si Zarnaih. Kulang na kulang ang salitang 'yon para sa ginawa ni Rembrandt. "Humanda siya! Sinasabi ko sa 'yo, ate, humanda talaga siya!" banta niya. Noon ko lang natiis ang lakas ng bunganga niya. "Galit na galit si Maxpein, ate!"

Fuck!

Gumuhit ang mga luha ko at muling napayuko sa kamay. "Kasalanan ko 'to, Zarnaih," umiiyak ko na namang sabi hanggang sa mapahagulgol. "Kasalanan ko lahat 'to."

"Ihanda mo rin ang sarili mo, ate," mahinahon man ay kinabahan ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Halatang maging siya ay natakot para sa akin. "Parating na ang mga Moon."

Kinilabutan ako sa takot nang sabihin niya ang huling linya. Ilang minuto na nang putulin namin ang usapan pero parang mas tumitindi ang kaba ko. Ni minsan ay hindi ko naisip na posibleng mapahamak si Maxwell nang dahil sa 'kin. Parati na ay sila 'yong naroon para walang mapahamak. Pero 'eto at naghihinagpis ang kalooban ko dahil sa nangyari sa kaniya.

"Katley, umuwi ka na muna," sabi ko habang nagpupunas ng luha. "Baka kailangan ka na sa inyo."

"Naitawag ko na, 'day," umiintinding aniya. Lalo akong naiyak. "'Wag kang mag-alala, sasamahan kita kahit anong oras pa."

Nayakap ko siya saka ako napahagulgol ulit. "Parating na sila, Katley, natatakot ko..." mas lalo pa akong naiyak.

"Natatakot naman ako sa 'yo!" nabitiwan niya ko, maiiyak na rin. "Sinong parating?"

"Ang pamilya ni Maxwell..." hindi ko na halos siya makita dahil sa tuloy-tuloy na pangingilid ng aking mga luha.

Natutop niya ang bibig, tila naalala ang mga naikwento ko tungkol sa pamilya ni Maxwell. Halos lahat yata ng tungkol sa lalaking iyon ay naikuwento ko na sa kaniya. Mula sa pinakamaliit na bagay, hanggang sa pinakamalalaking bagay ay sinabi ko kay Katley. Hindi ko pinalampas maging ang mamahalin nilang mansyon, mga sasakyan, mga tauhan, sariling chopper at eroplano. Maging ang nalalaman ko tungkol sa mga Moon ay alam niya. Kung saang bansa nanggaling ang mga ito, ang ilan sa mga nalalaman kong kultura at mga batas nila ay ibinahagi ko. Dahilan ko, tutal naman, nandito kami sa Cebu, imposibleng makarating pa sa Laguna na itsinismis ko sila. Hindi ko akalain na mangyayari ang araw na ito.

Napatayo ako nang lumabas sina Randall at Keziah. Hindi pa man sila nakakalapit ay tumakbo na ako sa kanila. "Ano, kumusta na si Maxwell?" hindi ko nahintay ang sagot nila, sumilip pa ako sa ER.

Pero hinila ako ni Randall. "Kailangan niyang operahan." Bumuntong-hininga siya, lalo naman akong naiyak. "Masyadong...malalim 'yong sa ulo niya."

Nagbaba ng cellphone si Keziah. "His family's coming," tumingin siya sa 'kin. "Parating na ang mga Moon."

Noon ay kinikilabutan ako sa angas ng dating ng linyang 'yon. Ngayon kinikilabutan ako dahil sa takot. Na para bang darating sila para sugurin ako. Dahil alam kong ako ang may kasalanan ng lahat.

"Anong gagawin ko?" nanghihina akong napaupo sa silya at natakpan ang mukha ko sa pag-iyak. 'Ayun na naman tuloy si Katley para aluin ako.

"Yaz, it's not your fault," hindi malaman kung galit bang ani Keziah. "That crazy lawyer of yours did that to him. Psh. Wala siyang idea kung sino ang binangga niya."

"Magiging okay lang ba si Maxwell?" umaasang tanong ko.

Bumuntong-hininga si Keziah, nagkatinginan sila ni Randall saka tumingin sa 'kin. "Hopefully," umiling-iling siya saka nasapo ang noo.

"He needs to be okay," asik ni Randall. "He gotta be, please." Nasapo niya rin ang noo. "Dahil paniguradong aalisan ni Maxpein ng kaluluwa ang Rembrandt na 'yon."

Galit na galit si Maxpein, ate! Muling umalingawngaw ang sinabi ni Zarnaih sa pandinig ko dahilan para muli akong maiyak. Laking pasalamat ko at naroon si Katley, hindi niya ako iniwan. Hindi niya ako pinabayaan.

Tumawag ako kay mommy nang bahagyang mahulasan. Pero hindi pa man ako nagsisimulang magkwento ay humagulgol na naman ako. Tuloy ay nagmadali rin sila ni daddy na pumunta doon sa ospital.

Nang makarating sila ay pinauwi ko na si Katley. Nagmatigas siyang sasamahan ako pero alam kong malaki ang magiging kapalit no'n sa bahay nila. Marami rin siyang inaalagaan.

Sina mommy't daddy ang umalo sa akin. Paulit-ulit ang tanong nila at halos mainis ako sa kasasagot no'n, naghahalo ang pag-aalala at pangamba na mapahamak si Maxwell. Pero pare-pareho kaming napatayo nang ilabas na ng ER si Maxwell. Pero bago pa ako makalapit ay pinigilan na ako ni Keziah.

"Maupo ka na lang, Yaz. Rest," maawtoridad niyang utos. "Kami nang bahala kay Maxwell."

"Gising na ba siya, ha?" nagkukumahog na tanong ko pero pinigilan ako ni Keziah na makalapit.

"Hindi pa."

"Bakit hindi pa? Anong nangyari?"

"Calm down, Yaz," asik niya.

"Tell me, please!" umiiyak na namang sabi ko.

"Calm down and sit!" iniupo niya ako.

Umiiyak akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Kayo ang mag-oopera sa kaniya?"

"Of course not, we can't do that here," buntong-hininga niya. "Maupo ka na lang muna diyan, sasamahan namin siya sa CT Scan room."

"Sasama na 'ko," umiiyak kong sabi.

"Nang ganyan ang itsura, really?" mataray na aniya. "No. Sit down and don't come near me." Iyon lang at tinalikuran niya na ako.

Muli akong niyakap ni mommy pero hindi talaga mahinto ang pag-iyak ko. Ngunit pare-pareho kaming walang nagawa kung hindi ang maghintay. Inabot kami ng madaling araw. Nakaidlipan ko ang pag-iyak.

Nagising na lang ako sa marahang pag-uga at tinig ni mommy. "Zaimin, hija. Zaimin Yaz," pagtawag niya. "Narito na ang mga Moon."

Ganoon na lang kabilis ang paggising ko. At nang mag-angat ako ng tingin ay 'ayun at napanood ko ang magkakasunod na pagpasok nina Maxpein, Maxrill, Tita Maze, Tito More, Heurt at Mokz.

Dumagundong ang kaba sa dibdib ko nang bagaman nakaitim na salamin ay naramdaman ko ang malamig ngunit naninikil na tingin sa akin ni Maxpein. Mas tumindig ang balahibo ko nang makita silang pare-parehong nakaitim at pawang mga seryoso!

Naagaw nila ang atensyon ng mga naroon. Lalo na nang isa-isang magsipaghilera ang ilan sa mga tauhan nila at bantayan ang entrada ng ospital. Sa pagtataka ay agad na lumapit ang personnel mula sa information desk, inalam marahil ang pagkakakilanlan nila. Si Mokz ang humarap dito.

Pakiramdam ko ay naririnig ko ang tunog ng mga sapatos nila habang papalapit sa 'kin. Naiiyak akong nag-iwas ng tingin at hindi na magawang salubungin ang mga mata nila.

Damn it!

"Where is he?" paasik na tanong ni Maxpein nang harapin ako.

Ni hindi man lang ako nagkaroon ng tyansang tumayo para batiin at yakapin sila isa-isa gayong nakasanayan na 'yon. Mukhang wala ni isa sa kanila ang may balak na gawin 'yon.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang namumugtong mga mata ni Tita Maze. Ang pag-aalala sa mukha nina Tito More at Mokz ay mababasa kahit anong tago nila doon. Si Maxrill ay panay ang lingon, tila inaalam kung saan posibleng naroon ang kuya niya. Habang si Tita Heurt ay nakabantay kay Maxpein sa nagbabadya nitong pagsabog.

Fuck! Ramdam ko ang galit nila sa akin bagaman wala akong pruweba. Natatakot ako at nag-aalala!

"Nasa operating room na siya ngayon," sagot ko, nagbaba ako ng tingin dahil sa sobrang takot.

"I am talking about the guy who did this to him, Yaz," kalmado ngunit may diin, naroon ang galit sa tinig ni Maxpein.

Gano'n na lang kabilis ang pag-aangat ko ng tingin sa kaniya. "He's..." magkakasunod akong lumunok.

"Where?" hinubad niya ang salamin at sinalubong ako nang mas malamig na tingin.

"Maxpein," 'ayun na ang nang-aawat na tinig ni Tito More.

Kinausap siya nito gamit ang kanilang lenggwahe dahilan para mapapikit si Maxpein, kinakalma ang sarili.

Magkakasunod na pumatak ang mga luha ko sa takot. "I'm so sorry," umiiyak kong sabi, nasubsob ang mukha sa mga kamay. "I'm really sorry."

"How many times do you have to say sorry, Yaz?" asik ni Maxpein.

"Pein..." nag-angat muli ako ng tingin, nagugulat bagaman lumuluha.

Umangat ang ulo niya na para bang sa ganoong paraan lalamig 'yon.

"Maxpein, it's not her fault," asik ni Maxrill.

Sa isang tingin ni Maxpein ay napabuntong-hininga ito. "Am I blaming her?" asik niya saka muli ako nilingon.

Ngunit wala na siyang sinabi. Sa halip ay niyaya niya si Tita Maze at nagtungo sila sa gawi ng operating room.

"Yaz, please tell us what happened?" nag-aalalang naupo si Tito More sa tabi ko. Naiiyak ko siyang nilingon. "You also have to tell us where exactly your ex-boyfriend is. Kapag pinahanap ni Maxpein 'yon at nahirapan siya sa salita ninyo ay lalong mag-iinit ang ulo ng isang 'yon. Pakiusap."

Inilahad ko ang lahat ng nangyari kanina sa restaurant. Matapos no'n ay saka ko lang naibahagi ang tungkol sa panliligaw ni Rembrandt. Ayaw ko mang kilalanin ang nababasa kong disappointment sa mukha nina Mokz at Tito More ay tinanggap ko rin 'yon.

"I'm so sorry, tito," sinsero kong sinabi. "Hindi ako nag-iisip."

"No," bumuntong-hininga si Tito More. "Hindi gano'n 'yon."

"Dapat hindi na ako nagpaligaw sa kaniya, e, kasi..." humikbi ako nang humikbi. "Si Maxwell ang mahal ko." Iyon lang ang sinabi ko ay humagulgol na ako. "Hindi sana nangyari 'to," nagbaba ako ng tingin at muli pang umiyak.

"Hija, listen," inakbayan ako ni Tito More. "Nang payagan mo siyang manligaw sa 'yo, ang intensyon mo ay panibagong tyansa sa sarili mo. Right?"nagpapaunawang aniya.

Iyon pa lang ang sinasabi niya ay naiyak na ako. I am so touched. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi ko alam kung paanong naipararamdam ng mga Moon kung gaano kalawak ang pang-intindi nila. Wala ni minsan na naramdaman kong may nakita silang mali, parati na ay naiintindihan nila ang mga detalye. Binibigyan nila ng hustisya at pang-initindi maski na ang kaliit-liitang bagay. Hindi matapos-tapos ang paghanga ko sa kanila. Hindi talaga mawawala ang respeto ko sa pamilyang 'to.

Nauna pang tumulo ang mga luha kaysa pagtango. "Yes, tito."

Ngumiti siya, 'yong lalabas ang kagwapuhan. "Binigyan mo ng tyansa ang sarili mo dahil 'yon ang sa tingin mong nararapat sa 'yo. At wala akong nakikitang problema ro'n."

Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Tito..."

"Kabutihan ang isipin ang mararamdaman ng iba. Pagmamahal ang pag-iwas na masaktan sila. Pero importante rin ang pagpili at pagmamahal sa sarili, Yaz," dagdag niya.

"Katulad lang din iyon ng pagiging mabuti at pagmamahal sa ibang tao. Kaya bakit hindi mo ibibigay sa sarili mo, hindi ba? Kung naibibigay mo sa kanila, higit na dapat sa sarili mo." Napakaganda ng mga sinabi ni Tito More.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming naghintay doon. Kung hindi pa namin malingunan sina Tita Maze at Maxpein na pumasok muli sa entrance ay hindi ko mamamalayang maliwanag na.

"Saan kayo nanggaling?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko nalilimutang doon sila pumunta sa gawi kung nasaan ang operating room.

"We went to the police station," si Tita Maze ang sumagot. Bumuntong-hininga siya saka sinulyapan ang asawa, isinenyas ni tita si Maxpein.

"What did you do, Pein?" agad na kumilos si Tito More. "Maxpein?"

"Nothing."

"Show me your hand." (Yes, Papa!)

Sa inis ay ipinakita ni Maxpein ang parehong kamay at talagang namumula ang isa doon! Nag-angat ako ng tingin kay Maxpein, gano'n na lang ang pagkakasimangot niya.

"Sinapak niya lang naman nang sinapak,"napailing si Tita Maze.

Naisubsob ko ang mukha sa parehong palad at maiiyak na naman. Naudlot lang 'yon nang lumapit sina Randall at Keziah. Magkakasabay kaming napatayo para salubungin sila.

"His operation went well," ani Randall. "Nasa ICU na siya. He's going to stay there for hours or days for monitoring."

Lumapit ako agad. "I want to see him," sabi ko.

Nilingon ako ni Maxpein. "Let us see him first,"aniya saka sinenyasan si Randall na pangunahan sila.

Nanlumo ako. Ramdam kong galit si Maxpein sa akin. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang umiyak na naman nang umiyak.

Nagpaiwan si Maxrill at naupo sa tabi ko. "Stop crying, you look awful."

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit wala akong nasabi. Muli kong naisubsob ang mukha ko sa mga palad ko. Iyon na nga lang yata ang magagawa ko hanggang sa huli.

"She's just like that but she's not mad, trust me,"batid kong si Maxpein ang tinutukoy niya. Maging ang mga magulang ko ay sumang-ayon sa kaniya.

"Ayos lang naman sa 'kin kung magalit siya. Naiintindihan ko," sabi ko.

"She's not mad, okay?" nginitian ako ni Maxrill."But I bet that ex of yours is mad at her right now."Humalakhak siya. "For sure she punched him real hard, he's knocked out."

"Hija," lumapit sa 'min si Mokz matapos ang mahabang sandali. "Pumaroon na kayo sa kwarto ni Maxwell Laurent."

"Magtatagal po ba siya sa ICU? Hindi pa rin po ba siya nagigising?"

Bumuntong-hininga si Mokz. "Sila na lamang ang tanungin mo't hindi maganda ang tiyan ko. Mauuna na muna ako sa hotel."

"Saan po kayo tumutuloy?"

"Hayaan mo't inasikaso na kami ng mga magulang mo. Sige na."

Iyon lang at iginiya na ako ni Maxrill papunta sa ICU room ni Maxwell.

"Mag-uusap tayo, bukas o sa makalawa," ani Maxpein nang makasalubong namin sila, papalabas na.

"Maxpein," hinabol ko siya. "I'm really sorry."

"You should be," mariing aniya.

"Maxpein," pinipigilan na agad siya ni Tito More.

"Hurt him once more and I'll hurt you thrice,"banta ni Maxpein.

Naluha ako. "I won't hurt him again."

Pairap niyang inalis ang paningin sa 'kin. "Stay beside him, for sure he'll look for you once magising siya."

Gustuhin ko mang sumagot pa ay tinalikuran niya na ako. Tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko nang makapasok sa pinamagandang kwartong meron ang ospital na 'yon.

Tulog pa rin si Maxwell. Sa bendang naroon sa ulo niya napako ang paningin ko. Lumapit ako at mas naiyak nang makitang maging ang kamay niya ay nakabenda hanggang braso.

Natakpan ko ang sariling bibig para mapigilan ang paghagulgol. Gano'n na lang katindi ang pangsisisi ko sa sarili. Lalong hindi ko mapaniwalaan ang sinabi ni Maxrill. Nasisiguro kong gano'n na lang ang galit ni Maxpein.

"I'm really sorry," nanghihina akong napaupo sa mga paa habang nakayakap nang marahan kay Maxwell.

"Hija, tumayo ka riyan," lumapit sa 'kin si Tita Maze para ibangon ako. "Ang sabi ng nurse ay hindi natin siya maaaring lapitan nang ganyan. Halika rito."

"I'm so sorry, tita."

"Sshh..."

"Sinabi na sa 'kin ni Maxpein kung gaano kaimportante ang kamay niya, tita. Pero..."

"Oo nga't sinabi niya sa 'yo pero hindi naman iyon nakarating sa taong gumawa nito sa anak ko. Stop blaming yourself and get some rest."

"Tita..." umiiyak akong napayakap kay Tita Maze.

Oo nga't gumagaan ang loob ko sa kanila pero sa isang sulyap ko lang sa kalagayan ni Maxwell ay nagbabago 'yon. Sinisi ko nang paulit-ulit ang sarili ko. Hindi ako nahinto sa pagluha. Ni hindi ko naramdaman ang gutom. Hindi ko rin nagawang matulog sa dumaang oras na naroon ako sa tabi niya.

"Yaz, I'm sorry pero kailangan naming umalis ni Randall," lumapit sa 'kin si Keziah, nasa labas kami ng ICU. "You'll be fine alone, right?"

"Of course," paniniguro ko. "Thank you so much, Keziah."

"May seminar pa kami bukas, kailangan naming aralin 'yong topic ni Maxwell dahil kami ang papalit sa kaniya."

"Naiintindihan ko."

"Nakausap ko ang kapatid mo, siya ang papalit sa parents mo. Magdadala siya ng gamit mo."

Nakangiti akong tumango. "Salamat."

Nang gabi ring iyon ay dumating si Zarnaih. Ikinuwento niya sa 'min nina mommy't daddy kung ano ang ginawa ni Maxpein kay Rembrandt. Bugbog-sarado. Sinampahan nila ito ng kaso at hinihiling na matanggalan ng lisensya.

Hindi ko maintindihan ang mararamdaman. Nagugulat ako dahil hindi ko inaasahang aabot doon ang lahat ng nangyari. Hanggang sa sandaling iyon ay wala akong ginawa kung hindi sisihin ang sarili ko at lumuha.

Umuwi sina mommy't daddy kasama si Zarnaih. Hindi maaaring manatili rito ang kapatid ko dahil kasama niya ang mag-ama niya. Kontento na akong ipinakiusap nila ako sa trabaho. Dahil mas gugustuhin kong bantayan si Maxwell.

Dalawang araw na nanatili si Maxwell sa ICU. Pinauwi ako ni Maxpein nang mismong araw na inilipat siya sa private room. Iyon din ang idinahilan niya para ipagpaliban ang pag-uusap naming tinutukoy niya. Kinabukasan ay bumalik ako sa ospital para magbantay.

"Baby..." Iyon pa lang ang naibubulong ko ay naiiyak na naman ako.

Akala ko ay hindi na ako maiiyak. Akala ko ay tuyo na ang lahat ng luha ko pero 'ayun at nag-uunahan na naman ang mga ito. Naligo ako para mapreskuhan pero 'ayun at nag-iinit na naman sa masamang pakiramdam ang katawan ko.

"I'm so sorry," bulong ko habang paulit-ulit na hinahaplos ang mga mata, ilong at labi niya. Hindi ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa kaniya. "Mahal na mahal din kita, Maxwell. Mahal na mahal pa rin kita."

Pero kahit ilang beses kong sabihin 'yon ay alam kong hindi sasagot si Maxwell sa 'kin. Wala akong nagawa kung hindi ang hilingin na sana ay narinig niya ako.

"Yaz," hindi ko naramdaman nang may kumatok. Gano'n na lang ang gulat ko nang tumuloy si Maxrill. "Hindi ka pa rin natutulog?"

Wala sa sarili akong sumulyap sa bintana. Maliwanag na naman pala. Hindi ko na namamalayan ang oras. Parang kanina lang ako nagpunta ro'n, para ngang naligo lang ako. Ni hindi ko matandaan kung kumain na ba ako. Ang tanging alam ko ay dumalaw si Katley pero anoman sa napag-usapan namin ay hindi ko na matandaan. Ano't panibagong araw na naman? Talaga nga yatang hindi na naalis kay Maxwell ang paningin ko.

May dala siyang gitara at dalawang paperbag. "I brought us food. Actually, our moms prepared them for us."

"Thank you, Maxrill."

"I'm going to stay here with you tonight."

Ngumiti ako. "Thank you."

"Tsh." Bumuntong-hininga siya at saka isinaayos sa mesa ang mga dala niya.

Muli ko namang nilingon si Maxwell. Gaya kanina ay iginuhit ko nang iginuhit ang mga letrang ILY sa pisngi niya.

"I love you, Maxwell..." muling bulong ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong sinabi 'yon. Hindi nakakasawa. Ang sarap ulit-ulitin. Napapangiti ako sa t'wing maiisip ko na mahal niya ako. Ang gwapong ito ay mahal na mahal ako.

"You want to see his ring?" mayamaya ay ani Maxrill.

Napalingon ako sa kaniya. "Pwede?"

"Come here," aniya saka iniabot 'yon.

Natitigilan akong lumapit at tinanggap iyon. 'Ayun na naman 'yong nag-uunahan sa pangingilid kong mga luha nang tingnan ko 'yon sa palad ko. Pero nagsabay-sabay sa pagpatak 'yon nang makita ang mga salitang nakaukit doon.

Yaz and Maxwell. Love without limits.

Parang piniga ang puso ko. Naisip ko kung kelan niya ipinagawa 'yon. Hinulaan ko ang excitement niya nang planuhin 'yon. Itinanong ko sa sarili kung anong naramdaman niya nang hindi maibigay sa 'kin ang kapares niyon.

Maxwell...

"Stop crying, will you?" asik ni Maxrill.

"I'm sorry, I can't help it," paulit-ulit ko mang pahiran 'yon ay patuloy pa rin 'yong tumutulo.

"You're only hurting him."

Natigilan ako at napalingon kay Maxrill. "What?"

Ngumisi siya. "He's hurting when you're crying. He doesn't wanna see you cry so, please stop. Or at least don't let him hear you." Isinenyas niya ang mga pagkain. "Eat your food."

"Paano ako makakakain nito?" umiiyak pa ring tugon ko.

Umawang ang labi niya. "You're not expecting me to feed you, aren't you?"

Sumama ang mukha ko bagaman luhaan. "Hindi, 'no!"

"Then, eat on your own."

"I can't eat."

"Eat, Yaz."

"Hindi ako gutom," umiiyak na namang sabi ko.

"Maxwell, oh," itinuro niya ako sa tonong nagsusumbong, habang nakalingon sa kapatid.

Natitigilan akong napatitig sa kaniya saka ko nilingon si Maxwell. Gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakamulat na ito.

"Maxwell!" patakbo akong lumapit, gano'n kabilis din akong napahagulgol sa pag-iyak. "Bakit hindi mo sinabing gising ka na?" pinigilan ko ang sariling paluin siya. Nakagat ko ang labi, napatitig siya doon saka ngumisi. "Are you okay?"

"Tsh, with a bandage on his head and an injured arm, really?" si Maxrill ang sumagot.

Sininghalan ko siya ng tingin saka awtomatikong naibalik 'yon kay Maxpein nang marinig ko itong tumawa.

Suminghot-singhot ako saka pinunasan ang mga luha ko. Tinulungan ko siyang maupo nang bahagya. Itinaas ko nang kaunti ang kama niya.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" muling tanong ko.

"Lying in a hospital bed, seriously?" muling sarkastikong tugon ni Maxrill.

"Ano ba!" asik ko.

"Dude, aren't the answers too obvious? With just one look, you'll know."

"Can't you just eat, Maxrill?"

"After him," ngiwi niya saka dinampot ang tupperwear at binitbit sa kapatid. "Hyung," gamit ang chopsticks, inilapit niya ang egg roll sa bibig ni Maxwell.

"It's not healthy," umiwas si Maxwell.

"Who cares if it's healthy or not? Dude, you're the doctor but instead of working, you are the patient. Eat." Walang nagawa si Maxwell kung hindi ang kainin 'yon.

Awtomatiko kaming tinalikuran ni Maxrill matapos no'n at sinimulang kumain. Lumapit naman agad ako kay Maxwell. Isinenyas niyang maupo ako sa kabilang gawi, sa kanang braso niya.

Nakanguso akong sumunod. Ngunit napangiti nang hindi niya alisin ang tingin sa 'kin.

"I love you," iyon agad ang sinabi ko, umiiyak at nakanguso. Siguradong ang pangit-pangit ko.

Iniyakap niya ang braso sa akin. "Yeah, I heard you."

Lalo pa akong umiyak nang sa halip na tugunin 'yon ay gano'n ang kaniyang sinabi. Hindi man lang nag-I love you, too! "Wala nang masakit sa 'yo?"

"Meron," ngumuso siya.

Itatanong ko na sana kung ano, nang mahulaan kung ano ang tutukuyin niya. "Hindi," agad na tanggi ko.

"What?" natawa siya.

"Halik ang hihingin mo, alam ko na 'yan."

"Tsh. You wish."

Sumama ang mukha ko. Kunyari pa. "Kumusta ang pakiramdam mo?"

"Masakit ang ulo ko." Saka siya sumulyap sa nakabenda niyang kamay at bumuntong-hininga.

Inantig na naman ako ng konsensya. "I'm so sorry, Maxwell."

"It's not your fault, Yaz."

Natigilan ako. Yaz? Akala ko ba ay narinig niya? Hindi ba't dapat ay... Pinalis ko ang isipin. Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito. Hindi maganda ang pakiramdam niya.

"Gusto mong kumain?" iniba ko ang usapan. Napasulyap ako sa ulo niya. "Masakit?" tanong ko na hinaplos iyon.

"Of course, it's masakit."

Para na naman akong maiiyak. "Gago kasing Rembrandt 'yon." Nagulat siya sa sinabi ko. "Oh, bakit? Gago naman talaga siya!"

"He's gago."

"Yeah, he's gago."

Muli siyang napasulyap sa kamay niya bago nag-angat ng tingin sa 'kin at ngumiti. "Hmm, bakit parang hindi ka pa natutulog?"

"Hindi pa nga."

"Bakit?"

"Nag-aalala ako sa 'yo. Hindi ka gumigising."

Ngumiwi siya. "Really? Gising ako noong humihilik ka."

Nanlaki ang mga mata ko. "Anong humihilik? Never akong humilik."

"Tsh. Narinig nina Randall at Keziah."

"Hindi ako humihilik, Maxwell!"

"Sinisigawan mo 'ko," inosenteng aniya.

"Sorry."

"I'm okay now," aniya na pinisil ang parte ng bewang kong hawak niya. "Pwede na nga akong mag-seminar bukas. Baka nami-miss na 'ko ni Miss Directress."

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap sa 'kin saka marahang inalis 'yon. Nagpigil siya ng tawa nang tumayo ako.

"You're not going to leave me again, hmm?"pabulong na aniya. Inilahad niya ang kamay, pinauupo uli ako. Nakanguso akong sumunod. "So, where were we?"

"Huh?"

"We were talking when your ex did this to me. Where did we stop?"

Umawang ang labi ko. Iyon talaga ang inaalala niya? Lalo pang umawang ang labi ko. Seryoso siya? Napatitig pa ako kay Maxwell. Bakit pa ba ako nagtataka?

"Let's talk about us," dagdag ni Maxwell.

"Dude, I'm eating," asik ni Maxrill.

Hinawakan ko ang kamay ni Maxwell. "Saka na, kapag nakalabas ka na rito, okay?"

"Tsk," nakamot niya ang noo at sandaling napangiwi, may naramdaman marahil na sakit.

"Masakit?" tanong ko. Tumango siya. "Saan? Iki-kiss ko."

"Fuck!" asik ni Maxrill saka tumayo at binitbit ang pagkain sa labas. Sabay kaming natawa ni Maxwell.

"I missed you," muli ay bulong niya.

Nangiti ako. "Me, too." Inilapit ko ang muiha para halikan siya sa pisngi at dampian ng halik sa labi. "I miss everything about you, Maxwell."

"Everything..."

"Everything."

"Hmm."

Nakagat ko ang labi ko. "Ano?"

"Nothing," kaswal na tugon niya.

"Anong hmm?"

"Hmm-hmm-hmm..." nag-hum siya ng kantang hindi ko matukoy saka tumawa. Hindi ko siya nagawang sakyan. Joke na 'yon sa kaniya.

"Do you want me to sing you a song?"nakangiting sabi ko saka dinampot ang gitara ni Maxrill at muling tumabi sa kaniya.

"Okay," aniya na inilagay ang kamay niya sa pagitan ng puson ko at noong gitara.

Sinimulan kong tugtugin ang gitara saka tumingin sa kaniya. "I made this song."

"Hmm, for me?"

"Psh. For me," ngiwi ko saka nagbaba ng tingin sa gitara.

La la la la la la...

Sa 'king mga panalangin

Ikaw ang tinugon

Kaya't hindi kakayanin

Mabaling sa iba

Ang iyong atensyon

Ito lang ang aking ambisyon,

Ako'y sigurado

'Yon ay ang mahalin ka

Nang walang limitasyon

Pag-ibig ko sa 'yo laging nakalaan

'Di baleng ako'y masaktan

Hindi mapapagod

Kahit na kailanman

Laging pakatandaan

Sa iyo ay sasabihin,

Oo...mahal kita.

Nakangiti kong tinapos ang kanta at paggigitara saka lumingon sa kaniya. Huli na para makapagsalita ako nang mahuli niya ang labi ko.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji