CHAPTER 47

CHAPTER 47

"I'M REALLY sorry, Yaz," sambit ni Randall.

Nagmamadali kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko at sinuot ang shades nang makitang papunta na sa gawi namin sina Keziah at Maxwell. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang mga matang nakatuon sa kanila. Naroon ang paghanga, lalo na ng mga kababaihan kay Maxwell.

Gano'n na lang tuloy ang pagtataka ng dalawa nang makitang nakasalamin na ako. Tahimik na rin si Randall. Sa paraan tuloy ng pagtingin sa 'min ni Maxwell ay halatang pareho kaming may malalim na iniisip.

"Eat," ani Maxwell na inilapag ang plate ng pagkain sa harap ko.

"Thank you," parang maiiyak na namang sabi ko.

Naupo siya sa tabi ko. "Are you okay?"

"Of course!" magiliw kong sagot pero traydor ang boses ko.

Hindi man niya nakikita ang mga mata ko ay napatitig siya sa 'kin, tila inaalam sa ngiti ko kung totoo ba ang sinagot ko. Nilingon niya si Randall, nagtatanong. Nang walang makuhang sagot ay saka siya muling sumulyap sa 'kin. Hindi ko inaasahang iaakbay niya ang braso sa silya ko.

"Kulang sleep?" tanong niya, parang hinaplos ang puso ko.

Umiling ako. "Kumain na tayo." Hinarap ko ang pagkain. Nahihirapan man ay sinimulan kong kumain.

Pakiramdam ko ay nag-iba ang panlasa ko. Wala na doon ang atensyon ko. Paulit-ulit kong iniisip ang mga sinabi ni Randall. Tuloy ay hindi ko napigilang balikan ang mga nangyari nang gabing iyon. Mula sa lahat ng naramdaman kong pagtatampo hanggang sa sabihin niyang magde-date kami. Mula sa pagtawag ng restaurant staff hanggang sa makarating ako doon. Mula sa paghihintay ko hanggang sa paulit-ulit kong pagtawag sa kaniya. Mula sa pagdating ni Maxrill hanggang sa sandali namin sa tabing-dagat. Mula sa pag-uwi hanggang sa pag-uusap namin ni Maxwell. Mula sa natural niyang yabang hanggang sa pangunguwestiyon sa sarili niyang kahalagahan. Mula sa kanyang kakayahan hanggang sa sarili niyang kakulangan. Mula sa pagluha ni Maxwell hanggang sa kaniyang paghagulgol nang umalis ako. Lahat 'yon bumalik sa isang iglap sa isip ko.

Sa isang palihim na sulyap ay napatunayan ko ang sinabi ni Randall. May suot ngang gold ring si Maxwell, hindi man ganoon kalinaw sa 'kin ang detalye niyon. Pakiramdam ko ay isinisigaw no'n kung gaano katindi ang nararamdaman sa 'kin ng nagmamay-ari niyon.

Hindi ko naiwasang isipin kung ano ang naramdaman niya nang gabing iyon. Ang katotohanang nagplano siyang mag-propose ngunit hindi nakarating dahil sa emergency na idinahilan niya sa 'kin. Ni hindi ko tinanong kung ano iyon. Naaalala ko pa kung gaano kabigat para sa kaniyang idahilang may emergency. Na para bang siya mismo ay nagsasawa na rin sa paulit-ulit niyang dahilan at nahihiya nang ulit-ulitin 'yon sa 'kin.

Ang katotohanang pumunta siya ngunit nakita ako sa piling ng kapatid niya ang higit na dumurog sa puso ko. Tila ginantihan ako ng isiping 'yon nang maramdaman kong gumuhit ang sakit at lungkot nang subukan kong hulaan ang kaniyang naramdaman. Ang magkakahalo niyang pagod, pagmamadali, excitement, gulat, pagtatanong at pagkawasak ng puso ang nagdulot nang mas matindi pang pagsisisi sa 'kin.

Fuck you, Yaz! Kung mag-isa lang ako sa lugar na 'yon ay talagang namura ko nang mas malakas pa doon ang aking sarili! Wala akong kasingtanga!

Napuno ng pagsisisi ang puso't isip ko. Paulit-ulit akong umiling na para bang hindi ko matanggap na ganoon katindi ang sakit na idinulot ko. Kinukwestyon ko ngayon kung nasaan ang karapatan ko. Lahat ng dahilan ng pagtatampo ko, lahat ng nagawa kong kasalanan, hindi maipapantay sa ibinigay kong sakit sa kaniya. Nagkamali ako nang isiping ako ang higit na nasaktan. Nagkulang siya sa oras ngunit nagkulang ako sa pang-intindi. Naghangad ako nang sobra nang hindi iniisip kung hanggang saan lang ang kaya niya. Naghanap ako ng iba gayong sobra-sobra siya.

Nalunod ako sa sariling damdamin at hinanakit, namalayan ko na lang, lumuluha na naman ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"What's wrong?" nag-aalala at puno ng pagtatakang ani Keziah. "Yaz? You're not okay." 'Ayun na ang normal na bossy niyang tinig.

Umawang ang labi ko at napatingin sa kanilang tatlo na nasa aking na ang paningin. Nagbaba ako ng tingin at hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak nang umiyak.

"You're crazy," asik ni Keziah. Tumayo siya at tumayo sa tabi ko para hagurin nang hagurin ang likuran ko. "Water," utos niya. "Drink," utos niya rin sa 'kin.

Maski ang katotohanang ganoon talaga si Keziah na pinagselosan ko nang sobra-sobra, gusto kong isisi sa 'kin. Habang noon ay iniisip ko ang sarili kong karapatan sa pagseselos, heto at inaalo ako nito ngayon.

Wala akong sinabi sa sarili kung hindi makasarili, mapaghangad, ganid at hindi marunong umintindi. Lahat ng salitang 'yon ay pwedeng ipalit sa pangalan ko.

"What's wrong?" 'ayun na ang tinig ni Maxwell.

Napalingon ako sa kaniya. Pero sa halip na magsalita ay magkakasunod na pumatak ang mga luha ko nang muli akong bumalik sa umpisa. 'Ayun na naman ang mga alaala nang araw na 'yon, mula sa una hanggang sa magpaalam ako.

Punyeta!

"I'm sorry," nagsalita si Randall kasunod ng buntong-hininga. "Nasabi ko sa kaniya," mahinang dagdag niya.

"Alin?" tanong ni Maxwell.

"'Yong tungkol sa engagement ring," napatikhim si Randall, sising-sisi. "I'm sorry, hindi ko alam na wala siyang idea."

Patunay lang iyon na maski sa kaniya ay walang in-explain si Maxwell. Dahil kung alam niya ang lahat, sana ay hindi siya magdedere-deretso ng kwento sa 'kin nang gano'n. Pero wala akong sinisi nang sandaling iyon kundi ang sarili ko. Ako ang paulit-ulit na sumira ng lahat.

"I have to go." Gano'n ang sinabi ko ngunit ni hindi ko maitayo ang sarili ko. Gano'n ang sinabi ko pero hindi ko maiwanan ang lalaking iyon sa tabi ko. Gano'n ang sinabi ko ngunit ni hindi ko maalis sa kaniya ang pagkakatitig ko.

Emosyonal na tumitig sa 'kin si Maxwell. Ako na pinili niyang mahalin ngunit nagsinungaling, nagloko at sumira sa tiwala niya ang pinakamalaking pagkakamali at desisyon sa buhay niya. Ako na halos hindi niya matingnan nang sandaling iyon dahil sa sakit na nararamdaman niya, ngunit sa huli ay sarili ko pa ring karapatan ang inisip ko. Ako na pinahihirapan siyang lumapit sa 'kin ngayon para lang maipaintindi sa kaniya ang lahat ng naramdaman ko noon. Ako na minamahal niya at nagagawa niyang tingnan nang ganoon kaemosyonal ngayon. Naroon ang pagpipigil niyang ipakita sa iba 'yon ngunit hindi siya nagtagumpay. Umiling siya nang umiling saka pinahiran ang luha ko.

"I love you," pabulong niyang sinabi matapos kunin ang mga kamay ko. Ngumiti siya ngunit lalo lang no'ng dinurog ang puso ko nang makita ko sa mga mata niya ang sakit ng pinagdaanan niya.

Nangilid ang mga luha ko saka binawi ang sariling mga kamay sa kaniya. "Mauuna na 'ko," nasabi ko. "Thank you." Iyon lang at tinalikuran ko na sila.

Dumeretso ako sa washroom at doon tinawagan si Katley. Dinala niya ako sa fire exit at doon ako humagulgol sa pagkukwento. Hindi siya nagsalita, nakinig lang siya sa akin hanggang sa pareho na kaming lumuluha.

Nagsimula ang seminar ni Randall, hindi ko alam kung paano siyang pakikinggan. Hanggang doon ay sinalo ako ni Katley nang i-record niya ang lahat ng sinasabi ni Randall. Panay rin ang pagno-notes niya gayong may makukuha naman kaming libro dahil kasama 'yon sa package. Tuloy maging ang isipin na napakaswerte ko sa mga taong nakapaligid sa 'kin, iniyakan ko.

Mukha akong tanga na panay ang singhot. Naaagaw ko tuloy ang atensyon ng lahat ng nakaririnig niyon.

Maghapon ang seminar na 'yon. Nahihinto lang para sa break. Pero wala ni isang segundong dumaan nang wala kay Maxwell ang isip ko. Gustuhin ko mang sa grupo niya um-attend, dahil sa nalaman ko ay hindi ako sigurado kung matatagalan ko. Baka bawal salitang lumabas sa bibig niya, bawat kilos na gawin niya sa harapan ko, iyakan ko. Baka hindi lang pagsinghot ang gawin ko kundi hagulgol na gugulantang sa lahat ng tao.

"Yaz," natigilan ako at nanlamig sa kinauupuan ko nang mangibabaw ang tinig ni Maxwell sa likuran.

Ni hindi ko nagawang lingunin siya. 'Ayun na naman ang nag-uunahan sa pangingilid kong mga luha.

"You okay now?" tanong niya, ang pag-aalala ay hindi mawala sa mukha.

Napatitig agad ako sa mukha niya nang maupo siya sa mga paa sa mismong harapan ko. Iniyakap niya ang parehong braso sa kabuuan ng hita hanggang sa likuran ko. Hindi ko alam kung paano akong nagkasya doon.

"Ano bang ginagawa mo?" nakangusong sabi ko. Hindi ko napigilang sulyapan ang mga matang nakapukol sa 'min. Pero ang paningin niya ay hindi mawala sa 'kin.

"Are you okay now?" mas mariin nang tanong niya.

Sandali pa akong napatitig saka umiling. "No."

"I'll take you home."

"No," pagmamatigas ko.

Lumaylay ang mga balikat niya. "Yaz."

"Bumalik ka na sa group mo."

"It's break time," kunot-noong aniya.

"Kumain ka."

"Join me, then. Let's talk."

"No."

"Please."

"No," kunot-noong sabi ko bagaman mas kilay ko ay natatakpan ng malaki kong shades.

Bumuntong-hininga siya. "Let's talk later, then."

Hindi ako nakasagot. Wala si Rembrandt kaya hindi ko maidadahilan 'to. Pero hindi pa ako handang kausapin siya. Natatakot ako na baka masira ko na naman ang lahat. Natatakot na akong masaktan siya ulit.

"Maxwell..."

"Hmm? I'm listening."

Nakakaiyak. Isa 'yon sa pinakaminahal ko sa kaniya. Nang sabihin niyang sa akin ang lahat sa kaniya, na sa akin lang ang lahat-lahat sa kaniya, totoo 'yon. Dahil maski pandinig niya ay buo niyang ibinibigay. Pero ang hindi niya maibigay ang pilit kong nakikita.

Muli na namang tumulo ang mga luha ko na awtomatiko niyang pinunasan. Dali-dali siyang bumunot ng panyo sa bulsa at gusto kong maiyak nang maamoy doon ang pamilyar na pabango niya.

"Tell me," bulong niya.

"Please give me a break," nakikiusap na sabi ko.

Nakita ko nang matigilan siya at manlumo. Ang kaninang deretso niyang tindig ay sumadlak nang bahagya. Napatitig siya sa 'kin nang may nagtatanong na tingin. Ngunit sa huli ay humugot siya ng hininga at tumango. Marahan siyang lumayo hanggang sa tuluyang tumayo.

Sandali pa siyang tumitig sa 'kin saka tuluyang umalis.

Napalingon ako sa gawi niya at gano'n na lang uli ang pagluha ko nang makita ang paborito kong tanawin niya. Hindi nagbabago 'yon, paborito ko ang likod ni Maxwell. Pero natatakot akong iyon na lang ang paulit-ulit kong makita ngayon.

Gusto ko siyang takbuhin. Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gusto kong sabihin sa kaniyang mahal ko pa rin siya. Gusto kong humingi ng tawad. Gusto kong hilingin na balikan niya ulit ako. Gusto kong pakinggan ang mga paliwanag niya. Gusto kong ibalik na lang ang lahat sa umpisa kung saan pwede kong iwasan na masaktan siya.

"Yaz," lumapit si Randall sa 'kin.

"Ano!" asik ko ko, tuloy ay gano'n na lang ang gulat niya. "Bwisit ka!"

Nakanguso siyang naupo sa harap ko, gano'n na lang kasama ang tingin ko sa kaniya. Pinigilan niyang matawa kaya pinaghahampas ko na naman siya.

"Kahit panay ang iyak ko dito, naririnig kong puro sex ang example mo, animal ka!" asik ko saka pinagpapalo siya.

"So, you were listening, huh?" nakakaloko siyang tumawa.

"Puro ka sex! Giatay!" talagang hindi na magbabago ako pamamalo ko kung kani-kanino. Gano'n kabigat ang kamay ko. 'Yon parati ang reklamo sa 'kin ng kapatid ko.

"I'm really sorry, Yaz."

"Whatever, Randall."

"Really, I'm sorry."

Sinamaan ko siya ng tingin nang baliktarin lang ang sinabi. "Oo, mag-uusap kami, 'wag mo kong madaliin,"angil ko saka pinunasan nang pinunasan ang mga luha ko.

"Stop crying, hmm?"

"Iiyak ako kapag gusto ko!" pinalo ko na naman siya.

Tumawa nang tumawa si Randall. "Mag-usap kayo,"bigla ay seryoso nang sabi niya. Hindi ko matanggap na nakakaya niyang sumeryoso, pulos kalokohan ang nakikita ko sa kaniya. "Stop hurting my best friend."

Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala. Kaya pinagpapalo ko na naman siya. Muli akong naiyak nang mapagod. Dahil sa halip na masaktan ay pinagtawanan lang ako ni Randall. Napipikon na ako sa kaniya ngunit hindi ko makuhang magalit.

"'Uy po, doc! Paghilom po!" nag-react si Katley, nakanguso. "Pati baya si Yaz, nasaktan, doc. She needs space as well, doc."

Naguguluhan itong tiningnan ni Randall saka bumuntong-hininga. "Will you stop mixing Tagalog and alien words, really, I cannot fully understand you."

"'Day, i-translate man, bi," nakikiusap na baling sa 'kin ni Katley. Nabaliw ako dahil lumuluha ang mga mata ko pero natawa ang bibig ko.

"Pastilan!" asik ko saka yumuko sa mga palad ko.

Naiingayan ako at natutuliro. Sa sobrang dami ng iniisip ko at naghahalong laman ng dibdib ko, gusto ko ng katamihan.

"You're not going to eat?" bigla ay nangibabaw na naman ang tinig ni Maxwell!

Awtomatiko akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Anong ginagawa mo na naman dito?"

Lumaylay ang mga balikat niya. "Please eat." Inilahad niya ang isang sandwich sa 'kin, sa kaparehong sandwich na meron si Randall. Nabatid kong para sa kanila 'yon.

"Ikaw ang kumain, ang payat mo," asik ko.

"I can't eat without you."

Umangat ang kilay ko. "Sa ilang buwan na hindi tayo nagkita, nakakabangon ka pa rin, Del Valle, kumain ka!"asik ko.

Ngumuso siya saka sinapa si Randall. "Excuse me."

"The fuck," pabulong na singhal ni Randall.

Naupo si Maxwell sa harap ko. "Let's eat together, then."

"Ayoko."

"Gusto ko."

"Hindi ako gutom."

"Kumain ka pa rin."

"Hindi nga ako nagugutom."

"Hindi magandang malipasan ng gutom."

"Maganda ka sa lahat ng oras, hungry or not. So please, eat."

"Puro ka pa-cute, alam mo 'yon?" mataray kong sinabi.

Umangat ang gilid ng labi niya. "Now you think I'm cute, huh?"

Naisip kong magyayabang siya dahil naisip niyang naku-cute-an na ako sa kaniya. Na iniisip niyang hindi na ako galit dahil cute na ulit siya sa paningin ko.

Ngunit bigla siyang sumeryoso. "I was handsome to you back then. What happened, Yaz?" bigla ay dagdag niya.

Lumaylay ang mga balikat ko. Nakulangan siya sa cute at handsome ang hangad. Grrr! Nauubos ang pasensya ko sa mga lalaking ito! Naihilamos ko ang mukha sa palad. "Lumayas ka sa harapan ko," nakikiusap kong sabi.

"But, Yaz..."

"Please, Maxwell," seryoso nang pakiusap ko.

"I'll pick you up lat"

"Fine!" asik ko.

Nasilip ko ang pigil na ngiti sa kaniyang labi. Kunot-noo akong nagbaba ng tingin ay umismid.

Asshole!

"Okay, okay, everyone, let's get back to work!"palakpak ni Randall sa lahat ng naroon na awtomatikong tinapos ang pagkain.

Hindi na tulad kanina ang pakiramdam ko. Mas gumaan na 'yon ngayon bagaman hindi lubusan. Gusto ko ring makausap si Maxwell pero dahil sa kakulitan nila ni Randall, dumagdag pa si Katley, ay talagang naririndi ako. Gusto ko ring makapag-isip, hindi para kahit kanino, maliban sa sarili ko.

Hindi talaga mawala ang mga kalokohan ni Randall habang nagse-seminar. Siya iyong nakakaantig ng interes kung magturo sa unahan pero maiinis ka na lang bigla sa mga kalokohan!

Naroon na sa labas ng seminar hall si Maxwell nang makalabas kami. Naghihintay at awtomatikong ngumiti nang masilayan ako. Gayong hindi lang naman ako ang nakatingin sa kaniya. Kundi lahat ng lumalabas. Well, maliban sa ilan na naroon kay Randall ang paningin. Na noon naman ay animong alkaldeng kaliwa't kanan ang pakikipagkamay sa mga babae. Na animong hindi kalokohan ang mga examples nito kanina!

"What were your examples, D?" kapagkuwa'y tanong ni Randall, may nagmamalaking tingin.

"Examples, about what?" kaswal na tugon ni Maxwell. Ang kigwa, dumeretso sa tabi ko at prenteng iniyakap ang braso sa bewang ko.

"Ano ba?" pag-iwas ko.

At nakuha niya pang magulat! "Why?"

"Anong why?" asik ko. "Don't touch me."

Umawang ang labi niya. "Sorry, it just happened naturally."

Tinaasan ko siya ng kilay. Bumungisngis si Katley dahilan para wala na akong masabi. Inis akong gumilid, bahagyang lumayo sa kaniya. Para hindi niya na ako mahawakan.

"Let's eat outside," anyaya ni Maxwell. "Where's Keziah?"

"Give her time," nakangiwing tango ni Randall. "You know women," aniya sabay sulyap sa 'kin. "Just like the prettiest babe on earth."

Gusto ko na namang mainis sa paraan ng pag-uusap nila. Sa ganoong paraan kasi nila sinasabi na mabagal kumilos ang mga babae.

"Doc Maxwell," bigla ay lumapit sa 'min ang hospital directress.

"Miss Federin," ngiti naman ni Maxwell sa mas matanda lang ng ilang taon sa aking directress. She's undeniably beautiful with class.

Nagkamay ang dalawa. "Again, I'm impressed. You always make this topic interesting. Congratulations."

Tumaas ang kilay ko. Ano ba ang topic at si Maxwell lang ang pinanood niya? Ano ang meron kay Maxwell at ito lang ang pinasalamatan at pinuri niya? Bumuntong-hininga ako.

"Thank you, Miss Federin," ani Maxwell na biglang tumabi sa 'kin. "Actually, tinuruan ako ng friends ko na maging effective sa pagtuturo." Nilingon niya ang best friend.

Umawang ang labi ko nang iakbay niyang bigla ang kamay sa 'kin! Naiinis ko siyang nilingon. Mahinahon akong kumilos sa paraang maaalis ang braso niya sa balikat ko.

Pero ang paningin ni Miss Federin ay sandali nang napako. Naglipat ang tingin nito sa amin ni Maxwell, sa paraang nagtatanong kung magkakilala kami.

"She's my girlfriend," ngiti ni Maxwell.

Awtomatiko akong nag-angat ng tingin. "Anong girlfriend?" pabulong na asik ko.

Inosente siyang nagbaba ng tingin sa 'kin. Ang kamay niyang nasa balikat ko ay swabeng inabot ang pisngi at labi ko. "I believe I'm yours," pabulong niya ring tugon saka hinalikan ang sentido ko. Saka muling ngumiti sa directress. "I appreciate your kind words, Miss Federin. Thank you."

Matunog ang buntong-hininga ng directress bagaman nakangiti. Hinarap niya si Randall. "Congratulations, Doc Randall." Nakipagkamay siya rito.

Mukhang tama si Randall, may gusto ang directress na iyon kay Maxwell. Gano'n na lang ang pag-irap nito bago kami tinalikuran.

Awtomatiko kong inalis ang braso ni Maxwell sa likuran ko. "Let's go, Katley."

"Hey," si Maxwell. Inis ko siyang nilingon. "I said, we are going to eat outside."

"May sasakyan ako," mataray kong tugon.

"Drive me, then."

Umawang ang labi ko. "Mag-drive ka mag-isa mo."

"Let him walk!" pasigaw na ani Randall.

Palihim akong natawa saka muling lumingon sa kanila. "Sure. See you, Doc Maxwell!" sinabi ko ang titulo at pangalan niyang gumagaya sa tono ng directress.

"Happy ka?" sarkastikong ani Katley nang makasakay kami sa elevator.

Sumama ang mukha ko. "Kailangan ko munang kausapin si Rembrandt."

"Oh, 'di ba? Ang saya-saya," mas naging sarkastiko siya. "Kung hindi mo na lang sana siya pinayagang ligawan ka, wala na sanang isa pang nasaktan."

"So, you're going blame me now?"

"Oo, para naman ma-realize mo katangahan mo, 'day."

"I hate you, Kate."

"I know you don't," ngisi niya.

"Sumama ka sa 'min," anyaya ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Sure mo?"

Nakangiti ako siyang inakbayan. "Oo naman, 'sus! Ikaw pa! Kailangan mo kuarta?"

"Amaw!" lumayo siya sa 'kin.

"Seryoso ba!"

"Kasasahod ko lang! 'Wag mo 'kong maliitin ba!"

Nagtawanan kami. "Buang! Iniisip ko lang baka may kailangan ka! 'Wag mo masamain!"

Ngumiti siya saka yumakap sa 'kin. "Thank you kaayo, Yaz. Sabihan kita kung kailangan ko, hahaha!"

"Anytime!" nakangiti kong sinabi.

Kung paanong sumibol ang saya ko ay hindi ko alam. Basta ko na lang iyong naramdaman. Bagaman naroon pa rin ang lungkot ay pinili ko nang sandaling iyon ang maging masaya. At habang ganoon ang nararamdaman ko ay pilit kong iwinaglit sa aking isip ang ibang alalahanin.

"May dala kayong sasakyan?" hindi makapaniwalang tanong ni Katley. Nakanganga niyang tiningnan ang dalawang mamahaling sasakyan na naroon sa parking lot ng ospital.

"Yeah," kaswal na sagot ni Keziah. "Got problem with that?"

"That's my car," itinuro ni Randall iyong pula, mukhang bago pa. "That's her car," itinuro niya iyong puti saka sumulyap kay Keziah.

Natawa ako nang makita kung paanong mamangha si Katley.

Nilingon ni Katley si Maxwell. "Wala mo car, doc?"tanong niya.

"He doesn't want to drive," nakangiwing ani Keziah. "He's too sad to drive."

'Ayun na naman iyong nakakalokong pagtawa ni Randall.

"Who wants to drive my car?" ani Keziah, itinaas ang susi niya.

Ibinato ni Randall ang sariling susi kay Maxwell. "I'll go with Kez," kindat niya. Nakagat ko ang sarili kong labi. "Come and join us, newest babe on earth," aniya kay Katley na ipinagbukas pa niya ng pinto.

Nakatingin na si Maxwell sa 'kin nang lingunin ko. Sumama ang mukha ko nang umangat ang gilid ng kaniyang labi.

"Drive on your own," sabi ko sabay talikod sa kaniya.

"Please," aniyang nabol ako at yinakap mula sa likuran.

Sinubukan kong kumalas. Ngunit gano'n na lang ang panghihina ko nang ilagay niya ang mukha sa pagitan ng leeg ko at balikat.

"I missed you much," gano'n kadiin niyang sinabi 'yon.

Sumimangot ako at aalma na sana nang maisip na kailangan ko siyang makausap. Kailangan naming mag-usap. Gusto ko siyang makausap.

"Fine," mataray kong sabi. Naramdaman ko ang ngiti niya. "Now let go of me."

Marahan niya akong binitiwan saka inilahad ang kamay sa 'kin. Siniringan ko siya saka ako nanguna sa sasakyan ni Randall. Hinintay ko siyang pagbuksan ako ng pinto saka ako sumakay. Mataray ko siyang pinanood na lumigid sa sasakyan papunta sa driver's seat. Noon ko lang din napagtanto kung gaano karami ang nakakita sa amin at nakasunod ang tingin sa kaniya.

Natakpan ko ang mukha sa kahihiyan bagaman alam kong hindi na ako nakikita ng mga iyon ngayon. Pero nang makita ang paghanga sa mata ng mga babae ay napaismid ako.

Dinala ko sila sa isa sa pinakasikat na restaurant sa buong Cebu. Naroon iyon sa Lapu-lapu City, ang Skydeck. Isa rin kasi iyon sa maraming restaurants na alam kong nag-o-offer ng iba't ibang cuisine. Maaarte ang tatlong magkakaibigan kaya ayaw kong mapahiya.

"Dinner with a view," mangha ni Randall. Nakahinga ako nang maluwang nang makitang nagustuhan nila ang lugar.

Palibhasa'y kilala rin ang pamilya ko sa restaurant na 'yon ay nginitian ako ng manager. Matapos bumati ay iginiya kami nito papunta sa pinakamagandang spot. Kahit saan kami lumingon doon ay matatanaw namin ang parteng iyon ng Cebu.

"I love this place," may paghangang ani Maxwell.

Tatarayan ko na sana siya nang mamangha ako nang tanawin niya ang bawat maabot ng kaniyang mga mata nang may paghanga. Talagang iyon ang kahinaan ng sinong myembro ng kanilang pamilya, tanawin.

"You like it, huh?" itinago ko ang ngiti nang lingunin niya ako.

Inosente siyang tumango. "Yeah, it makes me want to buy this place."

Lumaylay ang mga balikat ko. Wala siyang intensyong magyabang, hindi ko dapat iniisip 'yon. Hindi 'yon gano'n. Inisip ko na lang na nagustuhan niya lang talaga ang lugar. Mas matinding pagkakagusto kaysa normal.

"A bottle of wine please," sensyas ni Randall sa staff na lumapit sa 'min. "The most expensive one, thank you."Napapabuntong-hininga ko na lang itong inilingan.

Sabay-sabay na tumayo ang magkakaibigan saka inabuso ang pagtitig sa kabuuan ng lugar. Syempre pa, marami na naman silang atensyong naaagaw, na hindi na yata mawawala.

"Naluoy ko sa akong self," bulong ni Katley.

Ngumiwi ako. "This is the kind of life they have, Katley."

Kung ang iba roon ay panay ang picture sa lugar. Ang tatlo ay pare-parehong nakapamulsa habang pinanonood ang sunset.

"Hanapan mo nga 'kong boyfriend, bi! Mala-Maxwell, ah?"

Natawa ako. "Crush mo si Maxwell, 'no?"

Ipinakita niya ang daliri. "Gamay lang."

Natawa ako. "Nakakaloka ka, Katley."

"Ang gwapo naman kasi niya, 'day," tinanaw niya si Maxwell. "Ay, mahabagin!" 'ayun na naman 'yong kung ano-ano niyang guhit sa dibdib. "Mahirap paniwalang totoo siya, 'no? Murag sculture!"

"Tse! Ang payat-payat nga!"

"Ikaw ba naman ma-brokenhearted, hahay!" Saka siya bumaling sa 'kin. "Nakapag-usap na ba kayo?"

"Hindi pa, as if naman may time."

"Itanong mo kung sa kaniya galing 'yong flowers, ah?"

"'Buti pinaalala mo," sumama ang tingin ko kay Maxwell pero nilingon niya ako at ngumiti. Siniringan ko lang siya.

"Strong!" pang-aasar ni Katley.

Naglakad papalapit si Maxwell sa 'kin. Awtomatikong tumayo si Katley. "Hi, Maxwell," animong kinikilig nitong bati saka pumunta sa kung saan.

"I'm so hungry," naupo si Maxwell sa armrest nang mahabang couch saka iniakbay ang kamay sa likod ko.

"Bakit kasi hindi ka kumain?" inis kong tanong.

"Tsk."

"What?"

"Because I wanted us to talk." Tumitig siya sa 'kin. "Can we talk now?"

"You're not yet eating," pang-aasar ko, itinago ang ngisi palibhasa'y mas mababa ang inuupuan ko.

Dinig ko siyang bumuntong-hininga. "You want to see my ring?" tanong niya, hindi ko inaasahan.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at gano'n na lang siya kaseryoso. Tumayo siya saka naupo sa tabi ko. Ang kigwa iniyakap ang braso sa akin at sa ganoong paraan ipinakita ang kamay niya. Huli na para magalit at magtaray ako. Napukaw na ng singsing ang atensyon ko.

Hindi ko malaman kung anong mararamdaman. "It's beautiful," ngunit iyon ang nasabi ko nang lingunin siya at magtama ang paningin namin.

"Just like you," malumanay na aniya.

Nag-iwas ako ng tingin, gano'n na lang kalapit ang mukha niya. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin?" 'ayun na naman ang pagtatampo sa dibdib ko.

"I'm sorry."

Nilingon ko muli siya. "Forgiven," sinsero kong sinabi. "But why didn't you tell me?" mahinahon kong tanong. "I want you to still tell me why, Maxwell."

Hindi ako makapaniwala. Dahil sa inis na nararamdaman, at sa pag-uugali na meron ako, inaasahan kong pasigaw kong itatanong 'yon. Nang magplano ako sa isip na kausapin siya ay walang mahinahon sa mga tanong ko. Lahat 'yon ay nabuo sa isip ko nang pasigaw. Pero 'ayun ako ngayon at maayos siyang kinakausap. Na para bang handa ko nang tanggapin ano man ang dahilan niya. Na para bang ganoon na kalawak ang pang-intindi ko para pakinggan ang mga 'yon.

"Because I was hurt," malungkot na aniya. Pakiramdam ko ay naramdaman ko ang sakit na naramdaman niya nang isagot 'yon.

Wala sa sarili kong nahawakan ang kamay niya. "I'm so sorry." Ipinatong niya ang mukha sa balikat ko. "I'm really sorry, Maxwell."

"I'm sorry too if it took me forever to forgive you. I was also waiting for you to come back."

Ngumuso ako. "Ikaw ang lalaki. Ikaw dapat ang sumunod sa akin," nakangiwi kong sinabi.

Natigilan siya na para bang hindi niya alam na ganoon ang dapat gawin. Hindi ko malaman kung maiinis o matatawa nang bumuntong-hininga siya.

"I'm sorry," aniya na parang napahiya.

"Ang tagal kong naghintay."

"Ako rin." Kumibot-kibot ang labi niya. "But my people are telling me what you're up to."

Doon sumama ang mukha ko. "Your people, huh?"

"Well, yeah, our people. You know, the ones who work for Moon family?" inosenteng aniya na para bang hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"So, alam mo kung saan ako nagtatrabaho?"

"I know everything."

"Yes...or no?"

"Yes."

Bumuntong-hininga ako. "Ikaw 'yong nagpadala no'ng flowers?"

"My title's printed on it."

"Yes...or no?" nagsisimula na akong magtaray.

"Yes," aniyang mas inilalapit ang mukha sa 'kin.

"Distansya, bay," banta ko. Bahagya siyang umatras. "How the about the seminar?"

"Nope."

"Anong nope?"

"Well, your hospital invited me and Randall. We needed another one so we invited Keziah."

Sumama na talaga ang mukha ko nang lingunin siya. "Plinano mo lahat, amaw ka."

"Paano ako lalapit kung hindi?"

"Honestly, feeling ko dumarating ka lang kapag may kakompetensya ka na," nakanguso kong sabi, talagang naghihinanakit.

"Really?" hindi makapaniwalang aniya. "This seminar was planned months ago, Yaz. It was you who decided to accept Rembrandt back. Bakit ako na naman 'yong may kasalanan?"

Napanguso ako. "Kasi gano'n ang pakiramdam ko."

Bumuntong-hininga siya. "Okay, I'm sorry."

Gusto kong magulat sa pang-intindi niya. Pero hindi ko maiwasang mangiti dahil makikitang gano'n katindi niyang pinalalawak 'yon. Gusto ko siyang asarin kaso baka mausog at mag-away kami lalo.

"Guys! Food is served!" ani Randall.

Sabay namin siyang nilingon saka ako inalalayan ni Maxwell na tumayo. "We'll still talk about us, right?"umaasang tanong niya. "I can wait."

Nangiti ako. "Okay."

"Thank you," matamis siyang ngumiti.

"You're not going to stay here for long, 'di ba?"

"Yeah. I'm planning to take you home with me, though."

"Ano?" nagugulat at natatawa kong sagot.

"Well, I hope you'll come with me."

"Psh."

"You're not going to meet your ex, right?"

"I still need to talk to him."

"I'll come with you," aniyang ipinuwesto na naman ang braso sa bewang ko. Sumama ang tingin ko. "I'm sorry, it moves automatically."

Nginiwian ko siya. "Move," angil ko.

"Closer?" aniyang isiniksik ang sarili sa 'kin.

"Away," asik ko dahilan para pakawalan niya ako at matawa.

"Fucking traitors!" umalingawngaw ang tinig na 'yon at bago pa ko makalingon ay tumimbawang na sa isang malakas hampas si Maxwell!

Nang sulyapan ko siya ay gano'n na lang karaming dugo ang tumutulo mula sa bumbunan niya!

Hindi pa man nakakakilos si Maxwell ay muling sumugod si Rembrandt! Nang isangga niya ang kamay ay iyon ang pinuntirya ni Rembrandt dahilan para 'yon ang mahampas nito ng bakal na high chair!

"Maxwell!" pagsigaw ko kasabay rin ng pagsigaw niya!

Susugod na 'ko nang agawin ni Randall ang braso ko at itulak ako palapit kay Keziah.

Akma nang hahampasin muli ni Rembrandt si Maxwell nang saluhin ni Randall ang high chair. Sa isang dakma ay isinandal ito ni Randall patalikod sa pader at hindi na pinakawalan.

Kinalas ko ang pagkakayakap sa 'kin ni Keziah. Saka ako tumakbo kay Maxwell. Na noon ay nagpapaikot-ikot na sahig yakap-yakap ang kaliwang kamay niya at sumisigaw sa sakit.

To be continued. . . 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji