CHAPTER 46
CHAPTER 46
"BAKIT MO naman ginanon si Maxwell?" angil ni Katley nang mabakante kami nang hapon.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong gusto mong gawin ko?"
"'Sus, Yaz, alam ko 'yan."
"What?"
"Nagpapahabol ka lang."
Umawang ang labi ko. "Hindi, 'no," sumimangot ako. "Besides, kung maghahabol siya, sana noon pa. Hindi 'yong naghintay pa siya ng seminar bago ako mapuntahan."
'Ayun na naman 'yong sama ng loob ko. Hindi na nga yata talaga mawawala 'yon.
"Saka hindi magandang i-entertain ko siya habang nagpapaligaw ako kay Rembrandt,"pabuntong-hininga kong dagdag.
"Bakit hindi mo sabihin sa kaniya 'yan?" ngiwi niya.
Natigilan ako. Bakit nga ba hindi ko 'yon sinabi? Nag-iwas ako ng tingin. "Naiinis pa 'ko sa kaniya. Nahihirapan akong mag-isip nang tama kapag kaharap ko siya."
"'Sus, friends naman ta, kaya sabihin mo na sa 'kin ang totoo."
"'Yon ang totoo."
"Hindi ka nagpapahabol?"
"Hindi nga. 'Tsaka hindi ba't sinabi ko na sa 'yong hindi naghahabol ang isang Del Valle? Kapatid niya mismo ang nagsabi no'n. Psh! Hindi pala, ah?" umirap ako.
"So, wala na talaga siyang pag-asa, Yaz?"seryosong tanong niya.
Natigilan ako at napalingon sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa tanong niya. Hindi ko nagawang sumagot. Ilang beses akong lumunok pero hindi naklaro ang lalamunan ko. Nanatili iyong nakabara doon.
Bakit ba sa t'wing ganoon na ang tanong, hindi ako makasagot?
May pag-asa pa nga ba siya? Pinakiramdaman ko ang sarili. Kakatwang ako mismo ay itinatanggi ang sarili kong sagot.
"So, si Rembrandt na talaga?" dagdag ni Katley.
May kung anong umalon sa dibdib ko. Bakit hindi ko lubos na matanggap ang tanong niya? Pakiramdam ko ay hindi dapat itinatanong 'yon sa 'kin. Wala pa man akong naiisip o naisasagot ay tumatanggi na ang puso at isip ko.
"'Uy!" niyugyog ako ni Katley. "Hindi ka na nakasagot?" ngiwi niya. Sumimangot ako. "Hindi pa kasi amining nagpapahabol," bubulong-bulong niyang sabi.
"Hindi naman talaga ako nagpapahabol, Katley,"pamaktol kong sinabi. "Hindi lang talaga tama na i-entertain ko siya."
"Ang i-entertain si Rembrandt ay tama, gano'n ba?"
"Hindi ko sinabing gano'n. It's just that...nakipag-usap nang maayos sa 'kin si Rembrantd."
"Nakikipag-usap din naman nang ayos sa 'yo si Maxwell, ah?"
"Alam mo, biased ka!" bigla ay asik ko. "Kaya mo nadedepensahan si Maxwell kasi fangirl ka niya. Kasi boto ka sa kaniya."
"Oo, totoo ka," awtomatikong sagot niya na animong idolo niyang artista ang pinag-uusapan namin. "Pero sa totoo lang, maayos namang nakikipag-usap si Maxwell sa 'yo. Ikaw lang 'tong parang tigre na galit agad."
"Kasi busy tayo sa trabaho," nguso ko.
"'Day, kay Maxwell mo na lang idahilan 'yan dahil hindi uubra 'yan sa akin," ngiwi niya. "No'ng mismong oras na sinabi mong busy ka, katatapos lang natin ng kailangang gawin. May fifteen minutes break din tayo. Oh, ano, sige?" hamon niya.
Sa halip na sagutin siya ay sumimangot ako at pasiring na inalis sa kaniya ang tingin.
"Nagdahilan kang busy kung kelan nakita niyang katatapos mo lang mag-chart?" dagdag niya. "Alam mo, mag-decide ka. Kung ano man ang maging desisyon mo, kausapin mo 'yong isa para bitiwan ka na rin niya. Gets mo 'ko, 'day?"
Bakit gano'n kahirap na tanggapin ang suhestyon niya? Hindi niya man sinabing 'yon ang tama o kailangan kong gawin pero pakiramdam ko ay ang hirap na. Nasa akin pa rin ang desisyon pero bakit parang ramdam ko 'yong pressure?
"Fuck, I'm confused, Kate," naiyuko ko ang ulo sa mga braso.
"Halata naman," batid kong nakangiwi siya nang sabihin 'yon. "But don't tell me...may feelings ka na ulit kay Rembrandt?"
Napaangat ako ng tingin sa kaniya at napatitig. Pinakiramdaman ko ang sarili at kaya ko iyong sagutin agad. "Wala," malungkot kong tugon.
"So, si Maxwell pa rin ang mahal mo?"
Magkakasunod na tango ang una kong naisagot. "Siya pa rin hanggang ngayon." Bumuntong-hininga ako.
"Alam mo naman pala ang sagot, e, anong ginagawa mo? Bakit kailangan mo pang i-keep si Rembrandt sa tabi mo kung si Maxwell naman pala ang mahal mo? Tapos sasabihin mong hindi ka nagpapahabol?"
Ngumuso ako sa kawalan ng maisasagot. Gustong-gusto ko talaga ang paraan ng pakikinig at pag-a-advice ni Katley. Hindi ko maramdamang hinuhusgahan niya ako. Bukod doon ay nasasabi niya kung ano talaga ang nararamdaman ko. Nakukuha ko ang sagot na gusto pero kasunod no'n ay ang katotohanan at reyalidad na hindi lahat ay pabor sa 'kin. Nasasabi niya ang tama nang hindi ako minamasama. Kaya kahit na alipustahin niya ko sa salita ay tinatanggap ko.
"You have to make up your mind, my friend,"malumanay na ani Katley. "Naiintindihan ko naman na hindi ka pa 100% ready, syempre nakaka-trauma kaya 'yong nangyari. Ang dami mo ring pinagdaanan."
"Oo nga," nakanguso akong nagkutkot ng kuko.
"Kaya nga piliin mo 'yong talagang mahal mo. 'Yong matatanggap mo ang imperfections kasi mahal mo. 'Yong masasabi mo ang thoughts mo kasi ayaw mong magtanim ng sama ng loob. You can't keep them both, Yaz. If it's Rembrandt then choose Rembrandt. If it's Maxwell, please choose him? Hmm?" aniyang inilagay ang magkalapat na mga kamay sa ilalim ng mukha na parang sa akin nagdarasal.
"Buang!" angil ko. "Halatang may pinapanigan ka."
"Kunyari ka pa, halata namang gusto mo rin,"ngiwi niya. Umirap lang ako. "Kapag nakapili ka na, wala nang urungan 'yon. Kailangan mong i-give up 'yong isa at kausapin siya nang maayos. Sabihin mo kung bakit hindi mo siya pinipili. Ipaintindi mo 'yong nararamdaman mo. Sinoman kasi sa kanila ay deserve sa explanation."
Hindi ko nagawang sumagot. Habang pinakikinggan siya ay para bang nag-uusap din ang puso't isip ko. Abala rin ang mga ito sa pagpili.
Pero kailangan ko pa ba talagang mamili? Gayong wala naman akong dapat na pagpilian. Si Maxwell pa rin ang mahal ko. Nasaktan ako at nagtampo, naghihinanakit at totoong gusto kong maranasan niya ang lahat ng ipinadanas niya sa 'kin. Hindi para maghiganti kundi para maintindihan niya ang pinagdaanan ko. Wala akong ibang paraan para maipaliwanag sa kaniya 'yon. Dahil kung gagamitin ko lang ang salita, posibleng mabalewala o malimutan niya 'yon. Iba pa rin ang pang-intindi kapag naranasan mo mismo ang isang sitwasyon.
Kung pagiging makasarili man ang kagustuhang maintindihan, tatanggapin ko. Tutal naman matagal ko nang tanggap na makasarili ako. Pinalaki akong spoiled ng parents ko, nakukuha ko ang lahat ng gusto ko ora mismo.
"Morning sex is the best!" umalingawngaw ang tinig na 'yon ni Randall sa 'kin nang madatnan namin silang magkakaibigan sa pantry. Ang kausap niya ay grupo ng mga nurse na mukhang taga-ER.
Napasulyap ako kay Maxwell pero nakasalampak lang siya sa silya at nilalaro ang pagkain. Nasisiguro kong hindi siya nag-e-enjoy sa kinakain. Nagbaba tuloy ako ng tingin sa in-order kong pagkain para sa 'min ni Katley. Napapanguso akong umirap nang maisip na hatian siya.
"You know, morning sex just hits different!"may diin, nakangisi pang dagdag ng animal na Randall. "It's fun and spontaneous," humalakhak pa siya sa huli.
Napakababaero talaga! Kung tutuusin ay normal na usapan 'yon sa mga nagtatrabaho sa field namin. I mean, walang malisya 'yon. Iyon ay kung babae sa babae at lalaki sa lalaki ang nag-uusap! O kung lalaki at babae man ang mag-usap, paniguradong dahil 'yon sa kagustuhang matuto.
Sa nakikita kong ginagawa ni Randall ngayon, sa paraan ng pagngisi niya, at sa hulog na hulog na pagkakatitig ng mga nakikinig na female nurses and residents, nasisiguro kong puro kalokohan lang ito.
Sinubukan akong itulak ni Katley pero pinigilan ko siya. Gusto ko pang pakinggan ang kalokohan ng kaibigan kong ito. Nasisiguro kong isusumbong ko ito kay Dein Leigh oras na magkaroon ako ng chance. Palibhasa'y wala roon si Keziah, nakukuha nitong magloko.
"Orgasm releases dopamine, it'll make you more productive and helps you to make better decisions. So, I'll say yes to morning sex!"kapagkuwa'y ani Randall!
"What the heck, Randall?" doon ko na hindi napigilan ang sarili ko.
Nakita ko nang sabay silang magulat at mag-angat ng tingin sa 'kin ni Maxwell. Awtomatikong umayos ng upo si Maxwell at saka inayos ang white coat niya. Habang si Randall ay 'ayun tila libang na libang na namang makita ako.
"Good afternoon, prettiest babe on earth. You came to see me, yeah?" ani Randall. "Come in,"sensyas niya.
Masama ang tingin ko sa kaniya habang naglalakad papasok. Habang siya ay nakaawang ang labi sa pagkakangisi, animong gandang-ganda pa sa 'kin! Gusto ko siyang batuhin at hampasin. Puro kalokohan!
Gustuhin ko man ay hindi ko masamaan ng tingin ang mga kausap niya. Malamang, seniors ko ang karamihan sa mga 'yon at hindi kami magkakakilala.
"Come sit beside me," anyaya ni Randall na hinila ang silya sa pagitan nila ni Maxwell.
"May kasama ako," angil ko.
"Let her sit...beside him," turo ni Randall kay Maxwell. Na agad namang gumapang ang masamang tingin papunta sa kaniya. Pero nginisihan niya lang ito na para bang wala itong magagawa.
Nagkatinginan kami ni Katley at walang nagawa kundi ang maupo. Kinse minutos lang ang snacks namin kaya kailangan naming magmadali.
"Babe, we're talking about morning se—"
"Anong babe?" hindi ko inaasahang sabay naming sasabihin 'yon ni Maxwell!
Nagkagulatan kami at nagkatinginan ngunit agad akong bumawi at binuksan na lang ang snack ko.
Matunog na tumawa si Randall, nasisiguro kong nasa amin pa rin ang paningin niya. "Prettiest babe on earth, then," ani Randall saka kinuha ang kamay ko.
Naaasar ko siyang sinulyapan. "What now?"
"Morning sex strengthens immune system by boosting levels of antibodies against infectio—"
"Randall, ano ba! Isusumbong talaga kita kay Dein Leigh!" asik ko.
"What's wrong, babe, this is health education,"sumeryoso kunyari si Randall, binibigyan ng hustisya ang kalokohan niya.
Hindi ko na napigilang paluin ang braso niya. "Health education—amaw!" Nagtawanan ang mga tinuturuan niya kuno. "At sex talaga ang topic mo, amaw ka!" pabulong pang asik ko.
Narinig ko nang matawa si Maxwell kaya gano'n na lang kasama ang paglingon ko sa kaniya. Awtomatikong nahinto ang pagtawa niya at napalitan ng seryosong mukha.
Inis kong kinuha ang isa sa dalawang lasagna ko at padabog na inilagay 'yon sa harap niya. "Kumain ka na lang! Isa ka pa! Hindi mo man lang pigilan 'tong kaibigan mo!"
Nagugulat akong nilingon ni Maxwell. Nangunot ang kaniyang noo saka nakangusong nagbaba ng tingin. Napanood ko siyang bumuntong-hininga. Nakagat ko nang bahagya ang labi at inis na binalingan muli si Randall. Na noon naman ay malokong nakasilip sa kaibigan. Para bang hinihintay niyang lumingon si Maxwell para lang pagtawanan at asarin.
Ngunit hindi na 'yon nangyari. "Amaw!" pinalo ko ulit si Randall na ikinagulat nito.
"Ouch, prettiest babe on earth," maarte niyang sabi.
"Palibhasa'y wala 'yong CCTV mo, amaw ka!"pinalo ko ulit siya.
"Well, nasa 'baba siya at nagse-seminar," tumingin si Randall sa relos. "Aakyat na 'yon mayamaya."
"You're close, huh?" anang isa sa babaeng residente. Ang ngiti sa mukha niya ay may halong inggit.
"Yes, doc," ngiti ni Randall. "She's good a friend of Keziah and mine."
Dzuh? Keziah, talaga?
"How about Dr. Maxwell?" dagdag pa nito.
"Well," bahagyang sumandal si Randall para sa ganoong paraan silipin ang kaibigang.
Ang sama-sama ng tingin ko sa kaniya habang ginagawa iyon.
Inilagay ni Randall ang hintuturo sa ulunan ni Maxwell. "Iniwan," aniya! Saka inilagay ang hintuturo sa ulunan ko. "Nang-iwan."
"What the heck!" asik ko saka siya muling pinagpapalo.
"OMG," nagulat ang karamihan sa mga kausap niya kanina.
Pero hindi na natigil ang pagpapalo ko kay Randall sa sobrang inis! Tumayo ako at asta nang aalis nang hulihin ni Maxwell ang kamay ko.
"Bitiwan mo 'ko," asik ko.
"Eat," malumanay niyang sabi.
"Nawalan na 'ko ng gana." Hindi ko alam kung kanino pa ba ako naiinis. Kay Randall o sa sarili ko. Si Randall ay nasisigawan ko pero pagdating kay Maxwell ay malumay na ang pananalita ko.
Hinawakan ako ni Randall sa kabilang kamay saka hinila papaupo! "Sit down or he'll purchase the whole property," bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. "He'll not do that."
"Mm-mm," inosenteng iling ni Randall. "He can and he will. Eat." Itinuro niya ang pagkain ko.
Sumama ang mukha ko, salubong na salubong ang mga kilay. Amaw! Nakakainis!
"Eat," mas mariing aniya na itinuro mula ang lasagna ko.
"E," ani Maxwell na may inabot sa likuran ko.
"Thanks, most handsome babe on earth," ani Randall.
Gusto kong masuka nang makitang nag-holding hands pa sila nang abutin sa isa't isa ang hinating lasagna.
Naiinis kong tiningnan ang mag-best friend nang sabay pa silang sumubo at muling magkatinginan.
"Ano, masarap?" sarkastikong tanong ko.
Sa halip na sumagot ay nakangiti akong tinitigan ni Maxwell saka iniakbay sa silya ko ang kaniyang braso. Lumayo ako.
Inis kong tiningnan si Randall pero iniakbay rin niya ang braso sa mismong balikat ko! "So, morning sex is the best—"
"Giatay, pastilan ka!" pinaghahampas ko siya nang malakas!
"Ouch!" angal niya.
"Ouch mo, mukha mo!"
"Yaz, five minutes," ani Katley, aliw na aliw sa tabi ni Maxwell.
Minadali kong buksan ang lasagna ko at sinimulang kumain. Gusto kong magsisi kung bakit iyon pa ang napili kong oras ng snack. Sana pala ay nauna na lang kami kanina kaysa mga kasama namin. Kami ni Katley ang nahuli dahil pinauna namin sila.
"Nakita niyo na 'yong registration ninyo sa seminar, Yaz?" hindi namin inaasahang papasok si Keziah.
Awtomatikong nagsipag-alisan ang mga nurse at residenteng kausap ni Randall kanina. Hindi agad ako nakasagot nang magulat matapos niyang dumampot ng disposable fork at humiwa ng lasagna mula kay Randall. Lalo pa akong nagulat nang dumampot si Randall ng table napkin at punasan ang labi ni Keziah.
"Thanks," mataray na ani Keziah saka sumenyas kay Maxwell. "Water please."
"Get it yourself, Keziah," masungit na ani Maxwell.
Inirapan siya ni Keziah at akma nang tatayo nang sumenyas si Randall at kinuha ang tubig para sa kaibigan.
Ganito ba sila sa isa't isa? Hindi kaya...ganitong sweetness din 'yong nakita ni Naih kina Keziah at Maxwell?
Hindi ako makapaniwala. Kung ako kasi ang tatanungin, magseselos na ako sa gano'n. Pero sa nakikita ko ay tila kaswal lang sa kanila ang gano'n. Walang malisya sa isa't isa, mga walang pakialam.
"Thanks. Kay Maxwell kayo naka-assign, I mean you and your friend Katley," dagdag ni Keziah saka muling tumuhog.
Napalunok ako, hindi malaman ang mararamdaman. Hindi ko maitatanggi ang naramdamang saya dahil iniisip ko kung kanino sa kanilang tatlo ako mapupunta.
"No, I changed her schedule," bigla ay sabi ni Randall saka nakangiwing lumingon sa 'kin. "Katley, you'll attend Doc Maxwell's seminar. And you,"itinuro niya ako. "Will attend to mine."
"What?!" asik ko, saka natauhan. "I mean...what?" inulit ko 'yon nang malumanay, sa mas maarte at tipikal kong pananalita, nang sabay-sabay silang magulat sa naunang reaksyon ko.
Humugot ako nang malalim na hininga saka nakangusong nilingon kunyari ang kaibigan ko, sadyang nilalampasan ang tingin ni Maxwell na hindi ko alam kung inaalis pa ba niya sa 'kin. Maski ang braso niya ay hindi na nawala sa likuran ng silya ko, abusado!
"I mean, gusto kong kasama si Katley, because we're best of friends...and I don't want to attend alone..." binigyan ko nang nagpapa-cute na tingin si Randall.
"Okay, then, prettiest babe on earth. Your wish is my command," aniyang inilagay na naman ang braso sa balikat ko.
Mas matamis akong ngumiti. "Thank you, Doc Randall."
"You're most welcome, prettiest babe on earth..." Akma niyang hahaplusin ang pisngi ko nang tumayo ang isa pang katabi ko.
"Ethics, E." 'Ayun na ang hudyat ng pagbabanta ni Maxwell.
"Fine," ngisi ni Randall. "Ililipat ko na lang din ang registration ni Katley sa 'kin para magkasama kayo. That okay?"
Umawang ang labi ko. You're freaking unbelievable! Hindi ko ipinahalata ang inis ko.
"We're cool, right?" ani Randall.
"We need to go," bigla ay tumayo si Katley.
Naiinis man ay nagbaba ako ng tingin sa lasagna ko. Isang hiwa pa lang ang naibawas ko doon! Naiinis ako kay Randall! Walang kwenta ang pagpapa-cute ko!
Nanlulumo akong tumayo. "Finish your food,"bigla ay sabi ni Maxwell.
"My time is out, need to go back to my post,"masungit kong sagot.
Bumuntong-hininga si Maxwell saka kinuha ang lasagna ko. "I'll take it with you."
"What, why?" asik ko.
"I'll feed you," ngiti niya.
"What, no!" tanggi ko.
"Why not?"
"Because I'm busy."
"I'm not."
"Then, stay here."
"You need to eat."
"I can eat on my own."
"Not when you're busy."
"I can eat on my own," mas may diin nang sabi ko saka akmang babawiin ang lasagna sa kaniya.
Ngunit mas inangkin ni Maxwell 'yon. "After you."
"Maxwell!" banta ko.
Ngumiti siya. "Now I hate my name."
"Give it to me."
"Call me baby."
Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi mo ibibigay?"
Inilahad niya ang parehong braso. "Take everything...that includes my last name."
Inis kong inagaw! "Akin na sabi!"
Nakangisi niya 'yong ibinigay. "Thanks for the snack."
"Whatever."
"I'll pick you up later."
Inismiran ko siya. "May susundo sa 'kin."
Sumama agad ang mukha niya. "That lawyer?"
"So, that mister is a lawyer?" nakangising banat na naman ni Randall. Saka sumulyap sa 'kin matapos ko siyang lingunin. "Quack quack quack!"
Inis ko siyang nilingon. "His name is Rembrandt!"
"Nice name," ngiwi ni Keziah. "I bet he can paint. Can you?" hamon niya kay Maxwell.
"I'll buy his arts, then," kunot-noong ani Maxwell.
Inilingan ko ang magkakaibigan. "Let's go, Katley," sabi ko saka palihim na sinulyapan si Maxwell.
Gusto ko na namang mainis nang magsalubong ang tingin namin. So, hindi mo maalis ngayon ang tingin sa 'kin, huh? Psh! Amaw!
"Let's eat dinner together," nakikiusap na ani Maxwell.
"Magdi-dinner kami sa labas ni Rembrandt,"nag-iwas ako ng tingin.
"Seriously? You just had dinner together last night."
"So, what?" mataray kong tugon.
Nagsalubong ang kilay niya. "Have dinner with me tonight."
"No."
"Yaz."
"No," mas mariing sabi.
"D, say please...in a cheesy way, crazy ass,"dinig na dinig kong bulong ni Randall!
"Shut up," asik ni Maxwell saka lumapit sa 'kin. "Yaz, please..."
Nakagat ko ang labi ko at saka tinalikuran siya. "Bye."
"Yaz," dinig kong habol niya pero minadali ko na si Katley.
"Artiha, 'uy!" asik niya.
"Shut up," singhal ko saka siya hinila sa elevator.
"Bakit ayaw mo?"
"Kasi may usapan kami ni Rembrandt."
"'Sabagay," buntong-hininga niya. "Kausapin mo kaya si Rembrandt?"
"Na ano naman?"
"Sabihin mo 'yong tungkol sa inyo ni Maxwell."
Kinabahan agad ako. "Sinabihan niya nga ako no'ng nakaraan na 'wag ko na raw balikan si Maxwell."
"Ano?" hindi makapaniwalang tugon ni Katley. "No offense, pero manliligaw man siya, dili man dapat siya nagsasalita ng gano'n. I mean, he has no rights para sabihin sa 'yo ano ang dapat and hindi dapat gawin, 'day. Sorry kaayo."
"Wala naman siyang ibig sabihing masama, 'no."
"Oo nga, gets ko 'yon. Equal man lang baya sila ni Maxwell."
Hindi ko alam kung dapat ko bang pagsisihan ang pagpayag na magpaligaw muli kay Rembrandt. Although, nakikita kong deserving siya sa panibagong chance, hindi siya deserving sa naibibigay ko because he deserves more. Sa nangyayari ngayon ay talagang nahahati ang loob ko. Hindi ako makapagdesisyon nang tama. Sumasama ako sa kaniya pero ang isip ko ay pinupuno ni Maxwell. Aaminin kong nag-iba ang daloy ng sistema ko mula nang makita ko ulit si Maxwell. At unfair sa kaniya 'yon.
'Ayun na naman ang malalim na pag-iisip ko nang araw na 'yon, sumasabay sa pagiging busy sa trabaho. Tuloy ay hindi ko namalayan ang oras.
"Hindi ka ba talaga sasama?" tanong ko kay Katley habang pababa kami after shift.
"Hindi na, 'uy! Kawawa naman si nanay, paniguradong aligaga na naman 'yon sa pagluluto ng dinner mamaya. Tutulungan ko na lang. Enjoy kayo."
"Sure ka, ah?"
"Oo naman," ngiti niya. "'Oy, pag-isipan mo na 'yan, 'day. 'Wag mo nang patagalin."
"Oo na," nguso ko.
"Hindi mo maaalis 'yong sakit kaya hangga't maaari, bawasan mo na lang."
"Kuyaw," pang-aasar ko.
"Paminaw ba!" singhal niya. "If it's Rembrandt, let go of Maxwell. If it's Maxwell, let go of Rembrandt. Hindi mo pwedeng hawakan pareho. Hindi ka pwedeng magpaligaw sa pareho. Hindi mo pwedeng mahalin pareho. Kay isa man lang puso natin, 'day!"
"Opo, most experienced friend on earth."
"Sige na!" natatawang aniya saka kumaway sa 'kin palayo.
Naupo ako sa couch na naroon sa lobby habang naghihintay sa tawag ni Rembrandt. Kadalasan ay naroon na siya sa oras ng out ko, mukhang na-late siya ngayon.
"Waiting for your date, huh?"
Napapikit ako nang mangibabaw ang tinig ni Randall sa likuran ko. Pero gano'n na lang ang pagtataka ko nang sila lang ni Keziah ang naroon.
Lalong ngumisi si Randall nang balikan ko ng tingin. "He's just talking to someone."
"Hindi ko siya hinahanap!" asik ko.
Pareho silang natawa ni Keziah. "Really? Let me act like I believe you," ngiwi niya. "He's talking to that lawyer of yours."
Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko. "What? Where are they?"
Nagkibit-balikat si Randall. "Somewhere."
"Where?" asik ko.
"Maybe in the operating room?" nanlalaki ang mga mata, nang-aasar na ani Randall. "Maxwell's probably opening his body for a heart surgery."
"Nakakainis ka!" pinagpapalo ko ang braso niya nang pareho silang matawa ni Keziah.
"They're talking outside," natatawa pa ring ani Keziah.
Gusto kong maasar sa kaniya. Pero dahil sa paninibago at nakitang treatment nila ni Randall sa isa't isa kanina ay tila gumaan ang loob ko, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.
Dali-dali akong lumabas at nakita ko nga sina Rembrandt at Maxwell na nag-uusap. Patakbo akong lumapit sa kanila.
"What are you doing?" sikil ko kay Maxwell, agad akong lumapit kay Rembrandt.
"We're talking," ani Maxwell.
"About what?"
"It's none of your business."
Nanlaki ang mga mata ko. "Of course, it is! For sure it's about me."
"No," nakangiti, nagpapasensyang ani Rembrandt, nakahawak sa siko ko.
"I'm talking about Hwang," ani Maxwell.
Natahimik ako at napalunok sa pagkapahiya. "Sorry."
Nakita ko ang paningin ni Maxwell na naroon sa siko kong hawak pa rin ni Rembrandt. Sinimangutan ko siya nang mag-angat ng tingin sa 'kin.
"Let's talk about it some other time. Thanks."Iyon lang at tinalikuran na kami ni Maxwell.
Nilingon ko si Rembrandt at gano'n na lang kasama ang tingin niya kay Maxwell. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ko.
"I don't like him."
"I'm sorry," nagbaba ako ng tingin. "He may seem rude but that's just his attitude."
Pinagkunutan niya ako ng noo. "Nagtanong pa siya sa abogado kung mas marunong lang din naman pala siya. Asshole."
"Rembrandt," hinawakan ko siya sa braso. "'Wag mo na siyang isipin."
"He's an asshole."
Hindi na ako nakasagot. May kung ano sa dibdib kong hindi matanggap ang sinasabi niya. Kahit pa alam ko kung gaano kasarkastiko si Maxwell. Kahit kasi sabihing 'yon ang personalidad ng mga Moon, hindi lahat ay mauunawaan sila. Hindi maiiwasang mapikon ang sinumang kausap nila. Ang tanging nakaiintindi sa kanila ay 'yong lubos na nakakakilala.
"Sa iba na lang tayo mag-dinner?" iniba ko ang usapan.
"Ihahatid na lang muna kita sa inyo," nakaiwas ang tingin na aniya, nabigla ako. "Nawalan ako ng gana, I'm sorry."
Napamaang ako ngunit hindi na nakapagsalita. Napikon talaga siguro siya kay Maxwell para umasta siya nang gano'n. Maging sa byahe ay tahimik lang kami. Nakakunod ang noo ni Rembrandt at sapo ang noo habang mabagal sa pagmamaneho.
"I'm really sorry," sinserong sabi ko nang makarating kami.
"It's not your fault."
"Rembrandt, he's just like that."
"Anong just like that? He's fucking rude!"
Hindi na ako nakasagot. 'Yon na nga ang naisip ko. Sa paraan ng pananalita at pakikipag-usap ni Maxwell, sinumang hindi siya nakikilala nang lubos ay mababastusan sa kaniya. Ganoon siya parati sa t'wing hindi nakukuha ang sagot na gusto niya. Sarkastiko at walang pakialam sa iisipin sa kaniya.
"I'm sorry," nasabi ko.
"What are you sorry for?" hindi niya na naitago ang inis.
Natigilan ako sandali saka napabuntong-hininga. "'Wag mo na lang siyang intindihin, okay?"
"He's trying to compete with me? Fine. I'll give it to him."
"Rembrandt, 'wag na."
"He's fucking annoying!"
"Tama na, okay? Hayaan mo na lang siya."
"Sana iniwasan mo na lang, napikon ka pa tuloy."
"Do you still like him?" inis niyang singhal, pati sa 'kin ay napikon na.
"Fine! Magsama kayong dalawa!" iyon lang at tinalikuran niya na ako.
Umawang ang labi ko, hindi makapaniwalang iniwan niya ako nang gano'n lang. Napapalunok ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa makalayo.
Tuloy ay hindi ako nakatulog sa kaiisip. Mali nga ba ako? Naiparamdam ko bang kinakampihan ko si Maxwell? Hindi ako tigilan ng konsensya ko. Pakiramdam ko, sa halip na i-comfort si Rembrandt ay mas pinasama ko pa ang loob niya. Bago ako matulog nang gabing 'yon ay nag-text ako kay Rembrandt para humingi ng sorry. Nakatulugan ko na ang paghihintay sa sagot.
Text agad ni Rembrandt ang bumungad sa 'kin kinabukasan, sinasabing hindi ako maihahatid at masusundo. May pagbabago raw sa schedule niya na hindi inaasahan. Nanlulumo akong naligo. Hanggang pagbibihis ay hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko.
'Eto na naman ako sa ugali ko... Napatitig ako sa cellphone. "I'm really sorry, Rembrandt."
May kung ano kasi sa 'king nagsisisi kaya nagkaganoon si Rembrandt. Pakiramdam ko ay sinabi niya lang na ang changes sa schedule niya para maiwasan ako. Pero ang totoo ay sumama ang loob niya dahil pakiramdam niya ay mas kinampihan ko si Maxwell. Kahit na ang totoo ay hindi naman ganoon ang intensyon ko.
"Good morning, prettiest babe on earth!" si Randall ang sumalubong sa 'kin pagkarating ko sa floor kung saan gaganapin ang seminar.
"Isa pa, isusumbong na talaga kita sa asawa mo," singhal ko.
Ngumiwi siya, ipinapakitang hindi siya natatakot. "Ngayon ko lang na-realize na napakaganda mo pala talaga?"
Tumaas ang kilay ko. "Talaga? Eh, ni hindi ko pa nga naranasang masabihan ng pangit."
Umawang ang labi niya sa pagkamangha. "Kung single lang talaga ako—"
"Shut the fuck up," nangibabaw ang tinig ni Maxwell mula sa likuran ni Randall. Gano'n na lang siya kaseryoso nang magharap kami. "Have you had breakfast?"
"Why do you care?" mataray kong tugon. Alam niya bang hindi ako nag-breakfast? Sumiring ako. Sa sobrang pag-iisip kay Rembrandt ay muntik na akong ma-late kaya hindi na ako nag-breakfast.
"Hindi pa rin ako kumain," nagpapalambing na aniya.
Sumama ang mukha ko. "Oh, ngayon?"
Sumama rin ang mukha ni Maxwell nang humalakhak nang pagkalakas-lakas si Randall. Tinapik-tapik siya nito sa balikat.
"Let's eat breakfast together," anyaya ni Randall. "We still have fifteen minutes before we start. Keziah's downstairs."
Pinalo ko siya sa braso. "Akala ko ba ay alas siete ang simula, amaw ka!"
"What's amaw by the way? Sounds weird."
"'Yon ang pangalan mo sa salita namin!" mataray kong tugon saka inunahan sila.
"Hey, hey, hey, you know isaw? We like isaw!"malakas ang boses na ani Randall.
"Isaw mo, mukha mo."
"Let's go and drink somewhere, Yaz. Isaw is a great pulutan, you know. You have it here in Cebu, right?"
"I'm busy."
"That's why we need a drink, because we're busy. We deserve a night out."
"Ayaw ko."
"Hindi natin isasama si Maxwell!"
Palihim akong matawa matapos marinig ang ubo niya, nasisiguro kong sinuntok siya ni Maxwell.
Narinig ko ang bulungan nila sa likuran ko kaya sinulyapan ko sila nang masamang tingin. Nakangiting tinapik ni Maxwell ang tiyan ni Randall saka sumabay sa 'kin. Pinangunahan niya akong pumindot sa elevator saka ako pinaunang sumakay.
"Thank you," masungit kong bulong.
"All for you," pabulong din niyang sagot. Ngumiwi na lang ako.
Umakbay si Randall sa 'kin pagkasakay nito sa elevator. "Ano ba?" asik ko.
Pero mas hinila niya ako papalapit. "Ang daming may gusto kay Maxwell dito."
"Pake ko?" pasiring kong sagot.
"Lahat ng nurse."
"Except sa 'kin."
"Really?" humahalakhak na aniya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Sobrang dami, kahit 'yong directress niyo," bulong ni Randall sa 'kin.
"Shut up, E," nagbabanta na agad ang tinig ni Maxwell.
Palihim na tumiim ang bagang ko. "I see." Hindi ako nagpakita ng interes.
"And I told her he's single."
"Mm." Tumango lang ako pero panay ang irap.
"But she doesn't want to believe me," tatawa-tawang ani Randall. Sinulyapan ko siya, naghihintay ng sagot. "Because he's wearing a ring on his ring finger."
"I said, shut up, E. Final warning," ani Maxwell saka nangunang lumabas. Gaya no'ng una, hinawakan niya ang pinto ng elevator hanggang sa makalabas ako, nang hindi inaalis ang tingin sa 'kin.
Pero wala na doon ang atensyon ko. Naroon na sa singsing na sinasabi ni Randall. Pero dahil nasa bulsa ang parehong kamay ni Maxwell, hindi ko 'yon makita.
Anong singsing 'yon? Hindi ko maipaliwanag ang namumuong sama ng loob sa dibdib ko.
Hanggang sa makaupo kami sa mesa ay patuloy ang pagtindi no'n. Lalo na nang panoorin ko si Maxwell na lumapit kay Keziah sa counter. Gusto kong makita ang singsing na sinasabi ni Randall.
"He's wearing his engagement ring," ngingisi-ngising bulong ni Randall saka tumawa nang malakas. "He bought two rings, remember? One for you and one for him. Sinuot niya 'yong sa kaniya, so, people would know he's engaged."
Umawang ang labi ko. "En...gagement ring?"
Tatawa-tawa siyang tumango saka sinulyapan ang kaibigan. "Yeah, he was going to propose to you that night in Pamalican, right? But Mang Pitong's sister died in the emergency room. Hindi siya nakapunta. The next think I know, you broke up."
"Wait—wait, what are you talking about, Randall?" hindi ko na halos maintindihan ang mga sinasabi niya kahit pa anong linaw no'n. Una ay dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Ikalawa ay dahil sa matinding pagkalito.
Nagugulat siyang tumingin sa 'kin. "What do you mean?"
"Anong engagement ring? At...namatay ang kapatid ni Mang Pitong?" hindi talaga makasabay na sabi ko. Gano'n na lang katindi ang dagundong ng kaba sa dibdib ko.
Lalo siyang sumeryoso at tumitig sa 'kin. "Don't tell me, wala kang idea?"
Kunot-noo akong umiling. "Wala."
Doon rumehistro ang gulat sa mukha ni Randall saka napatitig sa 'kin. "Oof," bumuntong-hininga siya saka nasapo ang sariling noo. "I'm...sorry, Yaz."
Gano'n kabilis na gumuhit ang luha sa mga mata ko saka napasulyap kay Maxwell. Sa isang iglap ay nanumbalik ang napanood at narinig kong paghagulgol niya habang yakap ang ama.
Fuck... Namalayan ko na lang ay pumatak na ang magkakasunod kong luha.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top