CHAPTER 44

CHAPTER WHATEVER

"HOW'S YOUR day?" tanong ni Rembrandt nang tawagan niya ako kinagabihan.

Kung hindi pa siya tumawag ay ako na ang tatawag. Kung hindi pa siya tumawag ay hindi mapuputol ang pag-iisip ko kung kanino galing ang mga bulaklak na hanggang ngayon ay tinititigan at inaamoy ko.

"Yaz?" pagtawag muli ni Rembrandt nang hindi ako makasagot.

"Yeah, as usual, busy," mapait akong ngumiti saka muling itinutok ang paningin sa mga bulaklak.

"Nag-dinner ka na?"

"Yeah, tapos na. Ikaw?" napabuntong-hininga ako. Kung siya ang nagpadala niyon...bakit hindi niya itinatanong?

"Magdi-dinner pa lang, kauuwi ko lang. Sobrang busy rin kanina."

Nakagat ko ang labi ko. Kung gano'n ay hindi nga siya ang nagpadala ng mga 'yon? Nabuhay ang kaba sa dibdib ko. Kaba na hindi dulot ng takot kundi ng pag-asa na baka tama ang aking hinala. Maxwell...please tell me it's you.

Nasapo ko ang aking mukha sa sariling katangahan. Ano at umaasa pa rin akong sa kaniya galing 'yon? Bakit sa kabila ng desisyon kong kalimutan siya ay ako pa ang nauunang bumalik?

Shit! Naihilamos ko ang palad sa mukha. This is making me crazy.

"I'll pick you up tomorrow morning and after your shift," muling ani Rembrandt sa kabilang linya.

"I'll wait for you," tulala kong tugon.

"Go ahead and sleep. Dream of me, Yaz."

Gano'n na lang ang pagtutol ng puso ko. Darn! 'Ayan ka na naman, Yaz! Umayos ka, please! "I will,"kasinungalingan ang isagot 'yon.

"I love you," pabulong na aniya na mabilis ding sinundan, "Bye."

"Bye," iyon lang at pinutol ko na ang linya.

Naibagsak ko ang sarili sa kama. 'Yong deretso ang mukha sa unan. Ilang beses akong nagpapadyak at kunwaring maiiyak. Nang hindi na makahinga ay saka ako umayos ng higa at tumingala sa kisame.

"Why do you have to do this to me, Maxwell?"maiiyak na namang sabi ko.

Hindi ko kinaya ang pag-iisip nang mag-isa. Dali-dali kong tinawagan si Katley at gusto kong marindi sa lakas ng umaatungal na bata sa background ng linya niya.

"Oh, napatawag ka?"

"Hindi si Rembrandt ang nagpadala ng mga 'yon, Katley."

"Ano?" malakas ang boses niya.

Napabuntong-hininga ako dahil siguradong hindi niya talaga ako maririnig dahil sa ingay ng mga batang nag-iiyakan sa kaniya.

"I'll see you tomorrow, Katley, bye," ibinaba ko na ang linya.

Halata namang busy siya. Sa kabilang banda ay gusto kong maawa kay Katley dahil alam kong hindi siya sanay sa ganoong buhay. Natatandaan kong halos masabayan niya ang designer bags and shoes ko noong nag-aaral kami.

Pero ngayon ay hindi ko na matukoy kung may brand pa ba ang mga suot niya. Wala namang problema kung ano ang isuot niya, lahat kasi 'yon ay nadadala at bumabagay sa kaniya. Hindi lang talaga ako nasanay.

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo kagabi?" bungad ni Katley nang magkita kami kinabukasan. "Saka tama ba 'yong dinig ko? Binanggit mo si Rembrandt?"

Umawang ang labi ko. Oh, shit...hindi ko nga pala nabanggit sa kaniya ang tungkol sa panliligaw ni Rembrandt.

"So bukod tinawagan mo si Rembrandt para itanong kung sa kaniya galing ang flowers ug coffee and everything?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Hindi ka ba nahihiyang tawagan ang ex-boyfriend mo, 'day?"

Humugot ako nang malalim na hininga at saka nasapo ang mukha. "Nanliligaw uli siya sa 'kin,"sabi ko habang nakabaon ang mukha ko sa mga palad.

"Ano?"

Umayos ako ng upo at hindi magawang salubungin ang tingin niya. "Gusto ni Rembrandt makipagbalikan sa 'kin, Katley."

"What?" hindi talaga siya makapaniwala, gano'n na lang kasama ang tingin niya sa 'kin. "You're crazy, Yaz! Kelan pa?"

Ikinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari. Panay ang iling ko habang nagsasalita. Hindi ko magawang salubungin ang tingin niya. Pero gaya ng dati, nakinig siya nang hindi ako hinuhusgahan.

"Nalungkot naman ako, Yaz, 'oy," malungkot talagang aniya. "Paano na ang YazWell forever ko?"

"Buang!" Nagbaba ako ng tingin. "Pero paano kung si Maxwell nga ang nagpadala ng mga 'yon, Katley?" 'ayun na naman ang pag-asa ko, wala akong kadala-dala.

"Paano kung siya nga?" naroon din ang pag-asa niya.

Gano'n na lang kalalim ang pagkakamot ko sa ulo. Nakakainis naman! Para na akong mababaliw sa kaiisip. May parte sa akin na ayaw amining kay Maxwell galing 'yon. Pero higit ang parte na humihiling na sana ay siya nga ang nagpadala niyon!

Matapos ang ilang linggo kong pagre-reflect sa sarili, matapos ang nakababaliw kong pagdedesisyon, hindi ko inaasahang sa ganito pa rin pala ang bagsak ko.

Gusto kong ma-disappoint sa sarili ko dahil hanggang ngayon pala ay umaasa pa rin ako. Hanggang ngayon ay naroon pa rin ang lahat sa 'kin. Parang wala akong nabago sa aking sarili.

Sabay kaming napalingon ni Katley sa elevator nang tumunog 'yon. Ngunit sabay rin kaming nagbaba ng tingin nang tumunog ang cellphone niya.

When you're next to me, I can see

The greatest story love has ever told...

Muli akong lumingon sa elevator nang bumukas iyon. At gano'n na lang ang pag-awang ng bibig ko nang makilala kung sino ang sakay niyon. Ang kaninang mabagal na oras ay mas bumagal pa nang magtama ang paningin naming dalawa.

Maxwell...

Gano'n na lang din ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Gano'n na lang din ang gulat na rumehistro sa mukha niya. Gano'n na lang din ang pagkasorpresa niya matapos akong makita.

Napatayo ako at magkakasunod na lumunok. I can't believe it... Maging si Katley ay natigilan at nabalewala ang kausap matapos makita kung sino ang papalapit sa station namin ngayon.

"Pisti, bi, ang gwapo," gigil na gigil na bulong ni Katley sa 'kin. Hindi ko alam kung nasabi niya 'yon dahil nakilala niya si Maxwell o dahil nagwapuhan talaga siya rito.

Ngunit tama siya. Kahit ako ay natulala sa mukha ni Maxwell gayong ilang beses ko na 'yong nakita. Gayong hindi ko lang 'yon nahawakan kundi higit pa.

When you're next to me, I can see

The greatest story love has ever told...

'Ayun na naman ang lintik na ring tone ni Katley. Ngunit hindi ko magawang mainis sapagkat alam kong sinadya niyang gamitin 'yon dahil sa pagsuporta sa amin ni Maxwell. Hindi ko magawang mainis dahil pakiramdam ko habang nakalapat ang paningin namin ni Maxwell sa isa't isa ay naririnig ko ang pagkanta niya.

"Yaz," umalingawngaw ang tinig ni Keziah, ang tinig ay hindi rin makapaniwala.

Natitigilan ko siyang nilingon. Ni hindi ko napansin ang presensya niya bagaman alam kong hindi nag-iisa sa elevator si Maxwell. Pare-pareho silang nakasuot ng kanilang white gown.

"Yaz Marchessa!" bigla na lang ginulo ni Randall ang eksena. "Hey, how're you doing, prettiest babe on earth? I didn't know you're here!" Nilingon niya si Maxwell. "Moves, eh?"

"Shut up," napapahiyang ani Maxwell. "I didn't know she's here."

"Really, D?" Nanunuksong ani Randall.

"Seriously?" Napikon agad si Maxwell, tipikal niyang ugali.

"Hindi mo talaga alam?" sumeryoso si Randall.

Pero mas seryoso si Maxwell. "No."

"OMG..." bulong ni Katley. Ang likod ng uniporme ko ay pilit niyang hinihila papalapit sa kaniya.

Sinubukan ko iyong deadmahin pero mapilit siya. "What?" pabulong kong asik.

Maiiyak nang inginuso ni Katley ang mga bisita. "Siya ba si Maxwell?" Nakagat ko ang labi ko saka magkakasunod na tumango. "'Yong Maxwell na tinutukoy mo?" Muli akong tumango. "'Yong ex mo?"

Mas napadiin ang pagkakakagat ko sa labi. Ang hirap lunukin ng salitang ex. Muli ko siyang tinanguan.

"Pucha, bi, ang gwapo." Hinila niya ang kwelyo ng uniporme niya at kinagat 'yon. "'Day, ang gwapo rin no'ng isa. Tabangi ko, Lord, please, bi!" Kung ano-ano na namang guhit ang ginawa niya sa dibdib!

Pinalo ko ang kamay niya. "Umayos ka nga."

"So, you work here, Yaz?" tinig iyon ni Keziah.

Napalingon uli ako sa kanila. Nakamot ko ang ulo at pinigilang mapasulyap kay Maxwell bagaman ramdam na ramdam ko ang titig niya. Titig na para bang tumatagos hanggang sa aking kaluluwa.

"Yeah," napailing ako. "I was not expecting to see you here."

"How are you?" bigla ay tanong ni Maxwell! Ang interes ay nagsusumigaw sa tinig niya! Nagwala agad ang sistema ko.

Hindi ko magawang labanan ang mga tingin niya. "I'm..." magkakasunod akong lumunok para masalubong ang titig niya. "I'm fine...Maxwell, t-thank you." Shit! Napamura ako sa isip nang pumiyok!

Dinig kong bumuntong-hininga si Maxwell. "Good to see you."

"Good to see you...too," hindi ko na talaga magawang tingnan siya. Wala na akong pag-asa.

"It's been a long time, Yaz," ani Keziah.

"Yeah, it's been...a long...time," hindi ko na kayang mag-angat ng tingin kahit kanino sa kanila.

Gano'n na lang ang kabog sa dibdib ko, naghahabulan 'yon na halos mabingi ako sa lakas ng lakas niyon! Para akong lalagnatin sa init ng mukha at buong pakiramdam ko. Para akong mahihilo, kinailangan kong kumapit sa swivel chair nang manghina ang mga tuhod ko.

"Nurses," 'ayun ang bungad ng chief nurse nang makalapit. "Please meet Dr. Keziah Sirvey Gozon, Dr. Maxwell Laurent del Valle and Dr. Randall Echavez. Sila ang magse-seminar sa atin tungkol sa mga updates ng health care system ng bansa. Bukas naman ay darating ang mga taga-Red Cross main para sa BLS at ACLS.

Gano'n na lang kabilis ang pagtalikod ko bagaman nasa akin ang paningin ng chief nurse. Pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga nang tingalain ang memo na matagal niya nang ipinaskil sa bulletin board.

Halos malunok ko pabalik ang humihiwalay kong kaluluwa nang manlaki sa paningin ko ang bawat letra ng pangalan niyong tatlo.

Fuck...

Gano'n na lang ang pagsisisi ko nang hindi basahin 'yon nang mismong araw na maipaskil 'yon. Gano'n na lang ang panlulumo ko na sa dumaang mga araw ay ni minsan, hindi ako nagkaroon ng interes silipin at basahin 'yon. Gano'n na lang katindi ang kaba ko na hindi ko alam kung paano muling haharapin ang mga bisita sa aking likuran. Lahat 'yon ay pinagsisisihan ko ngayon.

Hindi ako ang ipinunta nila. Hindi ako ang ipinunta niya. Hindi ako ang ipinunta nila. Hindi ako ang ipinunta niya. Hindi ako ang...damn it!

Kahit anong pag-iisip ang gawin ko ay parang sasabog sa kaba ang katinuan ko. Bakit hanggang ngayon ay ganoon ang epekto ni Maxwell sa akin? Hindi ba't ako itong humihiling na makita siya ulit? Hindi ba't ako itong desperadang handang lumuhod sa pagmamakaawang pumunta siya rito? Bakit ngayong narito na siya ay nagkakandalokoloko ang sistema ko? Na maski ang paglingon, lilingon lang, hindi ko pa magawa.

"Yaz?" pagtawag ni Randall. Sa tono niya ay batid kong nakangisi siya. "You're okay, right?"

Pisti ka, amaw! Amaw! Amaw! Amaw!

Humugot ako nang malalim na hininga. Gano'n na lang kaganda ang poise ko paglingon. Saka ako ngumiti na para bang hindi ako binibingi ng kaba.

"Of course." Binigyan ko siya nang pamatay kong ngiti.

Napatitig at ngumisi si Randall sa 'kin. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang buntong-hininga ni Maxwell. Maging ang pag-irap ni Keziah ay nasulyapan ko.

"Magkakilala kayo?" gano'n na lang ang pangangapa ng chief nurse. Maging ang ibang nurse na naka-duty ay nagtaka. Si Katley ay hindi ko alam kung humihinga pa.

"Yes, ma'am," nakangising ani Randall, ang nakakalokong tingin ay nakapako sa 'kin. "We're friends."

"Wow," hindi makapaniwalang anang chief nurse. "Paano kung igala mo sila sa buong ward, Yaz"

"I'm busy, ma'am," inunahan ko na siya.

Gano'n na lang ang gulat ng chief nurse, iginala ang paningin sa station at hallway. Batid kong hinahanap niya kung ano ang pinagkakaabalahan ko.

"Daghan pasyente, ma'am," napapalunok na dagdag ko. Lalo pang iginala ng chief nurse ang paningin, nagtataka. "Mukaon pa ko, ma'am."Napayuko ako palihim na napapikit. You're fucking hopeless, Yaz.

Gusto ko na namang ihilamos ang mga palad sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Ni hindi ko alam kung bakit kailangan kong makaramdam nang ganoong hiya. Pakiramdam ko ay wala akong mukhang maiharap sa mga ito ngayon.

Bakit ganito ang epekto mo sa 'king bwisit ka! Bwisit! Bwisit! Bwisit!

"Okay. Katley?" baling dito ng chief nurse.

"Ako, ma'am?" hindi makapaniwalang turo ni Katley sa sarili.

"Yes."

"Dili ko kabalo Tagalog, ma'am. Sorry kaayo, ma'am," napapahiyang dahilan ni Katley. Palihim naming nakurot sa likuran ang isa't isa.

Gano'n na lang ang pag-iwas ko ng tingin nang marinig ko ang pagtawa ni Randall. Maging ang pang-aasar nito kay Maxwell ay hindi nakaligtas sa pandinig ko bagaman hindi ko narinig nang malinaw. Nasisiguro kong naiintindihan nila ang mga ikinikilos ko. At gusto kong magsisi dahil gano'n na lang ka-obvious ang epekto sa 'kin ng Del Valle na ito!

Bumuntong-hininga ang chief nurse saka bumaling sa mga bisita. "This way, docs," gusto kong matawa sa docs niya. Sa salita namin ay mahilig kaming magdagdag at magbawas ng letra. Hilig din naming lagyan 'yon ng mga arte.

"OMG..." nahawakan ni Katley ang sariling dibdib saka lumingon sa 'kin nang dahan-dahan, slow-mo ba. "OMG ka!"

"What?" naiinis kong tugon saka pinalo ang braso niya. "Anong hindi marunong mag-Tagalog, ha? Anong hindi"

"Pisti man ka!" Pinalo-palo niya rin ang braso ko hanggang sa mapaiwas ako. "Hindi mo sinabing gano'n kagwapo si Maxwell, pisti ka!"

"Sinabi ko sa 'yong gwapo!" asik ko.

"Hindi mo sinabing gano'n gwapo! Pisti!"

"How do I look, Katley?" gano'n na lang ang pag-aalala ko.

Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ko. "OMG, my friend. Wala kang makeup! Hindi ka fresh. You look tired!"

Sumama ang loob ko pero sa halip na mainis ay gusto ko ring matawa. Sinimangutan ko siya.

"Syempre, maganda ka pa rin, 'day!" bigla ay bawi niya. "Kahit yata ilampaso ko mukha mo sa floor, maganda ka pa rin."

"Sure?"

"Sure, 'day! Hahay!"

Gano'n nga talaga kabaliw-baliw ang presensya ni Maxwell. Sa kaniya lang ako nako-conscious nang gano'n.

Gusto kong mainis. Gusto kong mag-walk out. Pero wala sa mga 'yon ang nagawa ko dahil nangilid ang luha ko.

Ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso ko. Napaupo ako sa panghihina at tinungga ang bote ko ng tubig hanggang sa maubos 'yon. Pakiramdam ko ay nanuyo ang lahat sa 'kin, hindi lang lalamunan.

Hindi ko inaasahan ang ganoong pakiramdam. Ang lakas ng loob kong humiling na makita ulit siya. Ngayong heto na siya ay ganito naman ang nangyayari sa 'kin.

Kailan pa mawawala ang ganoong epekto ni Maxwell sa 'kin?

Nasaan na 'yong galit ko? Nasaan na 'yong tampo ko? Nasaan na 'yong sinasabi kong I deserve more, I deserve better? Damn it!

"Bakit kasi hindi mo binasa ang memo!" paninisi ko kay Katley. Gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya. "Basaha!" inis kong itinuro 'yon.

Gano'n kabilis na binasa ni Katley ang memo. "OMG!" palahaw niya saka natutop ang sariling bibig."Dr. Maxwell Laurent del..." nanlalaki ang mga mata, namimilog ang labi siyang lumingon sa 'kin.

'Ayun na naman ang panlulumo ko. "Paano ko siyang haharapin ngayon, Kate?"

Dali-dali siyang naupo sa tabi ko. "Makipagbalikan ka na agad, Yaz, please, bi! Ang gwapo ni Maxwell!"

"Buang!" pinalo ko ang braso niya.

"Ang gwapo niya talaga, 'day! Hindi ako maka-move on! Alam mo 'yong paglabas niya sa elevator, bi, parang angel na naay glow-glow diri-diri-diri!" aniyang itinuro ang palibot ng kaniyang katawan.

Naihilamos mo ang mukha sa parehong palad. "Anong gagawin ko, Kate?"

"Ay, ambot, 'day, nabuang ko nimo!" Humugot siya ng hininga saka pinaypayan ang sarili. "Nakakabaliw pala talaga ang kagwapuhan niya, 'no? Hindi kita ma-blame." Ngumisi siya.

"Anong gagawin ko?"

"Bakit ako tinatanong mo?" tila namroblema rin siya. Gusto kong matawa pero nangingibabaw ang pakiramdma na gano'n kabigat ang aking problema.

"Ikaw 'tong sabi nang sabi ng YazWell forever, e!"

"Aba, pero hindi ibig sabihin no'n ay ako na ang sagot sa lahat ng tanong mo, buang ka!"

"Nakakainis!" nasabunutan ko ang sarili. "Bakit naman kasi..."

"Ma'am Yaz, friends mo ang mga 'yon?" lumapit si Krisia, mukhang kinikilig pa.

"Ex niya 'yong isa!" si Katley ang sumagot.

Dahilan para manlaki ang mga mata ni Krisia. "Sino doon?"

"'Yong babae, 'day," biro ni Katley. "'Yong gwapo, syempre!"

"Gwapo pud pareho, 'day!"

"'Yong mas gwapo, 'day! Si Doc Maxwell ba!"

"Pagsyor!"

"Ay! Walang tiwala sa imong ganda, bi!" baling ni Katley sa 'kin habang nakaturo kay Krisia.

"Please, I need peace. Silence, please," gano'n na lang ang pagyuko ko sa sariling mga braso.

Nawala ang lahat ng lakas ko para sa araw na 'yon. 'Yong pakiramdam na nabale-wala ang lahat ng pinaghandaan ko, gano'n. Kahit anong pilit kong magpakapositibo ngayon ay hindi ko magawa. Sa halip ay pinipigilan ko pa ang sarili na takbuhin si Maxwell sa kung saan alam kong naroon siya.

Anong gagawin ko? Napapikit ako nang maalala ang mga bulaklak, coffee at cake. Sa kaniya nga kaya nanggaling 'yon?

"Siguro nga ay siya ang nagpadala ng mga 'yon, 'no?" ani Katley. Lalong nanakit ang ulo ko!

Napasulyap ako sa hallway kung saan naroon sila. Siya nga kaya? "Pero...hindi niya raw alam na dito ako nagtatrabaho, hindi mo ba narinig?"

"Hahay! Atik-atik ra na, 'oy! Pagsyor!"

"Hindi nagbibiro nang gano'n si Maxwell, Katley," namomroblemang sabi ko nang sabihin niyang nagbibiro lang si Maxwell.

Napaisip si Katley hanggang sa namroblemang gaya ko. Muli akong nasubsob sa mga palad at doon nagmukmok.

"Wala na akong pag-asa, Katley. Wala na talaga," maiiyak nang sabi ko.

"Gaga, 'ayan na nga ang pag-asa mo, 'oy! Fresh from heaven! Unsay endearment ninyo, 'day? Baby?" asik niya. Tumango ako. "Nah! Kung ako 'yan? Tawagin ko siya lahat! Baby, babe, honey, love of my life destined forever, I will be right here by your side!"

"Katley, imbes makatabang ka, lalo akong nababaliw sa 'yo," sumasakit ang ulong sabi ko.

"Sorry, 'day."

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Sa tingin mo mahal pa niya ako?"

"Gaga ka," asik niya. "Ikaw muna ang isipin mo. Paano ka? Nagpapaligaw ka man uli kay Rembrandt. Paano na?"

Natutop ko ang sariling labi. "Shit," bulong ko. "Paano kung malaman ni Maxwell?"

"'Yan problema, 'day," asik niya. "Shit man ka."

Pinalo ko ang kamay niya. "Kung bakit naman kasi..." naisubsob ko na naman ang mukha ko. "Bumabalik na lang siya parati kapag naaykakompetensya!" bigla ay asik ko. "Noong una ay si Maxrill ang naroon. Ngayong si Rembrandt naman..."

"Feeling man ka!" asik niya. "Nagkataon lang 'to okay? Ikaw na nga ang nagsabing hindi nagbibiro nang gano'n si Maxwell. Meaning, hindi talaga niya alam na nandito ka."

Kahit ayaw ko ay nadagdagan ang pag-asa ko sa kaniya. Magsasalita na sana ako nang mangibabaw sa pandinig ko ang tinig ng chief nurse. Mabilis pa sa hangin akong kumilos at nagbutingting ng kung ano-ano sa medicine cabinet.

"We are two hundred and eight health care providers, docs," anang chief nurse, noon ay kahihinto lang nila pabalik sa station.

Sa gilid ng mga mata ko ay hinanap ko si Maxwell ngunit tanging sina Randall at Keziah ang naaabot ng paningin ko.

"Hmm, ang dami," si Keziah ang sumagot. "Mukhang matatagalan kami rito. Kasi honestly, ang sinabi sa 'min ay nasa hundred and fifty lang kayo. But it's okay, no problem."

Gano'n na lang ang panlalaki ang tainga ko. Magtatagal sila rito...saan naman kaya sila tumutuloy? Magkasama kaya sila ni Keziah sa room? Umiling ako. Hindi gano'n si Maxwell...

Nagpapanggap lang akong may ginagawa pero ni isang gamot ay walang hinahawakan sa takot na mailagay 'yon sa kung saan. Wala akong pakialam kung mangalay ang kamay ko sa katataas niyon kung saan na animong may inaabot. Kahit na ang totoo ay wala naman akong ginagawa.

"Magsisimula kami ngayong together with some of your doctors," ani Randall. "Para hindi naman kami masyadong magtagal."

Nakagat ko ang labi sa inis. Gusto kong singhalan ng tingin si Randall. Pero hindi alam kung bakit nararamdaman ko ang tingin ni Maxwell sa 'kin. Wala naman akong kasiguraduhan doon.

"Tomorrow, sisimulan namin mag-seminar sa nurses," dagdag pa niya.

"Nahati na namin sila sa kani-kaniyang batch,"anang chief nurse. "Pasensya na, doc. Hindi kasi pwedeng magsabay-sabay ang nurses bawat area."

"Yeah, of course, we understand," ani Randall. "Tatlo naman kami so kaya naming mag-seminar sa tatlong batch sa loob ng isang araw."

Nanlaki ang mga mata ko. Saang batch kaya ako? Hindi ko na nabalikan ang registration namin ni Katley. Gusto ko na namang magsisi dahil hindi ko 'yon inintindi. Gano'n na lang katindi ang pag-iisip ko kung mapupunta ba kami ni Katley sa batch na hahawakan ni Maxwell.

"Let's go downstairs?" anyaya ng chief nurse.

Awtomatiko akong napalingon sa kanila, deresto kay Maxwell, dahilan para masalubong ko ang titig niya. Napalunok ako. May kung anong haplos na idinulot 'yon sa puso ko.

Maxwell...

Gusto kong sabunutan ang sarili ko nang maramdaman ang kagustuhang takbuhin siya at yakapin.

Ako agad ang bumawi ng tingin nang maramdaman ko ang paglingon ni Keziah. "Why don't you join us for dinner, Yaz? Let's catch up."

Umawang ang labi ko. Susunduin ako ni Rembrandt. "I'll...call you later, Keziah."

Ngumiti siya. "Okay."

"Dadaanan ka namin mamaya," ngisi ni Randall saka sinulyapan si Katley. "Your friends can join us too."

"Hala," reaksyon ni Katley, humihinga pa pala siya.

"See you," ani Randall saka nangunang umalis.

Muling nagtama ang paningin namin ni Maxwell ngunit siya na ang unang kumalas niyon at sumunod sa mga kasama.

Gano'n na lang katindi ang kaba ko. Nang marinig kong nakaalis na ang elevator ay saka ako lumapit kay Katley. "Paano na? Susunduin ako ni Rembrandt mamaya."

"Giatay!" asik niya. "Paano na 'yan?"

Nasabunutan ko na naman ang sarili ko sa pagkalito. Ngunit nag-ring ang telepono at umilaw kung saang mga kwarto nagmumula iyon. Sinagot iyon ni Katley habang kumilos naman ako para puntahan iyon.

Nang sandaling iyon ay awtomatikong naging abala ang shift. Mabuti na lang at nangyari 'yon nang makabawi-bawi ako sa katinuan. Kung nagkataong nangyari 'yon nang nagwawala ang sistema ko ay paniguradong katapusan ko na.

Hagod ni Katley ang sariling tiyan nang maupo sa tabi ko matapos ang nakakapagod na shift. Kailangan naming hintayin ang mga susunod na nurses para makapag-endorse. Sa unang pagkakataon ay hindi ako makahintay na dumating ang mga ito. Samantalang nasanay ako na nag-e-extend ng ilang mga minuto. Ang totoo ay sanay naman kami ni Katley sa sobra-sobrang oras ng pagdu-duty kapag kinakailangan.

Palibhasa ay alam kong makikita ko ulit si Maxwell mamaya ay hindi na ako makahintay.

Gano'n na lang kabilis ang paglingon ko sa elevator nang tumunog 'yon. Napatayo ako nang marahan iyong bumukas ngunit hinila ni Katley ang kamay ko upang mapaupo.

"'Wag mo naman ipahalatang excited ka," asik niya.

Pero hindi ang mga inaasahan ko ang sakay niyon kundi mga nurses na siyang kapalitan namin.

"May schedule na," ani Rachelle. Inilapag niya ang bag sa lockers saka pumuwesto sa likuran ko. "Endorsement na, guys!" tawag nito sa mga noon ay nakipagdaldalan pa.

Nagmamadali man ay naglaan ako ng oras sa endorsements sa takot na may makaligtaan doon. Lahat kasi ng ginawa sa pasyente at gagawin pa ay ineendorsyo sa susunod na magdu-duty. Araw-araw ginawagawa iyon ng lahat ng nagpapalitan ng shift. Walang nakakalimot doon.

"Ang sabi ni Doc Randall ay pupuntahan nila tayo rito, dito na lang tayo maghintay. Tulungan ko si Rachelle mag-ayos ng charts," ani Katley.

"Hmm, Yaz? You're done?" iyon agad ang bungad ni Keziah nang tawagan ko.

"Yeah," iyon lang ang sagot ko.

"We're on our way up." Iyon lang at ibinaba niya na ang linya.

Awtomatiko akong kinabahan saka hinarap si Katley.

"Anong sasabihin ko kay Rembrandt?"namomroblemang sabi ko nang matapos ang pag-aayos sa mukha.

Pareho na kaming naghanda sa pag-alis. Naglagay ako ng powder sa mukha at kaunting liptint. Hindi ko pa maaaring ilugay ang buhok ko sa area na 'yon at naisip na mamaya na lang gawin 'yon.

"Nah! Ano ngang sasabihin mo?" nag-aalalang tugon niya.

"Hindi ko rin alam," nakagat ko ang sariling daliri.

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang tumunog ang elevator at iluwa sina Randall, Keziah at ang huli, si Maxwell.

"Let's go?" anyaya ni Randall.

Gano'n na lang nila naagaw ang atensyon ng nurses na naka-duty dahilan para magkaroon ng kaunting ingay. Natawa si Randall at inutusang kumalma ang lahat.

Nagtutulakan kaming makalapit ni Katley, sa huli ay nagtagumpay siya. Naitabi niya ako kay Randall dahilan para bahagya ko itong madunggol. Natatawang sinulyapan ni Randall ang sariling braso saka iyon iniakbay sa 'kin.

"So, where are you taking us, Yaz?" bahagya niya akong sinakal papalapit sa kaniya.

Kabaliwan man ay hinintay kong mag-react si Maxwell sa ginawa ni Randall pero nabigo ako. Gustuhin ko man ay hindi ko magawang lingunin siya sa likuran. Ayaw kong hiyain nang ganoon ang sarili ko.

"What do you want for dinner?" pabuntong-hininga kong tanong.

"Show me what you got," nakakaloko ang ngisi niya, deretsong nakatingin sa akin.

Nakangiwi kong inilayo ang sariling mukha. Babaero!

Pero bago pa ako maka-react ay may tumama na sa likuran ni Randall. Dahilan para tatawa-tawa itong lumingon kina Maxwell at Keziah.

Sadly, si Keziah ang gumawa niyon sa kaniya. "Tara na," iling nito.

"May CCTV camera pala akong baon," biro ni Randall.

Gano'n na lang ang gulat ko nang tumunog ang cellphone ko pagkalabas namin ng elevator. Nagpahuli ako sa paglalakad upang masagot 'yon.

"I'm outside," ani Rembrandt.

Napapikit ako. "I'm on my way there."

Hindi ko na malaman ang gagawin nang putulin ang linya. Nahila ko ang kamay ni Katley na parang tutulo na ang laway sa katitingin kina Randall at Maxwell.

"Ano ba?" asik niya.

"Nandiyan na si Remrandt, anong gagawin ko?"

"Patay ka diha!" nakamot niya ang ulo.

Bago pa man may makapagsalita sa amin ulit ay natanaw ko na si Rembrandt na papasok sa hospital. Nagmadali akong naglakad upang maunahan sina Maxwell, Randall at Keziah ngunit huli na ang lahat.

Naroon na si Rembrandt sa kanilang unahan at nasaksihan ko silang magtitigan ni Maxwell.

"Maxwell," ngiti ni Rembrandt.

"Hmm," iyon lang ang isinagot ni Maxwell.

"It's been a long time," kaswal na ani Rembrandt.

"Yeah, it is," ngiwi ni Maxwell. "I actually forgot your name."

Umawang ang labi ko. Hambog!

Nakonsensya ako nang mabasa ang pagkapahiya at pagkainsulto ni Rembrandt. Gusto ko namang tadyakan si Randall sa palihim na pagtawa nito.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji