CHAPTER 42


CHAPTER 42

PUNO AKO ng sama ng loob nang tawagan si Zarnaih, sapo ang noo at panay ang iyak, ganoong-ganoon sa mga desperadang babae sa palabas. Nakailang ring na pero hindi pa rin niya iyon sinagot. Naisip kong baka naroon pa sila sa show kung live man iyon.

Si Maxpein ang sumunod kong tinawagan. Pero dalawang ring pa lang ay kinansela niya na ang tawag ko.

Damn it!

Tumitig ako sa pangalan ni Maxwell sa cellphone ko. Bago ko pa mapigilan ang sarili ay tinawagan ko na siya. Pero gaya ni Maxwell, matapos ang dalawang ring ay kinansela niya ang tawag ko.

Fuck!

Napatitig ako sa screen ng TV. Gano'n na lang ang galit ko pero nalusaw 'yon nang gumuhit ang sakit sa aking dibdib.

Please, sabihin mong hindi 'to totoo, Maxwell. Sabihing mong hindi 'to totoo!

Magdamag na naman akong umiyak. Hindi ko na naman nagawang kumain. Hindi na naman ako makausap ng mga magulang ko. Nahinto lang 'yon nang tumawag si Zarnaih nang madaling araw.

"Hello, Zarnaih," ngali-ngali kong sagot. "Sila na ba, ha?"

"Hello, ate?"

"Sagutin mo 'ko, sila na ba?"

"Ano ba'ng sinasabi mo diyan?"

Inis kong inihilamos ang mga kamay ko sa mukha saka sinabi sa kaniya ang nangyaring pagpatay ni mommy sa TV.

"Now, tell me, sila na ba?"

"Hindi ako sure, ate," may lungkot sa tinig niya.

Fuck! "So, ano na lang ako, Zarnaih?"

"Ate..."

"Ang sabi niya space lang, Zarnaih..."umiiyak na sabi ko, sobrang sakit no'n. "Ang sabi niya pareho naming kailangan 'yon."

"Ate..."

"Pero bakit naghanap agad siya ng iba?"

"Hindi ko alam kung paanong sasagutin ang mga tanong mo," nag-aalalang aniya.

"I hate him!" gilalas ko.

"To be honest, wala naman ako sa Palawan, kaya hindi ko alam kung anong ganap nila doon. Pero ayaw kong magsinungaling sa 'yo, ang sweet nila sa isa't isa. Lalo na si Keziah."

Umiling ako nang umiling. Gustuhin ko mang magsalita ay naiyak na lang ako sa sakit na naramdaman. Mas matindi pa yata ang sakit na iyon kaysa no'ng makipaghiwalay sa 'kin si Maxwell!

"Ate..." naroon ang awa sa tinig ni Zarnaih.

"Hindi ko lang matanggap kasi..." panay ang hikbi ko. "Zarnaih, hinihintay ko pa rin siya. Alam kong ang tagal na pero hinihintay ko pa rin siya, Zarnaih."

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon nagsusuntok habang umiiyak.

"Nasaktan ko siya pero...hindi ko matanggap na hanggang doon na lang kami, Naih. Umaasa akong magkakaayos kami. Umaasa akong babalikan niya ako. Hindi ko matanggap na bibitiwan niya ko sa gano'ng pagkakamali. Kasi 'yong pagmamahal na pinaramdam niya sa 'kin ay kayang higitan 'yon at sigurado ako ro'n! Ayoko," humagulgol ako sa pag-iyak. "Ayokong tanggapin, Zarnaih..."

"Gusto mo ba puntahan ka namin ni Zaydie diyan? Pwede naman kaming magbakasyon ni Lee."

Umiling ako nang umiling. "Si Maxwell ang kailangan ko, Zarnaih."

"Wow, ah? Makatanggi sa akoang offer?"

Damn it! "Zarnaih please tell me na hindi sila. Please..."

"Di ko kabalo, ate," bumuntong-hininga siya. "Ang alam ko ay sinamahan ni Maxwell na umuwi dito sa Laguna si Keziah. Hindi kami magkakasabay papunta doon sa show kanina. No'ng nandoon naman kami, tutok ako kay Lee. Napansin ko lang nga ang sweetness nila noong pinatawag na sa unahan si Maxwell. Hindi ko naman masabing palabas lang kasi magkakasama kami hanggang dinner, sweet pa rin sila..." pahina nang pahina ang boses niya, na para bang mababago no'n ang sakit na nararamdaman ko.

"So, hindi na 'ko mahal ni Maxwell, gano'n ba?"

"Hindi ko alam, ate..." kahit iyong sagot niya ay masakit para sa 'kin.

"Hindi niya na talaga ako mahal, gano'n ba?"

"Hindi naman ako ang makasasagot niyan, ate, eh."

"Bakit naging sila ni Keziah kung gano'n?"

"Ate, hindi nga ako ang makasasagot ng mga tanong mo. Kung gusto mo...tawagan mo si Maxwell. Mag-usap kayo," sa pananalita niya ay mukhang nakakaawa na talaga ang sitwasyon ko.

"Tinatawagan ko siya kanina..." humagulgol na naman ako. "He cancelled my call."

"Baka busy lang, ate..."

"Fuck his busyness! Ang sabihin niya, hindi niya lang talaga ako minahal!" iyon lang at ibinaba ko na ang linya.

Gano'n na lang katindi ang paghagulgol ko. Hindi ko talaga matanggap. Sa halip na masagot ang tanong ko ay lalo pa akong nagkaroon ng tanong sa isip. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko bang tinawagan ko pa si Zarnaih. Lalo lang akong nasaktan sa nalaman ko. Pero hindi ko rin alam kung ipagpapasalamat ba ang nalaman ko.

"Hoy, Yaz, baka naman malasing ka?"pinigilan akong tumungga ni Katley.

Humalakhak ako. "Kaya nga tayo nagpunta rito ay para malasing, Katley."

Agad ko siyang niyayang uminom kinabukasan. Hapon pa lang ay nasa bar na kami at umiinom.

"Paano tayong uuwi kung malalasing tayong pareho, buang ka."

Nagtawanan kami. "Gumapang na lang tayong pauwi, hindi ko pa naranasan 'yon,"halakhak ko. "Paano kasi...tutungga pa lang ako ng alak, nandoon na si Maxwell, pinipigilan ako."

"Ka-sweet ninyo, 'uy!" aniya na niyakap ang sarili at kinilig.

"Sobra, Katley..." 'ayun na naman 'yong sakit sa dibdib ko pero kakatwang naidaraan ko sa tawa iyon ngayon. "Kaso wala na..." Gumuhit ang mga luha ko habang nakangiti. "Hindi niya na ako mahalmali, mali, mali, mali. Hindi niya talaga ako minahal! 'Yon ang tamang sabihin!"

"Di mo syor, 'oy!"

"Sure ako, Katley," ngiti ko, pinipigilang maiyak saka muling tumungga ng alak. "Kaya pala hindi ako sinundan ng loko, meron nang bago!"

"'Di mo syor, Yaz!"

"Sweet daw sila sabi ng kapatid ko. Kailangan ko pa ba ng ibang patunay, Kate?"

Humugot siya ng hininga. "Hindi mo pa man narinig ang dahilan niya kaya di ka sure, okay?"

"At umaasa kang magpapaliwanag siya sa 'kin?" humalakhak ako nang matindi. "Isa siyang Moon, Katley! Samantalang ako, malandi lang," tumulo ang luha ko matapos sabihin 'yon.

Rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Katley. Tumayo siya at tumabi sa 'kin. Hinagod niya ang likuran ko.

"Yaz naman...maybe he has his reasons."

"Hindi ko maintindihan, Katley. Bakit hindi niya sinabi sa 'kin?"

"Kasi siguro..." bumuntong-hininga siya. "Break na kayo."

Awtomatiko ko siyang nilingon. "Hindi ko maintindihan na nag-girlfriend siya ng taong alam niyang pinagseselosan ko."

"Feeling ko talaga, hindi sila, friend."

"Sila na, Kate! Sila na!"

"Wala ka namang kasiguraduhan, ano ka ba? 'Wag ka munang mag-isip ng ganyan."

"Sweet na kaibigan si Maxwell pero hindi 'yon aabot sa punto na iisipin ng kapatid ko na sila na. Hindi siya gano'n, Kate!"

"Paano kung palabas lang?"

"Hindi nga raw palabas dahil nag-dinner na sila't lahat, sweet pa rin 'yong dalawa."

"Duh? Hindi lang naman sa television pwedeng mag-broadcast. Paano kung pinakita lang ni Maxwell 'yon sa kapatid mo para makarating sa 'yo na sila na?"

Sandali akong natigilan, naisip na may punto siya at posibleng tama 'yon. Pero lamang ang kutob ko at hindi ko pwedeng balewalain 'yon.

Umiling ako nang umiling. "Hindi gano'n si Maxwell. Hindi niya ugaling gumanti, Katley. Kaya malakas talaga ang kutob kong sila na!"

"Kapit lang, Yaz. Nasisiguro kong may dahilan ang lahat."

"May karapatan pa ba ako, Katley?" umiiyak ko na namang tanong.

Ang totoo ay alam ko ang mga sagot sa tanong ko. Ako mismo ay kayang sagutin ang mga 'yon. Pero sinasadya ko iyong itanong sa iba, sa pag-asang baka mas magustuhan ko ang sagot nila.

"For me, meron pa. Kasi hindi ka naman magkakaganyan kung alam mong wala na, 'di ba?" nagustuhan ko ang sagot ni Katley.

Pero gano'n pa rin ang pagluha ko. "Pero bakit niya ako pinagpalit?" humagulgol ako sa balikat niya. "Pinagpalit niya ako kay Keziah, Kate! Hindi ko tuloy maiwasang isipin na noon pa man ay may feelings na siya sa babaeng 'yon."

"To be honest, I don't how to answer your questions. Hindi ko rin alam kung ano ang ia-advice. Kasi feeling ko talaga, hindi sila, Yaz. I'm sorry," malungkot talagang aniya.

Napatitig ako kay Katley sandali saka siya niyakap nang mahigpit. "Thank you, Katley. I'm so lucky to have you," lumuha na naman ako. "Sa dami ng nakausap ko tungkol sa problema namin ni Maxwell, sa 'yo ko lang naramdaman 'yong pagdamay sa paraan na gusto ko. Sa 'yo ko lang naririnig 'yong mga sagot na gusto ko. Thank you so much, Katley."

"Pagsyor, 'oy! Parang wala nga akong naitutulong sa 'yo."

"No," lumuluha akong ngumiti. "Marami kang naitulong sa 'kin. Mula sa pakikinig hanggang sa pagsama sa 'kin dito, malaking tulong 'yon, Kate. You listened to me without judging me. Thank you. And sorry kung tinatawagan lang kita para iyakan, para pakinggan ang mga yawyaw ko."

Sandali kaming natahimik. Pinanood niya lang ang pagluha at magkakasunod na pagtungga ko.

"Pero pinagpe-pray ko talaga na sana ay magkatuluyan kayo, Yaz. Everyday 'yan, friend. Walang palya, cross my heart, hope to die!" aniya mayamaya na gumuhit pa sa dibdib at itinaas ang kanang kamay.

Natawa ako. "Hindi ba't kaya nga tayo narito at umiinom, dahil nakita ko siya sa television at sila na ng Keziah na iyon? Sila na, Katley, sila na!" Mukhang uulit na naman ako sa simula.

"Simbako!" kung ano-anong guhit sa dibdib na naman ang ginawa. "Pagsyur, 'uy! Hindi ka nga sigurado doon! To see is to believe, 'day."

Sumama ang mukha ko. "Hindi na ako magtataka kung maging sila nga. Una sa lahat ay break na kami ni Maxwell. Pangalawa, hindi malabong magustuhan niya si Keziah dahil parati silang magkasama. Matagal nang may gusto sa kaniya si Keziah. Nagustuhan niya nga ako sa paglalandi ko, ano pa iyong matinong babae na tulad ni Keziah?"

Kinuha ko iyong panibagong bote ng beer at deretsong tinungga at inubos ang laman niyon. Nasabi ko ang mga salitang iyon nang ganoon kaderetso pero ngayong naiisip ko na 'yon ay hindi ko na kaya.

"Pero sana sinabi mo sa akin kung anong channel nang nakita ko naman si choy!" asik niya, tinutukoy si Maxwell.

Naliliyo akong ngumisi ngunit hindi na nagsalita. 'Ayun na naman 'yong masamang pakiramdam na para akong maiiyak.

"Hindi niya talaga siguro ako minahal, 'no?" nagbaba ako ng tingin sa vodka.

Halo-halo na ang iniinom ko. Hard drinks ang in-order ko, beer naman ang kay Katley. Pero pareho ko nang iniinom ang mga iyon ngayon.

"Sinabi niya naman talagang hindi niya ako minahal. Pinaniwalaan ko lang na hindi iyon totoo. Siguro nga ay hindi niya ako mahal. Hindi niya ako minahal."

"Pagsyur, 'day! Basin sinabi na lang niya 'yon para i-hurt ang imong feelings, ana ba. May mga lalaki na ganyan kay importante sa iyahang pride and ego ba. YazWell forever, 'day."

"Katley, kapag mahal mo talaga ang isang tao, mas mahalaga dapat siya kaysa sa pride and ego mo."

"Mao jud," ngiwi niya. "Pero mataas naman talaga ang pride o ego ng lalaki, 'uy. Kaya 'wag kang sumuko, Yaz. Malay mo, kanang tini-test lang kayo ng fate ug destiny. Kaya dili ka dapat papatalo! YazWell forever!"

"Buang!"

"Besides, kung kayo talaga, kahit pa sino ang maging nobya niya, magkanobyo ka man, kayo pa rin sa huli. 'Di ba?"

"Kuyaw ba ni Katley, 'uy! Murag dili ta NBSB, ah?" inasar ko siya sa husay na mag-advice, akala mo hindi NBSB. "Paano mong nalaman 'yan?"

"Sikreto para bibo!"

"Pero nakakalungkot, 'no? Ngayon lang niya napatunayan kung hanggang saan lang ako sa kaniya," gano'n kakaswal kong sinabi 'yon pero matindi ang dulot no'n sa puso ko. "Hindi man lang ako sinundan. Psh."

Mukha na akong tanga sa kapapaulit-ulit ko. Umiikot lang ang topic namin, bumabalik nang bumabalik sa umpisa. Pero bilib ako kay Katley. Maski isang reklamo ay hindi ko narinig sa kaniya. Sa halip ay pinakikinggan at sinasagot pa rin niya ako nang walang sawa.

Sa halip na sagutin ay tinapik nang tinapik ni Katley ang balikat ko. Naglagay siya ng yelo sa sariling baso at nagsalin ng beer. Pinanood ko siyang inumin 'yon. Natawa ako nang ngumiwi siya matapos mapaitan doon.

"Hindi siguro ako deserving piliin, 'no?"mapakla kong sabi. "Noon si Rembrandt, ipinagpalit ako sa pag-aaral. Ngayon naman si Maxwell..." hindi ko madugsungan ang sasabihin. "Hindi ako sinundan."

"Magkakaiba naman kasi tayo ng priorities. Parang ako, single ako hanggang ngayon dahil hindi pagiging in a relationship ang priority ko. Kaya kahit gusto kong magkanobyo, kahit naiinggit ako sa iba, pinipigilan ko. Kasi alam kong hindi pa ako ready sa ganoong doble-dobleng priority. Hindi ko kayang i-handle."

"Iba kasi kapag nagmahal ka, Kate. Kahit hindi ka ready, susugal ka. Kahit may iba kang intindihin, mababalewala 'yon ng nararamdaman mo. Kapag na-in love ka, gusto mo parati ay maging kayo na. Kapag kayo na, ayaw mo nang humiwalay," malungkot kong sinabi. "Gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo."

"Sa tamang oras siguro." Nilingon ko siya nang maisip ang punto niya. "Tamang tao sa tamang oras, Yaz. Minsan kasi kahit na kaya mong gawin para sa isang tao ang lahat, kung wala naman sa oras, magbabago ang lahat."

"Hindi gano'n ang love, Katley," ngiti ko.

"Para sa 'yo," ngiwi niya. "Single ako pero na-in love na rin naman ako sa kababata ko. Gaya ng sinabi mo ay hiniling ko rin na maging kami. Sa huli, natiis ko. Mas kailangan kong intindihin ang dialysis ng tatay ko."

Tama si Tita Heurt, magkakaiba talaga ang tao. Katulad na lang namin ni Katley ngayon. Kahit gaano ang napagkakaisahan naming usapan, may mga parte pa rin na hindi kami magkaintindihan. May mga bagay na hindi kami iisa ng sinasang-ayunan. May mga pagkakataong taliwas ang intindi namin sa mga iyon.

Ngunit hindi iyon dahil sa tama siya o tama ako, hindi dahil sa mali siya o mali ako. Walang tama o mali sa aming pareho dahil magkaiba kami ng pang-intindi, magkaiba kami ng opinyon, magkaiba kami ng paniniwala.

"Paano kaya kung magkita ulit kayo, 'no?"mayamaya ay aniya, 'ayun na naman sa kilig na nararamdaman.

Natawa ako. "Malabo na 'yong mangyari. Ang layo-layo namin sa isa't isa." Nagbaba ako ng tingin sa vodka at muling lumaghok.

"Paano kung puntahan ka niya?"

Natigilan ako at napaisip. "E, di nagkita kami."

"Kaya mo siyang harapin?"

"Oo naman."

"Paano kung makipagbalikan siya?"

"Paano niya 'yong gagawin kung hindi niya ako nga ako minahal? Paano niya 'yong gagawin kung may mahal na siyang iba?"

"'Wag mo ngang ipilit na may mahal na siyang iba kung hindi mo kayang tanggapin! Isipin mo lang na ikaw pa rin ang mahal niya! 'Yon ang mangyayari, sure ko." Gusto kong umiyak pero napangiti ako sa sinabi niya. "So, hindi ka makikipagbalikan?" dagdag niya.

"Bakit ako makikipagbalikan? Saka I don't think makikipagbalikan pa ang isang taong hindi ka na mahal o hindi ka talaga minahal."

"Buang man diay ka!" asik niya, natawa ako. "Wala ka namang patunay na hindi ka niya minahal."

"Kung mahal niya ako ay susundan niya ako, Kate. Hindi 'yong patatagalin niya ng ilang buwan 'yong paghihiwalay namin."

"So, i-judge mo na lang siya na ganito-ganyan siya kasi hindi ka pinuntahan?"

"Why not? He can't expect me to just...wait, 'no! Natural na mag-isip ako ng ganito kasi binibigyan niya ako ng reasons para mag-isip ng ganito. Gets mo ba 'ko?"

"Fine, mag-overthink ka kung iyon ang gusto mo. So, hindi mo na talaga babalikan? Dawbi, hindi mo na mahal?"

Natigilan ako at napanguso. Kailangan ko pa ba iyong itanong sa sarili ko? Kailangan niya pa bang itanong 'yon gayong nasasalamin niya naman sa 'king mahal ko pa si Maxwell.

Ni hindi nga ako maka-move on hanggang ngayon. Baka nga sa isang text o tawag lang ni Maxwell, magmakaawa pa akong balikan niya. Gano'n ako kababaw, gano'n ako kadesperada, gano'n ako magmahal.

"Ano?" nakangiwi niyang dagdag. "Hindi ka makasagot?"

"Eh, kasi..."

"Madali sa 'ting magbitiw ng salita kapag dehado tayo, Yaz," matamlay na aniya, naliliyo, paniguradong lasing na.

Ngumuso ako. "Oo nga."

"Pero kapag nandiyan na, wala naman tayong magagawa." Humalakhak siya. "Lalo na kung mahal pa rin natin."

Nagpapadyak ako kasi tama ang sinabi niya. "Nakakainis!"

"Psh! For sure kung magkita kayo ay babalikan mo pa rin siya."

"Hindi na, 'uy!"

"Cross your heart?"

Natigilan ako. "Hindi na talaga!"

"Hope to die?"

"Ewan ko talaga sa 'yo, Katley!"

"Ayaw pag-ana-ana, Yaz, ayaw na pagyawyaw ba kay mahal pa man ka. Ikaw na nga ang nagsabi, kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat. E, di tanggapin mo pa rin kung mubalik. Kahit na umiyak ka, kahit na nasaktan ka, kahit hindi ka sinundan, kay mahal mo pa man siya. YazWell forever!"

"For now, i-prepare na lang muna imuhang self, be a better person, love yourself first, ana. You also need that, Yaz," dagdag pa niya.

"I know."

"Para kapag naay comeback ang inyong love team...kaya mo na ulit siyang mahalin nang buo. Kanang kaya mo nang tanggapin 'yong imperfections and everything niya imbes na balewalain or i-oversee lang. Kanang kaya mo nang sabihin sa kaniya na hindi lang dapat ganito ang ma-receive kong feelings mula sa 'yo, choy! Deserve ko buong earth!"

"Paano kung sila na ni Keziah?"

"Kung mahal mo pa, hihintayin mo, hindi ba?"

"Hindi ba parang dehado naman ako ro'n?"

"O, sige, para dili ka madehado i-change na lang atoang plans," inis, sarkastika niyang tugon. Natawa ako. "Ikaw na nga ang nagsabing mahal mo pa, 'di ba? Kung mahal mo pa, tanggapin mo. Kung hindi na, tanggihan mo. As easy as that, Yaz. 'Sus."

"Nakakainis ka naman, e!"

Humalakhak siya. "If I were you, mag-apply ka na lang sa 'min para may pagkaabalahan ka. Hindi 'yong siya lang ang busy."

"Fine."

Nagulat siya. "Sure ka diha?"

"Oo na nga!"

"OMG!" tumayo siya at niyakap ako. "Promise ipag-pray ko parati na magkatuluyan kayo ni Maxwell. YazWell forever!"

"Gusto mong makilala si Maxwell?"natatawa kong tanong.

"Oo naman, 'no!"

"Baka maging crush mo!" labi ko.

"Buang! Ipag-pray ko sa 'yo tapos i-crush ko? Pagsyor!"

Natawa na naman ako. "Paano kung ma-meet mo siya, anong sasabihin mo?"

"Hmm," nag-isip siya kunyari. "Akong isulti sa imong uyab kanang...ayaw ka problema, 'dong! Ayaw ka problema kung dili ka maiyaha kay para man ka sa akoang friend!"

Humagalpak ako ng tawa. Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng pag-iyak ko, sa ganoong pamumugto ng aking mga mata, magagawa kong tumawa. Lahat 'yon ay dahil kay Katley. Kaya ang simpleng hiling niya, pagbibigyan ko nang buong puso. Gano'n akong kaibigan.

Nang sumunod na araw rin ay ipinasa ni Katley ang papers ko sa hospital nila. Ilang araw lang ang nakalipas ay tinawagan na ako. The following week, nagsimula na uli akong magtrabaho.

Hindi madali pero kakatwang nag-e-enjoy ako. Kung alam ko lang na malilibang ako nang ganoon, kung alam ko lang na talagang mada-divert ang atensyon ko, noon pa lang ay bumalik na ako sa trabahao.

Siguro nga ay si Maxwell ang dahilan kung bakit ginusto kong mag-nurse. Pero naipagpatuloy ko iyon nang mahalin ko. Na-miss kong ma-rotate sa napakaraming areas.

"Ay, kapoy!" angal ko nang matapos ang shift namin ni Katley. "Katulugon na ko!"

Tatawa-tawa niya akong nilingon. "Sabi ko sa 'yo, kulang kami sa nurse. Imagine this area no'ng wala ka pa," aniyang inginuso ang buong ward.

Inalis ko ang pagkakatali ng buhok ko at ibinuhaghag 'yon, hinihiling na mabawasan ang sakit ng ulo.

"See you tomorrow, Katley," lumapit ako at niyakap siya.

"Drive safely," aniya na lumapit sa sariling sasakyan.

Nagngitian pa kami bago sumakay sa kani-kaniyang kotse. Nagbusinahan din kami nang lumiko sa magkaibang destinasyon.

Nasapo ko ang ulo nang hindi pa man nag-iinit ang puwit ko ay nahinto na ako sa traffic. Inis kong tinapik ang player para kanta ang marinig ko imbes na busina ng mga sasakyan.

When you're next to me

I can see the greatest story

Love has ever told...

Natigilan ako at marahang nilingon ang player. Nakagat ko ang labi ko upang mapigilan ang pangingilid ng aking mga luha. Pero hindi ako nagtagumpay.

Now my life is blessed

With the love of an angel

How can it be true?

Somebody to keep

The dream alive

The dream I found in you...

Napapikit ako at lalong nasapo ang aking noo.

Maxwell...

Ilang buwan pa ba ang kailangan ko para hindi makaramdam ng sakit? Hanggang ngayon ay ramdam kong hindi ko pa rin tanggap. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako kahit anong tanggi ko. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ko kahit paulit-ulit pa akong masaktan.

"Ay, kigwa!" napatalon ako nang bumusina nang malakas ang truck sa likuran ko. Noon ko lang napansing GO na pala.

Mas naramdaman ko ang pagod nang maiparada ang sasakyan. Hindi pa man ako nakababa ay napansin ko na ang sasakyang naka-park sa labas ng bahay. Hindi 'yon pamilyar sa 'kin kaya naman gano'n na lang ang pagtitig ko doon nang malapitan.

Maxwell...

Napatingin ako sa bahay namin saka nagmamadaling pumasok doon. Halos takbuhin ko ang pintuan upang makapasok agad.

"Oh, Yaz is here," si daddy ang sumalubong sa 'kin.

Sa halip na sagutin siya ay dumeretso ako sala upang tingnan kung tama ang aking hinala. Pero gano'n na lang ang panlulumo ko ng iba ang aking makita.

"Rembrandt..." mapakla kong sambit.

Awtomatiko siyang tumayo nang makita ako. Lalo pang lumaylay ang mga balikat ko nang makita siyang pulutin ang bungkos ng rosas. Sa mesa ay naroon ang iba't ibang klase ng mamahaling tsokolate.

Nasapo ko ang sentido saka hinilot-hilot iyon. "What are you doing here?"

"Good evening, Yaz," maganda ang kaniyang ngiti. "Binisita lang kita. Hindi mo man lang sinabi sa 'kin na nakabalik ka na."

Dahil si Katley lang naman ang dapat makaalam. Hindi ko na isinatinig ang naisip. Sa tagal kong namalagi roon ay umiyak lang naman ako at nagkulong sa kwarto. Nang magdesisyon naman akong lumabas ay si Katley lang ang ginusto kong makita.

Gusto kong itanong kung paano niya nalamang narito na ako. Pero dahil nagtatrabaho ako sa ospital ay hindi ko na dapat ipagtaka iyon. May mga schoolmates kaming doon din nagtatrabaho, hindi man siya close sa mga iyon.

"Maupo ka," sabi ko na isinenyas ang couch.

Naupo ako sa harap niya. Gano'n na lang ang pagkapahiya niya nang hindi ko tanggapin nang ilahad niya ang bulaklak.

"Pakilagay na lang sa table, please. Sorry, I'm tired, Rembrandt." Bumuntong-hininga ako. "So, what are you doing here?"

"Yaz," ngumiti siya. "Alam mo naman, 'di ba?"

Pinigilan kong umirap. "Ang alin?"

Bumuntong-hininga siya. "Alam kong...wala na kayo ng doktor na 'yon."

"Maxwell ang pangalan niya."

"Fine," muli siyang bumuntong-hininga. "I heard you broke up."

"Sa iisang tao ko lang ikinuwento 'yon, paanong nakarating sa 'yo?" Ayaw kong paghinalaan si Katley.

"Mommy mo ang nagsabi sa 'kin."

Kumunot ang noo ko at gano'n ko kabilis na hinanap ang mommy ko ngunit mukhang nasa kusina ito. Nagulat at nainis man ay hindi ko makuhang magalit kay mommy.

Bumuntong-hininga ako. "So, what?"

"Yaz," pinilit niyang ngumiti, naghahalo ang hiya niya at alinlangan.

"Look, Rem, if you're thinking na makikipagbalikan ako sa'yo dahil hiwalay na kami, please..." iniharap ko ang palad sa kaniya. "Siya pa rin ang mahal ko."

Nakita ko nang rumehistro ang gulat, panghihinayang at lungkot sa mukha niya. "Hindi ako hihinto, Yaz."

"That is not your decision, Rem. I'm asking you to stop and you have to stop now. Hindi na tayo magkakabalikan."

"Give me a chance, Yaz."

"How?" inis kong tugon. "Hindi pa ako nakaka-move on kay Maxwell and I don't may pag-asa pa 'kong mag-move on. I love him so much, Rem. Gusto kong irespeto ang nararamdaman mo pero wala akong ibang way para mapatigil ka."

"Yaz, mahal pa rin kita," emosyonal niyang sinabi.

Bigla ay natigilan ako, hindi dahil sa kaniya o sa sinabi niya, kundi sa sarili kong damdamin. Ganoon din ang nararamdaman ko kay Maxwell habang ako ay ganito na nararamdaman kay Rembrandt. Naisip ko lang...paano kung ang nararamdaman ni Maxwell para sa akin ngayon ay tulad nang nararamdaman ko kay Rembrandt?

Fuck... Nangilid ang mga luha ko sa sariling isipin.

"Sa reaksyon mo ngayon ay nasisiguro kong mahal mo pa rin ako, Yaz," ako ang kinilabutan sa sinabi ni Rembrandt.

"I'm sorry, may naisip lang ako."

"Stop fooling yourself, Yaz," nakikiusap ang tinig niya.

Umawang ang labi ko. "Mali ang intindi mo, Rembrandt."

Tumitig siya sa 'kin. "Hindi gano'n ang nababasa ko sa mga mata mo."

Darn! Paano ko ie-explain ngayon ang side ko? Wala talaga siyang kinalaman sa naramdaman ko. "Si Maxwell ang iniisip ko, okay?"

"Hanggang kelan mo lolokohin ang sarili mo, Yaz? Hanggang sa mawala ang feelings ko?"

Gano'n na lang ang paghugot ko nang malalim na hininga. Pero imbes na maibuga 'yon ay luha ang nailabas ko.

"Sana nga gano'n na lang kabilis mawala 'yong feelings, 'no? Sana kaya ko na lang ibaling 'yong nararamdaman ko." Hindi ko na napigilan ang lumuha. "Sana kaya ko na lang tanggapin na wala na talaga. Sana kaya ko na lang nang wala siya."

"Yaz..." tumayo siya at akmang lalapit sa 'kin. Sa isang kumpas ko ay natigilan siya.

"Go home, Rembrandt, please," pakiusap ko. "Pagod ako galing sa trabaho."

"Pero..."

"Please," sinsero kong pinakiusap. Tiningnan ko siya sa mga mata at bahagyang ngumiti. "I'm so sorry, Rem. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero...hindi ko na kayang suklian 'yan."

Masakit para sa 'king sabihin 'yon hindi dahil sa presensya ni Rembrandt. Kundi sa takot na marinig ko iyon mula kay Maxwell.

To be continued. . .

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji