CHAPTER 41


CHAPTER 41

"ZAIMIN YAZ, hija? Lumabas ka naman, anak. Nag-aalala na si mommy sa 'yo, e," nangibabaw ang nagmamakaawang tinig ni mommy sa labas ng aking kwarto.

Hindi niya ako sinundan, mommy...

Isang linggo na siyang ganoon, nakikiusap na lumabas ako. Walang oras sa bawat araw na hindi siya nakiusap. Walang sandaling hindi niya ako hinahatiran ng inumin at pagkain. Ngunit tubig ang madalas kong tanggapin, bukod sa biskwit sa t'wing hinihilo ako ng gutom.

Hindi siya sumunod sa 'kin...

Wala na talaga akong pag-asang mabuhay. Mawala lang ang tinig ni mommy sa labas ng pinto ay paniguradong tutulo na naman ang mga luha ko.

Ilang araw na ang lumipas pero hindi niya pa rin ako pinupuntahan...

"Zaimin, anak," muling pakiusap ni mommy.

Pero hindi ko pa rin siya pinakinggan. Gaya ng mga nakaraang araw mula nang makabalik ako sa Cebu, umiyak lang ako.

Hindi mo na ba ako mahal, Maxwell?

Inilabas ko ang cellphone at pinakatitigan ang picture niya. Wala pa man akong naiisip ay tumulo na naman nang tumulo ang aking mga luha.

"How are you, Maxwell?"

Pakiramdam ko ay muli kong nakita sa isip kung paano siyang sumubsob sa dibdib ng kaniyang ama nang araw na 'yon. Maging ang paghagulgol niya ay biglang umalingawngaw sa pandinig ko. Ilang saglit lang ay humahagulgol na rin ako.

I miss you so much, baby... Umiiyak kong sabi.

I can't believe it. Hindi na ito ang unang beses na dumaan ako rito. Ang sabi ko ay kilala ko na ang sakit, pamilyar na sa 'kin ang lungkot, kaibigan ko na ang pagtitiis. Pero hindi pa rin pala. Nagkamali na naman ako nang ganoon ang isipin ko. Dahil lahat sa nararamdaman ko ngayon ay bago. Higit na mas masakit ang lahat ngayon, hindi mapantayan ng nakaraan.

"Zaimin Yaz, si mommy mo ito, labas ka na, anak, hmm?" hindi talaga nagsasawa si mommy. Kinabukasan lang ay 'ayun na naman siya.

Pero gaya kahapon at nang mga nakaraang araw, hindi ako tumugon. May susi naman siya sa kwarto ko pero inirerespeto pa rin niya ang kagustuhan kong magkulong. Siya talaga ang pinakamapagmahal, pinakamaintindihan na nanay sa buong mundo.

Maxwell...hindi mo ba ako naiisip?

Luhaan kong iginala ang paninign sa kabuuan ng kwarto ko at muling napaluha nang maalala kung alin sa mga parte niyon ang may alaala ni Maxwell.

Maxwell...

Paulit-ulit na gumuhit ang mga luha ko. At bago pa ako makapag-isip nang bago ay magkakasunod nang tumulo ang mga iyon.

Ikaw lang ang laman ng isip ko, Maxwell...

Dumaan pa ang mga araw at linggo nang paulit-ulit lang ang takbo ng buhay ko. Ni hindi ko na namalayan ang dumaraang araw. Tubig na lang talaga ang bumubuhay sa 'kin. Pinaghihingalo ako ng kaiiyak ko.

Kung sakaling iniisip mo ako, mahal na mahal pa rin kita, Maxwell...

Pinipilit kong lumaban. Bumabangon ako para maligo at pinipigilang may maalala. Peor sa sandali pa lang na tumulo ang tubig sa buhok ko ay napakarami nang alaala ni Maxwell ang dumaraan sa isip ko.

Iisipin ko pa lang na magbasa ng libro, para maaliw ang sarili, humihikbi na ako. Ang katotohanang iyon ang unang minahal niya ay lalong dumudurog sa puso ko.

Nagbubukas ako ng TV, umaasang maagaw no'n ang atensyon ko. Ngunit kahit commercial ay iniiyakan ko.

Halos atakihin ako ng migraine katititig sa laptop, umaasang maaliw sa online shopping. Pero maski bilhin ko yata ang lahat ng designer clothes na dating kinaadikan ko, hindi ako makokontento.

Wala na talaga akong pag-asa. Gumuho na ang mundo ko at hindi ko alam kung paanong bubuuin iyon.

Hanggang sa isang araw ay natagpuan ko ang sariling tinatawagan si Maxwell. Kung paano kong nakita ang pangalan niya sa phone book ng cellphone sa kabila ng nanlalabong mga mata na dulot ng pagluha ay hindi ko alam.

"Maxwell please answer the phone," gano'n ako kadesperada, na maging telepono ay pinagmakaawaan ko.

Maxwell...

Gano'n na lang ang atungal ko nang matapos ang tawag nang hindi niya sinasagot. Hindi na ako umulit dahil agad akong nilamon ng kahihiyan.

I love you, baby, please come back to me...

Niyakap ko ang cellphone na para bang iyon na ang pinakamagandang alaalang naiwan niya sa 'kin. Bumaluktot ako sa kama at niyakap ang unan na ginamit niya noong naroon siya.

Even though it's been so long,

My love for you keeps going strong...

I remember the things that we used to do

A kiss in the rain 'til the sun shined through

I tried to deny it, but I'm still in love with you.

I miss you like crazy...

I miss you like crazy...

Ever since you went away,

Every hour of every day

"What the fuck?" malakas na sigaw ko nang mangibabaw ang klarong-klarong kanta sa pandinig ko. Dumadagundong ang malungkot na kantang iyon sa buong bahay, na para bang bawat kanto ay nilagyan ng sound system!

"Ano, ate?!" umalingawngaw ang makabasag-eardrum na boses ng kapatid ko. "Lalabas ka ba o ipasisira ko na 'tong pinto mo, ate!"

Nagugulat akong napabalikwas saka tumitig sa pinto ng aking kwarto. Zarnaih...

Akala ko ay hinayaan na lang ako ni mommy na magkulong nang hindi niya ako puntahan ngayong manananghalian na. 'Yon pala, narito ang megaphone na kapatid ko.

"Wala akong pakelam sa 'yo, ate!" bigla ay dagdag niya. "Sige, sirain mo 'yang pinto!" aniya na tila may inuutusan.

What the hell? Inis akong bumangon at tumakbo upang pagbuksan siya. "Ano ba?!" angil ko.

Sa takot ay nagtatakbo pababa ang houseboy namin na kasama ni Zarnaih.

Pinamewangan niya 'ko. "Ang pangit mo na nga, lalo mo pang pinapapangit ang sarili mo!" asik niya. "Anong drama mo, ate? Teenager ka?"

"What do you want?" inis kong sigaw.

"Feeling mo, makaka-move on ka sa pakulong-kulong mo diyan, ulikba ka? Bumaba ka ro'n, ate!"

"Aba," hindi ako makapaniwalang ganito siya kabastos magsalita sa 'kin ngayon. "Hoy, baka nakakalimutan mong ate mo 'ko, Zarnaih?"

"Oo, nalimutan ko na, ate!" dinuldol niya ang mukha sa 'kin. "Kakukulong mo, mukha ka nang kama! Hindi na kita makilala! Umayos ka nga, ate!"

Agad na gumapang ang init ng ulo ko pero sa halip na sigawan siya pabalik ay umiyak ako. "Palibhasa, hindi mo alam ang nararamdaman ko," luhaan kong sinabi. Sa isang iglap ay humagulgol ako. "Hindi mo alam ang pinagdaraanan ko."

"Gaga, ka paano ko malalaman, e nagkukulong ka nga? Ano, huhulaan ko na lang, ate?"

"I hate you, Zarnaih," hindi ako sinsero pero naiinis talaga ako. Wala siyang konsiderasyon sa nararamdaman ko.

"Ngayon napatunayan mo na kung sino talaga sa 'tin ang mas maganda? Ni hindi ko naranasang umiyak nang ganyan kapangit sa 'yo, ate. Hindi ka Marchessa! Ang pangit mo!"

"Ano ba, Zarnaih!" asik ko. "Will you please shut up? Naririndi ako sa'yo!"

Humalakhak siya. "Bumaba ka, may bisita ka."

Awtomatikong huminto ang mga luha ko. "Si Maxwell?"

"Ay, king ina," hindi makapaniwalang bulong niya, natakpan pa ang bibig. "Del Valle 'yon, ate," ngisi niya. "Hindi ugali ng Del Valle na maghabol sa babae. Sila ang hinahabol ng babae."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako bababa,"sabi ko na tinalikuran agad siya.

"Si Maxpein 'yon, king ina, ano? Hindi mo haharapin?" nagbabanta ang tinig niya.

Gano'n na lang kabilis ang pagharap ko. "Si Maxpein?"

"Oo, ate."

"Shit..."

"Shit talaga, ate."

"Oh, shit," nasapo ko ang noo.

"Oh, shit nga, ate," nakakarindi talaga ang bibig niya! Sinamaan ko siya ng tingin. "Mas mapapa-shit ka, ate, kapag tinagalan mo pa. Maiksi ang pisi no'n."

Damn it! Gano'n na lang katindi ang pagkabog sa dibdib ko. What am I going to tell her? Hindi ko napaghandaan iyon.

Sa ilang linggong lumipas, wala ni isang may koneksyon kay Maxwell ang nakausap ko. Wala ni isa sa mga iyon ang nangumusta. Habang ako, kararating pa lang dito ay tinawagan na agad si Tita Heurt upang ipaalam na ligtas ako.

Dahil pinangingibabawan pa ng pride ay hindi ko kinumusta si Maxwell nang sumunod na araw. Pero nang sumunod pang araw, hindi ko na agad kaya. Panay na ang pagtawag ko kay Maxwell at nang hindi niya sagutin ay si Maxrill ang tinatawagan ko. Maging si Keziah ay tine-text ko pero wala ni isa sa kanila ang sumasagot.

Gustuhin ko mang kausapin si Maxpein, kahit sa texts lang ay gano'n na lang ang aking takot. Si Zarnaih ang natatangging hanggang sa text messages ay parang naririnig ko ang malakas na boses. Daig niya pa ang jowa kung mag-text. Sunod-sunod na nga, maya't maya at mahahaba pa.

"She wants to talk to you, ate," dagdag ni Zarnaih nang hindi ako makasagot. "Ayusin mo ang sarili mo. Mukhang seryoso ang pag-uusapan ninyo."

Hinila ko si Zarnaih papasok saka ko isinara ang pinto ng kwarto. "Galit ba siya sa 'kin? I mean si Maxpein...galit ba siya sa 'kin?"

Ngumiwi si Zarnaih saka bumuga nang mahabang buntong-hininga. "Parehong kapatid niya 'yon, ate, e," muli pa siyang bumuntong-hininga. "Sige na, ayusin mo na ang sarili mo. Mas maganda kung kayo na lang ang mag-uusap."

"Natatakot ako, Zarnaih."

Ngumiwi siya. "Sasamahan kita."

Napatitig ako sa kaniya at bago pa man makakilos ay umiyak na ako payakap sa kaniya. "Thank you,"gano'n na lang ang takot ako. Na kinailangan ko pang magpasamang harapin ang kaibigan niya.

Hinintay ako ni Zarnaih na magngali-ngaling maligo. Iyon nga lang, mula pumasok ako sa bathroom hanggang sa pagbibihis at pag-aayos ay panay ang kuda niya. Siya lang talaga iyong nakilala kong hindi nangangalay ang panga kasasalita. Milagro na ngang talaga kapag namaos siya. Bata pa lang kami ay pwede nang maging speaker ito sa sobrang dada.

"Hindi naman siya galit sa 'kin, 'di ba?"umaasang bulong ko nang pababa na kami.

Umiling si Zarnaih. "Hindi, syempre. Si Maxpein 'yon, 'no."

"Talaga?" mukha akong timang. Narinig ko na ang gusto kong sagot, nangumpirma pa 'ko. Gano'n na nga lang talaga ang takot ko.

"Galit na galit lang," bigla ay bawi niya.

Nahampas ko sa braso si Zarnaih. "Nakakainis ka!"

"'Ayan, 'te! Ganyang-ganyan ka! Mabigat ang kamay mo!"

"Ayoko na," umatras ako.

"Hindi siya galit, amaw!"

"Natatakot ako kay Maxpein."

"Tuleg, kakausapin ka lang no'n."

Gusto kong mainis, wala na akong matanggap na maayos na salita mula kay Zarnaih. Noon pa man ay brutal nang magsalita 'to. Walang tumatagal na kaaway, dahil walang makatagal sa bibig niya. Para iyong gripo na tuloy-tuloy ang malakas na pagbuhos ng tubig oras na mabuksan.

Dahan-dahan kaming naglakad pababa na para bang hindi malakas ang pakiramdam ng Moon na 'yon. Gayong iyon ang higit na may pinakamalakas na pakiramdam. Hindi na ako magtataka kung sa paglabas pa lang ng aking kwarto ay ramdam na kami nito. Bukod sa paniguradong nadinig nito ang balyahan namin ni Zarnaih sa hagdanan.

'Ayun si Maxpein sa high chair na nasa kitchen island. Nakapandekwatrong pambabae at humihigip ng kape. Kaharap niya sina mommy't daddy na mukhang nakakatuwa ang ikinukwento. Gano'n na lang kaganda ang mga ngiti nila.

Nawala nga lang ang ngiting iyon nang magtama ang paningin namin ni Maxpein. Gano'n na lang agad ang kaba ko.

"Maxpein," gumaralgal ang tinig ko.

"Sinabi ko na, bababa 'yan kapag nalamang narito ka," sabi ni mommy na agad akong sinalubong ng yakap. "Zaimin Yaz," hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi at inayos-ayos ang maayos ko namang buhok. "Are you okay?"

Lumaylay ang mga balikat ko saka bumuntong-hininga. "No, mom," agad kong sagot. Saka ko muling sinulyapan si Maxpein. "It's nice to see you, Pein."

"Mm," tango nito saka inilapag ang tasa. "Sit."Utos niya.

Pabuntong-hininga akong sumunod, panay ang sulyap kay Zarnaih. Hindi ako iniwan ng pamilya ko. Pare-pareho kaming naupo sa harap ni Maxpein habang ito ay tila kinakapa pa sa sarili kung saan sisimulan ang usapin.

"You don't look good but...how are you, Yaz?"hindi ko inaasahang iyon agad ang itatanong niya. Pakiramdam ko ay narinig ko si Maxwell sa boses niya, gusto ko na namang maiyak.

Umiling ako. "Miserable?" patanong kong tugon saka mapait na ngumiti. Naipatong ko agad ang magkabila kong siko sa island at idiniin ang pmga mata sa parehong pulsuhan ko. "I don't know what do with my life anymore, Pein."

"Tss." Ramdam ko agad ang galit niya sa katiting na tunog na ginawa. "My brothers are...okay now,"balita niya. "Maxrill took some time off, visited Japan for a week. While Maxwell's well, dealing with his patients as usual."

Nagbaba ako ng tingin. He's okay now, Yaz...at hindi ka pa rin niya pinupuntahan. "Good for them,"malungkot kong tugon.

"So, ganyan ka na lang?" mapakla niyang tugon.

Humugot ako nang hininga. "I can't just be okay, Maxpein." Umiling ako nang umiling. "Alam mo kung gaano ko kamahal si Maxwell."

"Alam ko nga ba?" 'ayun na agad ang tipikal na ugali ng mga Moon. Hindi ko akalaing mararamdaman ko ang natural na angas niya sa pagpipigil ng galit. Ngayon lang nangyari ito.

"Pein..." nagbaba ako ng tingin, hindi ko na agad nasalubong ang mga tingin niya.

Tumikhim si mommy. "Zaimin Yaz," nag-aalala ang tinig niya. "Would you mind telling us what really happened, hija? Your dad and I have no idea, anak." Umiling siya nang umiling. "Pakiramdam ko ay hindi ko na nagampanan ang pagiging anak sa inyo."

"Mommy," hindi ko inaasahang iiyak siya.

Umiling nang umiling si mommy. "Hindi ko na alam kung ano ang pinagdaraanan mo, Zaimin Yaz. Anong klase akong ina? Hinayaan kio kayong manirahan nang malayo sa amin ng daddy ninyo. Nalaman ko na lang na mag-aasawa na si Zarnaih. Ngayon nama'y heto ka at..." hindi na napigilan ni mommy ang bugso ng damdamin.

"Magkwento ka kasi, ate," malungkot na ani Zarnaih.

Sa ganoong sitwasyon ng mga magulang ko, na nababasa ko ang magkakahalong lungkot, sakit at pag-aalala, nagkwento ako. Simula umpisa ay ibinahagi ko sa kanila. Wala yatang salitang lumabas sa aking labi nang hindi tumutulo ang luha ko. Lalo na nang iyong parte na ng hindi pagkakaunawaan namin ni Maxwell ang kinuwento ko.

Lalong naiyak si mommy. Pakiramdam ko, maging sila ni daddy ay na-disappoint sa akin. Hindi ko inaasahang magiging ganoon kasakit para sa akin na makita iyon.

"I'm so sorry," 'ayun na naman ang magkakasunod na patak ng luha ko.

Nadinig kong bumuntong-hininga si Maxpein, nakita ko siyang umiling. "Freaking freak," ngiwi niya sa 'kin. "It was just a freaking kiss but the thing is...they're brothers. And we both love our thirdborn more than ourselves, Yaz. Alam mo 'yon."

"I know you're mad at me, I'm really sorry, Pein. Pati ang tiwala mo ay sinira ko."

"Hindi sa ganoong bagay masisira ang tiwala ko, Yaz," hindi ko inaasahang sasabihin niya.

Napatitig ako sa kaniya. "Maxpein..."

"Kahit yata sa 'kin gawin 'yon ay maiintindihan ko. Kahit masaktan ako ay iintindihin ko," ngumiti siya sa kawalan. "Doon kasi ako nagmula, Yaz,"noon lang siya tumingin sa 'kin. "Sa pagkakamali."

Umawang ang labi ko at natulala sa kaniya. Magkakasunod muling pumatak ang mga luha ko. Hindi ko napigilang lapitan at yakapin siya.

"Thank you," humihikbi kong sabi.

"Magkaiba kami ng pag-iisip ni Maxwell,"mahina niyang sabi, hinahayaan lang akong yumakap at umiyak sa kaniya. "Iba ang nakaraan naming dalawa. Iba ang sitwasyon. Kaya iba ang paraan namin ng pagtanggap ng sakit."

"Pero sa pagkakakilala ko sa kaniya, hindi siya aabot sa puntong kamumuhian ka," batid kong nakangiti siya nang idagdag 'yon. "Tama 'yong binigyan mo siya ng oras, na lumayo ka. Kasi kung pareho ninyong ipinilit 'yon nang oras na 'yon ay baka magkaubusan kayong dalawa."

Yumakap sa akin si mommy saka pinunasan ang mga luha ko. "Everything's going to be okay, anak."Ganoon kasimple ang sinabi niya ngunit ramdam ko ang paninigurong mangyayari 'yon.

"Bakit naman kasi..." bumuntong-hininga nang pagkalalim-lalim si Zarnaih. "Bakit mo kasi hinalikan pa si Maxrill?" inis niyang singhal, para bang ganoon akong katanga sa isip niya. "Ang tanga-tanga mo, ate!" at 'ayun na nga ang bibig niya. "Hinalikan mo 'yong kapatid ng boyfriend mo tapos magso-sorry ka?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nag-sorry ako dahil nagkamali ako, Zarnaih. Dahil alam kong mali 'yong ginawa ko."

"Matapos mag-cheat, magso-sorry, gano'n na lang ba 'yon?" angil pa niya.

"Natural," hindi ko inaasahang sasagot si Maxpein. Gano'n na lang ang ngiwi niya sa kaibigan. "Anong gusto mo, hamunin niya ng suntukan para maiba naman?" inis niyang dagdag.

"Nagkamali ka talaga, ate!" hindi na talaga ako titigilan ni Zarnaih.

"Alam ko, kaya nga nag-sorry ako, 'di ba?" inis kong sagot. Hindi ako makapaniwalang nagsisigawan kami sa harap ng bisita at mga magulang namin.

"Pero hindi na no'n mababago ang sakit na idinulot mo sa imong uyab, 'oy! Maaaring sa 'yo sapat na 'yong mag-sorry, tatanggapin niya 'yon pero hanggang doon na lang, ate. Patatawarin ka niya pero hindi na uli magiging kayo. Umiyak ka na lang habang-buhay, ate."

"I really hate you!" angil ko nang kabahan ako sa sinabi niya.

Napakalakas niyang mambasag! Tumawa nang tumawa si Zarnaih.

Muli akong bumaling kay Maxpein. "Galit pa ba sa 'kin si Maxwell?" tanong ko.

Ngumiwi siya. "Tss. Hindi naman marunong magalit 'yon."

Parang hinaplos ang puso ko. Totoo niya, hindi marunong magalit si Maxwell. Nauubos ang pasensya niya, oo, madalas, mabilis, pero hindi umaabot 'yon sa galit. Maski nga sa mga Rewis noon ay pangiti-ngiti lang siya. Kahit doon sa Hwang na iyon, sahig pa ang inisip niya.

"Napatawad niya na kaya ako?" muling tanong ko.

Nag-angat siya ng tingin at maangas na tumitig sa 'kin. "Malalaman mo kapag nagkaharap uli kayo."

"Naku, ate," 'ayun na naman ang bibig ni Zarnaih. "Magharap daw kayo, ate!"

"Magkikita pa nga ba uli kami?" umaasang tanong ko, si Maxpein lang ang iniintindi.

"Kung pupuntahan mo siya, magkikita kayo,"ani Zarnaih, ayaw paawat ng bibig.

Sumama ang mukha ko. "Bakit ako ang pupunta sa kaniya?"

Umawang ang labi niya. "Kasi kung gusto ka niyang puntahan, no'ng unang araw pa lang na tumapak ka rito, sumunod na sana siya, ate. 'Wag ka ngang feeling! Hindi maghahabol sa iyo si Maxwell."

Bumuntong-hininga si Maxpein. "She's right,"tumingin siya sa mga halaman sa labas. "Hindi ka hahabulin ng kapatid ko. Kaya ka niyang kalimutan kung gugustuhin niya."

"Gagawin niya 'yon?" hindi makapaniwalang sabi ko.

Tumango si Maxpein. "Gagawin niya 'yon."

"Makakaya niya?"

"Kakayanin niya."

I can't believe it. "Kahit mahal niya ko?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Bahagyang tumango si Maxpein at ganon na lang ang sakit na idinulot sa 'kin no'n. "Kahit mahal na mahal ka pa niya." Malungkot na tumitig sa 'kin siya. "Ganoon si Maxwell," buntong-hininga niya. "At hindi siya magbabago nang dahil lang sa 'yo."

Umiling ako nang umiling sa umiyak nang umiyak. Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya. Meron sa kalooban ko ang nagsasabing mahal ako ni Maxwell at sigurado ako doon.

"Huwag mo hayaang dito matapos ang buhay mo, Yaz. Live your life," biglang nagbago ang tono ni Maxpein. "Ayaw ni Maxwell sa tamad. Magtrabaho ka." Tumawa siya.

Nagbaba ako ng tingin. "Hindi ko pa kaya."

"'Sus, kaya mo, ate, maarte ka lang talaga!"hindi pa rin talaga titigil si Zarnaih.

"Hindi pwedeng ganito ka na lang parati, Yaz. Hanggang kelan ka magkukulong sa kwarto at iiyak?" kunot-noong ani Maxpein.

"Hindi pa 'ko handa."

"Kung hihintayin mong maging handa ka, wala kang mapapala. Kailangan mong ihanda ang sarili mo."

"Saan?" wala sa sariling sabi ko.

"OMG, ate!" bunganga ni Zarnaih. Inis ko siyang nilingon. "'Yong pakiramdam na ang tagal niyong hindi nagkita tapos malalaman mo na lang...parating na pala siya?"

Nawala ang inis ko. Napatulala ako sa kaniya habang ini-imagine ang kaniyang sinabi. Parang hinaplos nang paulit-ulit ang puso ko, ang sarap no'n sa pakiramdam.

Napatitig ako kay Maxpein. Naisip ko ang biglaang pagbisita nito nang kasama pa ang mahaderang kapatid ko.

Knowing Maxpein...may dahilan lagi ang mga kilos niya. Hindi kaya... Napatitig ako kay Zarnaih at inalala ang huli niyang sinabi. Papunta na si Maxwell sa akin?

Hinayaan kong lamunin ako ng isiping iyon ng maraming araw, linggo at buwan. Natatagpuan ko ang sariling nasa ganoon pa ring sitwasyon. Hinintay ko ang aking sarili na sumuko.

"Hello?" nangibabaw ang tinig ni Katley sa kabilang linya.

"Kate..." mahina kong sambit.

"Kinsa ni?" nalilito ang kaniyang tinig.

Napangiti ako. "Si Zaimin ito."

"Zaimin Yaz Marchessa?" hindi makapaniwalang aniya. "'Oy, kumusta!" patili niyang sabi. "Na-miss kita! Bruha ka, kumusta ka na?"

"Pwede ba tayong magkita?" nakangusong alok ko na agad niyang tinanggap.

Kinabukasan, sa unang pagkakataon mula nang makabalik ako ng Cebu, nasinagan muli ako ng araw. Naramdaman kong muli ang preskong samyo ng hangin. Naroon pa rin ang bigat, hindi na yata talaga mababawasan iyon. Ngunit ang mahalaga ay humupa na ang aking pagluha.

"Where are you?" tanong ni Katley sa kabilang linya.

Pareho na kaming naroon sa mall at hinahanap na lang ang isa't isa.

"Magkita tayo sa dating tambayan," nakangiti kong sabi, ang tinutukoy ay ang restaurant kung saan din kami kumain ni Maxwell noong huli.

Gano'n na nga siguro ako kamartir. Na talagang pinili ko pa iyong mesa at silya kung saan kami naupo ni Maxwell noon. Sinadyang kong punan iyong silyang inupuan niya.

"Zaimin Yaz!" patiling pagtawag ni Katley.

Agad akong napatayo at sinalubong siya ng yakap. "OMG, Kate, you're so lovely!" Hindi ako makapaniwalang nagkita kami ulit.

"Nagtatampo ako sa iyo. Umuwi ka pa noong nakaraan, kina Marideth at Carol ka lang nakipagkita," labi niya.

"Sorry," sinsero akong ngumiti.

"Dugayang panahon wala ta nagkita, bi! Napakaganda mo pa rin!"

Nangiti ako. "Ikaw rin naman!"

"Balita ko ay ipinakilala mo sila sa uyab mo? May uyab naman pala, kaya ang ganda-ganda. Alagang-alaga!"

Muling gumuhit ang lungkot sa mukha ko. "Oo."

"Gaga ka! Ang gwapo raw ng boyfriend mo! Ipakilala mo naman sa akin 'yan!"

Sa halip na sumagot ay muli ko siyang niyakap. "I missed you so much, Kate."

"I miss you, too." Sandali pa kaming nagyakap saka um-order at naupo.

"Break na kami, e," doon ko sinimulan ang kwento.

Idinetalye ko kay Katley ang buong kwento namin ni Maxwell. Sinimulan ko iyon noong maghiwalay kami ng ex-boyfriend kong si Rembrandt. At tinapos ngayong magkasama kami. Mabuti na lang talaga at kilala kami ng may-ari ng shop. Kilala na kami nito sa matagalang pagtambay. Dahil maaga man kaming nagkita ni Katley, inabot naman kami ng hapon sa haba ng aking kwento.

"Nakakaiyak naman," lumuluha talagang aniya nang matapos ang pakikinig.

Hindi ko napigilang matawa nang panoorin ko siyang punasan ang sariling luha.

"Nakakainis naman, hindi ko man lang nakilala. Siguro ay bagay na bagay kayong dalawa, ano? Grabe, sa kwento mo pa lang ay parang napakagwapong nilalang naman niyang boyfriend mo."

"Sobra, Katley," nag-i-imagine pang sabi ko.

Hindi ko akalaing hanggang sa sandaling iyon ay hindi ako makapaniwalang nahalikan ako ng ganoon kagwapong nilalang. Hindi pa rin ako makapaniwalang naabot ko si Maxwell. Si Maxwell na mas mataas pa sa mga ulap. Lumampas pa sa mundo. Dahil tila isang buwan. Kayhirap abutin.

"Gaano katagal na kayong hindi nagkikita?"usisa pa niya.

Napabuntong-hininga ako. "Magkakalahating taon na," malungkot ko na namang sabi.

"Hindi ka talaga niya sinundan?" parang siya pa ang naghihinanakit.

Hindi ko malaman kung malulungkot ako o matutuwa dahil sa naging reaksyon niya.

Umiling ako. "Hindi na."

"OMG..."

"Ikaw, may boyfriend ka na?" ngiti ko.

Sumama ang mukha niya. "NBSB ako, 'oy! Giatay. Anong alam ko sa love-love na 'yan. Hindi naman ako ligawin. Forever single na lang ta ani, nah."

Natawa ako. Ngunit nalungkot din nang ikwento ni Katley ang pagbagsak ng kanilang negosyo at paghihirap ng pamilya. Nabibilang siya sa pamilya ng mga pulitiko kaya kilala sila sa buong Cebu. Masaya ako kahit papaano na unti-unti silang bumabangon.

"Nagtrabaho na ka? Asa pud dapit? Nagulat ako noong malaman kong nurse ka na rin!" aniya mayamaya.

"Oo, kaso 'eto...tambay. Walang trabaho. Masyadong dinibdib ang pagiging brokenhearted,"nakangisi man ay ramdam ko pa rin ang sakit sa aking dibdib.

"Hiring kami, 'oy! Gusto ka?"

Napatitig ako sa kaniya. "Unsa?"

"Magtrabaho sa amin! Kailangan namin ng nurse!"

Bagaman nabuhayan ako ay hindi iyon sapat para pumayag ako. "Ayoko ko, Katley."

"Ngi! Ngano man?"

"Brokenhearted nga kasi ako."

"So, hindi na pwedeng magtrabaho kapag brokenhearted? Palibhasa, mayaman kayo!" tawa niya. "If I were you, magtrabaho na lang ko para ma-divert akong attention ba, ana! Dili ko ganahan kanang...hilak-hilak, 'oy! Eww." Talagang natawa ako sa kaniya.

Hindi ako doon sinukuan ni Katley. Matapos naming magkita ay inaraw-araw niya ang pagtawag sa akin para lang pilitin akong mag-apply sa hospital nila. Walang oras na hindi ako natawa sa kaniya. Kaya laking pasalamat ko tinatawag-tawagan ako ni Katley sa kabila ng busy schedule niya. Kapag ganoon kasi ay nada-divert ngang talaga ang atensyon ko.

"Zaimin Yaz, anak, nako, dali, buksan mo ang television," isang araw ay excited na pumasok si mommy sa kwarto.

Sa halip na pansinin siya ay nagpatuloy ako sa pagkukwento sa kabilang linya. Panay pa rin ang pahid ko sa aking luha. Kadaldalan ko si Katley na walang kasawa-sawa sa pagpapakwento tungkol sa amin ni Maxwell. Wala siyang kapaguran sa pagpapakwento sa akin. Gusto ko na ngang magselos dahil mula umaga hanggang gabi, panay si Maxwell ang bukambibig niya.

"Si Zarnaih, nasa television kasama ang imuhang friends. Naku, ang ganda-ganda ng anak ko," tuwang-tuwa na ani mommy.

Tumingin ako sa screen pero ang pandinig ko ay nasa pakikinig sa advices ni Katley. "If I were you, kanang i-continue ko pa rin akong life, ana. Kay basin mubalik akong uyab, ayaw kong makita niya na murag...nasira na ang akong life and beauty all because of him? Nah! Dili ko. Instead, ipakita ko na maayo ang life ko and everything."

Ngunit sa halip na matutok kay Katley ay naagaw ni Keziah ang atensyon ko. Naroon din ito sa telebisyon kasama ng kapatid at pinsan.

"Wow! In fairness, your sister is stunning, Kimeniah! Nasa lahi niyo ba?" anang TV show host kung saan mukhang sina Lee at Kimeniah ang guests.

"I'm sorry, I'll call you later, Katley," iyon lang at ibinaba ko agad ang kabilang linya. "What are they doing there?" baling ko kay mommy.

"Pinakilala ang family nina Lee at Kimeniah sa show na ito," tuwang-tuwang ani mommy, hindi maalis ang paningin kay Zarnaih at apong babae.

Nakangiwi, magkakrus ang mga braso kong itinutok ang paningin sa TV. In-interview ng host si Keziah, tinanong kung ilang taon na ito at ikinamangha ng hosts ang pagiging doktora niya.

"Are you single or married, if you don't mind, doktora? Hindi mo ba naisipang mag-artista rin?"nakangiting anang host kay Keziah.

"She's has a boyfriend," ani Kimeniah sa animong nanunuksong tinig.

Nakita ko nang tumatawang tapikin ni Keziah ang kapatid sa kamay.

"Her boyfriend's here with us, wait," dagdag pa ni Kimeniah na tumunghay kunyari sa audience.

Naantig ang interes ko. Napabangon ako at mas lumapit sa television, na para bang hindi ko iyon maririnig kapag nakahiga ako. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang paggising ng kuryosidad ko.

"Wow!" gano'n na lang ang hiyawan ng mga host at audience.

Ngunit naroon sa mga host ang camera kaya naman hindi pa namin makita ang dahilan ng reaksyon ng mga ito. Nagising ang kaba ko at dali-daling kinuha ang cellphone.

Magte-text na sana ako nang mabasa ko ang message ni Zarnaih. Dahil sa matagalang pakikipagdaldalan kay Katley ay hindi ko namalayang may message siya.

Zarnaih: Ate, kasama ko si Maxwell!

Napatitig ako sa screen ng cellphone saka dahan-dahang napalingon sa television. Nabitiwan ko ang cellphone nang makitang si Maxwell na ang kaharap ng host.

"Anak..." sambit ni mommy. Maging siya ay nagulat marahil na makita si Maxwell doon.

Napapalunok akong tumitig sa mukha ni Maxwell sa screen. Gusto kong humanga sapagkat napakapropesyonal ng dating niya gayong nagwawala ang mga audience sa presensya niya.

"What's your name?" tila kinikilig pang anang host.

"Maxwell Laurent del Valle," pagpapakilala nito.

"Pangalan pa lang, gwapo na!" biro ng host. "So, ikaw ang boyfriend o asawa ni—"

Namatay ang screen nang patayin iyon ni mommy. Napalingon ako sa kaniya ngunit bago pa ako nakapagsalita ay niyakap niya na ako. Noon ko lang naramdamang umiiyak na pala ako.

~ To be continued. . . ~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji