CHAPTER 40


CHAPTER 40

MAXWELL...

Magkakasunod na pumatak ang mga luha ko sa naghahalo-halong pakiramdam. Tuwa, saya, lungkot, kilig at pagsisisi. Napalingon ako sa balcony na animong matatanaw ko muli si Maxwell doon. Wala sa sarili akong humakbang papalabas ng balcony at muling tumingin kung saan ko siya nakita kaninang madaling araw.

Pero tanging mga turista ang paroo't parito, dumaraan, kagaya ng normal na mga araw. Wala doon si Maxwell...

Muli akong nagbaba ng tingin sa sulat at malungkot na napangiti nang muli iyong basahin. Hindi man iyon sulat kamay ni Maxwell, masaya ako na galing iyon sa kaniya.

Iyon pa lang ang ikalawang beses na binigyan niya ako ng bulaklak pero dahil hindi ko inaasahan, umaapaw ang saya ko.

"Pero..." tumulo ang luha ko nang muling basahin 'yon. "Bakit pakiramdam ko ay tanggap mo nang aalis ako? Paano mong natatanggap na magkakalayo ako? Paano mong nakakaya iyon, ngayon pa lang?"

Para akong baliw na umiyak nang umiyak hanggang sa mapahagulgol ako. Hindi ko matanggap. Ang mga tanong ko ay sinasagot din ng isip ko at ang paulit-ulit niyong sinasagot na handa si Maxwell na kalimutan ako.

Bakit ganito ang nararamdaman ko, Maxwell?

Hindi ako makapaniwalang ako ang nagdesisyong aalis. Ang lakas ng loob kong magdesisyon ng gano'n dahil sariling damdamin ko lang ang iniisip ko.

Nang marinig ko ang mga salita ni Tita Heurt, nang makita ko si Maxwell, nang mabasa ko ang simpleng letter na ito...nagbago ang lahat ng desisyon ko. Sa ganoong sitwasyon, tila gusto kong takbuhin ang ospital at puntahan siya. Gusto ko siyang makita, yakapin, halikan o kahit higit pa. Lahat gusto ko ulit gawin nang siya ang kasama. Kung mangyayari iyon ay makokontento na ako at hindi na maghahangad pa.

Nalilito kong binasa muli ang letter na iyon. Napaupo ako sa kama at doon muling nagpatuloy ng pag-iyak. May kung ano sa sulat na iyon na nagpapatunay sa 'king mahal pa rin niya ako. Na saan man ako naroon ay hindi magbabago ang pagmamahal niya. Iyon din ang nagtutulak sa akin na puntahan si Maxwell.

Ngunit nililito ako ng katotohanang pinahihiwatig niya rin doon na tanggap niya ang paglayo ko. Bukod sa nangingibabaw ang hiya kong harapin na lang siya basta dahil gusto ko. Hiya, hindi dahil tanggap ko nang nagkamali ako. Kundi hiya na hindi ko na naman maibigay ang space na hinihingi niya.

Nang magdesisyon akong kausapin si Heurt, ang nasa isip ko ay may masabihan lang. Hindi ko inaasahang ganito katindi ang magiging epekto ng mga salita niya. Na maging iyong mga pagkakamali at pagkukulang ko na siyang bumulag sa 'kin ay bigla kong nakita.

"Maxwell..." Nakaka-depress ang pakiramdam. Gustong-gusto ko talaga siyang puntahan. Pero baka makulitan na siya sa akin...

Nawala na lang bigla ang kagustuhang iyon nang maalala ko si Maxpein. Agad na gumapang ang takot ko at kaba nang maalala ang mga salita niya. Hindi iyon nagbabanta, sa halip ay nakikiusap, nagtitiwala.

Shit!

Nasapo ko na naman ang mukha ko at naihilamos sa mga palad ko. Hindi man niya madalas na sinabi sa 'king huwag sasaktan ang kapatid niya, sapat na ang ilang beses para matandaan ko ang mga iyon. Ganoon si Maxpein, minsan lang magsabi ngunit tumatatak. Pero nagawa ko pa ring kalimutan...

"I'm so sorry, Pein," wala sa sariling sabi ko.

Nabuhay pa lalo ang kaba sa dibdib ko, tumindi ang takot, nang kung ano-anong maisip ko. Nag-alala ako sa maaari niyang isipin sa 'kin. Hindi lang si Maxwell ang nasaktan ko kundi maging si Maxrill. Nag-aalala ako sa maaaring maging isip niya sa 'kin. Napayuko na naman ako at saka umiyak nang umiyak.

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Nang bahagyang tumahan ay nag-angat ako ng pagkain sa pagkain na dinala ni Tito More.

Napangiti ako sa isiping siya ang nagpadala niyon. Hinila ko ang cart niyon papalapit sa table saka naluluha muling sinimulang kumain.

Hindi maalis ang paningin ko sa mga bulaklak habang ngumunguya. Pakiramdam ko ay nakikita ko si Maxwell na iniaabot sa 'kin ang mga 'yon, nababaliw na talaga ako

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang may kumatok muli sa pinto. Dali-dali kong ibinaba ang tinidor saka pinunasan ang sariling mukha. Nakakahiya naman kung makikita ako ng kung sinomang dumating sa ganitong itsura. Maaga pa ay namumugto na ang mga mata.

Marahan kong binuksan ang pinto, inaasahang si Tito More ang makikita. Hindi nga ako nagkamali. Pero hindi ko alam kung bakit may maliit na parte sa 'kin ang umasa na sana ay si Maxwell na lang iyon.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ni tito nang madatnang tila hindi man lang nabawasan ang pagkain.

"Ah, kasi, tito..."

Nginisihan niya ako, ganoon sa mga nang-aasar. "Umiyak ka pa, 'no?" talagang tinanong niya iyon sa nang-aasar na tono!

Ngunit hindi ko magawang maasar. Hindi rin ako makapaniwalang magbibiro siya nang gano'n.

"Tito, si Maxwell po?"

Natigilan siya sandali. "Nasa trabaho."

"Gano'n po ba?" nagbaba ako ng tingin.

No'ng mga nakaraan, naisip kong balewala sa kaniya ang pinagdaraanan namin dahil nakapagtatrabaho pa siya. Ngayon ay iniisip ko na kung gaano kahirap para sa kaniyang magtrabaho habang nasasaktan.

"Siya po ba talaga ang nagpadala ng mga bulaklak?" umaasang tanong ko.

"Si Maxrill."

Napapadyak ako. "Tito naman, e!"

"Joke 'yon, joke!" tumawa siya nang malakas, bilib na bilib sa sariling biro!

Nanlumo ako. "Tito naman, e..." parang maiiyak ako sa inis.

Hindi dahil nagbiro siya nang ganoon kundi dahil ang pangit-pangit talaga nilang magbiro kahit kailan. Pakiramdam ko si Maxwell lang ang hindi ganoon kalala! Hindi dahil mas maayos siyang magbiro kundi dahil madalang niya iyong gawin.

"Oo, si Maxwell ang nagpadala ng mga iyan. Nang malaman niyang darating kami ni Dirk, nagpabili siya ng bulaklak." Bigla ay nakangisi siyang lumapit sa mga bulaklak. "Ano, nakita mo ba 'yong sulat?" 'ayun na naman 'yong nakakalokong tono ni tito.

Nakagat ko ang labi ko saka ngumuso. "Yes, tito..." pakiramdam ko ay namula ako.

Hindi ko inaasahang papalakpak si tito! "Astig, 'di ba?"

Hindi ko na napigilang ngumiti. "Yes, tito."Naitikom ko ang bibig sa hiyang makita niya akong kinikilig.

"There's no distance for me," sinabi ni tito iyon sa paraan na ginagaya ang tono at pananalita ng kaniyang anak.

Nagbaba ako ng tingin nang hindi na mapigilan ang ngiti. "Tito naman, e, bakit mo binasa?"

"Ibig niyang sabihin do'n, meron kaming sariling eroplano!"

Natigilan ako at napaangat ng tingin sa kaniya. "What?"

Tumango siya. "Oo! Gano'n 'yon, 'nak. Kahit saan ka naman talaga pumunta ay mapupuntahan ka niya. Siya ang panganay na Del Valle, wala siyang gusto na hindi nakukuha."

Lumaylay ang mga balikat ko at sumama ang mukha. Nakasimangot kong tiningnan si tito.

"Oh, bakit?" siya pa ang nagtaka! "Ayaw mo bang sundan ka niya?"

"Hindi, tito!"

"E, bakit ang sama ng mukha mo?"

"Hindi kasi 'yon ang ibig sabihin ng anak mo!"

"Ha? Baka mali ang intindi mo?"

"Kayo po ang mali ang intindi, tito," gusto kong sabunutan ang sarili ko, nakababaliw talaga ang pamilyang 'to!

Ang ganda-ganda na ng kilig ko, sinira pa ni tito! Gusto ko na namang maiyak. Paano kung tama siya? Na kaya ganoon ang sinabi ni Maxwell ay para hayagang ipagyabang na may eroplano sila? Nangilid talaga ang mga luha ko.

"Tito naman, e..." naiinis talagang sabi ko.

Humalakhak siya. "Ano ka ba? Binibiro lang kita."

"Ang pangit niyo pong magbiro!"

Humalakhak siya saka ginulo ang buhok ko. "Ipagpatuloy mo na ang pagkain mo, hija. Baka magalit ang panganay ko kapag nagutom ka."

Ngumuso ako. "Ayaw na nga po akong kausapin ng anak niyo."

"Mahal ka naman no'n, kausapin ka man o hindi."

Lalo akong ngumuso. "Gusto ko ay siya ang magsabing mahal niya ako."

"Bakit, hindi pa ba nasabi sa 'yo?" nagulat siya.

Inis ko na naman siyang nilingon. "Tito naman, e!"

"Joke!" itinuro pa ako ng loko! Napapikit ako sa frustration kay Tito More! Mababaliw ako! "Kumain ka na."

"Bakit ba minamadali ninyo 'ko?"

"Malay mo kasi...may engagement ring diyan."

Nanlaki ang mga mata ko. "T-Talaga po?"

Sandali niya akong tinigan saka humalakhak. "Joke!"

"Tito, nakakainis kayo po!" Gano'n na lang ang pagpipigil kong palu-paluin siya gaya ng ginagawa ko sa mga anak niya.

"Sige na," sumeryoso siya. "Kumain ka na. Pumarito lang ako para itanong kung kailan kita ihahatid sa Cebu?"

Umawang ang labi ko. "Tito?" tawag ko, na para bang hindi ko narinig ang tanong niya.

"Heurt told me everything. Pumarito ako para personal kang ihatid sa Cebu."

Parang yumanig bigla ang daigdaig ko. Hindi naman nila ako minamadali? Kasi kung ganitong narito siya, inaasahan niyang anytime ay handa na akong umalis.

Napatitig ako kay tito. "Hindi pa nga po kami nagkakausap ni Maxwell, tito," napanguso ako, parang maiiyak na naman sa biglang pagsama ng loob.

"Ano pa bang pag-uusapan ninyo?" bigla ay seryoso niyang tanong.

Kumabog sa kaba ang dibdib ko. Hindi ko nagawang sumagot. Ako man ay tinanong ang sarili kung ano nga ba ang pag-uusapan namin? Gayong nasabi naman na ni Maxwell na kailangan naming pareho ng pahinga. Bukod sa umiiwas siya.

"Syempre, tito..." napalunok ako. "Kailangan kong magpaalam nang maayos sa kaniya."

Tumango-tango siya. "'Sabagay, tama ka. Sige, kausapin mo na siya," sinabi niya iyon nang ganoon kakaswal, para bang wala kaming pinagdaraanan ng anak niya! Nakakaiyak!

"Alam na po ba ni Maxwell na aalis ako?"hindi makapaniwalang tanong ko.

Hindi ko inaasahang guguhit ang lungkot sa mga mata ni tito nang umiling siya. "Hindi namin sinabi. Bagaman alam niya na hindi lingid sa aming kaalaman ang lovers quarrel ninyo."

"Lovers quarrel," napapanguso kong bulong.

"Aba't ganoon naman talaga ang tawag doon ng mga kabataan."

"We're not kids anymore, tito."

Umangat ang gilid ng kaniyang labi. "Ano mang edad nila, bata ang tingin ko sa aking mga anak. Maging sa 'yo, para na rin kitang anak."

Hindi ko nagawang sumagot. Bigla ay litong-lito ako. Una ay dahil sa letter, parang sinasabi ni Maxwell na ayos lang na umalis ako. Bukod sa may parte sa akin na pinipigilan akong umalis.

Ngunit may parte rin na nagsasabing hindi dapat magbago ang desisyon ko nang dahil lang sa sulat, bulaklak at agahan. Dahil ang paglayo ko ay hindi ko na lamang pansariling desisyon. Maging si Tita Heurt ay sinabing iyon ang tama kong gawin. Ngayon naman ay 'eto si Tito More at hinihintay kung kailan ko planong umalis.

"Pero bakit nasasaktan ako sa katotohanang aalis ako?" wala sa sariling naisatinig ko. "Bakit hindi pa man ako nakakaalis ay nasasaktan na akong iiwan ko siya?"

"Dahil wala kang kasiguraduhang susundan ka niya," nagising lang ako nang ganoon ang isagot ni tito.

Napatitig ako kay tito. "Paano kung hindi nga niya ako sundan, tito?" Naiiyak kong tanong.

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi ko hawak ang desisyon ng anak ko, Yaz," madamdamin niyang sabi. "Ang tanging magagawa ko ay tabihan at samahan siya sa t'wing lumuluha. Ang pakinggan siya at yakapin kapag hindi niya na kaya," bumuntong-hininga siya. "Hindi siya bukas na pag-usapan ang tungkol sa inyo. Marahil ay dahil abala siya sa trabaho o kaya naman..." binitin niya ang sasabihin.

"O kaya naman ano, tito?" hindi na ako makapaghintay sa sasabihin niya.

"Baka masyado siyang nasasaktan at hindi niya pa 'yon kayang pag-usapan."

Muling nadurog ang puso ko. Hindi ko makapa ang ugali ni Maxwell sa parteng iyon. Hindi ko pa siya nakitang masaktan nang lubusan, ngayon lang, ako pa ang dahilan.

Hinila ni tito ang isang silya at naupo sa harap ko. "Malaki ang naging epekto kay Maxwell Laurent noong magkaroon kami ng problema ng mommy niya," hindi ko inaasahang magkukwento siya. "Nakita niya kaming mag-iyakan ni Maze. Nasaksihan niya iyong mga panahong hindi kami nagpapansinan. Ni minsan ay hindi siya nagtanong kung bakit nagkahiwalay na kami ng kwarto ng kaniyang ina."

Malungkot siyang ngumiti at tumingin sa kawalan na para bang doon nakikita ang panunumbalik sa kaniyang nakaraan.

"Nagising na lang ako isang araw nang hindi niya na sinasalubong ang mga tingin ko. Kinakausap niya ako ngunit ang paningin niya ay naroon lang sa libro," malungkot na dagdag ni tito. "Umabot tuloy ako sa puntong nagseselos na ako sa libro dahil mas tinitingnan niya na iyon kaysa sa 'kin."

Nagbaba ako ng tingin. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito. Marahil ay gano'n talaga si Maxwell kapag nasasaktan, hindi niya makita ang nagdulot at dahilan.

"Pare-pareho kaming may pinagdaraanan, ako, si Maze at ang aming panganay," ngumiti siya. "Kaya mga libro ang kaniyang naging takbuhan."

Lalo akong nalungkot. Kung nagawa ni Maxwell iyon sa kaniyang mga magulang, talagang makakaya niya iyong gawin sa 'kin.

"Bumalik lang sa 'kin ang paningin niya noong malaman niya ang tungkol kay Maxpein," nakangiting dagdag ni tito. "Bumalik ang pagmamahal niya nang dumating si Maxrill."

He's so perfect...

Talagang mula noong makilala ko si Maxwell ay hindi ko na mapaniwalaan ang kasabihang walang perpekto sa mundo. Dahil sa t'wing nakikita ko siya, sa t'wing nakikilala ko siya nang lubos, nagiging kahulugan siya ng salitang iyon.

Kung perpekto siya...bakit hindi ka nakontento? Hindi ko inaasahang itatanong iyon ng isip ko. Naantig ang konsensya ko at muling nasaktan.

"Desidido ka na bang umalis?" mayamaya ay tanong ni tito.

Nabuhay ang pag-asa ko. Pakiramdam ko ay ayos lang na sabihin kong hindi na ako aalis, na nagbago na ang desisyon ko. Ngunit agad ding nabuhay ang hiya ko. Paano kung paalisin pa rin nila ako dahil iyon ang sa tingin nila na dapat kong gawin?

"You both need space," malungkot na dagdag ni tito, sinasagot na agad ang laman ng isip at alinlangan ko. "If you can't give it to him then, give it to yourself, Yaz," mas lumungkot ang mukha niya.

Hindi ko na napigilang maluha. Nasasaktan ako sa katotohanang iyon na talaga ang inaasahan nilang gagawin ko. Pakiramdam ko nga ay minamadali na nila akong umalis sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Wala nang dahilan para manatili ka rito, Yaz. Kakayanin ni Maxwell kahit wala ka, kahit malayo ka.

Sandali kong inipon ang lakas ng loob ko saka tumango. "Pwede po bang..." humikbi ako nang humikbi. "Kausapin ko muna si Maxwell ngayon? Bukas na bukas po...babalik na ako sa Cebu." Nabasag ang tinig ko matapos sabihin 'yon.

Mapait siyang ngumiti. "Hindi kita pipigilan, hija." Bumuntong-hininga siya. "Kahit ako ay hinihiling na sana ay magkaayos kayo. Ngunit sa nakikita kong estado ng anak ko, mukhang hindi iyon ang pinakamagandang gawin ngayon."

Nagbaba ako ng tingin. Iyon na ang sagot sa mga alinlangan ko. Hindi na ako ang iniisip nilang nangangailangan ng space. Si Maxwell na. Ganoon na talaga siguro katindi ang epekto ng mga nangyayari sa kaniya kaya napasugod pa rito si tito. Hindi lang ako ang dahilan ng pagparito niya.

"Tawagan mo ako kapag handa ka na. Doon ako mananatili sa hotel." Lumapit si tito at mahigpit akong niyakap. Sa ganoong paraan niya sinabi na naiintindihan niya ang pinagdaraanan ko.

Lumuha ako nang lumuha nang tuluyang makaalis si tito. Kadedesisyon ko lang na aalis na, 'ayun at nagbabago na naman ang isip ko ngayong mag-isa ko na lang.

Pastilan ka! Paulit-ulit kong minura sa isip ang sarili. Napuno na naman ako ng pagsisisi.

Nang araw na iyon din ay inempake ko ang lahat ng gamit ko. Walang gamit akong isinilid sa maleta na hindi nakapagpatulo sa luha ko. Halos mamanhid ang mukha ko sa kaiiyak nang abutin ako ng hapon.

Bago dumilim ay naligo ako at nagbihis saka dumeretso sa ospital. Naagaw ko ang atensyon ng marami, halos lahat o baka lahat na nga. Inisip ko na lang na ipinagtataka nila ang pagsusuot ko nang malaki at itim na itim na shades gayong madilim na. Well, bukod sa outfit ko.

"Yaz..." si Keziah ang bumungad sa 'kin nang makarating ako sa OR. "Maxwell's upstairs..."nagtataka niyang sinuyod ng tingin ang kabuuan ko.

"Thank you," iyon lang at tinalikuran ko na siya.

Bigla ay gusto kong matawa sa sarili ko. Baliw na nga siguro ako para magsuot ng puting necktie suit para lang kausapin si Maxwell. Sinadya ko ring ayusin ang buhok ko sa malalaking alon at mapananatili sa likuran. Pulang-pula ang lipstick, high heels at clutch bag ko gayong sobre at cellphone lang naman ang laman niyon.

Humugot ako nang lakas ng loob nang tuluyan kong marating ang harap ng kaniyang opisina. Mula sa kinatatayuan ko ay sinilip ko siya.

Nakaupo siya sa swivel chair, nakataas ang parehong paa sa mesa, ang siko ay nakapatong sa armrest at ang noo ay nakatuon sa kamay.

Muli pa akong humugot ng lakas ng loob bago tuluyang pumasok. Gaya ng inaasahan ay napaayos siya ng pagkakaupo.

Ganoon na lang ang gulat ni Maxwell nang makita ko. At dahil naka-shades ako ay nagawa niyang salubungin ang tingin ko.

"Yaz..." Tumayo siya nang makalapit ako. Naroon ang pagtataka sa kaniya nang suyurin ng tingin ang kabuuan ko. "I thought you're going to rest?"

Hinubad ko ang shades ko at sinalubong ang tingin niya. Ngunit awtomatikong piniga ang puso ko nang tila manghina siya at mag-iwas ng tingin.

Why can't you look at me anymore, Maxwell? Hindi ko pa rin matanggap.

Sa halip na sumagot ay binuksan ko ang clutch bag ko at pabagsak na inilapag ang sobre sa mesa niya.

Sandali siyang nagbaba ng tingin doon saka dahan-dahang nag-angat ng tingin sa 'kin. Sinalubong niya ang mga mata ko nang may nagtatanong na tingin, tila ba nahulaan na ang nilalaman ng sulat.

"What's this?" nabasag agad ang tinig niya.

"My resignation letter, doc," mahina kong sinabi.

"Yaz..."

"I'm sorry, Doc Maxwell," kaswal kong sinagot. "I'm going to leave this place tomorrow morning."

Umawang ang labi niya at nanlumo. Nagbaba siya ng tingin at nalilitong nag-iwas. Hindi niya ako sinagot.

Gusto kong malito. Sa nakikita ko ay wala talaga siyang alam sa pag-alis ko. Bakit ganoon ang letter niya kung ganitong hindi niya inaasahang aalis ako? Siya ba talaga ang nagsulat niyon?

"Thanks, doc," kaswal kong dagdag saka tinalikuran siya.

"Yaz, wait," naramdaman ko ang paghabol niya. Bago pa man ako makaharap ay nahawakan niya na ang braso ko. "Yaz..."

Hindi ako makapaniwalang nakita ko agad ang pagsusumamo niya gayong pangalan ko pa lang ang binabanggit niya. Nang dumapo sa kamay niya ang paningin ko ay agad siyang bumitaw at dumistansya.

Nalilito siyang umiling. "Was it because of me?" mahina niyang tanong.

"I thought you were expecting I'd leave?"mahina ko ring tugon.

Nag-angat siya ng tingin. "For a vacation, yes. But..."

But? Naghintay ako ng idurugsong niya ngunit hindi iyon nangyari. "What?"

"You're leaving me..." hindi makapaniwala ang tinig niya. "You're leaving me?" nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "You're leaving me?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Gusto kong maawa sa kaniya. Gusto kong takbuhin ang iilang pulgadang layo namin para yakapin siya. Ngunit ganoon na lang katindi ang pagpipigil kong gawin iyon. Kung ganitong inaasahan na ng lahat ang pag-alis ko, paano akong uurong? Kung ganitong kailangan naming pareho ng pahinga, paano akong magbabago ng desisyon? Paano akong mananatili kung ganito ang sitwasyon naming pareho? Napakahirap!

"You broke up with me, Maxwell," gano'n kasakit para sa 'king sabihin 'yon.

Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang katotohanang nakipaghiwalay siya sa 'kin.

"You broke my trust," nabasag na nang tuluyan ang tinig niya. "And I don't know how to fix it. It just hurts too much," gumuhit ang mga luha niya at agad iyong pinunasan.

Pinigilan kong maluha ngunit masyadong masakit ang sinabi niya. "'Yon mismo ang dahilan kung bakit hindi ko na kayang manatili rito, Maxwell," madamdamin kong sinabi. "Wala na akong maiharap na mukha sa 'yo, ni hindi mo na ako magawang tingnan dahil sa ginawa ko."

"But I didn't ask you to leave," gano'n na lang ang pagbabara sa lalamunan niya na animong pinipigilang humagulgol.

Tumalikod siya at doon nasapo ang sariling mukha. Hindi ko narinig ang pag-iyak niya ngunit saksi ako sa paggalaw ng mga balikat at likuran niya.

"I am really sorry," pinigilan kong pumiyok. "But do you expect me to do? Ang manatili rito nang ganito tayo? Nang dinadaan-daanan mo lang ako? Nang nag-uusap tayo na parang wala lang nangyari? Alam mo ba kung gaano kahirap 'to para sa 'kin?"

"You're not thinking everything's easy for me, right?" hindi ako makapaniwalang naroon pa rin ang tiwala niya sa 'kin sa naniniguro niyang tanong.

"Ni hindi mo nga ako matingnan ngayon, Maxwell."

Nilingon niya ako at tinitigan nang deretso. "Because we both need this, Yaz."

"That's why I'm giving you your space, Maxwell," mahinahon ko iyong sinabi pero hindi ko naitago ang inis. Hindi ko siya maintindihan!

'Sabagay, gusto niya ba talaga akong manatili dito para sa amin? O para sa ospital? Sumama ang loob ko sa sariling isipin. Hinayaan ko iyong lamunin ako nang walang kasiguraduhan.

"Kung gusto mo lang na manatili ako rito dahil kailangan mo ng nurse"

"Fuck!" hinarap niya ko, halos ikagulat ko. "Do you really think I needed you because you're a nurse?" may galit na sa tono niya. "Seriously?"

Minsan pa siyang nagmura bago ako muling tinalikuran.

Muli niya akong nilingon, wala nang luha, hindi makapaniwala. "I let you into my life, my mind, my heart, my bed, my house, my soul, my everything...because you're special to me. You are the only love of my life and no one is entitled to my everything, except you, Yaz,"may diin niyang sinabi.

"I did that because it was you. I'm sure I can't give it to anyone else because I only want you. I love you...but why..." kumibot na naman ang labi niya at hindi na naman ako magawang tingnan.

Lalo akong nasaktan sa pakiramdam na hindi niya talaga ako matagalang tingnan. Kaya siguro ganoon na lang ang sinabi ni Tito More, dahil ganito na siya. Ganito kalala ang idinulot ng sakit ng panloloko ko sa kaniya. At hindi ko alam kung paanong mababago iyon ngayon. Tanging distansya ang makasasagot ng lahat.

Tama si Tita Heurt. Hindi ako maaaring manatili rito, pareho lang naming pahihirapan ang isa't isa. Kaya hangga't kaya kong umalis, kailangan ko nang umalis. Kung hindi ay pareho lang naming masasaktan ng paulit-ulit ang aming mga sarili.

"I deserve honesty from you, baby," umiiyak na naman niyang sinabi. "Why can't you see how unfair it is to me to allow dishonesty from you when honesty is expected from me?"

"But what do you want me to do?" asik ko. "You can't ask for a space and have me too, Maxwell. I cannot exist in two god damn places at once!"

"I am only asking for a little space, Yaz,"gumuhit ang mga luha niya sa mata ngunit ang galit ay naroon. "But you're giving me the entire fucking space in the world by leaving me!"

Dinurog ako ng mga salitang iyon. Pero buo na ang desisyon ko. Hindi maaari ang gusto niya. Hindi ko matatagalan ang daan-daanan niya lang. Hindi ko lalo matitiis ang makita siyang iniiwasan akong tingnan. Alam kong nagkamali ako pero hindi sa puntong kalilimutan ko nang mahalaga rin ako.

"I'm leaving," pigil ang emosyon kong sabi saka tinalikuran siya.

"Baby..." awtomatiko siyang humabol.

Awtomatiko rin akong lumingon. Alam kong kung hihilingin niyang manatili ako nang sandaling iyon, gagawin ko iyon nang walang alinlangan.

Ngunit kahit anong pagmamakaawa ang makita ko sa mga mata niya, kahit anong luha ang tumulo sa kaniyang mga pisngi, hindi niya 'yon masabi. Hindi niya 'yon kayang hilingin. At sa hindi mabilang na pagkakataon, hindi niya ako matingnan.

"Let yourself heal, Maxwell," mahina kong sabi, hindi na matagalan ang itsura niyang unti-unti ring dumudurog sa 'kin.

Gusto kong sampalin ang sarili ko nang asahan kong hahabol siya ulit. Dahil hindi na iyon nangyari.

Umiyak ako nang umiyak sa elevator at ipinagpasalamat na walang nakasabay roon. Isinuot kong muli ang salamin ko nang makalabas. Panay ang paghikbi ko habang naglalakad ngunit binalewala ko na ang mga matang nakatuon sa 'kin.

Walang kasimbigat ang mga hakbang ko nang lisanin ko ang unit kinabukasan. Panay ang pagtingala ko sa building na sandali kong tinirhan. Mapait akong ngumiti nang maalala ko pa ang unang araw na humakbang ako papasok doon. Maging ang sandaling lumipad ako papunta rito sa Palawan, hindi ko nalilimutan. Maging ang pakiramdam ko nang mga oras na 'yon ay nararamdaman ko pa ngayon.

"You ready?" hindi ko inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Maxrill.

"Maxrill..."

Umangat ang gilid ng labi niya saka nag-iwas ng tingin. "What a freaking outfit."

"What?" inis kong sagot. Saka nagbaba ng tingin sa black with frilled neckline and layered mesh ruffle hem dress ko. "It's Yves Saint Laurent," diniinan ko ang huling salita.

"You like Laurents, huh?" angil niya. "Sad, though, it's not Maxwell's Laurent..." Ganoon siya kadesididong mang-asar! Sa oras na iyon mismo! Pikang-pika ako!

Pastilan kang amaw ka! Amaw! Amaw! Amaw!

"Are you ready?" bigla ay makahulugan niyang tanong.

"Yeah, of course," nag-iwas ako ng tingin. Pinigilan kong pangiliran ng luha saka ako bumuntong-hininga. "Pero pwede ba tayong dumaan sandali sa ospital?"

Napanood ko nang gumuhit ang inis sa mukha ni Maxrill. Wala pa man ay batid ko nang kinukuwestyon niya na ang pakiusap ko.

Gusto ko namang maasar bigla nang marinig ang tawa ni tito mula sa nakabukas na van. Kung naroon pa si Mokz ay siguradong mas maaasar ako sa lakas ng tawanan ng mga ito kapag nagsabay.

"Magpapaalam lang po ako sa mga kaibigan ko," inis kong sabi, masama ang tingin kay tito.

"Ah...akala ko sa binata ko," ani tito.

"Binata rin po itong kaharap ko," pang-aasar ko kay Maxrill.

"Oo, pero diyan ako unang nagkaapo,"sinulyapan ni tito ang aso na noon ay naroon sa tabi niya. "Sige, dadaan tayo sa ospital ni Maxwell," aniyang diniinan ang pangalan ng anak.

"Hyung," ganoon na lang ang paglingon ko kay Maxrill nang magsalita!

Ganoon na lang din ang gulat ko sa kaniyang cellphone. Ngunit wala akong naintindihan sa mga sinabi niya sa linya.

"'Uy, ano'ng ginagawa mo?" asik ko.

Inis niya akong tiningnan saka nagpaalam sa kabilang linya. "What?"

"Bakit mo sinabing pupunta tayo doon?"

Umawang ang labi niya saka antipatikong ngumisi. "We're not talking about you, lady."

Umawang din ang labi ko sa kahihiyan. Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko. "Okay."

"Tsh." Bahagya siyang tumawa.

Nakakainis!

Hindi matahimik ang kalooban ko habang nasa daan kami. Gano'n kabilis nanlamig ang mga kamay ko. Malamig sa loob ng van, halos marinig ko ang lakas ng aircondition, pero 'ayun ang mga butil-butil ng tubig sa noo ko.

Humugot ako ng hininga nang huminto kami sa harap ng ospital. Naunang bumaba si Maxrill para pagbuksan ako. Sinamahan niya rin akong tumuloy sa loob.

Pero mukhang inaasahan na ng mga naroon ang pagdating ko. Nakita ko na sa bungad ng lobby sina Heurt at Dainty, Mitch, Raffy, Susy, Doc Caleb, Doc Harvey at iba pang mga residente, sina Keziah at si...Maxwell. Maging ang mga empleyedong namumukhaan ko lang at hindi kilala sa pangalan ay naroon at hinihintay akong makalapit.

Inis akong bumaling kay Maxrill at pinalo siya sa braso. "Aray!" angil niya. "What the fuck, dude?"

Muli ko siyang pinalo. "Amaw ka! Bakit mo sinabi?"

"Dude, just say good bye to them, damn it,"bahagya siyang lumayo.

Naglaban ang inis at hiya ko. Hindi ko alam kung paano kong naihahakbang ang mga paa ko sa ganoong sitwasyon!

"Hi, guys," ngiti ko nang tuluyang makaharap ang mga ito. "I'm sorry kung ngayon lang ako makapagpapaalam," nakamot ko ang ulo. "Kung kelan paalis na ako, nagmamadali pa."

Isa-isang lumapit sa 'kin sina Mitch, Raffy at Doc Caleb at emosyonal na nagpasalamat at nagpaalam. Pero naging emosyonal ako nang si Susy na ang makausap ko.

"Thanks for everything, Susy," pinahiran ko ang luha ko. "Thank you for being such a good friend to me."

"I'll miss you, Yaz."

"I'll miss you, too," muli ko siyang yinakap. "You have my number. Visit me, please."

"I will," humigpit ang yakap naming dalawa.

Noon lang ako lumapit sa mga residente. Isa-isa ring nagpaalam sa 'kin ang mga iyon ngunit wala ni isa ang nakahayakap, ni nakahawak sa akin. Gusto ko pang matawa nang isenyas ni Doc Harvey si Maxwell. Sa ganoong paraan sinasabing ito ang dahilan kung bakit hanggang shakehands lang sila.

"Yaz," lumapit sa 'kin si Keziah, may lungkot sa mga ngiti.

Yumakap siya sa 'kin at na-touch ako sa diin no'n. "Keziah..."

Bumuntong-hininga siya. "Take care, Yaz."

"You, too, Kez," iyon lang at naghiwalay na kami.

Hindi ko alam kung paanong pakikiharapan si Maxwell nang siya na ang sumunod kay Keziah. Pero sa halip ay kina Dainty at Tita Heurt ako dumeretso.

"Dainty," bahagya kong kinurot ang pisngi niya.

"Have a safe flight, ate," walang kasinlambing ang boses niya.

Nangiti ako sa mamula-mulang pisngi niya. "Thank you, dear. Enjoy your vacation here."Saka ako bumaling kay Heurt. "Tita," niyakap ko siya. "Thank you so much."

"Nandito lang ako para sa iyo, Yaz," sinsero niyang tugon.

Parang piniga ang puso ko. Sa kabila ng mga nagawa ko, ganito ang turing sa 'kin ng pamilya ng lalaking mahal ko.

"I love you, tita," maiiyak nang bulong ko.

Kumalas siya at hinaplos ang pisngi ko. "Huwag kang matakot na sukuan ang sapat lang sapagkat karapat-dapat ka sa higit pa, Yaz. Hanggang sa muling pagkikita." Bahagya siyang tumango sa akin.

Wala na akong lusot nang humakbang papalapit si Maxwell at wala pa man akong nagagawa ay yumakap na siya sa 'kin. Wala iyong kasinghigpit. Sa dami ng pinagpaalaman ko, sa kaniya lang tumulo ang luha ko.

"Good bye, baby," emosyonal niyang sinabi at bago pa matapos ang huling salita ay nabasag na ang tinig niya at nakayakap na umiyak sa akin.

Huminto ang luha ko at napalitan ng gulat. Good bye? Hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin niya. Ang totoo ay napakaraming emosyonal na salita ang inaasahan kong ipapabaon niya.

Hindi ako makapaniwalang naroon ako upang magpaalam ngunit nang matanggap ko ang pamamaalam niya ay parang gumuho ang aking mundo.

"Maxwell..." hindi talaga makapaniwalang sambit ko.

Ngunit matapos niyang pahiran ang mga luha ay kumalas siya sa 'kin at tumalikod.

Maxwell... Umiiyak ko siyang nasundan ng tingin.

Lalapitan ko na sana siya nang maunahan ako ni Tito More, hindi ko inaasahan ang paglapit niya.

"Maji..." isang salita lang ni tito ay awtomatikong humarap si Maxwell at umiiyak na yumakap sa kaniya.

Inakay siya papalayo ni tito. At ganoon n lang ang magkakasunod na pagpatak ng mga luha ko nang akuin ni Tito More ang timbang ng anak upang hindi tuluyang mapaupo sa sahig. Ganoon kahina si Maxwell nang sandaling iyon na kinailangan niya ang kaniyang ama.

"Let's go, Yaz," bigla ay nangibabaw ang tinig ni Maxrill sa likuran ko.

Ngunit hindi ko nagawang kumilos. Ang paningin ko ay natuon lang kay Maxwell na noon ay hindi na kinayang pigilan ang pag-iyak. Wala akong narinig maliban sa mga hagulgol niya.

"Let's go," bago pa ako nakakilos ay hinawakan na ni Maxrill ang magkabilang balikat ko at inakay ako palayo.

Lalong nangibabaw ang pagluha ni Maxwell sa pandinig ko dahilan para tumulo nang tumulo ang aking mga luha. Ilang saglit pa ay pareho na kaming humahagulgol sa sakit.

~ To be continued. . .~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #maxinejiji