CHAPTER 39
CHAPTER 39
"OH, YAZ, tuloy ka," nakangiting bumungad sa 'kin si Heurt nang dumeretso ako sa suite na tinutuluyan nila ni Dainty.
"Good evening, tita," nakaramdam ako ng hiya kasi alas dies na ng gabi.
"Kumain ka, ipag-iinit kita," magiliw niyang sabi saka isinenyas ang high chair na nasa kabilang pagitan ng kitchen island. "Kanina pa kita hinihintay, akala ko nga ay naipit ka na sa trabaho."
"Pasensya na, tita," bigla ay nahiya ako. "Nag-extend ako kasi kulang sa nurse 'yong OR."
"Walang problema, wala naman akong ginagawa," ngiti niya. "Saka ganyan talaga sa trabaho ninyo. Ginawan pa ng schedule, ora mismo naman ay nagbabago. Nasanay na ako kay Maxpein."
Bigla ay natigilan ako. Maiintindihan kaya ako ni Heurt kung sakaling magkwento ako kung gayong naiintindihan niya ang schedule ni Maxpein?
"Madalas kasi akong naroon sa bahay nila ni Deib Lohr. Ako ang nag-aalaga kay Spaun. Maghapong wala si Maxpein, minsan ay kinabukasan o ilang araw pa bago umuwi. Kaya ako ang nagluluto para sa asawa niya,"nakangiti pa niyang kwento.
Lalo akong nag-alangang magkwento. Pero sa kabilang banda ay naisip ko na baka ako nga ang may problema.
"Si Deib Lohr naman ay abala rin sa trabaho. Lalo na ngayon na may inaasikaso siyang projects, nagpapatayo ng publikong kolehiyo si More," nakangiting dagdag pa niya.
Napabuntong-hininga ako. "Tita, I'm leaving,"bigla ay sabi ko.
"Ha? Akala ko ba ay mag-uusap tayo? Hindi pa nga yata nag-iinit ang pwet mo riyan sa silya," iba ang pakaintindi niya sa sinabi ko. "Napagod ka siguro sa trabaho?" ngiti niya. "Sandali na lang ito. Kumain ka muna."
"No, tita," bumuntong-hininga ako. "I mean, I'm going to leave Palawan," nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko.
Nasulyapan ko ang gulat na rumehistro sa mukha niya. Bahagya siyang lumapit saka sinilip ang mukha ko. Napapailing akong bumuntong-hininga.
"Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni Maxwell?" naroon ang pag-aalala sa tinig niya.
Napatitig ako kay Heurt, tinitimbang ang magiging husga niya. Pero sa huli ay nagdesisyon na lang akong magkwento. Ikinuwento ko lahat, walang labis, walang kulang. Hindi ako nagsisi dahil pinakinggan ako ni Heurt nang walang panghuhusga. Bagaman may mga sandaling hindi pa man naririnig nang buo ay kinokontra niya ang sinasabi ko.
"Tsk tsk tsk," nakapamaywang, nakasandal ang kaniyang siko sa kitchen island nang umiling. "Iyan ang namana niya kay Maze," bigla ay tumawa siya.
"Ang alin, tita?"
"Iyong pagiging workaholic niya na wala na sa lugar. Tsk tsk."
Umiling siya saka bumuntong-hininga. Tumitig siya sa 'kin nang pagkatagal-tagal na halos ikailang ko. Hindi ko tuloy kinayang labanan.
Tinapos niya ang paghihiwa ng prutas saka muling lumapit sa 'kin. Sa haba ng kwento ko ay natapos ko na ang pagkain. Hindi na ako magugulat kung inabot ako ng isang oras. Dahil kung saan-saang kanto pa lumiko ang kwento ko bago ko natumbok ang patutunguhan.
Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. Pakiramdam ko tuloy ay gano'n kabigat talaga ang sitwasyon ko para sa kaniya. Sa sandaling iyon pa lang ay nag-aalala na ako na baka sa tingin niya ay ako lahat ang mali.
"Well," bumuntong-hininga uli siya. "Hindi naman lingid sa kaalaman mo ang nakaraan namin ni More," ngiti niya.
"Yes, tita."
"Tutok noon sa pag-aaral si Maze," nakangiti niyang kwento. "Mas marami siyang oras sa pagbuo ng pangarap. Hindi niya na naisip na nawawalan na siya ng oras sa taong maaari naman niyang isama sa pagbuo niyon. Lalo't ang taong iyon ang nais niyang makasama roon," may bahid ng lungkot sa mga mata niya. "Si More 'yon."
May gumuhit na lungkot sa puso ko. Sa isang banda ay natutuwa ako dahil naiparamdam agad ni Heurt sa 'kin kung gaano niya akong nauunawaan. Pero ang lungkot isipin na ganoon din si Maxwell. Naiintindihan kong may pangarap siya at iniisip niya ang future namin. Pero ang hirap makontento sa oras na naibibigay niya.
"Iyon nga lang," mapait siyang ngumiti. "Sa maling paraan nabaling ang lungkot ni More, sa akin. Ako kasi 'yong may oras sa kaniya,"ngumiti siya na para bang nakikita niya ang mga nangyari noon. "Masaya siya kapag kasama si Maze. Pero hindi siya nalulungkot kapag nag-iisa dahil dumarating ako parati."
Bumuntong-hininga siya at nakangiting tumingin sa kawalan. Ang pait ay hindi nawawala sa mga mata ni tita. Feeling ko tuloy, dumadaloy sa 'kin 'yong lungkot sa nakaraan nila.
"Aaminin kong ako 'yong unang nahulog sa kaniya, kahit ilang beses kong itinanggi 'yon sa aking sarili," ngiti niya, sumulyap sa 'kin sandali saka muling tumingin sa kawalan. "Sa huli ay pinili kong mahalin siya." Saka siya matunog na ngumiti. "Sino ang hindi mahuhulog sa isang Del Valle? Kakaiba sila. Gwapo, matalino...pilyo at marami pang iba."
Muli siyang tumawa habang umiiling. Pero sa huli ay bumuntong-hininga siya.
"Kahit alam kong malabo nang mahulog ang loob niya sa 'kin, dahil sa dami ng napag-usapan namin, parating naroon si Maze. Sumugal ako. Kasi hindi ko na mapigilan 'yong nararamdaman ko."
Naisip ko si Maxrill, siya ang nasa posisyon ni Heurt sa kwento. Ako ang nasa paanan ni Tito More at si Maxwell bilang kaniyang ina.
"Napakaraming nangyari sa amin ni More na pwedeng maging dahilan ni Maze para tuluyang putulin ang relasyon nila."
Nagbaba ako ng tingin at iniwasang magkompara. Kasi kung ganoon ang gagawin ko, masasabi kong higit na malaki ang naging kasalanan ni Tito More kaysa sa 'kin. Pero alam kong hindi iyong timbang at dami ng kasalanan ang pinupunto ni Heurt. Kundi iyong pagkakahawig ng sitwasyon.
"Nagkamali si More noong una at pinatawad ni Maze," patuloy pa niya. "Mga estudyante pa kami noon kaya inisip na lang ni Maze na interesadong sumubok si More ng maraming bagay. Hindi niya inaasahang mauulit ang pagkakamaling iyon...na nagdulot nang napakalalim na sugat sa pagkatao niya."
Ngumiti siya sa akin at saka matamang pinag-aralan ang mukha ko.
"Bakit nga ba kailangang masaktan ni Maze nang gano'n gayong nagmamahal lang naman siya?" bigla ay tanong niya. "Bakit sa kabila ng pagsisikap niyang bumuo nang magandang kinabukasan nila ni More, sinaktan siya nito?"
Nahawakan ko ang kwintas ko at saka naluluhang nagbaba ng tingin. Naisip ko na naman si Maxwell at ang posibleng naramdaman at nararamdaman niya.
Ngumiti muli sa kawalan si Heurt. "Ngunit magkakaiba ang pangangailangan ng tao,"patuloy niya. "May mga kontento na sa naibibigay nila, hindi na naghahangad ng iba. May mga nakukulangan sa natatanggap nila, naghahangad pa nang sobra. May mga nakikihati, masaya nang napupunan ang kakulangan. May mga pinipiling magkamali at susuko kapag hindi nakuha agad ang kapatawaran."
Malungkot siyang ngumiti saka kinuha ang parehong kamay 'yon para ibalot sa mga kamay niya.
"Lahat ng relasyon ay binubuo ng pagpapakatotoo at tiwala, Yaz," ngiti niya. "Kung hindi kayo maniniwala at magtitiwala sa isa't isa ay hindi talaga kayo uubra."
Nagbaba ako ng tingin. Pakiramdam ko ay sinabi niya iyon dahil sa tingin niya ay ako ang may pagkukulang o mali. Hindi ko alam.
"Honestly, komplikado ang sitwasyon ninyo. Nangyari 'yon dahil pare-pareho kayong may pagkakamali at pagkukulang. Pagkakamaling umintindi at pagkukulang sa pang-intindi," tumingin siya sa 'kin nang deretso. "Pero naging mas komplikado ang lahat nang dahil sa 'yo," malungkot niyang idinagdag.
Kinabahan ako. Sa iilang salita pa lang, pakiramdam ko ay pumanig na siya sa magkapatid. Pero hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Heurt. Alam kong hindi siya makikinig sa 'kin nang walang panghuhusga kung sa huli ay huhusgahan niya rin lang ako. Kung gano'n din lang kasi ay nasisiguro kong sa simula pa lang ay gano'n na ang gagawin niya.
"Maling-mali iyong ginawa ninyo ni Maxrill. Hindi mo mahahanapan ng hustisya ang palitan ninyo ng halik," mariing aniya ngunit hindi nanghuhusga. "Pareho kayong nawalan ng respeto kay Maxwell at iyon ang nakalulungkot," nakaukit talaga ang lungkot sa kabuuan ng mukha niya.
Nagbaba ako ng tingin, hindi ko siya magawang tingnan ng deretso. Gusto kong magsisi na sinabi ko pa iyon. Pero sa kabilang banda ay nakahinga ako nang maluwang nang malaman niya.
Maxwell...
Naalala ko na naman si Maxwell. 'Ayun na naman 'yong pag-iisip ko kung ano ang naramdaman niya. Kung paano niyang natiis na panoorin kami. Kung ano ang nararamdaman niya ngayon.
"Sigurado ka bang wala kang nararamdaman kay Maxrill?" hindi ko inaasahang tanong niya, naroon ang pag-aalala.
Napatitig ako sa kaniya. "Tita," hindi makapaniwalang tawag ko. "Wala po," mariing sagot ko. "Hindi ko alam kung paano ninyo akong paniniwalaan pero wala po talaga."
Bumuntong-hininga siya. "Madali kasing intindihin iyong una, Yaz. Lahat tayo ay nagkakamali. Sa katunayan, gaya ng sinabi mo ay tinanggap ni Maxwell 'yon. Pero 'yong gawin mo iyon sa ikalawang beses ang medyo...mahirap intindihin. Napakasakit no'n sa parte niya."
Hindi ako nakasagot. Talagang maling-mali iyon, kahit ako ay hindi makapaniwalang nagawa iyon. Kahit ako ay hindi mapatawad ang sarili ko dahil do'n.
"Iyong malaman lang na iisang babae ang minamahal nila ng kapatid niya, mahirap na. Ano pa sa tingin mo 'yong nangyari sa pagitan ninyo ni Maxrill?"
Fuck... Nangilid ang luha ko ngunit awtomatikong pinunasan iyon.
"Kapag nagmahal ka, lahat ay gagawin mo, hindi ba?" ngiti niya. "Ginawa mo iyon kay Maxwell," humahanga niyang dagdag. "Lahat kami ay bumilib nang piliin mong maging nurse dahil sa kaniya."
Bahagya akong kinilig sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nang sabihin niyang lahat sila ay bumilib, pakiramdam ko ay kasama si Maxwell sa mga iyon.
"Ibig kong sabihin, ganoon lang din si Maxrill," bigla ay dagdag niya. "Gagawin ang lahat dahil mahal ka niya. Kahit pa ang kapalit ay galit ng kaniyang pamilya. Kahit pa masaktan ang kapatid niya. Kahit pa ang kapalit ay panibagong sakit dahil may ibang minamahal ang babaeng pinapangarap niya."
"Tama iyong prangkahin mo siya na hanggang kapatid lang ang tingin mo sa kaniya. Walang ibang paraan para maiparating 'yon nang hindi siya nasasaktan. Isa pa, kahit gaano mo pagandahin ang mga salita, masasaktan siya sa katotohanang hindi mo siya kayang mahalin pabalik."
"But you also made it impossible for Maxrill to move on, Yaz. At bilang nagmahal ka na noon ng iba, alam mo kung gaano kahirap makalimot sa unang taong minahal mo,"dagdag niya. "Iyong mga pagsusungit niya sa iyo, patunay iyon na umiiwas na siya. Pero dahil gumanti ka sa halik niya, nawalan siya ng sapat na oras para maghilom."
Sa kabila ng pananahimik ko sa maraming sinabi niya ay parang lalo pa akong nanahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
"Para sa 'yo ay wala lang ang halik na 'yon. Pero para kay Maxrill, katuparan na 'yon ng pangarap niya. Para sa 'yo ay pagkakamali lang ang halik na 'yon. Pero tiwala ni Maxwell ang napunit sa panandaliang pagkalimot mo."
Damn it, Yaz. You're such a bitch!
"Binigyan mo ng pag-asa si Maxrill na hindi mo naman kayang panindigan. Sinira mo ang tiwala ni Maxwell gayong hindi mo naman siya kayang bitawan," mayamaya ay malungkot niyang dagdag. "Kung nagagalit ka kay Keziah dahil sa tingin mo ay ginagamit siya ni Maxwell para saktan ka," bumuntong-hininga siya. "Bakit hindi ka nagalit sa sarili mo noong ibaling mo kay Maxrill ang mga kakulangan iyong nobyo? Kasi sa nakikita ko, ginamit mo lang din siya para malimutan ang kalungkutan."
Lalo akong nawalan ng tyansang salubungin ang tingin ni Heurt. Hindi ko napaghandaan ang ganoong klase ng usapan. Nasasaktan ako sa katotohanang naituturo niya ang pagkakamali ko, bagay na hindi ko nakikita at naiisip.
"Naiintindihan kita sa parte na hangad mo ng oras at atensyon, kahit sino kasi ay gusto iyon. Pero naabuso mo ang karapatan mo bilang nobya, Yaz," ngumiti siya. "Ang paghahangad nang sobra ay ipinipilit mo na. Na umabot ka sa puntong hinanap mo iyon sa iba, sa kapatid pa niya. Ang karapatan ni Maxwell na maintindihan, nakalimutan mo na."
Muli akong yumuko. Paano ko ba iyong sasagutin? Pero dapat nga ba akong sumagot?
"Cheating is never okay, Yaz," malungkot niyang sinabi. "Kahit pa sabihin natin na nagkulang siya sa oras at atensyon, hindi sapat na dahilan iyon para gawin ninyo iyon ni Maxrill. At hindi mo dapat ungkatin ang kasalanan ng isa para mabigyan ng hustisya ang paggawa mo ng mali."
Umiling ako nang umiling at natakpan ang sarili kong mukha sa kahihiyan, kalungkutan at pagsisisi.
"Maaari kang humingi ng tawad nang iyon lang ang sinasabi. Ang paghingi ng tawad ay ginagawa upang humingi ng kapatawaran, Yaz," patuloy niya.
"Hindi kasama sa paghingi ng tawad ang paninimbang sa mali ng iba, sa pagpuna sa kakulangan niya. Hindi ka maaaring humingi ng sorry at sabihin sa kaniya na kaya mo nagawa iyon dahil nagkulang siya. Kahit pa iyon ang dahilan mo. Huwag mong isalin sa kaniya ang pakiramdam ng pagsisisi dahil pinili mong gumawa ng mali. Ang pagsisisi ay pansirili, Yaz. Hindi ibang tao ang dapat na makapagparamdam niyon kanino man," tuloy-tuloy niyang sinabi.
Sinikil ako ng sarili ko. Sobra-sobrang guilt ang naramdaman ko sa napakaraming sinabi niya. Bawat salita ay para bang idiniriin sa 'kin na ganoon ako, na ang sinasabi niya ay tama. Na ako ang mali at ibinabaling ko iyon sa kaniya para mapagaan ang pakiramdam ko. Na sinasarili ko ang pagiging biktima, kahit na ang totoo ay lahat kami.
"Umamin ka, anong naramdaman mo nang sandaling naroon kayo sa tabing-dagat ni Maxrill?"
Nagbaba ako ng tingin. "Masaya ako no'n, tita. But nothing emotional is going on, I swear."
Tumango-tango siya saka sandaling tumahimik. "Bakit ka aalis ng Palawan?" ngiti niya.
"Kasi...nasasaktan na 'ko, tita." Gumuhit na naman ang mga luha sa aking mata. "Nahihirapan na 'ko, hindi niya na 'ko tinitingnan. Pakiramdam ko...nandidiri na siya sa 'kin," doon na ako tuluyang naiyak.
"Kung ako kasi ang tatanungin, lalayo rin ako. Kaya naiintindihan kita kung pipiliin mong lumayo na."
"Nasasaktan akong makita na parang wala lang sa kaniya."
"Nasasaktan din siya, Yaz," emosyonal niyang sinabi. "Mas mahusay nga lang siyang magtago ng nararamdaman kaysa sa 'yo."
"Pero bakit natitiis niya 'ko? Natitiis niya akong hindi tingnan. Natitiis niya akong hindi makasama. Kasi ako, tita...hindi ko na kaya. Gustong-gusto ko na uli siyang makausap, mahakawan, mayakap."
"Ganoon siya masaktan, hija. At sinoman sa atin ay walang karapatan na kwestyunin 'yon. May kani-kaniya tayong paraan ng pagdadala ng sakit at problema. Hindi dahil nakangiti siya ay kaya niya nang makitang nasasaktan ka. Hindi dahil nakapagtatrabaho siya ay wala na siyang nararamdaman."
"Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko alam kung bakit pinahihirapan niya ako nang ganito."
"Dahil binibigyan ka niya ng pagkakataon na piliin ang kapatid niya nang sayanging mo ang pagkakataon na magkatuluyan kayong dalawa."
"Tita..." hindi ko matanggap ang sinabi niya. Umiling ako nang umiling, litong-lito! "Pero siya ang mahal ko at alam niya 'yon."
Bumuntong-hininga siya. "Kung aalis ka...makakaya mo ba?" malungkot niyang tanong.
"Kakayanin ko, tita," matigas ang loob kong sagot.
"Kahit masakit?"
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at bigla na namang naluha. "Kailangan, tita."
Tumango siya. "Masaya ako na pinipili mo ang sarili mo. Kasi kahit gaano ka kamahal ng isang tao, sarili mo lang ang makaiintindi at magmamahal sa 'yo sa huli kapag nawala ang taong 'yon. Mawala na ang lahat, 'wag lang ang sarili mo. Doon mo mararamdaman ang pag-iisa."
Lalo akong naluha. Wala pa man, pakiramdam ko ay sinasabi niya nang mawawala si Maxwell sa 'kin. Kahit hindi naman ganoon ang ibig niyang sabihin.
"Pero sa kabilang banda ay hinihiling ko na sana, hindi mo gagawin ito para lang makita kung ano ang katayuan mo sa kaniya," dagdag ni Heurt. "Ayokong isipin na aalis ka para lang malaman kung hahabol siya."
Napapahiya akong nagbaba ng tingin. Dahil alam ko sa sarili kong may malaking parte sa desisyon ko ang sinabi niya.
Hindi ako nakasagot, hindi ko kayang aminin na tama siya sa naisip.
"Kaya mo bang...kalimutan si Maxwell?"hindi ko inaasahan ang sumunod na tanong niya.
Natigilan ako at napatitig sa kaniya. "Tita..."
Malungkot siyang ngumiti. "Kasi kung aalis ka, bibigyan mo siya ng pagkakataong kalimutan ka."
Lalo pa akong natigilan at bigla ay nagdalawang-isip. Paulit-ulit na naglaro sa isip ko ang tanong niya at posibilidad ng sinabi niya. Pakiramdam ko ay biglang nagbago ang desisyon ko at gusto ko na lang na manatili rito.
"Kapag umalis ka at pinalaya ka niya..."binitin ni Heurt ang sinasabi, unti-unti akong dinudurog. "Kalilimutan ka ng Del Valle na iyon."
Magkakasunod na patak ng luha ang naisagot ko. Napatitig ako sa kawalan. Hindi pa man ganoon ang nangyayari ay ganito na ang reaksyon ko.
Magagawa ni Maxwell 'yon? Hindi ko matanggap.
Noon ko lang naisip kung paanong kinalimutan ni Maxwell ang nararamdaman kay Dein. Kung paano siyang nagparaya para sa kaibigan. Kung paano siyang nagmahal ng panibago matapos ang sakit na pinagdaanan.
Pero kung magpaparaya siya this time, para kanino? Kay Maxrill? Napailing ako. Hindi ko matatanggap na ako ang ipaparaya niya. Magkakasunod muling pumatak ang mga luha ko.
"Kung gagawin mo ito para sa sarili mo, hindi kita pipigilan, Yaz," ngiti ni Heurt, hindi na ako hinayaang sumagot. "Iyon ang pinakamabuting gawin mo. Iyon ang pinakamagandang desisyon."
"Pero paano kung...kalimutan ako ni Maxwell?"
Ngumiti siya. "Hindi ba't mas mahalaga na hindi mo malimutan ang sarili mo?"
"Hindi ko kaya, tita," magkakasunod na luha ang muling pumatak sa mga mata ko. Umiling ako nang umiling. "Hindi ko kaya, tita. Mahal ko si Maxwell."
"Iyon ang isalba mo, iyong pagmamahal mo. Hindi naman magbabago ang katotohanang mahal mo siya, narito ka man o wala, Yaz," malungkot siyang ngumiti. "Pero kung mananatili ka rito, paulit-ulit mo lang mararamdaman ang sakit. Lalalim lang ang sama ng loob mo sa bawat araw na dumaraan nang hindi kayo nagkakaayos."
"Pero, tita..."
Para akong baliw. Ako ang nagdesisyong aalis. Ngayong narinig ko na ang mga posibleng maging kapalit, heto at nakikiusap akong manatili. Gayong wala namang pumipilit sa akin na umalis. Sinasabi lamang ito ni Heurt dahil ito ang sa tingin niyang tama.
"Piliin mo muna ang sarili mo, Yaz,"malungkot ulit siyang ngumiti. "That's the best thing to do. At sa tingin ko, iyon din ang hangad ni Maxwell para sa 'yo."
Malalim na ang gabi nang makauwi ako. Kung hindi niya ako ipinahatid kay Mang Pitong ay nasisiguro kong tulala akong maglalakad sa dilim. Sa halip na matulog ay nakatitig lang ako sa kisame, walang iniisip ngunit lumuluha. Nasasaktan ngunit walang magawa.
Paulit-ulit kong inisip ang mga sinabi ni Heurt. Kinakastigo ako ng sarili kong isip sa mga punto niya, sising-sisi. Ngunit ang higit na bumabagabag sa 'kin ay kung kakayanin ko nga bang umalis at iwan si Maxwell?
Paano kung makalimutan niya ako? Magagawa niya nga kaya akong kalimutan?
Hindi ko matanggap. Wala pa man ay nasasaktan na ako. Ang sakit-sakit isipin na na malilimutan ako ni Maxwell. Dahil hindi ko alam kung malilimutan ko siya.
Pinunasan ko ang mga luha ko saka bumaling sa tagiliran at nagpatuloy. Umagos nang umagos ang mga luha ko dahilan nang magkakasunod ko ring hikbi. Bumangon ako nang magbara na ang ilong ko at hindi na makahinga.
Panay ang hikbi ko at pagpupunas ng sariling luha nang lumabas ako sa balcony. Ilang oras pa ay nasisiguro kong lilitaw na ang araw. Heto ako at panay pa rin ang iyak. Walang tulog sa kabila nang matinding pagod.
Iniyuko ko ang mukha ko sa aking mga palad saka doon umiyak nang umiyak. Nang makontento ay agad kong pinunasan nang pinunasan ang mga luha ko. At gano'n na lang ang gulat ko nang tumama sa ground floor ang paningin ko. Natulala ako at umawang ang aking labi.
Maxwell...
Naroon siya sa 'baba, nakasandal sa puti at mamahalin niyang kotse, nakapamulsa ang isang kamay at deretsong nakatingala sa akin.
Maxwell...
Sa ilang metrong layo namin, paano kong nakikita ang lungkot sa mga mata niya?
Gumuhit muli ang mga luha sa aking mga mata. "Kung pipiliin ko ba ang sarili ko...kalilimutan mo 'ko?" nasambit ko. "I'm so sorry, Maxwell...I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadya..." dahan-dahan akong napaupo sa paanan ko at nayakap ang sariling mga binti.
Gano'n na lang ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko nang tumalikod siya at sumakay. Ilang saglit lang ay pinaandar niya na ang sasakyan palayo.
Nagising ako kinabukasan sa ingay ng tunog ng cellphone ko. Nag-angat ako ng tingin at gano'n na lang ang pagkasilaw nang makitang maliwanag na. Napatingin ako sa paanan ko, tinanaw ang cellphone sa side table. Pabaliktad akong nakatulog.
Nasapo ko ang ulo nang gumuhit ang sakit doon nang subukan kong bumangon.
Gumapang ako para maabot ang cellphone. "Hello?" sagot ko.
"Are you okay?" tinig iyon ni Keziah.
"Kez..." sinulyapan ko ang pangalan niya saka muling pinakinggan ang linya. "I'm sorry..."umiling ako nang umiling, nasapo ang sariling noo.
"Tsk," bumuntong-hininga siya. "Don't come to work, stay at home and rest, Yaz."
Maayos niya naman iyong sinabi. Pero hindi ko pa rin naiwasang mainis dahil 'ayun na naman 'yong tono niya na para bang siya ang boss.
"Papasok ako," giit ko.
"Rest, Yaz," buntong-hininga niya. "I know you're not okay. Magpahinga ka muna."
Gusto kong sabihin na gusto kong makita si Maxwell. Pero hindi na ako nagpumilit. "Thank you, Keziah," sinsero kong sinabi.
"Yeah," bumuntong-hininga uli siya. "Ako na ang bahalang magsabi kay Maxwell. Magpahinga ka." Iyon lang at ibinaba niya na ang linya.
Inis kong sinimangutan ang cellphone saka ibinato iyon sa kung saan. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang may magkakasunod na kumatok sa pinto.
Maxwell...
Dali-dali akong bumangon at binalutan ang sarili ko. Tumakbo ako sa banyo saka lumalaklak ng mouthwash. Wala pang isang minuto ay ibinuga ko iyon saka tumakbo papunta sa pinto.
"Max..." hindi si Maxwell ang napagbuksan ko. "Tito More..."
"Good morning," walang kasing ganda ang ngiti niya.
"Ano pong ginagawa niyo rito?"
Lalo pa siyang ngumiti. "Well, I'm here for my boys, Yaz. Pero dinalhan na muna kita ng breakfast. Baka kasi brokenhearted ka."
Umawang ang labi ko. Paano niyang nasabi 'yon nang gano'n kaprangka?
"Please?" iminuwestra niyang buksan ko ang pinto.
Pinagbuksan ko siya. "Kailan po kayo dumating?"
"Kanina lang," ngiti niya saka isinenyas ang kasama, si Dirk.
Nakipagtanguan ako rito saka muling bumaling kay tito. "Napakaaga niyo naman po?"
"Oo, ganoon talaga kapag meron kang sariling eroplano," kaswal niyang sinabi. "Paano, mauuna na muna ako. Pupuntahan ko 'yong mga binata ko."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Ganoon kami kamahal ni tito. Alam niya kung kailangan namin kailangan ng presensya nila. Gusto ko na naman tuloy maiyak, pero hindi sa harap niya. Nakakahiya.
"Thank you, tito," emosyonal kong sinabi saka wala sa sariling napakayakap sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya saka tinapik ang likuran ko. Punas ko na ang mga luha ko nang kumalas ako sa kaniya. Pinagkrus niya naman ang mga braso.
"Hayaan mo at kakausapin ko ang anka ko,"may lungkot din sa kaniyang mata.
"Sinabi ba si inyo ni Tita Heurt?"
"Oo," bumuntong-hininga siya. "Mabuti na lang at iyong chopper ang dinala ni Maksimo. Nadala ko iyong eroplano."
Nasapo ko ang aking ulo saka napilitang ngumiti na lang sa kanila. Ang mga ganoong bagay ay kailangan kong ipagpasalamat.
"Thank you, tito," muling sabi ko.
"Sige na, kumain ka na muna."
"Hindi po ako papasok ngayon."
"Magpahinga ka hangga't gusto mo,"sinsero siyang ngumiti. "Kahit hindi ka naman magtrabaho ay mabibigyan ka nang magandang kinabukasan ng anak ko. Kahit ilan pa ang maging anak ninyo."
Umawang ang labi ko. Kailangan niya ba talagang sabihin 'yon? At talagang sa ganoon kakaswal na paraan pa? Sinabi niya iyon na walang intensyong mang-alaska, magyabang o kung ano pa. Sinabi niya iyon dahil iyon ang sa tingin niyang dapat na sabihin. Hindi talaga ako makapaniwala sa klase ng pag-iisip ng mga ito.
"See you, Yaz," tinapik muli ni tito ang balikat ko saka ito tuluyang umalis.
Sandali akong natameme sa pinto saka nilingon ang cart na ipinasok ni Dirk kanina. Isa-isa kong binuksan ang mga 'yon at gano'n na lang ang pagkamangha ko sa presentation ng pagkain.
Sa isang malaking plate ay naroon ang egg na may dalawang yolk, bacon strips, sausages at sauced beans. Ang katamtamang plate ay may dalawang magkapatong na pancake, sa tabi niyon ang syrup. May croissant sa pinakamaliit na plate. Sa tabi niyon ay nakahilera ang stainless steel coffee decanter at cups.
Ngunit ang nakatawag ng pansin ko ay iyong bungkos ng rosas na may iba't ibang kulay.
Napaka-sweet naman ni tito...
Nakangiti kong inamoy iyon at wala pa man ay gumuhit na muli ang luha ko. Bago pa iyon tumulo ay pinunasan ko na. Saka ko kinuha ang letter na nakaipit doon at nakangiting binasa.
There is no distance for me, baby. I still like the way you make me feel even when you're nowhere. I guess my love for you has no limits.
All yours,
Maxwell.
To be continued. . .
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top